Marso 6 - 12, 2017 RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY...

4
RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY ISSUE Marso 6 - 12, 2017 Marso 6 - 12, 2017 RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 8-9 RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 8-9 7/18/2017 7:58:22 AM 7/18/2017 7:58:22 AM

Transcript of Marso 6 - 12, 2017 RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY...

Page 1: Marso 6 - 12, 2017 RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY ISSUErondabalita.news/wp-content/uploads/2017/07/RONDA-Balita-vol-03-blg-01.pdfSa kabila ng pagsu-sulputan ng iba’t ibang uri ng babasahin,

RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY ISSUEMarso 6 - 12, 2017 Marso 6 - 12, 2017

RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 8-9RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 8-9 7/18/2017 7:58:22 AM7/18/2017 7:58:22 AM

Page 2: Marso 6 - 12, 2017 RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY ISSUErondabalita.news/wp-content/uploads/2017/07/RONDA-Balita-vol-03-blg-01.pdfSa kabila ng pagsu-sulputan ng iba’t ibang uri ng babasahin,

6 RONDA BALITAMarso 6 - 12, 2017

Mula sa Pahina 3

KAKAMPI Mula sa Pahina 3OK KA LANG?

Mula sa Pahina 3REBELASYON

33Marso 6 - 12, 2017 MRONDA OPINYON

EDITORYAL

Nakadalawang taon na tayo!

EDITORIAL STAFF Christine Samson Villanueva

Publisher

Manny Dineros BalbinEditor-in-Chief

Rosette Reyes aka RR Eleogo Account Manager/Columnist

Fe CamantangCirculation Manager

Atty. Julius Victor DegalaLegal Counsel

Ynnam Niblab Chief Photographer

email address: [email protected]

Ang RONDA Balita ay inilalathala tuwing Lunes na may tang-gapan sa Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan at tel. no. 044-769-1092. May DTI Certifi cate No. 0353343 at Business Permit No. 15-01172. Ang lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay pag-aari ng RONDA Balita at hindi maaaring gamitin ng sinuman sa anu-mang anyo at porma kung walang pahintulot sa tagapaglathala.

Ang opinyon ng mga kolumnista ay personal nilang pana-naw at walang kina laman ang pamunuan ng pahayagang ito.

Halaga ng subskrispyon ay P520 isang taon o 52 isyu at P260 sa kalahating taon.

Advertising rate: P150 col/cm / Legal notices: P150 col/cm

Contributing writers:Emil G. Gamos, Thony Arcenal, Vic Billones, Efren Alcantara, Daisy Medina, Jhun Sese, Neneth T. Hirano, JC Reyes, Archie Jimenez & Ronald Castro

Mula sa Pahina 1Sa kabila ng pagsu-

sulputan ng iba’t ibang uri ng babasahin, kasa-ma na ang paglaganap ng mga online news, social media at blog-gers, nanatiling naging matatag ang RONDA Balita, dahil tumatak na ito sa merkado bil-ang diyaryong tunay na naglilingkod at nag-mamalasakit sa mga mambabasa.

Hitik sa napapana-hong mga balita. Mga balitang hindi gawa-ga-wa lamang at may libangan na talagang kagigiliwan.

Dahil ito ang am-ing tunay na intensiy-on. Maglimbag nang seryosong pahayagan

na maglalaman ng mga tunay na balita at hindi negosyong pahayagan. Hindi gamit sa pang-nego-syo. Serbisyo at hindi negosyo ang aming han-gad.

Dahil sa modernong panahon, mababasa rin ang pahayagang RONDA Balita sa Facebook at Twitter, dhil ayaw naming maiwanan ng teknolohi-ya.

Iba’t ibang krisis pam-pulitika man ang naga-nap at kahit malalakas pang kalamidad ang tumama sa ating bansa, ang inyong paboritong pahayagan ay nakatayo pa rin at patutuloy na maghahatid ng mga bali-ta sa mga Bulakenyo.

Alam naming hindi magiging posible ang da-

lawang taong tagumpay kung hindi sa mga ma-sugid at tapat na suporta ng mga mambabasa na naging bahagi na rin ng aming pamilya.

Kalakip ng masayang pagdiriwang ng aming anibersaryo, gusto nam-ing ibahagi sa aming mga mahal na mambabasa ang okasyong ito dahil alam naming hindi kami makararating sa bagong yugto kung wala ang in-yong suporta.

Nakatakdang mag-sagawa ng feeding pro-gram ang pamunuan at mga reporter ng pahay-agang ito sa Marso 10, 2017 sa Emmaus House for Apostolate sa Malolos kung saan isang buong maghapon na maka-kasama namin ang mga

katandaan na nakatira dito.

Minsan pa, ang buong pamunuan at mga manggagawa ng RONDA Balita ay nagpa-paabot ng pasasalamat sa inyong lahat sa dala-wang taong pagtitiwala at sana’y humigit pa.

Sa pagsapit ng ba-gong pahina ng aming kasaysayan, gusto nam-ing manatili sa inyong mga tanggapan, tah-anan at mga pamilihan upang sabay nating saksihan ang pagbaba-go ng ating bayan.

Mabuhay ang lalalaw-igan ng Bulacan. Mabu-hay ang patuloy na tu-matangkilik sa aming pahayagan.

Maraming Salamat Po...

Halaga ng Diploma

Salamat sa 2 taon na pagtitiwala

Manakawan ka na, huwag ka lang masunugan!

Happy Anniversary RONDA Balita

NALALAPIT na ang bu-wan ng pag-tatapos.

Ngayon pa lang ay abala na ang mga esku-welahan at mga Uniber-sidad sa paghahanda sa kung saan nila isasaga-wa at kung sinu-sino ang iimbitahan para si-yang kanilang magiging guest speaker.

Samantalang ang mga mag-aaral na magsisi-pagtapos, mga magulang o mga kamag-anak ay abala rin sa paghahanda sa kung ano naman ang kanilang mga dapat na isuot sa Graduation Day.

Maging ang mga ihahandang pagkaing kanilang pagsasalo - saluhan pagkatapos ng Graduation Day bilang pasasalamat dahil sa pagkatapos ng maha-ba-habang panahon ng

pagsusumikap at pagsa-sakripisyo ay nakatapos na rin ang kanilang mga estudyante ay kanila na rin itong pinag - iisipan!

