Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna...

16
1 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 7 Z est for P rogress Z eal of P artnership Filipino Ikaapat na Markahan Modyul 6 Pag-uugnay ng Sariling Karanasan Batay sa Akdang Ibong Adarna Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna...

Page 1: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

1

Republic of the Philippines

Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest

for Progress

Zeal of Partnership

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 6

Pag-uugnay ng Sariling Karanasan Batay sa

Akdang Ibong Adarna

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

2

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lasy Love B. Obnimaga

Editor: Perla E. Galon

Tagasuri: Juilius A. Enguito

Tagapamahala:

Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS – Filipino

Page 3: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

3

A Alamin

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naiuugnay sa sariling karanasan ang karanasang nabanggit sa binasa.

( F7PD-IVc-d-22)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin.Kumusta ka na

kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang mga modyul sa Unang Markahan.

Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating

tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga

gawaing inihanda ko para sa iyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilalahad sa araling ito ang ilang tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa pangunahing kaisipan at pansuportang detalye ng isang talata, babasahin o sa alinmang akda.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mga mag-aaral

ang pag-unawa sa mga akdang

pampanitikang lumaganap sa Panahon

ng Amerikano, Komonwelt at sa

Kasalukuyan.

Naisusulat ang sariling tula sa

alinmang anyo tinalakay tungkol sa

pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

Page 4: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

4

Aralin

6

Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna

Balikan

Ang Panalangin ng Prinsipe

Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila papanawan ng bait sa hirap ng

dinaranas. Maga ang buong katawan nya, may pilay sa tadyang, at matindi ang

nararamdamang gutom at pagkauhaw. Wala siyang makitang kaligtasan o maaring

makatulong kaya anumang oras ay maari siyang mamatay. Tanging panalangin ang

huli niyang pag-asa. Nagdasal siya sa Mahal na Birhen upang humaba pa ang buhay at

iligtas ang amang may karamdaman. Hindi nya mapaniwalaan ang ginawa sa kanya nina

Don Pedro at Don Diego sapagkat para sa kanya ang karangalan nilang tatlo ay iisa. Kaya

niyang ipagkaloob ang Ibong Adarna sa dalawang kapatid kung iyon ang hangad ng mga

ito at hindi na siyang pagtaklisan pa. Naalala nya nga magulang lalo na ang kalagayan ng

ama sa gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga sugat. Naalala niya sa gitna ng

paghihirap ang bayang kanyang sinilangan, ang palasyong kanyang kinalakhan at ang

pag-aaruga ng mahal na ina na malabis na niyang pinanabikan.

Mga tanong:

1. Sino ang tauhan na tinutukoy na pinilayan at may bali sa tadyang?

_______________________________________________

2. Kanino dumulog si Don Juan upang palakasin ang pananalig na humaba pa ang

kanyang buhay? ______________________________

3. Ano ang naramdaman ni Don Juan sa ginawang pagtataksil ng kanyang dalawang

kapatid? ______________________________________

4. Naging positibo parin ba si Don Juan sa kanyang buhay sa kabila ng kanyang

naranasan? ___________________________________

5. Bakit hindi nawalan ng pag-asa si Don Juan sa kabila ng kanyang pinagdaanang

hirap? ________________________________________

Page 5: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

5

Tuklasin

Gawain A: Alamin Mo Na!

Paano ba natin ihahalintulad ang sarili natin sa mga karanasan ng mga pangunahing

tauhan sa binasa? Tama! Kung ang pangunahing tauhan ay may kinakaharap na pagsubok

na may pagkakahalintulad ng sa atin.

Paano ito makakatulong sa pagbuo ng mabuting hakbang? Malalaman natin ang

hakbang na ginawa ng isang tauhan ay tama dahil nagkakaroon ito ng resulta. Kung ito ay

maganda o masama para sa kanila.

A. Basahing mabuti ang mga piling talata na kinuha sa akda ng Ibong Adarna.

Gabay na tanong:

1. Ano ang mga karanasan na binanggit sa piling talata?

2. Anu-ano namang mga detalye ng karanasan ang inilahad sa talata

na nagkakahalitulad sa iyong karanasan?

