Manilakbayan ng Mindanao: Isulong ang pakikibaka laban sa ...

8
OKTUBRE 2015 UNANG EDISYON Mga kasinungalingan hinggil sa pagpatay ng mga lumad Pagbebenta ni Aquino ng Subic para maging base militar ng US, buking Pemberton inaming sinakal si Jennifer Laude Protesta laban sa APEC at base-militar ng US, dinahas ng pulis; mga lider-kabataan inaresto Ipagpatuloy ang anti-imperyalistang adhikain ni Heneral Antonio Luna Batas Militar sa Iloilo City: rali laban UP budget cut dinahas, 11 inaresto Serye ng walkout sa UP, inilunsad laban sa budget cut Neri Colmenares: Fighter ng bayan sa Senado! 3 4 4 5 6 7 7 8 >>>Ituloy sa p2 Manilakbayan ng Mindanao: Isulong ang pakikibaka laban sa panunupil at pandarambong! Tinatawagan natin ang kabataan at mamamayan na tumindig at makiisa sa paglaban sa tumitinding militarisasyon at pandarambong ng rehimeng US-Aquino sa Mindanao. Nitong mga nakaraang buwan, lalong bumabangis ang karahasan at brutalidad ng rehimen na inihahasik sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga pagpaslang, pandarahas at panunupil ay bahagi ng Oplan Bayanihan: digma ng rehimen laban sa mga mamamayang lumalaban para patuloy nitong isulong ang mga patakarang kontra- mamamayan at makadayuhan. Tumambad sa bayan noong Setyembre 1 ang karumaldumal na pagpaslang ng militar at paramilitar kina Emerico Samarca, guro ng mga lumad, Dionel Campos at Datu Aurelio Sinzo, mga lider ng lumad sa Surigao. Noong Agosto 18 naman, minasaker ng mga militar ang pamilya ni Herminio Samia, isang 70-taong gulang na elder ng tribo sa Bukidnon. Pinagbabaril ang bulag na si Herminio at apat pa niyang kapamilya. Nakatakas at nabuhay ang 15 taong gulang na kaanak para ibahagi ang naganap. Huli ang mga ito sa serye ng mga pagpaslang sa mga lider-katutubo sa Mindanao na aabot na sa 71 sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, 56 dito ay mga lumad. Aabot na sa 144 ang pinaslang na mga katutubo, aktibista at human rights defenders sa Mindanao.

Transcript of Manilakbayan ng Mindanao: Isulong ang pakikibaka laban sa ...

OKTUBRE 2015UNANG EDISYON

Mga kasinungalingan hinggil sa pagpatay ng mga lumad

Pagbebenta ni Aquino ng Subic para maging base militar ng US, buking

Pemberton inaming sinakal si Jennifer Laude

Protesta laban sa APEC at base-militar ng US, dinahas ng pulis; mga lider-kabataan inaresto

Ipagpatuloy ang anti-imperyalistang adhikain ni Heneral Antonio Luna

Batas Militar sa Iloilo City: rali laban UP budget cut dinahas, 11 inaresto

Serye ng walkout sa UP, inilunsad laban sa budget cut

Neri Colmenares: Fighter ng bayan sa Senado!

3445

6778

>>>Ituloy sa p2

Manilakbayan ng Mindanao: Isulong ang pakikibaka laban sa panunupil at pandarambong!Tinatawagan natin ang kabataan at mamamayan na tumindig at makiisa sa paglaban sa tumitinding militarisasyon at pandarambong ng rehimeng US-Aquino sa Mindanao.

Nitong mga nakaraang buwan, lalong bumabangis ang karahasan at brutalidad ng rehimen na inihahasik sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga pagpaslang, pandarahas at panunupil ay bahagi ng Oplan Bayanihan: digma ng rehimen laban sa mga mamamayang lumalaban para patuloy nitong isulong ang mga patakarang kontra-mamamayan at makadayuhan.

Tumambad sa bayan noong Setyembre 1 ang karumaldumal na pagpaslang ng militar at paramilitar kina Emerico Samarca, guro ng mga lumad, Dionel Campos at Datu Aurelio Sinzo, mga lider ng lumad sa Surigao.

Noong Agosto 18 naman, minasaker ng mga militar ang pamilya ni Herminio Samia, isang 70-taong gulang na elder ng tribo sa Bukidnon. Pinagbabaril ang bulag na

si Herminio at apat pa niyang kapamilya. Nakatakas at nabuhay ang 15 taong gulang na kaanak para ibahagi ang naganap.

Huli ang mga ito sa serye ng mga pagpaslang sa mga lider-katutubo sa Mindanao na aabot na sa 71 sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, 56 dito ay mga lumad. Aabot na sa 144 ang pinaslang na mga katutubo, aktibista at human rights defenders sa Mindanao.

2 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Sinasampahan din ng mga gawa-gawang kaso ang mga lider ng mga komunidad at organisasyon para takutin at patigilin sa paglaban. Lagpas 500 mga indibidwal ang humaharap sa iba’t ibang mga kaso dahil sa paglaban sa pagmimina at pananakop sa kanilang lupain.

Kasabay nito ang pananakot, pagpapalayas at pandarahas sa mga komunidad ng mga lumad sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. Mahigit 40,000 ang biktima ng sapilitang paglikas dahil sa militarisasyon. Sa kasalukuyan, libu-libong mga lumad ang nananatiling nakabakwit at pinalayas sa kanilang mga lupain. Umamin mismo ang AFP na mga militar ang nanggahasa sa isang 14-taong lumad na babae sa gitna ng pagbabakwit.

