Unit Plan in Filipino

15
UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 1 Unit Plan para sa Filipino I Yunit1 (Pamantayang/Batayang Aklat: Tanglaw sa Wika at Panitikan I) Pamagat ng Yunit : Alab ng Puso Bilang ng mga Linggo: 9 na Linggo Pagbubuod: Tatalakayin sa yunit na ito ang pagtukoy sa paksa at mensahe, pagbabagong morpoponemiko, iba’t ibang kaalaman sa pagsasagawa ng talumpati, uri at tema ng sanaysay, klaster at diptonggo, salitang inuulit, at di-berbal na pagpapahayag. Lalo ring paiigtingin ang kasanayan ng mga estudyante sa daigdig ng panitikan sa tulong ng iba’t ibang akdang pampanitikan gaya ng tula, epiko, at mga sanaysay na naglalahad ng mga pagpapahalagang Pilipino noon at ngayon. Lilinangin ng bawat teksto ang mga kasanayang komunikatibo ng mga estudyante—sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta Pamantayang Pangnilalaman Ang mga estudyante ay makatutukoy at makapagbibigay-linaw ng batayang proseso sa mabisang pakikinig upang maihanda ang sarili sa pakikinggang mensahe ng pag-alam sa kaugnayan, kabuluhan, at konteksto ng paksang tinataglay nito; makalilinang ng kasanayan sa pag-unawa sa diskurso ng pakikinig sa pamamagitan ng pagbibigay-linaw sa ideyang nakabatay sa sanhi o bunga, dami o lawak, at katiyakan nito; makapagpapahayag ng ideya o opinyon gamit ang kaalamang gramatikal na nakatuon sa pagsasaalangalang ng mga punto sa pagpapahayag, pagbuo ng iba’t ibang salita mula sa punong salita, at paggamit ng angkop na mga salitang hiram; makasusuri at makagagamit nang wasto ng mga salitang diptonggo at klaster gayundin ng mga pagbabagong morpoponemiko sa isang salita; makalilinang at makapagpapayaman ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kahulugan ng salita ayon sa konotasyon at denotasyon, tindi ng pagpapakahulugan, pagsasalungatan ayon sa antas at sukat, tugunan, higit sa isang kahulugan, at talinghaga o idyoma; makalilinang ng kasanayan sa analitikal at mapanuring pag-unawa sa tekstong nakabalangkas sa kayariang nagsasalaysay; makapaghihinuha sa mga karanasan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga akdang katutubo na malawak na tumutukoy sa paksang-diwa, aral, at mga pagpapahalagang tinataglay nito upang matamo ang bisang pangkaisipan, pandamdamin, at pangkaasalan; makapagpapayaman ng mga kakayahan at karanasan sa pagkilala sa mga kaalaman ukol sa katotohanang nais ipabatid; makapagbibigay ng mabisa at malinaw na pagtatalumpati; makahihinuha at makasusuri ng tema, layunin, o kaisipang nakapaloob sa sanaysay sa tulong ng pamaksang pangungusap sa bawat talata;

description

Education

Transcript of Unit Plan in Filipino

Page 1: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 1

Unit Plan para sa Filipino I Yunit1 (Pamantayang/Batayang Aklat: Tanglaw sa Wika at Panitikan I)

Pamagat ng Yunit : Alab ng Puso

Bilang ng mga Linggo: 9 na Linggo

Pagbubuod:

Tatalakayin sa yunit na ito ang pagtukoy sa paksa at mensahe, pagbabagong morpoponemiko,

iba’t ibang kaalaman sa pagsasagawa ng talumpati, uri at tema ng sanaysay, klaster at diptonggo,

salitang inuulit, at di-berbal na pagpapahayag. Lalo ring paiigtingin ang kasanayan ng mga

estudyante sa daigdig ng panitikan sa tulong ng iba’t ibang akdang pampanitikan gaya ng tula,

epiko, at mga sanaysay na naglalahad ng mga pagpapahalagang Pilipino noon at ngayon.

Lilinangin ng bawat teksto ang mga kasanayang komunikatibo ng mga estudyante—sa pakikinig,

pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.

Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga estudyante ay

• makatutukoy at makapagbibigay-linaw ng batayang proseso sa mabisang pakikinig upang

maihanda ang sarili sa pakikinggang mensahe ng pag-alam sa kaugnayan, kabuluhan, at

konteksto ng paksang tinataglay nito;

• makalilinang ng kasanayan sa pag-unawa sa diskurso ng pakikinig sa pamamagitan ng

pagbibigay-linaw sa ideyang nakabatay sa sanhi o bunga, dami o lawak, at katiyakan

nito;

• makapagpapahayag ng ideya o opinyon gamit ang kaalamang gramatikal na nakatuon sa

pagsasaalangalang ng mga punto sa pagpapahayag, pagbuo ng iba’t ibang salita mula sa

punong salita, at paggamit ng angkop na mga salitang hiram;

• makasusuri at makagagamit nang wasto ng mga salitang diptonggo at klaster gayundin ng

mga pagbabagong morpoponemiko sa isang salita;

• makalilinang at makapagpapayaman ng kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng

pagtukoy sa mga kahulugan ng salita ayon sa konotasyon at denotasyon, tindi ng

pagpapakahulugan, pagsasalungatan ayon sa antas at sukat, tugunan, higit sa isang

kahulugan, at talinghaga o idyoma;

• makalilinang ng kasanayan sa analitikal at mapanuring pag-unawa sa tekstong

nakabalangkas sa kayariang nagsasalaysay;

• makapaghihinuha sa mga karanasan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga akdang

katutubo na malawak na tumutukoy sa paksang-diwa, aral, at mga pagpapahalagang

tinataglay nito upang matamo ang bisang pangkaisipan, pandamdamin, at pangkaasalan;

• makapagpapayaman ng mga kakayahan at karanasan sa pagkilala sa mga kaalaman ukol

sa katotohanang nais ipabatid;

• makapagbibigay ng mabisa at malinaw na pagtatalumpati;

• makahihinuha at makasusuri ng tema, layunin, o kaisipang nakapaloob sa sanaysay sa

tulong ng pamaksang pangungusap sa bawat talata;

Page 2: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 2

• makabubuo ng isang mahusay na sulatin o komposisyon na maayos na nakatutupad sa

mga pamantayan at pamamaraan ng pagsulat;

• makapagpapamalas ng kasiningan sa pagsulat ng di-pormal na komposisyon at

maisasagawa ang kailangang kaparaanan sa pagsulat;

• makapagsasanib ng teknik at pagpapahalaga sa malikhaing pagsulat at pagbasa sa

pamamagitan ng malawak at epektibong paggamit ng makabagong teknolohiya at

kalakaran ng henerasyon; at

• makapagsasalin ng mga kaisipan sa mga binabasang akda sa pananaw ng kasalukuyan at

sa pagtanaw ng tunay na mga karanasan.

