Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

268
SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN FIL 101 TAONG PANURUAN: 2015-2016 1 ST SEMESTER INIHANDA NI: MAM SHIRLEY C. VENIEGAS MAT-FILIPINO

Transcript of Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Page 1: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

SINING NG PAKIKIPAGTALASTASANFIL 101

TAONG PANURUAN: 2015-20161ST SEMESTER

INIHANDA NI: MAM SHIRLEY C. VENIEGAS

MAT-FILIPINO

Page 2: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

I BATAYANG KAALAMAN SA WIKA AT KOMUNIKASYON

Ang Wika a. Pagtalakay sa kahalagahan at katangian ng

wika b. Mga Teorya ng Wika c. Tungkulin ng Wika d. Uri/Barayti ng Wika e. Antas ng Wika

Page 3: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANGUNAHING DIYALEKTONG FILIPINO

TAGALOG Bikol Hiligaynon Ilokano Kapampangan

Pangasinense

Sebuano Samar-Leyte(waray

alipin oripon ulipon adysen alipan aripin ulipon oripon

apo makoako

apo apo apu apo abo abo

araw aldaw adlaw mil aldo agew adlaw adlaw

away iwal away apa pate subeg away away

Page 4: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHULUGAN NG WIKA Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng

Diyos sa sangkatauhan sapagkat ito ang pinakamagandang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at isinaayos sa pamamaraang paarbitaryo upang lubusang maunawaan at magamit ng mga taong nabibilang sa isang lipunang may natatanging kultura.

Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya at sakali mang hindi mapangalagaan ang pagkakakilanlan nito, tiyak na mawawalan ng saysay ang mga karunungang nakapaloob dito.

Page 5: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHULUGAN NG WIKA Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay

masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Ang wika ay instrumento ng komunikasyong panlipunan ayon kay Constantino (1996). Ito ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain at panlipunan.

(Ayon kay Francisco 2006, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang metodo, tiyak at makabuluhan.)

Page 6: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHULUGAN NG WIKA Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling

ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language, tawag sa wika sa Ingles-nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang wika-sa malawak nitong kahulugan-ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Genesis 11:1-9 nakasaad dito kung paano lumaganap ang wika pagkatapos ng delubyo o malaking baha mula sa angkan ni Noah.Dahil sa kanilang mapag-imbot na hangarin dahil sa iisa ang kanilang wika sila ay nagkakaunawaan. Nangamba ang Diyos na malampasan ang kanyang kapangyarihan kung kaya binigyan nya ng iba’t ibang wika ang mga tao upang sila ay di agad magkaunawaan. Sila ay nagkawatak-watak at kumalat sa daigdig.

Page 7: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHALAGAHAN NG WIKA

Mahalaga ang wika sapagkat: ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag

ang damdamin at kaisipan ng tao; sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang

kinabibilangan; at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap

ng kaalaman.

Page 8: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHALAGAHAN NG WIKA Sa Sarili- Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay

nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang tao, nagiging imposible ang lahat ng kanyang naisin kung may sapat siyang kakayahang gamitin at padalisayin ang wikang kanyang nalalaman.

Sa Kapwa- Ayon nga sa kasabihang nawiwika sa Ingles” No Man is An Island” Hindi nalikha ang wika para lamang gamitin ng isang tao sa kanyang sarili…kausapin ang sarili…gamitin sa sarili nang walang ibang makikinabang kundi ang kanyang sarili. Nangangahulugan lamang na ang wika ay isang napakahalagang sangkap upang makihalubilo ang isang rasyunal na tao sa kanyang kapwa rasyunal na nilalang upang mapalawig nito ang kanyang karanasan, karunungan at pagiging isang tao na nabubuhay sa mundo ng mga tao.

Page 9: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Sa Lipunang Kinaaaniban- Sa pagsama-sama ng mga karanasan, mga karunungan, mga pangarap at mga saloobin ng bawat rasyunal na nilalang nabubuo ang isang kulturang nagsisilbing kaluluwa ng isang lipunan. Isang lipunan na masasabing natatangi sa ibang lipunan sapagkat nagkakaroon ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat na sulok ng kanilang nasasakupan.

KAHALAGAHAN NG WIKA

Page 10: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KATANGIAN NG WIKA1. Ang wika ay masistemang balangkas- Bawat wika ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. May kanya-kanyang palatunugan, palabuuan ng mga salita at istraktura ng mga pangungusap ang bawat wika.2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Bawat wika ay may mga makahulugang tunog na kasangkapan sa komunikasyon. Maraming tunog ang maaaring malikha ng tao subalit hindi lahat ay maituturing na wika sapagkat hindi ito naisaayos upang maging makabuluhan.3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Pinipili ang wikang gagamitin upang maging makabuluhan at higit na maunawaan ng kausap.4. Ang wika ay arbitraryo –Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. (Just the sounds of speech and their correction with entities of experience are passed on to all members of any community by older members of that community.)

Page 11: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KATANGIAN NG WIKA5. Ang wika ay ginagamit- Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ito ang dahilan kung bakit daynimiko ang wika. Habang ito’y ginagamit, patuloy itong nagbabago:patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad sa patuloy na pagbabago ng panahon.6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa pagkakaiba ng kultura. Natatangi at malikhain ang bawat wika sapagkat nakabuhol ito sa natatanging kultura kung saan ito ginagamit.7. Walang Superyor na wika sa ibang wika-Bawat wika ay superyor sa mga taong gumagamit nito sapagkat sa wikang ito sila nagkakaintindihan. Hanggat ang wika ay nagagamit ng isang pangkat ng tao upang maipahayag ang kanilang sariling kultura at nagkakaunawaan sila, ang wikang ito ay superyor sa kanila. Walang mas mataas na wika sa ibang wika at wala ding mas mababang wika sa iba.

Page 12: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA TEORYA NG WIKA Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan at paano nagsimula ang paggamit ng

wika. Subalit may mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito. Nahahati sa dalawa ang mga hinuha at haka-haka hinggil sa pinagmulan ng wika. Una ay ang batay sa Bibliya at ang ikalawa ay ang batay sa Agham.

A. Biblikal 1. Kwento ng Tore ng Babel-(Tower of Confusion) Mababasa ang kwento sa

aklat ng Gen. 11:1-9. Ito ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng mga tao ng toreng napakataas na abot hanggang langit. Nagawa ng mga tao ito dahil sila ay nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng Diyos ang ginawa nilang ito kung kaya pinag-iba-iba niya ang kanilang wika.

2. Ang mga Apostol Sa bagong Tipan, mababasa naman sa mga Gawa ng mga Apostol na ang wika ay

nagsisilbing biyaya upang maipalaganap nila ang salita ng Diyos, Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo nakapagsalita ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman upang maituro ang ebanghelyo sa iba’t ibang tao.

Page 13: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA TEORYA NG WIKA B. Teorya batay sa agham panlipunan 1. Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na ginaya ng mga sinaunang tao ang

mga tunog na narinig nila sa kalikasan. (Langitngit ng puno ng kawayan, hampas ng alon sa malaking bato, Ungol ng salita ng mga hayop

2. Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may kaugnay na tunog. Panggagaya pa rin sa tunog ang batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng mga tunog ng bagay sa paligid na naging batayan din ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng ding-dong ng kampana, “bang-bang” ng baril at “boom” ng granada.(ex. Simbolo- puso(pag-ibig) at mga simbolong pantrapiko at babala

3. Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang naunang sumensyas ang tao kaysa magsalita. Subalit dumating ang panahong kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Isang halimbawa dito ang pagtango kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling kasabay ng pagsasabi ng hindi.

Page 14: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA TEORYA NG WIKA4. Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito. Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam sa mga Pranses. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pagtaas at pagbaba ng kamay ay nangangahulugang nagpapaalam. Subalit sa panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong kilos ng kamay naipapakita ang pagpapaalam kundi maaari ding iwagayway upang magpaalam.5. Pooh-pooh –Pinatutunayan ng teoryang ito na kailangang ibulalas ng tao ang kanyang damdamin. Ang tao ay lumikha ng wika upang maipahayag ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, awa, tuwa, galit, lungkot at iba pa. ex. Takot-o-o-o-h, naku!

Page 15: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

6. Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha bunga ng pwersang pisikal sa kanyang ginagawa. Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng isang inang nanganganak kapag umiire. Kasama na rin ang mga salitang nabibigkas ng isang karatista at isang boksingero. Halimbawa ng Yo-He-HoPagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ugPagsuntok –hu-hu-hu, bug-bugPagkarate –ya-ya-yaPag-ire –hu-hu-e-e-e

Page 16: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA TEORYA NG WIKA 7. Musika- Ipinalagay ng dalubwikang Danish na si Otto

Jerpensen na ang sinaunang wika ay may melodiya at tono. May kakulangan umano sa detalye ang wikang ito at walang kakayahang gamitin sa pakikipagtalastasan.

8. Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas na sosyal, ang teoryang ito ay naniniwalang ang tao ay lumikha ng kanyang wika upang magamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

9. Navya-Nyaya-Ang teoryang ito ay mula sa India. Pinaniniwalaan nito na ang lahat ng nasusulat na komunikasyon ay mula sa tunog na nalikha ng tao. Samakatuwid nag-ugat ang pasulat na komunikasyon sa pasalitang komunikasyon.

Page 17: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

10. Tarara-boom-de-ay-Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang tao ay natututong bumuo ng mga salita mula sa mga ritwal at seremonya sa kanilang ginagawa.

Hal. Ta-ra-ra-boom-de-ay- Paglututo at paglilinis ng bahay---tarara-ra-ray-ray- Pakikidigma at pag-aani- da-da-da, bum-bum

Page 18: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TUNGKULIN NG WIKA Gamit ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday (1973)

1. Pang-interaksyunal- Ang tao ay likas na sosyal. Nakikipag-ugnayan siya sa kapwa upang mapanatili ang kanyang relasyong sosyal. 2. Pang-instrumental- Nakikipag-usap tayo sa ating kapwa upang matamo ang ating mga pangangailangan. Naisasagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikiusap pag-utos sa ating kapwa.3. Pangregulaturi –Ginagamit ang wika upang magbigay ng direksyon, paalala o babala. Maaaring mapakilos ng tao ang kanyang kapwa sa mabisang paggamit ng wika.4. Pampersonal- Bilang isang indibidwal, naipapakita ng tao ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon at konsepto sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid.

Page 19: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TUNGKULIN NG WIKA 5. Pang-imahinasyon-Wika ang instrumento sa paglalarawan o

paggamit ng imahinasyon sa malikhaing paraan upang maipahayag ang sarili. Ginagamit din ito sa paglikha ng mga malikhaing akda katulad ng tula at maikling kwento.

6. Pang-impormasyon- Sa pamamagitan ng wika, nakakakuha at nakapagbibigay ng impormasyon sa lahat. Dahil sa teknolohiya, madali na lamang makakalap at makapagkalat nh impormasyon sa internet sa ngayon. Ginagamit ang wika upang makapagturo ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan o disiplina.

7. Heuristik- Instrumento ang wika upang matutong makamit ang mga kaalamang akademiko at matamo ang anumang propesyon. Nalilinang dito ang kasanayang magsuri, mag-eksperimento, magbigay-kahulugan mamuna at iba pang kasanayan sa pag-iisip pang-akademiko.

Page 20: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

URI/BARAYTI/BARYASYON NG WIKA

Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at mga tao rin ang lumilinang sa kani-kanilang mga kultura. Hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paniniwala, gawi, kasama na ang pagkakaiba-iba sa wika. Nalilikha ang tinatawag na baryasyon o barayti ng wika o sub languages na maaaring iklasipika sa higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng tinatawag na idyolek, dayalek, sosyolek, rejister, estilo at moda, edukasyon, midya at iba pa.

