Jueteng [Pananaliksik]

21
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Juetengay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa seksyon na IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010- 2011. Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mga mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges: _____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro) _____________________________ Bb. Jessilyn Ranges

Transcript of Jueteng [Pananaliksik]

Page 1: Jueteng [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,

ang pananaliksik na ito na pinamagatang

“Jueteng”

ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa seksyon na IV – St.

Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at

inihanda ng mga mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na

paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan

sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________

Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

Page 2: Jueteng [Pananaliksik]

PASASALAMATPASASALAMAT

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod dahil sa kanilang

kontribusyon at naitulong para sa pananaliksik na ito

Kay Bb. Jessilyn D. Ranges, ang aming guro sa Filipino, sa pag-gabay,

pagturo at pagtulong sa paggawa ng pananaliksik na ito.

Sa aming mga respondent na naglaan ng oras upang kanilang masagutan

ang aming mga sarbey-kwestyoner.

Sa aming pamilya, sa pagsuporta at pagbigay-kaalaman upang matapos ang

pananaliksik na ito.

Sa aming mga kamag-aral na nagbigay din ng kanilang mga nalalaman.

Muli, maraming salamat po.

Page 3: Jueteng [Pananaliksik]

TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D. KATUTURAN NG MGA TALAKAY

E. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PAG-AARAL”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANALIKSIK

D. TRITMENT NG MGA DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON

Page 4: Jueteng [Pananaliksik]

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Page 5: Jueteng [Pananaliksik]

A. INTRODUKSYON

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng malawak na

impormasyon at kaalaman sa inyo tungkol sa Jueteng. Ang jueteng ay isang

iligal na paglalaro na ginagamitan ng mga numero. Ang salitang jueteng sa

hango sa salitang Tsina na nangangahulugang bulaklak(jue) at taya(teng).

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Kahirapan ng ating bayan. Karamihan saating mga mamamayan ay

nag-jujueteng /nagpapa-jueteng dahil sa kahirapan ng ating bayan.

Dahil kung hindi naman mahirap ang ating bayan tiyak mayroon silang

marangal na trabaho at hindi mauuso ang jueteng.

2. Kawalan ng maayos na maaaring pagkakitaan. Isa pang sanhi ng

jueteng ay ang kawalan ng maayos na pwedeng pagkakitaan ng mga

tao, dahil kung mayroon namang maayos at marangal na trabaho na

maininigay sa bawat tao hindi sila papasok sa mundo ng jueteng.

3. Kawalan ng kooperasyon mula sa iba’t ibang ahensya ng

pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit hindi mapuksa-puksa ang

jueteng, dahil hindi inaasikaso ng mga ahensya ang pagtatrabaho nila

at ang iba sakanila ay kasangkot sa jueteng.

4. Matinding kahirapan ng mga Pilipino na sanhi ng kurapsyon sa

pamahalaan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit pumapasok ang

isang tao sa mundo ng jueteng dahil kung hindi dahil sa korapsyon

hindi sila maghhirap.

5. Ang madaling pagkita ng pera sa Jueteng. Madaling magkapera

sa jueteng kaya madaming tao ang nagpapa-jueteng kahit alam nilang

ito ay bawal.

Page 6: Jueteng [Pananaliksik]

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang aking pag-aaral tungkol sa jueteng ay mahalaga para

malaman kung bakit maraming tao ang nahuhumaling at naloloko sa

jueteng, kahit alam nilang ito ay ilegal. Mahalaga ang pananaliksik na ito

upang malaman ang mismong ugat ng pagpapa-jueteng ng mga tao,at kung

bakit nila ito ginagawa.

Isa pang kahalagahan ng aking pag-aaral tungkol sa jueteng ay

para malutasan na ang problemang ito. Para malaman ng mga ahensya kung

paano nila ito mapupuksa.