Patuloy ring inaatake ang mga paaralan na itinayo ng mga lumad para punan ang kawalan ng paaralan sa kanilang mga lugar. Sa ngayon, may 87 mga paaralan ang dumaranas ng iba’t ibang tipo ng paniniil kung saan apektado ang mahigit 3,000 mga mag-aaral. Kabilang sa mga dinaranas ng mga paaralan ay ang pambobomba, pagsasara, pagkakampo ng mga militar at pananakot.

Mismong sa bibig ni Aquino makukumpirma na sistematiko ang kampanyang panunupil. Nang tanungin siya hinggil sa pamamaslang sa mga lumad, labas-ilong niyang kinaila na “walang kampanya ng pamamaslang” pero pinalabas na mga kriminal at kasapi ng New People’s Army (NPA) ang mga pinaslang na lumad. Mismong ang AFP din ang nagsabi na mayorya ng mga NPA ay mga lumad at lumalabas sa mga dokumento mismo ng AFP na target sila ng kampanya kontra-insurhensya.

Lumalaganap ang protesta ng iba’t ibang mga sektor laban sa pamamaslang. Kahit ang UN special rapporteur Chaloka Beyani ay nagsabi, sa pagbisita niya sa bansa, na mga militar at grupong paramilitar ang lumilikha ng takot at ligalig sa komunidad ng mga lumad.

Ang totoo, santambak na mga militar ang ipinadala ni Aquino sa Mindanao para

maghasik ng lagim at terorismo laban sa mamamayan. Nasa 56% ng kabuuang pwersa ng AFP ang nasa Mindanao na aabot sa 55 batalyon o nasa 50,000 sundalo. Pinangungunahan din nila ang pagbubuo ng mga grupong paramilitar gaya ng Alamara, Magahat, Tribal Warriors at iba pa para maghasik ng malagim na pamamaslang at terorismo sa mga komunidad.

Dambuhalang private army ng malalaking mga dayuhang negosyo ng pagmimina, pagtotroso at mga plantasyon ang mga militar na sumusupil sa pakikibaka ng mga lumad laban sa pandarambong, paninira ng kalikasan at pag-agaw sa kanilang lupang ninuno. Hindi kataka-taka na ang mga malalaking kumpanyang dayuhan gaya ng Glencore-SMI-Xstrata, Gladstone Pacific Nickel, Dole at iba pa ay naglalaway sa likas-yaman ng Mindanao katulad ng ginto, nikel, tanso, mayabong na lupa para sa agribusiness, at kagubatan. Itinuturing na balakid sa interes ng mga kapitalistang ito ang mga lumad na nakikibaka para ipagtanggol ang kanilang lupang ninuno at kultura.

Malinaw na pinakikita ng militarisasyon at pandarambong sa Mindanao ang pasistang mukha ng rehimeng US-Aquino. Hindi lamang sa Mindanao, kundi sa buong bansa nakararanas ngayon ang mamamayan ng

papatinding mga atake sa karapatan at todo-largang panunupil. Habang tumitindi ang desperasyong takasan ang pananagutan sa bayan, lalong pinatitindi ng rehimeng US-Aquino ang pagkatuta sa dayuhan at panunupil sa mamamayan. Malinaw na bigo ang kampanya ng rehimen na gupuin ang kilusan ng mamamayan kung kaya’t sumasalig sa duwag na karahasan at panunupil.

Ang US ang mastermind ng programang “kontra-insurhensya” na ipinapatupad ng tutang rehimeng Aquino. Target nito ang mamamayang lumalaban sa mga neoliberal na mga patakarang makadayuhan at pahirap. Nais nitong supilin ang mga nakaambang malalaking protesta laban sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa bansa at pagtatayo ng karagdagang mga base militar ng US sa bansa.

Dapat tumindig ang kabataan at mamamayan laban sa militarisasyon at pandarambong sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino. Dapat palayasin at panagutin ang mga militar sa kanayunan at itigil ang karahasan, pagpaslang at panunupil. Dapat biguin ang panunupil at higit na palakasin ang mga pakikibakang masa para patuloy na ipaglaban ang mga kahilingan, mga interes at karapatan ng mamamayan sa sahod, lupa, edukasyon, serbisyo at iba pa.

PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Elizabeth Gonzales,Issa Baguisi, Gem Aramil, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,

Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Karlo Mongaya,Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2015

Ipinaliwanag dito ang pangangailangan ng pagtutulungan ng militar at burukrasyang sibil sa pagpapatupad ng panlilinlang sa balangkas ng Whole of Nation Initiative ng Oplan Bayanihan.

Pinakikita din sa powerpoint na karamihan ng mga rebeldeng NPA sa Silangang Mindanao ay mga lumad habang mga baseng gerilya naman ang mga lupang ninuno ng mga lumad. Sa mga lugar na ito pinakamarami ang mga kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Lumalabas din na may direktang papel si Aquino sa planong pagpasara ng mga eskwelahan ng mga lumad upang palitan ang mga ito ng mga paaralan na papatakbuhin ng mga sundalo.