Kinuha mula sa https://www.google.com/search?q=ibong+adarna

Halos mawalan na ng pag-asa si Don Juan sa kanyang dinanas sa kamay ng

kanyang kapatid ngunit hindi parin siya bumitaw at nanalangin sa Mahal na Birhen.

Nakita si Don Juan ng Ermitanyo na kulang nalang ay datnan ng kamatayan sa pook

na iyon. Ginamot nito ang kanyang mga sugat at sa isang iglap ay gumaling ito. Labis

ang pasasalamat ni Don Juan sa ginawa ng Ermitanyo.

Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at doon nalaman ng hari ang

nangyari sa kanya bunsong anak dahil isinalaysay ito ng Ibong Adarna sa

pamamagitan ng pagkanta.

Lumuhod si Don Juan sa amang hari upang humingi ng patawad sa ginawa ng

mga kapatid at lumambot naman ang puso ng hari sa ginawang kababaang loob ng

kanyang bunso. Pinatawad ng hari ang ginawa ng dalawang prisipe sa pangakong di na

mauulit.

Page 6: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

6

3. Sa paanong paraan mo ito nai-uugnay sa iyong sariling karanasan?

Ang pagtukoy ng mga karanasan sa binasa ay nagkakaroon ng malaking papel sa

gagawing desisyon dahil dito natin sinasalamin ang ating sarili at naiisip kung tama ba o

mali ang naging desisyon sa buhay.

Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa

ng isang bagay o gawain. Isa itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa,

galaw, o kilos. Ilang mga pangkat na panrelihiyon at mga paraan ng pagtuturo ang

nagpapahalaga sa pagkatuto sa pamamagitan ng karanasan.

Uri ng Karanasan:

• Pangkatawan- Isang pisikal na gawain.

Halimbawa: Naglakbay ng ilang buwan si Don Juan upang mahanap ang engkantadong ibon na makapagpagaling ng karamdaman ng amang hari.

• Pang-isip- Isang pangkaisipang gawain.

Halimbawa: Naalala ni Don Juan ang mga masasayang panahon na magkasamang

buo ang kanyang pamilya.

• Pampuso- Natututunan mula sa pagharap sa mga sitwasyong pangdamdamin

Halimbawa: Sa kabila ng naranasan ng bunso sa kamay ng kanyang akakatandang

kapatid, pagmamahal parin ang damdaming nangingibabaw at hindi ang galit.

• Pangkaluluwa- Pagkatutong pang-espiritu sa pamamagitan ng pagdarasal

Halimbawa: Tinalikuran na siya ng lahat subalit hindi siya nakalimot at nawalan ng pag-asa dumulog sa maykapal upang manalangin.

Ngayon ay balikan ang binasang talata at suriin kung wasto o di wasto batay sa akdang

binasa. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Sa gitna ng pagdurusa, kapakanan parin ng mga kapatid ang nasaisip ni Don

Juan.

_______2. Dahil sa hirap na nadarama pinagsisihan ni Don Juan ang paghahanap sa

ibong Adarna.

________3. Ipinalangin ni Don Juan nah parusahan nawa ng diyos ang ginawa sa kanya ng

kapatid.

_______4. Hindi nagtanim ng sakit ng loob si Don Juan sa kabila ng ginawa sa kanya.

_______5. Napagtagumpayan ni Don Juan ang hirap at sakit ngkanyang niranas sa

pamamagitan ng kanyang sariling lakas.

Page 7: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

7

Suriin

PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang buod at sagutin ang hinihinging

impormasyon sa ibaba.

Gawain: Ihambing ang mga kaugalian ng mga magkapatid na nabanggit sa buod ng

kabanata sa kaugalian ng mga magkakapatid sa makabagong panahon. Isulat ito sa diagram.

Ibong Adarna Buod Kabanata 16: Bagong Paraiso (Saknong 443 – 479)

Mala-paraiso ang kabundukan ng Armanya. Sagana sa lahat ng bagay ang

nasabing kabundukan at maraming hayop ang naninirahan dito.

Sa bundok na ito nanirahan at nagtago si Don Juan sa takot na

maparusahan ng kanyang amang hari dahil sa nagawang kasalanan.

