Pananaliksik for Mr. Tiongson

download Pananaliksik for Mr. Tiongson

of 73

Transcript of Pananaliksik for Mr. Tiongson

Pananaliksik

Ano ang Pananaliksik? Ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teoriya, pagsubok sa teoriya o paglutas ng isang suliranin. Halimbawa: kung ang ating mga eksperto sa bigas ay naghahanap ng pinakamahusay na uri ng bigas ayon sa dami ng ani bawat ektarya, sarap at katatagan nito, tayo naman ay naghahanap ng teoriya. Kung sinsabi natin na ang paggamit ng modules ang pinakamahusay na parran ng pagtuturo at gusto nating patunayan ito, tayo ay magsusuri ng teoriya.

Sa mga ganitong sitwasyon na hindi agad malutas ang suliranin, kailangan natin ang pananaliksik.

Kung minsan kailangan natin ang mga materyales para sa ilang layunin. Halimbawa : kailangan nating ang pagsusulit upang sukatin ang mga pagpapahalaga ng mga mag-aaral natin ngayon sa kanilang sistema kasama na ang kasidhian. O di kaya y kailangan nating makagawa ng isang aklat na panturo ng isang asignatura.

Sa dalawang kasong nabanggit, ang mga materyales ay kailangang subukin para matiyak ang kabisaan ng mga ito. Dapat isanib sa materyales ang mga kailangang pagwawasto at pagbabago bunga ng isinagawang try out. Ang dalawang halibawang ito ay nangagailangan din ng pananaliksik at sa lenggwahe ng pananaliksik tinatawag silang P at D o Pananaliksik at Paglinang na uri ng pananaliksik.

Sa talakayang ito, nailahad ang pananaliksik sa layuning makabuo ng teoriya, subukin ang teoriya at maghanda ng mga materyales. Maari ring ituring na ang pakakatulad nila ay isang problema. At pag may problema, kailangan ang pananaliksik para malutas ito.

Sa higit na maliwanag na pananalita, binigyang kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, empirical at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

Ang pananaliksik ay sistematiko kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa: pagtukoy sa suliranin pag-uugnay ng suliranin sa mga umiiral na teoriya pangangalap ng datos pagsusuri pagpapakahulugan sa mga datos na ito pagbuo ng kongklusyon, at pagsasanib ng mga kongklusyong ito sa batis ng karunungan. Sa kaso ng P at D, sinusubok muna ang mga nagawang materyales bago maisama sa batis ng karunungan.

Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang ng imbestigasyon ay nakaplano. Walang puwang sa ganitong Gawain ang mga likhang isip at panghuhula.

Ang suliranin ay lubusang binibigyang linaw, ang mga baryabol ay tinutukoy at ang mga instrument ay maingat na pinipili o nililinang at ang mga kongklusyon ay batay lamang sa mga datos na nakuha. Samakatuwid ang mga kongklusyon at rekomendasyon ay batay sa mga natuklasan.

Sa sandaling makolekta na ang mga datos, mapapasakamay na ang mga ebidensya para patunayan, o pawalang-saysay ang hinuha o palagay na binalangkas sa simula pa lamang ng imbestigasyon. Ang mga empirical na datos na ito ang siyang bubuo ng batayan ng mga konklusyon.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang lahat ay kontrolado kaya t ang sinumang tagamasid sa imbestigasyon ay magkakaroon ng lubos na tiwala sa resulta. Dahil sa ginamitan ng kontrol ang pananaliksik, eksakto at tama ang mga resultang inaasahan. Ang busong Gawain ay nakahanda para sa kritikal na paghusga sa kabuuang pananaliksik.

Ang buong paligid natin ay puno ng suliranin. Sa komunidad na ating tinitirhan ay maraming problema. May mga suliraning medaling malulutas subalit ang ibang suliranin ay masalimuot at nangangailangan ng plano at mga hakbang, na kinasasangkutan ng lugar at tao. Ito ang isang pinagmumulan ng suliranin.

Sa loob ng klasrum na inyong tinitigilan habang kayo ay nakikipag-interaksyon sa inyong mga kamag-aaral at guro, maraming suliranin ang lubalabas. Kabilang dito ang iba t ibang asignaturang inyong pinag aaralan. Mula rito maari kayong pumili at makatukoy ng suliraning nakaakit ng inyong interes.

Ang diyaryo, magasin at dyornal ay mapaghahanguan din ng mga suliranin. Habang binabasa ang mga ito, maaari kayong makaisip ng suliranin na maari ninyong pagaralan para sa inyong tesis.

