Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral...

31
 Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Intramuros, Manila Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Isang pananaliksik Bilang Patupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Ipinasa ni: Abuan, Mary Jude Marby Faith F. Cuevas, Marie Angelica G. De Luna, Zsarina Beatriz L. Estopace, Mariz Lynzel E. Paderanga, Katrina Alta J. Vergara, Jolina T. BS Biology 1-1 Ipinasa kay: Bb. Sherlyn Salgado Dalubguro Pebrero 2013

description

Isang pananaliksik na isinagawa bilang pagsunod sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 102: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Transcript of Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral...

Page 1: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 1/31

 

Pamantasan ng Lungsod ng MaynilaIntramuros, Manila

Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan saLaboratoryo ng Haynayan sa Akademikong

Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

Isang pananaliksik

Bilang Patupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa AsignaturangPagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa ni:

Abuan, Mary Jude Marby Faith F.Cuevas, Marie Angelica G.

De Luna, Zsarina Beatriz L.Estopace, Mariz Lynzel E.Paderanga, Katrina Alta J.

Vergara, Jolina T.

BS Biology 1-1

Ipinasa kay:

Bb. Sherlyn Salgado

Dalubguro

Pebrero 2013

Page 2: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 2/31

 

DAHON NG PAGPAPASIYA

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, ang

pananaliksik na ito na pinamagatang Epekto ng Kakulangan ng

Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto

ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BS Biology

I-1 na binubuo nina:

Mary Jude Marby Faith Abuan Jolina Vergara

Marie Angelica Cuevas Katrina Alta Paderanga

Zsarina Beatriz De Luna Mariz Lynzel Estopace

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Agham ,

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, bilang isa sa mga pangangailangan sa

asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Shirley B. Salgado

Propesor ng FIL 102

Page 3: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 3/31

 

ABSTRAK NG PAG-AARAL

Ang Agham ay may layuning tumuklas, magpaliwanag, at mag-

obserba ng mga bagay, buhay man o hindi, sa mundong ating ginagalawan.

Malaki ang ginagampanan ng mga laboratory lalung-lalo na sa mga taong

dalubhasa sa larangan ng Agham. Ito ang tumatayo nilang tahanan upang

makapagsagawa ng mga bagong tuklas na siyang makapagpapabuti at

makapagpapaunlad ng ating mga buhay. Isa sa sanga ng Agham ang

Haynayan. Ang bahaging ito ng Agham ay nag-aral at nag-oobserba ng mga

buhay na bagay na mayroon sa ating mundo. Mahalaga para sa mga taong

nag-aaral at dalubhasa rito na makita at ma-obserbahan ng aktwal ang mga

buhay na nilalang. Bilang mag-aaral sa larangang ito, malaki ang gampanin

ng laboratoryo kasama ang iba’t-ibang aparato. Nagiging epektibo ang

pagkatuto kung ang mga konseptong may kaugnayan ditto ay nailalapat.

Mahalaga ang bawat eksperimentong isinasagawa rito dahil bukod sa

epektibong pagkatuto ay napapataas nito ang interes ng mga mag-aaral,

kahusayan, at pati na rin ang kabuluhan ng kanilang pinag-aaralan.

Ang pinakamahalagang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin at suriin

ang mga mabuti at masamang epekto ng kakulangan at kalumaan ng mga

kagamitang panlaboratoryo sa kahusayan ng mga mag-aaral ng BS

Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang mga sumusunod ay

ispesipikong layunin ng pananaliksik:

Page 4: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 4/31

 

1. isa-isahin ang mga aparato na matatagpuan at magagamit sa

laboratoryo ng haynayan ng PLM.

2. Alamin ang mga dahilan kung bakit nararanasan ng Pamantasan ang

kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo ng haynayan.

3. Isa-isahin ang mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang

masolusyonan ang kakulangan sa mga kagamitang panlaboratoryo.

Makakakalap ng mga datos sa mga silid-aklatan at internet ng mga

dyornal, artikulo, at iba pang materyales na maaring pagkunan ng mga

impormasyong makakatulong sa pag-aaral na ito. Magsasagawa din ng

sarbey sa paraang deskriptib na naglalaman ng sampung katanungan.

Sasagutan ito ng mga mag-aaral ng BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod

ng Maynila.

