Papel Pananaliksik

8
USLS Bacolod City PAPEL PANANALIKSIK Isang Proyekto Sa FILIPINO II Pagbasa at Pagsulat: Anyo sa Pananaliksik Inihanda ni: Jessa B. Costelo Inihanda para kay: Ms. Mira Abalajon

Transcript of Papel Pananaliksik

Page 1: Papel Pananaliksik

USLS

Bacolod City

PAPEL PANANALIKSIK

Isang Proyekto

Sa

FILIPINO II

Pagbasa at Pagsulat: Anyo sa Pananaliksik

Inihanda ni:

Jessa B. Costelo

Inihanda para kay:

Ms. Mira Abalajon

Pebrero 20, 2012

Page 2: Papel Pananaliksik

PAGSUSURI

1. Uring Pampanitikan

Ang akdang pinamagatang “MGA” na isinulat ni Abdul Rahman Macaapar ay

isang maikling kuwento, dahil dito ay naigawa niyang isalaysay ang mga

mahahalagang pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan sa isang takdang

panahon.

2. Istilo ng Paglalahad

Ang nasabing maikling kuwento ay gumamit ng pagsasalaysay at

paglalarawan sa pagpapahayag ng nakikita, nadarama, naririnig at gayun din

ang naiisip ng mga tauhan sa kuwento. Sa tulong ng ating imahinasyon, ay

mabisang naisalaysay ng mayakda ang lugar na pinangyayarihan ng kuwento,

araw kung kalian ito nangyari at ang mga pamamaraan kung paano naganap

ang kuwento. Mababakas sa kuwento ang mabisang paglalarawan ng mga

tauhan, pananamit, paggalaw, maging ang kanilang desposisyon sa buhay at

pati na rin ang detelyadong mga pangyayari sa kuwento.

3. Mga Tayutay

Umaatras na rin ang kanyang buhok- ang nasabing tayutay ay isang

personipikasyon dahil ang buhok ay binibigyan ng pantaong galaw.

Parang ibon daw itong si Nema dahil piraso ang isinusubo sa

pamamagitan ng hintuturo at hinlalaki- ito ay isang pagwawangis dahil tiyakang

inihahambing ang dalawang bagay na magkaiba.

Page 3: Papel Pananaliksik

Mga animal kayo!- ito ay isang pagpapalit-saklaw dahil ipinalit ang

katawagan animal sa ngalan tao na kumakatawan sa isang pangkat.

Isang buhangin ng tao ang gilid ng kalsada-ito ay isang pagmamalabis

dahil hindi naman kasing dami o kasing liit ng buhangin ang mga taong

tinutukoy sa kuwento. Ito’y sadyang pinalalabis o eksaherasyon ng pagtukoy.

Karagatan ng mga nakahimpil,nag-iinit at umuusok na makina- ito ay

isang pagpapalit-tawag dahil nagpapalit ng ngalan o katawagan ng bagay sa

pamamagitan ng sagisag. Tulad ng pagpapalit karagatan ng tubig at makina.

Lumilipad ang kanyang isip- ito ay isang pagmamalabis dahil dito’y

sadyang pinalalabis ang pagtukoy sa kung paano gumagana ang isip.

Nangangagat ang init ng araw- ito ay isang personipikasyon dahil ditto ay

isinasalin sa karaniwang bagay ang katangiang pantao.

Labas ang utak!- ito ay isang pagmamalabis dahil ito’y sadyang

eksaherasyon ng pagtukoy.

