Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

32

description

Siklab: Mga tula ng Pakikibaka(First Edition)

Transcript of Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Page 1: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka
Page 2: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Siklab: Mga Tula ng Pakikibaka2013

Karapatang – Sipi:Angelo Madarang

Lahat ng parte nito ay pag – aari ng may – akdaWalang maaaring Gamitin na parte nitoNa walang pahintulot.

Paunang Salita

Page 3: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Ngayon, sa tagal ng panahon na ako’y tumutula, ngayon lang ako nakapaglabas ng aking mga siniping tula at iba pang aking mga lkha. Dahil na rin sa pagpupurisigi na maisulong ito ngayong ika – 10 taon ng Kilometer 64 Poetry Collective, Bahagi na rin ng aking pagpupugay sa mga kasamang nagsulong nito at napanatili ito sa loob ng isang dekada.

Ayos na rin ito, kahit medyo maguguluhan kayo sa nilalaman nito dahil halo – halo ang mga paksa nito pero Sinasabi nga natin na ang mga tula ng pagkikibaka ay pangpataas ng diwa ng pagsusulong ng rebolusyon, Pangpa –agit, ika nga nila. Hehe

Ngayon, inilalabas ko muna na soft copy ito sa Scribd dahil na rin sa kakapusan ng panustos (walang badyet ngayon!), na pwedeng mai – download at mailagay sa mga inilalabas na tula ng mga pahayagan ng mga kampus at sa iba pa na kayang – kayang gawin ng Kilometer 64 Poetry collective (pasensya kina Rustum at Pia).

Malaki rin ang naitulong sa akin ng Kilometer 64 dahil sila ang nakapaglalabas ng aking mga tula para sa bayan, hindi ko na nga lang alam kung ilan na iyon.

Salamat din kina Noviembre El Drama (Ala), Lenkurt Lopez, Gem Karlos Aramil at Emmanuel Halabaso na mukhang pursigido sa Kilometer 64 at tutulong din ata sa pagtustos ng aking pagpap-imprenta nito. Hehehe

Hanggang dito na lamang ang aking masasabi sa inyo, sana ay tuloy – tuloy nating suportahan ang mga tula ng pakikibaka at ang SIKLAB: Mga Tula ng Pakikibaka, isama na rin natin ang Plumang Punyal ni Rogene A. Gonzales at Lover’s Lane ni Axel Pinpin, aking mga kasamahan sa Kilometer 64 at sa Timog Katagalugan.

Salamat at Isang Mapagpalayang araw sa inyong Lahat!

Angelo P. MadarangMay - akda“Ang isang makata ay Katulad ng isang mangingibig

Page 4: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Naiintindihan niya ang damdamin nito at ang kanyang iniisip”- Angelo Madarang

Page 5: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Mga Tula

Buhay at

Page 6: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

buhay ang pinagmulan ng lahatkabuhayan ang pinaka-kinailangankaya sila'y naririto ngayonsa kalunsuran na minimithi nila ang mga nasa kanayunannagpupunta sa kalunsurandito na rin nanirahankahit mag-iskwater sa daan ngayon, ang mga pasistang lider ng ating bayanpilit silang tinatanggal sa kanilang panirahandahil sila daw ay EYESORE sa mata ng taumbayanat wala daw silang lugar dito sa kalunsuran demolisyon ang isinagot ng mapang-apisa masa'y pilit nilang winawaksimga bahay nila'y kanilang pinaghirapanngayon ay wawasakin lamangupang ang lupa'y ibigay sa mga dayuhan tandaan niyo, nandito pa kaming mga kabataanipaglalaban namin ang kasaysayanbabawiin ang kalupaanna inagaw niyo sa aming mga magulang rebolusyon man ang kahantungankahit dahas sa dahas ang labanhahawak kami ng punglo at armasupang ipaglaban ang buhay, bahay,lupa at tunay na kalayaan ng bayan!

Enero 10, 2011Calauan, Laguna

Nang Mag-Status Update si Aquino

Nang Mag – Status update si Aquino

Page 7: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Sa Kanyang Facebook fan pageNatuwa siya “Maraming Nag-like”Yun pala ay ang Kanyang mga Gabinete

Nang Mag-Status Update si AquinoBiglang may “nag-share”Natuwa na naman ang Abnoy ng PalasyoYun pala ay si Tito Sotto at ang Senado

Nang Mag-Status Update si AquinoAfter 2 minutes, may “nag-comment”Nagalit ang impaktoInika, “ipatupad ang Cyber Crime law”

Ipinahuli ang nag-commentKinasuhan ng e-LibelKinastigo ng PNP, AFP, NBI at DOJ12 years ang sentence

Nang Mag-Status Update si AquinoNang ganito “our economy is growing”At sinabi ng Anonymous PhilippinesKailan ito nangyari?