Mga Kakailanganing Pag-unawa

Mauunawaan ng mga estudyante na

• may mahahalagang tungkulin ang

bawat pamilya sa lipunang

ginagalawan;

• ang magagandang katangian ng mga

Pilipino ang siyang susi sa pambansang

pag-unlad at pagkakaisa;

• ang bawat biyayang natatanggap ay

dapat ipagpasalamat at pahalagahan;

• ang pagiging alerto at maingat ang

siyang maghahatid sa bawat isa tungo

sa mapayapang pamumuhay;

• may iba’t ibang salik kung bakit

nawawala ang diwang makabansa at isa

na rito ay ang pangingibang-bansa;

• napakalaki ng papel na ginagampanan

ng wikasa ikauunlad ng isang bansa;

• iba-iba ang karanasan ng bawat tao sa

iba’t ibang panahon; at

• sinasalamin ng panitikan ang tao at

lipunan.

Mahahalagang Tanong

• Anong mahalagang tungkulin ang

ginagampanan ng pamilya sa bawat

isa?

• Anu-ano ang magagandang katangian

ng isang Pilipino?

• Gaano kahalaga ang mga

impormasyong nakakalap ng isang

tagapagbalita?

• Kung kayo mismo ang isa sa mga

katutubo, pahahalagahan ba ninyo ang

mga kaloob sa inyo? Bakit? Paano?

• Gaano kahalaga ang pagiging maingat

at alerto sa paligid?

• Bakit unti-unti nang nawawala ang

diwang makabansa?

• Ano ang higit na mahalaga o

makatutulong sa bansa, ang

pagkakaroon ng iisang wika o ang

pagkakaroon ng maraming wika?

Pangatwiranan.

Mababatid ng mga estudyante ang

• depinisyon ng mensahe at ito ay ang

impormasyong inihahatid ng

tagapagsalita;

• mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng

panitikan tulad ng tula, maikling

kwento, sanaysay, nobela, dula, at

talambuhay;

• di-berbal na pagpapahayag ay

nagpapahiwatig ng kilos sa

pakikipagkomunikasyon; at

• pagtatalumpati ay paraan upang

maihatid ng mananalumpati ang

mensahe sa mga tagapakinig.

Magagawa ng mga estudyante na

• makapagtanghal ng maayos na dula-

dulaan at iba pang malikhaing gawain;

• makiisa sa mga pangkatang gawain; at

• makabuo ng mga konsepto sa tulong ng

mga estratehiya tulad ng graphic

organizer, larawan, tableau, at iba pa.

Page 3: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 3

Antas 2 – Pagtataya

Sa Antas ng Pagganap Ipagawa sa mga estudyante ang mga

sumusunod:

• Ikaw ay bahagi ng isang samahang

pangkabataan. Nais ng inyong samahan

na imulat ang mga kapwa ninyo

kabataan sa mga panlipunan ninyong

tungkulin. Upang maisagawa ito,

susulat ka ng isang talumpating

naglalaman ng panatang pauunlarin ang

lipunan sa mga susunod na panahon.

Bibigkasin mo ang talumpati sa

National Youth Summit. Inaasahang

tataglayin ng gawain ang makabuluhan

at mabisang komposisyon na may

makabuluhang nilalaman,

organisasyon, estilo, at mekaniks,

samantalang bibigyan-pansin naman sa

aktwal na pagtatalumpati ang

kaangkupan ng tinig, wastong tindig,

angkop na kumpas ng kamay,

kahandaan, at pangkalahatang dating.

• Kabilang ka sa campus journalists.

Para sa unang isyu ng inyong

pahayagan sa taong ito, inatasan kayo

ng inyong editor-in- chief na sumulat

ng artikulo para sa isa sa mga

sumusunod na paksa:

� Karanasan ng mga estudyante sa

kanilang unang araw sa antas

sekundarya

� Mga suliranin o pagsubok na

nararanasan ng mga guro sa

kanilang pagtuturo

� Ang matapat na paglilingkod ng

mga gwardya at dyanitor sa

paaralan

� Ang karanasan ng magulang sa

pagpapalaki sa kanilang anak

Dahil ikaw ay isa sa mga baguhang

journalist, oobserbahan din ang paraan

mo ng pakikipanayam. Maghanda ka

ng tatlo hanggang limang katanungang

gagamitin sa panayam. Ang artikulong

iyong isusulat ay inaasahang may

• Iba pang Patunay • Maiikling pagsusulit

• Pagpapalitan ng reaksyon ng mga

estudyante

• Performance rubrics

Page 4: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 4

habang 250–300 salita. Tatayain ang

gawaing ito batay sa mabisang

pagsasakatuparan ng panayam at

epektibong pagkakasulat nito sa paraan

ng artikulo. Sa pakikipanayam,

inaasahan ang matalinong pagtatanong

at disiplinang taglay sa pakikipanayam.

Sa pagsulat naman ng artikulo,

inaasahan na mayroon itong malinaw at

may kaisahang nilalaman na balanseng

tumutugon sa pagtalakay ng layunin,

sapat na detalye, maayos na

organisasyon, at makinis at maayos na

pagkakasulat na humihikayat at

humahamon sa kaisipan ng kabataang

mambabasa.

• Ikaw ay isang blogger. Para sa

linggong ito, magbabahagi ka ng iyong

buhay-kabataan sa loob ng isang

linggo. Inaasahan na ang susulatin

mong blog ay magtataglay ng

mahahalagang bahagi (panimula,

katawan, at pangwakas na paglalahad),

may kabuuang nilalaman na hindi

hihigit sa isang pahinang MS Word

letter format, at maaaring i-upload

upang makapagbigay ng reaksyon ang

mga Internet surfer. Magiging

pamantayan sa isasagawang blog ang

makabuluhan at kawiliwiling

nilalaman, organisasyon at daloy ng

pagsasalaysay, wastong paggamit ng

wika, at natatanging estilo sa pagsulat.

Antas 3 – Mga Plano sa Pagkatuto

Mga Gawain sa Pagkatuto

Unang Linggo (Aralin 1)

WIKA • Magpakita ng larawan ng isang pamilya. Ipabigay sa mga estudyante ang mga

makabuluhang kaisipan o konsepto ng isang pamilya. Ipalahad ito sa isang graphic

organizer sa pisara.

