SANAYSAY

31
SANAYSAY

TAGS:

Transcript of SANAYSAY

Page 1: SANAYSAY

SANAYSAY

Page 2: SANAYSAY

Ayon kay G. Alejandro Abadilla...

Nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita-sanay at pagsasalaysay.

Page 3: SANAYSAY

Ito ay panitikang naglalahad ng opinyon, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang mahalaga, makabuluhan at napapanahong isyu.

Page 4: SANAYSAY

DALAWANG URI NG

SANAYSAY

Page 5: SANAYSAY

PORMAL O MAANYO• Sanaysay na tinatawag ding

“impersonal”• Naglalahad ng mahahalagang

kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng maka-agham at lohikal na pagsasaayos ng mga impormasyon.

• “maanyo” rin kung ito ay ituring sapagkat talagang pinag-iisipan

Page 6: SANAYSAY

• Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin

• Ang tono ay seryoso, pa-intelektwal at walang halong pagbibiro.

• Inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng mga aksyon pagkatapos.

Page 7: SANAYSAY

ANG PAG-IBIG Emilio jacinto

…Sa lahat ng damdamin ng puso ng Tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal at ang kapwa Tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, Hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaran at ang kasakiman.

Page 8: SANAYSAY

ANG NINGNING AT LIWANAG

Emilio Jacinto….Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang caruaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw…

Page 9: SANAYSAY

DI-PORMAL O MALAYA

• Mapang-aliw• Nagbibigay-saya sa

pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at personal na isyung maaaring magpakilala sa personalidad ng manunulat

Page 10: SANAYSAY

• Ang pananalita ay parang sa magkaibigan na nag-uusap lamang kaya magaan at madaling intindihin

• Palakaibigan ang tono• Maaaring maging subhektibo

ang daloy dahil maaaring magpakita ng personal na damdamin o pananaw ng may-akda.

Page 11: SANAYSAY

SANGKAP NG

SANAYSAY

Page 12: SANAYSAY

TEMA AT NILALAMAN

Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin ng pagkasulat nito at kaisipang binahagi.

Ano ang tema at nilalaman ng unang sanaysay na binasa natin? Ang ikalawa?

Page 13: SANAYSAY

ANYO AT ISTRUKTURA

Ito ang maayos at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya o pangyayari sa sanaysay.

Paano ang daloy o takbo ng sanaysay na Americanisasyon? Ang sanaysay na “Anong Uri Ka ng Kaibigan?”

Page 14: SANAYSAY

WIKA AT ISTILO

Ang wikang ginagamit ng may-akda sa pagsusulat ng sanaysay. Ito ay nakabatay sa uri ng sanaysay na isinulat.

Page 15: SANAYSAY

BAHAGI NG SANAYSAY

Page 16: SANAYSAY

PANIMULA• Ang pinakamahalagang

bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mambabasa.• Dapat nakakapukaw ng

atensyon upang ipagpatuloy ng may-akda ang pagbasa ng akda.

Page 17: SANAYSAY

KATAWAN• Sa bahaging ito ng sanaysay

makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos tungkol sa tema at nilalaman ng sanaysay.

• Dapat itong ipaliwanag nang maayos ng may-akda upang maunawaan ito ng mga mambabasa.

Page 18: SANAYSAY

WAKAS• Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay• Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang tinalakay ng sanaysay.

Page 19: SANAYSAY

KATANGIANG DAPAT NA TAGLAY

NG ISANG MABUTING

MANANAYSAY

Page 20: SANAYSAY

•May malawak na karanasan o kaalaman sa paksa•Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa•Nakapipili ng epektibo at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya

Page 21: SANAYSAY

•Malinaw at hindi matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman tungkol sa paksa•May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa

Page 22: SANAYSAY

PAGSASANAY

Page 23: SANAYSAY

Patalinghuli IntawonFrancis Lee

…Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?...

Page 24: SANAYSAY

Iba ang PinoyPrincess Canlas

….Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay maykanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugar ang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirap malaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyang panahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugong banyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit na wika…

Page 25: SANAYSAY

MAYO 31 - "WORLD NO-TOBACCO DAY'

….Walang alinlangan na alam na natin ngayon na ang paggamit ng tabako ay naging dahilan - at patuloy na nagiging dahilan - ng kamatayan at sakit sa malawakang antas. Sa mga papaunlad na bansa lamang, ang mapanganib na mga epekto ng tabako ay dahilan ng kamatayan ng hindi kukulangin sa 60 milyong tao bawat taon…

Page 26: SANAYSAY

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak

….Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito…

Page 27: SANAYSAY

Ang Paaralan sa Mata ng Mag-aaral

Marlon C. Magtira

…Ito namang isa, palagi na ngang mababa ang nakukuha sa mga pagsusulit, hindi pa nakikiisa sa mga gawain. Pilit bang sinasabi sa kanyang sarili na wala siyang kakayahan. Naaalala ko noong simula pa lamang ng pasukan, nag-ipit siya ng sulat sa aking lamesa. Sabi niya … "Sir, I'm hope that I will passed this subject because it was my third time…" O-may-gulay!!! Ano ba ito?...

Page 28: SANAYSAY

Hanggang sa matapos ang klase, kahit na anong pilit ang gawin ko para lamang makiisa siya sa mga gawin ay nandoon pa rin siya sa kanyang sariling daigdig sa sulok ng silid. Sa sumunod na taon, hindi ko na siya nakita dahil hindi pinapayagan sa aming paaralan ang pag-ulit ng aralin sa ikaapat na pagkakataon….

Page 29: SANAYSAY

Malakanyang 2060Resty Cena

…Ayon sa mga paham, sa loob ng 50 taon, pinakamaaga, nasa katanghalian na ang global warming. Ang ice sheet ng Greenland lang, kapag nalusaw, ay sapat nang magtaas ng dagat ng pitong metro! Kapag nangyari ito, ang Malakanyang ay papasukin ng tubig. Kung ang presidente natin sa 2060 ay apo sa tuhod ng kasalukuyang pangulo, ang tubig sa Malakanyang ay aabot sa kanyang baba…

Page 30: SANAYSAY

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

…Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin…

Page 31: SANAYSAY

Global Warming sa Pilipinas

…Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pag-kasira ng ating atmospera at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels…