Pagsulat ng balita ppt

43
PAGSULAT NG BALITA Mrs. Ludivina G. Sarmiento

description

makatulong po sana sa inyo... good luck news writers!

Transcript of Pagsulat ng balita ppt

PAGSULAT NG BALITA

Mrs. Ludivina G. Sarmiento

Katuturan ng Balita

Ang balita aynapapanahon atmakatotohanang ulat ngmga pangyayaringnaganap na, nagaganap atmagaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sapamamaraang pasalita, pasulat atpampaningin.

• Pasalitakung ang ginawang midyum ay angradio at telebisyon;

• Pasulatkung ito ay ipinalimbag sa pahayaganat iba pang uri ng babasahin; at

• Pampaninginkung ang midyum ay ang telebisyonat sine.

Mga Katangian ng Balita• Kawastuhan

-ang mga datos ay inilahad nang walanglabis, walang kulang

• Katimbangan

– inilahad ang mga datos na walangkinikilingan sa alinmang panig nasangkot.

• Makatotohanan

– ang mga impormasyon ay tunay ataktuwal at hindi gawa-gawa lamang.

• Kaiklian

- ang mga datos ay inilahad nangdiretsahan, hindi maligoy.

Kahalagahan ng Balita1. Nagbibigay-impormasyon

Ang kakabaihang regular nanatutulog nang mas kokonti pa sa pitongoras gabi-gabi ay may mas mataas napanganib sa pagtaas ng presyon ngdugo, ayon sa isang bagong pag-aaral.

2. Nagtuturo

Ang relaxation techniques ay isangmabuting paraan para labanan angstress at mapanatili ang magandangkalusugan.

3. Lumilibang

Siyempre naman, nag-aalala akonang malaman ko na kinagat ng pusa siGladys Reyes sa presscon ng My OnlyLove. Nakakaloka ang pusa dahil gumawaito ng sariling eksena para mapansin siya.

4. Nakapagpapabago

Matapos na masangkot sa anomalyaang mga pulis ng Manila Police District-Station Anti Illegal Drugs, iniutos niManila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasasa 11 police station ng Manila PoliceDistrict ( MPD).

Mga Sangkap ng Balita

Ang isang balita ay nagiging balitalamang kung ito ay nakakapukawng interes ng mga tagapakinig omambabasa. Kaya maaaringsabihing ang anumangkaganapan na balita para sa isaay hindi balita para sa iba.

Narito ang mga sangkap ng balita namaaaring makapagbigay ng interes samga tagapakinig at mambabasa.

• Kapanahunan

- Ito ay bago pa lamang nangyari omaaaring matagal nang nangyari ngunitngayon lamang natuklasan.

• Kalapitan

- Mas interesado ang mgatagapakinig omambabasa na malaman ang nagyayarisa kanilang paligid opamayanan kaysa samalalayong lugar.

• Kabantugan

-Tumutukoysa pagiging prominenteo sa pagiging kilala ng taongsangkot sa pangyayari.

• Kakatwahan o Kaibahan

- Mga pangyayaring di karaniwantulad halimbawa ng isang tao nanangagat ng aso o ng isang hayopna dalawa ang ulo.

• Tunggalian

- Ito ay tumutukoy hindi lamang sa labanng tao laban sa kapwa tao, maaari itongpakikibaka ng tao laban sa kalikasan ong tao laban sa kaniyang sarili.

• Makataong Kawilihan

- Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaringnakapupukaw sa iba’t-ibang uri ngemosyon ng tao: pag-ibig, poot,simpatiya, inggit at iba pa.

• Romansa at Pakikipagsapalaran

- Tinatalakay dito hindi lamang ang buhaypag-ibig ng isang tao katulad ngmga artista kundi ang pakikipagsapalarandin ng mga ordinaryong taotulad ng pagliligtas ng batang si RonaMahilum sa kaniyang mga kapatid sanasusunog nilang bahay.

• Pagbabago at Kaunlaran

- Anumang pagbabago at kaunlarangnangyayari sa pamayanan aynangyayari sapamayanan ay maaaring paksain ng balita

tulad ng pagpapatayo ng mga bagonggusali, mga kalsada, pamilihang bayan atiba pa.

• Bilang o Estadistika

- Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sapananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.

• Pangalan -

- Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sabalita tulad ng mga nakapasa sa mga boardexaminations.

• Hayop

- Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ngPhilippine Eagle mula sa itlog na nabuo sapamamagitan ng artipisyal inseminasyon.

• Kalamidad

- Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol,pag- putok ngbulkan at iba pa, karaniwangpinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.

Mga Uri ng Balita

A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos

1. Tuwirang Balita

- Diretsahan ang pagkahanay ng mgadatos at ginagamitan ngkombenkombensyonal o kabuurangpamatnubay.

