PALAKASIN ANG ARMADONG PAKIKIBAKA SA ISLA NG · PDF file4 2016 | LATHALAIN 36 taong armadong...

16
pinagdiriwang ng buong rebolusyonaryong kilusan ang ika-48 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipnas (PKP) sa gitna ng mga hiyaw at panawagan para sa matagalan at makatarungang kapayapaan. Sa panahong ito muling nabuksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa panig ng NDFP, seryoso tayong pumasok at tinugunan ang usapang pangkapayapaan at ang ating deklarasyon ng unilateral na tigil-putukan. Sundan sa pahina 2 PALAKASIN ANG ARMADONG PAKIKIBAKA SA ISLA NG MINDORO! Mag-ambag sa pagtataas ng antas ng digmang bayan sa pambansang saklaw! I BALITA LATHALAIN PAHAYAG Bagong tagapagsalita ng Lucio De Guzman Command/ New People’s Army- Mindoro, kilalanin! pahina 3 Mga Rebolusyo- naryong tagumpay sa isla ng Mindoro, alamin! pahina 8 Rebolusyo- naryong pagpupugay kay Kasamang Eduardo “Eddik” Serrano! pahina 11

Transcript of PALAKASIN ANG ARMADONG PAKIKIBAKA SA ISLA NG · PDF file4 2016 | LATHALAIN 36 taong armadong...

pinagdiriwang ng buong rebolusyonaryong kilusan ang ika-48 anibersaryo ng

Partido Komunista ng Pilipnas (PKP) sa gitna ng mga hiyaw at panawagan para sa matagalan at makatarungang kapayapaan. Sa panahong ito muling nabuksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa panig ng NDFP, seryoso tayong pumasok at tinugunan ang usapang pangkapayapaan at ang ating deklarasyon ng unilateral na tigil-putukan.

Sundan sa pahina 2

PALAKASIN ANG ARMADONG PAKIKIBAKA SA ISLA NG MINDORO!Mag-ambag sa pagtataas ng antas ng

digmang bayan sa pambansang saklaw!

I

BALITA LATHALAIN PAHAYAGBagong

tagapagsalita ng Lucio De Guzman Command/ New People’s Army-

Mindoro, kilalanin!pahina 3

Mga Rebolusyo-naryong

tagumpay sa isla ng Mindoro,

alamin!

pahina 8

Rebolusyo-naryong

pagpupugay kay

Kasamang Eduardo “Eddik”

Serrano!pahina 11

2016 | EDITORYAL2 Kaalinsabay nito, mapag-matyag at kritikal tayo sa imbing pakana ng mga pwersang militar na Armed Forces of the Philippines - Philippine National Police (AFP-PNP) para isabotahe ang nagaganap na usapang pang-kapayapaan. Kinukundena natin ang palalong pwersang militar na AFP-PNP sa tuluy-tuloy nilang mga operasyong militar sa balangkas ng mga civil military operations (CMO) at “Peace and Development” Teams (PDT), gayundin ng operasyon laban sa kriminalidad at bawalna droga sa kabila ng panawagan ng kanilang Commander- in-Chief Rodrigo R. Duterte ng “pakikipagkaibigan” sa mga rebolusyonaryong pwersa. Puspusang nagsisikap ang Mindoro na makapag-ambag sa rehiyong Timog Katagalugan at buong kapuluan sa pagtataas ngantas ng digma sa isinusulong nating Demokratikong Rebolusyong Bayan. Napapanahon lamang na magpugay tayo sa mga matatapat at mahuhusay na mga kadre at mga kasapi ng PKP sa isla, mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan at mga rebolusyonaryong pwersa sa mga nakamit nating pagsulong sa nakaraang taon—sa diwa at inspirasyon ng ating mga rebolusyonaryong martir na pinapula ang landas ng ating pakikibaka. Sa taong 2016, maraming nadagdag na bagong k a s a p i ng ating Partido at agarang napapatapos sila ng Batayang Kurso ng Partido. Inarmasan din natin sa pamamagitan ng Intermedyang Kurso ng Partido ang mga kadreng Komunista at mga ganap na k a s a p i ng

Partido ng kakayanan para gampanan ang papalaking tungkulin sa pamumuno sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. Nakapagrekluta din tayo ng mga karagdagang Pulang mandirigma mula sa iba’t ibang uri at sektor. Sila ang pumuno sa mga bagong yunit at platun ng

NPA-Mindoro na mapangahas na gumagampan ng mga gawaing masa at gawaing militar. Naglunsad tayo ng mga batayan at abanteng pagsasanay-militar para masandatahan ang ating lakas-tauhan sa gawain sa larangan ng armadong pakikibaka. Pinasigla nito ang mga taktikal na opensiba (TO). Bago pumasok ang PKP sa tigil-putukan, nabigwasan ang kaaway sa mga TO na nagdulot ng 10 patay at 15 sugatan sa kanilang hanay. Nakapagpalitaw rin tayo ng karagdagang 15% ng mga high-powered rifles (HPR) na pangunahing nagmula sa

Nakahanda tayong mag-ambag...sa pamamagitan ng pagsulong

ng higit pa sa rurok na inabot ng rebolusyonaryong kilusan sa isla noong 2001

mga TO na ito. Lumaki ang bayan at barangay na nakilusan natin ngayong 2016. Sinagpang ng mga rebolusyonaryong pwersa ang kalagayan sa panahon ng tigil-putukan sa gawain sa ekspansyon at konsolidasyon ng ating baseng masa. Dramatikong lumaki ang bilang ng ating mga saligang

organisasyong masa at organisadong masa dulot ng pagsaklaw ng eryang nakilusan, gayundin ng pagkakaroon ng puo-puong mga organisadongkomunidad na napapakilos para sa armadong pakikibaka at rebolusyong

agraryo. Matagumpay na naisu-sulong ng mga Mindoreño ang armadong rebolusyon sa isla dahil sa wastong paggabay dito ng PKP. Sa kasalukuyan, pina-nanawagan ng ating Partido na itaas ang antas ng digmang bayan sa buong kapuluan. Nakahanda tayong mag-ambag dito sa pamamagitan ng pagsulong ng higit pa sa rurok na inabot ng rebolusyonaryong

EDITORYAL | 2016 3puhunan upang palakasin ang rebolusyonaryong kilusang masa rito. Kailangang itaas ang antas ng militansya at kakayanan ng progresibong masa upang igiit ang karapatan sa lupa, sahod, trabaho, pagkain, panirikan, at serbisyong panlipunan. Dapat ding puspusang abutin ang palibot ng mga sentrong urban, kung nasaan ang mga institusyon ng reaksyon, at dito ilunsad ang kilusang protestang magpapapurolsa kaaway, sa isang panig, at magbibigay ng pampulitikang suporta sa rebolusyon, sa kabilang panig. Sa kasalukuyang kalagayan ng mga suhetibong pwersa ng rebolusyon sa isla, at ang ipinamamalas na walang-maliw na pagtataguyod ng masa sa rebolusyon, tinatanaw natin ang mas malalaking tagumpay at pagsulong sa susunod na tat-

long taon. Inaanyayahan natin ang lahat ng mga Mindoreño at

mamamayan upang isulong ang dig-mang bayan para makamit ang tunay na kapayapaang nakabatay sa katarungan!

kilusan sa isla noong 2001. Kailangan pang puspu-sang bakahin ang konserbatismo sa gawaing masa at gawaing militar upang lubos na mamaksimisa ang natutulog na potensyal ng ating mga platung gerilya at ng ating baseng masa. Kailangang abutin ang malawak na mamamayan sa mga kapatagan, tabing-haywey at tabing-dagat. Narito ang daang libong magsasakang labis na naghihirap sa ilalim ng mga pyudal at malapyudal na pagsasamantala ng mga panginoong maylupa. Dapat ding nating itaas ang konsolidasyon ng ating baseng masa. Buuin ang mga komiteng seksyon ng Partido sa ating mga konsolidadong base. Dapat nilang balikatin ang mga responsibilidad sa pamumuno sa mga sangay ng Partido sa lokalidad. Sa gayon, maitutuon ng ating hukbong bay-an ang mas malaking panahon upang tupdin ang pangunahingtungkulin nitong isu-long ang a r m a d o n g p a k i k i b a k a .

