Pagsulat Ng Balita Sa Palimbag Na Pamamahayag

download Pagsulat Ng Balita Sa Palimbag Na Pamamahayag

of 34

description

journalism

Transcript of Pagsulat Ng Balita Sa Palimbag Na Pamamahayag

  • Pagsulat ng Balita sa Palimbag na PamamahayagMs. Mary Grace H. Gonzales

  • Mga Salik na Mahalaga sa BalitaMga pangyayari o detalye nitoKawilihanMambabasa

  • Mga Katangian ng Mahusay na BalitaGanap na kawastuhan

    kawastuhan ng mga pangyayarikatumpakan ng pangkalahatang impresyonkaayusan ng mga detalyetamang pagbibigay-diin hindi magulo o masalimuot ang diwa

  • Mga Katangian ng Mahusay na BalitaTimbang

    Kaukulang diin sa bawat katotohananKaugnay ng ibang tunay na pangyayariKawastuhan o paglalakaip ng tunay at napapanahong pangyayari lamang

  • Mga Katangian ng Mahusay na BalitaWalang Kinikilingan

    ObjectiveUnbiased

  • Mga Katangian ng Mahusay na BalitaKaiklianKalinawanKasariwaan

  • Mga Uri ayon sa Saklaw o PinagmulanBalitang lokal o nasyonal (local news) - naganap sa loob ng bansaBalitang dayuhan o banyaga (foreign news) - naganap sa labas ng bansaBalitang may petsa at pinanggalingan (dateline news) - Pinangugunahan ng petsa, kung kailan sinulat at ang lunan kung saan sinulat ng reporterHal. Lungsod ng Zamboanga, Abril 16, 2013 -- Malakas na lindol ang pumatay at puminsala ng ari-arian.

  • Mga Uri ayon sa Pagkakasunod-sunodPaunang Balita (Advanced or Anticipated News)Ulat ukol sa inaasahang pangyayari tulad ng mga gaganaping patimpalak, konsiyerto, dula, palaro, kampanya atbp.Maaaring ilathala nang seryeMaaaring straight news o news feature

  • Mga Uri ayon sa Pagkakasunod-sunodBalitang Di-Inaasahan (Spot News)Balitang isinulat ukol sa pangyayaring naganap na di inaasahan

  • Mga Uri ayon sa Pagkakasunod-sunodBalitang Itinalaga (Coverage News)Balitang isinulat o isususlat pa, batay sa isang palagiang o pirmihang pinagkukunan (based on a given beat o assignment)Ospital, kongreso, fire department, tanggapan ng punong guro, aklatan atbp.

  • Mga Uri ayon sa Pagkakasunod-sunodBalitang Panubaybay (Series/ Followed News)Ulat ukol sa pinakabagong pangyayari bilang karagdagan o kasunod ng naunang balita. Itoy may sariling pamatnubay (lead) na iba sa pamatnubay ng sinundang balita.

  • Mga Uri ayon sa Pagkakasunod-sunodBalitang Kinagawian (Routine News Story)Balita ukol sa inaasahang magaganap tulad ng regular na pagpupulong, panahunang pagsusulit, palatuntunan.

  • Mga Uri ayon sa AnyoTuwirang Balita (Straight news) - Inihahayag ang mga pangyayari sa ayos na tagilo o baligtad na piramide (inverted pyramid structure) mula sa pinakamaliit na kahalagahan. Ginagamitan ng summary lead.Tuwiran at walang paligoy-ligoy.Maiikli ang pangungusap.Katagang simple at madaling maunawaan ang gamit.

  • Mga Uri ayon sa AnyoBalitang Lathalain (News Features)Nababatay rin sa tunay na pangyayari tulad ng mga tuwirang balitaAng ayos nito ay Pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (suspended interest structure) kagaya ng sa isang kuwentoSa paksa at pamamaraan, ito ay nasa pagitan ng pagbabalita, editoryal p lathalainNaiiba ang balitang lathalain sa karaniwang lathalain (features article)

  • Mga Uri ayon sa AnyoBalitang Iisang Paksa o Tala (Single Feature or One Incident Story) Iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnbaySa katawan ng balita ipinaliliwanag ang detalye

  • Mga Uri ayon sa AnyoBalitang Maraming Itinatampok (Several Features or Composite Story)Maraming bagay o paksa aang itinatampok sa pamatnubay. Nakahanay ang mga ito ayon sa pahupang kahalagahan o decreasing importance.Ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa katawan ng balita na ayon din sa pagkakaayos ng mga ito sa pamatnubay.

