eal of artnership FILIPINO Filipino
Transcript of eal of artnership FILIPINO Filipino
1
FILIPINO
Ikaapat na Markahan – Modyul 7 PAGSULAT NG ISKRIP
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 7 Pagsulat ng Iskrip
ZestforProgress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ____________________________
Grade & Section: ____________________________
Name of School: ____________________________
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
7
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mary Roten B. Naranjo
Editor:
Tagasuri: Charity D. Rim / Perla A. Galon
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Helen D. Paraiso
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE EPS – LRMDS
Josephine L. Tomboc, EdD EPS – Filipino
3
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-
aaral ang pag unawa sa Ibong
Adarna bilang isang Obra Maestro
sa panitikang Pilipino.
Naisasagawa ng mag-aaral ang
malikhaing pagtatanghal ng ilang
saknong ng kuridong naglalarawan
ng mga pagpapahalagang Pilipino.
Magandang buhay kaibigan! Binabati kita sa iyong pagdating sa
ikapitong modyul. Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong
aralin na naman ang ating tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na
mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing inihanda ko para saiyo. Halika’t
sabay nating alamin.
Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa
ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pagsulat ng iskrip. Inilalahad sa
araling ito ang mahahalagang proseso at elemento sa pagsulat ng iskrip na
dapat mong isaalang-alang.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nakagagamit ng angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.
(F7PT- Ivc-d- 23)
• Nakagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip. (F7WG-IVj-23)
PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING
SAGUTANG PAPEL.
4
Aralin
7
Pagsulat ng Iskrip
Balikan
Gawain A: Panimulang Pagtataya
Naaalala mo pa ba ang tinalakay sa nakaraang modyul? Ang dahilan ng
pagkasira ng relasyon ng magkakapatid na sina Cain at Abel ay “Inggit at Kasakiman”.
Si Cain at Abel
Genesis 4:1-16
http://www.bible.com/bible/1264/genesis4:1-16
Kung ikaw ang nasa sitwasyon katulad nina Cain at Abel, ano ang magagawa mo upang mapabuti ang samahan ninyong magkakapatid?
Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul ay babasahin mo ang unang bahagi ng “Poot ng
Naunsyaming Pag-ibig (saknong 1429-1442) Unawain itong mabuti at sagutin ang mga gawain na inihanda para sa iyo. Ngunit bago iyon ay sagutin mo muna ang
gawaing ito upang lubos mong maunawaan ang nilalaman ng akda.
Panuto: Basahin ang saknong sa bawat bilang at piliin ang kasing-kahulugan ng
salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Sa palasyo’y anong saya a. nakita
lahat doon ay masigla, b. nawala tiwala ang hari’t reynang c. naunsyami
ang ulap ay naparam na. d. nadaig
5
2. Natalos ni Donya Maria a. naunawaan sa tulong ng dunong niya b. nalimutan
ang prinsipeng kanyang sinta c. naiwan nakalimot nang talaga. d. nabanggit
3. Ang taksil ay magbabayad a. malimot kataksila’ymauutas b.magsimula
pag ang tao’y laging duwag c. patuloy
kakaning-itik ang labas. d. matapos
4.Sa karosa ay lumulan a. sumakay
naliligid ng utusan b. alindog sanghaya’y pagkakamalang c. bumaba
buwan sa lupa’y dumalaw. d. pumanaw
5. Hindi nila nababatid a. natutunaw na sa nayo’y may ligalig, b. nababasa
ito’y apoy na sasapit c. nalalaman sa palasyong nagtatalik. d. nalalapit
Mahusay kaibigan!
Ngayon, basahin mo nang mabuti at unawain ang bawat saknong.
Poot ng Naunsyaming Pag-ibig
(Mga saknong 1429-1442)
1429 Sa palasyo’y anong saya
lahat doon ay masigla, tiwala ang hari’t reynang
ang ulap ay naparam na.
1430 Hindi nila nababatid
na sa nayo’y may ligalig, ito’y apoy na sasapit
sa palasyong nagtatalik.
1431 Natalos ni Donya Maria sa tulong ng dunong niya
ang prinsipeng kanyang sinta
nakalimot nang talaga.
1432 Ang pangakong babalikan nang araw ding magpaalam,
inabot nang tatlong araw pangako’y bulang natunaw.
1433 Natalos ding sa palasyo
kasayahan ay nagulo,
nang maayos naman ito’y may kasalan na sa Linggo.
6
1434 Ikakasal ay di iba’t si Don Jua’t si Leonora, ang higanti ay handa na’t gagawin ni Donya Maria.
1435 Ang taksil ay magbabayad kataksila’y mauutas pag ang tao’y laging duwag kakaning-itik ang labas.
1436 Araw nga ng pagkakasal dumating ang hinihintay, sa prinsipe’y katuwaa’t sa prinsesa’y kapanglawan.
1437 Singsing niyang may mahika’y hiningan ni Donya Maria,
isang sasakyang karosang walang kapantay sa ganda.