At nang sa gayon di’y mabigyang pansin ng hukbong bayan ang pagpasok sa mga eryang ekspansyon. Napapanahon na rin upang itayo ang maraming Komiteng Rebolusyonaryo sa Baryo (KRB) sa mga base ng rebolusyon sa isla na may mataas-taas nang antas ng kakayanang pamunuan ng masa ang iba’t ibang larangan ng kanilang buhay-panlipunan. Ito ang mga base nating pinanday na ng mahabang panahon ng pa-kikibaka. Ito rin ang mga eryang sinubok na ang katatagan, datna’t panawan man ng mga pasistang militar. Nakatayo na rin dito ang mga ganap na samahang masa, mga sangay ng Partido at may nalikha nang mabuting relasyonsa mga panggitnang pwersa at alyadong kaaway sa uri. Sa mga kabayanan, may pagsisimulan nang

Hinirang ng Lucio De Guzman Comand / New People’s Army - Mindoro (LDGC/NPA-Mindoro) ang bagong tagapagsalita nito, Nob. 20, na si Ka. Madaay Gasic bilang kapalit ni Ka. Higom Maragang. Pinili ang naturang pangalan bilang pagpaparangal kina Madaay at Valeriano Gasic. Si Madaay, isang katutubong Mangyan mula sa etnolinggwistikong grupong Buhid, ay isa sa mga namuno sa mga pakikibaka laban sa kolonyalistang Espanyol. Si Kapitan Valeriano Gasic y Ramos, isang katipunerong Mindoreñong tubong Naujan, Mindoro Oriental,

LDGC, hinirang ang bagong tagapagsalitaay namuno bilang Pangulo o tinaguriang Gobernador Delos Montes ng Rebolusyonaryong Gubyerno sa isla laban sa imperyalistang Amerikano. Sa diwa at inspirasyon ng nina Madaay at Valeriano Gasic sampu ng lahat ng mga martir ng himagsikan, magiging tinig ng bagong Rebolusyong Pilipino si Kasamang Madaay Gasic sa pamamagitan ng pamamahayag ng mga balita sa mga larangan gerilya sa isla at iba pang usaping kinakailangan ng mga paglilinaw para sa kapakanan ng mamamayan. Bukas ang tanggapan ng tagapagsalita ng LDGC na tumanggap ng mga opinyon

at katanungan hinggil sa mga usapin at kaganapan sa ating isla. Maaaring makaugnayan si Kasamang Madaay Gasic sa mga numerong 09073528176 /09759583162 o e-mail na [email protected].

2016 | LATHALAIN4

36 taong armadong pakikibaka sa Mindoro, inspirasyon para sa ibayong pagsulong

Samantala, noong 1983-85mabilis na sumulong ang armadong pakikibaka sa saklaw ng Mindoro Occidental (MOC) sa mga bayan ng Sablayan, Calintaan, Rizal, Magsaysay, Mamburao. Nabuo naman dito ang tatlong SYP at MLP. Pinaalab ng armadongpakikibaka sa isla ang katapangan ng nagsisimula pa lamang muli noong hayag at ligal na anyo ng pakikibakang masa sa mga baryo at sentrong bayan ng Mindoro. Malawakan ang naging pagkilos ng mga mamamayan laban sa diktadurang Rehimeng US-Marcos, rehimeng US-Cory Aquino at rehimeng US-Ramos. Parang apoy sa kaparangan ang paglaganap ng mgaokupasyon sa lupa, at hinarap nila ang pangil ng reaksyon sa pag-igting ng tunggalian sa lupa. Mahigpit na itinaguyod ng bagong buong Komite ng Partido sa Mindoro ang estratehikong linya ng pagkubkob sa kalunsuran mula

sa kanayunan. Maramihang sumampa sa hukbong bayan ang mga Mindoreño at nagpalakas sa

kanayunan. Buong pagsusumikap na pinasigla ng hukbong

bayan at lahat ng

Pagpupunla ng binhi ng rebolusyon sa Mindoro

Mabilis na sumibol ang binhi ng armadong rebolusyon sa Mindoro mula sa iilang kadre at mandirigma na pinadala ng komite ng Partido sa rehiyong Timog Katagalugan na galing sa Quezon-Bicol Zone noong 1980. Dala-dala nila ang mga leksyon sa mapangahas ngunit bigong pagsisimula nila kasamang Reynante Andal noong 1973, at ng isa pang tim ng hukbo noong 1978. Kung kaya, matagumpay nilang naitransporma ang mga mala-ligal na pangkat (MLP) noong unang bahagi ng 1980-83 tungong dalawang Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) na sumaklaw sa mga bayan ng Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao sa Mindoro Oriental (MOR).

igit nating mauunawaan ang liko’t ikot ng rebolusyon kung ating babalik-tanawin at hahanguan ng mga aral ang ating mayayamang karanasan. Magiging mga inspirasyon natin ang mga aral na ito para mag-ambag sa panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas na

itaas ang antas ng digmang bayan sa buong kapuluan.

rebolusyonaryong mamamayan ang pag-oorganisa at pagtatayo ng mga grupo at komiteng pang-organisa sa baryo. Nasimula na rin ang pagtatayo ng mga ganap na samahang masa sa iba’t ibang baryo—sa kabundukan, kapatagan, tabing-dagat at tabing haywey.

Mga sangkap ng pakikidigmang gerilya

Sa pamumuno ng PKP sa Mindoro, inilunsad ang rebolusyong agraryo (RA) at pagtatayo ng baseng masa kasabay ng pagsusulong ng armadong pakikibaka. Masiglang lumahok ang masang anakpawis sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Libo-libong pamilya ang tuwirang nakinabang sa mga pakikibaka sa lupa. Maraming mga erya ng RA ang nanatiling nakatayo, pinag-yayaman at pinangangasiwaan ng mga samahang magsasaka at katutubo hanggang sa kasalukuyan. Tampok sa mga RA ang pakikibaka laban sa mga pastuhan, mangangalabaw at mga despotikong panginoong maylupa (PML). Gayundin ang laban sa mga anti-mamamayang proyektong “pangkaunlaran” na nangangamkam ng lupa ng magsasaka tulad ng dayuhan at

d a m b u h a l a n g pagmimina.

Nakatala sa rebolusyonaryong

kasaysayan ng Min-doro ang

H

LATHALAIN | 2016 5

Mga tampok na nakumpiskang mga high-powered rifle (HPR)at kagamitang militar

1988 1991 2007 2010 2014 201622 na HPR at 1 M60 machine gun mula sa reyd sa munisipyo ng ADI at ambus sa reinforcement7 HPR at 1 M60 machine gun9 na HPR mula sa reyd sa munisipyo ng Roxas

mga matatagumpay na aksyong militar ng hukbong bayan na aktibong nilahukan ng masa: reyd sa pastuhan nina Almeda (1987); PLDT, Sanggalang (1986); San Diego (1988); Campano-Guevarra (1988); Gallego (2000); Aquino (2009) at iba pa. Kasama rin ang mga katutubong Mangyan sa pagwasak at pagpapalayas sa mga pastuhan at ang pagbawi nila sa kanilang lupaing ninuno mula sa mga mangangamkam.

Baliktanaw sa mga matatagumpay na TO

Sa loob ng 36 taon ng armadong pakikiba-ka sa isla ng Mindoro, nakapaglunsad ng matutunog at malalaking TO ang NPA laban sa AFP-PNP at mga para-militar. Ang kaaway ang naglalakad na arsenal ng NPA. Mula sa wala, nakapagpalakas ng armas ang NPA mula sa nakukumpiska sa kaaway. Nagiging sanayan at pandayan din ang mga ito ng mga Pulang kumander at mandirigma. Sa pamamagitan ng masinop na pagpaplano, nireyd ng NPA-Mindoro ang mga munisipyo at istasyon ng pulis sa isla: mga bayan ng Roxas, Calintaan, Magsaysay, Sablayan at Abra De Ilog noong 1985-89; ng Mansalay at Pola noong 1990-2000’s; at ang pinakahuli, ng Paluan, Occidental Mindoro nitong nakaraang Nobyembre 7, 2014 lamang. Masigla rin ang mga ambus na nagdulot ng kaswalti sa matataas na opisyal ng militar: sa Abra De Ilog

matapos ang reyd sa Munisipyo nito na ikinasawi ni Lt. Ortiznoong 1988; sa Gapasan, Magsaysay noong 1988 na ikinasawi ni Capt. Narciso ng Philippine Constabulary (PC); sa So. Cabillan, Nasukob, Bulalacao noong 1987 na ikinasugat ni Major Mangila ng PC; sa 80th Infantry Battalion (IB) sa So. Bantulao, Murtha, San Jose kung saan napatay si 1Lt. Daog at tatlo pa niyang kasama-han; sa Zigzag, Batasan, San Jose noong 2007 sa mga elemento ng Regional Mobile Group ng PNP; sa Km 5, Bongabong na ikinasawi ng apat na opisyal ng 19 Special