Nabuo ang planong ito sa isang pulong noong Abril 23 na ipinatawag ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang ahensya sa paniktik na direktang nasa ilalim ng Opisina ng Pangulo.

Samantala, sa kabila ng tumitinding panunupil at kasinungalingan ng rehimeng Aquino, patuloy pa ring lumalakas ang panawagan upang itigil ang pamamaslang sa mga lumad.

Mahigit 10,000 katao ang nagmartsa sa Butuan City noong Setyembre 12 para ilibing si Emerito Samarca, ang direktor ng Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development na pinatay ng mga berdugong paramilitar.

Inilibing naman sa Lianga ang mga lider-lumad na sina Dionel Campos at Datu Juvello Sinzo noong Setyembre 13. Gayunpaman, apat na ahenteng militar ang nahuling nagpapanggap na nakikipaglibing kina Campos at Sinzo. May dalang kalibreng .45 na pistola ang isa sa mga nadakip na ahente.

Kinundena rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at mga Kristiyanong denominasyon sa ilalim ng National Council of Churches of the Philippines ang serye ng mga pagpatay.

Mga kasinungalingan hinggil sa pagpatay ng mga lumad

Sa isang media forum, ipinahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na “walang kampanya ng pagpatay [ng mga lumad]. Mayroong kampanya upang tugisin ang sinumang nagkasala, sinuman sila.”

Ayon sa Anakbayan, pinakikita lamang ng pahayag na ito ang kamay ng pangulo sa militarisasyon ng mga komunidad ng mga lumad.

“Parang sinasabi lang ng pangulo na ang tinatarget ng mga operasyong militar ay mga ‘kriminal.’ Wala itong pinagkaiba sa sinasabi ng militar na mga rebeldeng NPA ang mga pinapatay na mga lumad,” ayon kay Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan.

Nauna nang iprinisinta ng militar ang diumano’y mga lider ng mga lumad sa Maynila sa mga mamamahayag sa isang komperensya sa Camp Aguinaldo. Iginiit nila na mga rebelde diumano ang may kagagawan ng mga pagpaslang.

Ngunit lumalabas ngayon na ang mga pinakilalang mga lumad ng militar ay ang mismong mga opisyal ng Mahagat-Bagani, ang grupong paramiltar na nasa likod ng pagpatay sa mga lider lumad sa Lianga, Surigao del Sur.

Maaalalang ipinaratang ni Brig. Gen. Angelito de Leon na pinatatakbo diumano ng mga rebelde ang mga paaralan ng mga lumad dahil kinakanta dito ang “Lupang Sinira,” isang alternatibong bersyon ng pambansang awit na sinulat ng makabayang kompositor na si Pol Galang.

Nakakatawa sana ang mga kasinungalingang nilulubid ng mga opisyal ng militar kung hindi lang buhay ng mga tao ang nakataya. Ngunit buking na ang rehimeng Aquino sa pananagutan nito sa sistematikong pagpatay ng mga lumad.

Bukod sa mga testimoniya ng mga biktima, ipinakita mismo ng isang powerpoint presentation ng Department of Science and Technology na sadyang target ng kampanyang kontra-insurhensya na Oplan Bayanihan ang mga komunidad ng mga lumad.

Sa desperasyon na makaligtas sa lumalawak na galit ng mamamayan, naglulubid ng mga kasinungalingan ang rehimeng Aquino upang pagtakpan ang pananagutan nito sa pagpatay ng mga lumad sa Mindanao.

www.anakbayan.orgbisitahin ang

4 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ayon sa isang artikulo ng New York Times (NYT), humihingi daw ng aabot sa $300M o P13.9B na ayuda ang gobyerno ni Aquino kapalit ng pagbalik ng base militar ng US sa Subic. Pinalalabas ng administrasyong Aquino na kailangan ng mas malaking ayuda ng Pilipinas para makatulong sa paglaban nito sa paglawak ng teritoryo ng Tsina.

Sabi rin sa ulat ng NYT, balak gamitin ng administrasyong Aquino at Obama ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para mas madaling maisakatuparan ang planong pagbukas ulit ng Subic Bay pati na rin ng Clark Airbase sa mga pasistang tropa ng US.

Ang pagbubukas muli ng mga base ng US sa Pilipinas ay mas matinding paglabag

sa soberanya ng bansa at maghuhudyat ng mas marami pang mga krimen ng mga sundalong Amerikano sa ating bayan.

Ang pagbabalik ng mga pormal na base militar ng US sa Pilipinas ay lalong magpapalala sa kasalukuyang krisis sa ating bansa. Patitindihin nito ang pagsasamantalang ginagawa ng US sa ating ekonomiya, likas-yaman at mamamayan.

Kasama sa planong “US pivot to Asia” ang planong pagpapabalik ng base militar ng US sa Pilipinas. Nais ng US na siguraduhin ang interes nito sa rehiyon sa kabila ng lumalakas na impluwensiya ng Tsina. Nais ng US na gipitin ang Tsina para tanggapin ang ibinabandera nitong “demokrasya” at malayang kalakalan.

Malinaw na pagtatraydor sa bayan ang ginagawa ng rehimeng US-Aquino. Kapalit ng dolyares, hinahayaan ng rehimen na pagsamantalahan, pahirapan, at pakialaman ng US ang mamamayang Pilipino sa kabila ng napakaraming krimen ng US sa mamamayang Pilipino mula pa noong una nila tayong sinakop hanggang sa kasalukuyan.