1438 Saka isang kasoutang
sa emperatris na tunay,
dikit ay nakasisilaw sa madlang nasa kasalan.
1439 Lahat ng kanyang hinihiling sa sandali ay dumating,
pati ibang gagamitin ibinigay na ng singsing.
1440 Si Donya Maria’y nagbihis gayak niyang emperatris
ganda sa matang tititig serafin mandin sa langit.
1441 Sa karosa ay lumulan naliligid ng utusan
sanghaya’y pagkakamalang
buwan sa lupa’y dumalaw.
1442 Karosa’t mga kabayong
maghahatid sa palasyo sa malayo kung tingnan mo’y
yaong kay Venus de Milo.
Alam kong nagustuhan mo ang binasa mong akda. Sa puntong ito, nais kong malaman kung tunay mo bang naunawaan ang iyong binasang akda. Sagutin mo
ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel. Handa ka na ba? Kung handa ka na, maaari ka nang mag-umpisa.
7
Mga Susing Tanong:
1. Ano ang ginawa ni Donya Maria upang madalo sa kasalan nina Don Juan at Leonora?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
2. Sino ang tinutukoy ni Donya Maria na taksil at bakit?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
3. Sa iyong palagay, tama ba ang desisyon ni Donya Maria na dumalo sa kasalan? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________
Suriin
Nasagot mo na ba ang lahat ng tanong? Kung oo, aba’y napakagaling mo.
Ipagpatuloy mo lang ang ganyang gawain. Bago magpatuloy sa susunod na gawain,
halina’t ating pag-aralan ang tungkol sa Pagsulat ng Iskrip.
PAGSULAT NG ISKRIP Isa sa pinakamahalagang sangkap ng dula ay ang ISKRIP. Ito ang nakasulat
na bersiyon ng mga salitang dapat sabihin o batayan sa pagganap ng mga aktor sa dula. Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Mahalaga ang ISKRIP dahil ito ang
gabay ng mga tagaganap o aktor, direktor at tagaayos ng musika, editor at maging
ng technician. Sa pagsulat ng ISKRIP ay mahalagang isaalang – alang ang mga bagay na ito.
Kailangang maging malinaw ang banghay, tauhan, tagpuan at ang mahahalagang kaisipang hatid nito sa mga manonood.
a. BANGHAY – ito ay pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
b. TAUHAN – ito ay nagbibigay buhay sa kuwento o aktor. c. TAGPUAN – ang lugar na pinangyayarihan sa kuwento.
Yamang maliwanag na sa iyo ang kahulugan ng mga elementong ito ay dapat
mo namang alamin ang tatlong bahagi ng pagsulat ng ISKRIP.
1. Pre-writing Stage – ay ang baagi ng pag-iisip at pagpaplano. Dito
binubuo ang konsepto ng kuwento,sino ang mga tauhang gaganap kabilang ang bida at kontrabida, saang lugar o tagpuan gagawin, at
anong banghay ang gagamitin.
2. Writing Stage – ito ang pagsisimula sa pagsulat ng iskrip. Sa simula ng pagsulat ng iskrip ay makabubuting sumulat muna ng sentence outline.
Ang sentence outline ay isang di-numerong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Hindi mga deskripsyon, hindi mga iniisip ng
tauhan, kundi ang eksena.
8
Halimbawa ng sentence outline:
Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng
kanyang mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Don Juan at Donya Leonora .
1. Humiling si Donya Maria sa kanyang mahiwagang singsing ng isang magandang karosa at kasuotang pang-emperatris.
2. Umalis si Donya Maria Blanca sakay ng magandang karwahe.
Kapag nagawa na ang sentence outline ay repasuhin ito at pinuhin. Sa bahaging ito ay maaari nang buoin ang iskrip kasama ang tauhang magsasalita, mga
props, eksena at iba pa.
2. Rewriting Stage – ito ay ang pagsulat muli upang maging malinaw at madali itong maitanghal.
HALIMBAWA NG ISKRIP:
(Unang bahagi ng Poot ng Naunsyaming Pag-ibig) Saknong 1429-1442
Tauhan: * Donya Maria, makapangyarihan, matalino, at magandang prinsesa
Tagpuan: * Panahon: umaga, maliwanag ngunit maulap
* Tagpuan: sa nayon, kung saan iniwan ni Don Juan si Donya Maria
Pagkahawi ng tabing o sa pagliliwanag ng tanghalan ay makikita ng madla si Donya
Maria suot ang isang magandang damit habang malungkot na nakatingin sa kanyang singsing.