Habang yon namang medyo may kakayahan ay sa mga kilalang fastfoods o restaurants nagse-cele-brates bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang mga anak na nakatapos ng kanilang mga pag-aaral!

Ang mga magulang namang nagtatrabaho sa ibang bansa o mga Over-seas Filipino Workers (OFW) ay nagagawang umuwi ng ating bansa para saksihan ang kanil-ang mga anak na uma-akyat ng entablado at tumatanggap ng diploma.

Lagi na lamang nating nadidinig mula sa ating mga magulang ang mga salitang “magtapos ka ng iyong pag-aaral, dahil sa iyan lang ang tangi nam-ing maipapamana sa iyo”.

Iba na ang may pinag-tapusan.

Sa panahong ito ay na-pakahirap makapasok sa trabaho kung hindi ka rin lang degree holder.

Mahihirapan kang ita-guyod ang iyong sarili at buhayin ang magiging pam-ilya mo kung hindi ka naka-pagtapos ng iyong pag-aaral.

At ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang pagkaka-

roon ng diploma na siya mong magiging pinaka patunay na nagtapos ka ng iyong pag-aaral.

Mas malaki ang posibilidad na makakita o makakuha ka ng ma-gandang trabaho at su-weldo sa iyong aaplayang trabaho, dahil sa may diploma kang nagpapa-tibay na ikaw ay nakat-apos ng iyong pag-aaral.

Ito ang iyong inani mula sa kung ilang taon mo ring pinagtiyagaan at pinaghirapan ang pa-kikipagtagisan ng talino at talento makamit mo lang ang inaasam-asam na diploma

Ang edukasyon ang siyang humubog sa iyo para magkaroon ka ng kagalingan at imulat ka sa kasalukuyang ka-lagayan ng ating lipunan.

At ang iyong hener-asyon ang siyang ha-harap sa matinding pag-subok na nangyayari sa ating bayan na punong -puno ng korapsiyon, makasarili at sa proble-ma kung papaanong ma-papanatiling panatag at maayos ang ekonomiya ng ating bansa.

Matututo ka nang harapin ang lahat ng mga pagsubok at krisis na da-rating sa iyong buhay.

Sundan sa Pahina 6

Sundan sa Pahina 6

Sundan sa Pahina 6

Dalawang Taon na po kami!

UNA sa lahat nais kong ba-tiin ang pu-nong patnu-

gutan ng Pahayag RONDA Balita para sa kanyang “dalawang taong singkad na pag-bibigay ng makabu-

lohang impormasyon at balita” sa ating mga ma mamayan sa Bula-can at sa mga karating probinsya.

At syempre sa ating ma-husay na publisher na si Sir Jr Villanueva, na sa tu-winay naka-alalay at pilit na inuunawa ang kalagay-an ng paginging isang mahusay na negosyante sa larangan ng Journalism sa ating bansa.

Dahil binigyan at pain-agkatiwalaan nyo po kami ang linangin ang aming mga talento sa laranagan ng pagsusulat, sa pamam-agitan ng kolumn na ito, kung saan ako y kabilang sa pahayagang ito ang Kakampi Ng Masa.

Sa loob ng halos dala-wang taon na pamamay-agpag ng ating Pahaya-gan,bagama't sugatan sa bawat linggo na inilalabas

ang makulay na dyary-ong ito,talaga namang hindi matatawaran ang aming pagsasakrepisyo.

Gayunman masaya po kami na nakapagha-hatid ng mga napapana-hon at makabuluhang balita sa inyo, basahin nyo ang ilan sa aming mga articles at columns, masaya na po kami.

Maraming salamat di sa aming Editor-in-Chief na syang army ng dyaryo si Pareng Manny Balbin, dahil sa kanyang pang-un-awa sa mga writers na ma-dalas siya na po ang tumiti-pa ng mga column at balita.

Hek…hek….hek… ganun talaga mga ’igan ang role ng pagiging editor, kailangan mo punan ang lahat ng ka-kulangan sa pagbuo ng isang pahayagan.

MA NA K AWA N ka na lang, hu-wag ka lang

masunugan. ’Yan ang

matandang kasabihan na madalas nating narir-inig na minana sa ating mga ninuno, dahil ka-pag ikaw daw ay nasun-ugan, tiyak na simot at mauuwi lamang sa abo ang lahat ng iyong mga ipinundar na kasang-kapan at kung minsan kasama pa rin sa mga mawawala ang mga ma-hal mo sa buhay. Makakalimutan ba ng pamilya ng mga nasawi ang insidenteng naganap noong

ika-18 ng Marso, 1996, nang masunog ang Ozone Disco sa Timog Avenue sa Quezon City, na kumitil sa buhay ng may 162 mga ka-bataan, nang aksidente sil-ang makulong sa loob nito at kainin ng naglalagablab na apoy ang kanilang mga kinalalagyan.

At papaano rin tatang-gapin ng mga kaanak ng biktima ang naganap na sunog sa Bed and Breakfast Pension House sa Tuguega-rao City, na kumitil naman

sa buhay ng may 15 katao na karamihan ay pawang mga nursing students.

Ang trahedya sa su-nog ang nangunguna pa ring sakuna sa ating bansa, at dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga insidente ng sunog ay binibigyan ito ng pan-gunahing pansin ng ibat ibang mga pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa sa tuwing sasapit ang buwan ng Marso na sinasabing

simula ng panahon ng tag-init ay inilulunsad nila ang programa na tinaguriang ”Fire Pre-vention Month”

Ang nasabing buwan daw ang may pinaka-mataas na antas na tra-hedya, subalit makalipas ang ilang mga panahon ay tila nagbago ang pangyayari dahil mas madalas na maganap ang sunog hindi lang sa buwan ng Marso.

MA R A H I L ay hindi sapat ang isang pay-

ak na “pasasalamat” lang sa mga taong nagtiwala sa aming kakayahan, nagbigay ng pagpapahalaga sa aming pahayagan sa loob ng dalawang taon.

Mga taong hindi nag-atubiling tumulong para kami ay makatayo at makilala sa indus-triyang ito. Mga taong nagpunyagi para kami ay samahan saan man namin gustong ma-karating. Mga taong nakaukit na sa aking puso habang ako ay nabubuhay.

Makakaganti rin kami sa inyo. Hindi pa sa ngayon pero alam

kong darating ang araw na ’yun. At sisiguraduhin namin na hindi n’yo pag-sisisihan ang pagbibigay sa amin ng inyong palad para tulungan.