1. DAYALEK- Ito ay mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba’t ibang bayang nasasakupan.Halimbawa: Tagalog-Maynila Tagalog-CaviteTagalog-Bulacan Tagalog- QuezonTagalog-Batanggas Tagalog-Laguna

Page 21: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

URI/BARAYTI/BARYASYON NG WIKA

2. Ekolek- Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito.

Halimbawa: Pappy = ama Mumsy =ina Mc Guyver =karpintero Lady Gaga = lola3. Etnolek- Nalikha ang wikang ito sa mga etno-linggwistikong pangkatHalimbawa: Wika ng mga Tausug Wika ng mga IvatanWika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai

Page 22: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

URI/BARAYTI/BARYASYON NG WIKA

4. Idyolek- Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito.

5. Pidgin- Nabuo ang wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito.

Halimbawa: Me ganun? Tama haOks na oks Wow sige

Page 23: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

URI/BARAYTI/BARYASYON NG WIKA

6. Rehistro-Nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan.Halimbawa: ‘muhon’ sa isang karpintero‘segue’ sa isang script writer‘Trancendental phenomenon’ sa isang philosopher7. Sosyolek- Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil sa sosyalisasyon na kadalasang nagbabagu-bago ng anyo sa paglipas ng panahon.,Halimbawa: Pagdiriwang: parti, tipar, gimmick, mga wika ng bading at wika ng tambay

Page 24: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANTAS NG WIKA Kaantasan ng mga Salita/WikaMay mga kaantasan ang mga salita, kaantasang isinasaalang-alang upang ang mga salitang gagamitin ay aayon o babagay sa kanyag katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan.Dalawang Kaantasan ng SalitaA. PORMAL-Ito ay mga salitang kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya kung ang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito’y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal sa gayo’y tumataas ang uri kapag malaganap nang ginagaya.1. Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may sirkulasyon na umaabot sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral.

Page 25: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANTAS NG WIKA2. Pampanitikan- salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.B. DI-PORMAL O IMPORMAL-ang mga salitang imformal ay mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. 1. Balbal- ito ang mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga kabataan, mga salitang ginagamit sa lansangan ngunit hindi magandang pakinggan.Hal. Kumusta na ang erpat mo? Nakagoli ka na ba? Dehins pa.2. Kolokyal-mga salitang ginagamit sa pormal o imformal na pagsasalita. Mataas nang kaunti ang antas sa balbal.Hal. Ang utol mo pala ay kambal? Atsay namin ang aming naging tagapagluto.

Page 26: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANTAS NG WIKA

3. Lalawiganin- ginagamit sa isang partikular na pook o lalawigan at ang mga tagaroon lamang ang nakaiintindi.Hal. Davao:Iyan kasi ang gisabi niya. (sinabi)Quezon:Abiarin ko muna siya. ( asikasuhin)

Page 27: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA INTERAKTIBO AT ALTERNATIBONG GAWAIN PASULAT AT PASALITAPanuto: Bumuo ng pangkat na binubuo ng lima hanggang pitong miyembro. Buuin ang semantic mapping hinggil sa wika. Ito ang batayang tanong na sasagutin ng bawat miyembro ng pangkat. -Kung Ihahambing mo ang wika sa anumang bagay, ano ito? Ipaliliwanag ng bawat miyembro ang sagot sa klase.

WIKA

Page 28: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA INTERAKTIBO AT ALTERNATIBONG GAWAIN

PASALITA Panuto: Bumuo ng sampung pangkat ang klase. Bumuo ng isa sa mga teorya ng wika at mag-brainstorm ang pangkat ng mga kahinaan at kalakasan nito. Magtalaga ng lider na magpapasimula at mamumuno sa pagpapalabas ng ideya; kalihim na magtatalaga ng mga ideya ng bawat miyembro; at reporter na mag-uulat sa klase.PAKILOSMagpapangkat ang klase sa dalawa. Ibibigay ng guro ang isang awit o tula para sa dramatic poetry o interpretative dance para sa pagdiriwang ng buwan ng wika PASALIKSIKMagsasaliksik ng mga artikulo hinggil sa baryasyon o barayti ng wika. Gumawa ng buod nito at iulat sa klase. Huwag kalilimutang itala ang pinagkunang sanggunian.

Page 29: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANG KOMUNIKASYON/PAKIKIPAGTALASTASA

Na. Katuturan at Kahalagahan ng komunikasyonb. Ang prosesong komunikasyonc. Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyond. Komunikasyong Di-berbal

Page 30: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

Hango ang salitang komunikasyon sa salitang Latin ng mga Romano na “ communis” at communicare. Ang communis ay nangangahulugang karaniwan at ang communicare naman ay nangangahulugan namang magbahagi o magbigay. Ang salitang komunikasyon ay tinumbasan ng salitang pakikipagtalastasan sa Filipino.

Ang Komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.

Ang Komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng simbolo.

KOMUNIKASYON

Page 31: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Sina Greene at Petty sa kanilang aklat na Developing Language Skills ay nagsabing ang komunikasyon ay intensyonal na paggamit ng anumang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. Ito rin ay ang pagkakaroon ng reaksyon sa tahimik na paraan sa pinaglalaanan ng mensaheng pangkomunikasyon.

Sa Bases of Speech nina Gray at Wise, binanggit nila na kung walang metodo ng komunikasyon, ang mga institusyong pantao ay di magiging posible. Idinagdag din nilang maaring magamit ang berbal o di-berbal na uri ng komunikasyon sa mabuti o masamang layon.

Ang Komunikasyon ay nagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas. (American College Dictionary)

Page 32: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

SIKLO NG KOMUNIKASYON(ARISTOTLE)

PROSESO NG KOMUNIKASYON

ENCODES

DECODES

TAGAHATIDMENSAHE

TAGATANGGAP

MGA HADLANG SA

KOMUNIKASYON

FEEDBACK

DECODES

ENCODES

Page 33: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ang komunikasyon ay isang prosesong kinapapalooban ng encoding at decoding. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko na nagbabago. Kapag nangyari na hindi na ito mauulit. Ito rin ay kumplikado sapagkat kasangkot dito ang persepsyon sa sarili at persepsyon sa kausap at tumbalik ang persepsyon ng kausap sa kanyang sarili at sa kausap. Ang mensahe, hindi kahulugan, ang kahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

Page 34: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PROSESO NG KOMUNIKASYON(WILBUR SCHURMAN)

Pinanggalingan-tumutukoy sa taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas atbp.

Mensahe- ito ay maaaring sa pamamagitan ng simbolo, mga usapan, liham atbp.

Destinasyon- maaaring ang taong nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.

Page 35: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

RICHARD SWANSON AT CHARLES MARQUANDT

Pinanggalingan ng mensahe (kalahok na nagsulat o nagsalita)

Ideya o mensahe (binuong kaisipan) Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha) Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng

telepono, teleponong selular, liham, karaniwang usapan, atbp.)

Tumatanggap ng mensahe (kalahok na nagbabasa o nakikinig)

Page 36: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

RICHARD SWANSON AT CHARLES MARQUANDT

Nagpadala sumulat/nagsalita

Tumanggap nagbasa/nakinigSAGUTAN O FEEDBACK

Mensahe/ideya

Kodigo wika

ekspresyon ng mukha

Channel limbag alon ng hangin

Channel limbag alon ng hangin

Kodigo wika ekspresyon ng mukha

Mensahe/ideya

Page 37: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON

Binigyang halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na etnograpiya ng komunikasyon na siyang batayan upang makategorya at maunawaan ang iba’t ibang sitwasyon at konteksto ng pakikipagtalastasan. Ang etnograpiya ay mula sa larangan ng antropolohiya na kaugnay ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga ugnayan sa mga taong nasa isang pamayanan. Ang mga sitwasyon at kontekstong ito ay kasama sa mga ilang konsiderasyon na dapat isaalang-alang upang matamo ang mabisang komunikasyon. Ang mga ito ay nakapaloob sa akronim na SPEAKING.

Page 38: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON S –setting- Saan ang pook na pag-uusap o ugnayan ng mga

tao? P-participant- Sinu-sino ang mga kalahok sa

pakikipagtalastasan? E- ends- Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap? A- act sequence- Paano ang takbo ng usapan? K-keys-Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal I-instrumentalities- Anong tsanel ang ginamit? Pasalita ba o

pasalita? N-norms Ano ang paksa ng usapan? G- genre Ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba o

nagpapaliwanag, nakikipagtalo o nangangatwiran?

Page 39: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON 1. Gamit at Anyo ng wikaSa pakikipagtalastasan ay pumipili ang tao ng angkop na salita, parirala o pangungusap upang maging malinaw ang nasasabi sa kausap. Hal. Nagpapaalam“ Nay, aalis na po ako!Adyos!Paalam na po!Paalam! Ingat ka.Bye!PagbatiSaan ka pupunta?Saan ka galing?Hi!Hello!Uy! Dress to kill ka, mukhang may mahalaga kang lakad.

Page 40: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON

Pag-aanyayaPunta ka sa amin, pista eh.Punta ka sa bertdey parti ko.

PagbabalitaHoy, alam mo…Naku alam mo ba ang nangyari?Ganito yon eHindi mo pa ba alam.Heto…May ibabalita ako sayo…Atbp.

Page 41: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON PagpapakilalaMam Veniegas, si Van ang kuya ko.Boss, kapatid ko.PagtanggapTiyak. Darating ako.E, makakatanggi ba naman ako,Aba, hindi ko palalampasin ito..Sigurado,darating ako..

Page 42: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYONPagtanggi/Di pagsang-ayonIbig ko sana, kaya lamang ay…Totoo ba ito? Tila hindi ako bilib..Gusto kong dumalo, pero napasabay sa…Pagbibigay-babala/PaghahamonBawal ang tumawid…Nakamamatay…2. PaksaAng husay ng pagsasalita ay depende sa kaalaman ng paksa.

Page 43: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON3. Kaangkupan ng sinasalitaMay antas ng pormalidad sa pagsasalita. Pormal ang usapan sa silid-aralan subalit di pormal o di-gaanong pormal pagdating sa mag-anak, magkakaibigan atbp.4. Kagyat na tugonSa maayos na usapan, kailangang ang bawat tanong ay may kasagutan. Kailangang ang pag-iisip, pakikinig, pag-unawa at pagsasalita ay halos magkakasabay na ginagawa.

Page 44: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA PANUNTUNAN SA MABISANG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON

1. Kailangang maging tiyak ang layunin sa pakikipagkomunikasyon; may malinaw na dahilan at tiyak na tunguhin.2. Kailangang ang pakikipag-ugnayan ay inilalaan sa tiyak na tagapakinig o manonood.-ang tagapakinig ay mauuri sa edad, pinag-aralan, hanapbuhay o kalagayang sosyal.3. Ang mabuting pakikipagkomunikasyon ay nakahanda sa haharaping sagabal.4. Ito’y buo o ganap, tuwid at tiyak.-hindi kailangang magpaliguy-ligoy pa upang maikintal sa kanilang isipan ang mensaheng nais ipaabot.

Page 45: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA PANUNTUNAN SA MABISANG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON

5. Dapat na maliwanag at tumpak. –Kailangang maisama lahat ng mahalagang pahatid nang walang ligoy. Ang pakikipagtalastasan ay wala sa dami ng salita kundi sa paggamit ng mga bagay ay wastong pananalitang kailangan upang ang mensahe ay paipahatid nang malinaw.6. Ang mabuting pakikipagtalastasan ay personal.7. Kailangang magiging mapamaraan o mataktika sa pakikipagtalastasan.8. Kailangang ibagay o iangkop sa pagkakataon at sa taong kasangkot ang mga salitang gagamitin.

