Ang papel pananaliksik *filipino11"
Transcript of Ang papel pananaliksik *filipino11"
Ang Papel
Pananaliksik
•Ay produkto ng isang proseso ng paghahanap ng mga makatotohanang impormasyon na kinakailangan upang mapatunayan ang isang phenomenon. Isinasagawa ito ito sa pamamagitan ng pagpapatunay (o di pagpapatunay) sa mga teorya o panukala, o mga pamamaraan o Sistema na nais pag-aralan.
•Dumaraan ang nagsusulat ng papel pananaliksik sa isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado, at walang kinikilingan. Kinakailangang masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o haypotesis na siyang pinakasentro ng pananaliksik.
•Isa pang layunin ng papel pananaliksik ay ang makahanap ng solusyon sa isang problema. Ang mananaliksik ay karaniwang naghahanap ng mga kaalaman mula sa iba’t ibang mapagkukunan nito sa gayon ay makakuha ng mga datos na kakailanganin upang masolusyonan ang inilahad na problema.
•Tunay na mahalaga ang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pagsulat ng simpleng papel pananaliksik ang mga mag-aaral na tulad mo upang lubusan kang maihanda sa pagdulog mo sa higit na mataas na antas ng pag-aaral.
Bahagi ng kabanata
•Panimula- Nagpapaliwanag ang bahaging ito ng malawakang paglalarawan ng pag-aaral at bumabanggit ng mga sitwasyon o pahayag ng mga awtoridad upang ipaliwanag kung bakit isinasagawa ang pananaliksik.
•Sanligan ng Pag-aaral- Makapagbibigay ng ideya na naging dahilan upang isagawa ang pag-aaral ang bahaging ito. Binabanggit din dito ang mga impormasyon hinggil sa lugar tulad ng lokasyong heyograpikal, kultural, at demograpikong katangian, politikal, ekonomiko, at iba pa depende sa ginagawang pag-aaral.
•Balangkas Teoretikal- Nagsasaad ang bahaging ito ng dahilan kung bakit ang mananaliksik ay humahanap ng mga bagong datos sa susuriin, ipapaliwanag, at lalagumin. Nagbibigay rin ang bahaging ito ng balangkas na nagsasaad ng teorya ng mga awtor na pinagbabatayan ng pag-aaral upang maipakita ang kaugnayan ng mga baryabol sa pag-aaral.
•Balangkas ng Konseptuwal at Paradigma ng Pag-aaral- Ang bahaging ito ay nagsasaad ng konsepto ng mananaliksik o mga ideya niya hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Dapat magkaroon ng paradigma ng pananaliksik na kinabibilangan ng pinagbabatayan (input) proseso (process) at kinalabasan (output). Ang paradigma ay kinakailangang ipaliwanag ng mananaliksik.
Pinagbabatayan Proseso Kinalabasan
•Paglalahad ng Suliranin- Ang paglalahad ng suliranin ang nagsasaad ng direksiyon upang masagot ang mga tiyak na katanungan. Nahahati ito sa pangkalahatang suliranin at sa mga kaugnay na tiyak na suliraning maaaring ipahayag nang patanong o pasalaysay.
•Palagay/Hinuha- Ang palagay o hinuha ay bahagi ng pananaliksik na kailangang patunayan o suriin. Ang palagay ay tinatanggap bilang katotohanan batay sa obserbasyon o batay sa umiiral na mga konsepto na batay sa mga naunang pag-aaral.
•Haypotesis- Ito ay pangungusap na isinasagawa kung naglalahad ng estadistikang paghahambing o naglalayong matiyak ang kaugnayan sa pagitan ng mga baryabol.
•Kahalagahan ng Pag-aaral- Dito ay iniisa-isa ng mananaliksik ang magiging kahalagahan ng pag-aaral sa kanyang target audience.
•Saklaw ng Delimitasyon ng Pag-aaral- Inihahanay ng mananaliksik sa bahaging ito ang limitasyon ng kanyang pag-aaral. Binabanggit kung ilan ang kanyang respondents at ano lamang ang saklaw ng paksang pinag-aaralan.
•Pagpapakahulugan sa Terminolohiya- Sa bahaging ito, bibigyan ng katuturang operasyonal (operational definition) ang mga salitang gagamitin sa pananaliksik. Ang katuturan ay ipaliliwanag ayon sa pagkakagamit sa pag-aaral.
Etika ng Pananaliksik
•Paggalang sa karapatan ng iba•Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential•Pagiging matapat sa bawat pahayag•Pagiging obhektiko at walang kinikilingan
Katangian at Pananagutan
ng isang Mananaliksik
•Masipag at Matiyaga•Maingat•Masistema•Mapanuri