Nahihiya nang humarap si Don Diego kay Don Juan dahil sa pagtataksil na ginawa ng dalawa dito. Bagama’t di sumang-ayon si Don Diego nung una sa

plano ni Don Pedro na manirahan sa gubat kasama si Don Juan, nagtagumpay

parin ito sa pagsulsol na mapapayag si Don Diego sa plano.

Tinanggap naman ni Don Juan ang dalawang kapatid na makasamang

manirahan sa bundok dahil mahal niya ang mga ito.

Masayang namuhay ang tatlo sa Armenya habang nakatira sa isang magarang

bahay na gawa sa kahoy. Isang araw, napagkasunduan ng tatlo na tuklasin ang

hiwaga ng kabundukan ng Armenya

Page 8: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

8

Pagyamanin

Magkapatid sa Buod ng Kabanata Magkapatid sa Panahon Ngayon

1. Sa kabila ng kataksilan na ginawa,

si Don Juan ay nagpapatawad.

1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Ibong Adarna Buod Kabanata 22: Bagong Kataksilan (Saknong 659 – 731)

Biglang naalala ni Prinsesa Leonora na naiwan ang singsing na diyamante na bigay

pa ng kaniyang ina.

Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang singsing.

Habang bumababa ng balon ang prinsipe biglang pinutol ni Don Pedro ang pisi kung

kaya’t nahulog ito.

Labis na nanlumo ang prinsesa sa kataksilang ginawa ni Don Pedro. Nang makabalik ang dalawa sa Berbanya itinanong ng Hari kung nasaan ang bunsong

anak ngunit pinabulaanan nila na hindi daw nila nahanap si Don Juan.

Sa halip ay nakapagligtas sila ng dalawang dilag mula sa higante at serpyente.

Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit sinabi ni Prinsesa Leonora na

hindi siya maaaring ipakasal pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.

Kaya si Don Diego at Donya Juana nalang ang nagpakasal.

Page 9: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

9

A. Balikan ang piling buod sa itaas at Ibigay ang sariling opinyon sa bawat

pangungusap. Isulat ang salitang nagawa at di-nagawa batay sa sariling karanasan.

Mga Sitwasyon sa akdang binasa Sariling karanasan

1. May kusang loob na tumulong sa kapwa.

2. Handang magsakripisyo para sa

ikabubuti ng iba.

3. Tumulong sa paghahanap ng

nawawalang importanteng bagay.

4. Ipinagkanulo ang kapatid para sa sariling interes.

5. Pagpapakumbaba sa lahat ng

panahon sa kabila ng naranasang pangyayari.

B. Ano ang pangyayari sa iyong buhay na sinubok ang iyong pananampalataya?

Paano mo ito hinarap?

Ang pangyayari sa aking buhay na

sinubok ang aking pananampalataya

ay…

Hinarap ko ang pagsubok na ito na…

Page 10: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

10

Isaisip

Ang mahalagang tuntunin na dapat tandaan sa pag-uugnay ng sariling karanasan

batay sa akdang binasa ay:

• Nagagamit ang sariling kaalaman sa kinakaharap nah karanasan.

• Maging positibo at magpapakumbaba sa lahat ng bagay.

• Huwag kalimutang manalangin sa maykapal.

Tayahin

A. Piliin ang pinaka-angkop na pahayag na maaaring iugnay sa sariling

karanasan. Isulat ang litra sa sagutang papel.

1. Si Don Pedro ay may malaking lihim na inggit kay Don Juan. Kung ako si Don

Pedro, ang dapat kung gawin ay ________.

a. Magparaya para sa ikabubuti ng kapatid.

b. Gumawa ng lihim na hakbang para mawala sa landas si Don Juan.

c. Panindigan ang pagiging panganay at gagawin ang lahat kahit may

maapakang iba.

d. Kalimutan na ang kapatid.

2. Nalaman ni haring Fernando ang ginawa ng dalawang anak sa kanilang bunso.

Kung ako si haring Fernando, ano ang mararamdaman ko ay_________.

a. Kasiyahan ng muntikan ng mamatay ang bunsong anak.

b. Galit para sa dalawang anak at awa sa bunsong anak.

c. Kawalang interes sa nararamdaman ng mga anak.

d. Aliw sa pagdating ng ibong adarna sa kaharian.