4. Sariling Reaksyon

1. Teoryang Pampanitikan

Klasisismo.Pananalig na pinahihigitan ang kaisipan sa damdamin. Bagaman

mahirap maghanap ng trabaho, ang mga-asawa ay tiyak na makakakita si Lipoy

ng bagong mapagkakakitaan sapagkat alam nilang kwalipikado siya bati sa

kanyang mga karanasan sa ibang bansa. Masasabing ganap ang tiwala nilang

kahit malaki man o maliit ay may naghihintay na oportunidad sa kanila kaya’t di

sila nawawalan ng pag-asa. Samantalang kay Yvonne, kahit pa man mababakas

na nahihigit ang damdamin niya kumpara sa kanyang kaisipan ukol sa pag-ibig,

ay nakita din natin na bagaman masasabing superficial o walang katotohanan

ang kanyang mga nararanasan ay panatag siyang totoo ang lahat ng mga

nangyayari.

Page 4: Papel Pananaliksik

Impresyunismo.Ang pananalig na ang mga bagay ay hindi dapat ilarawan ng

masusi kundi ayon sa kakintalang naiwan sa isipan ng manunulat. Kahit sino

man ina ay mayroong karapatang masusing obserbahan ang mga gawi at

gawain ng kanyang anak. Bagaman may kakaiba sa mga kilos at gawi ng

panganay na anak, si Lita ay sadayang nagugulumihan at di tiyak sa kung ano

ang paniniwalaan niya karakter ng kanyang anak. Sa huli, ay nakita natin ang

pagsisisi ng isang ina sa pagtanim ng di mabuting binhi sa damdamin ng

kanyang anak.

Simbolismo. Pananalig na nagsasaad ng mga bagay, damdamin at kaisipan

sa pamamagitan ng mga sagisag. Maraming mga sagisag ang makikita sa

kuwento at mabisa ang pagkakagamit nito ng may-akda. Ang mga kagamitan ng

Lipoy ay nagsisimbulo ng kanyang kredibilidad at talentong hinasa na ng

panahon. Ang pagdukot ng kanyang pitaka at bag ay nagsasaad ng ipinagkait na

mga oportunidad sa mga taong katulad nina Lipoy. Ang uhaw na uhaw na

elepante ay simbulo ng hangarin ni Lipoy na makahanap ng marangal na trabaho

dahil tulad ng nasabing dambuhala, ay hahamakin ni Lipoy ang ano mang

paraan upang makahanap lamang ng trabaho. Ang kaputian ni Yvonne naman ay

nagsasaad ng kanyang pagiging martir sa pag-ibig. Ang paglaho ng itim sa

kanayang mga mata ay ang pagbubulag-bulagan niya sa kanyang kasalukuyang

sitwasyon sa buhay ni Alex. Ang bundok sa kanyang panaginip ay ang mga

pangarap na nais niyang makamit ngunit dahil sa mga balakid ay hindi niya

nakamit. Ang unti-unti niyang paglaho ay nagsasaad ng unti-unting pagkawala

ng pagpapahalaga niya sa kanyang buhay sa

2. Mga Pansinin at Puna

a) Mga Tauhan

Lipoy- isang taong punong-puno ng pag-asa, ngunit dahil sa mapait na

realidad at bagsik ng buhay ay nawalan siya ng kontrol sa mga panyayari at

tuluyan nang nawala sa kanyang isipan.

Page 5: Papel Pananaliksik

Lita- siya’y isang inang kulang sa pag-aaruga at pag-iintindi sa kanyang

anak. Hindi niya nagawang wasakin ang pader na namamagitan sa kanila ng

kanyang anak na si Edgar dahil sa kakulangan sa komunikasyon sa bawa’t isa.

Edgar- noon pa man ay kakaiba na siya sa kanyang mga ka-edad marahil

ay sa dahil sa kanyang gawi, pananalita at paniniwala. Hindi mababakas sa

kanya ang “pag-asa” na taglay ng kanyang ama dahil sa murang edad pa

lamang ay nais na niyang wakasan ang kanyang buhay.

Yvonne- siya’y isang biktima ng maling pag-ibig. Siya ay nagpapaka-martir

sa kanyang kasintahan dahil sa paniniwalang wala nang taong

makapagpapatunay na siya nga ay minsang nabuhay.