Mahirap makuha ang pagtitiwala ng isang tao dahil ito ay kusang ib-inibigay, hindi hinihingi. At dalawang taon kaming naghintay para inyong pagkatiwalaan. At iyon ang ayaw naming masira, ang tiwala na ipinagkaloob n’yo sa aming pahayagan.

At alam namin na nasa tama kaming direksiy-on dahil sa inyong pag-titiwala, sa inyong mga malasakit at sa inyong pagmamahal.

Sa simula’y may mga nanlalait. Mga salitang nakakawala ng gana at mga parinig na wala kaming kakayahan. Pa-rang gusto na naming bumigay noong panahon na iyun. Salamat at nag-ing matatag kami na ip-akita kung ano lang ang kakayahan namin. Hindi kami nakipag-banggaan sa iba, pinakisamahan namin sila!

Kaya, nandito na tayo mga kasama. Kunting singkad na lang at mag-tatagal pa ang samahan natin. Sana ay magka-

kasama pa rin tayo hang-gang sa dulo. Hanggang sa huli! Walang iwanan!

Salamat sa mga taong nakasama ko mula nung simula naming ilimbag ang pahayagang ito. Kina Kuya Thony Arcenal, Kuya Efren at kay Ate Daisy, Kuya Archie at sa kanyang kabiyak na si Ate Neneth, Kuya Vic at Kuya Emil Gamos at kay Pareng Sir JC at hang-gang ngayon ay kasama pa rin namin sila.

Kung hindi dahil sa inyong tiyaga at pagsusu-mikap ay narating nating ang ika-2 taon ng pahaya-gang ito at alam natin na malayo pa ang marara-ting natin.

Nais ko na ring pasa-lamatan ang mga taong nagtiwala at nagbigay sa amin ng pagpapahalaga na sina Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando.

Sa Kinatawan ng Un-ang Distrito ng Bulacna na si Cong. Jonathan Sy-Al-varado, hindi puedeng hin-di siya mabanggit kapag napag-usapan ang RON-DA Balita at Bokal Allan P. Andan.

Kay Mayor Christian D. Natividad. Mayor Jes-sie de Jesus ng Calumpit,

na laging naka-alalay sa tuwing kami ay dudulog, Mayor Marits Ochoa ng Pulilan, Mayor Arthur Robes ng SJDM City, Mayor Edwin Santos ng Obando, Mayor Yoyoy Pleyto ng Santa Maria, at ang kanyang bise al-kalde na si Ricky Bue-naventura, Vice Mayor Bebong Gatchalian at Konsehal Len Pineda.

Salamat din kay Dis-trict Engineer Ruel V. Angeles, ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bu-lacan 1st Engineering Offi ce. Sir salamat po.

Sa pumunuan ng SM Supermalls, sa inyong walang sawang pagsupor-ta, maraming salamat po.

Sa lahat ng depart-ment heads ng Pamaha-laang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Mam Liz Mungcal, Beth Alonzo, Gigi Caril-lo, Mam Maricel Cruz ng PPAO, Sir Eliseo Cruz at Engr. Glen Reyes.

Sa inyo pong lahat, Maraming, maraming salamat po!

Hindi po masasayang ang inyong mga naging suporta sa inyong pay-ak na pahayagan. -- ang RONDA Balita.

Hebrews 13:5KEEP your life free from love of money, and be content with what you have, for He has said, I will never leave you nor forsake you.PrayerThank you Lord God for Your true love. I praythat I would reciprocateYour love & establish Your importance to me by my living & loving others. Amen.

Tagumpay ng isang mediaman makaraan ang 20 taon

HALOS limot na ng lahat ang tungkol sa kasong

libelo na isinampa noon ng dating Bula-

can Governor Roberto "Obet" Pagdanganan la-ban sa ating kapatid sa hanapbuhay na si Art Sampana,

Matatandaang taong 1997 ng sampahan ni dat-ing Bulacan Governor Ro-berto " Obet" Pagdanganan ng kasong libelo sa Region-al Trial Court o RTC Ma-lolos City na may CC Nos. 990 - M - 97 at 1502 - M - 97 si kasamang Art.

Ito ay matapos na isu-lat niya sa kanyang kolum ang umano'y kuwestiyun-ableng P80 Million na Restoration Project ng

Barasoain Church noong taong 1997.

Dalawampung taon ding nagsakripisyo ang ating kasamahan sa hanapbuhay na si Art Sampana dahil sa mga ka-song naisampa sa kanya.

At tulad ng dapat asa-han ay nanaig pa rin ang katarungan at ito ay igi-nawad sa kanya ni Hon. Presiding Judge Isidra A. Arganosa-Maniego ng RTC Branch 7 Malolos City, Bulacan.

Sa 24 na pahina ng deci-sion ay ipinahayag na AC-QUITTED na si kasamang

Art Sampana sa kasong kanyang kinaharap mata-pos ang pagpapalit-palit ng mga Hukom na humawak ng kanyang kaso!

Ang pinal na desisyon ng korte ay nagsasaad ng ganito

: In view of all the fore-going premises and for the miserable failure of the prosecution to establish the guilt of the accused be-yond reasonable doubt of the instant two ( 2 ) crimes of libel under article 353 of the revised penal code, herein accused.... is here-by acquitted of the said

charges.Marami ang natuwa

lalo na ang mga kapatid sa hanapbuhay matapos na mapag-alamang ac-quitted na sa kanyang mga kaso si Art Sampana.

Ang pagiging totoong mamamahayag ay hindi birong propesyon!

Dahil sa paghahatid mo ng mga makatotohanan at makabuluhang mga im-pormasyon sa sambayanan ay parang panghimagas na lang iyong ikaw ay maka-suhan ng libelo.

Yan na ang pinakama-hinang maaaring sapitin

ng isang lehitimong mam-amahayag mula sa kamay ng mga taong iyong pin-upuna sa kanilang mga maling gawa at ugali!

Akin ang pagbati sa iyo Kasamang Art.

Sana ay lalo pa nating pag-ibayuhin ang pagpa-palaganap ng mga maka-totohanan at makabulu-hang mga impormasyon sa ating mga kababayan!

Huwag nating hayaang mapigilan, mabusalan at lalong wag magpagamit sa mga taong gustong pag-takpan ang kanilang mga ginagawang kabuktutan

at pananamantala sa mamayang Pilipino!