Ang ilan sa mga istudyante ay umaasa na lamang sa kanilang mga guro, magulang at kaibigan sa paghanap ng suliranin. Tunay na nakasisiya sa isang guro na makitang ang kanyang istudyante ay nakapipili ng suliranin sa sarili niyang sikap at hindi umaasa sa iba.

Anu-ano ang mga Katangian ng isang Mahusay na suliranin?

Anu-ano ang mga Katangian ng isang Mahusay na suliranin? Mahalaga na may interes ka rito. Kailangan ay may kapaki-pakinabang na halaga ito sa iyo, sa iyong paaralan, o komunidad Dapat ay hindi pa ito lubhang nasasaliksik. Ito ay dapat na nagtataglay ng bagong kaisipan Kailangan ay saklaw ito ng iyong karanasan. Dapat na matapos sa loob ng panahong itinakda, halimbawa isang semester o isang taon depende sa asignatura na ngangailangan nito Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid.

Paano inilalahad ang Suliranin?

Paano inilalahad ang Suliranin? Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin o mga suliranin. Sa simula, ang suliranin na iyong napili ay maaaring napakalawak. Kung sakali, ito ay kailangang gawing tiyak. O ang pangunahing pangkalahatang suliranin ay maaaring gawing maliliit at tiyak.

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?1.) Magbasa ng maraming babasahin. Ang iyong paksa ay malawak sa dahilang wala kang gaanong kaalaman dito. Kaya marahil ay kailangan magsarbey ka pa ng literature. Halimbawa, ang napili mong paksa ya tungkol sa interes.

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?2.) Bilang unang hakbang, ibigay ang kahulugan ng interes. Kunin ang kahulugan sa iba t ibang sanggunian. Matutong magtala at sumulat ng mga kahulugan sa kard. Magbasa ng mga aklat na sinulat ng mga banyagang awtor. Kumunsulta rin sa mga local na awtor sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga aklat sa edukasyon at sikolohiya.

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?3.) Ipagpatuloy ang pagbabasa ng literature. Ano ang sinsabi ng mga awtor tungkol sa interes?

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?4.) Anong espesyal na aspekto ng interes ang iyong natipon? Maari ka bang magbigay ng ilang baryabol? Ito ba y interes sa mga laruan o sa mga babasahing iyong nakita? Ang seks ba ay may kaugnayan sa pagkakaiba ng interes? Ang mga grupo ba ng iba t ibang antas ng lipunan ay may pagkakaiba rin ang interes?

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?5.) Magbasa ng mga pag-aaral na ginawa tungkol sa interes. Anu-ano ang mga resulta ng mga nasabing imbestigasyon? Anu-anong mga baryabol ang kanilang ginamit? Ang lahat ng mga resulta ay dapat isulat sa kard o kapirasong papel, isang mananaliksik sa bawat pahina.

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?6.) Sa puntong ito, nadedelimitahan mo na ang malawak na suliranin. Maaring handa ka nang pumili ng iyong mga baryabol, isa o dalawa lamang, dahil sa ikaw ay baguhan pa lamang. 7.) Napagdesisyunan mo na ba kung sino ang iyong pag-aaralan? Ang mga kalahok mo ba y mga mag-aaral sa elementary o mas matatanda nang mga mag-aaral?

Paano Ginagawang Tiyak ang Suliranin?8.) Maari mo nang ipahayag ang iyong suliranin. Pag-aralan ang iyong mga baryabol na napili, gayon din ang mga kalahok na iyong gagamitin. Ipahayag ang suliranin sa pormang patanong. Isaisip na maari mo pa ring baguhin ang suliranin pagkatapos, datapwa t sa praang ito ay mayroon ka nang nasimulan.

Paano Isusulat ang Pamagat ng Imbestigasyon

Nararapat na maging tiyak ang pamagat dahil ito y tutugon sa isang layunin gaya ng mga sumusunod:a) Nilalagom nito ang paksa ng buong pag-aaral. b) Ito ang batayan ng buong pag-aaral c) Maaangkin mo na ang pag-aaral ay talagang sa iyo. d) Ito y makatutulong sa ibang mananaliksik na sumangguni sa iyong ginawang pag-aaral habang sila mismo ay nagsasarbey ng ilang teorirya.

Ang pamagat ay dapat na nasusulat nang maliwanag at tiyak. Mas mabuti kung ang mga baryabol na kasama sa pag-aaral ay nakasulat at kasama rin sa pamagat. Ginagawa nitong mas tiyak ang pamagat.

