TULALANG: Epiko ng mga Manobo

33
Page 1 TULALANG: EPIKO NG MGA MANOBO

description

 

Transcript of TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 1: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 1

TULALANG: EPIKO NG MGA MANOBO

Page 2: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 2

TALASALITAAN

• Payabungin Natin, PLUMA 7 pahina 134 – 235.

Page 3: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 3

Mga Tauhan at Bagay sa Epiko na May Simbolismo

sa Tunay na Kuwento

Page 4: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 4

Unang Bahagi

• Tulalang -> ang pangunahing tauhan sa kuwento, panganay sa apat na magkakapatid at nanggaling sa isang mahirap na pamilya. Siya ay naging mayaman at kinilalang bayani at mabuting pinuno sa kanilang kaharian.

Page 5: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 5

• Matanda (Ermitanyo) -> madalas na nagmamatyag sa magkakapatid dahil sa lagi silang nangunguna ng ubod ng ratan para kainin. Ang matandang ito ay naawa sa magkakapatid kaya nang kausapin niya si Tulalang ay binigyan niya ito ng kapangyarihan at kayamanan. Ang matanda ring ito ay may kapangyarihan na

kung anuman ang kanyang

sabihin ay nagkakatotoo.

Page 6: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 6

• Tolosan o Palasyo -> ipinatayo nina Tulalang kung saan ay palaging may musikang ipinatutugtog. Dahil sa nakarating sa iba't ibang tribo ang masaya at mayaman na kaharian nina Tulalang, ang mga tribong ito ay nagpasakop sa

kanila. Isa sa mga gawain ng mga

Manobo ay kapag may isan

mayamang pamilya sa kanilang lugar,

Page 7: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 7

• ang mga mahihirap ay nagpapasakop o nagpapaalipin para umunlad din ang kanilang buhay. Ang mayayaman naman ay agad silang tinutulungan hindi para ituring na alipin kundi kapamilya.

Page 8: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 8

• Kapatid na Babae ni Tulalang -> ang bunso sa magkakapatid na siyang hiyas ng kanilang pamilya dahil ang babaeng ito ay may kakayahan na magpalit-anyo sa kung anuman ang kanyang naisin. Ang magkakapatid ay may kanya-kanyang silid

maliban sa babaeng ito, 

Page 9: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 9

• ayon sa kuwento ito ay natutulog sa pinakailalim ng pinagpatong-patong na basket kung saan siya ay kasinglaki lamang ng isang daliri ng tao. Siya rin ay laging nagtatanim ng mahiwagang rosas na namumulaklak lamang tuwing tanghali at kapag nalanta ito ng wala sa panahon,

ang ibig sabihin ay may

paparating na panganib.

Page 10: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 10

• Agio -> siya ang unang panganib na dumating nang malanta ang rosas. Siya ay ang mayabang na heneral ng Kulaman, isa sa mga kahariang naiinggit sa kaharian nina Tulalang. Nang pumunta siya kasama ang kanyang mga kawal sa kaharian nina Tulalang ay nagkaroon ng labanan.

Page 11: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 11

• Singging -> ito may sariling isip kung saan ay kinausap nito si Tulalang na siya ang lalaban sa mga kawal ni Agio. Si Tulalang naman ay agad na pumayag, nang alisin niya ito sa kanyang daliri ay naging mga sundalo ang singsing na ito.

Page 12: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 12

• Pero dahil sa madunong naman si Agio, ipinag-utos nito sa kanyang mga kawal na hawakan lang nang mahigpit ang mga sundalo. Dahil sa hindi na makapalad ang mga sundalo ni Tulalang, sila ay bumalik sa pagiging singsing.

Page 13: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 13

• Balaraw (isang uri ng kutsilyo na magkabilaan ang talim) -> ito naman ang inutusan ni Tulalang na lumaban sa mga kawal ni Agio, pero naunahan siya nang mga kawal ni Agio at hinakawan sa leeg kaya hindi nakapagpalit-anyo ang balaraw bilang isang sundalo.

Page 14: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 14

• Mangampitan -> siya ang pumalit kay Tulalang sa pakikipaglaban sa mga kawal ni Agio dahil sa ikatlong pagkakataon, si Tulalang na ang nakipaglaban sa mga kawal ni Agio.

Page 15: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 15

• Minalisin -> ikatlo sa magkakapatid na siyang nagpalit naman kay Mangampitan sa pakikipaglaban sa mga kawal ni Agio.

Page 16: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 16

• Mahiwagang Langis -> ito ay ibinuhos ng kapatid na babae sa 2 pangkat na naglalaban (pangkat ni Agio at pangkat ni Tulalang) dahilan para makatulog sila nang mahimbing. nang magising sila, nalaman nila na sina Agio pala at Tulalang ay magpinsan.