Sa pangyayaring ito ay minsan pang napa-tunayan na tayo ay nasa bansang demokrasya.

Mabuhay ka Kasa-mang Art at God Bless you more.

*****Magalang ko po kayong

inaanyayahan na panoo-rin ang aking programa sa DZAN via FACEBOOK LIVE gabi - gabi LUNES hanggang BIYERNES mula alas 8:00 hanggang alas 9:00 ng gabi!

Alalahanin mo ang iyong mga magulang na nagsipag - banat ng kanil-ang mga buto, nagtiis na malayosa inyong piling maigapang lamang ang iyong pag-aaral sa loob ng apat (4), lima o higit pang mga taon.

Sa pamamagitan ng tinaggap mong diploma ay maaari nng mangarap ang iyong mga magulang na OFW na pupwede na silang umuwi at magre-

tiro sa pangingibang ban-sa, mag-enjoy na sa buhay at magpahinga.

Ito na rin ang mag-sisilbing hudyat ng pag-wawakas ng iyong mga naging paghihirap noong ikaw ay nag-aaral pa!.

Ikaw na sa sarili mo ang siyang makagagawa ng bagong kabanata ng iyong buhay.

Ang diplomang nasa sa iyo nang mga kamay ay siyang magiging susi tun-go sa bagong kabanata ng iyong buhay.

Hello World at Goodbye Buhay Estudyante!

But anyway kahit anu-man ang kahihinatnan ng laban ng dyaryong ito sa Korte, mananatili po kam-ing mga “Mata at Tenga” ng mga mamamayan partiku-lar na ang mga kawatan ng bayan, ang mga salot ng li-punan,at higit sa lahat ang mga tiwalaing kawani ng ibat-ibang sangay ng ating pamahalaan.

Malinaw po kasi sa aming mga manunulat

na kailangan ang balan-seng pag-uulat walang bias sa madaling salita ng ilan,kaya mahalaga po sa amin ang inyong mga kumento sa aming mga artikulo,nang sa ganitong paraan mas lalo pa nam-ing pagibayuhing mabi-gyan kayo ng angkop na panlasa sa pagbabasa.

Sa darating na Bi-yernes, Marso 10, bilang bahagi ng ika- 2 taong an-ibersaryo ng RONDA Bal-ita, kami ay may payak na programa magbibigay po kami ng pagkain sa mga

matatanda sa EMMAUS HOUSE APOSTOLATE, sa lungsod ng Malolos.

Muli maraming sala-

mat sa inyong pagtitiwala.

*****“Takbo para sa

Katutubo” ng 48th IB PA sa Bulacan

I N A A N YAYA H A N po namin kayo guys na makiisa sa “Takbo para sa Katutubo" na programa ng 48th Infnatry Batallion ng Philippine Army, sa da-rating Marso 19 na magsi-

simula sa Brgy. Lico, San Rafael, Bulacan.

Ayon kay Batallion Commander Lt. Col. Ra-mil Anoyo, may inilaan silang papremyo sa 3K, 5K at 10K, ang registra-tion Fee po ay P300 oldes at P100 naman sa mga estudyante.

Ang bahagi ng malili-kom na pondo ay mapupu-nata sa pangangailangan ng mga Katutubong Du-magat, para sa kanilang mga pangangailangan sa bundok ng Doña Remedi-os Trinidad,Garay at San

Jose del Monte City.Makiisa po tayo sa pro-

gramang ito para sa mga Katutubong Dumagat sa lalawigan ng Bulacan.

Lahat po ng interesa-dong sumali ay magsadya lamang po sa Bulacan Press Club Offi ce near Public Atorneys Offi ce para sa Registration Form. maraming salamat po sa pakikiisa.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag email lamang po sa thony [email protected] at [email protected]

ANG Department of Public Works and High-ways (DPWH) sa Cen-tral Luzon ang muling tinanghal na nanguna sa hanay ng 17 regional offi ces ng DPWH kung pag-uusapan ay ang ka-lidad ng infrastructure projects sa buong bansa.

Batay sa 2016 Bureau of Quality Standards rat-ings, ang CL 3 offi ce sa ilalim ni regional director

DPWH-Central Luzon, pinarangalan10 ay ang Region 4-A sa ilalim ni director Sam-son L. Hebra, Region 13 (Director Danilo E. Ver-sola), Region 2 (Nerie D. Bueno/Melanioc. Brosos), Region 7 (Ador Canlas), Region 5 (Reynaldo G. Tagudando), Region 10 (Evelyn T. Barroso), Re-gion 1 (Melanio C. Brio-sos/Nerie D. Bueno/Danilo D. Dequito) and Region 12.

RR Eleogo

Antonio V. Molano Jr. ay nagtamo ng 82.23 points o very satisfactory sa nai-pagawang 459 proyekto.

Ito na umano ang panlimang sunod na taon na natamo ang pagiging number 1 ng Central Luzon offi ce.

Pumangalawa ang Re-gion 11 offi ce sa ilalim nina director Mariano R. Alqui-za at Allan S. Borromeo.

A ng bumuo sa top

Sining Pandayan 2017, dinumog ng kabataang Malolenyo

Daan-daang Malolenyong mag-aaral ang nakipagtagisan ng galing sa poster making contest sa isinaga-wang Sining Pandayan 2017 kamakailan ng Pandayan Bookstore. Kuha ng City Information Offi ce

Ni MANNY D. BALBINHANGAD ng Pandayan Bookstore na mahasa at mailabas ng mga ka-bataang Malolenyo ang mga angking galing

pagdating sa sining kaya nagsanib puer-sa ang Pamahalaang Lungsod sa pangungu-na ni Mayor Christian D. Natividad upang maidaos ang dalawang

araw na punung-puno ng iba’t ibang gawain nakasentro sa sining.

Ang Sining Pandayan 2017 na ginanap noong Pebrero 23-24 ay isinusu-long tuwing buwan ng Pe-

brero kung saan ito ay sel-ebrasyon ng Arts Month sa nasabing lungsod.

Isa sa gawain ay ang dati ng ginagawang Ku-laysaysayan, clay painting, poster making, drum and

lyre at workshop sa car-tooning para sa mga guro.

Isa rin sa inaabangan sa nasabing programa ay ang pagbibigay pagkilala sa Best MAPEH Teacher sa Bulacan ng Pandayan Bookstore, kilalang book-

store chain sa lalawigan.Magsasagawa rin ang

nabanggit na bookstore ng boat painting contest sa coastal barangay na Pamarawan kung saan makikipag-tie up sa Da-vies Paints.

