SANAYSAY Powerpoint

22
SANAYSAY

description

para sa mga als learners

Transcript of SANAYSAY Powerpoint

Page 1: SANAYSAY Powerpoint

SANAYSAY

Page 2: SANAYSAY Powerpoint

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may akda. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Page 3: SANAYSAY Powerpoint

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

Page 4: SANAYSAY Powerpoint

MGA URI NG SANAYSAY

Sulating Pormal o Maanyo Sulating Di-pormal o Impormal

Page 5: SANAYSAY Powerpoint

SULATING PORMAL O MAANYO

Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Page 6: SANAYSAY Powerpoint

SULATING DI-PORMAL O IMPORMAL Ang mga sanaysay na impormal o sulating

di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

Page 7: SANAYSAY Powerpoint

BAHAGI NG SANAYSAY

PAMAGAT PANIMULA KATAWAN KONKLUSYON

Page 8: SANAYSAY Powerpoint

PAMAGAT

Ang unang salita ng pamagat ay laging nagsisimula sa malaking titik,

Halimbawa:Ang Pangarap Ko Sa BuhayAng Aking Pamilya

Ito rin ay nilalagay sa gitna

Page 9: SANAYSAY Powerpoint

PANIMULA

Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng akda.

Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo, pangungusap na nakakatawag pansin,isang sipi, pagsasaad ng punong diwa at matuwid na pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin, pambungad na salaysay

Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa para basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay

Page 10: SANAYSAY Powerpoint

PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…

Pasaklaw na PahayagInuunang pinakamahalagang impormasyon

hanggang sa mga maliliit na detalye nito Tanong na RetorikalIsang tanong na tinatanong ng nagbabasa para

hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.

PaglalarawanPagbibigay linaw at “descriptions” sa paksa

Page 11: SANAYSAY Powerpoint

SipiIsang kopya o copy galing sa ibang literaturang

gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay

Makatawag pansing PangungusapIsang pangungusap na makakakuha ng

atensyon ng mambabasa KasabihanIsang kasabihan o salawikain na

makapagbibigay ng maikling eksplanasyon ng iyong sanaysay

Page 12: SANAYSAY Powerpoint

SalaysayIsang eksplanasyon ng iyong sanaysay

Page 13: SANAYSAY Powerpoint

KATAWAN

Dito nakalagay ang iyong mga ideya at pahayag

Nagsasaad at nagpapaliwanag ng mga kaisipan o ideyang sumusuporta sa pangunahing paksa

Page 14: SANAYSAY Powerpoint

PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG…..

PakronolohikalNakaayos sa panahon ng pangyayari PaanguloPinapakita ang bawat angulo o “side” ng paksa PaghahambingPagkukumpara ng dalawang problema,

anggulo at sa iba pang paksa. Papayak o PasalimuotNakaayos sa paraang simple hanggang

komplikado at vice versa

Page 15: SANAYSAY Powerpoint

WAKAS O KONKLUSYON

Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay solusyon sa isyung tinatalakay

Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang mensahe ng buong sanaysay

Dapat nababagay sa haba ng buong talata at dapat makapag-iwan ng kakintalang di agad malilimutan

Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay

Page 16: SANAYSAY Powerpoint

PWEDE ITONG ISULAT SA PARAANG….

Tuwirang sinasabiMensahe ng sanaysay Panlahatang PahayagPinakaimportanteng detalye ng sanaysay PagtatanongWinawakasan ang sanaysay sa pamamagitan

ng isang tanong. PagbubuodAng “summary” ng iyong sanaysay

Page 17: SANAYSAY Powerpoint

Sumulat ng isang essay na ang pamagat ay “Ang Pangarap Ko Sa Buhay”

Sa Panimula-3 hanggang 4 na pangungusap Sa Katawan- 10 hanggang12 pangungusap Sa Wakas- 3 hanggang 4 na pangungusap

Page 18: SANAYSAY Powerpoint

ANG PANGARAP KO SA BUHAY

Ika-13 ng Marso,2015 PANIMULA

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pangrap sa buhay. Mithiin na gustong makamit. Ano nga ba ang pangarap ko? Bakit nga ba ko nangangarap?

Ang pangarap ay isang bagay na gusto mong matupad.

Page 19: SANAYSAY Powerpoint

Ang pangarap ang nagsilbeng gabay ng aking mga pagsisikap.Ito nalang ang inspirasyon ko na magpatuloy kahit sa mga kabiguan.Ang aking pangarap ay makapunta sana sa ibang bansa.

Gusto ko doon magtrabaho dahil malaking tulong ito sa aming pamilya at maiahon sa kahirapan. Sa kabilang dako naman,alam ko na hindi ito matupad kapag hindi ako makatapos ng high school ganoon din sa kolehiyo. Kaya,pagbutihin ko na ang pananaw ko ngayon sa buhay.Mag- aral ako sa ALS habang nagtatrabaho ng kahit ano nakakabuti sa aming pamilya at makatulong sa pag-aalaga sa aking mga bunsong kapatid.Sana makapasa na ako ngayon sa pasulit dahil magpatuloy ako sa kolehiyo upang makatapos ng kurso.

               

Page 20: SANAYSAY Powerpoint

Sa ngayon ako po ay patuloy na umaasang maisakatuparan ang tanging pangarap.Alam kong ang aking mga pangarap ay kayang abutin sa tulong ng Poong Maykapal at sa mga taong nakapaligid sa akin para maisakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap na pumasa sa pasulit.

Page 21: SANAYSAY Powerpoint

ANG AKING PANGARAP

Akala mo lang wala, pero meron..meron..meron.. Meron akong pangarap na gusto makamit at matupad. Ang aking pangarap ay aking inspirasyon upang makamtam ko ang tagumpay sa aking buhay.

Bawat tao ay may iba’t ibang pangarap. Katulad ko, ang nais kong makamit sa aking buhay ay makatapos ng pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo. Sa gayon, makakahanap ako ng marangal at magandang trabaho. Pangarap ko din na makatulong sa aking mga magulang. Gusto ko silang maiahon sa kahirapan, at patayuan sila ng lupa at bahay.

Page 22: SANAYSAY Powerpoint

Nais kong suklian ang kanilang paghihirap upang ako ay bigyan ng magandang buhay. Ayoko masayang ang kanilang sakripisyo sa wala.

Gagawin ko ang lahat upang matupad ko ang aking pangarap. Hindi ako susuko kahit maraming pagsubok ang humadlang upang makamit ito. Mananalig ako sa Diyos upang ako’y kanyang gabayan sa pagkamit ng aking minimithi.