Forces ng Philippine Army (SF-PA); at sa 23rd DRC sa Km 13, Bgy. Panaytayan, Mansalay noong Marso, 2010 na ikinasawi ng walong special Forces ng AFP, kabilang si 1Lt. Sipsip, at pagkakasugat ng limang iba pa; sa Bgy. Villaflor, Puerto Galera noong 2002 kung saan malubhang nasugatan ang berdugong si Jovito Palparan, na naging daan upang mabilis niyang lisanin ang 204th Brigadeng PA; sa convoy ng PC sa Bambanin, Socorro kung saan napatay ang Deputy Provincial Commander ng MOR na si Col. Decena; at ang pinaka-huli, sa So. Mongos, Bgy. Hagan, Bongabong nitong Marso 15, 2016 kung saan mahigit 10 elemento ng

4IB at CAFGU ang nasawiat nasugatan. Sa mga kabayanan, matagumpay ding nakapaglunsad ang NPA-Mindoro ng mga operasyong pamamarusa sa pamamagitan ng mga sparrow operations. Tampok dito ang pamamarusa sa angkang Quintos na despotikong PML sa Mamburao noong 1997, at sa kanang kamay nilang si Dong Poblador, kapitan ng Bgy. Tayamaan, nito lamang 2016. Pinarusahan din sa operasyong isparo ang opisyal nang pasistang militar na si

Col. Winston Eversol, Deputy Provincial Commander ng MOC noong 2003. Tinarget din ng operasyong isparo ang lokal na druglord sa Mindoro na si Roy Montenegro noong Pebrero 2016, bago pa

ang kampanya kontra-bawal na droga ng rehimeng Duterte. Malaki pang pinsalang idinulot sa kaaway ang maraming mga maliliit na mga TO sa porma ng atritibong aksyon, tulad ng isnayping, haras, at hagis-granada. Marami rin ang ‘di mabilang na mga depensibang labanan, kung saan naaagaw ng hukbong bayan ang inisyatiba, nakapipinsala sa kaaway na umaatake at ligtas na naka-aatras.

Paghawak sa mga bihag ng digma

May mahabang karanasan din ang mga Pulang kumander at mandirigmang NPA-Mindoro sa wastong paghawak ng mga

Ang kaaway ang naglalakad na arsenal ng NPA. Mula sa

wala, nakapagpalakas ng armas ang NPA mula sa

nakukumpiska sa kaaway.

8 HPR kabilang ang 1 M203 sa ambus sa Zigzag, San Jose

18 HPR kabilang ang 2 M203 sa reyd sa na-kahimpil na kaaway sa Bon-gabong 215 PC Company

5 HPR mula sa ambus sa 4IB/CAFGU sa Bongabong

17 armas kabilang ang 1 M60, 1 K3 at 3 M203 at maram-ing Harris Falcon Radio at GPS mula Ambus sa 23rd DRC sa Mansalay

20 HPR at 2 pistola mula reyd sa mu-nisipyo at police station ng Paluan

2016 | BALITANG T.O.6

Matatagumpay na TO, salubong sa ika-47 anibersaryo ng NPA

inalubong ng Lucio De Guzman Command/New People’s Army-Mindoro (LDGC/NPA-Mindoro) ang ika-47 anibersaryo ng NPA ng taktikal na opensiba (TO), Marso 15, Bongabong, Mindoro Oriental (MOR) bilang patotoong

“rebolusyon, hindi eleksyon” ang tunay na katugunan sa hinaing ng mga Mindoreño.

sa kanilang tropa. Rebolusyonaryong kata-rungan para sa mamamayan ang opensibang ito dahil sa paglapastangan ng mga pasistang militar sa karapatang tao ng mgaMangyan at magsasaka na umigting sa panahon ng burgis na halalan, pahayag ni Ka Higom Maragang, dating tagapagsalita ng LDGC/NPA-Mindoro. Idinadaing ng mga mamamayan ang harasment, “pagmamaoy” o pag-aamok, pagnanakaw ng mga hayop,

pangwawasak sa mga pananim at

iba pang paglapastangan ng mga tropa ng 4IB sa tahimik na pamumuhay ng mga Mangyan at magsasaka sa mga sonang gerilya. “Lupa at karapatan ang hatid ng rebolusyon, samantalang mga pangakong nakapako, korupsyon at pang-aapi naman ang dulot ng burgis na eleksyon,” ani Ka Higom. Inilunsad ang naturang TO sa gitna ng masaklaw at masinsing operasyon ng 4IB sa ilalim ng 203rd Brigade sa mga interyor na barangay ng isla bago pa ang deklarasyong tigil-putukan na nagsimula noong Agosto.

Tinawag ni Ka Higom na “hungkag at hambog” ang deklarasyon ng 203rd Brigade

na ‘conflict manageable, ready for further development’ ang Mindoro. “Lalong tumitindi ang tunggalian sa pagitan ngmamamayan at mga mapag-samantala’t mapag-api dahil nananatili ang malubhang kahi-rapan at paglapastangan sa mga Mindoreño,” patuloy niya.

Depensiba noong eleksyon Dalawang beses na-mang inatake ng pinag-

S Inambus ng isang platun ng LDGC/NPA-Mindoro ang 30 tropa ng 4th Infantry Battalion at Civilan Auxiliary Force and Geographical Unit (4IB-CAFGU), alas-9 ng umaga, na nagdulot ng ‘di bababa sa 10 kaswalti sa ka-away, habang walang pinsala sa mga Pulang mandirigma. Nakumpiska ng NPA-Mindoro ang limang high-powered rifles, kabilang ang isang M14 at apat na carbine. Alas-4 ng hapon nang dumating ang dalawang

helicopter ng ka-away upang rumesponde

bihag ng digma o prisoners of war (POW). Mahigpit na ipinapatupad ng hukbong bayan ang mga alituntunin nito sa mga bihag ng digma, at tumatalima rin ito sa mga batas at protocol kaugnay nito.Halimbawa nito ang pagkaka-bihag kay Capt. Enrico Salapongat lima pa niyang kasamahan, matapos matagumpay na maambus ng NPA-Mindoro sa So. Sigaw, Bgy. Lisap, Bongabong ang sinasaniban nilang isang platun ng 215

PC Company mula sa Cavite habang ipinatutupad ang PNP Experiment sa Mindoro noong 1991-92. Nagdulot ang ambus na ito ng 13 kaswalti, samantalang pinalaya rin sina Salapong at iba pa matapos ang mahigit isang buwang negosasyon. Isa pang tampok ay ang pagkakabihag ng NPA-Mindoro kay Maj. Col. Noel Buan mula sa Southern Luzon Command ng AFP. Tumagal ng halos dalawang taon ang pagkakabihag kay Buan bago ito palayain

sa So. Baet, Bgy. Panaytayan, Mansalay noong 2001. Iba pang POW ng NPA-Mindoro ay sina Sgt. Magtagad noong 1992, at sina Sgt Bulusan at Sgt. Aliwalas noong 1987. Ang mga tagumpay sa 36 taong armadong rebolusyon sa Mindoro ay mga gintong talang magsisilbing inspirasyon natin sa panawagan ng Partido na itaas ang antas ng digmang bayan.

7BALITA | 2016sanib na tropa ng 59IB at 76IB ang isang platun ng NPA-Mindoro, Abril 6 at 11, sa Paluan, Mindoro Occidental (MOC) sa kasagsagan ng kampanyahan para sa burgis na halalang 2016. Gayunman, mahusay na naharap ng mga Pulang mandirigma ang depensibang labanan at nakapinsala ng 12 kaswalti sa kaaway (5 KIA at 7 WIA). Suporta ng masa na lipos ng pagmamahal sa kanilang hukbong bayan ang naging susi upang ligtas na makaatras ang mga Pulang mandirigma at mapangibabawan nila ang atake ng kaaway, pahayag ni Ka Higom. Pamamarusa sa kaaway P i n a r u s a h a n ng isang tim ng NPA-Mindoro si Antonio Roy Montenegro, Pebrero 23, sa Bgy. San Vicente, Abra de Ilog, MOC dahil sa patong-patong na kaso kaugnay ng paglaganap ng bawal na droga. Sa imbestigasyon ng NPA-Mindoro, napatunayang isang malaking druglord si Montenegro at may mahabangkaso ng pang-aabuso tulad ng pambubugbog, pananakot at pagpapaputok ng baril. Pinarusahan siya sa bisinidad ng ipinagagawa niyang sabungan sa lugar. Kapatid si Roy ni Meg Montenegro-Constantino, kasalukuyang alkalde ng Abra de Ilog. Hindi masawata ng pulisya ang mga lumpen na aktibidad ni Roy dahil sa impluwensya ng kanilang angkan sa lokal na pamahalaan. Pinasubalian ni Meg ang pamamarusa ng NPA, bagkus dalawang pulis sa Abra De Ilog ang itinuro niyang may-gawa nito at kanyang ipinahabla. Pinarusahan din si Dong Poblador noong Oktubre 10 ng isang tim ng NPA-Mindoro. Si Poblador ang kanang kamay ng angkang Quintos na mga despotikong panginoong maylupa sa Golden Country Farm, Inc. (GCFI) sa Mamburao, MOC. Ginamit ni Poblador ang kanyang kapang-yarihan bilang kapitan ng Bgy. Tayamaan, kung nasaan ang isang bahagi ng lupang GCFI, upang gipitin at takutin ang mga magsasakang nakikibaka rito para sa lupa. Pinarusahan din sina Gerry Magallon, Marso 11, sa So. Balete, Bgy. Hagan, at si Leo Ignacio “Supremo” Pacquing, Hulyo 15, sa So. Naibuan, Bgy. Batasan, San Jose. Aktibong nagpapagamit sa mga pasistang militar bilang mga aset sina Magallon at Pacquing na mga myembro din ng grupong Guardians. Inireklamo sila ng mga mamamayan sa sonang gerilya dahil sa kanilang pananakot, pagtuturo at panlilinlang sa masa.