Kamakailan lang ay nagpinta ng mga maga-gandang tanawin sa li-mang karatig jeeps at kung matatandaan ay nauna ng isinagawa ang “Arkilikha” na bahagi ng selebrasyon ng Fiesta Republica.

RC GUIGUINTO SUBURBS DONATE COMPUTER SET

Buong pagpapasalamat na tinanggap ng Guiguinto Philippine National Po-lice (PNP) sa pangunguna ni P/Chief Insp. Rolando M. Geronimo (pang-apat mula sa kanan) ang isang set ng computer na donate mula sa kagandahang loob ng Rotary Club of Guiguinto Suburbs sa pangunguna ng magkapatid na sina Mayor Boy Cruz (pang-apat mula sa kaliwa) at Celso Cruz (pangala-wa sa kaliwa), Gen. Manager ng Guiguinto Water District.

Base sa presidential Proclamation No. 115-A ang buwan ng pag-iwas sa sunog ay ginaganap taon- taon. Layunin nito na maitaas ang kama-layan ng publiko upang makaiwas sa nasabing

trahedya at masagip ang mga ari-arian at ang mga inosenteng buhay ng dahil na rin sa kapabayaan. Bawat buwan sa loob ng isang taon ay may nagaganap na mga sunog, kaya naman patuloy ang pagsasagawa ng estratehiya ang pamahalaan upang mabawasan ito.

Sinasabing may mas

mataas ang antas ng kasong may kinalaman sa electrical connection, lalong lalo na sa lugar ng mga tinatawag na infor-mal settlers na madalas gumagamit ng iligal na kuryente na siyang pinag-sisimulan ng sunog. GOD Bless po sa ating lahat

Pambansang Araw ng Malayang PamamahayagANG mga Alagad ni Marcelo H. del Pilar, kasama ang the Free-masons, Integrated Bar of the Phils., Bulacan Press Club, Bulacan Salinlahi, Bulacan NHCP the curator of the Pla-ridel Shrine, Center for Bulacan Stud-ies, Cong. Jonathan Sy-Alvarado ng Un-ang Distrito ng lalaw-igan at ang Provincial Government ng Bula-can sa pangunguna

nina Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at Vice Gov. Daniel Fernando ay sama-samang pum-irma sa isang manifes-to na humihiling kay Pangulong Rodrigo R. Duterte na ideklarang National Press Free-dom Day ang Agosto 30, kaarawan ng pagsilang ng Ama ng Bansa at Ama ng Peryodismong Pilipino si Gat Marcelo H. Del Pilar.

Ang inisyatibong ito ay sinusuportahan din ng

mga alagad ni Marcefl o na sina Sen. Joel Villan-ueva, Guiguinto Mayor Boy Cruz, President of the League of Municipal May-ors of the Philippines (Bu-lacan Chapter), Atty. Jose Dela Rama, IBP Central Luzon Governor, Malolos City Mayor Christian Na-tividad, Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bu-lacan at Usec Joel Sy-Egco na dati ring pangulo ng National Press Club.

Dumating din para sak-sihan nung naka raang Bi-

yernes kung saan gagaw-in ang paglagda sa isang “joint resolution” sina Crisanto King Cortez, Carmela Reyes-Estrope, Pangulo ng Bulacan Press Club, Joey Jose Rey Munsayac, dating Bokal, Alex Balagtas at Isagani Giron.

Umaasa ang mga Al-agad ni Marcelo H. del Pi-lar na pagbibigyan ng Pan-gulo ang kahilingan ng mga kasapi ng KAMPI at mga alagad ni Ka Marcelo.

Manny D. Balbin

RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 6-7RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 6-7 7/18/2017 7:59:03 AM7/18/2017 7:59:03 AM

Page 3: Marso 6 - 12, 2017 RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY ISSUErondabalita.news/wp-content/uploads/2017/07/RONDA-Balita-vol-03-blg-01.pdfSa kabila ng pagsu-sulputan ng iba’t ibang uri ng babasahin,

2 RONDA BALITAMarso 6 - 12, 2017 7Marso 6 - 12, 2017 MRONDA LIBANGAN, ATBP.

Binalewala ang lahat!

PAHALANG 1. Pangalang babae2. Kabkab11. Ihatol12. Putik-bulkan; Ingles13. Paalam; pabalbal14. Anak ni Ate Guy15. Libang sa nalulungkot16. Pangalan ng babae17. Efren Reyes ng bilyar19. Partido LAKAS20 Indium; sagisag21. Intensive Care Unit22. Unibersidad sa RP23. Tula; Ingles24. Last Entry25. Chimpanzee26. Panahon27. Ibigkas29. Ito30. Babae; pabalbal31. Pangal34. Palayaw ng babae35. Pangalan ng babae36. Palayaw ng babae37. WarningPABABA1. Library; daglat2. Yugyog3. Sonny ng PBA noon

4. Iwaglit5. Distansiya6. Anunsiyo7. Sakit ng kamote8. Pangalang Amerikana9. Kalye sa Maynila10. Lalawigan sa Region 214. Karne; Ingles17. Rehas na bakal18. Sikat na optical19. Bigkas ng suplada22. Lait23. Estado ng Amerika25. Pataba26. Palayaw ng babae

Ni RR ELEOGO

28. Hala!29. Kulang sa sukat32. Mina ng showbiz33. Mikhael na naging Russian chesser35. EDSA Shrine

SAGOT

ABUTIN ANG... Mula sa Pahina 1

DEAR Papa Ron,Totoo pala ang kasabi-

han na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag ito ay nawa-la na. Manghinayang man ako ay sadyang Malabo nang maiba-lik ang pagmamahalan namin ng aking dating kareslasyon.

Sana ay binigyan ko

ng halaga ang sinsabi ng aking mga magulang na vocational course na la-mang ang kunin ko dahil kapos sila para sa four years course.

Ayun, nagrebelde ako at bumarkada. Pinaa-lalahanan na ako ng girl-gfriend pero binalewala ko. Inaya ko siyang mag-tanan pero mabilis niya itong tinanggihan at na-kipag-break siya sa akin.

Dito na tuluyang na-diskaril ang buhay ko. Napasama ako sa illegal na aktibidad ng barkada, robbery hold-up at pag-dadala ng droga sa mga bumibili nito. Kaya kulun-gan ang kinabagsakan ko.

