Pagsulat ng Lathalain LECTURE.ppsx

download Pagsulat ng Lathalain  LECTURE.ppsx

of 29

Transcript of Pagsulat ng Lathalain LECTURE.ppsx

Slide 1

Pagsulat ng LathalainMs. Meden F. FadriquelaSPA - NEU-HS DepartmentNew Era, Quezon City

Balitang may puso ito ang lathalain. Taliwas sa tuwirang balita na nabubuo lamang ng kalansay ng pangyayari, ang lathalain ay may laman at dugo ganap na katauhan-lumuluha, tumatawa, sumasayaw at nagdaramdam.

Ang Lathalain

Malaya at maluwag ang paraan ng pagsulat, ang lathalain ay hindi natatakdaan ng anumang istilo. Hindi nakabilanggo ang manunulat sa uri ng sulating ito. Hindi nakakahon. Ang alinmang simula o wakas ng lathalain ay maaaring tanggapin bastat itoy makaaantig ng damdamin ng mambabasa. Ang tanging itinakda sa ganitong sulatin ay ang pagpapatingkad ng emosyon.

Nakaaaliw o nakasisiya. Dito ang personalidad ng manunulat ay nabibigyan ng buong kalayaan. Maaari siyang lumikha tulad ng isang alagad ng sining. Maari niyang masdan at sundan ang isang ideya na magka-anyo, magkahugis at lumaki sa isang kabaguhang sadyang kanya matalino ang feature kung matalino ang manunulat.

Katangian ng Lathalain

2. Ito ay Kawili-wili Sabihin ang ibig sabihin sa isang kapansin-pansing paraan. Sa ganito magagawang matalos ng mambabasa hindi lamang kung ano ang nangyari kundi makikita, maririnig, madarama at malalasa niya ang pangyayari.

Kung ang isusulat ay ukol sa sirkus, kinakailangang maipakita, maiparinig, maipaamoy at maipalasa ang ukol sa sirkus- ang ukol sa nagsasayaw na elepante, ang paghahabulan at pagtutuksuhan ng mga tsonggo at iba pa. Nangangahulugan na buong-buong naihahatid sa mambabasa ang lahat ng karanasan ng manunulat sa loob ng sirkus, at ito ay kailangang maisulat agad sa unang pangungusap o linya ng lathalain.

3. Ang pagsulat ng Lathalain ay tulad sa paglalaro ng magic. Sa pamamagitan ng malikot at mayamang guni-guni ng manunulat ay naaaninag ang paksa mula sa pinakapayak mang pangyayari.Pagkatapos makapili ng paksang may ipinangangako, siya ay magsisimula na. Sisiyasatin niya ang lahat ng pangyayari o facts na may kinalaman sa paksa. Hanggat hindi niya nabibigyan ng kasiyahan ang sarili ay hindi siya titigil sa pagkalap ng mga detalyeng mapapakinabangan sa pagsulat.

4. Ang lathalain ay hindi basta na lamang buong kahiwagaang nabubuo sa isipan ng manunulat. Hindi ito tulad sa mga sulating pampanitikan na pagkaraang makaisip ng paksa ay susulat na lamang at magsisimulang mangarap. Manapay ang feature ay bunga ng masikhay na pagmamasid at pagsisiyasat. Karaniwan na ang isang manunulat ng feature ay nakaharap sa isang mabigat na suliranin.

Ang pagsulat nito ay batay sa isang karaniwang pangyayari.

Ito ay maisusulat sa isang bagong paraan, kahit pa ang paksa ay palasak na.

Ang isang lumang paksa o ideya ay magiging maganda sa paningin kung ito ay magmumukhang bago.Ito ang pananagutan ng manunulat, ang humanap ng paraan upang ang isang lumang paksa ay maging bago sa paningin ng iba.

Ang paksa ay batid ng halos lahat ng mambabasa. Ang mga karaniwang pook, pangyayari, bagay ay lalaging malapit sa damdamin ng mambabasa.

2. Ang paksa ay kailangang masiyasat nang buong husay. Lahat ng detalye na maaaring makapagpatingkad ng paksa ay kinakailangang mapasama sa pagsulat.

Mga Kailangan sa Pagsulat ng Feature

3. Ang kuwento o salaysay ay kailangang nauukol sa mga ideya, pangyayari. hayop, tao at mga bagay na buhay.

4. Ang mga tauhan ay kinakailangang bigyan ng layang makapag-isip at makapagsalita. Ditoy mahalagang gumamit ng mga salitaan (conversation) maging ito ay tuwiran o di tuwiran; hayaang ang tauhan ay magsalita ng karanasan sa kaniyang sariling pangungusap.

5. Ang panimulang talata ay kailangang makakaantig kaagad ng damdamin ng mambabasa.

6. Ang pangalawang talata o parapo ay hindi maiiwan hinggil sa kawilihang naipasok na sa unang talata.

7. Kailangang magkaroon ng pataas nang pataas na pagbuo ng interes.

Ang wakas ay makapagpapakunot ng noo ng mambabasa sapagkat siyay mahihikayat na mag-isip, mag-usisa, o sumalungat sa wakas ng manunulat.

9. Bagamat ang lathalain ay sinusulat upang kawilihan, ang iba ay itinatalagang maglahad ng mahahalagang balita sa isang nakasisiyang paraan.