Maraming mga puno sa kanyang paligid at ipakita ang isang munting tahanang yari
sa bato sa kanyang likuran.
DONYA MARIA: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang iyong mahal na prinsesa kung ikaw ay magpapakasal kay Donya Leonora?
Mamamasdan ang singsing at hihiling sa kanyang singsing na tila naiiyak pa.
DONYA MARIA: Mahiwagang singsing, ako’y bigyan ng isang magandang karosa.
Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayo at labindalawang kabataang lalaking maganda ang tindig nanakatayo sa tabi ng karosa.
9
Pagyamanin
Ngayong alam mo na ang proseso ng pagsulat ng iskrip, halina’t palawakin
mo pa ang iyong kasanayan, simulan natin sa pagbuo ng sentence outline. Galingan mo!
PANUTO: Bumuo ng dalawang sentence outline bataysa mga larawan sa ibaba.
Source: telegraph.co.uk Source: nst.com.my
SENTENCE OUTLINE:
1. _________________________________________ 2. _________________________________________ Source: cnn.ph Source: interaksyon.philstar.com
SENTENCE OUTLINE:
1.___________________________________________________
2.___________________________________________________
10
Isaisip
Magaling! Mukhang alam mo na kung paano ang pagbuo ng sentence outline.
Basahin mo pa ang mga karagdagang impormasyon upang mas lalo ka pang bihasa at magsilbi itong gabay sa iyong pagsulat ng iskrip.
Tandaan, sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isaalang-alang ang mga
natutuhan sa gramatika at retorika. Ito ay mahalaga upang higit na maging mabisa, makatotohanan, at malinaw ang pagbuo ng iskrip; at maiwasan ang maling
interpretasyon o di pagkakaunawaan bunga ng maling gamit ng mga salita o pahayag. Mahalaga rin sa pagsulat ng iskrip ang paggamit ng angkop na salita at
simbolo.
Simbolismo–naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. Silid-aklatan - karunungan o kaalaman 2. Gabi – kawalan ng pag-asa
3. Pusang itim – malas 4. Ahas – traydor o taksil
5. Bulaklak– pag-ibig
Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga simbolong may salungguhit sa bawat
pangungusap.
1. Si Anna ay nanaginip ng isang napakalaking ahas.
a. malas b. magandang balita
c. kamatayan d. traydor
2. Laking tuwa ni Eva nang nakatanggap siya ng isang palumpon ng bulaklak. a. pag-ibig
b. pag-angat ng posisyon
c. pagbati d. pagsurpresa
3. Parang gabi na puno ng kadiliman ang naramdaman ni John nang mawala ang kanilang ilaw ng tahanan.
a. pagdurusa b. kawalan ng Pag-asa
c. paghihinagpis
d. pagkabigo 4. Bukas palagi ang silid-aklatan para sa mga taong gustong magkaroon ng
magandang kinabukasan. a. kapayapaan
b. katiwasayan c. karunungan
d. kaginhawaan 5. Muntik niyang nasagasaan ang pusang itim na biglang tumawid sa kalsada.
a. malas
b. sagana c. babala
d. taksil
11
Tayahin
Halika kaibigan hasain pa natin ang iyong kasanayan sa gawaing ito. Galingan mo!
Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos
Malinaw at wasto ang balarila o gramatika. 5
Nagagamit ang angkop na mga salita at
simbolo sa pagsulat ng iskrip. 5
Angkop at nakaugnay sa paksa 5
KABUUAN: 15
Panuto: Bumuo ng iskrip batay sa sitwasyong ibinigay.
Sentence Outline: 1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
Mga Tauhan: 1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
Tagpuan: 1. ____________________________
2. ____________________________
Sina Lulu at Lala ay matalik na magkaibigan. Nagkasundo ang
dalawa na supresahin ang kanilang guro sa kanyang kaarawan. Bago sila pumunta sa bahay ng kanilang guro, dumaan muna sila sa isang
flower shop upang bumili ng bulaklak. Pagdating nila sa bahay ng kanilang guro ay laking tuwa nito dahil hindi niya inaasahan ang
dalawang magkaibigan na magbibigay sa kanya ng bulaklak.
12
PAGSULAT NG ISKRIP: (Isulat ang iyong mabubuong iskrip sa isang malinis na sulatang papel.)
Karagdagang Gawain
Mahusay! Talagang pinahanga mo ako sa ipinakita mong kagalingan sa
pagbuo ng iskrip. Ngayon naman hasain pa nating muli ang iyong kasanayan sa pagbuo ng iskrip batay sa mga larawan.
PAGBUO NG ISKRIP
Panuto: Gamit ang mga sumusunod na mga larawan, bumuo ng iskrip batay sa sentence outline na iyong mababasa sa ibaba. Gumamit ng isang malinis na
sulatang papel.