Page 46: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON1) Semantiko- Ang mga salita o pangungusap mismo ay mahirap intindihan o di naiintindihan ng nagbabasa o kausap.2) Pisikal- Sagabal din sa komunikasyon ang kalagayan ng lugar kung saan nagkakaroon ng pag-uusap. Ang mabaho at maruming paligid lalo na ang ingay sa paligid ay mga posibleng balakid upang magkaroon ng mabisang komunikasyon.3) Pisyolohikal-Maaari ding ang kalagayang pangkalusugan ng mga kalahok sa komunikasyon ay makakasagabal sa komunikasyon.

Page 47: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

4) Sikolohikal- Tumutukoy ito sa mga sariling pagkiling(biases, prejudices) ng mga kalahok sa komunikasyon.5) Wika- Ang wikang kinagisnan ng mga taong nakikipagkomunikasyon.6) Kultura- Ang kulturang kinagisnan at kinamulatan ay syang sagabal sa komunikasyon. Dahil na rin sa iba ang paniniwala ng bawat isa.

MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON

Page 48: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

URI NG KOMUNIKASYONBerbal na KomunikasyonIto ay tumutukoy sa mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika. Gumagamit ito ng anyong simbolisasyon sa paghahatid ng mensahe. Isang anyo ito ng paghahatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Ang pagsulat, pagbasa, pagsasalita at pakikinig ay kasama dito.

Page 49: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

URI NG KOMUNIKASYON Di-Berbal na KomunikasyonIto ang uri ng komunikasyong di gumagamit ng salita sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan. Hindi ito gumagamit ng salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan. Kasama na rin dito ang paggamit ng mga simbolo. Mahalaga itong isaalang-alang sa komunikasyon sapagkat:a. Inilalantad nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.b. Nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe.c. Nililinaw nito ang interaksyong resiprokal ng naghahatid

at tumatanggap ng mensahe.

Page 50: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANTAS NG KOMUNIKASYON/MGA URI NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON

1.Intrapersonal –uri ng komunikasyong tinatawag na pansarili lamang sapagkat ito ay nagaganap sa mga sandali ng pagmumuni-muni o pagninilay-nilay. Nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng tao. Ang utak ay pinoproseso, binibigyang interpretasyon at sinusuri ang mga impormasyong natanggap.

Page 51: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANTAS NG KOMUNIKASYON/MGA URI NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON2. Interpersonal – nagaganap ito sa pagitan ng dalawang tao o pakikipag-usap ng isang tao sa isang maliit na pangkat. Nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha tayo sa komunikasyong interpersonal dahil kailangan nating maipahayag at matanggap ang pangangailangan nating personal.3. Pampubliko- ito sa pagitan ng isang tao at malalaking pangkat ng mga tao. Pinapanatili nito ang relasyong pampubliko.

Page 52: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAGSASANAYTukuyin ang antas ng Komunikasyon sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.A. Intrapersonal B. Interpersonal C. Pampubliko___1. Mama, ito po ang pamasahe ko.___2. Ibibigay ko kaya ang pitaka o itatago ko na lang?___3. Kailangan nating magsama-sama mga minamahal kong kababayan para sa iisang layuning ibangon ang Inang Kalikasan.___4. Mabuti pa ang ibon, malayang nakalilipad. Sana katulad ko sila.___5. Paano ko ba ipagtatapat sa mga magulang ko na nagastos ko ang pangmatrikula ko sana.

Page 53: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAGSASANAY___6. Huwag ka nang magkaila na hindi ka pumapasok sapagkat nakausap ko na ang mga guro mo.___7. Subukin ninyo ang tsaang ito, mabisa itong antioxidant at mabuti sa kalusugan.___8. Tinatawagan ang lahat ng mga kasapi sa Filipino Club upang dumalo sa darating na pagpupulong bukas sa ganap na ika-8:00 ng umaga.___9. Nananalig akong papatnubayan mo ako, Diyos ko. Alam mo po kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko.___10. Ikaw lang ang kaibigan kong hindi nang-iwan sa akin sa oras ng aking pangangailangan.

Page 54: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONA.Kinesika(Kinesics) ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Kabilang dito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas at tindig. Ekspresyon ng mukha- Ayon kay Mehrabian (1971)-ang

isandaang bahagdan ng pagpapakahulugan sa pakikipagtalastasan ay binubuo ng 7% berbal na pagpahayag na tumutukoy sa kahulugan ng mensahe; 38% na kumakatawan sa palatandaan ng pagsasalita o tono ng tinig; at 55% ekspresyon ng mukha at kahulugan ng kilos. Maliwanag na ipinapakita nito na hindi dapat ipagwalang bahala ang ekspresyon ng mukha sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.

Page 55: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Galaw ng Mata- Sina Argyle at Ingham (1988) ay nagsabing ang katamtamang tagal ng pagtingin ay binubuo ng 2.95 segundo. Ang pagtitinginan naman ng dalawang taong may paghanga sa isa’t isa ay 1.18 segundo.

Kumpas- Sinasabing may unibersal na kahulugan ang pagtaas ng kamay, pagtikom ng kamao, nakabuka ang hintuturo at hinlalato.

Tindig- Kung paano tumayo ay nakapagbibigay ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap. May tindig na kakikitaan ng tiwala sa sarili, labis na tiwala sa sarili at kulang ng tiwala sa sarili. Makikita rin ang tindig ng isang nagtagumpay at tindig ng isang talunan.

Page 56: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONB. Proksemika (Proxemics) Ayon sa pag-aaral ng antropologong si Edward Hall ay may komunikatibong gamit ng espasyo sa pakikipag-usap. Ang pagiging malapit sa kausap ay nagpapakita ng interes at ang paglayo sa kausap ay nangangahulugan ng kawalan ng interes. Masasabing may Intimate na distansya sa kausap kapag may isang talampakan ang pagitan. Personal na distansya ang tawag kapag may pagitang 1 hanggang 4 na talampakan, sosyal na distansya naman kapag may 4 hanggang 12 na talampakan at masasabi ng pampublikong distansya kapag may 12 talampakan o higit pa ang pagitan.

Page 57: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONC. Oras (Chronemics)- May dalawang aspekto ang oras: pangkultura at teknikal o siyentipikong oras. Ang pangkulturang oras ay tumutukoy sa kung paano binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano ito itinuturo. Ang kultura ng ating oras ay hinahati sa segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Mayroon taong sinasabing madaling araw, umaga tanghaling tapat, kasama na rin ang hiram natin mula sa mga Kastila na oras ng seyista, takipsilim, gabi, hating gabi atbp. Bukod pa sa mga panahon ng pagtatanim at aniham,tag-init at tag-araw.

Page 58: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ang teknikal o siyentipikong oras ay eksakto at kadalasang ginagamit ito sa laboratoryo at iba pang mga siyentipikong pag-aaral at eksperimento. Maari ring mauri sa pormal at impormal ang oras. Isang halimbawa ng pormal na oras sa eskwelahan ay ang mga itinakdang oras sa isang asignatura at kung ilang linggo sa loob ng isang semestre. Ang impormal na oras ay medyo maluwag sapagkat hindi eksakto. Ang halimbawang salitang nagsasaad nito ay ang magpakailanman, agad-agad, sa madaling panahon, ngayon din at iba pa.

Page 59: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYOND. Pandama O Paghawak (Haptics)Ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang paraan ng paghawak sa kapwa. Maaaring may galit, nakikiramay, nagmamahal o nambabastos ang kahulugan ng paghawak. Magkakaiba ang kahulugan ng mga salitang hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.

Page 60: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONE. Paralanguage- Tumutukoy ito sa paraan ng pagbigkas ng isang salita kinabibilangan ito ng pagbibigay-diin sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto. Ang mga ito ay may malaking dulot sa kahulugan ng mensahe.

Page 61: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONF. Katahimikan o Hindi Pag-imikKasama rin ito sa anyong di-berbal sapagkat may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di –pag-imik o katahimikan. Mayroong itong mensaheng ipinahihiwatig. Maaari itong pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasaatabihin. Maaari din namang mangahulugan ng pagtanggi o pagsang-ayon. Sandata rin ng katahimikan. Pwedeng maging reaksyon ito sa pagkabalisa pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatatakutin.

Page 62: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG. Kapaligiran- Ito rin ay may mensaheng ipinahahatid. Ang kaayusan ng pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar atbp ay may mensaheng ipinahihiwatig. Makikita halimbawa kung pormal o di-pormal ang okasyon sa kaayusan ng lugar ng pagdarausan.H. Simbolo-(ICONICS) Tumutukoy ito sa mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe. Halimbawa dito ang mga simbolo ng bawal manigarilyo, sa palikuran at sa mga daan.I. Kulay- Ito ay nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Isang halimbawa nito ang paggamit ng putting damit ng ikakasal na babae, itim na damit ng nagluluksa, bandilang pula ng mga nagpoprotesta at iba pa.

Page 63: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TULA AT PAGTATALUMPATI1. Kumpas na ginagamitan ng dalawang kamaya. Dalawang bukas na bisig na halos pantay balikat-

nagpapahiwatig ng kalawakanb. Kumpas na pahawi o pasaklaw-ginagamit upang

magsaad ng isang saklaw ng diwa, pook, o tao.c. Kumpas na nakalahad ang dalawang kamay at unti-

unting itinataas-nagsasaad ng dakilang kaisipan, nagsasaad ng pagpuri, parangal.

Page 64: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TULA AT PAGTATALUMPATId. Kumpas na pasubaybay-ginagamit ito kung binibigyan ng diin ang magkakaugnay na diwa. Maaari itong magsaad ng paglipas ng panahon o paghihimaton ng bagay o pook na magkakasunod.e. Kumpas na paturo-ginagamit sa panghahamak, panduduro at pagkagalit.f. Kumpas na pauyam(nilalakipan ng kibit ng balikat at pag-ismid-nagpapahiwatig ng pagkutya o pang-uyam.g. Dalawang kamay na marahang ibinababa-nagpapahiwatig ng panlupaypay o pagkabigo.

Page 65: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TULA AT PAGTATALUMPATI h. Kumpas na ginagamitan ng dalawang kamay na

biglang ibinababa (pabagsak)nagpapahiwatig ng matindi at marahas na damdamin.

Ang ayos ng palad ng isang mambibigkas ay may iba’t ibang kahulugang inihahatid sa madla.a. Bukas na palad na paharap sa nagsasalita-ginagamit ito upang ituro ang alinmang bahagi ng katawan.

Page 66: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TULA AT PAGTATALUMPATI b. Bukas na palad nakaharap sa madla-nagpapahiwatig

ng pagkatakot, pagtanggi at pagkabahala c. Palad na nakalahad ng marahang itinataas-

nagpapahiwatig ng mga dakilang damdamin. d. Bukas na palad na marahang ibinababa-nagsasaad

ng mababang uri ng damdamin o kaisipan. e. Kuyom na palad(pasuntok) nagsasaad ng poot, galit

o matinding damdamin.

Page 67: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TULA AT PAGTATALUMPATI f. Palad na nakabukas na magkalayo ang mga daliri na

unti-unting, tumitikom-nagsasaad ng matindi ngunit matimping damdamin.

g. Palad na nakataob, lalung lalo na kung biglang ibabagsak paibaba-nagpapahiwatig ito ng galit at marahas na damdamin.

Page 68: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA INTERAKTIBO AT ALTERNATIBONG GAWAIN

PasulatMagpangkat-pangkat ang klase ng mga 12 miyembro. Bawat pangkat ay bubuo ng akrostik ng salitang KOMUNIKASYON. Ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang nabuo sa klase.PasalitaBumuo ng isang pangkat na binubuo ng lima hanggang anim na miyembro. Maghanda ng isang dayalogo na nagpapakita ng mga salik sa mabisang komunikasyon. Isasadula ito sa klase sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon.