Ipapakita ng magiging resulta sa pag-aaral na ito na magiging malaki

ang gampanin ng paggamit at paggugol sa mga kagamitang panlaboratoryo

sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral. Naglalaman ito ng (pages)

pahinang papel kasama ang mga dahong dagdag.

Page 5: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 5/31

 

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay buong pusong nagpapasalamat sa mga

sumusunod na indibidwal at grupo na nagkaroon ng malaking kontribusyon

at naging dahilan upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito:

- Sa Panginoong maykapal na siyang gumabay at nagbigay ng sapat na

lakas at tapang sa bawat isa sa amin upang hindi sumuko sa pagharap

sa bawat pagsubok na dala ng pananaliksik.

- Kay Bb. Shirley B. Salgado, ang propesor sa asignatura , na nagbigay

ng kaalaman, mungkahi, at proseso upang magampanan at mapabuti

ang kalalabasan ng pananaliksik.

- Sa mga estudyante ng Haynayan na naglaan ng oras upang sagutin

ang sarbey na inihanda ng grupo. Walang istatistikal na datos ang

mailalagay at hindi maisasakatuparan ang pananaliksik na ito kung

hindi dahil sa mga kasagutan nila.

- Sa mga may-akda, editor at iba pang mga mananaliksik ng aklat at

artikulong pinagkuhanan sa pagbuo at paggawa ng Kabanata II.

Page 6: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 6/31

 

- Sa mga guro ng Kolehiyo ng Agham, lalo na kanila Ma’am Fe Corazon

A. Jacinto at Ma’am Michelle A. Ventura sa malugod na pagtanggap at

pagpapahintulot sa aming grupo na tumingin sa imbentaryo ng mga

aparato sa laboratoryo ng Haynayan upang matiyak ang mga

impormasyong nakalaan para sa pananaliksik.

- Sa mga kaklase at kaibigang nagbigay ligaya at kasiyahan habang an

gaming grupo ay nasa proseso ng paggawa ng pananaliksik.

- Sa aming pamilya, na nagpayabong ng aming isipan, nagbigay ng

walang humpay na suporta at pag-aaruga, emosyonal na tulong at

paghihikayat na aming matatapos ito.

Maraming Salamat!

-Mga Mananaliksik

Page 7: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 7/31

 

TALAAN NG NILALAMAN 

Kabanata Pamagat Pahina

Pahina ng Pamagat iDahon ng Pagpapasiya ii

Abstrak ng Pag-aaral iiiPasasalamat v

Talaan ng Nilalaman vii

I Panimula

A.  Kaligirang Pangkasaysayan 1B.  Paglalahad ng Suliranin 2

C. Kahalagahan ng Pag-aaral 3D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3

II Konseptwal na Balangkas

A.  Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 5B.  Sintesis 7

C. Konseptwal na Balangkas 9D. Kahulugan ng mga Terminolohiya 10

III Metodolohiya

A.  Disenyo ng Pananaliksik 12B.  Instrumentasyon 12

C. Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral 13

D. Istatistikal na Pagsusuri 14

Sanggunian 20Dahong Dagdag 21

Pansariling Tala 25

Page 8: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 8/31

 

Kabanata I: Panimula

A. Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Agham, na mabibigyang kahulugan bilang sistematikong proseso

ng pagtamo ng kaalaman at organisadong bahagi ng kaalaman, ay isang

malawak at komplikadong disiplina na karunungan at ito ay sumasaklaw

pa sa mga iba pang disiplina ng kaalaman. Isa na rito ay ang Biology o

Haynayan na siyang nag-aaral sa mga nabubuhay na organismo- makro

at mikro- sa mundo katulad na lamang ng mga hayop, halaman, tao, at

iba pa.

Ang Haynayan ay isang buhay at dinamikong bahagi ng Agham na

nangangailangan ng patuloy na pananaliksik at pag-iimbestiga sapagkat

araw- araw ay may panibagong mga natutuklasan na nakapagpapamulat

sa mga tao sa napakalawak at napakalalim na mundo ng Haynayan.