Narito ang pamantayan sa pagkuha ng puntos.
Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos
Malinaw at wasto ang balarila o gramatika. 10
Naaangkop ang iskrip sa ipinapahiwatig ng bawat larawan.
5
Tamang paggamit ng bantas. 5
KABUUAN: 20
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
13
Sentence Outline:
1. Nakita ng mga magulang na may ginawang mali ang kanilang anak.
2. Pinagsabihan nila ito.
Source: brainly.ph
Sentence Outline: 1. Nasaksihan ng guro na nag-aaway ang dalawang mag-aaral sa
loob ng silid-aralan. 2. Inawat ng guro at tinulungang makatayo ang isa.
Source: brainly.ph
14
Susi sa Pagwawasto
PAGYAMANIN
Mga posibleng sagot (Unang dalawang larawan) 1.Matinding pinsala ang idinulot ng baha.
2. Nagtutulungan upang madaanang muli ang mga pampublikong lugar.
(Ikatlo at ikaapat na larawan) 1. Pagkuha ng temperatura bago sumakay ng
bus. 2. Tamang pagsunod sa health protocol kung
sasakay sa pampublikong sasakyan.
ISAISIP
1. D 2. A
3. B
4. C 5. A
TAYAHIN
Maaaring magbago-bago
ang sagot ng
mga mag-aaral para sa
gawaing ito.
Karagdagang Gawain
Sentence Outline:
1.Nagkasundo ang dalawang matalik na kaibigan.
2.Bumili ng Bulaklak. 3.Pumunta ang magkakaibigan sa
bahay ng kanilang guro.
Tauhan: 1.Lulu
2.Lala 3.Guro
Tagpuan: 1.Flower Shop
2.Tahanan ng Guro
Iskrip:
Maaaring magbago-bago ang sagot ng mga mag-aaral para sa gawaing ito.
TUKLASIN
1. B
2. A
3. D 4. A
5. C
15
Sanggunian “[Mask and faceshield inside the bus]” Accessed December 2020.
https://www.google.com/search?q=mask+and+facesheid+inside+the+bus&tbm=isch&ved=2ahUKEwj49ei2jcXtAhU1NaYKHcuiBD4Q2-cCegQIABAA&oq=mask+and+facesheid+inside+the+bus&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAUIbkK1iD1Cxg0dYsaABwAHgFgAHrE4gB12eSAQ8wLjEuNS0xLjMuMS4xLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei=W_fSX7jcB7XqmAXLxZLwAw&bih=657&biw=1366&hl=en#imgrc=iWI-KfTtu6r5DM.
After typhoon cleanup picture. Accessed December 2020.
https://www.google.com/search?q=after+typhoon+picture+cleaning+the+roead&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwiitoeSlt7tAhVQCaYKHWmXD74Q2-
cCegQIABAA&oq=after+typhoon+picture+cleaning+the+roead&gs_lcp=CgNpbWcQA
1DtV1iHamD_amgAcAB4AIAB5gGIAf4OkgEDMi05mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWfAAQE&sclient=img&ei=7xvgX-
KCGdCSmAXprr7wCw&bih=657&biw=1366&hl=en#imgrc=jfyfWlqI7cik5M.
CNN Philippines Staff. “Face shields required for public transport passengers starting August
15.” Published August 5, 2020. https://www.cnn.ph/news/2020/8/5/face-shields-required-
public-transport.html.
Julian, Ailene. Pinagyamang pluma 7 (ikalawang edisyon). Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2018.
Julian, Ailene. Pinagyamang pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc. 2013.
Pagbuo ng iskrip gamit ang sumusunod na larawan. Accessed December 2020. https://www.google.com/search?q=paggawa+ng+iskrip+&tbm=isch&ved=2ahUKEwjZ8
fuLgMXtAhVQA6YKHQofAMYQ2-
cCegQIABAA&oq=paggawa+ng+iskrip+&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQHjIGCAAQ
BRAeMgQIABAYMgQIABAYOgQIABBDOgIIADoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMB
UPuVtAFYlb60AWDJzLQBaABwAHgDgAHpAYgByh-
SAQYwLjMxLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei
=X-
nSX5nGJNCGmAWKvoCwDA&bih=657&biw=1366&hl=en#imgrc=bafybel8qALftM.
The telegraph. “Philippines flooding: torrential monsoon rains bring Manila to a standstill.”
Accessed December 2020.
https://www.telegraph.co.uk/news/picturegalleries/worldnews/10251861/Philippines-
flooding-torrential-monsoon-rains-bring-Manila-to-a-standstill.html.
16
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos, All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our.. Eden...
Land…
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am
sad and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There
was only one (1) set of footprints in
the sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.