• Dyad na Gawain: Hayaan ang dalawang estudyante na mag-usap hinggil sa

kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya. Hikayatin silang pag-usapan din ang

gampanin ng pamilya sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

• Tumawag ng limang estudyante na babasa ng diyalogo sa Pakinggan. Banggitin ang

paksa ng usapan sa napakinggang diyalogo. Itanong, “Anong mahalagang tungkulin

ang ginagampanan ng pamilya sa bawat indibidwal? May mga tiyak bang pangyayari

Page 5: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 5

sa buhay ninyo na katulad ng inilahad sa diyalogo?”

• Talakayin ang Suriin. Sa pagsisimula sa pagtalakay sa “Tono, Diin, Haba, at Antala

ng Salita,” basahin ang unang dalawang talata ng isang artikulo mula sa Genyo

Filipino I > Wika A > Yunit 1 > Aralin 1 na pinamagatang “Lasong Basura : Labi

ng United States.” Basahin mo ito sa klaseng walang anumang damdamin.

Pagkatapos, humingi ng pagpuna sa mga mag-aaral. Makaraan, simulan ang paksa sa

tono, diin, haba, at antala. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang halaga

ng mga ito sa pagsasalita, pagbabasa, at komunikasyon, basahing muli ang unang

talata ng artikulo. Sa pagkakataong ito, gamitin ang tamang tono, diin, haba, at antala.

Tumawag ng mga mag-aaral na babasa sa mga susunod pang mga talata.

• Ipasagot ang Sanayin, at ipagawa ang Paunlarin.

PAGBASA • Iparinig ang awiting “Ako ay Pilipino.” Iugnay ito sa aralin.

• Ipabasa sa klase ang tulang “Ako’y Pilipino.” Ipasaalang-alang ang pagbasa na may

tamang diin, tono, haba, at antala.

• Ipasagot ang Hanapin at Unawain sa batayang aklat.

• Talakayin ang Suriin.

• Talakayin din ang iba’t ibang sangkap ng tula. Pagkatapos, magpagawa sa mga

estudyante ng isang dayagram na naglalahad ng magagandang katangian ng mga

Pilipino.

• Ipasagot ang Sanayin. Maaring ipabasa ang isang authentic material (artikulo) sa

Genyo Filipino I > Wika A >Yunit 1 > Aralin 1 > “Polusyin sa Hangin, Nakababahala” > pahina 14 bilang karagdagang babasahin kung saan maaaaring

humalaw ng mga ideya ang mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang paggawa

sa hinihinging balangkas sa Sanayin.

• Ipagawa Paunlarin.

• Pagganap na Gawain: Magpasulat ng isang panata na bibigkasin sa isang malaking

pagtitipon ng mga kabataan.

• Ibigay na takdang-aralin ang Isulat.

Ikalawang Linggo (Aralin 2)

WIKA

• Ipatanghal ang diyalogo sa Pakinggan.

• Talakayin ang nakasaad sa Suriin sa pamamagitan ng PowerPoint presentation.

Ipabasa ang “Pagbabago ng Wikang Katutubo” sa Genyo Filipino > Wika A >

Yunit 1 > Aralin 5 pahina 47-51 bilang lunsaran ng aralin sa Paglalapi.

• Para sa Paglalapi, tunghayan ang Genyo Filipino > Wika A > Yunit 1 > Aralin 5

pahina 52-55 bilang pagpapalawak.

• Ipagawa ang Sanayin. Pagkatapos, magpasulat sa mga estudyante ng isang talatang

naglalarawan sa kanilang paboritong superhero. Pasalungguhitan ang mga salitang

may panlapi.

• Pangkatang Gawain: Pangkatin ang mga estudyante upang maisagawa nila ang

Paunlarin A.

• Ibigay bilang takdang-aralin ang Paunlarin B. Sabihin sa mga mag-aaral na

Page 6: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 6

tunghayan ang Genyo Filipino > Wika A > Aralin 5 > “Edukasyon at Pag-unlad:

Ang Ugnayan” pahina 56-57.

PAGBASA

• Tumawag ng piling estudyante na magbabasa ng sinulat na talatang naglalarawan sa

paboritong superhero. Iugnay ito sa aralin ukol sa bidang bayani sa epikong

“Yawyawen: Munting Lam-Ang.”

• Pangkatang Gawain: Magpatanghal sa mga estudyante ng pagsasalaysay ng epikong

“Yawyawen: Munting Lam-Ang” sa pamamagitan ng chamber theater, shadow play,

panel discussion, o radio play.

• Ipasagot ang Hanapin at Unawain sa batayang aklat.

• Magsagawa ng malayang talakayan hinggil sa aralin na nakasaad sa Suriin. Bilang

pagpapalawak, tunghayan ang Genyo Filipino > Wika 1 > Yunit 2 > Aralin 7 >

“Apat ng Antas ng Kahulugan na Nakapaloob sa Teksto” pahina 108-110.

Pasagutan ang sumunod na Pagsasanay sa pahina 111.

• Ipasagot din ang Sanayin sa Batayang Aklat.

• Bilang karagdagang pagsasanay, magpasulat sa mga estudyante ng ilang

matatalinghagang pahayag na may denotasyon at konotasyong kahulugan gamit ang

graphic organizer. Ipabahagi ito sa klase.

• Ipagawa ang Paunlarin.

• Pagganap na Gawain: Magpasulat ng isang maikling artikulo ukol sa naging resulta

ng isang panayam. Ipabahagi ang artikulo sa klase. Gumamit ng rubric para sa

pagtataya.

• Bilang takdang-aralin, ipagawa ang mga pagsasanay sa Isulat.

• Bilang reference para sa karagdagan kaalaman na maaaring pagkunan ng dagdag na

ideya, ipabasa sa mga mag-aaral ang artikulong “Edukasyong Internet, Malayo pa sa

Pilipinas” sa Genyo Filipino > Wika A > Yunit 2 > Aralin 7 pahina 112-116.

Ikatlong Linggo (Aralin 3)

WIKA

• Pumili ng isang estudyante na magbabasa nang malinaw sa harap ng klase ng balita sa

Pakinggan.

• Magkaroon, pagkaraan, ng talakayan hinggil dito sa pamamagitan ng mga tanong sa

Talakayin.

• Talakayin ang aralin sa wika na nakasaad sa Suriin.

• Ipasagot ang Sanayin at ipagawa ang Paunlarin.

