Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Transcript of Epiko ng mga Muslim- S-Fil 15 (2016)
Tagapag-ulat: Vaneza E. Tuvida BFE II
EPIKO NG MGA MUSLIM
Indarapatra at Sulayman Bantugan Bidasari
Matapang na hari ng kahariang Mantapuli.
• Dambuhalang ibon at Mababangis na hayop
Ito ay nangyayari sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng
Mantapuli.
Isang matapang na kawal. Kapatid ni Indarapatra.Inutusan siya ni Indarapatra na puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao.
“ Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito nangangahulugang ikaw ay patay.”
• Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, at dumating ang halimaw
na si Kurita. Matagal at madugo ang labanan. Ngunit natalo niya pa rin ito dahil sa tulong ng kris ni Sulayman.
• Nagtungo naman siya sa Matutum. Hinanap niya ang halimaw na kumakain ng tao na may pangalang
Tarabusaw. Hinagupit ng hinagupit siya ng kahoy ngunit ng malanta ito ay nasaksak siya ni Sulayman ng kanyang espada.
• Pumunta na naman siya sa Bundok ng Bita. Wala ring tao. Biglang dumilim ang paligid sa pagdating ng dambuhalang
ibong Pah.
Si Prinsipe Bantugan ang kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil dito ay nainggit si Haring Madali kaya ipinagbawal niya ang pakikipag-usap sa kanyang kapatid.
Dahil dito ay nalungkot si Prinsipe Bantugan. Siya’y naglagalag, nagkasakit at namatay sa pintuan ng Kaharian ng Lupaing nasa pagitan ng Dalawang Dagat .
Naguluhan ang hari at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang . Hindi nila kilala ang bangkay. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo.
Habang sinangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bangkay, isang loro ang pumasok.
Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula sa kaharian ng Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali kaya dali-dali siyang lumipad patungo sa langit at binawi ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Ibinalik ni Haring Madali ang kaluluwa ni Bantugan. Nabuhay si Bantugan at nagdiwang sila.
Nabalitaaan naman ni Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan kaya nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran kaya’t natigil ang kanilang pagdiriwang.
Iginapos siya ngunit ng bumalik ang dati niyang lakas ay nilagot niya ang kanyang gapos at buong ngitngit na pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.
Nailigtas niya ang kaharian ng Bumbaran at nagpatuloy sila sa pagdiriwang. Nawala na ang inggit ni Haring Madali sa kapatid. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng prinsesang kaniyang katipan.
Pinakasalan niya ang lahat at inuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali ng malugod at galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya at ng mahabang panahon.
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nakabatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito’y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman, o ng punongkahoy.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon na namiminsala ng pananim at maging sa buhay ng tao ito ay ang ibong GARUDA.
Mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao kapag dumarating ang Garuda upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila kay Garuda pagkat ito’y kumakain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao nagkahiwalay ang sultan at sultana ng Kembayat. Nagdadalantao ang sultana sa panahong iyon at sa matinding takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito ay naiwan niya ang sanggol sa may bangka.
May nakapulot sa sanggol ang pangalan niya ay Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Itinuring niya na parang tunay niya na anak ang sanggol. Pinangalanan niya ang sanggol na Bidasari. Habang lumalaki ay lalong gumaganda.
Kaharian ng Indrapura
Dalawang taong kasal.
Lila SariSultan Mongindra
Mapanibughuin
“mahal na mahal ka sa akin” - sultan
“Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa sa akin?”. - Lila Sari
“Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.” – sultan Mongindra
Dahil sa kakulangan ng kanyang tiwala at kumpiyansa sa kanyang asawa ay karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda kaysa sa kanya.
Nalaman niya na higit na mas maganda sa kanya si Bidasari kaya’t ito’y pinapunta sa palasyo upang gawing dama ng sultana ngunit ikinulong niya ito sa isang silid at doon pinaparusahan.
Hindi natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sa kanya kaya sinabi niya sa sultana na kunin ang gintong isda sa halamanan ng kanyang ama. Isusuot niya ito bilang kwentas sa araw at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglaon si Bidasari ay mamatay. Pumayag naman si Lila Sari.
Isinusuot nga ni Lila Sari ang kwintas na gintong isda kaya si Bidasari ay nakaburol kapag araw at kung gabi ay muling nabubuhay. Nag-alala si Diyahari kaya nagpagawa siya ng malaking palasyo sa sa kagubatan at itinira niya mag-isa si Bidasari doon.
Isang araw, ang sultan Mongindra ay nangangaso sa kagubatan hanggang sa makita niya ang isang magandang palasyo nakapasok siya rito at may nakita siyang napakagandang babae na natutulog. Bumalik ang sultan kinabukasan at nakausap si Bidasari doon na nalaman ng sultan ang lahat.
Galit na galit ang sultan kay Lila Sari kaya iniwan niya ito at kaagad na pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari ay naging reyna .
Samantalang ang mga magulang naman ni Bidasari ay tahimik na namumuhay sa Kembayat na nagkaroon ng isa pang supling si Sinapati.
Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita niya ang anak ng sultan at sultana na si Sinapati na kamukhang-kamukha ni Bidasari.
Nagkita ang magkapatid at kapwa sila nangilalas dahil magkamukhang-kamukha sila. Natunton ng sultan ang anak at nalaman ng sultan ng Indrapura na tunay pala na prinsesa ang kanyang pinakasalang si Bidasari
PAGSUBOK
1. Siya ay isang malaking ibon na nakapagpapadilim ng bundok.
a. Pah b. Kurita c. Tarabusaw
2. Sino ang kapatid ni Prinsipe Bantugan na may malaking inggit sa kanya?
a. Haring Medali b. Haring Madali c. Haring Madale
3. Sino ang nagpapahirap kay Bidasari?
a. Lila Sare b. Lila Sara c. Lila Sari
4. Sino ang prinsipe na namatay dahil sa sakit at muling nabuhay?
a. Prinsipe Bantogan b. Prinsipe Bantugan c. Prinsipe Bantugen
5. Ano ang pangalan ng ibong mapaminsala sa mga pananim at sa tao?
a. Garoda b. Garuda c. Garowda
Mga sagot:1. a2. b3. c4. b5. b