Page 69: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

a. Paghingi ng paumanhin sa kaklaseng babae sa ginawang pambabastos. b. Pakikiusap sa guro na kumuha ng espesyal na pagsusulit dahil nagkaroon ng

problema sa pamilya. c. Pagpapaliwanag sa magulang kung bakit ginabi sa pag-uwi. d. Pagpapasalamat sa nanay ng kaibigan mo sa pagpapautang sa iyo ng

pangmatrikula mo. e.Inaaya ka ng barkada mong sumama sa kanilang gimik pagkatapos ng pinal na

pagsusulit subalit hindi ka makakasama sapagkat hinihintay ka na ng mga magulang mo sa probinsya ninyo.

f. Pangulo ka ng Samahan ng mga mag-aaral sa Filipino at magpapatawag ka ng pulong sa mga kapwa mo opisyal at mga miyembro upang pag-usapan ninyo ang mga isasagawang proyekto ng paaralan.

g. Gusto mong kausapin ang kaibigan mong nangongopya sa iyo kapag may pagsusulit upang mag-aral din ng aralin.

h. Hindi ka kinakausap ng kaibigan mo at pakiramdam mo ay masama ang loob niya sa iyo.

i. Inagaw ng matalik mong kaibigan ang iyong kasintahan. J. Mababa ang nakuha mong grado sa Filipino 101, paano ka makiki-usap sa iyong

guro upang ikaw ay di bumagsak sa pinal na grado.

Page 70: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Pakilos( di-berbal na komunikasyon)a. Ituro ang isang gamit sa pamamagitan ng nguso na may pakiusap

nguso.b. Sabay na pagtaas ng dalawang balikat para ipahayag ang walang

kaalaman.c. Paghawi sa buhok ng babae sa likod ng kanyang teynga na

nagsisilbing tanda na hilig din niya ang kasamang lalake.d. Gurong nagalit sa klaseng maingay.e. Pagkadismaya dahil hindi nakuha ang nais.f. Pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon.g. Paglaki ng mata at ilong (kulang na lang ang paglabas ng usok sa

tenga)h. Iwas ng pagtingin (mahiyain o may itinatago o may kasalanan)i. Pagpalagay ng mga kamay sa baywang( Ako ang hari dito, may

aangal?)j. Pagkainipk. Nakita ang kasintahan kasama ang taong pinagseselosan.

Page 71: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PROYEKTOMga Hakbang( di-berbal na komunikasyon) Hatiin ang klase sa tig-10 miyembro Maghanda ng mga kagamitan gaya ng cp, camera at

laptop (if available) Gumawa ng isang patalastas( advertisement) tungkol sa

napapanahong issue sa loob ng paaralan. Ilagay o i-save sa flash drive at ipasa sa guro. Ang patalastas ay tatagal lamang ng 10 hanggang 30

minuto.

Page 72: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAMANTAYAN SA PAGPUNTOS

Pagpakamalikhain- 20 puntos Kaayusan at kalinawan- 10 puntos Paksa- 10 puntos Performance-10 Kabuuan – 50 puntos

Page 73: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

II. ANG WIKANG FILIPINOa. Kasaysayan ng Wikang Filipinob. Mga isyu ukol sa Wikang Filipinoc. Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipinod. Kalikasan at Istraktura ng Wikang Filipino

Page 74: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO

Maikling video clips

Page 75: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANG WIKANG FILIPINO: ANG PAGSILANG AT PAGLAGO NITOLayunin:1. Natatalakay ang akdang “ Liham ni Wika kay

Kasaysayan”;2. Naiisa-isa at nailalarawan ang mga pangyayari sa

pag-unlad ng wikang pambansa;3. Naipapaliwanag ang hinggil sa wikang pambansa

at wikang opisyal ng Filipino;4. Natatalakay ang mga mahahalagang batas

pangwika.

Page 76: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Tandaan:

May natatanging pagkakakilanlan ang bawat bansa. Maaaring ito ay sa disenyo ng watawat, sa himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding pambansang wika.

Ang bahaging ito ay sumasaklaw sa pagtalakay sa pagsilang at paglago ng wikang pambansa natin. Tatalakayin din ang ilang mahahalagang konsepto at mga batas hinggil sa pagkakaroon natin nito.

Page 77: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

LIHAM SA WIKANG FILIPINO KAY KASAYSAYAN

Dear ate Kasaysayan,Tandang-tanda ko pa noon, kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama kong si Manuel L. Quezon. Pumasok sa silid niya ang kanyang nars at sinabi “ Sir da press is hir to see you”. Sa loob-loob ko kung ako lang ay may kamay sasabunutan ko sa lahat ng parte nang katawan niya ang nars na yan. Alam niyang me sakit na ang aking ama eh gusto pang magpa-presscon.

Palibhasa pulitiko at lubhang mabait ang aking ama pinapasok niya ang panauhin. Laking gulat ko at ng aking ama nang makita namin na pumasok ay isang pari. Priest..Hindi pala pres. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “ Ano ba ito, palibhasa pilipit ang dila at matigas pa. Palibhasa ano”…wag na lang baka maka-offend lang ako.

Page 78: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Nagsilbing aral sa ama ko ang pangyayaring iyon. Pareho silang Pilipino ng kanyang nars pero nag-uusap sila sa wikang Ingles. Dahil dito, naisip ng ama ko na dapat magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang pambansa. Para bawat Pilipino ay mag-uusap sa wikang ito.

Ginamit ng aking ama ang kanyang impluwensya kaya napasama sa 1935 ang artikulo 14 sek. 3, na nagsasabing “ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Para sa akin, ito ang simula para makalabas ako sa sinapupunan ng aking ama. Me sapat syang batayan sa mga susunod niyang hakbang.

Page 79: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Kaya noong Oktubre 27, 1936 sa mensahe ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Kongreso, hiniling niya ang pabuo ng isang pambansang surian ng wika.

Hindi siya nabigo sa kahilingang ito dahil noong Nob. 13, 1936-pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt 184 na nagtatatag ng Pambansang Surian ng Wika. Nagtalik na ang pangarap ang aking ama at ang isipan ng mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Ito naman ang itinuturing kong paglilihi sa akin.

Pero dahil kakaiba ako umabot ng mahigit siyam na buwan ang paglilihi sa akin, Noong Nobyembre 9, 1937, bunga ng pag-aaral na isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa, nagpalabas sila ng isang resolusyong nagmumungkahi sa Pangulo ng Pilipinas sa Tagalog ang gawing Batayan ng Wikang Pambansa.

Page 80: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Talagang sabik na sabik na akong makalabas, at noong Disyembre 30, 1937, dumating na ang aking pinakaaasam-asam. Ipinalabas ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Kautusang tagapagpaganap (E.O) 134 na nagpapahayag ng Pagkakaroon ng Pambansang Wika ng Pilipinas Batay sa Tagalog. Ito ang maituturing ko na isang pinakamaligayang araw sa buhay ko. Ang araw ng aking pagsilang. Mantakin mo, bago magputukan sa bagong taon eh isinilang na ako.

Page 81: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Noong Abril 1, 1940, sa pamamagitan ng EO263, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng aklat Gramatika ay diksyunaryo ng Wikang Pambansa, at itinakda na simula sa Hulyo 19, 1940, itinuro ang Wikang Pambansa sa lahat ng Paaralan sa Buong Bansa. Unti-unti ay pinakilala na ako at nagsisimulang humakbang.

Ngunit lubos ang pagpapakilala sa akin noong Hulyo 7, 1940. Sa araw na ito ipinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt 570 na nagtatadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga Opisyal na Wika ng Bansa. Nag-uumapaw sa kagalakan ang aking puso sa araw na iyon, dahil naramdaman ko ang aking kahalagahan. Ang sarap pala ng feeling kapag ikaw ay kinikilala.

Page 82: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ngunit bakit ganon, ang tawag sa akin Wikang Pambansa. Ang baduy-baduy naman yata. Ang haba haba ng pangalan ko. Hindi ba tayong mga Pinoy dapat maikli lang ang pangalan. Yung iba dyan dalawang pantig lang di ba. Me mga pangalang Dingdong, Jonjon, Bongbong, Leklek, Potpot at kung anu-ano pang pangalan na madaling tandaan. Mabuti na lang may isang kalihim na malikhain ang pag-iisip at ako ay bininyagan. Noong Agosto 13, 1959, pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng Kailan man at Tutukuyin ang Pambansang Wika ay Pilipino ang gagamitin. Simula nga noon tinawag nila akong Pilipino. Ang sarap pakinggan, ang sarap maging Pilipino.l

Page 83: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Nagbibinata na ako, gusto ko nang humanap ng ibang kaulayaw. Hindi naman sa nagsasawa na ako ke tagalog dahil siya ang laging kasama. Pero ano ang magagawa ko, ito ang tinadhana ng batas. Mabuti na lang napikon ang biyudang si Tita Cory. Pinatalsik ang diktador. Kasabay ng pagkakalagot ng kadena sa kamay ng mga Pilipino ang paglagot din ng tanikalang nagtatali sa amin ni Tagalog. Paano ko nasabi ito? Kasi ayon sa artikulo 14, sek, 16 ng 1987 Constitution, “ Ang Wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika”. Take note hindi na Pilipino ang pangalan ko kundi Filipino. Nagsisimula na sa F. o di ba medyo klas na..at take note pa rin hindi lang si Tagalog ang dapat kong makaulayaw kundi ang umiiral na wika at iba pang wika.

Page 84: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ang pangyayaring ito ay isa rin sa mahalagang yugto sa buhay ko dahil ito ang nagbigay kaganapan sa aking pagkabinata. Kung baga sa lalaki e tuli na. Pwede na akong manligaw o maningalang pugad. Sa ngayon ay masaya akong nakikipagharutan sa iba’t ibang mga wika sa Pilipinas at sa mga tisoy at tisay.Nagpapasalamat ako sa iyo at sa sambayanang Pilipino na patuloy na tumatangkilik sa akin. Biruin mo noong dati pag nanonood ka ng TV sa hapon halos puro Ingles ang ginagamit ng mga hinayupak na me kaisipang kolonyal. Pero bigo sila dahil alam ko na ang mga Pilipino e mahal ako. Ngayon tignan mo, hindi lang sa balita ako ginagamit. Pati na rin sa mga cartoons, at pati na ang mga telenobelang galing sa ibang bansa na bihirang masabay sa akin ang uka ng bibig. Pero okey lang yon at least ako’y ginagamit.Paano ba yan, masyado na yatang naging mahaba ang sulat ko, hanggang dito na lamang at maraming salamat sa iyo at sa inyo.

Nagmamahal,Wikang Filipino

Page 85: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAG-UNAWA SA BINASA1. Anong nakatutuwang pangyayari ang nagbigay-aral kay Pangulong Quezon na kailangan talaga ng bansa ang isang wikang pambansa?2. Bakit siya tinaguriang “ Ama ng Wikang Pambansa”?3. Ayon sa liham, paano ito naipaglihi at naisilang?4. Anu-anong mga mahahalagang pangyayari ang nagpaunlad sa Wikang Pambansa?5. Sa ngayon, gaano na kalaki at kaunlad ang ating wikang pambansa?

Page 86: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

WALONG (8) WIKANG MAYORYA

Page 87: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Nagmula sa pulo ng Tsina Indonesyo Bumbay Arabe Persyano Dahil dito ay nalinang at yumabong ang vokabularyo mula

sa mga unang nanirahan dito. TSART SA KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Page 88: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

WIKANG FILIPINOKASTILA

Latin

GRIYEGOELEMENTON

G PAMBANSA

LUZON

MINDANAO

VISAYAS

LIKHA

ELEMENTONG PANDAIGDIG

AMERIKA

EUROPA

AFRICA

ASYA

Page 89: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Lumitaw ang mga dokumento o kasulatan tungkol sa Tagalog (o maging sa iba pang wika ng Pilipinas)

Napagtibay sa batas na Wikang Pambansa ang Tagalog

Bagamat naging batayan ng WP ang Tagalog ay marami pa rin ang hindi lubusang nasunod sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpapalawak, pagpapalaganap at pagpapaunlad dito gaya ng mga lathalain at babasahin, paggamit nito sa mga miting, pampulitika, at sa transaksyong pampamahalaan bilang opisyal na wika.