Rebolusyon sa Mindoro, lumalakas Ani Ka Higom patunay ang mga opensibang ito ng mga Pulang Mandirigma na lumalakas ang pulang kapangyarihan ng nagsasariling gubyerno ng mamamayan sa Mindoro. “‘Di mapasubalian ang mga gintong tagumpay ng rebo-lusyong agraryo upang wakasan ang dantaong pyudal na pag-sasamantala sa mga Mangyan at magsasaka, kung kaya sumasampa sa NPA ang mga malalakas at mabubuting mga anak ng bayan at nabubuo sa grupo ang paparaming baseng masa ng rebolusyon,” pagtatapos ni Ka Higom.

Peace Forum sa Mindoro, inilunsad

Dinaluhan ang Peace Forum ng mahigit sa 500 magsasaka, katutubo, estudyante, empleyado ng gubyerno at mga upisyal ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Nagbigay ng mensahe ng pagtanggap sa mga kalahok ng forum si Alfonso Umali, gobernador ng MOR. Kinatawan sa naturang forum ni kasamang Ernesto Lorenzo ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ni Atty. Abas ang GRP. Tinalakay ni Lorenzo ang kahalagahan ng usapang pang-kapayapaan at papel dito ng mamamayan sa pagsusulong ng adyendang bayan para sa makabayan at demokratikong pagbabago. Aniya, dapat marinig ang tinig ng mga Mindoreño sa negosasyon kasabay ng pagbubuo ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms o mga kasunduan ng NDFP at GRP para sa pag-unlad ng panlipunan at ekonomikong buhay ng bayan. Sa pamamagitan ng video message, nagpahayag naman sina Ka. Madaay, at si Ka. Ma. Patricia Andal, tagapagsalita ng NDFP-Mindoro ng kanilang pagpupugay sa mga organisador at kalahok sa naturang forum, at binigyang-diin ang lansakang paglabag ng Armed Forces of thep Philippines sa unilateral ceasefire (UCF) sa pagpapatupad ng Oplan Bayanihan (OPB). Natapos ang forum sa pag-papalipad ng mga kalahok ng mga kalapati bilang simbolo ng kanilang panata para suportahan ang usapang pangkapayapaan. Pinangunahan ang naturang Forum ng grupong Pilgrims for Peace sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng MOR at iba pang progresibong organisasyon.

Inilunsad ng mga progresibong organisasyon ang isang Peace Forum sa Capitol Complex sa Calapan City, Mindoro Oriental (MOR), Disyembre 14, kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Buwan ng Karapatang Tao.

2016 | LATHALAIN8

Mga tagumpay sa Mindoro,ambag sa pagpapaigting ng digmang bayan

Komunista ng Pilipinas. Mangingibabaw sa mga sandaling iyon ang rebolusyonaryong pananaig sa sakunang dulot ng kalikasan at mga kaaway sa uri.

Pagpapalakas sa panahon ng tigil-putukan

Isa lamang ang selebra-syong ito sa mga naging aktibidad ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro sa panahong ang isip ng kaaway ay kinakalawang na ang mga baril ng NPA. Akala ng kaaway, mapapahina nito ang rebolusyon kung papasok ang kilusan sa bitag nitong tigil-putukan. Bagkus, lalong lumakas ang NPA sapagkat nagkaroon ito ng mas mahabang

oras upang mapahigpit ang pag-kakaisa ng hukbong bayan at ng masa.

“Mas nakakapagod pa lang kumamay kaysa maglakad ng malayo, ang dami kasing NPA,” aniya. “Bapa, mas marami pa po run, nagsasanay ng dula at dril para sa anib, sumilong po muna kayo,” salubong ng isang babaeng Pulang mandirigma na si Ka Ida, habang pinapandungan ng kapote ang katutubong basa sa ulan dahil sa Bagyong Nina. Bapa, o katumbas ng tiyo sa Tagalog, ang salitang paggalang ng mga NPA sa mga katutubong Mangyan. Tumawid si Bapa Pinsoy ng tatlong bundok at maraming sapa upang marating ang mga kasama. Ispesyal kapwa sa mga Pulang mandirigma at kay Bapa Pinsoy ang araw na iyon, kahit pa binabayo noon ng Bagyong Nina ang kanilang lugar at ang buong hilagang Mindoro. Sa pambihirang kalagayang iyon—may bagyo, may tigil-putukan pero nag-ooperasyon pa rin ang kaaway—ipagdiriwang nila ang ika-48 anibersaryo ng Partido

akangiting kumamay si Ka Pinsoy, katutubong Mangyan, sa mga Pulang mandirigma pagpasok nito sa isang malayong pamayanan kung saan nagtipon-tipon ang mga

NPA at rebolusyonaryong masa.N

Sa kabila ng hungkag na deklarasyong tigil-putukan ng rehimeng Duterte, naging mapangahas ang mga Pulang kumander at mandirigma sa ilalim ng Lucio De Guzman Command/NPA-Mindoro at rebolusyonaryong masa

sa Mindoro na marekober ang mga pamayanang pansamantalang naiwanan sa kasagsagan ng mga operasyong militar upang maiwasan ang

‘di kinakailangang armadong salpukan. Napatunayan ng Partido at hukbong bayan na kahit pansamantalang maiwanan nila ang mga pamayanan at napailalim ito sa kontrol ng mga pasistang militar, hindi kailanman mag-mamaliw sa isip at puso ng masa ang diwa ng rebolusyon. Lalong naging integrado ang mga hukbo at masa sa pamamagitan ng mga community games, gawaing produksyon at paglalagom ng mga benepisyaryo ng rebolusyong agraryo. Sa mga lugar na ito, lalong tumatag ang paninindigan ng masa para sa rebolusyon. Malayong mas mataas ang tantos kaysa sa nakaraan,

Sa panahon ng ika-48 anibersaryo ng Partido, maitatala ang

pinakamahabang tigil-putukan. Ngunit hindi naging sagka ito para

sumulong ang rebolusyon.

LATHALAIN | 2016 9dramatikong lumaki sa mahigit 300% ang bilang ng organisadong masa ng rebolusyon sa isla. Makabuluhang nag-ambag dito ang mga naitalang puo-puong mga organisadong pamayanang napapakilos para sa armadong pakikibaka at rebolusyong agraryo. Tumaas din ng 60% ang mga baryong nakilusan, at 10% naman ang mga baryong epektibong nakilusan. Sinaklaw ng ating pag-oorganisa ang halos lahat ng munisipalidad sa buong isla, at narating na rin ng rebolusyonaryong kilusang masa sa urban ang marami-raming mga pamayanan sa kapatagan at sentrong bayan. Bunga nito, maraming narekluta sa Partido na nag-ambag sa 20% paglaki ng kasapian nito. Gayundin sa NPA-Mindoro, na umabot naman sa 22.6% ang paglago ng bilang ng mga Pu-lang mandirigma. Hindi pa man muling naaabot ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro ang rurok nito noong 2001, indikasyon ang mga nailahad na datos ng ibayong pagsulong sa susunod pang mga taon.

