Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

16
PHATIC, EMOTIVE AT EXPRESSIVE NA GAMIT NG WIKA Tinalakay ni: Rochelle S. Nato Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Dolores R. Taylan et.al (Akda) Aurora E. Batnag (Koordineytor)

Transcript of Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Page 1: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

PHATIC, EMOTIVE AT EXPRESSIVE

NA GAMIT NG WIKA

Tinalakay ni: Rochelle S. NatoSanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoDolores R. Taylan et.al (Akda)Aurora E. Batnag (Koordineytor)

Page 2: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Layunin:

• Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika na PHATIC, EMOTIVE at EXPRESSIVE

• Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na PHATIC, EMOTIVE at EXPRESSIVE

Page 3: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

• Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika

• Nakakasulat ng naratibo ng sariling karanasan sa gamit ng PHATIC, EMOTIVE, at EXPRESSIVE na wika

Page 4: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

• Pakinggan ang Kanta:

Kumuha ng 1/4 na papel. Isulat kung anong mga linya ng awit ang nagpapahayag ng opinyon. Isulat sa TITIK A ang mga linyang nagpapahayag ng damdamin at sa TITIK B naman ang nagpapahayag ng opinyon

Page 5: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Diyalogo 1

Thelma: Uy, napansin mo ba?Bea: Ang ano?Thelma: Si Sol. Kanina pa siya tahimik.

Parang malungkot siya.Bea: Napansin ko rin nga. Baka may

sakit siya o kaya baka may problema. Halika, lapitan natin siya

Thelma: Sol, Kumusta ka? Masama baang pakiramdam mo?

Bea: May problema ka ba? Baka makatulong kami?

Page 6: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Sol: Naku, Wala! Wala akong sakit at wala rin akong problema. Napuyatlang ako kagabi sa pagsulat ng term paper natin.

Thelma:Hay... pare-pareho pala tayo. Kami rin ni Bea napuyat sa pagtapos ng term paper

Bea: Oo nga! Mabuti naman, Sol at okey ka langSol: Oo, okey lang ako. Salamat sa inyong dalawa ha.

Page 7: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

PHATIC

Nagpapakita ng pakikipagkapwa-tao o pkikipag ugnayan.

Karaniwang maikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.

Page 8: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Diyalogo 2

Myrna: Hindi pa rin natatapos ang giyera sa Mindanao.

Lito: Sinabi mo pa. Nalulungkot talaga ako sa nangyayaring yan.Natatakot ako na baka lumala pa ang giyera.Sana huwag naman.Maraming masasayang na kabuhayan.Tiyak na lalalgaganap ang kahirapan sa Mindanao.

Myrna: Hindi lang yan! Ako nga awang- awa sa mga namamatayan ng mahal sa buhay. Lalo na yung mga batang nawawalan ng magulang. Kawawa talaga sila

Page 9: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Lito: Sana magawan ng paraan ng pamahalaan na mahinto na ng giyera at nang mgkaroon na ng tunay na kapayapaan sa Mindanao

Myrna: Ipagdasal natin 'yan.

Page 10: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

EMOTIVE

PandamdaminPagpapahayag ng mga Saloobin,

Damdamin at Emosyon

Page 11: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Diyalogo 3

Doris: Sayang talaga! Hindi ako nakapanood ng concert ng One Direction.Sobrang mahal naman kasi ng tiket. Paboritong-paborito ko pa naman sila.

Ester : Ako naman, kahit may pera akong pambili, hindi pa rin ako manonood ng concert na 'yan.

Doris: Bakit naman.

Page 12: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Ester: Hindi ako mahilig sa foreign artists. Mas gusto kong tangkilikin ang mga kanta at concert ng local artist natin. Sila ang mas pinanonood ko.

Doris: Talaga? Palagay ko, kani-kaniya naman talagang hilig 'yan. Basta ako, kahit foreign o local basta gusto ko ang mga kanta, nagiging paborito ko.

Page 13: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

EXPRESSIVE

- Ang expressive na gamit ng wika ay nakakatulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapwa.

- Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tugkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan at marami pang iba.

Page 14: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Pagsusulit 1/4 na papel

Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit ng wika

PHATIC

1______________________________

2______________________________

3______________________________

Page 15: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

EMOTIVE

1_______________________________

2_______________________________

3_______________________________

EXPRESSIVE

1_______________________________

2_______________________________

3_______________________________

Page 16: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Takdang Aralin

• Sumulat ng isang naratibo ng karanasan sa loob ng tahanan na may Phatic, Expressive at Emotive.

• Ilagay ito sa 1/2 papel