Kinakailangan nating pumalag at sama-samang lumaban sa traydor na rehimeng US-Aquino. Dapat nating tutulan at labanan ang EDCA, Visiting Forces Agreement at lahat ng mga makaisang-panig na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US. Dapat palakasin ang pakikibaka para wakasan ang paghahari ng imperyalismong US sa ating bayan.

Pemberton inaming sinakal si Jennifer LaudeInamin ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang pagsakal kay Jennifer Laude ngunit iginiit na nagawa lamang ito para depensahan ang sarili at dangal.

Ito ay isinalaysay ng US Serviceman noong Agosto 24, 2015 sa pagdinig sa Olangapo Regional Trial Court sa kasong sinampa laban sa kanya kaugnay sa pagpatay sa Pinay transgender.

Ayon sa League of Filipino Students (LFS), ang pag-amin ni Pemberton ay matibay na batayan upang mahatulan siya sa kasong pagpatay kay Laude.

“Sa kabila ng mga palusot, sapat ito upang matiyak ang kanyang pagkakasala. Ang susunod na hakbang ay ang pagsiguro na ma-convict ang sundalong Amerikano para sa sala na pagpatay,” ani LFS Spokesperson Charisse Bañez.

Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng Pamilya Laude, kinwento ni Pemberton na nagalit at tinulak daw niya si Laude nang natuklasan na hindi pala ito tunay na babae. Ngunit sinampal daw siya ni Laude kaya sinakal niya ito.

Nang hindi na gumagalaw, kinaladkad niya diumano ito papuntang CR para buhusan ng tubig. At dahil walang tubig, iniwanan na lamang niya ito. Si Laude ay natagpuan ng tauhan ng lodge na nakasubsob sa toilet bowl at wala nang buhay noong Oktubre 11, 2014.

Noong Mayo 2015, sinabi ni Philippine National Police medico-legal officer at pathologist Dr. Maritess Ombao na namatay si Laude dahil sa sakal at asphyxia dahil sa pagkalunod.

Mariing kinundena ng LFS ang paghugas-kamay ni Pemberton sa karumaldumal na pagpatay kay Laude.

Kinukundena ng Anakbayan ang patagong pakikipag-usap ng administrasyong Aquino sa gobyerno ng US para sa muling pagbubukas ng base militar ng US sa Subic Bay.

“Ang mga salita ni Pemberton ay nagpapatunay ng malinaw na intensyon na pumatay. Ang kanyang pahayag na ginawa niya iyon upang ipagtanggol ang sarili at ang pag-iwan niya kay Jennifer na buhay ay isang di mapapaniwalaang palusot,” ani Bañez.

Bukod sa pagpapanawagan sa kagyat na pagpapakulong kay Pemberton sa salang pagpatay, tinuligsa rin ng LFS ang patuloy na pagdetine kay Pemberton sa isang pasilidad ng Joint US Military Assistance Group o JUSMAG.

Iginiit ng grupo ang panawagan na magdemanda ang gobyernong Aquino ng kustodiya kay Pemberton.

Nagpapatuloy ang panawagan upang igiit ang hustisya para kay Laude at para sa pagbabasura ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement, at pagpapalayas ng lahat ng tropang Amerikano sa Pilipinas.

Hustisya para kay Jennifer!

Pagbebenta ni Aquino ng Subic para maging base militar ng US, buking

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2015

Protesta laban sa APEC at base-militar ng US, dinahas ng pulis; mga lider-kabataan inaresto

Binato ng mga kabataan ng “paint bombs” ang selyo ng Embahada ng Estados Unidos bilang pagkondena sa patuloy na pagsasamantala ng imperyalismong US sa araw ng ika-24 na taong anibersaryo ng pagpapatalsik sa mga base militar ng Estados Unidos.

Dinahas at inaresto ng pulisya ang protesta at hinuli ang anim na lider kabataan.

“Kinokondena natin ang pandarahas at pandarakip sa mga aktibista. Walang mali sa paglaban para sa soberanya. Dapat ang paglingkuran ng pulis at estado ay ang bayan, hindi ang interes ng dayuhan,” ayon kay Orion Yoshida, Ikalawang Pambansang Tagapangulo ng Anakbayan, at isa sa mga hinuli.

Kabilang din sa mga nadakip ay sina Teddy James Angeles, Gerardo Gaddi, Aries Gupit, Gem Aramil at Karl Paul Araneta na mga miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at Anakbayan.

Ayon kay Yoshida, kinaladkad siya at hinampas ng “shield” sa ulo. Idinulog naman ni Gem Aramil, isang miyembro ng Anakbayan na may kapansanan (Wilson’s disease), ang aniya’y di makatwirang panghuhuli sa kanya. Ayon sa kanya, dinodokumento lamang niya ang mga pangyayari nang bigla na lang daw nagsimula ang pandarahas.

“Noong nagkahabulan na gumilid, itinulak ako ng pulis ng shield nang dalawang beses hanggang sumubsob sa gutter. Kinaladkad na nila ako sa bulto nila at pinaghahampas ng shield. Napuruhan ang kaliwang pàa ko,” ayon kay Aramil.

Laking pagtataka rin ni Aramil kung bakit siya kinasuhan ng physical injury, resisting arrest, direct assault, at malicious mischief sa kabila ng kanyang pisikal na limitasyon.