PAGBASA

• Magpakita ng larawan ng pagsasagawa ng mga katutubong taga-Cordillera ng ritwal

na cañao. Iugnay ang paliwanag dito sa alamat na “Kung Bakit ang Ginto ay

Matatagpuan sa Ilalim ng Lupa.”

• Hasain ang kaalaman sa talasalitaan ng mga estudyante sa pamamagitan ng gawain sa

Hanapin.

• Ipagamit, pagkaraan, ang mga salita sa pangungusap.

• Ipasagot ang Unawain. Pagkatapos, ipaliwanag ang nilalaman ng Suriin tungkol sa

clining at bisang pangkaisipan.

Page 7: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 7

• Ipasagot ang Sanayin at ipagawa ang Paunlarin at Isulat.

• Bilang takdang-aralin, magpasaliksik sa mga estudyante ng tungkol sa mga

katutubong nakapagpaunlad ng kanilang bayan (halimbawa, sa tulong ng

makabagong teknolohiya, at iba pa). Magpasulat ng sanaysay tungkol dito at ipatukoy

ang bisang pangkaisipan.

Ikaapat na Linggo (Aralin 4)

WIKA • Tumawag ng piling estudyante na magsasadula ng kwento sa Pakinggan.

Magsagawa, pagkaraan, ngtalakayan tungkol dito sa pamamagitan ng mga tanong sa

Talakayin.

• Talakayin ang Suriin. Habang tinatalakay, tumawag ng mga estudyante na

magpapakita o magpapamalas ng ilang di-berbal na pagpapahayag. Bigyan-diin din

ang panuntunan sa pagtatambal ng salita.

• Ipasagot ang Sanayin sa batayang aklat. Para sa Sanayin A at B, hayaang ipaliwanag

ng mga estudyante ang kahulugan ng mga salitang pinagtambal.

• Ipagawa ang Paunlarin sa batayang aklat bilang takdang-aralin.

PAGBASA • Ipabasa ang talumpating “Isang Wikang Panlahat para sa mga Pilipino.”

• Pasagutan ang gawain para sa talasalitaan sa Hanapin. Magsagawa rin ng malayang

talakayan hinggil sa talumpati sa pamamagitan ng mga tanong sa Unawain.

• Talakayin ang Suriin. Pagkatapos, ipasagot ang Sanayin at ipagawa ang Paunlarin.

• Bilang dagdag na gawain, ipahambing ang pamilyang Pilipino noon at ngayon sa

pamamagitan ng Venn diagram.

• Magpatanghal ng role playing ukol sa paksang “Ang Karaniwang Pamilyang Pilipino

Noon.” Ipabasa ang mga panuto sa Isulat sa batayang aklat.

• Bilang takdang-aralin, magpasaliksik sa mga estudyante ng isang talumpati sa wikang

Filipino o bernakular. Ipasuri kung kapani-paniwala ba ang nilalaman nito sa mga

tagapakinig.

Ikalimang Linggo (Aralin 5)

WIKA • Ipabasa sa klase ang teksto sa Pakinggan. Ipasagot, pagkaraan, ang mga tanong sa

Talakayin.

• Talakayin ang nilalaman ng Suriin. Tunghayan ang talakayan sa Genyo Filipino >

Wika 1 > Yunit 1 > Aralin 3 pahina 32-34. Pagkatapos, hayaang mag-isip ang mga

estudyante ng isang salitang may klaster o diptonggo. Pagawan ito ng akrostik na may

kaugnayan sa bagay na ito.

Halimbawa:

P – agkain dito ang G – andang kaakit-akit

L – agayan I – sang anghel sa

A – t sa bawat subo L – angit

T – ayo ay I – kaw ay

O – key na at busog! W – alang kaparis.

Page 8: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 8

• Ipasagot ang Sanayin, Genyo Pagsasanay pahina 35, at ipagawa ang Paunlarin.

• Magsalaysay ng isang napapanahong isyu at ibigay ang lahat ng mahahalagang

detalye tungkol dito.

• Pagkatapos, hingan ng pananaw ang mga estudyante tungkol sa isyu. Pansinin kung

malinaw ba nilang naipahayag ang kanilang pananaw.

PAGBASA

• Gawing dugtungan ang pagbasa ng talumpati sa Basahin.

• Ipagawa ang Hanapin. Gayundin, ipasagot ang mga tanong sa Unawain.

• Magsagawa ng pagtalakay sa tanong na: “Ano ang positibo at negatibong epekto ng

globalisasyon?”

• Pagkatapos, talakayin ang kahulugan ng salita ayon sa pagsasalungatan sa Suriin.

• Bumigkas ng sariling talumpati na nanghihikayat. Pagkatapos, talakayin kung paano

ito pinaghandaan at binuo. Gayundin, magbigay ng mungkahi kung paano

mapagaganda ang pagtatanghal ng isang talumpati. Talakayin ang natitirang bahagi

ng Suriin tungkol sa pagtatalumpati.

• Ipasagot ang Sanayin at ipagawa ang Paunlarin at Isulat.

Ikaanim na Linggo (Aralin 6)

WIKA • Sa pamamagitan ng estratehiyang puppet show, iparinig sa mga estudyante ang

diyalogo sa Pakinggan. Magsagawa, pagkaraan, ng talakayan tungkol dito.

Pagkatapos, talakayin ang Suriin. Makatutulong ang dagdag na kaalaman sa tamang

panghihiram ng mga salita. Tunghayan ang leksyon ukol dito sa Genyo Filipino >

Wika A > Yunit 1 > Aralin 1 sa pahina 11-13.

• Hanapan ng Kagrupo: Sa gawaing ito, may hawak na plakard na may titik ang bawat

estudyante. Paghanapin ang mga estudyante ng mga kaklaseng may hawak ng titik na

makabubuo ng akronim. Gagamitin ang mga nakalistang akronim sa Sanayin A. Ang

unang pangkat na makabubuo ng akronim at makapagbibigay ng katumbas na

kahulugan nito ang idedeklarang panalo.

• Ipagawa ang Sanayin B. Ang magkakagrupo sa akronim ng nagdaang gawain ang

magtutulungan para sa gawaing ito.

PAGBASA • Ipabasa nang tahimik ang “Sa Karangalan ng Dalawang Pintor.”

• Talakayin ang Hanapin bilang paghawan ng balakid sa mga salitang may malalalim

na kahulugan.

• Magsagawa ng pagtalakay sa aralin sa pagbasa sa Suriin.

• Ipasagot ang Sanayin at ipagawa ang Paunlarin at Isulat sa batayang aklat.