Nang Mag-Status Update si AquinoSumigaw ang mga taoIbasura ang Cyber Crime lawSumisira ito sa Karapatang Pantao

Lungsod ng Cabuyao,Lalawigan ng LagunaEnero 31, 2013

Hinalaw

Aali-aligid sa mga kalyePawang mga bubuliWalang-awang isinantabiAng ilaw na nakasindi

Rikit ng pumapailanlang na awitTinig ng bawat mga bisig

Page 8: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Ng mga inaaping uriNg mag putaragis na bubwit

Hinalaw mo sa isang awitPamapayagpag sa isipNg isang tubig na matinisAt malinis na tulad ng Kanyang nais

Seldang nilagot ng tariTanikalang tinagpas ng karitSundang na pinalibisSa walang malay na siniil

Wala nang hariDahil inialis na ng bawat aping uriAng mga nagpasa-impyerno ng buhay naminAt Sigaw naming “Rebolusyon”Tayong lahat ang tutugon

Pebrero 3, 2013Lalawigan ng Quezon

#Unlike RA 10175!Sa aming ‘di na dapat iginagalang na Pangulo,Ngayong patapos na ang TRONg pinirmahan mong CyberCrime LawNa mariing kinondenaNg mga mamamayan mo

Asahan mo,Asahan mong muli kaming aaklasAaklas laban sa mapanupil mong batasNa tatapos sa karapatan sa Pamamahayag

Hinigi namin ay FOIPero ang binigay mo’y CyberCrimeBakit gusto mong lahat ay may crime?Para ang pamahalaan mo’y ‘di mag-goodbye?

Kung gusto mong batiin ka

Page 9: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Ng mga pilipino ng “Magandang Umaga”Umayos ka! Ngayon na!Para ang mga gutom na masa’yDi mapariwara

Sigaw ng Netizens#Unlike RA 10175!Isulong ang GARBP125 Across the BoardAt ang FOI!

Itong Sulat kong ito’yPara sa iyo‘di na dapat igalangNa Pangulo!

Una palang itoHintayin moSa pagtatapos ng Tro‘di na sulat ang ibibigay sa’yoPati na KamaoNg lahat ng mamamayan mo!

Lubos na NangangalitSa CyberCrime Law30, 078, 875 Filipino Netizens

Virtual Crime…CyberCrime

Sa unang tingi’y mahinahonAng nilikhang salot sa MamamayanLalo na sa birtwal na pahayaganNg panawagan para sa pamahalaan

Mula sa lansangan ng bayanHanggang sa pambansang hukumanLalaban ang sambayananPatungong tunay na kalayaan

Facebook, Twitter, Scribd at BloggerLike, re-blog, re-tweet, shareSa Cybercrime Prevention LevelYan na ay kasong “e-LIBEL”

Page 10: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Mahirap masagkaan ang karapatanLalo na kung ito’y para sa kanakananKapakanan ng inaaping sambayananNa tunay na namumuno sa bayan

Anyare? Bakit napasa ito?Dahil ba sa Kongreso?Dahil ba kay Tito Sotto?O kay Abnoy na nasa Palasyo?!

Lalaban tayoLalaban kami sa inyoPara sa amin itoKarapatang Pantao!

Bayan ng Los Baños,Lalawigan ng Laguna

Enero 17, 2013

Kalat sa TubbatahaNaglipana!Naglipanan ang mga naghahasikNg lagim sa bayang inaapiAt pinagsasamantalahan ang uri

Nag-iwan kayo!Nag-iwan kayo ng kalat niyoKayong mga imperyalistang kanoPati mga reaksyunaryong Sundalo niyo!

Alisin niyo!Alisin niyo ang USS GuardianDiyan sa aming pinangangalagaanTubbataha reef ng aming bayan

Umalis na kayo!Dito sa aming bansaPati ang inyong Embahada

Page 11: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Sa aming mahal na bansa

Junk VFA! Junk MDT!Tanggalin ang karapatanNg mga Sundalong KanoDito sa aming Bayan!

Makibaka, ‘wag amtakotBayan, tuluyan kang makisangkot!Lumaban ka Sambayanan!Para sa Iyong karapatan!

Isulong ang Rebolusyong Bayan!Makibaka at maging Makabayan!Isulong ang Digmang Bayan!Para sa pagtatayoNg tunay na Gobyernong Bayan!