Ginagawa kong inspi-rasyon ang pamilya ko habang nandito ako sa loob at nagsisikap din na makatapos kahit voca-tional course.

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa sulat ko at nawa’y may natutunan ang mga mam-babasa ninyo.

Jun

Dear Jun,Nandiyan nay an at

nangyari na ang dapat na magnyari. Pero hindi pa naman huli ang lahat hangga’t may bagong um-aga pa tayong nararana-san.

Kaya ituluy-tuloy mo lang ang pagpapakabuti at ang pag-aaral mo dyan sa loob. Lagi mo sanang tandaan na may mabuti plano ang Diyos para sa ating lahat.

Kaya huwag ka sanang makalimot na tumawag sa kanya para may gabay ka sa iyong muling pag-bangon.

Papa Ron

Lalaking lango sa alak, natagpuang patay sa Pasig River

NA K ATA NG -GAP tayo ng ulat mula kay Lt. Romel

Jordan, Acting CMO Offi cer ng 48IB, 7ID, Philippine Army, hing-gil sa pagkakalunod ng isang lalaking lan-go sa alak, narito po, ating basahin:

Isang lalaking lango sa alak ang pinaniniwa-laang nalunod sa Ilog ng Pasig, sa Brgy. Caingin, San Rafael, Bulacan, ka-makailan.

Ang nalunod ay na-kilala lamang sa pan-galan na Ricky, 32 any-os, may apat na anak, at kasalukuyang nakatira sa gilid ng nasabing Ilog ng naturang barangay.

Ayon sa asawa ng nasa-wi na si Lincar, naligo sa ilog si Ricky habang nasa impluwensiya ng alak, siya aniya ay magdamag na umiinom, at ang palil-igo sa ilog ay kadalasan niyang ginagawa kapag nakakainom.

Na recover ng tropa ng 48th Infanry Batallion, Philippine Army, ang labi ng nasabing lalaki, alas-onse ng umaga, na may sugat ang mukha at pinaniniwalaan na ito ang sanhi ng pagkawala ng malay at pagkalunod.

Sa ngayon agad na di-nala ang labi ng nalunod sa San Jose Funeral upang maimbestigah-

an pa kung mayroon nga ba o walang ‘foul play’ na nangyari.

Tsk! Tsk! Tsk! Kailan-gan maimbistigahan ng mga otoridad ang pagka-kalunod ni Ricky. Minsan din kung lango sa alak ang isang tao, hindi na nito kontrolado ang sari-li, posibleng tumalon ito sa ilog at nabagok ang mukha sa isang matigas na bagay, na ikinasugat nito sa mukha.

Pasalamat tayo kay Lt. Jordan, gayun din sa mga kasamahan niyang Sun-dalo na tumulong upang maiahon ang bangkay sa ilog.

*****

Kailan lamang ay na-ganap ang“turn- over cer-emony” na lugar para sa Business One Stop Shop ng Business Permit and Licensing Offi ce, City of San Jose Del Monte (CS-JDM,) na ipinagkaloob ng SM Tongko, Mangga.

Ayon kay City Admin-istrator Dennis Booth, ng CSJDM, “ito ay pag-bibigay ng magandang ispasyo at lugar kung saan, ipo-process ang ‘application for business permits,’ at saka iyung

nag-aaplay ng ‘occupation-al permits’ na nagnanais na makapag-trabaho. Ang pinagkaloob ng SM, ay 'dalawang daang sq ms,' sa 'basement,' na ispasyo ng SM Tongkong Mang-ga. Kung saan kompleto ng facility, secured ang lugar, maaliwalas at kom-portable. Saka ito ay ‘one stop business shop’ na ang ating mga aplikante ay hindi na iikot pa sa iba’t ibang opisina, para kun-in iyung permit sa fi re, sa sanitation. Kundi ‘it’s business one stop shop’ pagkatapos ng initial ap-plication, ah makukuha na nila iyung inaaplayan nilang mga permits.”

“Siyempre ito ay bahagi ito ng ‘corporate responsi-bility’ ng SM bilang isa sa mga lugar sa Pilipinas sa buong mundo na may ‘pre-sense’ ang kanilang City Malls, bahagi ng kanil-ang pagbibigay, ‘is part of the good will, sharing’ sa local government, para magamit ng libre, iyung ispayong iyun para sa mga aplikante ng Business permits. Ito ay turn-over ceremony ng business one stop shop center Malak-ing kagihawahan sa mga tax payers, kompleto ang

mga kagamitan at napa-ka-presentable,” dugtong pa ni Booth.

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan ay mabuting adhikain na ginawa ng kasalukuyang Administrastion, upang matulungan ng ganap ang mga mamamayan ng San Jose Del Monte. Ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng Administrasyong Robes sa mga pribadong sektor at mamumuhunan ay kaiga-igaya, tulad ng na-ganap sa SM at sa local government.

Matapos ang Turn-Over Ceremony, ilang linggo ang nakalipas ay nagkaroon ng launching ang NEGOSYO Center, na ginawa sa Basement 2 ng SM. Ito ay upang mabigyan ng pagka-kataon ang mga mama-mayan ng San Jose, na mamuhunan ng sarili.

Subaybayan din po ang ating KATROPA NEWS Online at KA-TROPA sa FB, sa Face Book, join po kayo. Kung may nais kayong ipala-thala sa malaganap na Katropa kolum ay ip-adala lamang sa ating email: [email protected]. Hanggang sa muli.

Makikita sa larawan ang nalunod, habang iniaahon ng mga sundalo sa tabing ilog. Kuha ng Phil. ArmyMakikita sa larawan ang nalunod habang iniaahon ng mga sundalo sa tabing

Kasama rin nito ang pangunguna sa pagdada-la ng kaunlaran sa buong lala wigan.

Pinaalalahanan na-man ni Bise Gob. Daniel R. Fernando ang mga estudyante na laging maging positibo at huwag mawawalan ng pag-asa. Naniniwala rin siya na ang bawat estudyante na dumalo sa pagtitipon ay may magandang kinabu-kasan na naghihintay sa kanila.

“Defi nitely, you will be the hope of the land and some of you may soon be-come the leaders of our province and country. Always believe in your dreams and don’t say the word poor. Always think positive,” ani Fernando.

Sinabi rin niya na ma-

Pinangunahan nina Gob. Alvarado at Vice Gov. Fernando ang pamimigay ng tulong sa pag-aaral sa 5,000 Bulakenyong iskolar.