Pagsasara sa taong 2016, pagsalubong sa bagong taon

Sa mga kapatagan, karaniwan nang sama-samang

nagdiriwang ang mga pamilya sa panahon ng kapaskuhan. Gayundin sa sonang gerilya ng Mindoro, kung saan nasagpang pagkakataon ang panahon ng Disy-embre upang mul-ing mayakap ng mga hukbo ang kanilang mga pamilya. M a l i b a n sa tipikal nang kapihan upang i-welkam ang mga bisita, sama-samang sinalubong ng mga hukbo at kanilang pamilya ang bisperas ng pasko ng mga sayawan, kantahan, tula at iba pang pangkulturang pagtatanghal. Itinaon din ng ilang kolektiba ng Partido at hukbo sa panahong ito ang mga harana at ligawan, na lalong nagpakulay ng kanilang pagsa-sama-sama. At sa bisperas naman ng anibersaryo ng Partido, pinuno ng tawanan at ligaya ang sonang gerilya ng Mindoro da-hil sa mga palaro sa mga bata, at maging sa matatanda. Iniwan din ng mga pamilyang dumalaw ang mga mensahe ng pagmamahal para sa kanilang kaanak na hukbo at para sa bayan. Syempre pa, lumalim ang relasyon ng mga hukbo, kanilang pamilya at ng masa

sa pamamagitan ng mga serye ng pam-pulitika at Pam-partidong araling kanilang sama-samang dinalu-han. Sa panahon ng dalaw ng mga pamilya sa hukbong

bayan, nakapaglunsad ng dalawang bats ng Batayang Kurso ng Partido (BKP)—ang isa ay sa pagtatapos ng 2016 at ang isa pa ay sa pagbubukas ng 2017.Kabilang ang mga ito sa kabuuang siyam na bats ng BKP na inilunsad sa Mindoro sa panahon ng tigil-putukan. Napatapos rito ang kabuuang 252 kasapi ng Partido. Inilunsad din sa panahong ito ang Intermedyang Kurso ng Partido sa mga 53 kadreng Komunista at mga ganap na kasapi ng Partido upang maging handa para sa mas maraming gawain sa mga darating na taon. Sa hanay naman ng rebolusyonaryong masa, maramihan din ang pagpapatapos ng mga pampulitikang pag-aaral ng Maikling Kurso sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Espesyal na Kursong Masa (ESKUM) para sa mga magsasaka, kababaihan at kabataan, at ang bagong balangkas na ESKUM para sa mga katutubong Mangyan. Napagtapos dito ang daan-daang Mangyan at magsa-saka sa panahon ng tigil-putu-kan. Tampok dito ang inilunsad na Paaralang Katutubo, isang malaking pag-aaral na tipong-forum sa pagtatapos ng taong 2016, na nilahukan ng mahigit

2016 | BALITANG MINA10

REPs para sa mina, nagdulot ng malawakang baha sa Mindoro

Kinundena ng iba’t ibang grupo at indibidwal ang Sta. Clara International Coropration (SCIC) na nagtatayo ng Mini-Hydroelectric powerplant sa Naujan at Baco. Naglulunsad ang naturang kumpanya ng blasting sa kabun-dukan ng mga nasabing bayan para bigyang-daan ang mga pag-tatayo nito ng planta. Gumuho ang isang bahagi ng kabundu-kang binutas ng SCIC noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Nona sa isla. Ang naturang planta ay kabilang sa ilampung REPs sa Mindoro na itatayo sa balangkas ng Mindoro Island Power De-velopment Plan (MIPDP) ng na-karaang rehimeng Aquino. Ipi-natutupad pa rin ito hanggang ngayon sa pagtutulungan ng rehimeng Duterte at ng mga lokal na pamahalaan sa Mindoro. Magdedeliber ang mga ito ng ka-buuang 203 megawatts bilang pa-ghahanda sa pagpasok ng mga industriya sa isla. Itinuturo ng alyansang Kaisahan ng mga Mindoreño la-ban sa Dayuhan at Dambuhalang Pagmimina (KALASMINA) ang mga dayuhang operasyon ng pagmimina na papasok sa isla

ang pangunahing aayudahan ng naturang REPs.Labis-labis sa kailangan ng buong isla ang kuryenteng target ipro-dyus ng MIPDP, kung kaya na-kikita nilang pagmimina, hindi mamamayan ang makikinabang dito. Ayon ito sa praymer na iprinisenta ng KALASMINA sa isang forum na inorganisa ng Blessed Trinity Parish sa Baco, MOR. Dinaluhan ito ng may 2,000 parokyano ng naturang bayan na nagkansela ng selebrasyon ng ka-nilang pista, at piniling maglun-sad ng forum upang maunawaan kung bakit “banlik” o putik na rumagasa mula sa kabundukan hanggang sa mga kabayanan ng Baco ang puminsala sa kanilang kabahayan at mga pananim. Inorganisa rin ng mga progresibong grupo ang kampa-nyang “Green Vote” noong pana-hon ng burgis na eleksyon para ilatag ang isyu ng pagmimina at REPs bilang mga pangunahing dapat lamnin ng plataporma ng mga kumakandidato. Tampok rito ang pag-imprenta ng thumb mark ng mahigit sa isanlibong katutubong Mangyan sa isang malaking tarpaulin ng Mangyan Declaration

noong Abril sa ika-9 na Mangyan Day. Samantala, ilang buwan mula nang maitalaga si Gina Lopez sa Department of Envi-ronment and Natural Resources, hindi pa rin nasususpindi ang Intex Resources-Mindoro Nickel Project. Matatandaang isa si Lopez sa tumutol sa Intex sa isang inter-faith rally sa Calapan City noong Hunyo 12, 2015. Binuo naman ng mga mamamayan sa Rizal at Calin-taan, Mindoro Occidental ang kanilang samahan upang tutulan ang operasyon ng kumpanyang Bluemax na maglulunsad ng quarrying sa ilog ng Lamintao. Nakipagkasundo ang Sang-guniang Panlalawigan (SP)sa naturang kumpanya sa pamamagitan ng isang memo-randum of agreement. Ngunit matapos ang mga serye ng protesta at dayalogo ng mga mamamayan sa Bgy. Malawaan, Rizal, iniurong ng SP ang pag-papahintulot sa operasyong quarry, sa halip, pinayagan ang dredging sa nasabing ilog. Nakatakdang maglunsad ng mga protesta laban sa Bluemax.

Mariing kinundena ng mga Mindoreño ang mapangwasak na renew-able energy projects (REP) na itinuturong sanhi ng malawakang pagbaha sa Mindoro Oriental (MOR) noong Disyembre 2015 hanggang Enero 2016.

sa 100 katutubo sa magkakanog-nog na pamayanan.

Inspirasyon ng ika-48 anibersaryo ng PKP

Sa loob ng halos limang dekada nang pagsusulong ng armadong rebolusyon sa ating bayan, sa panahon ng ika-48 anibersaryo ng Partido maitatala ang pinakamahabang tigil-putukan. Ngunit hindi naging sagka ito para sumulong ang rebolusyon. Isa si Bapa Pinsoy sa mahigit 500 rebolusyonaryong masa at hukbo noong Disyembre na nagtipon sa sonang gerilya sa

Mindoro upang ipagdiwang ang anibersaryo ng Partido. Aktibo nilang nilahukan ang mga serye ng aktibidad mula Disyembre 23 hanggang Enero 5. Lubos nilang hinangaan ang tampok na pormasyon ng limang platun ng mga Pulang mandirigma na masiglang pinamumunuan ng kanilang mga Pulang kumander sa okasyon ng anibersaryo ng Partido. Tinangay ng malakas na hangin ng bagyo ang mga sanga ng puno at bubong ng mga bahay. Ngunit hindi kayang tangayin ng anumang bagyo

ang inspirasyong dulot ng ika-48 anibersaryo ng PKP sa puso at diwa ng rebolusyonaryong kilusan. Pagkatapos ng bagyo, sumikat sa mga siwang ng makapal na ulap ang mga gintong silahis sa silangan, tanda ng rebolusyonaryong pananaig sa anumang pagsubok—na walang bagyo, lamig o putik ng daan ang makapipigil sa init ng pagkakaisa ng mga Mindoreño upang mapagpasyang paandarin ang makina ng digmang bayan tungo sa mas mataas na antas hanggang sa tagumpay!

PAHAYAG | 2016 11

Pulang Pagpupugay kay Kasamang Eduardo Serrano,Huwarang Rebolusyonaryo, Bayani ng Sambayanan

Saanman may pakikibaka ay may pagpapakasakit at ang kamatayan ay isang karaniwang pangyayari. Ngunit taos-puso nating isinasaalang-alang ang kapakanan ng sambayanan

at ang paghihirap ng lubos na nakararami, at kung tayo’y mamatay alang-alang sa sambayanan, iyon ay marangal na kamatayan.