Sapagkat ito ay nagsusuri sa mga nabubuhay na organismo,

nangangailangan ito ng makabagong kagamitang buhat ng teknolohiya

upang pag-ibayuhin pa ang pag-aaral dito. Kung kaya’ t may mga

laboratoryo. Ang laboratoryo ay isang pasilidad na nagbibigay ng

kontroladong kundisyon kung saan ang isang siyentipikong eksperimento

ay maaring isagawa. Matatagpuan sa loob ng laboratoryo ang mga

Page 9: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 9/31

 

aparato na siyang tutulong sa pagtuklas, pag-alam, at pag-aaral ng mga

komplikado at maliliit na detalye na sakop ng Haynayan.

Ang mga mananaliksik, mula sa Kolehiyo ng Agham na may kursong

BS Biology ay nagsagawa ng pananaliksik patungkol sa epekto ng

kakulangan ng kagamitang panlaboratoryo sa laboratoryo ng Haynayan.

Ang pananaliksik ay bunga ng kanilang pansariling karanasan ukol sa

problemang naidulot ng kakulangan na aparato na magagamit sa klase.

Gayundin, ninanais ng mga mananaliksik na alamin ang opinyon ng

kapwa mag-aaral ukol sa suliranin.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod na suliranin ang nais masolusyonan ng buong

pananaliksik:

1. Anu-ano ang mga siyentipikong aparato ang lubos na kinakailangan

sa laboratoryo ng Haynayan?

2. Bakit nararanasan ng Pamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa

mga aparato lalung-lalo na sa Haynayan?

Page 10: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 10/31

 

3. Anu-ano ang mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral upang

masolusyonan ang kakulangan ng mga kagamitan?

4. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng kakulangan ng

kagamitan ng Pamantasan sa mga mag-aaral?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral ay maipabatid sa mga kinauukulan ang

kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo ng Pamantasan. Sa pag-aaral

naito, kanilang magagawan ng paraan kung paano pa magkakaroon ng

sapat na mga kagamitan ang laboratoryo ng haynayan. Ang pagtugon ng

mga kinauukulan sa pag-aaral na ito ay magiging hakbang upang

mabawasan ang mga suliranin ng mga mag-aaral ng BS Biology.

Makikinabang rin sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng BS

Biology. Ang pagkakaroon ng kakulangan sa kagamitang panlaboratoryo

ay makapag-bibigay daan sa pagiging mapamaraan ng mga mag-aaral.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kahalagahan ng

laboratoryo at ang epekto ng kakulangan ng mga aparato sa akademikong

Page 11: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 11/31

 

pagganap ng mga mag-aaral sa ilalim ng kursong BS Biology ng

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Ang mga mananaliksik ay

magtutuon lamang sa 100 mag-aaral ng nasabing pamantasan at kurso.

Sila rin ay kukuha ng imbentaryo sa tanggapan ng Kolehiyo ng Agham

para alamin ang mga kagamitang mayroon ang unibersidad subalit hindi

pinayagan ang mga ito na kumuha ng sariling kopya. Ang mga

respondente ay bibigyan ng isang pagsusuri (survey) na nag lalaman ng

sampung katanungan na nagpapatungkol sa magiging kasagutan ng mga

suliraning nakapaloob sa nasabing pag-aaral.

Page 12: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 12/31

 

Kabanata II: Konseptwal na Balangkas

A. Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura

Bilang mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM),

isang prebilehiyo para sa atin ang mapabilang sa pangkat ng mga iskolar ng

bayan. Bukod sa libre ang edukasyon, maganda rin ang akademikong

pagganap nito at sa katunayan nga ay isa ang PLM sa mga mahuhusay na

unibersidad sa iba’t ibang larangan dito sa ating bansa. Maraming mga kurso

rin ang mayroon sa PLM at isa na sa listahan ang kursong BS Biology na

nasa ilalim ng Kolehiyo ng Agham.

Malaking bahagdan ng buhay ng isang mag-aaral sa ilalim ng kursong

BS Biology ang umiikot sa mundo ng agham. Kaakibat ng Agham ang

pagtuklas, pananaliksik, at pagpapaliwanag ng mga pangyayaring dulot ng

kalikasan. Dahil dito napakahalaga ng mga eksperimento o mga praktikal na

pagsasanay upang maging epektibo ang pagkatuto ng mga kaalaman at

konseptong kaugnay sa larangang ito. Importante sa kursong ito ang

aplikasyon o paglalapat ng mga konseptong natutunan upang magkaroon

nang bagong tuklas na makatutulong at maaaring makapagpabuti ng

pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Meszaros (2005), “Biology is a laboratory

Page 13: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 13/31

 

science! Teaching Biology requires that students receive laboratory

instruction and engage in appropriate hands-on activities” (p.22). Malaki ang

dulot ng paglalapat ng mga konsepto sa Biology sa epektibong pagkatuto ng

mga mag-aaral lalo na kung ito ay maisasagawa.

