Mam Bacal Filipino 2012

111
I. Layunin A. Nakabubuo ng banghay o balangkas tungkol sa napakinggang teksto Nagagamit ang pangngalan bilang iba’t ibang bahagi sa pangungusap, sa mga salita, dayalog, anunsyo, talata, liham Napipili ang mga mahahalagang detalye na sumusuporta sa bawat pangunahing diwa Nakabubuo ng balangkas na may dalawang bahagi Nagagamit ang malaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan B. Mga Estratehiya Larawan Pagbasa ng Pabigkas Masining na Pagkukwento C. Pagpapahalaga Pagiging matapat/mabait II. Paksang Aralin A. Kwento: “Ang Pinakatampok sa Labingdalawa” B. Estratehiyang Pangwika Paggamit ng pangngalan bilang iba’t ibang bahagi sa pangungusap, sa mga salita, dayalogo, anunsyo, talata, liham C. Pagpili ng mga mahahalagang detalye na sumusuporta sa bawat pangunahing diwa. Pagpili ng balangkas na may dalawang bahagi. D. Paggamit ang malaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan. E. Sanggunian: Pagdiriwang sa Wikang Filipino (Wika) pp.66-70 Pagdiriwang sa Wikang Filipino (Pagbasa) pp.163-169 Hiyas sa Wika pp.43-47 Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi F. Kagamitan: tsart activity card flash card larawan III. Gawain sa Pagkatuto A. UNANG ARAW 1. Bago Bumasa 1.1 Pagganyak Sinu-sino ang bumubuo sa isang pamilya? Bilang isang anak, ano ang taglay mong katangian para maging katangi-tangi ka? 1.2 Pagkilala sa Kwento Pagtukoy sa Pamagat: “Ang Pinakatampok sa Labindalawa” 1.3 Paghahawan ng Balakid MIX AND MATCH (Paggamit ng cartolina strips) Hanay A Hanay B 1. yumukod a. sumanib 2. sumubok b. nagbigay-galang 3. uhay ng palay c. hinanap 4. hinirang d. pinili 5. hinaluglog e. sinilbihan

description

bacal filipino

Transcript of Mam Bacal Filipino 2012

Page 1: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Nakabubuo ng banghay o balangkas tungkol sa napakinggang teksto

Nagagamit ang pangngalan bilang iba’t ibang bahagi sa pangungusap, sa mga salita, dayalog, anunsyo, talata, lihamNapipili ang mga mahahalagang detalye na sumusuporta sa bawat pangunahing diwaNakabubuo ng balangkas na may dalawang bahagiNagagamit ang malaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan

B. Mga EstratehiyaLarawanPagbasa ng PabigkasMasining na Pagkukwento

C. PagpapahalagaPagiging matapat/mabait

II. Paksang Aralin A. Kwento: “Ang Pinakatampok sa Labingdalawa” B. Estratehiyang Pangwika

Paggamit ng pangngalan bilang iba’t ibang bahagi sa pangungusap, sa mga salita, dayalogo, anunsyo, talata, liham

C. Pagpili ng mga mahahalagang detalye na sumusuporta sa bawat pangunahing diwa. Pagpili ng balangkas na may dalawang bahagi. D. Paggamit ang malaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan. E. Sanggunian:

Pagdiriwang sa Wikang Filipino (Wika) pp.66-70Pagdiriwang sa Wikang Filipino (Pagbasa) pp.163-169Hiyas sa Wika pp.43-47Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi

F. Kagamitan:tsartactivity cardflash cardlarawan

III. Gawain sa Pagkatuto

A. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Sinu-sino ang bumubuo sa isang pamilya? Bilang isang anak, ano ang taglay mong katangian para maging katangi-tangi ka?

1.2 Pagkilala sa KwentoPagtukoy sa Pamagat: “Ang Pinakatampok sa Labindalawa”

1.3 Paghahawan ng BalakidMIX AND MATCH (Paggamit ng cartolina strips) Hanay A Hanay B1. yumukod a. sumanib2. sumubok b. nagbigay-galang3. uhay ng palay c. hinanap4. hinirang d. pinili5. hinaluglog e. sinilbihan

f. tangkayg. binigyan ng pagsubok

1.4 Pagbuo ng Pangganyak na TanongAno ang masasabi ninyo kung taglay ng iyong kapatid ang magandang katangian ng

isang bata?1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad ng kwento2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kwento tuluy-tuloy gamit ang masining na pagkukwento.2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa kuwento at pagtalakay tungkol dito. 3. Pagkatapos Bumasa

3.1 Pagsagot sa Pangganyak na tanongBakit kinahihilian si Jose ng kanyang mga kapatid?

Page 2: Mam Bacal Filipino 2012

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Bumuo ng isang banghay o balangkas sa napakinggang teksto.Pangkat II – Bumuo ng 2 taludtod ng tula tungkol sa paksang “Ang Pinakatampok sa

Labindalawa”Pangkat III – Isadula ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kwento.

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainBumuo ng isang kuwento tungkol sa magkakapatid at bumuo ng balangkas tungkol dito.

Page 3: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPanlinang na Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain 1.1 Pagbabaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guro.JacobIsraelitasalbahePotiparParaontaggutom

1.2 PagsasanayMagbigay ng pangngalan at sabihin kung anong uri ito ng pangngalan at gamitin ito sa

pangungusap.Jose – pantangi

Si Jose ang pinakatampok sa magkakapatid.lahi – lansakan

Dinala sa Israel ang lahi ni Jacob at RachelKapatid – pambalana

Ang mga kapatid niya ang mga nagbalak pumatay sa kanya. 1.3 Balik-aral

Salungguhitan ang pangalan pantangi, pambalana at lansakan sa pangungusap.1. Maraming nabibiling pagkain sa supermarket.2. Masarap ang ulam na niluto ni Aling Iska.3. Nagpunta sa Luneta sina Edna at Albert.4. Nakakita sila ng mga pulutong ng tao.5. Maraming tao sa parke.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Ayon sa kuwentong tinalakay natin kahapon, bakit nila itinapon si Jose? 2.2 Pagtalakay sa Kuwento

1. Pang ilang anak nina Jacob at Rachel si Jose?2. Ano ang ginawa ng magkakapatid upang mapatunayang patay na si Jose?3. Ano ang iminungkahi ni Ruben sa kanyang mga kapatid?4. Saan nagtatrabaho si Portipar kung saan ipinagbili si Jose?5. Sino ang nagpakaon sa lahi ni Jose?(Itala ang mga sagot sa pisara)1. Si Jose ang ikalabing-isa sa 12 anak ni Jacob at Rachel.2. Kinuha nila ang damit na may dugo at ipinakita sa magulang.3. Inihulog siya sa balon na walang tubig.4. Kay Paraon ang hari ng Ehipto.5. Si Paraon ang hari ng Ehipto ang nagpakaon nang malaman ang buong pangyayari sa

pamilya ni Jose.

3. Pagtalakay sa Aralin(Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na nakasulat sa pisara.)Ano ang gamit na pangngalan sa unang pangungusap? Ikalawang pangungusap? Ikatlong

pangungusap? Ikaapat at ikalimang pangungusap?Ano ang iba’t ibang gamit ng mga pangngalan sa una, ikalawa hanggang ikalimang

bilang? Ang unang bilang, ang pangngalan Jose ay ginamit na paksa o simuno sa

pangungusap. Ang ikalawang bilang, ang pangngalan damit ang ginamit na tuwirang layon Ang ikatlong bilang, ang pangngalan balon ang layon ng pang-ukol. Ang ikaapat at ikalimang bilang, ang pangngalan hari ng Ehipto ay pangngalang

pamuno.