- Kasamang Mao Zedong,Paglingkuran ang Sambayanan

inakamataas na pag-pupugay at saludo ang iginagawad ng Partido

Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan kasama ang lahat ng rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan para kay Kasamang Eduardo “Ka Eddik” Serrano, isang rebolusyonaryong walang pag-aatubiling nag-alay ng nag-iisa niyang buhay alang sa bayan at dambana ng rebolusyon. Para sa mga rebolusyo-naryo, palaging malinaw ang sagot sa katanun-gang “Para kanino?” Maging sa hanay ng bagong umuusbong na mga rebolusyonaryo, malinaw na ang lahat ng pagsisikap ay para sa sambayanan. Kaya anuman ang hirap, sakripisyo at mga pagsubok na kaakibat ng mga gawain sa pagrerebolusyon ay magiting na hinaharap sapagkat ang lahat ng ito ay iniaalay sa samba-yanan. Huwaran ang naging buhay at pakikibaka ni Kasamang Eduardo Serrano sa mga tinuran ni Kasamang Mao. Si Ka Eddik ay pumanaw noong En-ero 8, 2016 matapos ang

ilang linggong pagkakaratay sa pagamutan dahil sa isang karamdamang labis na pinalala ng mahirap na kundisyon sa piitan. Sa edad na 62, inilaan niya ang 44 na taon ng kanyang buhay sa pagsisilbi sa masang anakpawis at ibinigay ang buong lakas at dunong upang isulong ang rebolusyonaryong pakikibakang tanging kasagutan laban sa pag-sasamantala at pang-aaping dinaranas ng sambayanan. Si Ka Eddik ay kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon (KTKR) sa Timog Katagalugan, naging kalihim ng Komite ng Partido sa Isla ng Mindoro at

isang consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa Usapang Pangkapayapaan.

Isinilang si Ka Eddik sa Oas, Albay noong Hunyo 20, 1953 at namalagi hanggang magbinata sa Naga City. Lumaki siya sa loob ng isang simpleng pamilya at dito niya unang natutunan ang pagkilala at pagrespeto sa paninindigan at prinsipyo ng ibang tao. Panganay sa 12 magka-kapatid, naging masigasig siya sa pag-aaral. Nagtapos siya ng elementarya sa Naga Paro-chial School at ng hayskul sa Ateneo De Naga University. Nagkolehiyo naman siya sa National University sa Maynila noong 1970. Pagkaraan ng isang semestre lamang ay lumipat siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños. Nang ipataw ang Batas Militar at isara ang mga unibersidad sa buong bansa,

pansamantalang umu-wi si Ka Eddik sa Bikol. Nang magbukas muli ang mga eskwelahan, nag-aral siya ng isang semestre sa Bicol University College of Agricul-ture at bumalik sa UPLB kung saan niya tinapos ang kursong Bachelor of Science in Agriculture Major in Animal Science. Mata-pos ito ay 10 buwan siyang nag-aral sa Copenhagen, Denmark ng post-graduate studies

P

Pahayag ng Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas-MLM sa Timog Katagalugan

Enero 10, 2016

2016 | PAHAYAG12noong 1978 hanggang 1979. Napukaw si Ka Eddik sa makabayang simulain sa gitna ng krisis pang-ekonomiya at pam-pulitika sa bansa bago pa man ipataw ang Batas Militar. Nasaksihan niya at personal niyang naranasan ang

karahasang inihasik ng pasistang rehimen laban sa mamamayan. Nang ilunsad ng mga estudyante, guro at kawani ng UPLB ang bari-kada sa kampus na marahas na binuwag ng dating Philippine Constabulary (PC), isa si Ka Eddik sa mga estudyanteng tumugon para sumuporta sa mga aktibista sa Crossing ng Los Baños sa pambansang haywey at sumanib sa mga aktibistang nagbarikada sa gate upang paghandaan ang paglusob ng militar. Matapos ang karanasang iyon ni Ka Eddik, seryoso niyang pinakinggan ang mga talumpati ng mga lider-aktibista at nakipag-talakayan sa masang kasanib nila sa barikada at iba pang mga pagkilos. Seryoso niyang pinag-aralan ang mga sulating rebolusyonaryo tulad ng Hinggil sa Kontradiksyon, Hinggil sa Praktika at Hinggil sa Bagong Demokrasya ni Kasamang Mao. Kinalaunan ay sumapi siya sa Kabataang Makabayan (KM)noong Abril 1971 at nahirang na Pangalawang Tagapangulo ng balangay ng KM sa unibersidad mula Enero 1972 hanggang nang ipataw ang Batas Militar noong Setyembre 1972. Isa si Ka Eddik sa bumalik sa pamantasan nang ipatupad ng Sangay ng Partido sa Eskwelahan ang back-to-school program para magtuluy-tuloy ang mga rebo-lusyonaryong gawain sa loob ng pamantasan sa kabila ng pagpa-pataw ng Batas Militar. Ang pamantasan ang nag-silbing unang training ground ni Ka Eddik. Gumampan siya ng mga rebolusyonaryong tungkulin

at naging huwarang aktibistang estudyante. Habang nag-aaral sa pamantasan ay tuluy-tuloy rin ang sariling pag-aaral at pagtu-turo ng mga sulating rebolusyo-naryo. Isa rin siya sa mga kadreng gumabay sa mga pagkilos na inilunsad sa loob ng kampus.

K a -hit nang mag-aral siya sa i b a n g b a n s a , h i n d i

nawala ang diwang Komunista ni Ka Eddik. Nakipagkaibigan siya sa mga nakilalang progresibo at komunistang mag-aaral sa dormitoryo. Nagpatuloy ang pagpo-propaganda niya hinggil sa pam-bansa-demokratikong rebolusyon at sinikap niyang matalakayan ang mga Pilipinong nakakasala-muha roon. Sinikap niya ring makapagpadala ng mga akda ng mga gurong Komunista sa bansa. Nang makabalik sa bansa, hindi nag-atubili si Ka Eddik na tumugon sa panawagan sa mga kadre at kasapi ng Partido at mga aktibistang masa na buong pana-hong kumilos noong 1980. Nilisan ni Ka Eddik ang pamantasan at tumungo sa mga kanayunan ng Bikol. Nakipa-muhay siya sa piling ng masang magsasaka at ng Bagong Hukbong Bayan sa hangga-nang Quezon-Bikol sa panahong ang hangganan ay nag-silbing muog ng mga rebolusyonar-yo at kadre ng PKP na ipinapadala sa mga rehiyon ng Timog Katagalugan at Bikol para sa iba’t ibang larangan ng gawain na naglingkod sa patuloy na pag-pupundar, pag-ugat sa masa at pagpapalakas ng rebolusyon. Taong 1983 nang ipadala si Ka Eddik sa isla ng Mindoro. Nakilala siya ng mga masa at kasama bilang Ka Juan, Makling, Eska at Vocag. Kabilang siya sa tangkas ng mga kadreng nag-pasimula ng rebolusyonaryong

gawain sa erya ng Roxas, Mansalay at Bulalacao. Ipinamalas ni Ka Eddik ang kanyang husay sa pamumuno at dedikasyon sa tuluy-tuloy na pagpapalago ng mga rebolusyo-naryong gawain sa isla. Hindi siya kailanman pinanghinaan sa kabila ng mga kahirapan at sakripisyong kinaharap ng mga kasama sa isla. Naging huwaran ng mga kasama ang mahusay niyang pagtangan sa rebolusyonaryong aktitud sa panahon man ng kagipitan at maging sa gitna ng tagumpay. Mahinahon, kal-mado, magiliw sa mga kasama at matatag sa gitna ng mga pag-subok—ilan lang ang mga ito sa mga katangiang madalas na mababanggit ng mga rebolusyo-naryong pwersang nakasama niya. Labis siyang minahal ng masa, laluna ng katutubong Mangyan, sa isla ng Mindoro. Dito niya ginugol ang mahabang panahon ng kanyang buhay at pakikibaka hanggang sa siya ay madakip ng mga pasista noong Mayo 2, 2004. Hindi lang miminsang dumanas ng pinsala ang mga rebolusyonaryong pwersa sa Mindoro. Mula pa man noon, naging pangunahing target ng kaaway ang isla dahil sa matu-tunog na taktikal na opensibang

inilulunsad ng Pulang Hukbo at sa patuloy na paglawak ng pamu-muno at impluwensya ng Partido at rebolusyonaryong kilusan hin-di lamang sa kanayunan kundi maging sa urban. Sa kabila nito, naroroon palagi ang pag-agapay ni Ka Eddik sa mga kasama at ang pamumuno sa mga rebolusyo-naryong gawain. Naroon palagi ang mga paalala at patuloy na pagpopropaganda maging sa

Labis siyang minahal ng masa, laluna ng katutubong Mangyan,

sa isla ng Mindoro.