3. Sinabi ng palihim ni Don Pedro kai Don Diego ang masamang balak kai Don

Juan. Kung ako si Don Juan ang hindi ko dapat ginawa ay_____________.

a. Pagtulong sa nakaka-awang pangyayari kapatid na si Don Juan.

b. Pagsang-ayon niya sa balak ni Don Pedro.

c. Pinoprotektahan ang kapatid laban sa masamang balak ni Don Pedro.

d. Pag-amin sa hari sa nagawang kasalanan pagkadating sa kaharian.

Page 11: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

11

4. Si Don Juan ay nakahandusay at halos mawalan na ng malay sa ginawang

pagbugbog at pagtataksil ng mga kapatid. Kung ako si Don Juan ano ang aking

iisiping gagawin para sa mga kapatid ay_____________.

a. Maghihigante at ipaparanas sa mga kapatid ang naranasan niya.

b. Magpapatawad at Ipapasa-diyos nalang ang kanilang ginawa.

c. Magpapakagaling at hindi na magpapakita sa kahariang Berbanya.

d. Maghahasik ng kasamaan sa baying sinilangan.

5. Lubhang nasaktan ang reyna Valeriana sa nangyaring pananakit ng kanyang

mga anak sa bunsong kapatid nito. Kung ikaw si reyna Valeriana ang dapat

kung gawin bilang isang ina ay_____________.

a. Konsentehin ang masamang gawain ng mga anak.

b. Sulsulan ang mga anak na gumawa pa ng masama.

c. Pagalitan at palayasin ang dalawang anak.

d. Pagsabihan at ipapa-unawa sa dalawa anak na ang ginawa ay masama.

B. Suriin ang mga karanasan na nabanggit sa pangungusap at tukuyin kung

anong damdamin ang nanaig nito.

6. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Don Fernando buhat sa isang

bangungot.

a. Kasiyahan ang nararamdaman.

b. Labis na kalungkutan dahil sa sakit na nararamdaman.

c. Kasakiman ng kapangyarihan

d. Pag-alala sa posibleng mangyayari sa kanyang buhay.

7. Inabot ng tatlong buwan ang paglalakbay ni Don Pedro bago tuluyang

matunton ang daan paakyat sa Bundok ng Tabor.

a. Pagkapagod sa paglalakad.

b. Pagkalupaypay sa tindi ng gutom.

c. Pagkamuhi sa mga magulang dahil sa nangyari.

d. Kawalan ng Pag-asa

8. Naniniwala ang prinsipe na kusang dadating ang biyaya sa kanya kung mabuti

ang kaniyang hangarin.

a. Pananalig sa Maykapal

b. Pananalig sa Iba

c. Pananalig sa sariling lakas

d. Pananalig sa Kalikasan

9. Nagyakapan ang tatlong prinsipe at labis na nagalak dahil sa wakas ay

gagaling na ang kanilang ama dahil sa nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.

a. Pasasalamat sa biyayang natanggap.

b. Pag-aalala dahil nakaligtas ang kanyang kapatid.

c. Kalungkutan dahil nahihinuha nito ang balak ng kapatid

d. Kasiyahan sa muling pagkikita ng ligtas.

Page 12: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

12

10. Bumalik ng palasyo ang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Bagama’t

nakaratay parin ay pinilit ni Don Fernando na bumangon upang mayakap ang

dalawang anak na matagal nang nawalay sa kanya.

a. Pag-aalala para sa mga anak.

b. Pasasalamat para sa pagdating nito na dala ang Ibong adarna.

c. Mat(inding pananabik sa pagkawalay ng mga anak

d. Pagkamuhi at gusto nitong parusahan ang dalawang anak.

C. Basahin ang buod ng kabanata sa ibaba. Punan ng mga sagot ang patlang na

makikita sa loob ng kahon.

