xa.yimg.com · Web viewNaipaliliwanag sa sariling paraan ang kahulugan, katangian, kahalagahan...
Embed Size (px)
Transcript of xa.yimg.com · Web viewNaipaliliwanag sa sariling paraan ang kahulugan, katangian, kahalagahan...
Saint Louis University
SCHOOL OF TEACHER EDUCATION
Navy Base Campus, Claro M. Recto Rd, Saint Joseph Village
Baguio City, Philippines
(074) 447-0664
OUTCOMES BASED SYLLABUS sa PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
(FilILIPINO 2- BEED/BSED)
I. BISYON AT MISYON NG INSTITUSYON
Ang Paaralan ng Edukasyong Pangguro ay naglalayong maging mahusay na institusyon sa edukasyong pangguro na nagnanais na maging tagapanguna sa paghuhubog at pagsasanay ng mga edukador na may kakayahan, malikhain, nakikisangkot sa lipunan, at may pagpapahalagang kristiyano tungo sa inklusibong edukasyon.
Kristiyanong Pamumuhay. Upang mapaunlad ang mga mag-aaral sa anumang disiplina na may maka-Kristiyanong pilosopiya ng edukasyon na sang-ayon sa pagpapahalaga sa dignidad ng bawat mag-aaral.
Pagkamalikhain. Maglaan sa mga mag-aaral ng mga kaalaman at kakayahang magtataguyod ng pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip at mahusay na pananaliksik na kinakailangan para sa pambansang kalinangan. Makahanap ng mga malikhaing pamamaraan at kaparaanan upang gumanap bilang isang nagsasariling yunit at mapanatili ang pangmatagalang pag-unlad at kalinangan.
Kakayahan. Upang hubugin sa mga mag-aaral ang pagmamahaI at dedikasyon sa napiling propesyon.
Panlipunang Pakikilahok. Upang hubugin ang mga mag-aaral na may pagmamalaki sa kanilang kalinangan at pagkakakilanlan; maging ganap na mulat at tumutugon sa mga edukasyonal na pangangailangan ng lokal, rehiyonal at pambansang komunidad.
II.BUNGA NG PROGRAMA
Pagkatapos ng programa ng BEED/BSED, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pangkalahatan:
Nagagamit nang mahusay ang malawak na kaalaman sa wika, gramatika, at literatura ng Wikang Filipino na umaangkop sa Kristianong pilosopiya ng edukasyon sa lahat ng larangan ng komunikasyong pasalita at/o pasulat upang magng kritikal, aktibo, at tumutugong mamamayan ng lipunan.
Tiyak na kurso:
Pagkatapos ng Programang BEED/ BSED ,ang mga mag-aaral ay inaasahang :
KAALAMAN
naipapakita ang mga batayan at higit na mataas na antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat, komunikasyon, pagbilang, mapanuring pag-iisip at iba pang mga kasanayan na kinakailangan para sa mas mataas na pagkatuto;
naipapakita ang malalim at may paninindigang pag-unawa sa mga proseso ng pagkatuto at ng tungkulin ng guro sa pagpapadaloy ng mga prosesong ito sa kanilang mga mag-aaral;
naipapakita ang malalim at may paninindigang pag-unawa sa paraan ng pagkakaugnay ng mga prosesong edukasyonal sa mas malawak na prosesong historikal, sosyal, kultural, at politikal;
naipamamalas ang makabuluhan at komprehensibong kaalaman sa asignaturang kanilang ituturo.
KASANAYAN
nailalapat ang malawak na hanay ng mga kasanayan sa proseso ng pagtuturo (kabilang ang paglinang ng kurikulum, pagpaplano ng aralin, paglinang ng mga kagamitan, pagtataya, at mga pagdulog sa pagtuturo);
nalilikha mula sa mga alternatibo ang pagdulog ng pagtuturo, sinusubok na may kabatiran at tinataya ang kabisaan nito tungo sa pagpapabuti ng pagkatuto ng mga mag-aaral;
naipadadaloy ang makabuluhang pagkatuto ng mga mag-aaral na may ibat ibang kaligiran at kapaligiran sa pamamagitan ng paggamit ng malawak na hanay ng kaalaman at mga kasanayan sa pagtuturo;
nalilikha ang isang inklusibo at kaaya-ayang kapaligiran na magtataguyod sa kakayahan ng lahat ng mag-aaral;
KAASALAN
naisasagawa ang propesyonal, etikal at inklusibong mga pangangailangan sa propesyon ng pagtuturo;
napagninilay-nilayan ang mga ugnayan ng mga kasanayan sa proseso ng pagtuturo, ang pagpoproseso ng pagkatuto sa mga mag-aaral, ang kalikasan ng asignatura, at ang mas malawak na pwersa ng lipunan na humahadlang sa paaralan at sa prosesong edukasyonal upang patuloy na mapaunlad ang kaalaman, kasanayan at gawi sa pagtuturo;
Naipamamalas ang pagkukusa at kakayahan upang patuloy na matuto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kasamahan at mga dalubhasa sa kanilang mga larangan upang maisakatuparan ang kanilang mga misyon bilang mga guro; at
Pagpapahalaga :
naipakikita nang malalim at may paninindigang pag-unawa sa proseso ng pagkatuto at ng tungkulin ng guro sa pagpapadaloy ng mga prosesong ito sa mga mag-aaral upang maitaguyod ang pagiging makabayan;
nalilikha ang isang inklusibo at kaaya-ayang kapaligiran na nagtataguyod sa kakayahan ng lahat ng mag-aaral; at
naisabubuhay ang mga Krsitiyanong pagpapahalaga sa kanilang personal at propesyonal na gawain bilang isang Louisian sa serbisyo ng misyon ng CICM.