• Bilang takdang-aralin, magpadala sa mga estudyante ng bond paper, mga magasin,

pandikit, at gunting.

Ikapitong Linggo (Aralin 7)

WIKA • Ipabasa sa klase ang Pakinggan. Magsagawa ng malayang talakayan hinggil sa

Page 9: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 9

nilalaman nito.

• Magpagupit sa mga estudyante sa magasin ng mga larawang magbubuod ng kwento.

Ang bawat mahahalagang salita ay nararapat tumbasan ng larawan.

Ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang ginawa.

• Talakayin ang Suriin. Para sa talayan tungkol sa Morpoponemiko, tunghayan bilang

pagpapalawak ang aralin sa Genyo Filipino > Wika A > Yunit 4 > Aralin 5 pahina

49-51.

• Pagkatapos, ipasagot ang Sanayin. Maaari ring magbigay ng karagdagang

pagsasanay. Maaring pasagutan ang Pagsasanay sa pahina 52 ng parehong aralin sa

Genyo.

• Ipagawa ang Paunlarin bilang takdang-aralin.

PAGBASA • Ipabasa ang “Paglalakbay Tungo sa Dapit-Umaga” ni Cinio Villa.

• Pangkatang Gawain: Hatiin ang klase sa pitong pangkat. Ipabigay sa bawat pangkat

ang kasingkahulugan ng bawat salitang nakalista sa Hanapin. Hayaang ipakita ng

mga estudyante ang kasingkahulugan sa pamamagitan ng tableau o paint-me-a-

picture.

• Iproseso ang sanaysay na binasa sa Unawain. Pagkatapos, talakayin ang aralin sa

Suriin.

• Ipasagot ang Sanayin sa batayang aklat. Bilang karagdagang gawain, ipabigay rin ang

kahulugan ng mga sumusunod na salita gamit ang graphic organizer: kaarawan,

naipunla, liyag, at ginugunita.

• Ipagawa ang mga gawain sa Paunlarin at Isulat.

• Pagganap na Gawain: Magpasulat ng blog (di-pormal na sanaysay) ukol sa buhay-

kabataan sa loob ng isang linggo. Gumamit ng rubric sa pagtataya.

• Bilang takdang-aralin, magpasulat sa mga estudyante ng isang journal na naglalahad

ng aksyong lubos na pinagsisihan. Halimbawa: Napuyat at hindi nagawa ang

napakahalagang takdang-aralin o hindi nakapag-aral dahil naaliw sa paglalaro ng

Farmville sa Facebook.

Ikawalong Linggo (Aralin 8)

WIKA • Ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang ginawang journal.

• Ipabasa ang Pakinggan. Maaari rin na may estudyanteng gaganap na Lola Basyang na

magkukwento nito sa klase. Pagkatapos, ipatukoy ang sanhi at bunga ng aksyon sa

kwentong binasa.

• Talakayin ang aralin sa Suriin. Para sa talakayan sa Ponema, makabubuting

tunghayan muna ang aralin sa Genyo Filipino > Wika A > Yunit 1 > Aralin 2

pahina 22-23. SUdan ito ng maikling pagsasanay, sa Genyo pa rin, sa pahina 24.

Pagkatapos ay tumuloy sa talakayan sa BAtayang Aklat.

• Ipasagot, pagkaraan, ang Sanayin.

• Ipasulat ang talata at ipagupit ang editoryal sa Paunlarin.

PAGBASA • Pagtuunan ng pansin at ipapaliwanag ang linyang nakasulat bago ang Basahin. Sunod

Page 10: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 10

ay ipabasa ang teksto tungkol sa kabataan.

• Ipasagot ang Hanapin. Magsagawa rin ng malayang talakayan hinggil sa nilalaman

ng seleksyon.

• Talakayin ang matatalinghagang salita at pagtukoy ng tema ng sanaysay sa Suriin. Sa

pamamagitan ng PowerPoint presentation, maaaring magpakita sa mga estudyante ng

mga larawan na may literal na kahulugan ng idyoma. Halimbawa: larawan ng bolpen

na nagsusulat sa tubig (Nangangahulugan ito na ilista sa tubig o paglimot.)

• Pasagutan ang Sanayin. Bilang karagdagang gawain, pagsaliksikin din ang mga

estudyante ng iba pang halimbawa ng idyoma. Ipalahad ang mga ito sa klase.

• Magbigay ng kopya ng isang maikling kwento sa Filipino saka ipagawa ang

Paunlarin.

• Bilang takdang-aralin, ipagawa ang Isulat.

Ikasiyam na Linggo (Aralin 9) • Magsagawa ng lagumang pagsusulit para sa kabuuan ng yunit.

• Rebyuhin ang sagot sa lagumang pagsusulit.

• Magpalahad sa mga estudyante ng sintesis ng mga kakailanganing pag-unawa sa

yunit.

Page 11: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 11

Assessment Task Blueprint para sa Talumpati Anu-anong mga pag-unawa at naisin ang tatayain sa pamamagitan ng gawaing ito?

• Mauunawaan ang mahalagang gampanin ng kabataan sa paghubog ng lipunan para sa kasalukuyan at hinaharap.

• Mahihinuha ang layunin at dahilan sa pagsulat ng pangako at pagtatalumpati bilang malikhaing paraan sa pagsasalin ng kaisipan at mga ideya tungo sa pambansang kamalayan.

• Maipamamalas ang magkasabay na paglinang sa mga kasanayan sa pagsulat ng komposisyon at pagtatalumpati bilang gawain ng pagpapayaman at pagpapahalaga sa wika at panitikan ng bansa.

Anu-anong mga panukat ang naipabatid ng pamantayan/pag-unawa, isinasaalang-alang man o hindi ang mga nakatakdang gawain?

Anu-anong mga kalidad o katangian ang dapat na makita sa ginawa ng mga estudyante upang masabing ang mga pamantayan ay natamo?

Isinasaalang-alang man o hindi ang mga nakatakdang gawain, magagawa ng mga estudyante ang mga sumusunod:

• makapaghinuha sa mahahalagang tungkulin bilang kabataan; at

• makapagsuri sa kanilang mga sariling pagpapasya tungo sa pagtatamo ng tiwala sa sarili, mahusay na personalidad, at pananagutan sa produktibo at makabuluhang paglikha.

Upang matiyak ang pag-abot sa mga itinakdang pamantayan sa talumpati, kailangang makita ang mga sumusunod: (1) makabuluhan at mabisang komposisyon na may makabuluhang nilalaman, organisasyon, estilo, at mekaniks; at (2) aktwal na pagtatalumpati na mayroong angkop na tinig at kumpas ng kamay, wastong tindig, kahandaan, at pangkalahatang dating.