Ibong Adarna Buod Kabanata 26: Pagtangis ng Prinsesa (Saknong 832 – 858)

Walang tigil ang pagtangis ni Prinsesa Leonora habang si Don Juan naman ay

naghahanap ng ibang kapalaran. Patuloy na (11) ____________ ang prinsesa at hindi

pinagbubuksan ang sinumang kumatok sa tuwing nalalaman niya na hindi iyon si

Don Juan.

Nagngingitngit sa (12) __________________ si Don Pedro dahil si Don Juan pa rin ang

(13) __________________ ni Prinsesa Leonora.

Nagdaan pa ang limang buwan na (14) ________________ at natapos na ang pitong

ulit na (15) ___________________ ni Don Juan bago tuluyang nakarating sa dampa

ng ermitanyo na sinasabi ng matanda.

• GALIT

• LAMAN NG PUSO

• NAGDURUSA

• PAGHIHIRAP

• PAGLALAKBAY

Page 13: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

13

Karagdagang Gawain

Tukuyin kung anong uri ng karanasan ang nabanggit sa pahayag kung ito ay

pangkatawan, pang-isip, pampuso o pangkaluluwa. Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 1. Tanging panalangin ang huli niyang pag-asa.

__________ 2. Maga ang buong katawan nya, may pilay sa tadyang.

__________ 3. Humingi ng patawad si Don Juan sa ginawa ng mga kapatid.

__________4. Naalala niya sa gitna ng paghihirap ang bayang kanyang sinilangan.

__________ 5. Pinatawad ng hari ang ginawa ng dalawang prisipe.

Page 14: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

14

Susi sa Pagwawasto

8

BALIKAN:

1.Don Juan

2.Mahal na

Birhen

3.nasaktan

4.Oo

5.Dahil

meron

siyang

pananalig

sa

Karagdagang

Gawain:

1.Pangkaluluw

a

2.Pangkatawa

n

3.Pampuso

4.Pang-iisip

5.Pampuso

PAGYAMANIN:

A.

1.nagawa

2.nawaga

3.nagawa

4.di-naga

wa

5.nagawa

B.

TAYAHIN:

A.

1.A

2.B

3.B

4.B

5.D

B.

6. B

7. A

8. A

9. D

10. C

C.

11. PAGDURUSA

12. GALIT

13. LAMAN NG PUSO

14. PAGLALAKBAY

15. PAGHIHIRAP

TUKLASIN:

B.

1. wasto

2. di-wasto

3. di-wasto

4. wasto

5. di-wasto

Page 15: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

15

Sanggunian

“Ibong Adarna buod kabanata 16: Bagong Paraiso (saknong 443-479).” Accessed December 2020.

https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-16.

“Ibong Adarna buod kabanata 2: Ang karadaman ni Don Fernando (saknong 30-45).” Accessed

December 2020. https://noypi.com.ph/ibong-adarna-buod/#Kabanata-2.

“Ibong Adarna buod kabanata 22: Bagong kataksilan (Saknong 659-731).” Accessed December

2020. https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-22.

“Ibong Adarna buod kabanata 26: Pagtagis ng Prinsesa (Saknong 832-858).” Accessed December

2020. https://pinoycollection.com/ibong-adarna-buod/#Kabanata-26.

Department of Education. Filipino 3 learners’ guide. Philippines: Department of Education, 2016.

Department of Education. Filipino teachers’ guide. Philippines: Department of Education, 2016.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies. Philippines: Department of

Education, 2020.

Ibong Adarna Resource Website. “Kabanata 9: Buod.” Accessed December 2020.

https://ibongadarnap31h.wordpress.com/mga-kabanata/kabanata-9/kabanata-9-buod/.

Wikipedia. “Karanasan.” Accessed December 2020. https://tl.wikipedia.org/wiki/Karanasan.

Page 16: Z P Zeal Partnership Filipino4 Aralin 6 Pag-uugnay ng sriling karanasan batay sa akdang Ibong Adarna Balikan Ang Panalangin ng Prinsipe Nasa gitna ng kagubatan si Don Juan at tila

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men and Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that I was

walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints

– one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one

set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you

leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have

never left you. There was only one (1) set of

footprints in the sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest Against the

earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who intimately

lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.