III. BILANG NG KURSO
FILIPINO 2
V. PAMAGAT NG KURSO
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
VI. DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kursong ito ay nagbibigay pokus sa pagtatamo ng mga mag-aaral ng mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat bilang kanilang kasangkapan sa pagkatuto tungo sa pagsasagawa ng sariling pananaliksik. Sasaklawin din ng kursong ito ang pagpapalawak ng mga mag-aaral ng kanilang kaalaman sa pagbasa sa ibat ibang disiplina na magiging kasangkapan nila sa pag-unawa sa ibat ibang genre ng nakasulat na teksto. Lilinangin din ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan at kasanayan sa pagsasagawa ng isang payak na pananaliksik (action research) na nakaugnay sa kanilang disiplinang kinabibilangan.
VII. BUNGA NG KURSO
Pagkatapos ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
KAALAMAN
nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay at/o pagpapaliwanag sa mga teorya, simulain, pagdulog at metodo sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
natutukoy ang kahalagahan ng sariling wika sa pagtalakay sa mga teorya, simulain, pagdulog at metodo sapagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
naipaliliwanag ang mga layunin ng edukasyon sa pagtuturo ng pagbasa at pagsulat;
naisasagawa ang isang payak na pananaliksik tungkol sa ibat ibang estratehiya, kagamitang pampagtuturo, pagdulog at metodo sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
KAKAYAHAN
naiaangkop ang mga estratehiya, kagamitang pampagtuturo, pagdulog at metodo sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
nakabubuo ng banghay-aralin,kagamitang pampagtuturo, at ibat ibang uri/pamaraan ng pagtataya sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat na tumutugon sa ibat ibang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral;
nakagagamit ng makabago at angkop na teknolohiya para sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
KAASALAN
nakapagsasagawa ng payak na pananaliksik tungkol sa estratehiya kagamitang pampagtuturo, pagdulog at metodo sa pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
nasusuri ang mga estratehiya kagamitang pampagtuturo, pagdulog at metodo para sa mas magaan na pagtuturo at pagtataya sa pagbasa at pagsulat;
PAGPAPAHALAGA
naipamamalas ang pagpapahalaga sa pagtuturo at pagtataya ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat tungo sa pagtangkilik sa sariling wika at kultura at sa higit na pagpapatatag ng pagkatao, pagkabansa, at pagkamamamayan;
naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtuturo at pagtataya ng mga kasanayan sa pagbasa tungo sa pagtangkilik sa sarilingwika at kultura; at
nabubuo ng pagsusulit sa pagbasa at pagsulat na umaayon sa kristiyanong pamumuhay.
VIII. NILALAMAN NG KURSO
NILALAMAN
Bilang ng oras
Bunga ng Pagkatuto
Pagtataya ng
Gawain
Mga Gawain/
Estratehiya sa Pagkatuto
Hanguan ng
Pagkatuto
PAUNA
I.
1.Batayang oryentsayon kaugnay sa asignatura:
a. Batayang deskripsyon at layunin ng asignatura.
b. Pangunahing pangangailangan ng asignatura.
c. Pagpapaliwanag sa gagamiting pormula ng paggagrado sa mga gawain.
2.Kritikal na Pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
Teoryang metakognisyon sa Pagbasa
Mga pamamaraan o teknik sa pagbasa
Mga istilo sa pagbasa
3.Pagbasa sa ibat ibang Disiplina
Tekstong Akademik
Tekstong propesyunal
Tekstong Ekspositori
4. Ang tekstong Ekspositori
Pananaliksik
-kahulugan
-katangian
-kahalagahan
-layunin
. Ang Mananaliksik
-katangian ng mananaliksik
-Mga tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik.
-Mga etika sa pagsulat na dapat malaman ng mananaliksik.
2
6
4
4
Naipaliliwanag ang batayang deskripsyon, pangangailangan at gawain ng Filipino 2
Nakapagbigay ng simple ngunit makabuluhang kahulugan ng pagbasa.
Natutukoy ang kahalagahan ng pagbasa sa isang tao
Natutukoy ang sariling istilo sa pagbasa
Natatalakay nang masinsinan ang ibat ibang anyo ng babasahin.
Natutukoy ang pinagkaiba ng mga babasahin
Naipaliliwanag sa sariling paraan ang kahulugan, katangian, kahalagahan at layunin ng pananaliksik.
Nakikilala ang mga katangianng dapat taglayain ng isang mahusay na mananaliksik
Nakapagbabahagi ng mga kaalaman hinggil sa pananaliksik.
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik.
Aktibong pakikilahok sa pagtalakay at pagtatanong kaugnay ng asignatura
Pangkatang
Talakayan
Concept mapping
Larong pangwika
Pagsusuri/pagkritik
Dayadik na gawain
brainstorming
takdang Aralin
Brainstorming
Online treasure hunt
Pananaliksik
Recitation
pakikipanayam
mabaha at maiksing pagsusulit
Tanong at sagot at pagpapasulat ng mga inaasahan sa asignatura
.
Pagbuo ng sariling pagpapakahulugan sa