Nakamarka sa lahat ng sulok ng isla ng Mindoro ang bawat patak ng luha, pawis,

dugo at mga bakas ng yapak ni Ka Eddik.

PAHAYAG | 2016 13hanay ng mga rebolusyonaryo para puspusang magpunyagi sa pagrerebolusyon. Ang mahabang karanasan ni Ka Eddik sa piling ng mga magsasaka ang naging dahilan kung bakit siya nahirang bilang consultant ng NDFP para sa Usapang Pangkapayapaan. Nakamarka sa lahat ng sulok ng isla ng Mindoro ang bawat patak ng luha, pawis, dugo at mga bakas ng yapak ni Ka Eddik. Isa siyang mapagmahal na asawa at ama sa kanyang pamilya. Ama rin siya ng bawat mandirigma na kasa-kasama sa kanilang mahirap na paki-kibaka. Tunay niyang mi-nahal ang naghihirap na masa higit pa sa kanyang sarili. Larawan siya ng kasigasigan, kawalang pagod at kababaang loobsa pakikipamuhay sa piling ng mga maralita sa kanayunan. Kasama siyang nan-guna sa pagpupundar at pagsu-sulong ng rebolusyonaryong ki-lusan sa isla. Ang pagmamahal ni Ka Eddik sa mga magsasaka at sa sanlaksang sambayanan, ang pagiging malapit sa kanila sa la-hat ng panahon ang mga dahilan kung bakit siya labis na minahal ng masa laluna ng mga magsasa-ka sa Bikol, at ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro. Sa araw at gabi, dito uminog ang buhay ni Ka Eddik—ang

walang pasubaling paglilingkod sa sambayanan at hangaring mai-sulong ang rebolusyon hanggang sa tagumpay. Mayo 2004 nang iligal na dinakip ng mga pasistang sundalo si Ka Eddik. Habang nagta-taglay ng Safety & Immunity Guarantee bilang NDFP Peace Con-sultant, sinampahan siya ng mara-ming inimbentong mga kasong kriminal. Ginawa ng reaksyunar-yong gubyerno ang lahat upang binbinin si Ka Eddik sa pagkaka-bilanggo. Sa loob ng labing-isang taon, wala ni isang napatunayan

sa alinmang mga bintang ang reaksyunaryong hukuman at habang iniutos nito ang pagpa-palaya sa kanya, patuloy siyang mabibinbin dahil sa karagdagang gawa-gawang kasong ipinapa-tong sa kanya. Naging matatag siya bilang bilanggong pulitikal at ginawang produktibo ang sarili kahit sa piitan. Kasama ang iba pang mga kara-niwang bilanggo, nangibabaw pa rin kay Ka Eddik ang pagmama-hal sa mahihirap. Dito ay nagturo siya sa mga bilanggong kapos sa pinag-aralan at tinulungan silang maging produktibo. Patuloy niyang ginapi ang kaaway na tibagin ang tatag ng kanyang rebolusyonaryong diwa. Ipinakita niyang hindi maaaring hanggahan ng rehas ang diwang palaban ng isang rebolusyonaryo. Mula sa Provincial Jail ng Mindoro Oriental, inilipat siya sa Kampo Crame at ang paglilitis sa NCR. Lumahok siya sa mga pa-kikibaka ng iba pang mga bilang-

gong pulitikal subalit dito rin nag-simulang bumagsak ang kanyang kalusugan. Habang ipinagkakait ng reaksyunaryong estado sa kanya ang nararapat na lunas at kundisyon, lalo pang pinalala ito nang ilipat siya sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan. Disyembre 16, 2015 nang inatake siya sa puso at isinugod sa pagamutan. Sumailalim siya sa dalawang operasyon sa puso sa pangangalaga ng mga mahal na kasama at kapamilya. Ngunit hindi na nakayanan ng mahina niyang puso ang mga sumunod

pang atake at tuluyan nang pumanaw si Ka Eddik noong umaga ng Enero 8, 2016. Magiging inspira-syon si Ka Eddik sa mara-ming mga rebolusyonaryo na tuluy-tuloy na mag-

punyagi sa landas ng pagrerebolusyon kahit sa gitna ng mga kahirapan at sakripisyo. Ang kanyang puso ay patuloy na pipintig sa puso at diwa ng bawat rebolusyonaryo at mamamayan. Papapanagutin ng sambayanan at ng rebolusyon ang mga buhong na taksil at ang rehimeng US-Aquino at ang nagdaang rehimeng US-Arroyo na nagpiit at nagpa-hirap sa maraming bilanggong pulitikal katulad ni Ka Eddik. Ang rehimen ang may pangunahing pananagutan sa tu-luyang pagbigay ng lakas at bu-hay ni Ka Eddik at kung gayon ay mananagot sa paniningil ng rebo-lusyon. At sa araw ng kanyang ganap na kabayanihan, iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at ng buong rebolusyonaryong kilu-san sa Timog Katagalugan ang Pulang saludo para kay Ka Eddik, isang huwarang rebolusyonaryo at bayani ng sambayanan!

Ipinakita niyang hindi maaaring hanggahan ng rehas ang diwang

palaban ng isang rebolusyonaryo.

Mabuhay ka Ka Eddik! Tunay na Anak at

Bayani ng Sambayanan!Buhay na buhay at malaya ang

diwang mapanlaban ni Ka Eddik kahit nasa loob ng piitan.

(Kuha sa Camp Crame, Quezon City)

Lansakang paglabag sa tigil-putukan ng AFP sa Mindoro, kinundena

Ayon sa ulat ni Ka. Ma. Patricia Andal, tagapagsalita ng National Democratic Front-Mindoro (NDF-Mindoro), ‘di bababa sa 53 kaso ang paglabag sa UCF ng mga tropa ng 76th In-fantry Battalion (IB), 4IB, 59IB at ng Civilian Auxilliary Force and Geographical Unit (CAFGU). Kabilang rito ang 21 kaso ng mapang-upat na ope-rasyong militar, kung saan pito ang tinabingan ng civil military operations (CMO); 19 kaso ng pananakot at panghaharas sa masa; pitong kaso ng pagkakamposa gitna ng pamayanan; apat na kaso ng pagkakampo sa mga pampublikong pasilidad; at isang kaso ng iligal na pag-ares-to (tingnan ang kaugnay na balita sa pahina 15). H u m i g i t - k u m u l a n g 74,000 mamamayan ang apek-tado ng mga naturang paglabag sa 59 sityo at 23 barangay sa pi-tong bayan sa Mindoro Occi-dental (MOC); at sa 11 sityo at 5 barangay sa 2 bayan sa Mindoro

O r i e n t a l (MOR).

ariing kinundena ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro ang walang habas na paglabag ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa deklarasyon nitong unilateral cesaefire (UCF).

Pang-uupat ng AFP ng labanan

Walang patid ang mga operasyon ng mga “Peace and Development” Teams (PDTs) ng AFP sa mga sonang gerilya, habang todo-iwas naman ang Pulang mandirigma upang tumupad sa sarili nitong UCF. Tinawag na “hungkag at peke” ni Ka Madaay Gasic, bagong tagapagsalita ng Lucio De Guzman Command/New People’s Army Mindoro (LDGC/NPA-Midoro), ang UCF ng rehimeng Duterte. Ulat niya, madalas sabihin ng mga pasis-tang militar sa masa na “NPA lang ang may ceasefire.” Maliban sa mga datingkampo ng mga militar, nag-dagdag pa ang 4IB ng ka-nilang kampo sa Bgy. Cabugao, Bulalacao sa MOR, gayundin ang 76IB sa Bgy. Udalo, Abra de Ilog at Bgy. Harrison, Paluan sa MOC sa panahong umiiral ang kanilang UCF. Kinampuhan din ng 4IB ang daycare center sa Bgy. Sibalat, Magsaysay at ang paara-lan sa Bgy. Manoot, Rizal sa MOC, gayundin ang barangay hall ng Bgy. Cabugao. Inireklamo naman ng mga magulang ng mga mag-aaral ng isang

pribadong paaralan sa Abra de Ilog ang mga tropa ng 76IB dahil sa kanilang pagkakampo at pag-papaputok ng baril sa gilid ng naturang paaralan. Ipinagbabawal sa Com-prehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) ang pag-kakampo sa mga pampublikong pasilidad. Idineklara rin mismo sa burgis na batas ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas na Republic Act No. 7610 na ang mga eskwelahan ay zone of peace. Kung kaya, ipinagbabawal dito ang presensya at pagkakampo ng AFP. Tinabingan naman ng medical mission ang pagkakampo at pag-ooperasyon ng 4IB sa mga bayan ng Rizal at Bulalacao. Gayundin ang 76IB sa Abra de Ilog. Araw-araw naman mula Setyembre naglulunsad ang may 300 tropa ng Regional Public Safety Battalion ng martsa, jogging, firing at war games, at pagkakamposa mismong pasilidad ng munisipyo sa Bgy. Poblacion, Abra de ilog. Nagdudulot ito ng takot sa mga mamamayan, lalo na sa mga mag-aaral sa elemen-tarya at hayskul na araw-araw nasasalubong sa kabayanan sa kanilang pagpasok sa eskwela-

han ang mga naka-full battle gear na pulis.