2. Pabalitang Lathalain

- Hindi diretsahan ang paglalahad ngdatos at ginagamitan ng makabagongpamatnubay.

B.Ayon sa lugar na pinangyarihan

1. Lokal na Balita

Kung ang kinasasaklawan ngpangyayari ay sa pamayanangkinabibilangan o tinitirhan ngtagapakinig o mambabasa. a. pambarangay b.panlalawiganc. pambayan d. panrehiyone. panlunsod f. pambansa

2. Balitang Pang-ibang Bansa

C. Ayon sa nilalaman

• Pang-agham at teknolohiya

• Pangkaunlarang komunikasyon

• Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan

1. Batay sa aksyon

Ang manunulat / mambabalitaay naroon mismo sa lugar napinangyarihan ng aksyon opangyayari.

2. Batay sa Tala

Kung ang pinagbabatayanng balita ay mga talang nakalap mulasa talaan ng pulisya, ospital at ibapang ahensya.

3. Batay sa Talumpati

Kung ang pinagkukunan ng datos ayang talumpati ng mga kilalang tao.

4. Batay sa pakikipanayam

Kung ang mga datos ay nalikom sapamamagitan ng pakikipanayam samga taong sangkot o may alam sapangyayari

E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyosa pahina

1.Balitang may iisang tala

Tumatalakay sa iisang pangyayarilamang.

2. May maraming talang itinampok

Naglalahad ng higit sa isangpangyayari na naganap sa iisangaraw at halos magkaparehong oras.

3. Balitang Kinipil

Balitang pinaikli nalamang dahil sakawalan ng espasyo.

4. Dagliang BalitaPahabol na balita na dahil kawalan ngespasyo ay nilagyan na lamang ngsalitang flash at kasunod nito angisang linya o talatang nilalaman.

5. Balitang pangkatnigMaikling balita na isinulat ng hiwalayngunit kaagaapay sa kaugnay napangunahing balita.

6. BulitinHabol at karagdagan sa mahalagangbalita at inilagay sa pangmukhangpahina na nakakahon at nasa tipongmariin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

1. Balitang pamukaw-kawilihan

Karaniwang maiikling balita tungkol satao, bagay, hayop na umaantig sadamdamin ng mambabasa.

2. Balitang nagpapakahulugan

Nagpapaunawa sa mambabasa tungkolsa dahilan, saligan, katauhan,katauhanng mga pangunahing sangkotat kahalagahan ng isang pangyayari.

Ang PamatnubayPamatnubay

Ang tawag sa una at pangalawangtalata ng balita. Nagsisilbiitong pang-akit sa mgamambabasa dahil ito ang pinakabuod ng balita. Sa akdang lathalain opabalitang lathalain, itoay maaaring isang salita, parirala,pangungusap o isang talata.

Mga Uri ng Pamatnubay1.Kombensyonal o Kabuuurang

Pamatnubay

Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?,Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?

Ang balita ay inilalahad sa baligtadnapiramide kung saan ang mgamahahalagang ay nasa una atpangalawang talata. Karaniwangginagamit ito sa tuwirang balita.

2. Makabagong Pamatnubay

Ginagamitan ng pangganyak napanimula ang akda upangakitin ang mambabasangbasahin ang kabuuan nito.Karaniwang ginagamit ito sapagsulat ng PabalitangLathalain.

Mga Uri ng Kombensyonal naPamatnubay1. Pamatnubay na Ano

Kung ang pinakatampok sa balita ay angpangyayari.

Halimbawa:

• Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ngSorsogon at Masbate na ikinamatay ngtatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.

2. Pamatnubay na Sino

Kung higit na pinakatampok ang tao oorganisasyongkasangkot sa pangyayari.

Halimbawa:

• Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. RodolfoAgbayani, kasapi ng LDP ang kaniyangpirma sa impeachment complaint nainihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.

3. Pamatnubay na Saan

Kung higit na mahalaga ang lugar napinangyarihan kaysa sa gawain o tao nakasangkot dito.

Halimbawa:

SaNaga City ginanap ang 2009 NationalSchools Press Conference na dinaluhanng mga batang manunulat sa buongbansa

4. Pamatnubay na Kailan

Hindi gaanong gamiting pamatnubaydahil ginagamit lamang itokung higit na mahalaga ang petsa kaysasa iba pang aspeto ng mga pangyayari.

Halimbawa:

Hanggang sa Abril 18 na lamang angpalugit na ibinigay ng BIR parasapagababayad ng buwis sa taunang kita.

5. Pamatnubay na Bakit

Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayariang pinakamahalaga.