4. Pagbigkas sa PagsasanayBasahin ang pangungusap at kilalanin ang gamit ng pangngalan._____ 1. Panauhin si Ruben Torres._____ 2. Panauhin si Ruben Torres._____ 3. Si G. Ruben Torres, ang kapitan ng aming barangay ay kinausap ng mga tao._____ 4. Magbibigay kami ng pera kay G. Ruben Torres._____ 5. Gumawa siya ng kautusan para sa mamamayan.

Page 4: Mam Bacal Filipino 2012

5. PaglalahatAnu-ano ang mga gamit ng pangngalan?

6. Pinatnubayang PagsasanayTukuyin kung ang gamit ng pangngalang binibigyang diin ay simuno o paksa, layon ng

pang-ukol, tuwirang layon, o pangngalang pamuno sa pangungusap.a. Hinangaaan ng mga dayuhan si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani.b. Sadyang mahusay sumayaw si Erlinda.c. Lahat ng mag-aaral ay sumulat ng balita.d. Nagtungo sa paaralan ang mga magulang.e. Ang mga anak ng maysakit ay dumating na.

7. Malayang PagsasanayPag-aralan ang isang tampok na larawan sa ating bayan. Gumamit ng iba’t ibang

pangngalan sa pagsasalaysay tungkol dito.Pangkat I – Bulkan TaalPangkat II – Fantasy WorldPangkat III – Simbahan ng Taal

8. PaglalapatGamitin ang pangngalan ayon sa hinihingi ng bawat bilang.

1. Dr. Jose RizalSimuno: __________________________________________ __________________________________________

2. Pambansang Bayani Layon ng pang-ukol: __________________________________________ __________________________________________

3. mamamayan Pangngalang pamuno: __________________________________________ __________________________________________

4. mahihirap Tuwirang layon: __________________________________________ __________________________________________5. Pilipino Simuno: __________________________________________ __________________________________________

9. PagtatayaPunan ng angkop na pangngalan ang mga patlang upang mabuo ang talata. Walang

patlang ang unang pangungusap upang magkaroon ka ng ideya tungkol sa paksa. Ang pangngalan ay maaaring simuno, layon ng pang-ukol, tuwirang layon at pamuno.

Nakakita ka ban g mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano ito nangyari? Maraming ________ ang nag-iiwan ng kinalbong bahagi ng __________. Pinuputol nito

ang mga ________at hindi pinapalitan ng bago. Dito pumapasok ang mga ___________. Tinataniman nila ito ng ________ at ________. Pagkatapos ng dalawang _______. Hindi na nila ito tataniman. Kung maganda pa ang mga _________, na ginawa ng mga _______. Maaaring may magtayo ng ________ sa dating _______, sa halaman, dadami ang mga ________ at ito’y magiging munting ________ ng mga _________. Sisikapin nilang taniman ang ________ upang makapag-ani. Ngunit dahil sa kakulangan sa ________ hindi sila makapag-ani ng _______. At kung hindi marunong maglinis magkakalat sila ng ________.

kubo kabundukan tubig pamaydaan kaingero puno palay at maispaligid magtotroso kaingin pamayananlikha ikabubuhay bundok pag-aanitao basura

10. KasunduanGumawa ng isang liham para sa isang katangi-tanging Pilipino na nagbigay ng

karangalan sa ating bansa. Iparating sa kanya ang iyong paggalang at pagmamalaki sa kanyang mga nagawa. Isaalang-alang ang paggamit ng pangngalan sa liham.

Page 5: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagbubuo?Dekoding/Pagbasa

1. PagganyakAyon sa kwentong ating binasa “Ang Pinakatampok Labindalawa,” Ano ang dahilan at gusting ipapatay ng kanyang mga kapatid na nakatatanda si Jose?

2. PaglalahadIlahad ang mga sumusunod na pangungusap.

A1. Mahal na mahal si Jose ng kanyang ama at ina.2. Binalak ng kanyang kapatid na siya ay patayin.3. Pinag-iisipan ng masama si Jose dahil mahal na mahal siya ng mga magulang.4. Ipinagbili siya ng kanyang mga kapatid sa isang Israelita.5. Ibinalita ng mga kapatid ni Jose sa kanilang mga magulang na siya’y patay na.

B1. Ipinagbili siya at naging katiwala ni Potipar2. Ipinatawag si Jose ni Paraon upang bigyang kahulugan ang kanyang mga panaginip.3. Sinubok ni Jose ang mga kapatid kung sila’y nagbago na.4. Naging pangalawa si Jose sa pinakamahalagang tao sa Ehipto.5. Ipinasundo ni Paraon ang buong pamilya ni Jose.

3. Pagtalakay sa AralinAlin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pangunahing diwa?Alin sa mga pangungusap ang mahahalagang detalye na sumusuporta sa bawat pangungusap?

Pangunahing Diwa 1 Pangunahing Diwa 2________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________

Mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa.________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________

4. Pagbibigay ng isa pang kuwento o tula.Ang Panahon

Maganda ang sikat ng araw,Ang mga ibon ay masaya;Humuhuni ang mga kulisapKung maganda ang panahon.

Maulap ang kalangitan,Nagtatago ang mga ibon sa pugad;Gayundin ang mga kulisapKung umuulan at masungit ang panahon.

5. Pabigkas ng KasanayanPaglalahad ng tula

6. Pinatnubayang PagsasanayGumawa at tapusin ang balangkas sa ibaba nito. Gumawa ng isang puntos (one point outline) at dalawang puntos na balangkas (two point outline).A. (Isang puntos na Balangkas)

ANG PANAHONI. Magandang Panahon

A. Sumisikat ang ArawB. __________________________C. __________________________

II. _____________________________A. __________________________B. Nagtatago rin ang mga kulisapC. __________________________

III. Sa isang pangungusap, ibigay ang buod o pangunahing diwa ng maikling tula.

Page 6: Mam Bacal Filipino 2012

7. Malayang PagsasanayB. (Dalawang puntos na balangkas)

Magandang Panahon A. Sumisikat ang araw 1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ B. _____________________________________________________ 1. ___________________________________________________ 2. ____________________________________________________ C. ______________________________________________________ 1. _____________________________________________________ 2. _____________________________________________________

II. _______________________________________________________ A. _____________________________________________________

1. __________________________________________________2. __________________________________________________

B. _____________________________________________________1. __________________________________________________2. __________________________________________________

8. PagtatayaIsulat ang mga ginagawa mo na nagpapakita ng ilang katangian ng langgam. p. 282

Pakikiisa Pagkamasipag1. 1.2. 2.3. 3.

Pagtutulungan Pagkamatalino1. 1.2. 2.3. 3.

Katapatan1.2.3.

9. KasunduanGumawa ng balangkas tungkol sa paksa na “Langgam.....Ating

Page 7: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng Lunsaran“Ang Pinakatampok sa Labindalawa”

2. Pagtalakay sa GawainIpaliwanag ng guro kung paano nagagamit ang malaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan.

3. Pagbigkas na GawainPapagbigayin ang mga bata ng iba’t ibang gamit ng pangalan na may malalaking titik at ginagamitan ng gitling sa pagsulat.

4. PaglalahatAnu-ano ang gamit ng malaking titik at gitling sa pagsulat?

5. Pinatnubayang PagsasanayIsulat ng wasto ang bilang o bahagi ng di ayos na pagkakasulat sa liham. Gamitin ang malalaking titik at gitling sa pagsulat.