  • Mga Uri ayon sa Pagtalakay sa PaksaBalitang May Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest Story)Itoy umaantig sa damdamin at kumukuha ng reaksiyon ng mambabasa.Karaniwang maiikli ngunit nagagawa nitong paiyakin, patawanin, pagalitin, o pagdamdamin ang mambabasaMadalas na tao ang pinapaksa, (pero maaari ring hayop o bagay)

  • Mga Uri ayon sa Pagtalakay sa PaksaBalitang May Pagpapakahulugan (Interpretative or Interpretive News)Ipinauunawa sa mambabasa ang kahalagahan ng pangyayari.Hindi ipinapahayag sa payak o tuwirang paraan lamang, kundi nilalakipan ng interpratasyon upang lalong maunawaan ng mambabasa.Maaaring isama dito ang 1) dahilan ng pangyayari, 2) sanligan o background 3) katauhan ng pangunahing sangkot sa balita 4) ang kabuluhan ng kahalagahan

  • Mga Uri ayon sa Pagtalakay sa PaksaBalitang May Lalim (In-depth report) Pagbabalitang may hamon sa kaisipan ng mga mambabasa at kakayahan ng reporter.Higit pa sa karaniwang balita, ito ay salig sa backgrounding o research ng mga bagay na higit sa nakita o nasaksihanNagbibigay-kahulugan ito sa mga pangyayari ngunit hindi lumalabas na opinyon ng sumulat

  • Mga Uri ayon sa NilalamanBalitang Pang-aghamBalitang PangkaunlaranBalitang Pampalakasan

  • Mga Tanging UriBatay sa Mga Talang Nakuha (Fact Story)Pagsasalaysay ng karaniwang pangyayari na kasagutan sa Sino? Ano, Saan?, Kailan?, Bakit?, at Paano?

  • Mga Tanging UriBatay sa Kilos o Aksiyon (Action Story)Pagsasalaysay ng mga pangyayaring hindi lamang paktual kundi yaong tinatampukan ng kilos (action), madulang pangyayari (dramatic incident), paglalarawan ng tao (description of a person), pahayag ng isang saksi o kaya mga nagpapaliwanag ng mga bagy-bagay (expalanatory data)

  • Mga Tanging UriUkol sa Talumpati o Panayam (Quote, Speech, or Interview Story)Isinasaad kung sino ang tagapagsalita o kung sino ang kinapanayam, ang paksang diwa ng kanyang talumpati, okasyon, oras at pook ng pinagdausan, siping pangungusap, paglalarawan ng madlang tagapanood, pati di-karaniwang kilos at reaksiyon nila

  • Mga Tanging UriBalitang Pangkatnig (Sidebar)Maikling balitang isinusulat nang hiwalay nagunit kaagapay at kaugnay ng isang pangunahing balitaItoy ukol sa isang panig lamang at inilalagay malapit sa kinauugnayang balitaMaaaring sidebar ang isang lathalain

  • Mga Tanging UriBalitang Kinipil (New Brief)Maiikling balitang karaniwang binubuo ng hindi hihigit sa dalawang talataAng pinagsama-samang news brief ay tinatawag na news round-up.

  • Mga Tanging UriBulitin (Bulletin) Habol o karagdagan sa kasalukuyang mahalagang balita.Itoy inilalagay sa unang pahina, nakakahon at sa tipong mariin (boldface)

  • Mga Tanging UriDagliang Balita (Flash)Pinakabuod ng bagong mahalagang balita na kailangang mailathala kaagad dahil huli na para mailathala ang buong balitaMaaaring tapos na ang layout o wala nang espasyo para rito

  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng BalitaIsulat ang buod.Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing importance).Hanapin ang impormasyong itatampok sa Lead o Pamatnubay.Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

  • Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng BalitaIsulat kaagad ang balita pagkatapos makalap.Bigyang-diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.Maging tumpak.Iwasan ang magbigay ng opinyon (No editorializing). Sng opinyon ay nararapat lamang sa mga tanging kolum, pangulong tudling o editoryal, artikulong may pangalan (byline) ng sumulat, at sa balitang pampalakasan

  • Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng BalitaBanggitin ang awtoridad o pinagmulan (source o attribution) na balita lalo na kung 1) nagingibabaw ang opinyon kaysa tunay na pangyayari, 2) ang balita ay kontrobersyal, at 3) ang balita ay nagpapatalastas ng bagong regulasyonIbigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit. Pagkatapos gamitan na lamang ng G. Bb. Gng. (o anumang titulo) sa mga susunod pang pangbanggit

  • Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng BalitaIlahad ang pangyayari nang walang kinikilingan.Ipakilala ang pangalang binanggit.Iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaaring makapinsala sa paniniwala at asal ng mambabasa o ng ibinabalitaSimulan ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari

  • Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng BalitaSumulat ng maiikling pangungusap. Pag-iba-ibahin din ang haba, ngunit kailangang payak at maliwanag.Ilagay ang tuwirang at di-tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.Iwasan ang pampahaba o pampakapal lamang na mga pangungusap at talata na pampuno lamang sa espasyo. (Avoid padding)

  • Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng BalitaSumulat ng mabisang pamatnubay (Lead). Huwag ilagay lahat ang 5Ws kung makakagulo sa diwa. Iwasang magsimula sa numero o figures.Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive voice).Sundin ang estilong pamahayagan (Stylesheet / Styleguide / Stylebook)

  • Maraming Salamat!Susunod na aralin:Pagsulat ng Headline at Editoryal