Halimbawa:

Upang mapalawak at madalingmaipaabot sa mga mamamayan angmga serbisyo ng pamahalaan, inilunsadng Sangguniang Panlunsod ngQuezon sa pamumuno ni Mayor SonnyBelmonte ang “City Hall sa Barangay”.

6. Pamatnubay na Paano

Kung ang kaparaanan ng pangyayariang pinakamabisang anggulo na dapatitampok.

Halimbawa:

Nagkunwaring naghahanap ngmapapasukan, isang babae angtumangay ng malaking halaga ng salapiat mga alahas ng isang ginang saLunsod ng Baguio, pagkatapos itongtanggapin bilang katulong.

Sa pagpapasya kung aling uri ngkombensyonal na pamatnubay angitatampok,dapat munang alaminng manunulat kung alinganggulong balita ang higit namahalaga. Kapag parehongmatimbang ang Ano at Sino,unang itatampok ang Sinodahil higit na mahalaga ang taokaysa sa mga bagay at pangyayari.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ngmabisang Pamatnubay:

1. Gumamit ng payak na pangungusap.

2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan samga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,Paano at Bakit sa isang pangungusaplamang, kung ito ay makasisira sakaisipan ng talata at makalilito samambabasa. Alalahaning angpangalawang talata ay pamatnubayrin.

3. Huwag uliting gamitin angmahalaga o di-karaniwang salita sa isangpangungusap.

4. Iwasan ang pag-uulit ng mgasugnay, parirala at mga iba pangkatulad nitong gramatikongkayarian.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita1. Isulat kaagad ang balita mataposmakalap.2. Itala ang mga datos ayon sa pababangkahalagahan.3. Unahing itampok ang

pinakamahalagang datos bilangpamatnubay.

4. Ibigay ang buong pangalan ngtaong awtoridad o pinagkunan ngdatos at kaniyang katungkulan. Samuling pagbanggit sa kanya ay gamitinna lamang ang G. at apelyido ng lalakiat Bb. o Gng. at apelyido ng babae oanumang titulo na angkop sa kanya.

5. Iwasang magbigay ng opinyon sabalita.

6. Maging tumpak sa paglalahad ngdatos.

7. Gawing maikli ang talata.

8. Gumamit ng mga payak na salita.

9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba-ibahin ang haba nito.

10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysasa balintiyak.

11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi samagkahiwalay na talata.

12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taongsangkot sa balita.

13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at

gawing tambilang ang 10 pataas.

Kaayusan ng BalitaAng kaayusan ng paglalahad ngmga datos sa balita ay sumusunodsa baligtad na piramide tulad ngnasa ibaba:

Ang kaayusang baligtad na piramide aynakatutulong sa mga sumusunod nadahilan:

1.Napapadali ang pagbabasa.Karaniwan sa mga mambabasa ayabala, kung kaya ang paglagay ng mgamahahalagang datos saunahan ng balita, ay nakapagpapatipidsa kanila sa panahon, dahil sapamatnubay pa lang ay nakukuha na nila ang buod ng istorya.

2. Napapadali ang pag-aayos ngispasyo, dahil kung kulang angispasyo, maaari nang putulin anghuling bahagi ng balita na hindinawawala ang mahalagang datosnito.

3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ngbalita dahil sa unang dalawang talatana naglalaman ng mahahalagangdatos ay maaari nang mapagkunanng itatampok sa ulo ng balita.

Mga Tuntunin sa Pagtatalatang Balita

1. Ang talata ay hindi sumusobra sa75 na salita.

2. Ilagay ang mahahalagang datos saunahan ng talata.

3. Iwasan ang paggamit ng mgamagkatulad na mga salita o mgasugnay sa simula ng magkasunodna talata.

4. Huwag ilagay ang tahasang sabiat buod nito sa isang talata.

5. Ang isang pangungusap natalata ang pinakagamitin sabalita ngunit kung hindimaiiwasan ang paggamit ngmahigit sa isangpangungusap,hindi ito dapat nasumobra sa 3 pangungusap.

6. Isaayos ang mga talata ayon sapababang kahalagahan upangkung kukulangin sa espasyo aymaaaring putulin ang mga hulingtalata na hindi naaapektuhan angnilalaman nito.

Mga Katangian ng IsangManunulat ng Balita

1. Matalas ang pang-amoy sa balita.

-Alam kung saan makapangalap ngdatos.

-Marunong kumilatis kung alin anganggulosa pangyayari na itatampok sabalita.

-Madaling makakilala ng mga

2. Mapagtanong

3. Matiyaga

4. Makatarungan at walang kinikilingan

5. Totoong interesado sa tao.

6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.

7. Mapamaraan

8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika.

9. Alam ang sariling kalakasan

10. Mapagbasa

MARAMING

SALAMAT!

GOOD LUCK!!