Paaralang Elementarya ng San GregorioMabini streetCamotes, cebuika 12 _____

mahal kong kaibiganinaanyayahan kita sa kaarawan ng aking kapatid na si ana. Sa darating na ika 31 ng desyembre 2011. Isama mo sina lisa, charlot, Carla at celia. Gaganapin ito sa aming tahanan sa Caloocan sa ganap na ika 3:00 ng hapon.inaasahan ko na kayo ay dadalo.Ang iyong kaibiganLydia G. Lucero

6. Malayang PagsasanayIsulat ng wasto ang kwento/teksto na ibibigay ng guro (Nakasulat sa tsart)

7. PagtatayaNarito ang isang palatuntunan. Iwasto ang bilang o bahagi ng di ayos ang pagkakasulat.Paaralang elementary ng san josePalatuntunan sa Buwan ng WikaAgosto 30, 20038:00 n. u.I. Pambansang awit lahat ng mag-aaralII. pagbati bb. Natalia Dereza (Punungguro)III. tula Josel Gonzales, V.BIV. awit Alma Garcia V-CV. awit Ana Garcia V-CVI. talumpati Rowena Cruzin, V-AVII. sayaw carinosa, VI-AVIII. Pangwakas na Pananalita G. Crisanto

Beana Pangalawang Punungguro

Page 8: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. Pamamaraan

A. Paghahanda1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 9: Mam Bacal Filipino 2012

I. LayuninA. Napagsusunod-sunod ang mga ideya sa napakinggang teksto kaugnay ng pagbabago sa paligid. Napaguuri-uri ang pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit, tambalan. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng panlapi. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangngalan sa pagsulat ng liham-pangkaibigan.

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng PabigkasPagsasadula

C. Pagpapahalaga: Pangangalaga/pagmamahal sa kalinisan

II. Paksang Aralin A. Dula-dulaan: Kapaligiran, Pahalagahan Mo Naman B. Estratehiyang Pangwika

Paguuri-uri ng pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit at tambalan C. Pagbibigay kahulugan ng mga salita batay sa ginamit na panlapi D. Pagsulat ng liham pangkaibigan gamit ang iba’t ibang uri ng pangngalan E. Sanggunian: Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi pp.173-175

Hiyas sa Pagbasa pp.162-163 p.209Hiyas sa Wika pp.52-53Manwal ng Guro pp. 163-167

F. Kagamitan:Flashcard ng mga salitaActivity Sheet

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Anu-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa atin? Bakit ito nangyayari?1.2 Pagpapakilala sa dula-dulaan

Pagtukoy sa pamagatKapaligiran, Pahalagahan Mo Naman

1.3 Paghahawan ng BalakidMix and Match (Paggamit ng flashcards ng mga salita)

SEGREGATION - Pagkuha o pagtibag ng bato, buhangin sa kabundukanRECYCLING - Nangangarap

Muling paggamit ng mga bagay na itinapon naQUARRYING - Paghihiwalay ng basura sa nabubulok at di-nabubulok

1.4 Pagbubuo ng Pangganyak na tanongBakit dapat nating pahalagahan ang ating kapaligiran?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad na muli ng dula-dulaan2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa dula-dulaan2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa dula-dulaan at pagtatalakay dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa pangganyak na tanong

Bakit dapat nating pahalagahan ang ating kapaligiran?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkat I - Isadula ang napakinggang tekstoPangkat II - Magbigay ng limang pangungusap na maaaring

mangyari kung ipagwawalang halaga ang pagbabago sa paligid.

Pangkat III - Iguhit ang mga pangyayari sa panaginip ni Buboy3.3 Pagpapayamang Gawain

A. Isulat sa bawat bilang ng hagdanan ang mga ideya sa napakinggang teksto ayon sa pagkakasunud-sunod nito.

- Kung aalagaang lamang ng tao ang kaniyang kapaligiran walang taong magbubuwis ng buhay.

Page 10: Mam Bacal Filipino 2012

- Ang mga basura na ikinalat ng tao ay siyang nagdadala ng mga sakit.- Ang biodegradable materials ay mga basurang nabubulok samantalang ang non-

biodegradable materials ay mga basurang di-nabubulok.- Sa kapaligiran kumukuha ng ating ikinabubuhay kaya’t nararapat lamang na

ito’y pahalagahan.B. Pakinggang mabuti ang babasahing teksto ng guro at pagsunud-sunurin ang ideya nito ayon sa napakinggan.

Page 11: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

Isulat ng wasto ang mga salitang bibigkasin ng guro.compost pitkonectormaterialskabundukan

1.2 Balik-aralSalungguhitan ang mga pangngalan ginamit sa balita.

Isang pampasaherong eroplano ang bumagsak sa bundok ng Sumagaya Claveria Cebu Pacific Air Flight Number 387 Misamis Oriental noong ika-3 ng Pebrero

1998.Ang eroplano na nagmula sa Maynila patungong Cagayan de Oro ay may lulang 134 na pasahero, kasama na ang limang crew nito bumagsak ito sa nasabing

bundok. Ang bundok ay may taas na 7, 375 talampakan. Maraming Volunteer at rescuer ang umakyat sa bundok upang hanapin ang bumagsak na eroplano.

Samantala, matiyagang naghihintay sa ibaba ng bundok ang mga kaanak at kaibigan ng mga pasaherong lulan ng eroplano. Hinihinalang wala ni isa ang

nakaligtas sa trahedya.

2. Bagong Aralin 2.1 Pagganyak

Tungkol saan ang dula-dulaan na inyong pinakinggan at tinalakay kahapon? 2.2 Pagtatalakay sa dula-dulaan

(Itala ang mga sagot sa pisara)1. Ano ang napanaginipan ni Buboy?2. Anu-ano naman ang mga pinsalang naidudulot nito?3. Anu-ano ang sanhi ng pagbaha?4. Bakit kailangan nating pahalagahan ang ating kapaligiran?Sagot:1. Ang napanaginipan ni Buboy ay ang tungkol sa napakalaking pagbaha sa kanilang

lugar.2. Ang mga sanhi ng pagbaha ay ang walang habas na pagtotroso, pagpapatag ng mga

kabundukan.3. Ang pinsala ay malaki ang naidudulot lalo na sa ari-arian ng mga tao.

3. PagtatalakayBasahin natin ngayon ang mga salitang may salungguhit.Anong bahagi ng pananalita ang mga ito?Ano ang masasabi mo sa mga salitang buhay at sakit?Ano naman ang napapansin mo sa mga salitang kabundukan, pagbaha at pagpatag?Ilang beses inuulit ang salitang ari-arian?

4. Pagbigkas na PagsasanayPumalakpak ng isa kung ang pangngalang babanggitin ng guro ay payak, dalawang beses

kung ito ay maylapi, tatlong beses kung ang pangngalan ay tambalan.1. pistang-bayan 4. kasunduan2 harana 5. takag-taka3. timpalak

5. PaglalahatAnu-ano ang kayarian/anyo ng pangngalan?Ano ang pagkakaiba ng bawat isa?

Page 12: Mam Bacal Filipino 2012

4. Pinatnubayang PagsasanayBumuo ng iba’t ibang anyo ng pangngalan buhat sa sumusunod na salitang payak.1. hirap2. anak3. gamot4. dagat5. pangarap

5. Malayang PagsasanayA. Ibigay ang pangngalang payak sa sumusunod na pangngalang maylapi.1. mang-aawit2. kapistahan3. kapuluanB. Isulat ang anyong inuulit ang mga sumusunod na salita1. hula2. sabi

6. PaglalapatPiliin ang pangngalan na ginamit sa pangungusap. Isulat kung ito ay nasa payak, maylapi, inuulit

o tambalan.1. Araw-araw ay naghahanda at nagluluto ang nanay para sa amin.2. Ang bundok sa ngayon ay nakakalbo na3. Binibili ni Mang Ado ang lupa sa Batangas.4. Ang pista ay ipinagdiriwang ng taga-baryo.5. Pangalawa siya sa magkakapatid.

