Pagsulat ng bionote
-
Upload
yrrehc04rojas -
Category
Presentations & Public Speaking
-
view
39.021 -
download
36
Transcript of Pagsulat ng bionote
PAGSULAT NG BIONOTE
ANO ANG BIONOTE?
Nakasulat gamit ang puntode bistangpangatlong panauhan
Ang bionote ay impormatibong talata nanagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang mga nagawa mo bilangpropesyunal.
Inilalahad din dito ang iba pang impormasyontungkol sa iyo na may kaugnayan sa paksangtinatalakay sa papel, sa trabahung ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong blog o web site.
ANO ANG BIONOTE?
Iba ang bionote sa talambuhay at
autobiography. Ang bionote ay maikli at
siksik, samantalang mas detalyado at mas
mahaba ang talambuhay at autobiography.
Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum
vitae.
BAKIT NAGSUSULAT NG BIONOTE?
Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam saiba hindi lamang ang ating karakter kundimaging ang ating kredibilidad sa larangangkinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilalaang sarili sa mga mambabasa.
Halimbawa:
Hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isangbatayang aklat sa accountancy kung makikita sa author’s profile na wala namantalagang background ang awtor salarangang ito.
MAHALAGANG TANONG:
Bakit mahalaga ang
kasanayan sa pagsulat
ng bionote?
MAHALAGANG TANONG:
Bakit itinuturing na
marketing tool ang
bionote?
Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw
ang layunin o mga layunin sa pagsulat nito.
Kailangan ding tukuyin kung sino ang
magbabasa nito at ang ibig mong isipin nila
tungkol sa iyo.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
1. Maikli ang nilalaman
-Karaniwang hindi binabasa ang mahabangbionote, lalo na kung hindi naman talagakahanga-hanga ang mga dagdag naimpormasyon. Ibig sabihin, mas maikli angbionote, mas babasahin ito. Sikaping paikliinang iyong bionote at isulat lamang angmahahalagang impormasyon. Iwasan angpagyayabang.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang
pananaw
- Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote
kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Halimbawa:
“Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa
UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng
Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.”
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
3. Kinikilala ang mambabasa
- Kailangang isaalang-alang ang mambabasa
sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote
ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon
at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
- Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, unahin ang
pinakamahalagang impormasyon. Ito ay
dahil sa ugali ng maraming taong basahin
lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na
ang pinakamahalagan impormasyon.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
BALIKTAD NA TATSULOK
PINAKAMAHALAGAN
G IMPORMASYON
MAHALAGANG
IMPORMASYON
DI GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
5. Nakatuon lamang sa mga angkop nakasanayan o katangaian
-Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian naangkop sa layunin ng iyong bionote.
IWASAN ito:
“Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/ chef.”
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sabionote ang pagiging negosyante o chef.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
6. Binabanggit ang degree kung
kailangan
- Kung may PhD sa antropolohiya,
halimbawa, at nagsusulat ng artikulo
tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan, mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
7. Maging matapat sa pagbabahagi ngimpormasyon
- Walang masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling bangko kung itonaman ay kailangan upang matanggap sainaaplayan o upang ipakita sa iba angkakayahan. Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamangbumango ang pangalan at makaungos sakompetisyon. Hindi ito etikal at maaaringmabahiran ang reputasyon dahil dito.
PAGSUBOK SA NATUTUNAN:
Nagtapos ako ng BS Geodetic Engineering at MA Sociology,at
kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Filipino: Pagsasalin saUP
–Diliman. Disertasyon na lamang ang kulang ko. Nagtuturoako
ng Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas at residentfellow
din ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies.Lagi
akong tumatambay sa hardin upang magsulat. Nailathala ng
NCCA ang unang kolesiyon ko ng tula noong 2013.Mahusay
raw, ayon sa mga kritiko. Nailathala naman noong 2014 ang
ikalawang koleksiyon ko ng tula. Pangarap kong manalo sa
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.Nakapaglathala
at nakapagbasa na rin ako ng mga akademikong papel sa
Ang bionote ay isang maiking impormatibong
sulatin (karaniwang isang talata lamang) na
naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang
indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
propesyunal. Itinatanghal dito ang kaniyang
mga natamo na nagsasabing siya ay
maalam at may awtoridad sa larangang
kinabibilangan niya. Sa kabuuan, ang
kahusayan ng bionote ay nakasalalay sa
pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat
at kung ano ang gustong malaman ng
mambabasa tungkol sa kaniya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-aaplay ka ng trabaho. Tumitingin kang mgabakanteng posisyon bilang IT Assistant saisang job portal sa Internet. Natuwa ka namandahil maraming kompanya angnangangailangan ng IT Assistant. Napansinmong halos lahat ng inaaplayan mo aynanghihingi ng bionote maliban sa resume,pormularyo ng aplikasyon, at scanned na kopyang diploma at transcript of records. Dahil dito,magsusulat ka ng isang bionote na babasahinng mga kinatawan ng HR ng mga kompanyanginaaplayan mo. Ang malaking puntos ng iyongaplikasyon ay nakabatay rito, kaya kailanganmong husayan. Tatayain ang iyong bionote ayonsa kaangkupan ng mga impormasyonsaposisyong inaaplayan, organisasyon ng talata,at balarila.
Arnel D. Unciano, Jr. Ay nagtapos ng Doctors
of Philosophy in Filipino (Malikhaing
Pagsulat), ng Master of Arts in Filipino
(Malikhain Pagsulat), at ng Bachelor of Arts
in Araling Pilipino (magna cum laude) sa
Unibersidad ng Pilipinas –Diliman (UPD).
Kasalukuyan siyang Associates Professor ng
panitikan, panitikang pambata, at malikhaing
pagsulat sa kolehiyo ng Arte at Literaturasa
UPD.