Pagkatatag ng SWP (Institute of National Language)

Page 90: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

SULIRANIN NA NAGING HADLANG SA

PAGPAPALAGANAP NG WIKANG FILIPINO

1. May mga manunulat at dalubwika pa rin ang nagpupumilit sa kaalamang laban sa paniniwala ng nakararami. (Purista)

2. May mga siyentipikong dalubwika ang nagpupumilit na ipagamit ang kanilang nilikhang mga bagong salita gayong hindi naman ito nauunawaan o tinatanggap ng nakararami.

3. Maraming Pilipino ang hindi tumatangkilik sa sariling wika dahil sa kaisipang kolonyal.

4. Dahil na rin sa rehiyunalismong nangingibabaw sa damdamin ng ilang Pilipino.

Page 91: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANAHON NG MGA KATUTUBO Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong

paraan ng pagsulat Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong

(3) patinig at labing-apat (14) na katinig Sa kanilang paglipat dala nila ang kanilang,

paniniwala, tradisyon, gobyerno at ang wika at sistema ng pagsusulat na tinatawag na alibata.

Page 92: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANAHON NG MGA KATUTUBO Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa Tsina,

Arabya , Malaysia at India Hindi lang palitan ng kalakal ang naganap,

natutunan rin ng mga sinaunang Pilipino ang kultura nila pati na rin ang mga salitang Patuloy pa rin ,nating ginagamit tulad ng mula sa Tsina

apo, ate, kuya, bihon, hikaw, lumpia, pansit,siyopaw, sotanghon, suki at susi

Page 93: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANAHON NG MGA KATUTUBO mula sa India- guro, bathala, bahala, karma,

mukha, tsaa, mahal(love) sabon, syampu mula sa arabya -alam, hiya, hokum Malaysia, mura, mahal, ako, ikaw,

mahal(expensive), lalaki, manga, babae, pangulo, anak, radyo, medya,

nagpatuloy ang kanilang pag-unlad at paglinang ng pamumuhay ng sinaunang Pilipino hanggang sa…..

Page 94: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

SAGWIL SA WIKA NOONG PANAHON NG KASTILA

1521- Nang dumating si Ferdinand Magellan at di naglaon ay sinundan ni Legazpi ay napag-alaman ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay pinagwatak-watak ng maraming wika.

Layunin ng mga Kastila na magkalat ng paniniwala at simulaing Kristiyano.

1596- Napaigting ang kanilang pananakop dahil nagpadala ang hari ng Espanya ng mga prayle upang isakatuparan ang pagtuturo ng relihiyong Kristiyano.

Ang ilang prayle ay nahirapang pag-aralan ang ating wika kung kaya karamihan sa kanilang nag-aral ng mga iba pang wika. ( 154+110 prayle ang ipinadala sa Pinas)

Page 95: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

1618-ayon sa kasulatan ang Tagalog ay ginagamit at nauunawaan kahit saan (di lamang mga katutubo ng isla sa Luzon) ang suliranin sa wika ay tinangkang lutasin sa pamamagitan ng pagtatayo ng konseho.

Napag-alaman ng hari ng Espanya na ang wika ay di dapat sa pagtuturo, pagpapaunlad at pagpapalawak ng Kristiyanismo kaya ipinasya nito na ang mga prayle ay magtuturo ng Kastila sa mga Indio.

1893- Nagkaroon ng isang kautusan na nagtatakda na ang mga prayleng lokal ay magiging tagamasid na ex-officio sa mga paaralan ngunit ang kautusang ito ay di natupad dahil ang mga prayle.

Page 96: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA KADAHILANAN NG PAGPAPAHINTO SA EX-OFFICIO 1. Ibig ng mga prayle na mapanatili sa

kanilang kamay ang kapangyarihan nila sa mga tao at upang umasa rin ang pamahalaan sa kanila.

2. Ayaw nilang maungusan sa talino ng mga katutubo kapag natuto na silang magKastila.

3. Natatakot silang magkaisa ang mga katutubo at mag-alsa laban sa kanila kung may iisang wika silang sinasalita.

Page 97: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Mga Natutunang salita mula sa mga Kastila mundo imbyerna yelo luho teknolohiya korsunada kalye abante giyera hustisya intindi atbp…

Page 98: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANAHON NG MGA AMERIKANO (Agosto 13, 1898)

Page 99: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN Sa pagdating ng mga Amerikano ay lalo pang

nagdagdagan ang suliranin sa wika. Nagkaroon ng mga paaralang-bayan noong Hulyo 1,

1900 at nagsimulang pumasok ang may 100, 000 mag-aaral.

Ang mga guro ay pawang mga kawal na itinalaga ng Gobernador Militar.

Ginamit na saligang-aklat ay nasusulat sa Kastila at dahil wala silang alam sa mga wika sa Pilipinas, kinailangan nilang malunasan ang suliraning ito.

Page 100: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN Marso 4, 1899-itinatag ni Pangulong Mckinley ang

lupong tagapagsiyasat sa pangunguna nu Jacob Gould Schurman

-dumating ang lupong Schurman sa Manila upang kumuha ng datos tungkol sa Pilipinas.

Nobyembre 2, 1899-ipinasa ang unang ulat ng Lupong Schurman tungkol sa Pilipinas at ang lupon ay bumalik sa Washington.

Hunyo 3, 1900- Gumawa si Pangulong Mckinley ng Ikalawang lupon na naglalayong magtatag ng Pamahalaang Sibil sa Pilipinas. Pinamumunuan ito ni William H. Taft (Taft Commission)

Page 101: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN Hulyo 1, 1900- pagbalik ng mga mag-aaral sa mga

paaralan na itinayo ng mga milita. Sa panahong ito, idinagdag ang wikang Ingles sa Kastila bilang wikang opisyal.

Hunyo 26, 1902- Ang EL RENACIMIENTO ay nag-ulat ng Sociedad de Escuitos de Tagalog. Ang mga kagawad dito ay nagkaroon ng mataimtim na pagnanasa sa bernakular bilang wikang pambansa.

Disyembre 1902- sa akda ni David J. Doherty ay inilathala niya ang isang artikulo ukol sa tagalog. laman nito ang magandang kapalarang naghihintay sa paglaganap ng Tagalog sa bansa.

Page 102: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN Enero 1, 1906-(I want you to speak English) Huling

paggamit ng wikang Kastila sa mga kawani ng iba’t ibang sector at paglilipat ng wikang Kastila sa Ingles na lengwahe na gagamitin ng mga kawani.

1908- ang pagsasabatas sa pagtatayo ng isang surian ng mga wika/wikain sa Pilipinas, na ipinanukala ni Hukom Norberto Romualdez

Abril 12, 1909- Pagtatag ng Akademya ng Wikang Pilipino (Lope K. Santos)

Page 103: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN

1915- Nailathala ang Filipino English Vocabulary(itinatag noong Abril 12, 1909) na inilaan sa pagtulong sa Pagkakaroon ng panlahat na wikang Pilipino( Eusebio T. Daluz-kalihim ng Akademya ng Wikang Pilipino)

1918- pagtatag ng Sanghiran San Binisaya (Academy of the Leyte Samar Bisayan Dialect) Pangulo Norberto Romualdez isang bisayang may masidhing pagtatangkilik sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

Page 104: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN 1924-tinalakay sa “ The language of Education

in the Philippine Islands na ang isang wikang pambansa ay dapat maging isang bernakular.

1928- ang Philippine Collegian (Pahayagan ng U.P) ay unang naglathala ng kolum sa Tagalog.

1934 ang Kumbensyong Konstitusyunal ay nagpulong upang balangkasin ang Saligang-Batas, hindi lamang para sa Pamahalaang Komonwelt,

Page 105: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

kundi maging sa Republika ng Pilipinas, ay tinalakay ang tungkol sa wikang pambansa. Itinatag ang isang lupon para sa Wikang Opisyal upang pag-aralan ang tungkol sa wikang pambansa.

1935- Ang pagpapahalaga sa Ingles ayon sa Saligang Batas ng 1935

Page 106: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG KAGANAPAN Nobyembre 1936- ipinalabas ang kautusang

tapagpaganao na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang Diksyunaryo sa wikang Pambansa.pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt bilang 184 na lumikha ng SWP na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Mga kasapi: Jaime C. de Veyra- Bisaya Samar-Leyte –Tagapangulo Hadji Buto- Moro – kagawad Santiago A. Fonacier –Ilocano kagawad Casimiro Perfecto –Bicol kagawad

Page 107: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Felix B. Salas- Hiligaynon kagawad Cecilio Lopez- Tagalog kalihim Isidro Abad- Bisaya Cebu kagawad Zoilo Hilario- Kapangpangan kagawad Jose Zulueta- Pangasinan kagawad Lope K. Santos- Tagalog kagawad-layunin ng pangkat na gumawa ng isang deskriptibo at komparatibong sarbey sa isa sa pangunahing wika sa Pilipinas at mula dito ay pipiliin ang pagbabatayan ng wikang pambansa.Makalipas ang sampung buwan, napili nia ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

Page 108: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

DAPAT TANDAAN Di tulad ng mga Kastila na pinagkaitan tayo ng

kaalaman, ang mga Amerikano ay bukas sa pagturo sa atin tinuruan nila tayo ng alpabetong Ingles. Ibinahagi din nila ang kanilang teknolohiya, tinuruan tayo mamalakad ng gobyerno at ibinahagi din nila ang kanilang kultura. dahil sa impluwensya ng mga Amerikano, inasam ng mga Pilipino ang mamuhay na halintulad sa kanila. dito nagsimula ang colonial mentality sa kagustuhan nating matulad sa Amerikano, maraming salita ang ating hiniram sa kanila at binigyan ng Pilipinong anyo, keyk, tsuper, ketsup, iskrin, biskwit, websayt, interbyu, direk, perpyum, basketbol, isports, Iskor, ekomomiks atbp.

Page 109: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANAHON NG HAPON( ENERO 1942)

Page 110: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARILayunin:1. Mapalaya ang mga Pilipino sa mga

Amerikano;2. Burahin ang lahat ng impluwensya ng mga

Anglo-Amerikano.“Co-Prosperity Sphere for Greater East Asia” itinaguyod para malasap raw ang sariling kaunlaran at kultura sapagkat ang “ Asya ay para sa mga Asyano” at ang Pillipinas ay para sa mga Pilipino”.

Page 111: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI Hunyo 24, 1942- ipinalabas ang Ordinansa Militar blg. 13

na nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang mga opisyal na wika. Sa panahong ito naitatag ang KALIBAPI( Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan) na may layuning mapabuti ang edukasyon at moral na rehenerasyon at mapaunlad ang kabuhayan sa Pilipinas. Si Benigno Aquino ang nagsilbing direktor.

Oktubre 14, 1942- muling binuhay ang Wikang Pambansa, nagpalabas si Masao Tanaka ng mga lathalaing impormatibo upang sagutin ang mga katanungan ng publiko tungkol sa usapin ng Wikang pambansa. Si Jose Panganiban ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at di Tagalog.

Page 112: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

-Marami mang hindi kanais-nais na pangyayari sa panahon ng kanilang pananakop ngunit may magagandang naidulot naman ito sa pagpapalaganap at pagdedevelop ng pambansang wika.

1. Ginawang pangunahing midyum ng edukasyon ang wikang pambansang batay sa Tagalog.

2. Binigyan-diin ang pag-unlad ng Nasyonalismo 3. Ipinagbawal ang wikang Ingles Mga salitang nakuha sa hapon-haba, katol, toto,

jack-en-poy, karaoke, kampay, dahan-dahan, tamang-tama, at kaban.