Nasa ibaba ang ilang pamagat ng mga pananaliksik. Inilalahad sa Hanay 1 ang mga pamagat na kailangang rebisahin. Ipinakikita naman ng Hanay 2 ang inayos na mga pamagat.1. Isang Pag-aaral Tungkol sa mga Underachievers Isang Pag-aaral sa Interes ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan Isang Sarvey sa Oportunidad na makapag trabaho at mga Programang Pagsasanay Isang Pag-aaral sa Bisa ng Feedback sa natamo ng mga Istudyante1. Ang mga Underachievers sa Ikaanim na Baitang at mga salik na Naging Sanhi ng Kanilang Underachievement. Ang mga Interes ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay at ang Kaugnayan Nito sa Ilang Baryabol Mga Oportunidad sa Pagtatrabaho at Programang Pagsasanay Para sa mga Wala sa Paaralang Kabataan sa Isang Komunidad. Ang mga Epekto ng Feedback sa Tagumpay sa Agham ng mga Magaaral sa Unang Taon ng mataas na Paaralan ng Lakandula

2.

2.

3.

3.

4.

4.

Paano Magagawang Mas Tiyak ang mga Tanong?

Pag-aralan ang mga tanong na nasa ibaba. Pansinin kung paano binago ang mga ito gaya ng ipinakikita sa ikalawang hanay. Makgagawa ka na ba ng mga tiyak na tanong para sa pag-aaral na iyong binabalak?a) Paano nagkakaiba-iba ang interes ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon ng mataas na paaralan? b) Paano nagkakaiba ang kawilihan sa mga laro ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon. a) Paano nagkakaiba-iba ang mga interes ng mga magaaral n lalaki at babae na nasa ikalawang taon ng mataas na paaralan? b) Paano nagkakaiba sa kawilihan sa laro ang mga lalaki at mga babae na nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan?

Ano ang Haypotesis?

Kahit paano, sa inyong pag-aaral mayroon kayong mga hula o prediksyon na binubuo kaugnay ng kalalabasan. Maaring ang mga ito y pabigla-biglang mga palagay subalit sa oras na matapos kayo sa pagsasarbey ng mga kaugnay na literature handa na kayong maglahad ng tunay na haypotesis.

Ayon kay Gay (1976), ang haypotesis ay pansamantalang paliwanag para sa mga tiyak na gawi o kaasalan, mga bagay na hindi pangkaraniwan o mga pangyayaring naganap o magaganap. Ipinahahayag nito ang iyong mga inaasahan tungkol sa pagkakaugnay ng mga baryabol sa iyong pananaliksik.

Sinasabi ni McGuigan (1978) na ang haypotesis ay isang maaring subuking pahayag tungkol sa potensyal na ugnayan ng dalawa o mahigit pang baryabol.

Anu-ano ang mga Tungkulin ng Haypotesis? Isineset nito ang iyong kaisipan sa simula pa lamang ng iyong pag-aaral. Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng iyong imbestigasyon. Nakakatulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyong ng mga datos na iyong pagaaralan

Anu- ano ang mga katangian ng Mabuti o Mahusay na Haypotesis? Ito y dapat na mgaing makatwiran. Nangangahulugan ito na may pinagatayan ang haypotesis para maging makatwiran. Dapat nitong ipahaya gna relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol. Ito y pwedeng subukin o Suriin Ito y dapat na batay sa datihang mga resulta

Anu-ano ang mga Uri ng Haypotesis? Paano Ito Nagkakaiba?a) Null Hypothesis (Walang Bisang Palagay/Haypotesis) Ang ibig sabihin, ipinalalagay na walang pagkakaiba, relasyon, pagkakaugnay, epekto o interaksyon. Ang null ay nangangahulugang hindi nakikita/hindi totoo.

Anu-ano ang mga Uri ng Haypotesis? Paano Ito Nagkakaiba?b) Alternative hypothesis (alternatibong Palagay) Ito ang kabaligtaran ng null hypothesis. Ipinahihiwatig nito na ang palagay ay may pagkakaiba, pagkakaugnayan, epekto o interaksyon sa mga baryabol. Ang null hypothesis ay kadalasang inirerekomenda ng mga istatistisyan para gamitin sa pag-aaral dahil sa sinssabi nila an ang pagkakamali sa pagtanggap o pagtanggi sa haypotesis ay maiiwasan kung ang null ang siyang gagamitin. Ang alternatibong palagay ay kadalasang batay sa teoriya. Kung ang mga literaturang iyo nang nasarbey ay nagsasabi na ang mga lalaki ay mahusya sa matematika, iyo nnang ipinalagay ang parehong prediksyon. Ito ang tinatawag na alternatibo, o research hypothesis.