“Pinakikita nito ang tindi ng pandarahas ng pulisya sa mga mamamayan habang todo-

todo sa pagprotekta sa mga imperyalistang Amerikano at sa mga lokal na naghaharing uri,” dagdag ni Yoshida.

Agad na kinundena ng Anakbayan ang “overkill” na reaksyon ng gobyerno sa kanilang pagkilos at inanyayahan ang lahat sa darating na pagkilos kontra Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Dahil sa sama-samang pagkilos at tuloy-tuloy na protesta, pinalaya din ang mga kabataang inaresto kinagabihan.

“Kahit na ilang ulit pa nila tayong ikulong, hindi nila mapipigilan ang pakikibaka ng mamamayan,” ani Yoshida.

Papel ng US sa Mamasapano, higit na nalantadParang sirang plaka ang gobyernong Aquino at ng Estados Unidos sa pag-uulit-ulit na walang papel ang US sa madugong labanan sa Mamasapano noong Enero 25 kung saan 44 na tropa ng Philippine National Police-Special Action Forces (PNP-SAF) at iilang rebeldeng Moro at sibilyan ang nabawian ng buhay.

“Walang kasapi ng sandatahang US ang namatay,” ani Kurt Hoyer, tagapagsalita ng Embahada ng US. “Ang operasyon ay planado at ipinatupad ng mga otoridad ng Pilipinas,” dagdag pa niya.

Ngunit ang mga pahayag na ito ay muling napatunayang pawang mga kasinungalingan sa paglabas ng mga bidyo na nagpapakita ng bangkay ng sundalong Amerikanong napatay sa Mamasapano.

Ayon sa mga ulat sa midya, ang bidyo ay nakuha diumano ng isang mamamahayag sa telebisyon mula sa isang source sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Idinetalye ng bidyo ang mga pag-uusap ng mga rebeldeng Moro habang kinukuha nila ang mga bangkay ng mga patay matapos ang bakbakan.

Ang paglabas ng bidyo ay lalong naglantad sa direktang kamay ng US sa palpak na

operasyon sa Mamasapano. Dati nang ipinahayag ng grupong Suara Bangsamoro at ng independent fact-finding mission ang posibilidad na kasali ang isang sundalo ng US sa mga napatay sa Mamasapano, batay sa mga testimonya ng mga saksi.

Dati na ring ipinahayag ng PNP Board of Inquiry (BOI) na may anim na sundalong Amerikanong naroroon sa tactical command post ng PNP-SAF. Indikasyon ito sa namumunong papel ng US sa buong operasyon sa Mamasapano. Iniulat din ng BOI na inutusan pa nga ng isang Amerikano ang isang Pilipinong heneral na paputukan ng kanyon ang mga sinususpetsang pwersa ng MILF.

Pandarahas at pang-aaresto ang itinugon ng pulisya sa protesta ng Anakbayan at mga organisasyon ng kabataan sa Maynila laban sa Asia-Pacific Economic Cooperation meeting at pagpapanumbalik ng base militar ng Estado Unidos (US) sa bansa noong September 16.

6 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

makinig sa mga matatag na anti-imperyalista tulad nina Luna at Apolinario Mabini, mas pinili pa ni Aguinaldo na sumunod sa mga mungkahi ng mga traydor na sina Pedro Paterno at Felipe Buencamino na tahasang nagmungkahi na sumuko sa mga Amerikano.

Isinulong ni Luna ang paglunsad ng pakikidigmang gerilya laban sa mga Amerikano habang nagtatayo ng isang hindi maigugupong kuta sa kabundukan ng Kordilyera. Ngunit hindi na ito naisakatuparan nang pataksil siyang pinapatay ni Aguinaldo.

Katulad sa ginawang pagpapatay ni Aguinaldo kay Andres Bonifacio, ang Supremo ng

Ipagpatuloy ang anti-imperyalistang adhikain ni Heneral Antonio Luna

Marapat na parangalan at pagpugayan bilang bayani si Heneral Antonio Luna. Si Luna ay isa sa mga lider ng rebolusyong Pilipino ng ika-19 na siglo na matatag na nanindigan laban sa kalupitan ng mga mananakop na Amerikano at sa pagtataksil ng ilang pinunong Pilipino sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan.

Ipinanganak si Luna noong taong 1866 sa Binondo, Maynila sa isang angkang ilustrado o mga Pilipinong edukado. Nag-aral siya bilang kemiko at naging isa sa mga prinsipal na personalidad ng Kilusang Propaganda noong siya ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral sa Espanya.

Kagaya ng maraming mga kapwa niya ilustrado, hindi naging pabor si Luna sa rebolusyon noong umpisa. Marami sa mga ilustrado ay takot na maapektuhan ng isang armadong pag-aalsa ang kanilang mga ari-arian na walang kasiguraduhang makamit ang tunguhin.

Ngunit ang matinding panunupil ng mga Kastila, lalo na ang pagpatay kay Jose Rizal, ay nag-udyok kay Luna na ialay ang kanyang husay sa pakikidigma sa panig ng rebolusyon bilang punong heneral ng sandatahang Pilipino.