D. KATUTURAN NG MGA TALAKAY

Ang jueteng ay hango sa salitang galing sa Tsina na

nangangahulugang bulaklak(jue) at taya(teng). Ito ay isang ilegal na laro

gamit ang mga numero. Kahit na ito ay ilegal ito ay popular na laro, ito ay

nilalaro ng mga mayayaman at mahihirap na tao. Ang jueteng ay walang tax

kaya malaki ang kinikita ng mga jueteng operators. Sinasabing may daya din

sa larong ito.

Kahit anong gawin ng gobyerno hindi pa rin nila masugpo-sugpo ang

mga pagpapa-jueteng ng mga tao, at ang kahirapan ay patuloy na

lumalaganap sa ating bansa.

Subalit sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada ay nagsabi na ang

juetang ay dapat gawing legal para ang mga profit ay mapunta sa

gobyaerno. Subalit ito ay hindi pinaunlakan ng ating Pangulo na si Pangulong

Aquino at siya’y gumawa ng plano katulong ang Department of Interior and

Local Government at ang Philippine Nayional Police na labanan at tapusin

ang jueteng sa Pilipinas.

E. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Page 7: Jueteng [Pananaliksik]

Sa pananaliksik na ito tatalakayin ang mga sumusunod:

1. Mga dahilan kung bakit nag-jujueteng ang mga tao.

2. Kung bakit hindi mapuksa-puksa ng gobyerno ang jueteng.

3. Kung dapat bang gawing legal ang jueteng.

Page 8: Jueteng [Pananaliksik]

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Page 9: Jueteng [Pananaliksik]

Ang Jueteng ng Saudi

Mainit ngayon ang usapin ng iligal na sugal sa ating bansa. Ito raw ay

maihahalintulad sa isang sakit na hindi mawala-wala. Mapamayaman,

mahirap o kahit pa yung mga nasa kapangyarihan hirap umiwas sa bisyong

ito. Nasa kultura na raw kasi nating mga Pilipino ang pagkahilig sa sugal -

ligal man ito o labag sa batas.

Pero ang nakakagulat hindi lang pala sa ating bansa talamak ang

problemang ito. Umabot na maging sa ibang bansa at ang operator ng mga

iligal na pasugalan sangkot ang mga Pilipino! Sa Saudi Arabia nakilala namin

si "Jun" at "Greg", Bangkero at Kabo ng "Last Three" ang bersiyon nila ng

Jueteng sa Saudi. Kahit na alam nilang mahigpit ang batas ng Saudi sa sugal

hindi pa rin sila nagpapigil. Sa mahigit isang dekada nila sa kanilang sideline,

hindi pa raw sila nahuhuli. Ayon sa kanila dagdag daw ito sa kanilang

kakarampot na kita.

Kalat na raw sa buong Middle East ang operasyon ng Last Three at

dahil libo-libo ang tumataya malaki raw ang nagiging prize money. Pero kahit

sina "Jun" at "Greg" hindi tiyak sa kanilang magiging kapalaran. Gaya kasi ng

mga numero na kanilang pinatatayaan. walang katiyakan kung hanggang

kailan papabor sa kanila ang kapalaran.

Sa ating bansang Pilipinas tinangka na ng gobyerno natin na alisin ang

jueteng ngunit hindi nila mapuksa puksa ito. Sabi pa nina Juan Ponce Enrile

at Jinggoy Estrada na dapat gawing legal ang jueteng para ang mga

benepisyo nito ay mapunta sa gobyerno. Dalawa pang gobernador ang

sumang-ayon nag awing legal ang jueteng iyon ay sina Ramon Revilla at

Gringo Honassan. Kaya nila gusting maging legal ang jueteng para marami

ang makinabang sa perang kinikita,dahil kapag nagging legal ang jueteng

magkakaroon ito ng tax. Ngunit hindi ito piunlakan ni Pangulong Aquino at

Page 10: Jueteng [Pananaliksik]

siya’y gumawa pa ng plano katulong ang Department of Interior and Local

Government at ang Philippine National Police na labanan at tapusin na ang

jueteng sa Pilipinas. Itinatag ni Pangulong Aquino ang one strike pilocy. Ang

one strike pilocy ay isang batas na kung saan ang pag-alis at pagpalit sa

mga lahat ng mga pulis sa mga lugar kung saan may jueteng ay

ipinapatupad.