Sa anong espesipikong gawain maipamamalas o maipakikita ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa?

Paglalarawan ng Pagganap/Gawain: Maipakikita ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsulat ng isang panatang naglalaman ng mga pangakong pauunlarin ang lipunang ginagalawan sa mga susunod na panahon at naipahahayag ito sa paraan ng pagtatalumpati.

Anu-anong mga produkto/gawain ng mga estudyante ang magbibigay-patunay ng mga nilalayong pag-unawa?

Susulat ang mga estudyante ng isang panatang naglalaman ng mga pangakong pauunlarin ang lipunang ginagalawan sa mga susunod na panahon at ipahahayag ito sa paraan ng isang talumpati. Inaasahang tataglayin ng gawain ang makabuluhan at mabisang komposisyon na may makabuluhang nilalaman, organisasyon, estilo, at mekaniks, samantalang bibigyan-pansin naman sa aktwal na pagtatalumpati ang kaangkupan ng tinig, wastong tindig, angkop na kumpas ng kamay, kahandaan, at pangkalahatang dating.

Sa anu-anong mga panukat tatayain ang mga gawain o pagpapamalas ng mga estudyante?

Gagamitin ang mga sumusunod na panukat sa pagtaya sa talumpati: Pagsulat ng komposisyon sa talumpati

• Nilalaman – Nagtataglay ng makabuluhan at matibay na argumento sa pagtalakay ng paksa; nagbibigay-diin sa pagpapahalaga ng kabataang Pilipino; at naghahapag ng malinaw at espesipikong mga punto.

• Organisasyon – Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga argumento (mula sa pinakapayak hanggang pinakakomplikado) at kaisahan ng ideya.

• Estilo – Nagpapamalas ng natatanging paraan sa paggamit ng wika, sangkap sa paglalahad na gumagamit ng tayutay, at ilang malikhaing elemento sa paghahabi ng mga argumento.

• Mekaniks – Malaya sa mga kamaliang konseptwal, gramatikal, at kabatirang impormasyon. Pagpapahayag ng talumpati • Tinig – Mayroong angkop na lakas, buo, at malinaw na pagpapahayag. • Tindig – Mapitagan at katimpian sa galaw habang nagtatalumpati. • Kumpas ng kamay – Mayroong angkop at wastong disiplina sa paggamit ng kamay. • Kahandaan – Saulado ang piyesa at angkop ang kasuotan. • Pangkalahatang dating – Nakapanghihikayat ng madla at nagpapataas sa kawilihan ng mga ito.

Page 12: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 12

Rubric para sa Talumpati

Kategorya 4 3 2 1 Marka

Nilalaman

Natatangi ang

pagtataglay ng

makabuluhan at

spesipikong pagtalakay

sa pangako at natatangi

ang pagpapamalas ng

pagpapahalaga ng

kabataang Pilipino.

Karaniwan ang

pagtataglay ng

makabuluhan at

espesipikong

pagtalakay sa pangako,

gayundin ang

pagpapamalas ng

pagpapahalaga ng

kabataang Pilipino.

Hindi masyadong

nagtataglay ng

makabuluhan at

espesipikong

pagtalakay sa pangako,

gayundin ang

pagpapamalas ng

pagpapahalaga ng

kabataang Pilipino.

Hindi nagtataglay ng

makabuluhan at

espesipikong

pagtalakay sa pangako.

Organisasyon

Natatangi ang

pagpapamalas ng maayos

na pagkakasunudsunod

ng mga punto at

maykaisahan ng ideya.

Karaniwan ang

pagpapamalas ng

maayos na

pagkakasunudsunod

ng mga punto at kulang

sa kaisahan sa ideya.

Hindi gaanong

nagpapamalas ng

maayos na

pagkakasunudsunod

ng mga punto at walang

kaisahan sa ideya.

Hindi nagpapamalas

ng maayos na

pagkakasunudsunod

ng mga punto.

Estilo

Napakahusay ng paraan

sa paggamit ng wika;

napakabisa ng ginamit

na paglalahad ng tayutay;

at kumpleto sa iba pang

sangkap sa paglalahad.

Mahusay ang paraan sa

paggamit ng wika;

mabisa ang ginamit

na paglalahad ng

tayutay; at sapat lang

sa iba pang sangkap sa

paglalahad.

Hindi masyadong

mahusay sa paggamit

ng wika; hindi gaanong

mabisa ang paglalahad

ng tayutay; at may

kakulangan sa iba pang

sangkap sa paglalahad.

Hindi mahusay sa

paggamit ng wika; hindi

mabisa ang paglalahad

ng tayutay; at walang

ginamit na iba pang

sangkap sa paglalahad.

Piy

esa

ng

Tal

um

pat

i

Mekaniks

Malaya sa mga kamaliang

konseptwal, gramatikal,

at kabatirang

impormasyon.

May isa o dalawang

Kamaliang konseptwal,

gramatikal, at

kabatirang

impormasyon.

May humigit sa

dalawang kamaliang

konseptwal, gramatikal,

at kabatirang

impormasyon.

Maraming kamaliang

konseptwal, gramatikal,

at kabatirang

impormasyon.

Tinig

Angkop na angkop ang

lakas ng boses at ganap

na ganap ang pagkabuo

at kalinawan ng tinig.

Angkop ang lakas ng

boses at ganap ang

pagkabuo at kalinawan

ng tinig.

Hindi masyadong

angkop ang lakas ng

boses at hindi ganap

ang pagkabuo at

kalinawan ng tinig.

Hindi angkop ang lakas

ng boses at hindi buo at

malabo ang tinig.

Tindig

Higit na mapitagan at

matimpingmatimpi ang

galaw habang

nagtatalumpati.

Mapitagan at matimpi

ang galaw habang

nagtatalumpati.

Hindi gaanong

mapitagan at hindi

gaanong matimpi ang

galaw habang

nagtatalumpati.

Hindi mapitagan at

malikot ang galaw

habang nagtatalumpati.

Kumpas ng

Kamay

Angkop na angkop at

higit na nagtataglay ng

disiplina sa pagkumpas

ng kamay.

Angkop at karaniwang

Nagtataglay ng disiplina

sa pagkumpas ng

kamay.

Hindi gaanong angkop

at may kakulangan sa

disiplina sa pagkumpas

ng kamay.

Hindi angkop at walang

disiplina sa pagkumpas

ng kamay.

Kahandaan

Kabisado ang piyesa at

angkop na angkop ang

kasuotan.