10. Bagamat ang nilalaman ng lathalain ay mahalaga, karaniwang ang istilo o paraan ng pagsulat ang higit na binibigyang halaga.

11. Walang istilo o paraan ng pagkakasulat na magiging makatwiran kung anglarawang naipinta o naipakita sa mambabasa ay hubad sa katotohanan.

Mga Dapat Iwasan Paggamit ng maanghang na salita at biro na makasusugat sa damdamin ng mambabasa o kayay maglalagay sa tauhan sa kakatwang katayuan.

2. Pag-iwas sa mga paksang walang kabatiran ang mambabasa.

3. Pagsusulat nang hindi ganap na nasisiyasat ang lahat ngdetalyeng nauukol sa paksa.

Pagsulat ng Lathalain Ayon kay P.B. Pineda ng Surian ng WikangPambansa, ang uring ito ng sulatin ay buong kasiyahang maisasagawa ng mga may pagsasanay na sa pagsulat ng tuwirang balita.

Ang lathalain ay gumagamit ng mga pangyayari bilang buod na paksa, na dapat ay pambihira at umaantig sa kawilihan, bukod sa kasiyahan ng mambabasa.

Ang lathalain ay nakatutok sa kawilihang bisa ng emosyon. Sa ibang salita, itoy kailangang nag-aangkin ng salik ng kawilihang-tao.

Ang lathalain ay walang iniwan sa karaniwang katha na ang susing layunin ay umantig ng damdamin, at inaantala ang tugatog ng kawilihan.

.

Pagkatapos ng makatawag pansing simula,isinusunod ang iba pang pangyayari sa pataas nang pataas na paraan at pagdating sa karurukan ay biglang sasambulat ang inantalang sarap ng sampilas na karanasan.

Mahalagang tandaan na ang lenggwahe ng lathalain ay katulad din ng sa balita: payak tuwiran mabisa Hindi mabulaklak, hindi sentimental, hindi maligoy.

Kailangang ang katawan ay may kaisahan, kaugnayan at empasis. Ito aynaisasagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng punong ideya, at sa pamamagitan ng transisyon sa buong kahabaan ng pagsasalaysay, sa pagwawaksi sa mga bagay na di-kailangan at pag-uugnay ng itinabing bagay sa punong ideya. Ang transisyon ng mga talata ay kailangang madulas, makinis at hindi paudlot-udlot.

Alituntuning tagubilin:Tiyakin kung ano ang pangunahing ideya o impresyon na ibig ipahayag tungkol sa paksa. -Ang unang pangungusap ay dapat magpakilala sa ideya o impresyon, samantalang ang huling pangungusap ay dapat mag-iwan nang makahulugang impresyon tungkol sa paksa.

2. Sikaping ilarawan ang katauhan o personalidad ng taong kausap, kung interbiyu ang sinusulat; ang anyo ng lugar; kung paano ang pakiramdam ng nakasaksi sa pangyayari. - Piliin ang detalyeng makahulugan. Tandaan ang mga paraan ng pagsasalita, ibat- ibang mga ingay, amoy at tanawin.

3. Ipakita kung ano ang kahalagahan ng paksa sa buhay ng babasa ng artikulo.

Mga Uri ng Lathalain: Lathalaing Pabalita - batay sa napapanahong pangyayari o balita.

2. Lathalaing nagpapabatid binibigyang diin nito ang impormasyo at ang sangkap ng pangkatauhang kawilihan ay pangalawa na lamang.

3. Lathalaing paano - layunin nito ay ilahad ang proseso o kung paano ginagawa ang isang produkto o serbisyo.

4. Lathalaing pangkatauhang dagli ito ay paglalarawan ng mga kilalang tao,ang kanilang naging karanasan sa buhay, pag-uugali at paniniwala na siyang dahilan ng kanilangtagumpay o kabiguan.

5. Lathalaing may makataong kawilihan Bagamat walang nilalaman o kung meron man ay kakaunting halagang balita lamang, ito ay kinagigiliwang basahin dahil sa taglay nitong kawili-wiling istilo na pumupukaw sa emosyon ng mambabasa.

6. Lathalaing pansariling karanasan - tumatalakay sa mga di pangkaraniwangKaranasan ng tao.

7. Lathalaing pang-aliw layunin nito na libangin ang mambabasa sa kakaiba,hindi lamang sa paksa, kundi sa istilo ng pagkasulat at sa uri ng mga pananalitang ginamit.

8. Lathalaing pangkasaysayan - tinatalakay nito ang kasaysayan ng tao, bagay o lugar.

9. Lathalaing pakikipanayam tinatalakay nito ang opinion, damdamin o kaisipan ng mga taong awtoridad sa paksang inilalahad sa pamamagitan ng pakikipanayam.

10. Lathalain sa Paglalakbay - Naglalahad ng mga katangi-tanging lugar o tao na narating at nakilala sa pamamagitan ng paglalakbay.

11. Lathalaing di-Pangkaraniwan - tumatalakay sa mga bagay na paranormal at di kapani-paniwala tulad ng mga tungkol sa duwende, kapre at iba pang kauri nito. 12. Lathalaing pang-agham - tumatalakay sa mga paksang pang-agham.13. Lathalain pang-isports tumatalakay sa pampalakasan.

Maraming Salamat sa PakikinigChermed