Page 113: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1935- sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa. “ ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)

Page 114: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1936 (Oktubre 27)- itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

Page 115: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA1936 (Nobyembre 13)-pinagtibay ng

Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.

Disyembre 30, 1937-Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Page 116: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSAHunyo 7, 1940- Pinagtibay ng Batas-

Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Page 117: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Abril 1, 1940- Ipinalabas an Kautusang Tagapagpaganap na nagtatadhana ng pagpapalimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas mula Hunyo 19, 1940.

Agosto 12, 1959- tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg. 7 Ayon sa kautusang ito, kaylanman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Page 118: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Marso 26, 1954- Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29-Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Page 119: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang

isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

Page 120: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSAMarso 27, 1968- ipinalabas ni Kalihim

Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 5, 1968-Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas na nananawagan sa mga pinuno na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.

Page 121: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

Agosto 6, 1968- Ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gagamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

Page 122: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1969- Agosto 7- Ang Memorandum Blg.277 ay pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.

Page 123: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-1975.

Hunyo 19, 1974- Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Page 124: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1978 (Hulyo 21)- Nilagdaan ni Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semester ng taong-aralan 1979-1980, ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso maliban lamang sa mga kursong pagtuturo sa labindalawang (12) yunit.

Page 125: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1986 (Agosto 12)- Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 9 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

Ipinahayag niya taon-taon ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.

Page 126: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1987( Pebrero 12) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 nasasaad ang sumusunod.

Sek. 6. Ang wiikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.

-dapat ay magsagawa ang pamahalaan ng hakbangin upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyun ng opisyal na komunikasyon at bilang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Page 127: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.

Page 128: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

Sek. 9. Dapat magtatag ang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Ano ba ang pormal na deskripsyon ng FILIPINO

bilang isang wikang pambansa?

Page 129: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

RESOLUSYON 96-1 ng Komisyon sa Wikang FilipinoAng Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika

ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa

proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa

Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika

para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at

iskolarling pagpapahayag.

Page 130: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1987( Konstitusyong 1987)Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilingguwal.

Page 131: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1988 (Agosto 25) –Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

Page 132: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1989 (Setyembre 9) –Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

Page 133: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1990 (Marso 19) –Pinalabas ng Kalihim Isidro Carińo ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.

1996- Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng (9)siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan) Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)

Page 134: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

1997- Hulyo- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

Page 135: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

2001 Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revision ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

Page 136: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay-alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revision ng Ortografiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.

Page 137: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BATAS HINGGIL SA PAGSULONG NG ATING WIKANG PAMBANSA

2009 Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Tuluyan nang isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat ano mang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 gabay ay mananatiling ipatutupad.

Page 138: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TAKDANG ARALIN Saliksikin ang mga probisyon ng Executive Order 210 at House Bill 4710 at sa isang manifesto, ilahad ang inyong reaksyon at paninindigan hinggil sa dalawa.

Page 139: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO

PAHAPYAW NA KASAYSAYANAng salita nati’y huwad(peke) din sa ibaNa may alpabeto at sariling letraNa kaya nawala’y dinatnan ng sigwa(storm/bagyo/kalamidad)Ang lunday(bangka/boat) sa lawa noong dakong una.“ Sa Aking Mga Kababata”Dr. Jose P. RizalCalamba, 1969

Page 140: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANG BAYBAYIN: SINAUNANG PALATITIKAN NG PILIPINAS

Ito ang kinilalang unang sistemang pagsulat ng mga Pilipino mula sa Alifbata ng Arabia na nang lumaon ay naging ALIBATA.

Nakaabot sa Pilipinas sa daang India, Java, Sumatra, Borneo at Malaya. Pinaniniwalaang pumasok ito nang maitatag ang emperyo ng Madjapahit sa Java.

Binubuo ito ng (3) patinig: a, e/i at o/u) Mayroon din itong labinlimang (14) katinig: ba, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa, at ya.

Page 141: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Page 142: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Page 143: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Page 144: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MENSAHE Gabay sa Ortograpiyang Pambansa Mayaman at sagana ang ating bansa sa kultura at wika.

Mayroon tayong isang daan at pitumpu’t pitong aktibong wika na karamihan ay nagmula sa iba’t ibang grupo ng mga katutubo sa ating bansa. Subalit bilang mga Filipino, mahalaga na ating matutuhan ang wastong paggamit ng ating pambansang wika.

Ang Ortograpiyang Pambansa ang siyang magiging gabay natin sa pagkilala sa kasalukuyang anyo ng wikang Filipino. Batid natin na nagkakaroon ng pagbabago sa wika upang makasabay sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon.

LOREN LEGARDA

Page 145: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig. Ang mga simbolong kumakatawan sa mga letra.

Noong nakadestiyero si Jose Rizal sa Dapitan, sinulat niya ang Estudios sobre la lengua tagala na nalathala noong 1899. Kasáma sa mga panukala niyang reporma sa ortograpiyang Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig. Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang sulatin ang Balarila (nalathala, 1940).

Page 146: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAGSULYAP SA KASAYSAYAN BILANG PANIMULA ni Virgilio S. Almario Ang gabay sa ortograpiya o palatitikan ng

wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino.

Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling.

Page 147: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Itinatanghal din dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng abakadang Tagalog bunga ng modernisadong alpabeto at bunga na rin ng umuunlad na paggamit sa Wikang Pambansa.

Page 148: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybáyin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino. Nakahanay ang mga ito sa sumusunod na paraan:

Page 149: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y. Sa pagbása ng mga titik, ang mga katinig ay binibigkas nang may kasámang patinig na A, gaya ng sumusunod: /A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/, /Ga/, /Ha/, /I/, /La/, /Ma/, /Na/, /Nga/, /O/, /Pa/, /Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/

Page 150: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang

may kasamang tunog na /e/o/i/ halimbawa ay ang =/be/ o /bi.

Kung ang tuldok naman ay nasa ilalim, ang kasamang patinig ng

katinig ay /o/ o /u/; halimbawa: = /bo/ o /bu/.

Page 151: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U ay mahahalatang bunga ng matagal na panahon ng pagtuturo sa bagay na ito kaugnay ng pag-aaral ng wikang Espanyol.

Sa aklat ni Tomas Pinpin, ang Librong pagaaralan nang manga tagalog nang uicang Caftilla (1610), masikap niyang ipinaliwanag na kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilála sa magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng ispeling ngunit nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik. Halimbawa, iba ang pesa (timbang) sa pisa (dapurakin/aphid o plant louse)); iba ang rota (pagkatalo) sa ruta (direksiyon ng pasada).

Page 152: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Page 153: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KALIKASAN AT ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

Sa pagkilala sa estraktura ng wika mahalagang maging pamilyar sa taglay nitong ponolohiya o palatunugan, ang agham ng mga tunog ng isang wika,

kasama ang pag-aaral ng histori at mga teorya ng mga pagbabago ng tunog sa isang partikular na wika o sa dalawa o higit pang magkakaugnay na mga wika

(Webster, 1990)

Page 154: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

SANTIAG0 (2003)May tatlong salik na kailangan upang makapagsalita ang isang tao:1. Ang pinanggalingan ng enerhiya o

lakas2. Ang artikulador o kumakatal na

bagay3. Resonador o patunugan

Page 155: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Page 156: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PARAAN NG ARTIKULASYON

PUNTO NG ARTIKULASYON

Panlabi

Pang-ngipin

Pang-gilagid

Pangngalangala

PALATAL VELAR

Glotal

Pasaraw.t.m.t.

pb

td

kg

Pailongm.t.

m n Ŋ(ng)

Pasutsotw.t.

s h

Pagilidm.t.

l

Pakatalm.t.

r

Malapatinigm.t.

y w

TSART NG MGA KATINIG SA WIKANG FILIPINO

Page 157: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ARTIKULASYONG FILIPINO 1) Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na

harang. /p, t, k, , b, d, g/ 2) Pailong –ang hangin na nahaharang dahil sa

pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. m, n, ŋ/

3) Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig./s, h/

Page 158: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

4) Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid /l/

5) Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. /r/

6) Malapatinig-kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon. /w,y/ Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok; samantala, ang /y/ ay ang kabalikan nito—palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.

Page 159: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TSART NG PATINIGHARAP SENTRAL LIKOD

Mataas i uGitna e oMababa a

Malayang nagkakapalit sa ilang mga salita ang mga patinig o at u, gayon din ang e at i.

Halimbawa:babae-babai lalake-lalakitotoo-tutoo noon-nuon

Page 160: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PONOLOHIYA- Ang ponema ay tumutukoy sa mga makahulugang tunog

ng isang wika, Ang maka-agham na pag-aaral nito ay tinatawag namang

ponolohiya.

Page 161: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang Filipino labing-anim(16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang mga sumusunod:/p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ,w,

Ang mga patinig naman ay ang /i, e, a, o, u/

Ang ponemang /Ŋ/ ay kumakatawan sa titik na ng.

- Kumakatawan sa impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin.

Page 162: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Halimbawa/tu:boh/ vs /tu:bo’//u:poh/ vs /upo’//kitah / vs /ki:ta’/

Tandaan: May isa pang kategorya ng mga ponema. Ito ay ang mga ponemang

suprasegmental. Walang ponemikong simbolong katawanin ang mga ito. Ito ay ang

tono(pitch)/intonasyon, haba(length)/diin(stress) at

hinto/antala(juncture)

Page 163: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Pansinin ang pagbabago sa kahulugan ng mga sumusunod gamit ang mga

ponemang suprasegmental.a. Dumating na ang Pangulo.b. Dumating na ang Pangulo?

c. Ako.d. Ako?

Page 164: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Pagsasanay:

a.TUbo vs tuBOb.PIto vs piTOc. PUsod vs puSOD

Page 165: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Sagot:a. TUbo vs tuBO TUbo = /TU: boh/-growthtuBO= /tubo’/-sugarcane

b. PIto vs piTO PIto=/pi:toh/-whistle piTO= /pito.h/-seven

c. PUsod vs puSODPUsod= /pu:sod/part of the seapuSOD=/pu:sod/-navel

(karagdagang pagsasanay)

Page 166: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Bigkasin ang mga sumusunod. 1. punoa. tree- /pu:noh/b. head of the department-/pu:no’/c. full- /puno’/2. bukoa. young coconut - /bu:ko.h/b. got caught - /buko.h/3. mangkukulama. witch –/maŋkuku:lam/b. to be witch- maŋ:kukulam

Page 167: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

4. paliguana. take a bath -/paliguan/b. bathroom- /pa:li:guan/5. bakaa. baka-maybe-/baka.h/b. cow-/ba:kah/6. dainga. dried fish -/da:iŋ/ (patakaran para mahabang ing at ng (ŋ)b. groan- /daiŋ/

Page 168: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TANDAAN ‘(impit) pigil na hangin (a e i o u).h- malayang bugso ng hangin/magtatapos sa a e i o u)Ŋ- digrapo/ / - walang malalaking titik kapag nakapasok dito.

Page 169: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Bigkasin din ang mga sumusunod. Huminto naman kapag nakita ang #:

a. Hindi puti #b. Hindi # puti #c. Si Mark Anthony # at ako #d. Si Mark # Anthony # at ako #e. Hindi # ako ang may kasalanan #f. Hindi ako # ang may kasalanan #g. Doc # Jun Roman # ang aking pangalanh. Doc # Jun # Roman # ang aking pangalan #i. Doc Jun Roman # ang aking pangalan #

Page 170: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MORPOLOHIYA Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang

yunit ng isang salita o morpema.