Nagwagi ang mga Pilipino laban sa mga Kastila, ngunit dumating ang imperyalistang US upang agawin ang bagong napanalunang kalayaan. Isinuko ng mga Kastila ang Pilipinas sa mga bagong mananakop sa ilalim ng Tratado ng Paris noong Disyembre 1898. Sa halip na maghanda sa pagdating ng mga Amerikano, nahulog ang pamunuan ni Presidente Emilio Aguinaldo sa maling paniniwala sa magandang tunguhin ng mga imperyalista.

Nagsimula ang labanan sa pagitan ng US at Pilipinas nang pinaputukan ng mga tropang Amerikano ang mga tropang Pilipino sa Sta. Mesa, Maynila noong Pebrero 4, 1899. Pinamunuan ni Luna ang mga Pilipino laban sa mga tropang Amerikano na nagsagawa ng matinding pang-aabuso sa mga Pilipino, katulad sa pagmamasaker, panununog, pagnanakaw, at panggagahasa ng mga kababaihan.

Tinagurian bilang isa sa mga pinakamahusay na heneral sa panig ng mga Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano, plano ni Luna ang pagtatatag ng isang disiplinado at nagkakaisang sandatahan ng mga Pilipino. Ngunit imbes na

Katipunan, nangamba siyang maging banta sa kanyang pamumuno si Luna. Sa dakong huli, dumanas ng sunud-sunod na pagkatalo ang mga pwersang Pilipino sa ilalim ni Aguinaldo at kalaunan siya ay sumuko sa mga Amerikano noong taong 1901.

Nagpapatuloy ang hamon sa mga kabataan at mamamayan na tahakin ang landas na inihawan ni Luna. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang dominasyon ng imperyalismong US sa bansa. Nananatiling malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino sa ilalim ng mga kasalukuyang papet na rehimen na nagpapatuloy sa kasaysayan ng kataksilan nina Buencamino at Paterno.

Napapanahong ipalaganap ang halimbawa ni Heneral Luna at iba pang anti-imperyalistang bayani ng Digmaang Pilipino-Amerikano upang gawing inspirasyon sa pagsulong ng nagpapatuloy na pambansa demokratikong pakikibaka sa kasalukuyan.

Ang pagpapalabas ng pelikulang Heneral Luna nitong nagdaang mga linggo ay pumukaw sa interes ng kabataan at mamamayan sa kasaysayan ng Digmaang Pilipino-Amerikano, isang kabanata ng kasaysayan ng bansa na matagal nang tinangkang burahin sa isip ng bayan. Dahil sa patuloy na pagtindi ng krisis at sa patuloy na paghahari ng Estados Unidos (US), lumalawak ang pagnanais ng kabataan at mamamayan na balik-aralan ang kasaysayan at baguhin ang kasalukuyang kaayusan.

Mag-aral ng kasaysayan, baguhin ang lipunan! Mga babasahin at pelikulang makabayan: • History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo• The Philippines: A Past Revisited at The Philippines: A Continuing Past ni Renato Constantino• Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero (http://www.padepaonline.com/pag-aaral-sa-lipunan-at-rebolusyong-pilipino/lipunan-at-rebolusyong-pilipino)• Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya ni Jose Maria Sison (http://www.padepaonline.com/pag-aaral-sa-lipunan-at-rebolusyong-pilipino/makibaka-para-sa-pambansang-demokrasya) • Imperyalismo, Ang Pinakamataas na Yugto ng Kapitalismo ni V.I. Lenin (http://marx2mao.net/Lenin/IMP16.html)• Sosyalismo: Utopyan o Siyentipiko ni Frederick Engels (http://marx2mao.net/M&E/SUS80.html) • Ang Imperyalismong US at Paglaban ng Sambayanang Pilipino ni Jose Maria Sison (http://josemariasison.org/ang-imperyalismong-us-at-paglaban-ng-sambayanang-pilipino/) • Sa Liyab ng Libong Sulo (https://www.youtube.com/watch?v=64Z9P0VKOwY) • Ang Kaaway (https://www.youtube.com/watch?v=x4s0O6Fm4UA)

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2015

Mula sa UPV city campus, nag-walkout at nagmartsa ang mga estudyante sa kahabaan ng General Luna Ave. bitbit ang mga makukulay na plakard at bandera patungo sana sa kapitolyo para sa isang programa. Ngunit hindi pa nakalalayo sa kampus, hinarang na sila ng daan-daang anti-riot police bitbit ang mga kalasag at batuta. Binuwag ng pulisya ang martsa, pinaghiwa-hiwalay at ikinordon.

Labing-isa ang hinuli at sinampahan ng gawa-gawang kaso na “disobedience to lawful order” at hindi pagsunod sa city ordinance 194, na nagtatalaga sa Lapaz Plaza bilang freedom park. Dalawa rito ang propesor ng UP na sina Gretchen Velarde

na nagtuturo ng history, at Erick Aguilar na propesor ng literatura at isa ring Palanca awardee.

Ang iba pang mga dinakip ay sina Rea Ogoy, Randy Vergara at Ana Marie Primalion, mga istap ng Bayan-Panay; Rene Paredes at Winefredo Doblizo ng KMU-Panay, mga lider ng kabataan at estudyanteng sina Gabyel Rei Guillen at Bryan Bosque na tagapagsalita ng Anakbayan-Panay; Reylan Vergara na secretary general ng Panay Alliance Karapatan, at Hope Hervilla, tagapangulo ng Bayan-Panay.

Mariing kinundena ng Katipunan ng Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa

UP) ang pag-aresto sa dalawang propesor at siyam na iba pa.