Ayon sa isang pag-aaral, mas maraming natututunan ang isang mag-

aaral na gumagamit ng parehong “lecture” at “laboratory approach” sa pag-

aaral ng siyensya (www.sciencefirst.com). Ang paggamit ng laboratoryo ay

nagbibigay daan para sa mga mag-aaral na lubusang magamit ang mga

natutunan nila mula sa mga aklat. Nagiging daan ito para matamo ng mga

mag-aaral ang lohikal at rasyunal na kakayahan sa paggawa at pag-aanalisa

ng mga siyentipikong argument.

Ayon naman kay Dahar at Faize (2001), importanteng magkaroon ng

interaksyon ang isang mag-aaral sa loob ng laboratoryo upang mas maging

pamilyar siya sa tunay na proseso ng nagaganap sa isang sitwasyon. Mas

nagiging makabuluhan ang mga napapag-aralan at nababasa ng mga mag-

aaral kung nagagawa niyang manipulahin ang mga kagamitang

panglaboratoryo upang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa tunay na

konsepto ng proseso ng siyensya.

Page 14: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 14/31

 

Sa isang pag-aaral na ginawa ni Bello (2012) sa Nigeria, kanyang

napagtanto na kaya bumabagsak ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa

sekondarya sa asignaturang Pisika ay dahil sa hindi sapat ang mga

kagamitang panlaboratoryo na dapat ay ipinagkakaloob ng mga paaralan.

Kanya ding nalaman na ang pagkakaroon at paggamit ng mga kagamitang

panlaboratoryo ay nakakapagpataas ng akademikong pagganap ng mga

mag-aaral sa nasabing asignatura. Ang lubusang pag-gugol sa mga

kagamitang panlaboratoryo ay nakakapagpaunlad ng kalidad ng pagkatuto

ng isang mag-aaral.

Ayon sa tanggapan ng Kolehiyo ng Agham, ang mga sumusunod na

kagamitang panglaboratoryo ang mayroon ang PLM: Microscope, Thermal

Cycler Dice,Centrifuge ,Refrigerator, Microtome, Labnet Vortex Mixer, Digital

Incubator, Dual Transilluminator, Submarine electrophoresis system,

autoclave.

B. Sintesis

Ang laboratoryo at ang mga kagamitang nakapaloob dito ay mahalaga

sa pagpapataas ng antas ng karunungan lalo na sa larangan ng siyensa.

Mahalaga na masaksihan ng bawat mag-aaral ng nasabing kurso ang

aktuwal na representasyon ng mga konseptong napapaloob sa haynayan.

Page 15: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 15/31

 

Lumalabas na malaki ang naitutulong ng laboratoryo sa mabilis at

epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mahalagang usapin din ang mga tagapagturo sa Asignaturang ito sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagbibigay ng mga prosedyur ay dapat

may kalinawan at nararapat din na malawak ang nalalaman nila sa

asignaturang kanilang hinahawakan upang sa gayon ay maganda ang

pagpapalitan ng kaalaman, interaksyon saklase at ang pagpapataas ng

interes ng mga mag-aaral habang isinasagawa ang bawat eksperimento.

Dagdag pa dito ay hindi rin magdurusa ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa

loob ng laboratoryo kung malinaw at maayos ang pagbibigay ng kaukulang

tagubilin bago pa man simulan ang bawat eksperimento. Mas lalong

mapaiigting ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ganitong uri ng interaksyon

at paglalapat sa klase.

Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga praktikal na eksperimento sa

laboratory sa pagpapaunlad ng akademikong pagkatuto. Hindi sapat ang

kaalamang itinuturo sa loob ng mga silid aralan, kaya mahalaga ang

pagkakaroon ng interakyon sa laboratory at sa mga kagamitang mayroon

ito.