1. Ang morpema ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.

Page 171: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

maestro vs maestra tindero vs tindera

Angelito vs Angelita Paulo vs Paula abugado vs abugada tisoy vs tisay

HALIMBAWA

mata payong ligayapagod saya

tuwakain bato taas

2. Ang ikalawang uri ng Morpema ay ang mga salitang-ugat. Mga payak itong salita dahil walang panlapi

Page 172: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

3. Ang huling uri nito ay ang mga panlapi na maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. Mga mga salitang gumagamit ng kumbinasyon ng iba’t ibang paraan ng paglalapi. Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginamit sa mga sumusunod na halimbawa:

minata matahin mapangmata nagpayong nagpayungan pinayungan pagurin ikinapagod napagod tumaas nakipagtaasan taasan batuhin nagbatuhan binato

Page 173: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TANDAAN samakatwid (3 anyo ng morpema) a. morpema isa ay ang binubuo ng isang

ponema b. morpemang binubuo ng salitang-ugat-

binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi.

c. morpemang binubuo ng panlapi- ang panlapi ay may kahulugang taglay kaya’t bawat isa ay isang morpema.

Page 174: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito.

Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaaring makaimpluwensyang ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito, bagamat karaniwan nang ang sinusundang ponema ang nakaiimpluwensya.

Page 175: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

1. ASIMILASYON- Ito ang pagbabagong karaniwang

nangyari sa tunog na /ŋ/ sa mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing- dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog (unang tunog

ng salitang nilalapian)

Page 176: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

halimbawa pang- + bansa = pangbansa = pambansa mang- + bola = mangbola = mambola sing- + tamis = singtamis = sintamismapapansin na isa sa tatlong ponemang pailong,/m/,/n/,/ŋ/ ang ginagamit at ibinabagay sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog upang higit na maging madulas ang pagbigkas ng salita.

2 URI NG ASIMILASYON1. GANAP

2. HINDI GANAP

Page 177: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ASIMILASYONG GANAPSa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.hal. a. [pang-] +palo------pampalo-------pamalo b. [pang-]+tali--------pantali ------panalic. [pang-]+ tabas -----pantabas-----panabas

Page 178: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ASIMILASYONG DI GANAP O PARSYAL

Ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal ng isang morpema dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog.

halimbawa pang-+tukoy=pantukoy=pantukoy mang-+dukot=mangdukot=mandukot sing-+puti=singputi=simputi mang-+bola=mambola

Page 179: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Pansinin na ang tunog na /ŋ/sa panlapi ay nagiging /m/ kapag ikinabit sa mga /p/,/m/,o /b/.

Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ ay ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/, o /b/, ang

/ŋ/ ay nagiging /m/ ang /h/.[pang-]+paaralan---pampaaralan[pang-]+bayan------pambayan

Page 180: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.

[pang-]+dikdik----pandikdik [pang-]+ taksi ----pantaksi

2. Pagpapalit ng PonemaMay mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.

Page 181: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

1. /d/---/r/ ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.

ma-+dapat =madapat = marapat ma-+dunong= madunong= marunongMay mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [an] o [in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/lapad + an =lapadan =laparantawid + in = tawidin = tawirin( pansinin na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap kapag ito’y nakapagitan sa dalawang patinig)

Page 182: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

/h/ ---/n/sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng panlaping/-han/ ay nagiging /n//tawah/+an-----/tawahan/---tawanan /o/---/u/Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng salita.dugo+ an -------duguanmabango--------mabangung-mabango

Page 183: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

3. Metatesis- kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y / ay nilalagyan

ng gitlaping-in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon.

-in + lipad -----nilipad-in + yaya ----niyaya

Page 184: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

4. Pagkakaltas ng ponema-nagaganap ang pagbabagong ito kung

ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala kapag

nilalagyan ng hulapi.takip+an=takipan=takpan

sara+an = sarahan =sarhanatip+an-=atipan=aptan

tanim+an=taniman=tamnan sunod + in - sunodin - sundindala + han - dalahan - dalhan

Page 185: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

5. Paglilipat-diinMay mga salitang nagbabago ng diin

kapag nilalapian, maaaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita.hal: basa+-hin----basahinka+sama+han---kasamahanlaro+an---laruan (lugar)hal: iwas ,sira ,lapatiwasan, sirain, lapatan-naiiba ang bigkas, dahilan sa paglilipat-diin nagbabago ang salita ang nagbabago ng diin

kapag ito ay nilapian.

Page 186: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

6. ReduplikasyonPag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang

pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o

gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.

hal.aalis matataas magtatahopupunta masasaya naglalakad

Page 187: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

GAWAING INTERAKTIBO Hatiin ang klase sa tig-anim na

miyembro at gawin ang mga sumusunod(10 pts)

Pagbibigay ng mga sariling halimbawa ng mga pagbabagong morpoponemiko.(tig-5 sa bawat uri)

Page 188: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Kalikasan sa Pakikinig

a. Ang Proseso ng Pakikinig b. Mga Gabay Tungo sa Epektivong Pakikinig c. Mga Antas o Lebel ng Pakikinig d. Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig

Page 189: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

“ When people talk, listen completely.

Most people never listen.” Ernest Hemingway

Page 190: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Hearing is a natural process,

while listening is a

skill

Page 191: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Hon, kumusta

naman ang trabaho mo?

Hmmm! Oo nga hon,

nakapapagod ang trapik sa Edsa…tapos

ginitgit pa ako sa MRT…kaya ito nagugutom ako masyado…as in..kain na nga tayo…

That’s nice, buti ka pa..ako grabe ang nangyari sa akin…

Page 192: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Bakit kailangang matuto ang isang tao ng epektibo at kritikal na pakikinig? Bakit kailangang linangin ng bawat isa ang kanyang kasanayan sa pakikinig? Mamili ka sa mga sumusunod. Alin ang nanaisin mo? Karunungan o kamangmangan?

Impormasyon o Mis-impormasyon? Pakikisangkot o Pagwawalang-

bahala? Kawilihan o Pagkabagot?

Kaligayahan o Kalungkutan?

MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG

Page 193: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANO ANG PAGKAKAIBA NG PAGDINIG SA PAKIKINIG?

Pagdinig- ito ay isang pisikal na proseso ng pagkatal ng sound waves sa ating eardrums at ang paglabas ng mga elektro-kemikal na impulses mula sa loob ng tainga patungo sa sentral na awditoryo ng ating utak. Ito rin ay isang pisyolohikal na proseso ng pagdekoda ng tunog.

Pakikinig-ito ay ang paglalaan ng matamang atensyon, at ang pag-unawa sa ating napakikinggan.

50% lamang ang ating napapakinggan, matapos ang dalawang araw, kalahati na lamang nito ang ating natatandaan o 25% lamang ng orihinal na mensahe. “ Lost Art”-lagi nang nakakaligtaang kasanayan.

Page 194: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

LAYUNIN NG PAKIKINIG:

Maaliw- ang buong benepisyo ng pakikinig ay isang kapakinabangang napapasaatin bilang bahagi ng pagbibigay-kasiyahan o aliw sa mga tagapakinig;

Maglikom ng mga impormasyon at kaalaman-ang mga kaalamang ibinabahagi ng tagapagsalita at kabang-yaman sa isipan ng tagapakinig;

Magsuri-hinihingi ang pagsusuri sa mga mapakinggan bago gumawa ng aksyon o desisyon.

Page 195: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

ANO ANG PAKIKINIG? Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng

mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Page 196: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Yagang (1993) ang pakikinig ay kakahayang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap.

Howatt at Dakin (1994) nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa diin, gramatika, talasalitaan at pagpapakahulugan sa sinabi ng tagapagsalita.

Page 197: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Mahalaga ang pakikinig sa ating pang-araw-araw na gawain. Sinabi nina Wilga Rivers (1981) na makalawang beses tayong nakikinig kaysa nagsasalita, makaapat na beses kaysa nagbabasa at makalimang beses kaysa nagsusulat. Kapag tayo’y marunong makinig, madali tayong masasanay sa pagsasalita sapagkat ang ating napakinggan ay masasabi natin nang mabuti.

Page 198: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

GAMPANIN NG TAGAPAKINIG

Mahikayat na magsalita ang kabilang panig.

Magbigay ng ganap na pakikinig. Pagtanggap sa karapatan ng ibang tao na

masabi ang mga ideya o niloob. Tumanggap ng mga impresyon at

impormasyon na kapaki-pakinabang at maaaring magamit.

Page 199: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Ang pakikinig at isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.

Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.

Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

(sa pag-aaral na isinasagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita)

Page 200: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Sa loob ng silid-aralan mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa sa

aktibong makilahok sa kanila. 45% ay nagagamit sa pakikinig

30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat

Page 201: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG Alamin ang layunin sa pakikinig Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan Maging isang aktibong kalahok Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan

ng tagapagsalita Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

Page 202: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Page 203: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

cochlea

Auditory tubeExternal auditory

canal

Semicircular canalsVestibular

cochlear nerve

Middle ear cavity

pinna

Page 204: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAKIKINIG1. Deskriminatibo• Matukoy ang pagkakaiba at di-pasalitang

paraan ng komunikasyon.• Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas

ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

2. Komprehensibo• Maunaawaan ang kabuuan ng mensahe.• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng

kanyang pinakikinggan.

Page 205: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAKIKINIG 3. Paglilibang• Upang malibang o aliwin ang sarili.• Ginagawa para sa sariling kasiyahan. 4. Paggamot• Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o

makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.

5. Kritikal/Masusi/Mapanuring Pakikinig• Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap

na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig.• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang

maintindihan.

Page 206: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA

PAKIKINIG

1. Edad o gulang Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang

mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.

Sa mga edad na o matatanda na ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdaman nila sa katawan bunga ng kanilang katandaan.

Page 207: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA

PAKIKINIG2. Oraso Malaki rin ang impluwensya ng oras sa pakikinigo Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa

madaling-araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.

o May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.

o Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa sa mga estudyanteng panghapon.

Page 208: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG3. KasarianSinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng

tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansirili silang interes.

Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.

Higit na mahaba ang pasensya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip.

Page 209: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG4. TsanelPaggamit ng instrumento sa paghahatid ng

mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropo, radyo atbp.

Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

Page 210: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG5. KulturaAng pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba

sa panalangin nating mga kristiyano parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.

Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.

Page 211: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG

6. Konsepto sa sariliAng tagapakinig ay may katalinuhang taglay na

maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.

Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.

Page 212: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA ELEMENTONG NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG

7. LugarAng tahimik at malamig na lugar ay lubusang

nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.

Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalan ng ganang makinig ng mga tagapakinig.

Page 213: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG TAGAPAKINIG1. Eager BeaverSiya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.2. TigerSiya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

Page 214: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG TAGAPAKINIG3. SleeperSiya ang tipo ng tagapanakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.4. BewilderedSiya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa narinig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

Page 215: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG TAGAPAKINIG5. FrownerSiya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

Page 216: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG TAGAPAKINIG

6. RelaxedIsa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

Page 217: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

7. Busy bee Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.8. Two-eared ListenerSiya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MGA URI NG TAGAPAKINIG

Page 218: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA KABUTIHANG DULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG

Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin.

Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya.

Maiiwasan ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita

Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig.

Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masusuri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig.

Page 219: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG

o Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan.

o Ang mga marurunong lamang daw ang mahuhusay makinig.

o Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig.

Page 220: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA HADLANG SA PAKIKINIG

Pagbuo ng maling kaisipan Pagkiling sa opinyon Pagkakaibaiba ng pakahulugan Pisikal na dahilan Pagkakaiba ng kultura Suliraning pansarili

Page 221: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TATLONG BAHAGI NG PROGRAMA NG PAKIKINIG

1. Atensyon –upang mapaunlad ang atensyon, kailangang makinig lagi sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagbibigay pokus sa mga tono at ingay na naririnig sa kapaligiran. Gawin ito sa araw-araw.

2. Pagkilatis sa Pakikinig- ito ay nangangailangan ng pakikinig sa mga tunog at pagsusuri nito batay sa uri, taas ng tono at lakas at bilis ng tunog ayon sa batayang nabanggit.

3. Pakikinig nang pang-unawa- ito ay paraan ng pagsasalin at pag-uugnay ng mga tunog, uri, taas at baba ng tinig, lakas o hina nito, bilis at bagal ng pagbigkas tungo sa simbolong pangkaisipan.