Page 17: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 17

Ikalawang Bahagi

• Uwak -> iniputan niya si Tulalang sa mukha dahil natutulog ang huli sa ilalim ng punongkahoy. nang magising si Tulalang, ibinalita niya na may isang higanteng kumakain ng tao.

Page 18: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 18

• Higanteng kumakain ng Tao -> hinanap ni Tulalang para patayin. Nang makarating si Tulalang sa kuweba kung saan nakatira ang higante, nalaman niya na may bihag pala ito na isang magandang babae.

Page 19: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 19

• Macaranga -> bihag ng higanteng kumakain ng tao. Nang mapatay ni Tulalang ang higante, inalok niya ang babaeng ito na magpakasal sa kanya pero hindi muna pumayag ito dahil uuwi muna siya sa kalangitan ung saan siya nakatira. Nang naroroon na siya, nalaman niya na patay na pala ang kanyang amang hari,

kaya nangangailangan na ng

panibagong hari ang kanyang

kaharian.

Page 20: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 20

• Naisip niya na magpakasal na kay Tulalang kung saan ay pumayag naman ang huli pero bago magpakasal umuwi muna si Tulalang sa kanyang sariling kaharian kung saan nalaman niya na sinalakay pala ng hari ng bagyo ang kanyang palasyo at natalo nito ang 2 niyang kapatid na lalaki at binihag pa nito

ang kanyang kapatid na babae.

Page 21: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 21

• Hari ng Bagyo -> pinakamalupit na kalaban ni Tulalang at may kapangyarihan na magkatawang-hangin (invisible).

Page 22: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 22

• Bata -> nang makarating si Tulalang sa kaharian ng hari ng bagyo, siya ay nagpalit-anyo bilang isan bata at nagpaalipin sa hari ng bagyo. Bilang isang batang Tulalang, iniligtas niya ang kanyang kapatid na babae. nang mabalitaan ito ng hari ng bagyo, bumalik ito kasama ang kanyang mga kawal sa

kaharian ni Tulalang at doon ay

nagkaroon muli ng labanan.

Page 23: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 23

• Mahiwagang Bote -> habang labanan, hindi napapatay o magawang saktan nina Tulalang ang hari ng bagyo at ang kanyang mga kawal. Sa bawat patayin nilang kalaban, ito ay nadodoble o kung gaano man karami ang patayin nila ay ganun din karami ang dumaragdag na kalaban.

Page 24: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 24

• Naisip ni Tulalang na bumalik sa kaharian ng hari ng bagyo kaya nagpalit -anyo naman siya bilang isang KULASISI (isang uri ng ibon o loro). Doon ay nakita niya ang mahiwagang boteng ito kung saan ay nasa loob ang mga kaluluwa ng hari ng bagyo at kanyang mga kawal. 

Page 25: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 25

• Si Tulalang ay nagbalik agad sa kanyang kaharian para ipakita sa mga kalaban na hawak-hawak na niya ang alas kung papaano mapapatay ang mga ito. Noon din ay agad na sumuko ang mga kalaban kina Tulalang na baka basagin ng huli ang bote.

Page 26: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 26

• Sarimbar -> isang uri ng barko na bumababa mula sa kalangitan sa pamamagitan ng malalaking kadena. Nang magkaroon na ng katahimikan sa kaharian nina Tulalang, naghanda na sila sa pagdating ng sarimbar.

Page 27: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 27

• Katolosan o Kaluluwa -> naniniwala rin ang mga Manobo na kapag gumawa sila ng mabuti, bababa ang sarimbar para kunin na ang kanilang mga katolosan at doon sa kalangitan ay magkakaroon sila ng buhay na walang hanggan.

Page 28: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 28

• Higante -> huling nakalaban ni Tulalang. Binalak nito na putulin ang kadena ng sarimbar para di dumiretso ang barko sa pupuntahan nito pero nagpaiwan si Tulalang para kalabanin at patayin ito.

Page 29: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 29

MGA TANONG

• Paano natapos ang kahirapan ng pamilya ni Tulalang?

Page 30: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 30

• Ano ang pinatunayan ng pagkakaroon ng marangyang buhay ni Tulalang mula sa dating mahirap na katayuan

nito?

Page 31: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 31

• Ano-anong kababalaghan o mga di kapani-paniwalang pangyayari ang inilahad sa epiko? Ano ang ibig sabihin ng mga kababalaghan na ito?

Page 32: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 32

• Ano ang ipinakita ng pagtatapos ng labanan nina Agio at Tulalang?

Page 33: TULALANG: Epiko ng mga Manobo

Page 33

• Batay sa mga pinagdaanan ni Tulalang, paano nito naipakita kung anong klase siyang pinuno?