yi7r

4
AWIT NG PAPURI KORO: Purihin ninyo ang Panginoon Dakilain ang Kanyang ngalan *Purihin Siya ay awitan, At papurihan magpakailanman (ulitin ang *) Hmmm…… 1. Nilikha Nya ang Langit at Lupa, Nilikha Nya ang Araw at B’wan, Nilikha Nya ang mga Isda’t Ibon, Mga Gubat at Karagatan. Tunay Siyang Banal at Dakila, Purihin ang Kanyang ngalan, Ang lahat ng Nilikha Ny’ay mabuti, Pinaglaban Nya ng lubusan. (KORO) 2. Ito ang tinapay ni Yahweh, Sa lahat ng Kanyang nilalang. “Ako ang Iyong Panginoon, Ikaw ang tangi Kong nilalang.” Tunay Siyang Banal at Dakila, Purihin ang Kanyang ngalan, Pinagpapala ang mga taong, Sa Kanya ay tapat kailanman.(KORO) PANGINOON, MAAWA KA Panginoon maawa Ka, Panginoon maawa Ka, Kristo, Kristo, Kristo maawa Ka, Panginoon maawa Ka, Kris…to maa…wa Ka, Panginoon maawa Ka… PAPURI (LUWALHATI SA DIYOS) Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan Kaloob sa lupa ay kapayapaan Pinupuri Ka’t ipinagdarangal Sinasamba ka dahil sa dakila Mong kal’walhatian Panginoon naming D’yos Hari ng langit Amang makapangyarihan Panginoong Hesukristo Bugtong na anak ng Diyos Kordero ng Ama Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan

description

5ey7

Transcript of yi7r

Page 1: yi7r

AWIT NG PAPURI

KORO: Purihin ninyo ang Panginoon

Dakilain ang Kanyang ngalan

*Purihin Siya ay awitan,

At papurihan magpakailanman

(ulitin ang *)

Hmmm……

1. Nilikha Nya ang Langit at Lupa,

Nilikha Nya ang Araw at B’wan,

Nilikha Nya ang mga Isda’t Ibon,

Mga Gubat at Karagatan.

Tunay Siyang Banal at Dakila,

Purihin ang Kanyang ngalan,

Ang lahat ng Nilikha Ny’ay mabuti,

Pinaglaban Nya ng lubusan. (KORO)

2. Ito ang tinapay ni Yahweh,

Sa lahat ng Kanyang nilalang.

“Ako ang Iyong Panginoon,

Ikaw ang tangi Kong nilalang.”

Tunay Siyang Banal at Dakila,

Purihin ang Kanyang ngalan,

Pinagpapala ang mga taong,

Sa Kanya ay tapat kailanman.(KORO)

PANGINOON, MAAWA KA

Panginoon maawa Ka,

Panginoon maawa Ka,

Kristo, Kristo,

Kristo maawa Ka,

Panginoon maawa Ka,

Kris…to maa…wa Ka,

Panginoon maawa Ka…

PAPURI (LUWALHATI SA DIYOS)

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan

Kaloob sa lupa ay kapayapaan

Pinupuri Ka’t ipinagdarangal

Sinasamba ka dahil

sa dakila Mong kal’walhatian

Panginoon naming D’yos Hari ng langit

Amang makapangyarihan

Panginoong Hesukristo

Bugtong na anak ng Diyos Kordero ng Ama

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan

Tanggapin Mo ang aming kahilingan Ikaw na nalulok sa kanan ng Ama Maawa Ka sa amin Ikaw lamang ang banal Panginoong Hesukristo Kasama ng Espiritu

Sa luwalhati ng Ama AMEN

AMEN AMEN… AMEN

Page 2: yi7r

ALELUYA

Aleluya, Aleluya

Aleluya, Aleluya

A..lelu…ya, A..lelu…ya

Aleluya, Aleluya

UNANG ALAY

KORO: Kunin at tangapin ang alay na ito

Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo

Tanda ng bawat pusong,

Pagka’t inibig Mo,

Ngayo’y nananalig, nagmamahal Sa’yo

1. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,

Pagkaing nagbibigay ng buhay Mo..

At alak na nagmula sa isang tangkay na ubas,

Inuming nagbibigay lakas.(KORO)

2. Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok

Lahat ng lakas at kahinaan ko….

Inaalay kong lahat buong pagkatao,

Ito ay isusunod Sayo… (KORO)

Ngayo’y nananalig,umaasa,

dumudulog, sumasamba,

umaawit, nagmamahal… sa’Yo

MISTERYO NG PANANAMPALATAYA

Si Kristo ay namatay,

Si Kristo ay nabuhay,

Si Kristo ay babalik sa wakas ng pahanon…(2x)

GREAT AMEN

A…..men, A…..men,

A………….men,

Amen.

AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit Ka

Sambahin ang ngalan Mo

Mapasaamin ang kaharian Mo

Sundin ang loob Mo

Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo Po kami ngayon

ng aming kakanin sa araw araw

At patawarin Mo kami

Sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin

Sa mga nagkakasala sa’min

At wag Mo kaming ipahintulot sa tukso

At iadya Mo kami sa lahat ng masama

Page 3: yi7r

SAPAGKAT

Sapagkat Sa’Yo ang kahari..an

At ang kapangyari..han

At ang kapurihan

Magpakailanman,

Magpakailanman,

Magpakailanman. Amen

KORDERO

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo

Maawa Ka sa amin,

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,

Ipagkaloob Po Ninyo sa amin ang kapayapaan.

NARITO AKO

KORO: Panginoon, narito ako ,

Naghihintay sa utos Mo,

Lahat ng yaman ko ,

Ay alay ko sa’Yo ,

Ikaw ang tanging buhay ko.

1. Batid ko nga at natanto

Sa kasulatan ‘Yong turo

Pakikinggan at itatago

Sa sulok ng puso (KORO)

2. Iyong pagligtas, ihahayag

Hanggang sa dulo ng dagat

Pagtulong Mo’t pusong dalisay

Aking ikakalat . (KORO)

SALAMAT SA DIYOS

Salamat sa Diyos, Salamat sa Diyos,

Salamat sa Diyos, Salamat sa Diyos,

Hu..(itutuloy sa Tanda ng Kaharian ng Diyos)

TANDA NG KAHARIAN NG DIYOS

KORO: Humayo na’t ipahayag.

Kanyang pagkalinga’t habag,

Isabuhay pag-ibig at katarungan,

Tanda ng Kanyang kaharian.

1. Sa panahong tigang ang lupa,

Sa panahon ang ani’y sagana.

Sa panahon ng digmaan at kaguluhan,

Sa panahon ng kapayapaan. (KORO)

2. Ang mga dakila’t dukha, ang banal at makasalanan,

Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan,

Ang lahat ay inaanyayahan. (KORO)