Quezon ProvinceEnero 25, 2013

e - MARTIAL LAW!

Nagdaan na ang nakaraang taonDumating na ang bagong panahonSadyang sa pagkalugmok ay hindi pa rin makabangonAng bayang iginupo sa pagkagumon

Nandiyan na naman ang bantaNg batas militar sa ating bansaHindi man direktang makikitaMararamdaman natin ito sa midya

Matatapos naTemporary Restraining Order niyaPapayagpag na naman siyaSa Internet at maging sa midya

JUNK Cybercrime Prevention Act of 2012

Page 12: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Yan ang sigaw ng mga tao sa mundo ng internetDahil ang karapatan nila ay mayuyurakane-Libel ang isusulong diyan

i-unlike natin sa facebooki-unfollow natin sa twitterisigaw ang tunay na karapatansa bagong midya at sa lansangan

hindi tayo susukohinding hindi tayo susukoHanggang sa magupoRA 10175 na manloloko!

Lungsod ng Batangas,Lalawigan ng Batangas

Enero 2, 2012

MANINDIGAN

Naranasan mo naang tunay na pagkapasistang rehimen na tutaat ng imperyalistang amo nila nagmartsa na ang mga magsasakapara sa kanilang lupasumama na rin ang mga manggagawapara sa karapatan nila sa ngayonang lahat na'y natitiponupang ipaglaban ang lungsod at nayon

Page 13: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

at palayain ang bayan ngayon Sulong, Masang AnakpawisTumindig ka't humagibisPara sa Paglayang naisat sa pag-agaw na mabilis!

MILISYANG BAYAN

Nasaan na ang hustisya!Nawawala pa rin silaPinatay mo na silaDinamay mo pa ang iba!

Maraming lumalaban ang nawalanMaraming pag-asa ang nalusawMaraming pag-ibig ang lumubogMaraming pagsigaw ang nadurog

REBOLUSYON ang nakikita naming solusyonREBOLUSYON ang sasagot sa aming mga tanongREBOLUSYON ang dapat isulongREBOLUSYON ang tunay na dadaluyong!

Manggagawa, MagkaisaMagsasaka, MakibakaKabataan, Sumapi sa Bagong Hukbong BayanSambayanan, Humawak ng armas at makibaka!

Page 14: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Yan ang aming panawaganYan ang aming tinuturanYan ang aming ideolohiyaAt Yan din ang magpapalaya sa bansa

at magpapalayas sa mga Imperyalista!

Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!

KULONG KA!Kung ganito, kung ganito ang mga pangyayaridito sa ating lipunan... Ano ang ating kasasadlakan?ano ang mangyayari sa atin? sa atin na nakikibakaat lumalaban para sa bayan.. sa atin na sumisigaw nghustisya't katarungan... kung isang iglap, Kulong Ka!ang sigaw ng isang sundalong EPAL! pagkakamalan ka nilang NPAkahit ikaw ay walang ginagawa sa kanila paghihinalaan ka nilang NPAkung may dala kang Malaking bag o Laptop Ituturing ka nilang NPA

Page 15: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

kakasuhan ka rin ng mga anomalyang Gawa-gawa... kaya ano na?ano na kaya?ano na? NOYNOY "Abnoy" AQUINO, Sumagot ka!!! ------------------------------------------------Para sa mga kasamang hinuli ng mga sundaloat ng Lipunang ito! FREE ALL POLITICAL PRISONERS!

JUNK “BWISITING” FORCES AGREEMENT

Nandyan na naman silatuloy tuloy na nananamantalasa sambayanan na pariwaradahil rin sa kanila sinira na ang Subicsinagasaan pa ang tubatahaa reefsambayanan ay nagngingitngitdahil sa galitsa mga pesteng drone at barko ng impe panahon na upang ibasuraVisiting Forces agreement nilaipa-deport sa kanilang sariling bansaang mga walang kwentang imperyalistaat mga sundalo nila sisigaw ang bayan,sisigaw, nang sisigawdahil sa galit sa kanilaIpatapon ang mga Imperyalista!

