Ang sanaysay
-
Upload
mary-borres -
Category
Education
-
view
28.419 -
download
6
Transcript of Ang sanaysay
ANG SANAYSAY
Ang sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng larangan ng mga mamamayan-pampulitika, panlipunan, pang-edukasyon, atb.
Ang sanaysay ang laging ginagamit sa pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit, sa pagsulat ng liham, pag-uulat at pananaliksik, sa paglalahad ng mga kautusan, palibot-liham at alintuintunin.
ANG KAHULUGAN NG SANAYSAY
Sa disyunaryo
-isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda.
Michael de Montaigne
-lumikha ng sanaysay
-pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring makipagtalastasan sa kanino mang mga kaibigan o kakilala.
-Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.
Michael de Montaigne
February 28, 1933- September 15, !592( age 59)
Alejandro G. Abadilla
-kilalang makata at mananaysay
-ang sanaysay at kuha sa kahulugan ng pasasalaysay na isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
- idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang liriko sa larangan ng panunugma o pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awtor.
Alejandro G. Abadilla
March 10, 1906 – August 26, 1969 (age 63)
Genoveva E. Matute
-premyadong manunulat at mananaysay
-Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa isang pakasa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-kuro, palgay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbibigay kaalaman o magturo.
-idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higot na nagpapaisip, nagpapalawak ay nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa ispa’t damdaminng-bayan.
Genoveva E. Matute
January 3,1915 – March 21,2009( age 94)
ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY
1580
-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais.
-sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akada.
1597
-nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “.
1700
-kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan ang mga yapak ni Bacon. Isa na rito sina:
Sir Thomas Izaak Walton – sumulat ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.
Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y masusi niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial.
John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy.
1800
-sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith atb.
1900
- patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay.
-bukod sa panitikan at sining naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon.
-nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnold atb.
Sa Pransya
- hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne. Binigyang lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang Pranses.
-ang mga sanaysay na isnilat ni Francois de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay si Voltaire.
-noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.
Sa Estados Unidos
-napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book na nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo sapagkat higit na matimpi ang idtilo ni Irving.
-nakilala rin ang mga sanaysay nina Ralph Waldo Emerson, John Burroughs, atb. At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang mahusay sa makata’t manunulat kundi isa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.
-kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at James Russell.
-lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla ng mga sanaysay ng ilang piling manunulat, ang The Atlantic Monthly at ang Harper’s Magazine.
Sa Pilipinas
- ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People at The Philipines.
- ang A Century Hence ni Marcelo H. del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nanguna sa pangkat ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
-Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahhusay na mananaysay sa panahong ito sina I. V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez, atb.
-Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklak nina PasculaPoblete, Lope k. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway na naglalthala ng maikling kwento at sanaysay.
-bago makidigma ang mga sanaysay ay nina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiwan ng mga tao.
- noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo,Liayway Arceo, Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.
Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla,Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa Aming Sulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza.
Sa mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala na sa sanaysay tulad ng Diwang Ginto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan
Sa mga magasin na nalathala ay ang Panitikan ni Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “ Lubos na Sumasainyo”
Si Direktor Ponciano ng Surian ng Wikang Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyang ilang piling sanaysay na nag karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika.
Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards For Literature ang pagsulat ng ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ng “Palanca” sina Pedro L. Ricarte, Virgilio Almario, Ruel Aguila, Rosario Torres, atb.
TAPOS…