“Ang naganap na dispersal ay tahasang paglabag sa aming karapatan para sa mapayapang pagkilos at kalayaang magpahayag ng aming demanda,” ayon kay Raoul Daniel Manuel, pagkalahatang tagapangulo ng KASAMA sa UP.

Sa panukala ng gubyerno, kakaltasan ng P2.2 bilyon ang badyet ng UP mula sa P13.143 bilyon noong nakaraang taon patungong P10.896 bilyon sa susunod.

Dagdag pa ni Manuel, ipinapakita lamang ng insidente na hindi nalalayo ang rehimeng Aquino sa diktadurang Marcos. Ipinangatwiran ng mga lokal na opisyal at pulis ang pagbuwag sa protesta bilang bahagi ng pagpaseguro diumano ng “seguridad” ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) ministerial meetings na isinagawa sa Iloilo mula Setyembre 21 hanggang Oktubre 6.

“Marapat lang magprotesta laban sa APEC meeting na instrumento sa pagtutulak ng mga patakaran ng komersyalisasyon ng edukasyon, K-12 at pagtataas ng matrikula. Walang karapatan ang pulisya na dahasin ang mamamayan,” ayon kay Manuel.

Dahil sa malawak na pagkundena, pinalaya din ang mga nahuli matapos ang ilang oras. Noong Setyembre 28, sinampahan ng kasong kriminal ang mga pulisya na nandahas at dumampot sa mga nagprotesta. Kinundena din ng administrasyon ng UP Visayas ang panunupil.

“Hindi kami magpapatinag. Lalabas kaming muli sa kalsada para igiit ang aming karapatan sa abot-kayang edukasyon para sa lahat,” ani Manuel.

Iloilo City – Dahas ang itinugon ng estado sa mahigit 500 mga estudyante mula sa UP Visayas (UPV) at kanilang mga propesor na nagsagawa ng protesta para kundenahin ang P2.2 bilyong kaltas-badyet ng unibersidad noong Setyembre 24.

Batas Militar sa Iloilo City: rali laban UP budget cut dinahas, 11 inaresto

Serye ng walkout sa UP, inilunsad laban sa budget cutMuling nagwalkout sa kanilang mga klase ang libu-libong mga iskolar ng bayan sa iba’t ibang kampus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa buong bansa upang ipakita ang kanilang pagtutol sa P2.2 bilyong pagkaltas sa badyet ng pamantasan sa panukalang pambansang badyet para sa 2016.

Daan-daang mag-aaral at guro ang nagprotesta sa UP Diliman at UP Manila noong Setyembre 24. Aabot sa 300 ang nagwalkout sa UP Cebu samantalang dinahas naman ng pulis ang martsa ng daan-daang mga estudyante ng UP Visayas sa Iloilo City (basahin ang kaugnay na balita).

Mahigit 400 namang mag-aaral ng UP Visayas Tacloban College at UP School of Health Sciences sa Palo, Leyte ang nagwalkout noong Oktubre 2.

Ayon kay UP Student Regent Mico Pangalangan, ang kaltas-pondo sa UP at edukasyon ay sang-ayon sa plano ng gubyerno na itulak ang higit na pagtataas ng matrikula, paniningil ng mga bayarin at komersyalisasyon ng edukasyon.

Samantala, kinundena ni Kabataan Partylist ang espesyal na probisyon na isinama sa 2016 budget na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga State Universities at Colleges (SUCs) na utusan ang kanilang mga mag-aaral na boluntaryong magtrabaho sa konstruksyon.

Maaari ring gamitin ang mga estudyante bilang manggagawa para sa mga gawaing pang-akademiko, pananaliksik, ekstensyon, at administratibo bilang bahagi ng kanilang praktikum na binabayaran lamang ng P25 kada oras.

“Akala po natin wala nang polo y servicios dahil panahon pa ‘yun ng Espanyol. Pero ano ito? May probisyong hinahayaang gawing construction worker ang mga estudyante kapalit ang barat na P25 na sahod,” ani Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon.

8 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Neri Colmenares: Fighter ng bayan sa Senado! Inihayag na noong Setyembre 30 ang pagtakbo ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares para sa Senado sa darating na halalang 2016. Inahayag ito sa Ikatlong Kumbensiyon ng Makabayan sa San Andres Sports Complex sa Maynila noong Setyembre 30.

Libu-libong mga kasapi ng mga progresibong partylist sa ilalim ng Makabayan at mga tagasuporta ni Colmenares mula sa iba’t ibang sektor at iba’t ibang bahagi ng bansa ang dumalo sa Kumbensyon.

Nagpahayag ng buong pagsuporta sa pagkasenador ni Colmenares ang mga

partylist na ito, kabilang ang Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, ACT Teachers, Anakpawis, Migrante, Sulong Katribu, at Piston.“Panahon na upang magkaroon ng militanteng boses ang mahihirap sa Senado. Panahon na upang magkaroon ng fighter ng bayan sa Senado,” ani Colmenares.

Inendorso rin si Colmenares nina Senador Grace Poe at Chiz Escudero, mga nangungunang kandidato sa pagkapresidente at pagkabise-presidente na dumalo sa nasabing kumbensiyon ng Makabayan. Kabilang din sa nag-endorso sina Manila Mayor Joseph Estrada at Rep. Giogidi Aggabao na nagsalita sa ngalan ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Nagpahayag ng todo-suporta ang mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Kabataan Partylist sa pagtakbo ni Colmenares at nangakong lilikha ng kasaysayan para makapagpaupo ng kinatawan ng mamamayan sa Senado.

“Dapat nating isulong sa halalan ang boses ng mamamayan: para sa pambansang industriyalisasyon, para sa lupa sa magbubukid, sahod at karapatan ng manggagawa, edukasyon para sa mamamayan, at pananagot sa gubyernong Aquino. Dalhin natin sa Senado ang tunay na boses ng bayan,” ani Sarah Elago, unang nominado ng Kabataan Partylist.

Adyenda ng Kabataan at Mamamayan sa 20161. EDUKASYON – Kinikilala ng kabataan ang mahalagang papel ng edukasyon sa lipunan kaya’t dapat isulong ang libreng edukasyon sa lahat ng antas. Tanggalin ang lahat ng anti-estudyanteng polisiya, partikular ang CHED Memorandum Order No. 3 at ang Education Act of 1982. Ipaglaban ang karapatan sa malayang pamumuno, malayang pamamahayag, at karapatang mag-organisa sa mga pamantasan. Kundenahin at biguin ang campus militarization. Hangad ng kabataan ang isang makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon na nagsisilbi sa bayan. Itakwil ang kolonyal, neoliberal at komersyalisadong sistema ng edukasyon.

2. TUNAY NA REPORMANG AGRARYO – Kinikilala ng kabataan ang malaking ambag ng uring magsasaka sa lipunan kaya’t naniniwala ang kabataang dapat isulong ang tunay na repormang agraryo. Nananawagan ang kabataan para sa libreng pamamahagi ng lupa dahil karapatan ng magsasaka na ariin ang lupang sinasaka. Dapat ding pigilan at biguin ang pang-aagaw ng lupa at Public Private Partnerships na nagdudulot ng kawalan ng lupa ng mga magbubukid.

3. NAKABUBUHAY NA SAHOD AT SAPAT NA TRABAHO PARA SA LAHAT – Malaking bahagi ng uring manggagawa ay kabataan. Kaya’t nararapat lamang na ipaglaban ang karapatan sa trabaho at nakabubuhay na sahod. Isulong ang P16,000 monthly minimum wage sa buong bansa. Dapat na bigyang halaga ang pagkakaroon ng kaseguruhan sa trabaho at iwaksi ang mga polisiyang nagtataguyod ng kontraktwalisasyon. Itakwil at biguin ang Labor Export Policy, Two-Tiered Wage System, at Regional Wage Board na pinananatili at lalong pinalalala ang pagsasamantala sa mga manggagawa.

4. MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG SOBERANYA – Sa gitna ng tumitinding girian sa West Philippines Sea, pagkaisahin ang mamamayan laban sa agresyong Tsina at interbensyong militar ng Estados Unidos . Itakwil ang mga kasunduang tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Visiting

Forces Agreement (VFA). Muling pag-aalabin ng kabataan ang diwa ng nasyunalismo at ipaglaban ang pambansang soberanya at patrimonya.

5. YOUTH ACT NOW AGAINST CORRUPTION – Patuloy na makikibaka ang kabataan laban sa sistematikong korapsyon sa pamahalaan. Patuloy din ang panawagan para sa katotohanan at hustisya, at pagpapanagot sa mga pasimuno ng ilegal na PDAF at Disbursement Acceleration Program (DAP).

6. BATAYANG SERBISYONG PANLIPUNAN – Naninindigan ang kabataan sa muling pagsasabansa at pagpapababa ng singil sa mga batayang serbisyo tulad ng kuryente, tubig at gasolina. Libreng serbisyong pangkalusugan para sa lahat at mas malaking suporta sa mga pampublikong ospital ang dapat prayoridad ng gobyerno. Buuin at itaguyod ang isang mabisa, dekalidad at libreng pangmasang transportasyon.

7. KAPAYAPAAN – Pangunahing layunin ang pagkamit ng makabuluhan at pangmatagalang kapayapaan. Kaya’t naniniwala ang kabataan na makakamit lamang ang ganap na kapayapaan kung masosolusyunan ang ugat ng armadong pakikibaka sa bansa. Nananawagan ang kabataan sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at lahat ng rebolusyonaryong grupo, tulad ng Moro Islamic Liberation Front at National Democratic Front. Dapat ding palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal.

8. KARAPATAN NG MARHINALISADONG SEKTOR – Ipaglaban ang demokratikong karapatan at kagalingan ng lahat ng mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kababaihan, pambansang minorya, LGBT, at Overseas Filipino Workers. Pawiin ang lahat ng porma ng pagsasamantala at diskriminasyon, at itaguyod ang paglahok nila sa lipunan. Dapat pakinggan at ipaglaban ang kanilang mga hinaing at karapatan.

Pinakilala sa Kabataan Partylist Pambansang Kumbensyon nitong Setyembre 28 ang mga bagong nominado ng Kabataan Partylist sa pangunguna ni unang nominado Sarah Elago (nasa pinakakanan)), ang kasalukuyang pambansang pangulo ng NUSP. Kasama niya bilang nominado sina Romina Astudillo ng Metro Manila, Vennel Chenfoo ng Mindanao, Deo Montesclaros ng Cagayan Valley, at Charmaine Chin ng Panay.