7. PagtatayaIsulat kung ang mga sumusunod na pangngalan ay payak, maylapi, inuulit o tambalan.1. akayin2. kayamanan3. anak-bayan4. batu-bato5. nayon

8. KasunduanSumulat ng limang pangungusap gamit ang iba’t ibang kayarian ng pangngalan.

Page 13: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAW

1. PagganyakBalikan natin ang dula-dulaan na ating tinalakay nang nakaraang araw.Tungkol saan ang dula-dulaan?

2. Paglalahad at pagbasa sa dula-dulaan

3. PagtatalakayanAno ang maaring kalabasan kung patuloy ang pagputol ng mga puno sa kabundukan?Paano mo pahahalagahan ang iyong paligid upang di mangyari ang pagbaha?Sagot:1. Ang maaaring kalabasan kung patuloy ang pagputol ng mga puno sa kabundukan ay magdudulot ng malaking pinsala sa ating kapaligiran.2. Pahahalagahan ko ang paligid sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno. Suriin natin ang mga salitang ito na hango sa dula-dulaan.

Salita Salitang-ugat Panlapi Kahulugan1. Kabundukan2. Pahahalagahan3. Pagbaha

Ano ang salitang ugat ng salitang kabundukan?Anong salita ang natira matapos tanggalin ang salitang-ugat?Ano ang tawag dito?Saan ito natatagpuan kung nilapian ang salitang-ugat?Ano ang kahulugan ng salitang bundok?Kung ito ay lalapian natin ng panlaping ka-an, ang salitang bundok ay magiging kabundukan.Ano naman ang kahulugan ng salitang kabundukan?

4. Pagbibigay ng iba pang halimbawaNakaupo siya sa loob ng magarang silid.Anong salita ang mgay salungguhit?Anong salitang ugat ng salitang nakaupo?Ano ang panlaping ginamit?Ano ang kahulugan ng salitang nakaupo?

5. PaglalahatAno ang panlapi?Anu-ano ang mga uri ng panlapi?

6. Pabigkas na kasanayanPangkatin ang mga sumusunod na salita ayon sa ginamit na panlapi. Isulat ang panlapi, salitang-ugat at ang kahulugan nito sa kahong angkop sa posisyon nila.

Salitang-ugat Panlapi Kahulugan1. pagbutihin 1.2. pagtaas 2.3. katapusan 3.4. sumabit 4.

7. Pinatnubayang PagsasanaySumulat ng 2 salitang ginagamitan ng mga sumusunod na panlaping magkatambal. Ibigay ang kahulugan nito1. ka-han2. pinag-han3. na-han4. in-an5. pa-han

8. Malayang PagsasanayGamitin ang mga gabay na salitang ugat, isulat sa iyong papel ang tamang salitang angkop sa diwa ng sanaysay.

Ang Paghahanda kung PistaKung may pista (1) (handa) ng masarap na pagkain ang maybahay (2) Gayak ng mga (3)

ganda ng palamuti ang bawat silid ng bahay. (4) Lagay ng mga bagong kurtina at tarpete sa salas at komedor. (5) labas din ang luma ngunit mukhang bagong (6) gamit at kasangkapan sa pagkain (7) katay ng matatabang baboy at maraming manok din ang gigilitan para sa pista. Magdamag na puyat at pagod ang (8) habang sa kahahanda sa araw ng pista, (9) saya ang mukha ng maybahay kapay (10) kita maganang kumain ang mga panauhin.

Page 14: Mam Bacal Filipino 2012

9. PaglalapatKumpletuhin ang tsart.Salitang-ugat Panlapi Mahabang Salita Kahulugan1. kuha Kinuha2. ubos -in3. Ka-an kayaman4. sabi5. labis Ka-an

10. PagtatayaBasahin ang mga sumusunod na salita sa unang hanay, isulat ang salitang-ugat nito, ikalawang hanay ang mga panlaping ginagamit at ikatlong hanay ang kahulugan nito.

Salita Salitang-ugat panlapi Kahulugan1. nagtakbuhan2. bayanihan3. nakaimbak4. kapanatagan5. kasiyahan

11. KasunduanSumulat ng limang pangungusap. Salungguhitan ang salitang ugat at bilugan ang panlaping ginamit.

Page 15: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAWPAGSUSULAT

1. Paglalahad ng liham pangkaibiganPagpapakita ng guro ng isang liham pangkaibigan na gumagamit ng iba’t ibang uri ng pangngalan

2. Pagtalakay sa GawainIpaliliwanag ng guro ang pagsulat ng liham pangkaibigan na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pangngalan.

3. Pagbigkas na GawainMagbigay ng isang halimbawa ng liham pangkaibigan at tukuyin ang iba’t ibang uri ng pangngalan ang ginagamit sa liham.

4. PaglalahatAno ang dapat nating tandaan sa pagsulat ng liham pangkaibigan?

5. Pinatnubayang GawainIsulat ng wasto ang liham pangkaibigan na ibibigay ng guro.143 Poblacion, ValenzuelaMetro ManilaHulyo 27, 2011Mahal kong Chennie,

Alam mo Chennie, nasa huling taon na ako sa elementarya. Hindi ba sabay tayong dalawa? Marami pala tayong subjects ngayong taon at mahihirap pa pero nag-aaral naman tayong mabuti, hindi ba? Tuwang-tuwa sina tatay at nanay dahil ako ang unang anak nilang magtatapos sa elementarya.

Kumusta ka na? Ikaw pa rin ba ang pangulo ng inyong klase? Sulatan mo naman ako.Ang iyong kaibigan,Roland

6. Malayang pagsasanay(Pangkatang Gawain)Lumikha ng isang liham pangkaibigan ang bawat pangkat.Kailangang tumatalakay ito sa alinman sa mga sumusunod.a. Ang nakaraang pagsusulitb. Pinakamagandang pelikulang pinoyc. Sa Sabado, laro tayo.

7. PaglalapatIsulat na muli ang liham pangkaibigan at tukuyin ang iba’t ibang pangngalan na ginamit sa liham.

8. PagtatayaIsulat sa wastong anyo ang liham sa ibaba.1. Ang iyong Kaibigan,2. Mahal kong Ellen,3. Maraming salamat sa ipinadala mong kopya ng mga larawan natin noong nakaraang bakasyon. Hindi ko maiwasang balik-balikan ang saya at galak natin sa dalampasigan noon.

Sana’y maulit muli ang mga pagkakataong katulad noon.4. Magsaysay St., Tondo, Manila Oktubre 25, 2010

Page 16: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 17: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Napagsusunod-sunod ang mga ideya sa napakinggang teksto kaugnay ng pagbabago sa paligid.

Napaguuri-uri ang pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit at tambalan.Nasasabi ang mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa seleksyong binasa.Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangngalan sa pagsulat ng liham pangkaibigan.

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng pagbigkasMasining na pagkukwento

C. Pagpapahalaga: Pagbubuklod ng Pamilya Paggalang sa Kapwa

II. Paksang Aralin: A. Kuwento: Ang Walis na Tingting (Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi pah. 133-134) B. Pagsusunod-sunod ng mga ideya sa napakinggang teksto C. Pag-uuri-uri sa pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit at tambalan. D. Pagsasabi ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa seleksyong binasa. E. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangngalan sa pagsulat ng liham pangkaibigan. F. Sanggunian: Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi pah. 133-134

Liham (Aklat sa Wika at Pagbasa) pah. 154-156 G. Kagamitan: Activity Chart

III. Gawain sa Pagkatuto A. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Sino sa inyo ang maraming kapatid? May pagkakataon bang nagkakagalit kayong magkakapatid? Bakit? Ibahagi mo ito sa klase.