Kuha para sa RONDA ni RR ELEOGO

suwerte ang mga isko-lar dahil nailatag na ng Pamahalaang Panlalaw-igan ng Bulacan at ng pamahalaang nasyunal ang makina ng pag-us-bong na magdadala ng kaunlaran at pagbabago sa lalawigan.

Nabanggit naman ng Ki natawan ng Unang Dis trito Jose Antonio R. Sy-Alvarado na sinisikap nila na lahat ng mga es-tudyante sa buong bansa ay makakuha ng libreng edukasyon sa lahat ng antas.

Tumanggap ang mga iskolar ng P5,500 para sa mga iskolar sa ilalim ng Academic Scholarship at P3,000 para saEducation-al Assistance.

Ang pagtitipon na may tema na, “Tulong

Pang-edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo!” ay dinaluhan ng mga iskolar na nagmula sa Bulacan State University, Bulacan

Mula sa Pahina 1Kinatitirikan...na 1,265 metro kwadra-do na magsisilbing Ak-

Ang pagtatanggal ng tabing ng Bahay Kalinga na pinangunahan nina Mayor Christian D. Natividad, City Administrator Atty. Zaldy Mendoza at kinatawan mula sa Pamilya Ramos para sa pormal na pagbubukas kamakailan.

SM City Baliwag love month special presents, “Serenade your heart with SJT Music String Ensemble” held at the entertainment place at the said mall.

M City Baliwag love month special presents “Serenade your heart with SJT

SERENADE YOUR HEART WITH SJT MUSIC STRING ENSEMBLE

450th Negosyo Center at SM City SJDM

Gracing the ribbon cutting ceremony are (L-R) SJDM City Mayor Arthur Robes, DTI Regional Operations Group Undersecretary Zenaida C. Maglaya, SCMC SM Supermalls Regional Manager for Operations Lea B. Casamayor, SJDM City Administrator Dennis Booth, Ph.D.)

AFTER the inaugura-tion of One-Stop-Shop Government Service Express, SM Super-malls, Department of Trade and Industry (DTI), and the city government recently launched the Negosyo Center at SM City San Jose del Monte last Wednesday, March 01.

The provision of Nego-syo Centers in all prov-inces, cities, and munici-palities under the Micro, Small and Medium En-terprise Development or MSMED Council, aims to foster national develop-ment, promote inclusive growth, and reduce pov-erty by encouraging the establishment of MSMEs that could facilitate local job opportunities.

According to DTI Re-gional Operations Group Undersecretary Zenaida C. Maglaya, it is important to reach out, deliver and bring the services closer to where MSME’s are. “We shouldn’t wait for them to knock on our offi ces’ door, we should bring our offi ces to them. Because once your business is registered, the government will deter-

mine your needs. So make it a habit to really fi nd out exactly what the govern-ment could offer.” Maglaya even congratulate the city government and SM for es-tablishing the 450th Nego-syo Center at SM City San Jose del Monte.

Meanwhile, according to SCMC SM Supermalls Regional Manager for Operations Lea B. Casa-mayor, everything is really

possible in public-private partnership. “We at SM Su-permalls, hopes that in the years to come we can still be part of your projects for the city, and that you are always welcome here at SM City San Jose del Monte” Casamayor said.

Furthermore, Mayor Arthur Robes said that the city is very lucky to be partnered with SM and DTI for the establishment

of Negosyo Center. “We are really striving to fi nd a way to help not only our kababayans but also the business sector on how they will make their busi-nesses more profi table. One of our dreams as your public servants is to show that San Jose del Monte will be the next rising city not only in the province of Bulacan but in the whole country as well.”

Madonna may sakit na ‘brotophobia’

ANG sikat na singer na si Ma donna ay nakararanas

ng sakit na brontopho-bia o yung matinding pagkatakot sa kulog.Ang 3rd US Pres-

dient na si Thomas Jef-ferson ay may phobia

sa public speaking. Para makaiwas sa pagbibigay ng specch kapag may pagtitipon, siya nagsa-sakit-sakitan.Ang planetang Uranus

ay kasya ang 63 planeta Earths kapag ipinasok. Ganon kalaki ang Uranus.May protocol pala ang

British Royal na sinunod hanggang sa kasalukuy-an. Hindi dapat sumakay ng magkasabay sa iisang eroplano ang mag-aamang Prince Charles at Prince William upang maprotekthan ang royal lineage.Ang pinakamatandang

eskwelahan na nag-oop-erate pa rin hanggang sa kasalukuyan ay ang The King’s School sa Center-bury, England. Ito ay itinayo 1,420 years na ang nakar-araan.

Iraq ang nag-iisang bansa na nagtatapos ang pangalan sa Q habang ang bansang Qa-tar ang nag-iisa naman na nagsisimula sa Q.Aabot sa two-thirds

ng total na bilang ng po-lar bear ay matatagpuan sa bansang Canada.Ang salitang “could”

ay galing sa Old English na “cude”, past tense ng “cunnan” na may ibig sabihin na “to be able”.

Kinalap mula sa tele-graph.co.uk, wikipedia

Polytechnic College at Bu-lacan Agricultural State College. Ang nasabing pagtitipon ay nahati sa da-lawang sesyon, ang una at

ikatlong distrito sa umaga at ikalawa at ikaapat na distrito sa hapon dahil sa mataas na bilang ng inaa-sahang dadalo.

latang Pambarangay ng Matimbo at pansa-mantalang tahanang pangrepormasyon ng mga kabataan o “Bahay Kalinga” ay pormal ng

ipinagkaloob ng Pamilya Ramos sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian D. Natividad kamakailan.

Ang nabanggit na “Ba hay Kalinga” ay tata-wa ging Evaristo and Anastacia Ramos Chil-dren at Risk Reformation Center habang ang Ak-latang Pambarangay ng Matimbo ay tataguriang Dioscoro M. Ramos Me-morial Library.

Ipinagkalaloob ang parte ng nasabing lupa ng Pamilya Ramos sa bisa ng pinagtibay na Kapasi-yahang Panlungsod Blg. 66-2013 na nilagdaan noong Marso 8, 2013 at Kasunduan ng Pagka-kaloob at Paglilipat ng

Pag-aari na pinagtibay sa pamamagitan ng paglag-da ng mga nagkaloob na sina Dr. Severina Ra-mos-Malonzo, Leticia Ra-mos, Magdalena Ramos at Mauricio Ramos at ng Pamahalaang Panlung-sod ng Malolos bilang pinagkalooban na kina-tawan ni Mayor Christian D. Natividad noong Pebre-ro 14, 2017.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa Pamilya Ramos sa lupang ipinag-kaloob nila sa Pamaha-laang Lungsod.