Ano ang ibig Sabihin ng Lawak at Limitasyon? Ang lawak ng iyong pag-aaral ang nagtatakda kung saan at kalian isasagawa ang pag-aaral at kung sino ang mga kalahok na pag-aaralan.

Ano ang ibig Sabihin ng Lawak at Limitasyon? Ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng imbestigasyon na maaring makaapekto nang masama sa resulta subalit wala kang control. Maging matapat na mabuti sa pgapapahayag ng limitasyong ito. Kung naninirahan ka sa probinsya at ang iyong mga kalahok ay galing sa iyong komunidad, maari mong sabihin na ang iyong imbestigasyon ay may malawak na epekto kung isasama mo ang mga tagabayan.

Bakit Kinakailangang Ipaliwanag ang ilang terminolohiya sa Iyong Pananaliksik? Tulad ng nabanggit na, ang isa sa unang dapat mong gawin sa iyong pag-aaral ay pagbibigaykahulugan sa mga importanteng terminolohiya. Ito y ginagawa sa layuning maipaalam sa iyong mambabasa ang pinaghanguan ng nasabing kahulugan.

Paano Mo Ibibigay ang Kahulugan O Ipaliliwanag ang mga Terminolohiya?

Depinisyong Konseptwal tumutukoy ito sa mga depinsiyon na matatagpuan sa mga diskyunaryo o talatinigan. Ityo y adademiko o unibersal na kahulugan na ibinigay sa salita o grupo ng mga salita. Ityo y kahulugan na nauunawaan ng maraming tao at karaniwang mas abstrak o mahirap unawain at mas pormal kaysa sa depinisyong operasyonal

Paano Mo Ibibigay ang Kahulugan O Ipaliliwanag ang mga Terminolohiya?

a) Depinisyong Konseptwaltumutukoy ito sa mga depinsiyon na matatagpuan sa mga diskyunaryo o talatinigan. Ito y unibersal na kahulugan na ibinigay sa salita o grupo ng mga salita. Ito y kahulugan na nauunawaan ng maraming tao at karaniwang mas abstrak o mahirap unawain at mas pormal kaysa sa depinisyong operasyonal

Paano Mo Ibibigay ang Kahulugan O Ipaliliwanag ang mga Terminolohiya?

b) Depinisyong Operasyonal/Funcional definition- ito y tumutukoy sa tiyak na kahulugang ginamit sa iyong pag-aaral. Kung gumagamit ka sa iyong pag-aaral ng instrument na susukat sa interes, ang iyong depinisyon ng interes ay ibabatay sa kung ano ang sinusukat ng pagsusulit. Kung gayon, ang depinisyon ang syang nag-o-opereyt o gumagalaw sa iyong imbestigasyon.

Ano ang Baryabol?

Ito ay katangiang may dalawa o higit pang halaga na mutually exclusive. Ang mga baryabol ay mga constructs o mga katangian na iyong iniimbestigahan sa pag-aaral. Kung kapwa mo ginagamit ang mga lalaki at babae, ang kasarian (sex) ay baryabol dahil ito ay may dalawang halaga. Kung ang iyo namang tinuturuan ay mga high achievers, normal achievers at low achievers baryabol ang achievement.

Anu-ano ang mga Uri ng Baryabol?

Malayang Baryabol. Sa payak na pakahulugan, ito ang tinatawag na sanhi. Ito ang batayan ng pagbuo ng pangkat. Kung ikaw ay nag-eeksperimento ng tiyak na pamamaraan ng pagtuturo at may tatlo kang pangkat ng mga achievers para ito subukin, ang kakayahan ay isang malayang baryabol. Sa sinundang pag-aaral, kung susubukin ang pamamaraan sa mga lalaki at babae, ang seks ay isang pang baryabol.

Di-Malayang Baryabol Ito ang kinlabasa on layunin ng pag-aaral. Sa halimbawang nabanggit sa itaas, ang achievement ay ang dependent variable. Ang dahilan ng ating eksperimento sa pamamaraan ng pagtutuor ay upang mabatid kung ito ay epektibo; kung ito y makakaapekto sa achievement. Sa simpleng lengguahe, ito ang resulta; ang malayang baryabol naman ang sanhi.

Baryabol na Mababago. Ito ay ang baryabol na maaaring mabago o manipulahin. Kung ikaw ay may dalawang pangkat ng kalahok at iyong itinalaga sa mga treatment, ang treatment ditto ay isang manipulable variable.