Page 16: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 16/31

 

C. Konseptwal na Balangkas 

Mga aparato na makikita at magagamit sa

laboratoryo ng Haynayan ng Pamantasan ng

Lungsod ng Maynila

Mga dahilan kung bakit nararanasan ngPamantasan ang kakulangan ng kagamitan sa

laboratory ng Haynayan

Mga alternatibong paraan ng mga mag-aaral

upang masolusyonan ang kakulangan sa

kagamitang panlaboratoryo

Mga epekto ng pagkakaroon ng kakulangan sa

mga kagamitang panlaboratoryo

Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan

sa Laboratoryo ng Haynayan saAkademikong Pagkatuto ng Mag-aaralsa BS Biology ng Pamantasan ngLungsod ng Maynila

Page 17: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 17/31

 

Sdddddddddd

D. Kahulugan ng mga Terminolohiya 

Microscope– isang aparato na ginagamit upang makita pa ng malapitan ang

maliliit at mikroskopikong mga bagay.

Centrifuge  – kasangkapan na binubuo ng isang kompartimentong

nangangala sa pinakamahalagang aksis upang paghiwalayin ang mga

nilalaman na materyales ng iba't-ibang mga espesipikong bigat, o upang

paghiwalay in ang mga koloidal na tipik nasan sala dahil sa isang likido.

Refrigerator   – Isang kagamitan o kompartimento na artipisyal na

pinananatiling malamig ang materyales at ginagamit upang mag-imbak ng

pagkain at inumin.

Microtome  – Isang instrument para sa paggupit ng lubhang manipis na

bahagi ng material para sa pagsusuri sa ilalim ng mikroskopyo.

Labnet Vortex Mixer   – isang simpleng aparato na ginagamit karaniwan sa

mga Laboratoryo upang maihalo sa maliit na sisidlan ng likido. Ito ay

binubuo ng isang motor na de- kuryente na pumupwersa sa katawan ng

aparato na nakatuon patayo at nakadikit sa isang hugis-tasang piraso ng

goma na bahagyang umaakyat palayo sa gitna.

Page 18: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 18/31

 

Digital Incubator - ang digital incubator ay isang aparato na may isang silid

na ginagamit upang magbigay ng sapat at maayos na kondisyon lalo na sa

paglilinang ng mga mikroorganismo o sa pangangalaga at proteksyon ng

mga napaagang pinanganak o sakiting sanggol.

 Autoclave - ay isang aparato na ginagamit upang pakuluan ang kagamitan

sa pamamagitan ng pagsasailalim ng mga ito sa mataas na presyon ng

tigmak na init na umaabot sa 121 ° C, humigit-kumulang 15-20 minuto

depende sa laki ng karga at ang mga nilalaman nito. 

Page 19: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 19/31

 

Kabanata III: Metodolohiya 

A. Disenyo ng Pananaliksik 

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey 

Research Design, na gumagamit ng talatanungan upang makalikom ng datos

na siyang magiging daan upang masagot ang mga suliranin. Naniniwala ang

mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa paksa sapagkat

organisado at nakatala ang mga impormasyong makukuha mula sa mga

respondente.

B. Instrumentasyon 

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na naglalayong

makakuha ng datos upang malaman ang epekto ng kakulangan ng mga

kagamitan sa laboratoryo ng Haynayan sa akademikong pagkatuto ng mga

mga-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Page 20: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 20/31

 

Bukod sa sarbey, ang imbentaryo ng mga kagamitan sa laboratoryo ng

Haynayan ang naging primerong basehan ng mga datos ng mga

mananaliksik. Nagkaroon rin ng maikling panayam sa ilan sa mga dalubguro

ng Kolehiyo ng Agham ukol sa mga kagamitan sa laboratoryo. Humango rin

ang mga mananaliksik ng iba pang impormasyon mula sa mga libro,

dyornal, at internet.

C. Hakbang sa Pagsasagawa ng Pag-aaral 

Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng sarbey o talatanungan sa mga

mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at mula sa

mga impormasyong nakalap, kukunin ang bahagdan ng magkakaparehong

sagot ng mga respondente sa bawat tanong. Masusing pinag-aralan at

ginawan ng pagbubuod at konklusyon ang mga sagot. Sa paraang ito,

nakuha ang pananaw ng mga respondente ukol sa paksa ng pananaliksik.