Rosalinda- asawa ni Edgar na nakasandal lamang pamilya nina Lipoy.

Alex- kasintahan ni Yvonne na mayroon nang pamilya.

b) Galaw ng Pangyayari

Ang kuwento ay binubuo ng iba’t ibang pangyayari ngunit magkaugnay ang

lahat ng mga ito. Ang daloy ng mga pangyayari ay di-gaanong mabilis, ngunit

maraming mga kaganapan ang sumasanga sa mga tauhan sa kuwento.

3. Bisang Pampanitikan

a) Bisa sa Isip

Masasabing may kahirapang intindihin ang mga pangyayari sa kuwento

ngunit sa aking pananaw at batay sa aking pagkakaintindi, naiwan sa aking

isipan ang iba’t ibang dimensyon na mayroon ang buhay, pagpapahalaga at

isipan ng tao. Tulad ng mga tauhan sa kwento, mapapatunayan na bawa’t isa ay

may kanya-kanyang pananaw sa buhay at sa buhay na mayroon ang bawat isa.

Sa pagbasa ng kwento, mas lalo mong magagamit ang imahinasyon at masusing

Page 6: Papel Pananaliksik

pagiintindi sapagkat may mga bagay na kailangang intindihin higit sa literal na

lebel.

b) Bisa sa Damdamin

Mayroong mga kaganapang tulad ni Lipoy ay punong-puno ako ng pag-asa

at mayroon ding tulad ni Yvonne ay natakot at naguluhan. Pagsisisi naman ang

naramdaman ko para kay Lita, dahil hindi niya nagawang ipadama kay Edgar

ang pagaaruga at pagmamahal ng isang ina dahil hindi niya nagawang

magtagumpay laban sa kanyang mga pagdududa at takot sa karakter ng

kanyang anak. Naiintindihan ko naman ang dinaramdam ni Edgar sapagka’t iba

talaga ang lumaki sa pagmamahal ng isang ina. Nasasayang ako sa buhay ni

Yvonne dahil sa nasayang lamang ito sa maling pag-ibig at pagiging martir sa

maling sitwasyon.

c) Bisa sa Kaasalan

Hindi ako ang nasa katayuang maaring magbigay ng anumang tiyak o

tamang desisyon ukol sa isang sitwasyon, lalong-lalo na yaong sa mga kritikal na

bagay at pangyayari. Gayun pa man, sa ano mang sitwasyon ng pagtataka,

pagkabahala o di kaya’y pagdududa mayroon tayong makakapitan- ang

Panginoon. Hindi lamang sapat ang pananalangin at walang humpay na pag-asa,

sapagka’t kailangan nating maniwala at magtiwala sa kung Sino ang lubusan

nating pinagkakatiwalaan. Malaki rin ang ginagampanan ng komunikasyon sa

pagpapanatili at paglilinang ng relasyon ng bawat tao. Ito’y isang esensyal na

sangkap ng pagkakaisa sa layunin at pagkakaintindihan ng isang pamilya.

d) Bisa sa Lipunan

Batay sa kwento, masasabi kong mayroong malaking salik ang lipunang

ating ginagalawan sa mga desisyong ating ipinupursigi at sa mga

pagpapahalagang ating binubukod sa ating sarili. Kung ito’y mababasa at

mailalahad sa nakararami, matitiyak na mas papahalagahan ng bawat isa ang

kultura ng ating bansa, hindi lamang dahil sa kahusayan ng pagkakasulat ngunit

Page 7: Papel Pananaliksik

dahil sa kwentong ito, ay naisasalamin ang mayabong at makulay na kabihasnan

mayroon tayong mga Pilipino. Sa diwa naman ng kwento, maraming mga

mambabasa ang mas lalo pang magpapahalag ng buhay na mayroon sila hindi

lamang dahil mas nakalalaman sila ngunit dahil ito’y ipinagkaloob ng Maykapal.