Di-mababagong Baryabol Ang seks ng mag-aaral ay di maaaring palitan: ang mga babae ay di mapapaliatan para maging lalaki. Samakatwid, ang kasarian ay non-manipulable variable. Gayundin ang kalagayang sosyo-ekonomiko, kakayahang pangkaisipan, edad, lahi (race) at aptityud ay mga non-manipulative variables

Ano ang Teoriya at ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na Literatura?

Ipinahiwatig sa unang bahagi ng aklat na ito na kinakailangan mong magbasa ng maraming literatura tungkol sa iyong paksa. Ito ang tinatawag na Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura o Review of Related Literature. Nagsasarbey ka ng mga kaugnay na literatura upang malaman mo ang mga teoriya. Ang Teoriya ay isang malaking tipak ng impormasyon na kaugnay ng iyong paksa.

Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teoriya? Tinutukoy ang simula para sa suliraning sinasaliksik sa pamamagitan ng paglalahad ng mga puwang (gaps), mahihinang puntos, at mga inkonsistensi sa naunang pananaliksik. Ito y nagbibigay sa pga-aaral ng balankas ng konseptwal o teoretikal para mabigyang katwiran gna pangangailanga sa imbestigasyon.

Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teoriya? Nagbibigay ito sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pananaliksik na ginamit, ang populasyon at sampol na isinaalang-alang, ang mga instrumentong ginamit sa pagtitipon ng mga datos at mga pagsusuring istatistikal na ginamit o inilapat sa naunang pananaliksik.

Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teoriya? Pinagsasama-sam nito ang lahat ng constructs o mga konsepto na kaugnay sa iyong paksa para sa imbestigasyon. Ang teoriya ay nagbibigay-daan sa mga tiyak na katanungan para sa iyong imbestigasyon.

Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teoriya? Ipinakikita niot ang mga relasayon ng mga baryabol na naimbestigahan na. Ang proesesong ito ay nagbibigay-daan upang Makita ang paksa kaugan ng resulta ng dati nang nailahad.

Ano ang mga Layunin ng Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura? Ito ay nagbibigay ng balangkas na konseptwal o teoretikal ng pinaplanong pananaliksik. Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga dating pananaliksik na may kaugnayan sa layunin ng iyong pag-aaral. Nagbibigay ito ng kumpiyansa sapagkat sa pamamagitan ng pagsisiyasat o pagsusuri ng kaugnay na literature malalaman mo ang lahat ng constructs na kaugnay na iyong pag-aaral

Ano ang mga Layunin ng Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura? Nagbibigay ito sa iyo ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pananaliksik na ginamit, ang populasyon at sampol na isinaalang-alang, ang mga instrumentong ginamit sa pagtitipon ng mga datos at mga pagsusuring istatistikal na ginamit o inilapat sa naunang pananaliksik.

Ano ang mga Layunin ng Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura? Ito ay nagbibigay ng mga resulta at mga kongklusyon ng mga nakaraang imbestigayson na maaaring may relasyon sa iyong mga natuklasan at kongklusyon.

Paano Isinasagawa ang pagrerebyu ng mga Kaugnay na Panitikan/Literatura? Matapos mong mapili ang suliranin para sa iyong pag-aaral, ang iyong sarbey ng literature ay magiging mas tiyak at mapag-iisipang mabuti. Ang iyong unang hakbang ay magbasa ng aklat kahit sa iyo lamang pribadong aklatan.

Paano Isinasagawa ang pagrerebyu ng mga Kaugnay na Panitikan/Literatura? Pumunta sa aklatan. Magbasa-basa ng mga aklat, magasin, dyornal, peryodikal o pahayagan, ensayklopedya of tesis para sa posibleng literatura. Maging matiyaga sa pagbabasa ng mga material na ito.

Paano Isinasagawa ang pagrerebyu ng mga Kaugnay na Panitikan/Literatura? Ito y hindi mgagawa sa isang upuan lamang. Babalik ka sa aklatan nang maraming ulit. Ang lahat ng iyong mga tala ay kinakailangang nakasulat sa mga index crds. Maglaan ng isang card para sa isang awtor or source.

Ano ang dalawang uri ng Kaugnay na Literatura? A. Literaturang Konseptwal(conceptual Literature) Ito ay tumutukoy sa mga artikulo o aklat na sinulat ng mga awtoridad na nagbibigay ng opinyon , karanasan, teoriya o mga ideya kung ano ang mabuti at masama, kanais nais at di kanais-nais na saklaw ng suliranin.

Ano ang dalawang uri ng Kaugnay na Literatura? B. Panriserts na Literatura Ito y tumutukoy sa mga ulat ng tunay na pag-aaral na ginaw ng ilang mananaliksik.