D. Istatistikal na Pagsusuri

Page 21: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 21/31

 

1.  Sapat ba ang kagamitang panglaboratoryo ng pamantasan upang

mapunan ang iyong pangangailangan sa kursong Bs Biology?

(Talahanayan 1) Ipinapakita dito na may saktong kagamitang panlaboratoryo angPamantasan.

2.  Nakakapagpasa ka ba ng “lab report” sa tamang oras sa kabila ng

kakulangan ng kagamitan sa laboratory?

 

(Talahanayan 2) Mas marami ang nakapagpapasa ng lab report sa kabila ng kakulangan ng

aparatong panlaboratoryo.

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi

Medyo

Oo

Total

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi

Medyo

Oo

Total

Page 22: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 22/31

 

3.  Lahat ba ng mga gawain/eksperimento ay naisasagawa ng maayos

gamit ang mga aparatong meron sa laboratory ng pamantasan?

(Talahanayan 3) Mas maraming nagsasabi na nasa katamtamang antas lamang angpagsasagawa ng mga eksperimento

4.  Bumababa ba ang marka ng isang mag-aaral dahil sa kakulangan ng

kagamitan sa laboratory?

(Talahanayan 4) Hindi bumababa ang marka ng mga estudyante kahit kulang ang

gamit sa laboratoryo.

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi

Medyo

Oo

Total

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi

Medyo

Oo

Total

Page 23: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 23/31

 

5.  Sa iyong palagay, masyado na bang luma ang mga kagamitan sa

laboratory?

(Talahanayan 5) Ang mga kagamitan sa laboratory ng Haynayan ay hindi gaanongluma kung kaya’t nagagamit pa. 

6.  Kinakailangan pa bang pumunta sa iba’t ibang institusyong pang-

agham (DOST, atbp.) upang maisagawa ang ilang eksperimentong

kailangan sa kurso mo?

(Talahanayan 6) Hindi gaanong kinakailangang pumunta sa mga

institusyon upang magsagawa ng mga eksperimento.

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi gaano

Hindi

Oo

Total

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi gaanoHindi

Oo

Total

Page 24: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 24/31

 

7.  Ano-anong alternatibong paraan ang iyong ginagawa upang mapunan

ang kakulangan ng Pamantasan sa kagamitang panglaboratoryo?

(Talahanayan 7) Ang alternatibong paraan na madalas na isinasagawa ay angpaggamit ng ibang bagay na kasing epektibo ngunit hindi mahal at mahirap hanapin.

8.  Alin sa mga ss. na aparato ang kadalasang ginagamit ninyo sa

laboratoryo?

(Talahanayan 8) Pinakamadalas na gamitin ay ang Microscope

9.  Iniingatan mo ba ang mga kagamitan sa laboratoryo?

0 20 40 60 80

Q07A

Q07B

Q07C

Q07D

Q07E Fourth year

Third year

Second year

First year

Total

0 20 40 60 80 100

Microscope

Thermal cycle dice

Centrifuge

Refrigerator

Microtome

Labnet vortex mixer

Digital incubator

Dual transilluminator

Submarine electrophoresis system

Autoclave

Fourth year

Third year

Second year

First year

Total

Page 25: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 25/31

 

(Talahanayan 9) 97-98% ang nagsasabing kanilang iniingatan ang mga kagamitan

sa laboratory.

10.  Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng

kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo?

(Talahanayan 10) Sa kabila ng kakulangan ng kagamitan, epektibo pa rin ang

pagkatuto.

Mula sa mga resulta at representasyon, makikitang may karampatang

mga kagamitan ang laboratoryo ng Haynayan ng Pamantasan na madalas

na ginagamit ng mga mag-aaral (microscope) ngunit may kalumaan ang

mga ito at mayroong mga aparato na hindi pa nagagamit.

Sa kabila ng kakulangan at/o kalumaan ng mga aparato sa

laboratoryo, epektibo pa rin ang akademikong pagganap at pagkatuto ng

mga mag-aaral sapagkat sila ay nahihikayat na humanap ng ibang

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth yearMinsan

Hindi

Oo

Total

0 20 40 60 80 100

Total

First year

Second year

Third year

Fourth year

Hindi

Medyo

Oo

Total

Page 26: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 26/31

 

alternatibo at magdiskubre ng mga makabagong inobasyon na siya

naming layunin at hangarin ng Agham.