Panghaharas, pagpapasuko

Sapilitan namang nirerekluta ng AFP sa CAFGU ang mga mamamayan sa mga bayan ng Abra de Ilog, Paluan, Rizal, San Jose, Bulalacao at Mansalay.

M

2016 | BANTAY KARAPATAN14

Kinokotahan nila ang mga ka-pitan ng barangay ng tig-20 rek-rut sa CAFGU sa kundisyong kapag ‘di naabot ang kota ay idedeklara nilang “maka-NPA” ang kanilang barangay. May mga kaso rin ng tangkang pagpaslang ang mga elemento ng 76IB. Hinabol at pinaputukan nila ang dating kapitan ng Bgy. Udalo, Abra de Ilog dahil pinagkamalan itong kumander ng NPA. Tinangka rin nilang paslangin ang kapitan ng Bgy. Elvita, Sablayan. Matinding takot din ang dulot ng mga panghaharas ng AFP sa mga pinaghihinalaang

Pulang mandirigma, dinakip sa panahon ng tigil-putukan

Dinakip si Jeffrey Delos Reyes ng PhilippineNational Police-MIMAROPA,Setyembre 19, sa Victoria, Mindoro Oriental sa bisa ng mga gawa-gawang kaso ng murder, frustrated mur-der at arson. Kinundena ng L D G C / N PA - M i n d o r o ang naturang pagdakip at tinawag na “traydor at insinsero” ang uni-pormadong hanay ng rehimeng Duterte sa nagaganap na usapang pangkapayapaan at kaakibat nitong deklarasyon ngtigil-putukan. Itinutuwid din ng L D G C / N PA - M i n d o r o ang kriminalisasyon ng rehimeng Duterte sa demokratikong rebo-lusyong bayan. Ayon sa up-isyal na pahayag ng LDGC, “Lehitimo ang Demokra-tikong Rebolusyon sa-

kasapi at pamilya ng NPA. Pina-dadalhan sila ng sulat-pagpa-pasuko, pinatatawag sa kampo at tinitipon sa mga forum para pagbantaan. Samantala, naganap din ang marahas na demolisyon at panunuog sa 15 kabahayan sa isang marine zone sa Bgy. Salvacion, Rizal noong Setyembre hang-gang Nobyembre. Hinamlet din nila ang mga residente rito at hindi pinapayagan ng mga in-upahang armadong gwardya na maghanapbuhay, o pumasok sa eskwela ang mga bata. Paglabag din ito sa CARHRIHL. Ayon kay Ka. Patricia ang

mga paglabag ng AFP sa UCF at CARHRIHL ay malinaw na pambabalahura at pagdidiskaril sa nagaganap na usapang pang-kapayapaan. “Ipinakikita nito ang insinseridad ng AFP at ni Duterte sa pakikipagnegosasyon sa kabila ng mga hambog na pa-hayag nilang para sila sa kapa-yapaan at ayaw nila ng gyera,” pagtatapos niya. Maglulunsad naman ng aktibong pagdepensa ang mga Pulang mandirigma sa mg sonang gerilya sa patu-loy na paglabag ng mga tropa ng AFP sa kanilang UCF, ani Ka Madaay.

pagkat nagsusulong kami ng tunay na pagbabago laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng naghaharing uri sa sambayanan. Kung hindi ito lehitimo, hindi haharap ang Gubyerno ng Republika ng Pilipinas sa negosasyong pangkapa-yapaan.” Si Delos Reyes ang tumatayong istap sa segu-ridad ni Kasamang Ernesto Lorenzo, NDFP consultant para sa Timog Katagalugan. Nakapiit ngayon si Delos Reyes sa Provincial Jail sa MOR at kabilang sa limang detenidong pulitikal sa mga piitan sa Mindoro na dapatmapalaya sa pamamagitan ng pangkalahatang amnestiyang naunang ipinangako ni Duterte sa pagsisimula ng usapang pangkapayapaan.

Deklarasyong CMFRD na ang

MOC, pinabulaanan Tinawag na sinungaling at hambog ng New People’s Army (NPA) - Mindoro ang 203rd Brigade ng AFP at lokal na pamahalaan ng Mindoro Occidental (MOC) sa kanilang deklarasyong “conflict manageable and ready for further development” (CMFRD), Oktubre 7, sa isang peace rally sa Mamburao, MOC. “Lumalalim ang kahirapan, pagsasamantala at pang-aapi sa mga Mindoreño, kaya umiigting din ang pakikitunggali ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan laban sa iilang mapang-api at mapagsamantala,” ani Kasamang Madaay Gasic, bagong tagapagsalita ng NPA-Mindoro. Nauna nang idineklara ng 203rd Brigade at LGU-MOR na CMFRD ang lalawigan noong Oktubre 8, 2015. Ang CMFRD ay ang deklarasyon ng reaksyunaryong gubyerno na kontrolado na nila ang armadong tunggalian at handa na para sa pagpapatupad ng mga proyektong “pangkaunlaran.” Kasunod na nito ang kanilang deklar-asyong “insurgency-free” o wala nang armadong tunggalian.

Dinakip ang isang Pulang mandirigma ng Lucio De Guzman Command / New People’s Army - Mindoro (LDGC/NPA-Mindoro) habang tumutupad ng tungkulin para sa usapang pangkapayapaan.

BALITA | 2016 15

2016 | KULTURA16Patungong Patasan,

Patungong TagumpayPasakalye: Am-G-Am-G

KORO:Am G Am Tayo na patungong patasanAm G Am Tayo na patungong tagumpay

Am G AmAting Partido’y palalakasin G AmPatatatagin, palalaliminDm AmIsusulong ang Digmang BayanG AmPakikibaka’y patataasin

(ulitin ang koro)

Am G AmTaktikal na opensiba’y patitindihin G AmMga bagong laranga’y lilikhainDm AmRebong agraryo ang sandigan G AmLibong hukbo ang pasasampahin

(ulitin koro)

Am G AmBayan ngayo’y naghahanda G AmUmapoy ang mga katagaDm AmIwawagayway ang bandilaG AmBandila ng paglaya

(ulitin koro)

Am G Am Tayo na patungong patasanAm G Am Tayo na patungong tagumpay!

Orihinal na komposisyong ginamit bilang theme song sa pagdiriwang ng

rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro para sa ika-48 anibersaryo ng Partido

Komunista ng Pilipinas-MLM

Noong ako’y bata pa pangarap kong maging doktor Habang nag-aaral pangarap aking tangan

Kahit pa ang baon ko’y kamoteng kahoy lamangHindi umaayaw pangarap ko’y maabot lang.

Ngunit sa kahirapan ng aking ama’t-inaHindi ako nakatuntong kahit hayskul lamang

sapagkat isandaang piso bahagyang mahawakanKaya ang nais ko’y hanggang pangarap na lamang

Ngunit heto ako’t nagpasyang maghukboAng pangarap kong maging doktor

ngayo’y naabot koKahit ang maging dentista ng malawak na masaSa isang iglap lang pangarap ko’y nakamit na

Ngunit ganito pala ang maging doktor ng masaTangan ng isang kamay ay pang-BP

at baril naman sa kabila

BP at Barilni Ka. Moc

Pagkat nais gamutin ang masa at palayain silaBunutin ang 3 salot na pangunahing pahirap sa masa

Ang pagiging doktor ng masa’y yayakapin ko ng buong puso.Handa kong ialay maging kaisa-isang buhay koPagkat ang masa at kasama’y sila nang pamilya ko

Sapagkat ang rebolusyon ay ito na ang buhay ko.

Maranasan ko man ang mahuli ng kaaway,Piringan ng tatlumpu’t anim na oras, igapos ang mga kamayPigilang magsalita sa likod ng rehas na bakalNgunit hindi natinag aking paninindigan

Ngunit sa kabila ng naranasan, pangarap kong matuto’y hindi nahadlanganHarangan man ako ng libong kaawayHIndi ako susuko sapagkat BP at Baril ang aking tangan

BP, gamit medikal upang gamutin ang sakit ng mamamayanat baril upang mapalaya ang inang bayan.