1.2 Pagpapakilala sa kwentoPagtukoy sa pamagat“Ang Walis na Tingting”

1.3 Paghahawan ng Sagabal/Balakid(Pagbibigay kahulugan sa mga salita sa pamamagitan ng kilos at gamit sa pangungusap)

A. hambalos - ibatoYamot - galit Ipakikita sa pamamagitan ng kilosPatikimin - bigyan

B.Nais niyang umakyat sa mataas na puno, ngunit musmos pa siya. (bata pa)Kailangang masupil ang masama niyang pag-uugali. (mapigil, masugpo)

1.4 Pagbubuo ng pagganyak na tanong. Paano nakatulong ang walis na tingting sa pagkakasundo ng magkakapatid?1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad muli ng kuwento2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro ng kuwento nang tuluy-tuloy gamit ang masining na pagkukuwento.2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito. 3. Pagkatapos Bumasa

3.1 Pagsagot sa pagganyak na tanongPaano nakatulong ang walis na tingting sa pagkakasundo ng magkakapatid?

3.2 Pangkatang GawainPangkat I – Isadula ang bahagi ng kuwento kung saan nag-uusap ang mag-iina.Pangkat II – Gumawa ng poster tungkol sa magandang samahan ng mag-anak.Pangkat III – Ipakita sa pamamagitan ng pantomina ang kahalagahan ng pagkakabuklod

ng mag-anak.3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang Gawain

Ang mag-anak na nagkakaisa at nagtutulungan ay tulad ng walis tingting na nakabuklod. Sumulat ng maikling talata tungkol sa pagkakabuklod ng mag-anak.

Page 18: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbaybay

Isulat nang wasto ang salitang bibigkasin ng guro.- Ihambalos- Nakabuklod- Masupil- Patikimin

1.2 PagsasanayMagbigay ng halimbawa ng pangngalan at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

1.3 Balik-aralSalungguhitan ang pangngalan sa pangungusap.1. Mahusay na mekaniko si Edwin.2. Pagod na pagod siya sa pag-uwi sa bahay.3. Napakalaking pagbaha ang naganap sa kanilang lalawigan.4. Ang mag-anak na Roxas ay nagbalikbayan.

2. Bagong Aralin:2.1 Pagganyak

Mula sa kwentong inyong napakinggan ng nakaraang aralin na pinamagatang “Ang Walis na Tingting: Nakaranas din ba kayong magkakapatid ng ganoong sitwasyon? Ano ang

ginawa ng iyong magulang?2.2 Pagtatalakay sa kwento

(Isusulat ng guro sa pisara ang sagot ng mga bata)1. Ilan ang anak ng mag-asawa sa kwento?2. Sinu-sino ang malimit magkagalit?3. Ayon sa binasang kuwento, kung palaging nagkakagalit, nagtatalo at pangkat-pangkat,

ano daw ang mangyayari?4. Ano ang masasabi ninyo sa pamilya nina Mang Luis at Aling Perla? Mayaman ba sila? Anong pagbabago ang naganap sa pakikitungo ng magkakapatid sa isa’t isa?Sagot:1. Ang mag-asawa ay may apat na anak.2. Malimit magkagalit ang magkakapatid.3. Kung palaging nagkakagalit, nagtatalo at pangkat-pangkat ay madaling masusupil ng

kaaway.4. Simula noon, kahit sila’y anak-pawis ay hindi sila nagkakagalit.

3. Pagtalakay sa AralinPagbasa ng mga bata sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara)

- Anu-ano ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap? (una hanggang apat na pangungusap)

- Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang ito?- Balikan natin ang salitang may salungguhit sa unang bilang ng pangungusap, ano ang

tawag sa salitang ito?- Ano ang masasabi ninyo sa salitang may salungguhit sa pangatlong pangungusap? Sa

pang-apat na pangungusap?- Anong kayarian ng pangngalan ang bawat salita?- (pagtalakay sa kayarian ng pangngalan)

4. Pagbigkas na PagsasanayBasahin ang mga pangungusap. Kilalanin kung ang pangngalang may salungguhit ay nasa kayariang payak, tambalan, may lapi at inuulit.1. Pumunta kami sa simbahan.2. Maraming kabataan ang naroon.3. Mga anak-pawis ang nakikinig sa salita ng Diyos.4. Isang pari ang nangaral sa amin.5. Kumpol-kumpol ang mga bulaklak na dala ng dalagita.

5. PaglalahatAnu-ano ang mga kayarian ng pangngalan?

6. Pinatnubayang PagsasanayPangkatin ang mga sumusunod na pangngalan ayon sa kayarian. Isulat ang mga ito sa wastong hanay.paaralan iskawt

Page 19: Mam Bacal Filipino 2012

magkatribu trak-trakguro prutastatak-Pilipinodalagang bukid kumpok-kumpok

Payak Maylapi Tambalan Inuulit

7. Malayang PagsasanayIsulat kung ang mga sumusunod na pangngalan ay payak, maylapi, tambalan o inuulit.1. balat-sibuyas2. kabataan3. pangkat4. batang lansangan5. dalaga

8. PagtatayaPanuto: Isulat ang P kung ang may salungguhit na pangngalan sa pangungusap ay nasa payak na kayarian, M kung maylapi; T kung tambalan at I kung inuulit.1. Malinis at maayos ang aming paaralan.2. Bawal mag-ingay sa loob ng silid-aklatan.3. Hindi kaagad nakasagot ang ina.4. Ang tumba-tumba ang nagsimulang umugoy-ugoy.5. Bibigyan kita ng laruan sa kaarawan mo.

9. KasunduanMagtala ng mga pangngalan at uriin ang mga ito ayon sa kayarian. Ilagay ang mga pangngalan sa tamang hanay.

Page 20: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAW

1. Paglalahad/PagganyakAyon sa binasang kuwento “Ang Walis na Tingting”Ano ang naramdaman ng mag-asawa kapag nakikita niyang hindi nagkakasundo ang kanyang mga anak?(Pagsulat ng mga bata ng sagot sa pisara)Ano ang nangyari matapos mapagsabihan ni Aling Perla ang kanyang anak?

- Nalulungkot lagi si Mang Luis dahil sa hindi pagkakasundo ng kanyang mga anak.- Nagkasundo-sundo ang mga magkakapatid kaya hindi na sila nag-away at naging

masaya ang kanilang pamilya.

2. Pagtalakay sa Aralin(Pagbasa sa mga pangungusap na nakasulat sa pisara)Sa unang pangungusap, alin dito ang nagsasabi ng sanhi ng pangyayari? Sa pangalawang pangungusap?Ano naman ang pangyayaring nagsasabi ng bunga sa unang pangungusap? Pangalawang pangungusap?

3. Pagbibigay ng isa pang kuwento“May Panahon Pa”Likha (aklat sa Wika at Pagbasa) pah.154-156

4. Pagtalakay sa Kuwento Mula sa kuwento, bakit laging umaalis ang katulong sa tahanan nina Mang Luis at Aling Violy?Paano nagbago ang kanyang ugali?Pagsasabi ng mga pangyayari mula sa kuwento na may ugnayang sanhi at bunga.