Page 11: Jueteng [Pananaliksik]

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Page 12: Jueteng [Pananaliksik]

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay ginawa ayon sa disenyo ng pamaraang

maimpormasyon na pananaliksik, dahil sa pananaliksik na ito makakakuha

tayo ng impormasyon at idea kung paano malulutasan ang problema sa

jueteng sa pamamagitan ng kanilang mga dahilan.

B. MGA RESPONDENT

Ang napili naming respondent para sa pananaliksik na ito ay ang mga

taong may edad 25 pataas.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Ito ay isang talatanungan para sa mga taong nagpapa-jueteng,tumataya sa

jueteng at hindi nag-jujueteng sa West Fairview Quezon City. Kami ay

gumawa ng labing-limang(15) SET A at SET B na sarbey-kwentyoner at

dalawampung(20) SET C sarbey-kwestyoner.

Ang unang set ng sarbey ay para sa mga taong nagpapa-jueteng. Ang

ikalawang set naman ay para sa mga taong tumataya/tumatangkilik sa

jueteng. Ang pangatlong set naman ay para sa mga taong hindi lumalahok

sa jueteng.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Dahil ang sarbey lang naman ang aming ginamit binilang lang namin

ang pinakamarami nilang magkakaparehas na sagot at saka binigyan ng

konklusyon.

Page 13: Jueteng [Pananaliksik]

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 14: Jueteng [Pananaliksik]

Kami ay nagsarbey sa limampu na katao na may edad 25-pataas sa

West Fairview, Quezon City, upang malaman ang kanilang mga dahilan,

saloobin at mga idea sa jueteng. Ang pagsasarbey naming ay nahahati sa

tatlong pangkat ng mga tao at tatlong set ng sarbey-kwestyoner. Ang unang

pangkat ay ang mga taong nagpapa-jueteng at ang kanilang sarbey

kwestyoner ay ang SET A. Pangalawa ay ang mga taong tumataya o

tumatangkilik sa jueteng at ang kanilang sarbey-kwestyoner ay ang SET B.

pangatlo ay ang mga taong walang kinalaman sa jueteng at ang kanilang

sarbet-kwestyoner ay ang SET C.

URI NG SARBEY-KWESTYONER

SET A: Para sa mga nagpapa-jueteng

SET B: Para sa mga tumataya sa jueteng

SET C: Para sa mga hindi nagpapa-jueteng at hindi nag-jujueteng

Page 15: Jueteng [Pananaliksik]

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 16: Jueteng [Pananaliksik]

A. LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang mapuksa ang jueteng sa

pamamagitan ng mga dahilan ng mga tao kung bakit sila nag-jujueteng. Ang

mga dahilan nila ay dapat na marinig ng gobyerno para matugunan ang

kanilang kailangan para matapos na ang jueteng.

B. KONKLUSYON

Maraming epekto ang pagjujueteng ng mga tao sa ating gobyerno.

May masamang epekto rin ito sa mga tao.

Maraming dahilan kung bakit nag-jujueteng, nagpapa-jueteng ang mga

tao. Ang unang dahilan ay ang kahirapan sa buhay. Kaya sila nag-jujueteng

dahil wala silang mahanap na trabaho at kung hindi sila magtatrabaho wala

silang makakain. Isa lamang ang jueteng sa sanhi kung bakit maraming

Pilipino ang nagtatrabaho sa iligal na samahan.

Nalaman namin na maraming tao ang hindi sumasang-ayon sa

pagjujueteng.

C. REKOMENDASYON

Sa kasong ito aming nirerekomenda na dapat mahigpit na

binabantayan ng mga nasa mataas na pwesto ang mga nangyayari

sakanilang bayan,baranggay o komunidad para kung may nasabing

nagjujueteng sakanilang lugar madali itong mawawala at hindi na lalaki ang

samahang iligal na iyon. Dapat ding aksyunan agad ng mga ahensya ang

mga issue na naririnig nila para matapos ito agad.