Page 16: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Bayan ng Los Baños,Lalawigan ng Laguna Enero 18, 2013

MABIGAT NA HANTUNGAN

kailan mo ba nakitaang pagtama ng balana tatapos sabuhay mong bigay hustisya ang hininging mga biktima dinimaging ng mga saksisa ipinukol mo't iwinaksi sumisigaw ng paalamlahat ng mga nilalangsa mga biktima ngdi sinasadyang pamamaslang kailan ka titigil?kailan ka titigil?ngayon..?bukas..? kailan? sagutin mo

Page 17: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

MULING BABANGONmalapit nang matapos ang taon,naririto pa rin tayo, nakagapos sa panahon,inilubog sa kumunoy ng kasinungalingan,ng mga nasa kapangyarihanngunit kahit bagyo man ang humarapito'y ating magagagapna ang paglaban para sa mahihirapay isang tungkulin at karapatan! kahit matatapos na ang taon,kahit pa ang panahon,ang pakikipaghamok natin sa kanila,magpapatuloy ng sandaang taon. laban kung laban,sigaw kung sigaw,manawagan nang manawagan,para sa pagbabago! at sa huli... Muli tayong Babangon,ang mga binusabos,ang mga nagugutom,ang mga pinahirapan,

Page 18: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

ang mga ikinulong,ang mga nawala,ang mga dinukot,ang mga tinortyur,ang mga pinagsamantalahan,at ang masa na ating ipinaglaban, Sama-sama tayong babangon,para sa ating karapatan!

MANGGAGAWA, MANGGAGAWAManggagawa, Manggagawa,Ikaw na Mapag-palaya,Kasama ng Pangunahing Pwersa,Para Kabakahin ang Mapang-alila! Ikaw ngayo'y pinararangalan,ng mga Mamamayan,na Patuloy na Naninindigan,Para sa Karapatan at Hustisyang Panlipunan! Ikaw ma'y Pinahihirapan,ng mga Ganid at Dayuhan,Kapitalista't Gahaman,Ikaw pa ri'y Lumalaban! P125 ay Isulong,Itayo ang Tunay na Unyon,Isulong ang Pambansang Industriyalisasyon,sa Lagablab ay Magpadaluyong! Maso na iyong Tangan,sa loob ng Pabrika't Pagawaan,Iyong dahilan ng Paninindigan,Para sa iyong Kinabukasan! Makibaka, 'wag Matakot,Tuluyan nang Makisangkot,

Page 19: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Para Paglaya'y Mahablot,ng Iyong Masong Pang-Lagot!! Abril 15, 2012Calauan, Laguna

IKAWALONG SUNDANG: PAGBABAGO

Sa paanan ng bundok,at doon man sa pinakarurok,mataman ang alikabok,naglalagablab ang usok. sandatang tangan,hindi binibitawan,sa bundok man o kapatagan,sa lunsod man o kanayunan. Langit man ay pumanaw,Pakikibaka'y umaapaw,Dagat man ay magpaalam,Nananatiling maalam. Hawak mo ang sulo,Gagapi sa mga ulol,Simula hanggang dulo,Lalaban sa kahit sino. Sinta, lumaban ka,Karapatan mong lumaya,Sa mga mapang-alila,at sa mapagsamantala. Pagbabago'y simulan,Sa bundok ng Kalisungan,

Page 20: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Hanggang kalunsuran,Para sa tunay na kalayaan!! Abril 11, 2012Bundok Kalisungan, Tagpuan ng Bayan ng Nagcarlan at Bayan ng Calauan, Laguna

MAYO UNO!Iyan na ang mga manggagawa,ang hukbong mapagpalaya,na siyang magpapalaya,sa aping sektor ng bansa! Naririnig na naman natin ang mga sigaw,ng mga Manggagawang patuloy na humihiyaw,Humihingi ng umentong ipapataw,sa sweldo ng mga manggagawang ligaw! P125 across the board,but don't get to be bored,o baka gusto mong mabulid,ang mga Regional Wage Board! Malawak na kalsada kanilang tinahak,upang ang masa'y hindi mapahamak,di kawasa'y ito'y maging tulak,ng maso't karit na humahawak! Isulong ang industriyalisasyon,karapatan ng Manggagawang mag-unyon,at kanilang tinatalunton,bako-bakong landas ng Reboblusyon! Kung hindi pagbigyan sa Pabrika,sa Engklabo man o Opisina,

Page 21: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Humawak ng armas para lumaya,sa mga dayuhang kapitalista!!! Mayo 1, 2012Crossing, Calamba City, Laguna

PAALAM, KASAMA! (para kay ka ALEX REMOLLINO na pumanaw noong 09.03.10 sa PGH)

ilang unos man ang dumatingilang pighati man ang lumipasngunit ang pakiibaka'y di lilipasmagtungo man sa kamatayan ang bukas marami man ang mawalamarami pa rin ang daratingupang ipagpatuloy ang nawaglitna pakikibaka ng masang anakpawis kasama, isa kang pundasyon ng masanagmulat, nag-organisa at nagpakilossa bayan at sa pusong palaban ng masang anakpawisat sa mundo ng sosyalismo paalam sa iyo, kasamahanggang sa muli nating pagkikitamuli tayong makikibakaupang ipagpunyagi ang sambayanang sosyalista!!