5. Pinatnubayang PagsasanayBawat sanhi sa Hanay A ay may katambal na bunga sa Hanay B. Pagtambalin ito.

Hanay A Hanay B1. Pagtatapon ng basura sa ilog A. tumataas ang presyo ng bilihin2. Pagtaas ng halaga ng gasoline B. bumabaha sa kapaligiran3. Paggamit ng pataba C. nagpapabagal ng daloy ng tubig4. Pananalanta ng bagyo D. umaani nang masagana ang magsasaka5. Pagputol ng mga puno sa kabundukan E. nasisira ang mga ari-arian

6. Malayang PagsasanayIbigay ang sanhi ng sumusunod na pangyayari.1. Nakukuha siya ng mataas na marka.2. Nagkaroon ng malaking pagbaha.

Ibigay ang bunga ng sumusunod na pangyayari.3. Napakalakas ng ulan at ihip ng hangin.4. Nagkaroon ng mahabang tagtuyot.

7. PaglalapatGumawa ng pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga.Kumuha ng kapareha at ipasabi kung alin ang sanhi at bunga.

8. PagtatayaSalungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga.1. Mahusay na mekaniko si Edwin kaya maraming nagpapakumpuni sa kaniya ng sasakyan.2. Bihirang magkasakit si Mang Gil dahil alagang-alaga niya ang kaniyang kalusugan.3. Napakahusay makisama ni Aling Binday kaya marami siyang kaibigan.4. Pagod na pagod siya pag-uwi sa bahay dahil maghapong naglaro sa lansangan si Darwin.5. Si Willy ay hindi nakasama sa pag-uwi sa Dagupan sapagkat tinanghali siya ng gising.

9. KasunduanSumulat ng limang pangungusap na may ugnayang sanhi at bunga. Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga.

Page 21: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng Lunsaran“Ang Walis na Tingting”

2. Pagtalakay sa GawainMula sa ating kuwento, nagkasundo din huli ang magkapatid sa mga pangaral na ibinigay ng kanilang mga magulang. Kung kayo ang nasa kalagayan nila at nais mong ibalita sa inyong kaibigan. Ano ang maaari ninyong gawin?Ipaliliwanag ng guro ang mga pamantayan sa pagsulat ng isang liham pangkaibigan.

3. Pagbigkas na GawainIsalaysay ang inyong sasabihin sa inyong kaibigan na maaari ninyong ilagay sa isang liham pangkaibigan.Gumamit ng iba’t ibang pangngalan.

4. PaglalahatAnu-ano ang mga bahagi ng liham pangkaibigan?Paano sumulat ng isang liham pangkaibigan?

5. Pinatnubayang PagsasanayAnong bahagi ng liham ang mga sumusunod?1. Mahal kong kaibigan,2. 245 J. P. Rizal St. Lemery, Batangas Hulyo 30, 20113. Ang iyong kaibigan,4. Kumusta ka na? alam mo napakasaya ko sa pagkakabuo ng aking pamilya, kasama ko na sina Nanay at tatay. Hindi na sila mangingibang bansa.5. Maria

6. Malayang PagsasanayIsulat nang wasto ang liham pangkaibigan.

730 Sta. MesaSampaloc, ManilaMarso 10, 2011

Mahal kong Alona,Kumusta ka na? alam kong naghintay ka sa pagtugon ng liham mo sa akin. Masyado akong naging abala sa paggawa ng aking proyekto sa eskwelahan. alam mo, isa ako sa tatanggap ng karangalan at napakasaya ko.Hanggang dito na lamang at sagutin mo sana ito.

Ang iyong kaibiganMarlene

7. PaglalapatSumulat ng isang liham pangkaibigan na ginagamit ng mga pangngalan.

8. PagtatayaPanuto: Ang liham na ito ay hindi maayos. Ayusin ang pagkakasulat at salangguhitan ang mga pangngalang ginamit.

4536 Yosemie Drive Montclair CaliforniaNobyembre 15, 2010Mahal kong Jemtuwang-tuwa ako nang matanggap ko ang iyong liham. Natutuwa sina Mommy at Daddy pati si Jason ng sabihin ko ang iyong pangungumusta at pag-anyaya. Salamat sa liham mo at gusto na rin kitang makita at makasama. Hanggang dito na lamang at hintayin mo kami.

NagmamahalCheryl

Page 22: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 23: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Naisasagawa ng balangkas ang mga ideya sa napakinggang teksto. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa pagsasalaysay ng sariling karanasan – panao,

pananong, pamatlig, panaklaw, patulod. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng paggamit nito sa pangungusap. Nagagamit ang malaking titik na angkop sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan,

paanyaya, paghingi ng paumanhin. B. Mga Estratehiya

Makinig sa pagkukuwentoPaggamit ng larawanPagbasa ng Pabigkas

C. PagpapahalagaPagiging masunurinMatutong makipagkaibigan

II. A. Kuwento : Ang Prinsesang Masungit B. Pagsagot sa mga tanong na: Ano, Paano, Bakit, Sino C. Istratehiyang Pangwika

Iba’t Ibang Uri ng Panghalip D. Pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng paggamit sa pangungusap. E. Paggamit ng malaking titik na Angkop sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Liham Pangkaibigan F. Sanggunian

PELC 14.1 p.26Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi pah. 212-44Pagdiriwang ng Wikang Filipino V (Wika) pah. 81-84Pagdiriwang ng Wikang Filipino V (Pagbasa) pah. 141-142

G. KagamitanFlashcard tsart ng kuwentolarawan activity sheet

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Kaninang umaga, nakita ko si Juls na kusang nagwalis ng harapan ng ating silid-aralan. Anong katangian ang kanyang ipinakita? Sino sa inyo ang may kilala pang may

natatanging katangiang tulad ni Juls? Ilarawan mo siya.

1.2 pagpapakilala ng kuwentoAng Prinsesang Masungit

1.3 Paghawan ng BalakidIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.a. engkatada - (larawan)b. palasyo - (larawan)c. nagmukmok - (pagsasagawa)d. nagrebelde - (pagsasagawa)

1.4 Pagbubuo ng pagganyak ng tanongPaano pinakisamahan ni Marie ang batang pumasok sa kanila ng katulong?

1.5 Pamantayan sa pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad ng kuwento“Ang Prinsesang Masungit”

2.2 Unang PagbasaPagbasa ng mga guro sa kuwento ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukuwento

2.3 Ikalawang PagbasaMuling pagbasa ng guro sa kuwento sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa pagganyak na tanong

Paano pinakisamahan ni Marie ang batang pumasok sa kanila ng katulong?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkat I – Magpakita ng isang iskit tungkol sa larawan ni Marie sa palasyo.Pangkat II – Gumawa ng tugma tungkol sa prinsesa “Ang Prinsesa.”Pangkat III – Sumulat ng editorial tungkol sa paksa sa ibaba.Pangkat IV – Iguhit ang magandang palasyo.

Page 24: Mam Bacal Filipino 2012

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat4. Pagpapayamang Gawain

A. Balikan ang kuwentong napakinggan. Igawa ito ng balangkas. I. Katangian ng ina ni Marie.

a. _____________________b. _____________________

II. Masamang kaugalian ni Mariea. _____________________b. _____________________

III. Pag-uugali ni Marie sa pagdating ni Anitaa. _____________________b. _____________________

B. Panuto: Basahin ang talata. Igawa ito ng balangkas.

Kilalang negosyante si Mang Crispin. Iba-ibang kalakal o produkto ang kanyang negosyo. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, bumagsak ang negosyo niya. Dahil sa taglay na kabaitan at katapatan madali siyang nakabangon. Lumagong muli ang kanyang negosyo.

Higit siyang kilala ngayon kaysa noon. Subalit hindi pa rin siya nagbago. Siya pa rin ang dating taong mapagbigay, maunawain, at matapat sa kanyang tauhan at kakilala.I. A. B. C.II. A. B. C.III. A. B. C.