Page 222: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Sagutin

1. Ano ang inyong pananaw tungkol sa pakikinig?

2. Bakit mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pakikinig?

3. Paano nagaganap ang proseso ng pakikinig?

4. Anong uri ng pakikinig ang mga talakayan sa klase? Bakit?

5. Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa pakikinig?

Page 223: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TAKDANG-ARALIN

I. Makinig ng pang-umagang balita sa radyo o manood ng telebisyon. Itala ang mahahalagang detalyeng binanggit gaya ng sumusunod:

Ano: ________________________________________Sino: ______________________________________Kailan: ____________________________________Bakit: _____________________________________Paano: ___________________________________(15 pts)

Page 224: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

II. “Upuan”ni Gloc-9 - Suriin ang nilalaman nito. Ibigay ang mga simbolong ginamit sa awit. (15 pts)

III. Magteyp ng ilang patalastas na narinig sa radyo at telebisyon tungkol sa kalidad ng produkto. Magbigay ng reaksyon tungkol dito (10 pts)

Page 225: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

“ Talk low, talk slow, and don’t talk

too much” -John Wayne-

Page 226: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA

Soft Palate

Tonsil

Tongue

Gums

Hard palate

Uvula

Teeth

Lip

Page 227: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHULUGAN NG PAGSASALITA Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na

maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: nagsasalita at ang kinakausap.

Page 228: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA 1. Kaalaman- “ You cannot say what you do

not know” kailangan ay may sapat na kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.

a. paksa ng pinag-uusapan b. sapat na kaalaman sa gramatika para sa

epektivong paggamit ng mga salita sapat na kaalaman sa kultura ng

pinanggagalingan ng wikang ginagamit

Page 229: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

2. Kasanayana. sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon (presence of mind)b. sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong di-berbalc. sapat na kasanayan sa 4 na genre ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalahad, pangangatwiran at paglalarawan

Page 230: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

3. Tiwala sa SariliAng isang taong walang tiwala sa sarili ay

karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Nagiging mahina ang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal, nanginginig, naninigas o umiiwas ng tingin.

Madalas din itong kabado lalo na sa harap ng pangkat o publiko.

Nahihirapan din silang papaniwalain ang ibang tao dahil mismo sa kanilang sarili ay wala silang tiwala.

Page 231: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

Tinig- ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kinakailangan ng tinig na mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.

Bigkas- napakahalagang wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangang matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita. Dahil ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pa’t ang wika natin ay napakaraming mga homonimo.

Page 232: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA KASANGKAPAN SA PAGSASALITAo TindigSa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig. May tikas mula ulo hanggang paa. Magiging kapani-paniwala at kalugod-lugod sa paningin ng mga tagapakinig.o KumpasAng kumpas ng kamay ay importante upang hindi magmukhang robot o tuod ang isang tagapagsalita.o KilosAng ilang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw kagaya ng mata, balikat, paa at ulo.

Page 233: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA Naipaaabot sa kausap ang kaisipan at

damdaming niloloob ng nagsasalita; Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan

ng mga tao; Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensya ng

saloobin ng nakikinig; at Naibubulalas sa publiko ang opinyon at

katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Page 234: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAKIKIPANAYAM/INTERBYUMga dapat tandaan sa pakikipag-ayos ./pagsasagawa ng pakikipanayam: Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw,

oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin. Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa

kakapanayamin. Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras. Maging magalang, makinig nang mataman at magpakita ng

kawilihan. Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at

mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang. Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu.

Page 235: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PANGKATANG TALAKAYAN1).Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan.2)Makibahagi,huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik.3)Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan.4) Magkaroon ng bukas na isipan.5) Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katwiran ng higit na nakararami.,6) Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama.

Page 236: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

EXTEMPORANEOUS Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon

na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.

Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore:1) Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan.2) Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati.

Page 237: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Pinaghandaang talumpati Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang

talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

Pagbasa ng papel sa panayam o kumperesyaIto ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

Page 238: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHINAAN SA PAGTATALUMPATI

1) Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita nang maayos kapag nakaharap sa maraming tao.2) Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig.3) Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan.4) Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati.

Page 239: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MUNGKAHI KUNG PAANO MAKAPAGSALITA SA HARAP NG MADLA

Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita at kinakabahan sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita.

Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.

Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maaari ring magtagumpay.

Page 240: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA MUNGKAHI KUNG PAANO MAKAPAGSALITA SA HARAP NG MADLA Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging

mahusay na tagapagsalita. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka

magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan. Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap

sa maliliit na pangkat hanggang sa malaking madla. Isiping ang mga madlang tagapakinig at palakaibigan at

hindi mapanghusga. Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong

Maykapal.

Page 241: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

GAWAING INTERAKTIBO Gamit ang kasunod na tseklist, iebalweyt ang

iyong kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kahon ng katangiang iyong taglay. Matapos ay ilista ang mga paraang iyong magagawa o maipapangako upang malinang ang katangiang hindi mo nilagyan ng tsek.

(may kalakip na kopya)

Page 242: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

Kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa: Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na

simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.

Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.

Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.

Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.

Page 243: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBASA:

Kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa: Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa

mga babasahin. Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay

ng tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.

Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Page 244: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

1) Ang pagbasa sa akda2) Ang pag-unawa sa binasa3) Ang reaksyon sa binasa4) Ang pagsasama-sama at pag-uugnay

ng mga bagong kaalaman sa binasa at dating kaalaman

William Gray” Ama ng Pagbasa” ayon sa kanya ang pagbasa ay nagaganap sa apat

na yugto.

Page 245: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

BUMABASA ANG TAO DAHIL SA MGA SUMUSUNOD NA KADAHILANAN: May nagbabasa upang kumuha ng

dagdag kaalaman o karunungan May nagbabasa dahil gusto niyang

malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon

May nagbabasa upang maaliw o malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman

Page 246: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

LAYUNIN NG MAUNLAD NG PAGBASA Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa; Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa

masaklaw at masidhing pagbasa; Makilala ang mga paksang pinag-aaralan

upang matamo ang impormasyon hinggil sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o humanities;

Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat;

Page 247: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

LAYUNIN NG MAUNLAD NG PAGBASA Matamo ang pagsasarili at magkaroon ng

mabisang pag-uugali sa tahanan, paaralan at aklatan;

Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga binabasa;

Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na dulot ng pagbabasa.

Page 248: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAGBASAA . Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan:1)Mabilisang pagbasa (skimming) ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin. Tinatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa. Pagpili ng aklat o magasin; Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago ito basahin

nang tuluyan; Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.

Page 249: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAGBASA

2)Pahapyaw na Pagbasa(Scanning)- ito ay tumutukoy sa paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito’y ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen, numerong nanalo sa swiptiks, lotti atbp.

Page 250: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAGBASA

3) Pagsusuring Pagbasa( Analytical Reading) nakasalalay sa mga gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ang matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip.

Page 251: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAGBASA 4) Pamumunang Pagbasa ( Critical Reading) Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may-akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda.

Page 252: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA URI NG PAGBASA5) Tahimik na Pagbasa (Silent Reading)Mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto.6) Pasalitang Pagbasa (Oral Reading)Pagbasa ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.( hindi ito “undertime pressure” na pagbasa.

Page 253: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

AYON SA LAYUNIN: Pagbasang nakapagtuturo- nagbabasa ang

isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan ng bago ang ating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak.

Pagbasang paglilibang- ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay.

Page 254: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

1) Pagkilala sa mga salita (word perception)-kakayahang umunawa sa iba’t ibang kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.2) Pag-unawa (comprehension) kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda

Page 255: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

3) Pagpapahalagang literari (literary appreciation)-may kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.4) Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & Dictionary Skills)-may kakayahan sa paghahanap o pagsisiyasat sa mga bagay at kaalamang di-makita o matagpuan.

MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA

Page 256: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

1) Pag-unawang literal 2) Pagbibigay ng Interpretasyon 3) Mapanuri o kritikal na pagbasa 4) Paglalapat o Aplikasyon 5) Pagpapahalaga

Page 257: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

APLIKASYON A. Suriin ang uri ng pagbasa na ginamit sa bawat

sitwasyon at isulat sa patlang ang letrang A kung ito’y skimming at B kung ito’y scanning.

_____1. Pagpili ng magasin na babasahin_____2. Pagkuha sa direktoryo ng tirahan ng isang tao_____3. Paghanap ng paksa sa indeks ng aklat_____4. Pagpili ng aklat na babasahin_____5. Pagtingin sa artikulo sa isang dyaryo_____6. Pagtukoy ng isang jornal sa mga sanggunian_____7. Pagbuo ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman ng sanaysay

Page 258: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Sagot: A B A A A B A

Page 259: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA INTERAKTIBO AT ALTERNATIBONG GAWAIN Maghanap ng kwento na may isyung

panlipunan. Basahin ang akdang iyong napili at unawaing mabuti. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1) Anong uri ng pagbasa ang iyong ginamit upang mapili ang akdang gusto mong basahin? Ipaliwanag ang sagot.2) Gamitin ang mga antas ng pagbasa, sa pagbuo ng sampung tanong sa akdang iyong binasa. Isulat sa isang papel ang mga tanong.

Page 260: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

Kahulugan ng PagsulatAng pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

Page 261: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT Kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba

dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,

pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.

Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.

Page 262: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PROSESO NG PAGSULAT Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa

pamamagitan ng pagsasanay ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.

Page 263: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

PAMAMARAAN NG PAGSULAT

1. Pag-asinta (Triggering)- kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.2. Pagtitipon (Gathering)-anumang paksang napili kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyang magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magasin, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.

Page 264: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

3. Paghugis (Shaping) Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ng hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na ating sulatin ang burador na magiging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.4. Pagrebisa (Revising)-ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga lathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

PAMAMARAAN NG PAGSULAT

Page 265: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA BAHAGI NG PAGSULAT

1. Panimula2. Katawan3. Konklusyon4. RekomendasyonMga uri ng Gawaing PagsulatAng sulating pormal- ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aaralan at tinatalakay sa klase, forum, seminar at maaaring magkaroon ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita.Sulating di-pormal- ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

Page 266: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

TALASANGGUNIAN Arrogante, Jose A., (2004) Kakayahang Pilipino sa

Komunikasyong Filipino (fil101): National Bookstore Ampil, Roberto DL.,et.al, (2010) Akademikong Filipino

sa Komunikasyong Global : Publishing house, Manila Philippines

Bernales, Rolando A.(2014) Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino, Batayan at Sanayang-Aklat sa Filipino 1 Antas Tersyarya : Mutya Publishing House, Inc. Malabon City, Philippines

Belvez, Paz M. ,et al. (2003) Sining ng Komunikasyon Pangkolehiyo Filipino 101: Rex Bookstore

Page 267: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Dinglasan, Resurrecion D. (2007), Komunikasyon sa Akademikong Filipino :Rex Bookstore, Inc. 2007

Mangahis, Josefina C. et.al. (2005) Komunikasyon sa Akademikong Filipino: C & E Publishing, Inc.

Mendoza, Erlinda R.( 2008) Modyul sa Filipino 1: Sining ng Pakikipagtalastasan (Pokus sa Kursong Pang-Nursing at Pangmedikal): Rex Book Store Inc.

Mendoza, Lorna, et.al Sining ng Pakikipagtalastasan 2014: SMU Library

Santiago, Erlinda M, Ang Sining Ng Pakikipagtalastasan Sa Kolehiyo

Sauco, Consolacion P.(2004), Sining ng Pakikipagtalastasan:Karampatang-Ari,Katha Publishing Co.INC.

TALASANGGUNIAN

Page 268: Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

MGA SANGGUNIAN SA INTERNET

Ortograpiyang Pambansa 2014 Revised Edition Francisco, C. G. Ang Rehistro ng Wika sa Masmidya sa

Pilipinas Pagkatuto ng Wika : website