Page 22: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

GABI NG LAGIM...

Sa gitna ng krisis sa lipunanMarami pa rin ang nangyayari sa ating bayanNgunit ang bayan ay lalabanHanggang sa huling laban o sa digmang bayan itigil ang demolisyonAng sigaw ng masang pinagsasamantalahanNgunit ang mga pasistang republikaPatuloy pa rin sa panggagamit sa masa tamang paulanan lang ng batoAng bahay ng mga walang malokoTulad ng mga estradaErap, JV, jinggoy at iba pa. panahon na upang bumangonMula sa pagkakataponNg sinungaling na republikaAt papanigan natin ang masa! rebolusyon ang solusyonUpang ang bayan ay bumangonMula sa bayang mapang-apiAting babaguhin itoPatungong mapagpalayang pagbabago!

Page 23: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

JUSTICE IS ALL WE NEEDkatarungan, katarunganisisigaw ng sambayananupang magkaroon ng kapayapaanat hustisya ang pagkamatay ng isang kasama. si Lester, isang manggagawang pangkulturang timog katagalugan, isang magsasaka ng bayanpinatay ng pasistang militar na iyansa gitna ng CEASEFIRE na gawa-gawa lamang ng lipunan si karen at si jonas, parehas taos-pusong pinaglilingkuran ang sambayananngunit ano ang nangyari sa kanila, dinukot at hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas...si eden at si eddie, kapwa lider ng masa,pinatay ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan, iniwang nakalupasay sa nakatiwangwang na kalupaan hanggang kailan pa ba bago matapos ito,kung kailan ubos na ang lumalaban, sira na ang lansanganat kung saan ay sirang sira na ang sistema ng lipunan nanggagalaiti na ang sambayanansa mga ginagawa niyo sa mga lumalabanmalapit na naming agawin ang kapangyarihanat mananalo ang masang pinagsasamantalahan!

Page 24: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

SA GITNA NG DILAW NA REHIMEN

sa gitna ng dilaw na rehimennagaganap ang isang pangitainna sila'y naniniwalang ganapinng kanilang presidenta ang kanilang hiling si P-noy, nandun sa palasyohabang naghihirap ang sambayanang pilipinosi P-noy na naman, nandun sa palasyohabang nakikipaglaro ng patinterokina Shalani Soledad, Liz Uy at iba pa. Hacienderong republika kung ituringdahil si P-noy ay isang patinghacienda luisita'y inaangkinMagsasaka'y walang lupa man din kaya ang bayan ay lumalabandahil sa kabalintunaan ng mga nasa upuanmga GANID sa kapangyarihansa pangakong "MATUWID NA DAAN"

Page 25: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

PARA KAY PRESIDENTBenigno Simeon "P-Noy" C. Aquino III...

asahan mona sa araw ng iyong inagurasyonay hindi ako pupuntatulad ng maraming maralitang pilipinona nagdaranas ng kahirapanhanggang ngayon mula saliderato ng adminstrasyong arroyoako na lamang ay makikibalita sa telebisyonng aking mga kapitbahayna naghihikahos para sa kanilang ikabubuhayupang mapakain ang kani-kanilang mga pamilyangayon, sa panahong itoay panahon na ng pagbabagoikaw man ay isang'MODELO NG PAMBANSANG PAGBABAGO"!ay maraming masa pa rin ang lalabanat makikibaka para sa pambansang demokrasya

kaya kung ako sa iyoPRESIDENT BENIGNO SIMEON "P-Noy" C. AQUINO IIIpanahon na para baguhin mo ang sistemana umiiral sa ating bansa ngayontuparin mo ang iyong pangako na ibibigay ang lupang buong HACIENDA LUISITAsa mga magsasaka at magtutubong tarlac at mga karatig-probinsya nitoat baguhin mo rina ng sistema mula saMALA-KOLONYAL AT MALA-PYUDAL NA LIPUNANpatungo saPROLETARYADO AT SOSYALISTANG LIPUNAN!

Page 26: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka

Ang Mamamayan ay muling babangonMula sa pagkagumonGamit ang mga salitang nakayukomSa palad nilang binusabos ng ilang daang tao.

- Angelo Madarang, Makata ng Rehiyon ng Timog Katagalugan

Page 27: Siklab: Mga tula ng Pakikibaka