Page 25: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbaybay

Isulat nang wasto ang salitang bibigkasin ng guroengkatadanagmukmoknagrebelde

1.2 PagsasanayGamitin sa pangungusap ang mga salitang inyong binaybay

1.3 Balik-aralPumalakpak ng dalawang beses kung ang salitang nakasulat sa flashcard ay panghalip at

kung hindi ang lahat ay tumayo at kumembot.siya kamimaganda tayobato masaya

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Anong pamagat ng kuwento natin kahapon? Natatandaan ninyo pa ba ang mga pangyayari sa kwentong “Ang Prinsesang Masungit.”

2.2 Pagtalakay sa kwentoSino ang pangunahing tauhan sa kuwento?Bakit laging galit si Marie?Ano ang pakay ni Aling Anita sa pagpasok bilang katulong?Sino ang ayaw niyang makitang masaya?Ano ang ginawa sa kanya ng prinsesa sa palasyo?Ano ang naalala niya kay Anita? Ano ang ginawa niya?Paano nabago ang pag-uugali ni Anita?

2.3 Pagtalakay sa AralinNapaluhod sa pagpupunas ng sahig.Dito nagsimula ang pagbabago sa tahanan nina Marie.Sino ang gusgusing bata na pumasok na katulong.Ayaw niyang makitang masaya ang sinuman.Ganon niya pagmalupitan ito nang walang dahilan.

Ano ang panghalip sa pangungusap blg.1? blg. 2? blg. 3? blg. 4?Anong uri ng panghalip ang siya? dito? sino? sinuman? ganon?Ilan ang uri ng panghalip?Anu-ano ang mga uri ng panghalip?

2.4 Pagbigkas na PagsasanayA. Basahin ang mga pangungusap at sabihin kung anong uri ng panghalip ang salitang

may salungguhit.1. Siya ang napiling pinakamahusay.2. Sinu-sino ba ang kasama?3. Dadalhin ko rito ang mga aklat.4. Lahat ay ibinibigay ko sa iyo.5. Ganyan ang nangyari kay Elsa.

B. Laro – Hulaan TayoKumuha ng kapareha. Magbigay ng pangungusap na ginagamit ay iba’t ibang uri

ng panghalip, pahulaan sa kapareho ang uri nito.Hal. Anong oras tayo lalakad bukas?

3. PaglalahatAnu-ano ang mga uri ng panghalip?

4. Pinatnubayang PagsasanayBilugan ang panghalip at isulat sa puwang ang uri nito._____ 1. Sinuman ang nagyaya sa iyo, hindi ka dapat sumama._____ 2. Gusto mo bang maging ganoon?_____ 3. Ang kuya ang nagbigay nito._____ 4. Sa hirap at ginhawa, tayo ay magkasama._____ 5. Anu-ano pa ang pinamili mo?

5. Malayang PagsasanayA. Salungguhitan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.

Page 26: Mam Bacal Filipino 2012

1. (Ito, Iyon, Iyan) bang lupang nabili mo ay mga pananim na?2. Talagang (ganito, ganyan, ganon) kung magbiro si Riza.3. (Anuman, Sinuman, Kailanman) ang kausapin niya’y iisa ang sinasagot.

B. Bumuo ng tanong na ginagamitan ng panghalip na pananong ang bawat bilang.4. Tatlo sa mga mag-aaral ay inutusan ng guro ba magdala ng halaman sa paaralan.5. Maraming dumating na panauhin sa kaarawan ni Ester. Lima sa mga iyon ay matalik

mong kaibigan.

6. PaglalapatGamitan ng iba’t-ibang uri ng panghalip ang sumusunod na salaysay.

Naranasan _____ na bang lumangoy sa dagat? _____ ay may nakatutuwa ngunit nakatatakot na karanasan sa dagat. Namasyal _____ noon sa dinarayong Matabungkay Beach. _____ ang una kong nakitang malinaw at kulay berdeng tubig na dalampasigan. Malinis at malamig ang tubig.

_____ at _____ mga kapatid ay masaya sa pagtatampisaw sa pampang may isang malaking alon ang dumating at pagbalik sa dagat, _____ ay natangay sa may kalaliman. _____ na lamang ang takot _____. Mabuti na lamang at isa _____ pinsan ang nakakita sa akin at pahilang dinala patungo sa pampang. _____ ang karanasang di ko makakalimutan.

7. PagtatayaIsulat sa patlang ang uri ng panghalip na may salungguhit._____ 1. Anu-ano ang iyong mga ginagawa?_____ 2. Mayroon ba rito nito?_____ 3. Huwag mo siyang pababayaan._____ 4. Ganoon pala kung matuwa ang pinsan mo._____ 5. Sitahin ang sinuman na makitang pagala-gala.

8. Takdang AralinSumulat ng talata tungkol sa iyong karanasan na naganap sa malayong lugar. Gumamit ng mga panghalip sa pangungusap at salungguhitan ang mga panghalip.

Page 27: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagbasa

1. PagganyakAyon sa kuwento “Ang Prinsesang Masungit”Ano ang nangyari sa ama ni Marie? Ano ang ginagawa ni Marie pagkakalabas ng klase?Sino ang napilitang maghanap-buhay?(Isulat ng mga bata ang sagot sa pisara)

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Sa di-inaasahang pangyayari, namatay ang ama ni Marie. (bigla, naglayas, nagtampo) 2. Nagmukmok si Marie sa kanilang silid pagkalabas ng klase. (nagkukulong, naglalaro, nagsasaya) 3. Ang ina ni Marie ay napilitang maghanapbuhay.

(puwersang naghanapbuhay, nanghingi ng donasyon, namalimos)

2. Paglalahad ng ibang kuwentoNgayon ay may babasahin tayong kuwento, pero ito’y nakapaloob sa isang sulat.Sinu-sino sa inyo ang nakatanggap na ng liham?(Magpapakita ang guro ng isang sobre na dito nakapaloob ang kuwentong “Ang Sulat ni Monette?)

3. Pagbigkas na KasanayanPagbasa ng mga bata sa sulat. (pamumudmod sa bawat bata ng sulat)

A. Pagbibigay kahulugan sa mga salitang may salungguhit. 1. Pumunta ang klase ni Bb. Avansado sa Liwasang Bonifacio. Ito ay bahagi ng kanilang lakbay-

aral.a. aliwanb. libanganc. pagpunta sa isang lugar na may natutuhand. pamamasyal

2. Dahil sa gandang lugar na iyon, ako ay naakit na bumalik doon.a. nabighani b. nakumbinsic. nalulong d. nakita

3. Ang tayog naman ng gusaling iyon. Nakakatakot umakyat doon.a. kitid b. taas c. luma d. laki

4. Ang tuktok ng Bulkang Mayon ay may napakagandang hugis.a. pinakamahabang bahagi b. pinakamataas na bahagic. gitnang bahagi d. kabuuan

5. Malakas ang pagkabog ang narinig sanhi ng mga pagputok.a. pagdagundong b. paghiwalayc. pagputok d. pagsigaw

B. Pagtatalakayan

Sino ang nagpadala ng liham?Sino ang tumanggap ng liham?Anong uri ng liham ang iyong binasa?

4. Pinatnubayang PagsasanayPagbibigay kahulugan sa mga salitang may salungguhit.1. Ang tsinelas na regalo ng kaibigan ko ay yari sa abaka.

a. Materyal na galing sa puno ng niyog.b. Materyal na galing sa puno ng saging.c. Materyal na galing sa puno ng akasya.d. Materyal na galing sa puno ng abaka.