May iilang Salitang

nakalimutan sa piyesa

ngunit may angkop na

kasuotan.

Maraming

nakalimutang salita sa

piyesa at hindi

masyadong angkop ang

kasuotan.

Halos nakalimutan ang

mga parirala sa piyesa

at hindi angkop ang

kasuotan.

Pa

gp

apa

ha

ya

g n

g T

alu

mp

ati

Pangkalahata

ng Dating

Higit na nakapanghikayat

at nakagpataas sa

kawilihan ng madla.

Karaniwang

nakapanghikayat at

nakagpataas sa

kawilihan ng madla.

Hindi gaanong

nakapanghikayat at

nakapagpataas sa

kawilihan ng madla.

Hindi nakapanghikayat

at nakapagpataas sa

kawilihan ng madla.

Kabuuan

Rating Scale 30–36. Napakahusay: Natatangi ang pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at pagtatalumpati nito. 23–29. Mahusay: Karaniwan lamang ang pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at pagtatalumpati nito. 16–22. Mapaghuhusay Pa: May kahinaan ang pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at pagtatalumpati nito. 9–15. Hindi Mahusay: Mahinang-mahina sa pagpapamalas ng mga kasanayan sa pagsulat ng piyesa at pagtatalumpati nito.

Page 13: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 13

Assessment Task Blueprint para sa Pakikipanayam at Pagsulat ng Artikulo Anu-anong mga pag-unawa at naisin ang tatayain sa pamamagitan ng gawaing ito?

• Matatalakay nang mapanuri at malikhain ang mga nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng indibidwal na pagsulat ng maikling artikulo.

• Mahihinuha ang kahalagahan ng epektibong pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan upang maipakilala at maisalin ang iba’t ibang pagpapahalagang taglay ng mga karanasan ng sambayanan.

• Maipamamalas ang paglalapat ng mga kasanayan sa pakikipanayam at pagsulat ng artikulo.

Anu-anong mga panukat ang naipabatid ng pamantayan/pag-unawa, isinasaalang-alang man o hindi ang mga nakatakdang gawain?

Anu-anong mga kalidad o katangian ang dapat na makita sa ginawa ng mga estudyante upang masabing ang mga pamantayan ay natamo?

Isinasaalang-alang man o hindi ang mga nakatakdang gawain, magagawa ng mga estudyante ang mga sumusunod:

• makapagpamalas ng mabisang pakikipagugnayan sa kapwa;

• maisa-isa ang mga pagpapahalagang masusuri

• sa tunay na karanasan ng mga mamamayan; at

• mapahalagahan ang sistematiko at • makabuluhang proseso ng pangangalap ng

datos at pagbuo ng artikulo.

Upang matiyak ang pag-abot sa mga itinakdang pamantayan sa pakikipanayam at pagsulat ng artikulo, kailangang makita ang mga sumusunod: (1) matalinong pagtatanong at disiplina sa pakikipanayam; (2) artikulong may malinaw at kaisahang nilalaman na balanseng tumutugon sa pagtalakay ng layunin; (3) sapat na detalye; (4) maayos na organisasyon; at (5) makinis at maayos na pagkakasulat ng artikulo na nanghihikayat at humahamon sa kaisipan ng kabataang mambabasa.

Sa anong espesipikong gawain maipamamalas o maipakikita ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa?

Paglalarawan ng Pagganap/Gawain: Maipakikita ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng makabuluhang pagganap sa kinabibilangang pangkat para sa gawain ng pakikipanayam at pangangalap ng datos. Gayundin, kailangang makapagpamalas ang mga estudyante ng kahusayan sa pagsulat ng isang artikulo na mabisang tatalakay sa paksa na naitakda sa isinagawang panayam.

Anu-anong mga produkto/gawain ng mga estudyante ang magbibigay-patunay ng mga nilalayong pag-unawa?

Ang mga estudyante ay gaganap bilang mga campus journalist na magsasagawa ng iba’t ibang pagtalakay ng mga sumusunod na paksa:

• Karanasan ng mga estudyante sa kanilang unang araw sa antas sekundarya • Mga suliranin o pagsubok na nararanasan ng mga guro sa kanilang pagtuturo • Ang matapat na paglilingkod ng mga gwardya at dyanitor sa paaralan • Ang karanasan ng magulang sa pagpapalaki sa kanilang anak

Ilalahad ng mga estudyante ang kanilang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng indibidwal na pagsulat ng maikling artikulo para sa isang magasin.

Sa anu-anong mga panukat tatayain ang mga gawain o pagpapamalas ng mga estudyante?

Gagamitin ang mga sumusunod na panukat sa pagtaya sa pakikipanayam at pagsulat ng artikulo: • Nilalaman ng talatanungan – Tumutukoy sa pagiging makabuluhan at mapanuri ng mga

inihandang katanungan na tumutugon sa kahingiang pagpapalawak sa paksa. • Disiplina sa pakikipanayam – Nagtataglay ng katangiang matapat, balanse, at

mapanghahawakang personalidad. • Nilalaman ng artikulo – Balanseng natalakay ang paksa at makabuluhan ang isinagawang

paglalahad. • Organisasyon/pagkakabuo – Makinis at maayos ang daloy ng pagkakasulat sa artikulo. • Panghikayat sa mambabasa – Humihikayat at humahamon sa kaisipan ng kabataang

mambabasa ang kabuuan ng artikulo.

Page 14: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 14

Rubric para sa Pakikipanayam at Pagsulat ng Artikulo Kategorya 4 3 2 1 Marka

Nilalaman ng

Talatanungan

Napakamakabuluhan at higit na mapanuri ang mga inihandang katanungan sa pagpapalawak ng paksa.

Makabuluhan at mapanuri ang mga inihandang katanungan sa pagpapalawak ng paksa.

Hindi gaanong makabuluhan at mapanuri ang mga inihandang katanungan sa pagpapalawak ng paksa.

Walang kabuluhan at hindi mapanuri ang mga inihandang katanungan sa pagpapalawak ng paksa.

Disiplina sa

Pakikipanayam

Higit ang Pagpapamalas ng pagiging matapat, balanse, at mapanghahawakang personalidad.

Sapat ang pagpapamalas ng pagiging matapat, balanse, at mapanghahawakang personalidad.

Hindi husto ang Pagpapamalas ng pagiging matapat, balanse, at mapanghahawakang personalidad.

Hindi kinakitaan ng pagpapamalas ng pagiging matapat, balanse, at mapanghahawakang personalidad.