Manny D. Balbin

Kinilala ni P/Sr. Supt. Romeo M. Caramat Jr., Acting Bulacan police director, ang naa restong suspek na si Lo-renzo Origines, may asawa, truck driver ng Brgy. Panghulo, Obando na nakadetine ngayon matapos ireklamo ng kanyang sariling anak na si Ine (hindi tunay na pangalan), at residente rin sa lugar.

Base sa report ni P/Chief Inspec-tor Arnulfo Tangol, Obando police chief, huling naganap ang panggagahasa ng suspek sa kanyang sariling anak noong Lunes, bandang alas-12:30 ng hating-gabi habang ang biktima ay nakatak-da nang matulog sa loob ng kanilang bahay nang hipuin ng rapist na ama ang kanyang maseselang parte ng katawan at halikan ang kanyang dibdib.

Pumalag ang biktimang si Ine at nan-laban sa kanyang amang supek ngunit wala itong na gawa hanggang sa mahu-ba ran siya ng damit at pang-iba bang saplot at magtagumpay itong ma ga hasa kung saan dito na siya nagde-sisyong lumapit sa kanyang kamag-anak para magreklamo sa pulisya.

Inamin ng biktimang dalaga na sinimu lan siyang gahasain ng kanyang sariling ama noong 13-anyos pa la-mang siya at naninirahan sila sa lalaw-igan ng Quezon at nagbanta ang sus-pek na isusumbong siya sa kanyang sariling ina na may pahintulot ng bik-tima na noon ay dalagita pa lang ang kanilang relasyon kaya nanahimik ang dalaga hanggang muli nitong ulitin ang pangre-rape kamakalawa.

Nakapiit na ngayon ang suspek at si-nampahan na ng kasong rape sa Bu-lacan Provincial Prosecutors Offi ce sa Malolos City.

SEX SLAVE...Mula sa Pahina 1

No. 2 'most corrupt' sa buong mundo si Marcos

DALAWANG dating Pangulo ng Pilipinas ang napabilang sa 10 pinaka-corrupt na lider at nagkamal ng malaking halaga ng salapi.

Sa inilabas na pag-aaral ng Transparency In-ternational Global Corruption Report 2004, ang 10 lider ay pawang naakusahan na nagkamal ng malaking halaga mula sa bansang pinamu-munuan.

Kabilang sa nakasama sa pangalan ng 10 in-dibidwal ay sina dating Pangulong Ferdinand Marcos na umokupa sa no. 2 slot matapos ang mahigit dalawang dekadang panunungkulan simula 1965 hanggang 1986 at ang dating Pan-gulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na napakaiksi naman ng panunungkulan mula 1998 hanggang 2001 dahil sa pagkaka-impeach.

Sinasabi sa ulat na umabot sa $5-$10 bilyon ang diumano’y nalustay ni Marcos samantalang si Estrada ay $78-$80 milyon.

RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 4-5RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 4-5 7/18/2017 7:59:06 AM7/18/2017 7:59:06 AM

Page 4: Marso 6 - 12, 2017 RONDA BALITA 2ND ANNIVERSARY ISSUErondabalita.news/wp-content/uploads/2017/07/RONDA-Balita-vol-03-blg-01.pdfSa kabila ng pagsu-sulputan ng iba’t ibang uri ng babasahin,

TULUY-TULOY ang pag hahatid ng serbisyo medikal ng Damayang Filipino Movement Inc., ni Bise Goberna-dor Daniel Fernando sa lahat ng lugar sa lalawigan ng Bulacan bitbit ang mga ser-bisyong kinakaila ngan ng mga Bulakenyo.

Halos kulang ang isang araw sa bise gobernador para makadaop-palad ang mga kababayang nangan-gailangan ng tulong.

Nito lang mga na-karaang araw ay halos maikot na niya ang mga bayan ng Santa Maria, Bocaue, Balagtas at San Jose del Monte pero hindi mo makikitaan ng pagod ang isang VG Daniel Fer-nando na nagnanais mag-ing gobernador.

Iyan ang isa sa mga katangian ni Vice Daniel, dahil kahit anong pagod niya o gutom ay hindi niya ito ipinapakita sa taumbayan. Patuloty ang

kanyang paghahatid ng serbisyo publiko.

Kaya naman nakuku-ha niya ang simpatiya ng mga katandaan, kababai-han at kabataan dahil sa kanyang malakas na sense of humor.

Iba si Bise Gob. Daniel kapag yumakap sa tao. Ta-lagang yakap na may pag-mamahal. Nararamdaman ang dantay ng mga bisig.

Palibhasa ay galing sa isang mahirap na pami-lya kaya ramdam ni Vice

Paghahatid Tulong Medical ni Bise Gobernador Daniel Fernando sa Brgy. Pasong Callos, San Rafael, Bulacan.

Paghahatid Tulong Medical at Dental Mission n sa mga taga Brgy. Muzon San Jose del Monte City.

Silip Mata mission Brgy. Pasong Callos, San Rafael

Si Vice Gov. Daniel Fernando sa 50th Founding Aniversary ng Our Lady of Mt. Car-mel College sa Brgy. Sabang Bayan ng Baliwag.

Si Vice Gov. Daniel Fernando kapiling ang 2 batang may sakit na mga taga-Harmony Hill, Brgy. Muzon, SJDM City.

Gov. Daniel ang pasakit ng isang mahirap.

Tunghayan natin ang ilang araw na pag-iikot ng masipag na bise goberna-dor ng Bulacan…Daniel R. Fernando.

Mula sa mga kabata-an hangang sa mga ka -tandaan ay kinahuhu-

Ang bise gobernador

habang kadaop-palad

ang mga miyembro

Federation of Senior Citizens

of Bocaue

malingan si VG Daniel, at kahit saan siya magtu-ngo ay pinag-kakaguluhan ang guwapong pulitiko.

Go...go...go Vice!

RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 2-3RONDA Balita vol3 #1.indd EDITED.indd 2-3 7/18/2017 7:59:09 AM7/18/2017 7:59:09 AM