Page 27: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 27/31

 

SANGGUNIAN

Dahar, M. A., & Faize F. A. (2011). Effect of the Availability and the use of 

Science Laboratories on Academic Achievement of Students in Punjab

(Pakistan). European Journal of Scientific Research, pp.193-202.

Bello, T. O. (2012). Effect of Availability and Utilization of Physics

Laboratory Equipment on Students’ Academic Achievement in Senior

Secondary School Physics. World Journal of Education (Vol. 2, No. 5).

Retrieved February 26, 2013 from http://www.sciencefirst.com/advanced-

science-laboratory-equipment.html

Meszaros, M. W. (2005). Special focus in biology: The importance of 

laboratory work. The teaching series.

National Association of Biology Teachers. (2005). Role of Laboratory and

Field Instruction in Biology Education.

http://www.nabt.org/websites/institution/index.php?p=95 retrieved:

February 27, 2013.

Page 28: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 28/31

 

DAHONG DAGDAG

A. Talatanungan (sarbey)

Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa

Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng

Lungsod ng Maynila

Pangalan:

Edad:

Taon:

1) Sapat ba ang kagamitang panlaboratoryo ng Pamantasan upang

mapunan ang iyong pangangailangan sa kurso mong BS Biology?

2) Nakapag-papasa ka ba ng “lab report” sa tamang oras sa kabila ng

kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo?

3) Lahat ba ng mga gawain/eksperimento ay naisasagawa ng maayos

gamit ang mga aparatong mayroon sa laboratoryo ng Pamantasan?

oo medyo hindi

oo medyo hindi

oo medyo hindi

Page 29: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 29/31

 

4) Bumababa ba ang marka ng isang mag-aaral dahil sa kakulangan ng

kagamitan sa laboratoryo?

oo medyo hindi

5) Sa iyong palagay, masyado na bang luma ang mga kagamitan sa

laboratoryo?

oo hindi Hindi gaano

6) Kinakailangan pa bang pumunta sa iba’t ibang institusyong pang-

agham (DOST, atbp.). upang maisagawa ang ilang eksperimentong

kailangan sa kurso mo?

oo hindi Hindi gaano

7) Ano-anong alternatibong paraan ang iyong ginagawa upang mapunan

ang kakulangan ng Pamantasan sa kagamitang panlaboratoryo? (Maaring

pumili ng higit sa isa)

a. ikaw na ang nagdadala ng gamit na kailangan

b. paggamit ng ibang bagay bilang alternatibo

c. panghihiram ng gamit sa labas ng Pamantasan

d. hindi pagsasagawa ng eksperimento

e. Ibang sagot: _______________________________

Page 30: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 30/31

 

8) Alin sa mga sumusunod na aparato ang kadalasang ginagamit ninyo sa

laboratoryo? (maaaring pumili ng higit pa sa isa)

 ___Microscope

 ___Thermal Cycler Dice

 ___Centrifuge

 ___Refrigerator

 ___Microtome

 ___Labnet Vortex Mixer

 ___Digital Incubator

 ___Dual Transilluminator

 ___Submarine electrophoresis system

 ___autoclave

9) Iniingatan mo ba ang mga kagamitan sa laboratoryo?

oo hindi minsan

10) Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng kakulangan

ng kagamitan sa laboratory?

oo medyo hindi

Page 31: Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

7/16/2019 Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan sa Akademikong Pagkatuto ng Mag-aaral sa B…

http://slidepdf.com/reader/full/epekto-ng-kakulangan-ng-kagamitan-sa-laboratoryo-ng-haynayan-sa-akademikong 31/31

 

B. Imbentaryo ng Kagamitan sa Laboratoryo ng Haynayan

Item Classification Quantity

Digital Incubator

Technical and

Scientific Equipment

2

Dual Transilluminator1

Submarine Electrophoresis System1

Labnet Vortex Mixer1

Microtome1

Nikon Binocular Microscope

30Refrigerated Centrifuge

2

Refrigerator1

PCR Thermal Cycler Dice1

Centrifuge1

Airegard Laminar Air Flow2

Nikon E-100 MicroscopeMedical Dental

Laboratory Equipment21