Nilalaman ng Artikulo Balanseng-balanseng natalakay ang paksa at higit na makabuluhan ang isinagawang paglalahad.

Balanseng natalakay ang paksa at makabuluhan ang isinagawang paglalahad.

Hindi gaanong balanseng natalakay ang paksa at hindi rin gaanong makabuluhan ang isinagawang paglalahad.

Hindi balanseng natalakay ang paksa at hindi rin makabuluhan ang isinagawang paglalahad.

Organisasyon/

Pagkakabuo

Napakakinis at napakaayos ng pagkakasulat sa daloy ng artikulo.

Makinis at maayos ang pagkakasulat sa daloy ng artikulo.

Hindi gaanong makinis at maayos ang pagkakasulat sa daloy ng artikulo.

Hindi makinis at maayos ang pagkakasulat sa daloy ng artikulo.

Panghikayat sa

mambabasa

Higit na humihikayat at humahamon sa kaisipan ng kabataang mambabasa ang kabuuan ng artikulo.

Sapat na humihikayat at humahamon sa kaisipan ng kabataang mambabasa ang kabuuan ng artikulo.

Hindi sapat na humihikayat at humahamon sa kaisipan ng kabataang mambabasa ang kabuuan ng artikulo.

Hindi humihikayat at humahamon sa kaisipan ng kabataang mambabasa ang kabuuan ng artikulo.

Kabuuan

Rating Scale 20 Napakahusay: Natatangi ang pagpapamalas ng kasanayan sa pakikipanayam at pagsulat ng

artikulo. 15–19 Mahusay: Sapat lamang ang pagpapamalas ng kasanayan sa pakikipanayam at pagsulat ng

artikulo. 10–14 Mapaghuhusay Pa: May kakulangan sa pagpapamalas ng kasanayan sa pakikipanayam at

pagsulat ng artikulo. 5–9 Hindi Mahusay: Walang dating sa pagpapamalas ng kasanayan sa pakikipanayam at pagsulat ng

artikulo.

Assessment Task Blueprint para sa Blog Anu-anong mga pag-unawa at naisin ang tatayain sa pamamagitan ng gawaing ito?

• Makasusulat ng pagbabahagi na may panimula, katawan, at pangwakas na paglalahad. • Makapaglalapat ng sariling estilo sa pagsasalaysay. • • Maipakikita ang pag-unawa at tamang paggamit ng mga salitang Filipino sa pagsulat ng isang

blog.

Anu-anong mga panukat ang naipabatid ng pamantayan/pag-unawa, isinasaalang-alang man o hindi ang mga nakatakdang gawain?

Anu-anong mga kalidad o katangian ang dapat na makita sa ginawa ng mga estudyante upang masabing ang mga pamantayan ay natamo?

Isinasaalang-alang man o hindi ang mga nakatakdang gawain, magagawa ng mga estudyante ang mga sumusunod:

• makapagpamalas ng kakayahan sa pag-

Upang matiyak ang pag-abot sa mga itinakdang pamantayan sa blog, kailangang makita ang mga sumusunod: (1) lohikal na organisasyon ng mga ideya;

Page 15: Unit Plan in Filipino

UbD Unit Plan – DIWA Learning Systems Inc Page 15

organisa ng mga talata upang makabuo ng mga konsepto kaisipan;

• makasuri ng angkop na estilong dapat gamitin sa paglalahad; at

• makapagpakita ng kaalaman sa wastong pagbuo ng mga pangungusap nang may pagsasaalangalang sa wastong gamit ng mga salita.

(2) malinaw na paksang-diwa; (3) sapat na mga detalyeng sumusuporta sa paglalahad; at (4) angkop na baybay, paglalapi, at kapitalisasyon ng mga salita.

Sa anong espesipikong gawain maipamamalas o maipakikita ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa?

Paglalarawan ng Pagganap/Gawain: Maipamamalas ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsulat ng isang blog (dipormal na sanaysay) tungkol sa sariling buhay-kabataan sa loob ng isang linggo. Sa pamamagitan ng pag-a-upload ng blog, maibabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga karanasan at saloobin sa mga Internet surfers.

Anu-anong mga produkto/gawain ng mga estudyante ang magbibigay-patunay ng mga nilalayong pag-unawa?

Isang blog na naglalahad ng mga karanasan ng estudyante sa loob ng isang linggo ang magiging produkto. Ito ay dapat na i-upload upang mabasa ng iba.

Sa anu-anong mga panukat tatayain ang mga gawain o pagpapamalas ng mga estudyante?

Gagamitin ang mga sumusunod na panukat sa pagtaya sa blog: • Kabuluhan at kawilihan ng nilalaman – Makapukaw-interes ang nilalaman. • Organisasyon at daloy ng pagsasalaysay – Maayos ang pagbuo at pagsasalaysay ng mga

detalye ng kwento. • Gamit ng wika – Angkop ang paggamit ng wika. • • Estilo sa pagsulat – May sariling paraan sa pagsasalaysay.

Rubric para sa Blog Kategorya 5 3 1 Marka

Kabuluhan at

kawilihan ng

nilalaman

Lubos na makabuluhan at

kawili-wili ang mga detalye.

Makabuluhan atkawili-wili ang

mga detalye.

Kulang sa pagiging

makabuluhan at kawili-wili

ang mga detalye.

Organisasyon

at daloy ng

pagsasalaysay

Naipakita ang tamang

pagkakasunud-sunod ng mga

pangyayari.

May bahagyang pagkakamali

sa pagkakasunud-sunod

ng mga pangyayari.

Hindi maayos ang daloy at

pagkakasunud-sunod ng mga

pangyayari.

Gamit ng Wika Maayos ang pagkakagamit ng

mga salita.

May iilang pagkakamali sa

pagkakagamit ng mga salita.

Maraming pagkakamali sa

pagkakagamit ng mga salita.

Estilo sa Pagsulat Nagpamalas ng sariling estilo

sa pagsulat.

Bahagyang nagpamalas ng

sariling estilo sa pagsulat.

Hindi nagpamalas ng sariling

estilo sa pagsulat.

Kabuuan

Rating Scale 19–20 Napakahusay: Natatangi ang kasanayang ipinakita sa pagsulat ng blog. 14–18 Mahusay: Karaniwan ang kasanayang ipinakita sa pagsulat ng blog. 9–13 Mapaghuhusay Pa: May kahinaan sa kasanayang ipinakita sa pagsulat ng blog. 4–8 Hindi Mahusay: Nangangailangan pa ng maraming pagsasanay upang mahasa sa

pagsulat ng blog.