2. Nakarating bas a iyo ang mensahe tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng iyong pinsan sa kolehiyo.

a. paaralan b. balita c. tagubilin d. pangungumusta3. Ano ang balak mong gawin sa klase?

a. isip b. ayaw c. plano d. dapat4. Ang kartero ang nagdala ng sulat.

a. pulis b. punungbayanc. tagahatid ng sulat d. gobernador

5. Ang mga guro ay bilib na bilib sa husay ng kalahok.a. hangang-hanga b. sayaw ng sayawc. galit nag alit d. surang-sura

Page 28: Mam Bacal Filipino 2012

5. Malayang PagsasanayPumili ng kapareha. Pagtulungang bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na salita. Ipaskil ito pagkatapos sa pisara.1. masumpungin2. dukha3. mithiin4. gunitain5. mahabagin

6. PaglalapatPiliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.1. Siya ay nanggilalas ng makita niya ang napakagandang pagkakagawa ng gusali.

a. nagalit b. nalitoc. nagtaka d. napasigaw

2. Ang damit ng anak ng may-ari ng kumpanya ay napagara.a. maganda b. nakasisilawc. magarbo d. makintab

3. Ang kanyang sinasabi ay malaking kabulaanan.a. kaisipan b. katotohananc. kamalian d. kasinungalingan

7. PagtatayaIsulat ang kahulugan ng salitang may salungguhit.1. Biglang naglaho ang bulalakaw.2. Nabigla ang mga tao sa naganap.3. Mahiwaga ang lahat ng pangyayari.4. Di dapat pagtakhan sapagkat may mga pangyayaring nakatadhana.5. Manalig tayong lahat sa Panginoong Diyos.

8. Takdang AralinBasahin ang salita upang mabuo ang kahulugan ng pangungusap.1. Masarap manirahan sa sariling2. Sa hirap at saya sila’y mag3. Dito pa rin ang gusto ko kahit walang

Page 29: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. PagganyakBukod sa liham pangkaibigan na nagbabalita, ano pang liham ang alam ninyo?Anong tawag sa liham kung gusto mong anyayahan ang iyong kaibigan at may handaan sa inyo?

2. PaglalahadIpabasa muli ang liham.

3. Pagtalakay sa gagawinTingnan mabuti at suriin ang sulat ni Lani kay Moneth. Anong uri ng liham ito?Anu-ano ang bahagi ng liham pangkaibigan?Paano ito isinusulat?Ano ang nilalaman ng bawat bahagi?Anong mga bantas ang ginagamit sa pagsulat ng iba’t-ibang bahagi ng liham pangkaibigan?

4. Pabigkas na GawainBasahin ang sitwasyon at sumulat ng isang liham batay dito.Sumulat sa iyo ang isa sa sa iyong mga kaklase. Siya ay humihingi ng paumanhin dahil sa inasal niya sa iyo na iyong ikinagalit,. Sasagutin mo ba ito?

5. PaglalahatAnu-ano ang pamantayan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng liham pangkaibigan?

6. Pinatnubayang PagsasanayIsulat nang maayos ang bawat bahagi ng liham.1. block 11 lot 22 kalayaan pasay2. ang iyong kaibigan3. eve4. mahal kong angel5. ikamusta mo ako sa ating mga kaklase

7. PaglalapatSumulat ng liham pangkaibigan. Sundin ang mga alituntunin sa pagsulat nito at ang mga angkop na bantas.

8. PagtatayaSumulat ng liham para sa inyong pinakamatalik na kaibigan. Ibalita sa kanya ang pangunguna nito sa klase. Sundin ang balangkas sa ibaba.

____________________

___________,___________________________________________

____________________________________________________________________________________________________

___________

9. Takdang AralinSumulat ng isang liham paanyaya para sa inyong kaibigan. Sundin ang mga sangkap na dapat tandaan sa pagsulat ng liham.

Page 30: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 31: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. 1. Naigagawa ng balangkas ang mga ideya sa napakinggang teksto

2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa pagsasalaysay ng sariling karanasan-paano, pananong, pamatlig, panaklaw, patulad3. Nasasabi ang mga opinion at katotohanan na binanggit sa kwento/seleksyong binasa4. Nagagamit ang malaking titik na angkop sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan, paanyaya, paghingi ng paumanhin

B. Mga EstratehiyaMasining na pagkukuwentoPagbasa ng PabigkasPaggamit ng LarawanMasining na Pag-uulat

C. PagpapahalagaPagmamahal at pagpapahalaga sa mga magagandang pook sa Pilipinas

II. Paksang Aralin A. Kwento: ANG LUNGSOD NG MGA PINO B. Pagsagot sa mga tanong na:

Sino, Sinu-sino, Anu-ano, Bakit, Saan, Kailan C. Estratehiyang Pangwika

Paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip sa pagsasalaysay ng sariling karanasan, paano, pananong, pamatlig, panaklaw, patulad

D. Pagbibigay ng mga opinion at katotohanan ng kwento/seleksyon E. Paggamit ng malaking titik sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham F. Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino (Wika) pahina 77-84

Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi pp. 142-150Hiyas sa Wika pp. 61-73

G. KagamitanTsartActivity CardsLarawan

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1.1 Balik-aralPakinggang mabuti ang mga pangngalan. Ikaway ang kanang kamay kung ito ay

pangngalang pantangi; ipalakpak nang dalawang beses ang kammay kung pangngalang pambalana at makipagkamay sa katabi kung lansakan.

1. ilog 6. batalyon2. piling ng saging 7. Surigao del Sur3. bansa 8. Guro4. Disyembre 9. Kawan ng Isda5. Bb. Aida San Juan 10. Mababang Paaralan ng Silahis

1.2 Paghahawan ng Balakid/SagabalIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.a. pakiwal-kiwalb. allergyc. kabiserad. zigzag road

1.3 PagganyakAnu-anong pook pasyalan na ang inyong narrating? Ano ang inyong naramdaman nang

makarating kayo sa lugar na inyong napasyalan?1.4 Pagpapakita ng larawan1.5 Pagbubuo ng Pagganyak na Tanong

Saan at kailan namasyal ang pamilya ni Romualdo?1.6 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad ng Kuwento

“ANG LUNGSOD NG MGA PINO”2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kwento ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukuwento.2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa kuwento sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa

Page 32: Mam Bacal Filipino 2012

3.1 Pagsagot sa Pagganyak na tanongSaan at kailan namasyal ang pamilya nina Romualdo?

3.2 Ipapatukoy ang pangunahing ideya at mga ideya at mga detalyeng sumusuporta nito sa bawat talata. Gawan ng balangkas ang unang talata.3.3 Pangkatang Gawain – Paggawa ng balangkas ang iba pang talataan ng karanasan

Grupo 1 – Talata 2Grupo 2 – Talata 3Grupo 3 – Talata 4

3.4 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainGawan ng balangkas ang talatang nakakahon. Gamitin ang ganitong pormat.

I. ___________________A. _____________________________B. _____________________________

Noon sa tindahan ni Tandang Sora, karaniwang napapag-usapan ng mga bumibili niyang mga kanayon ang di-kasiyahan sa pamamalakad, pang-aabuso at pang-aapi ng mga dayuhang Kastila. Naging tagapakinig si Tandang Sora sa mga hinaing at galit ng mga makabayang Pilipino na nagnanais na maghimagsik laban sa mga Kastila. Sa kanya ring tindahan naulinigan niya ang pagtatatag ni Andres Bonifacio ng lihim ng kilusan ng mga Katipunero na ang layunin ay ibagsak ang paghahari ng mga Kastila sa ating sariling bayan.

Page 33: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbaybay

Kami, dito, kanya, naming, magkanuman, kailanman, sinuman, ikaw, riyan, kanila, natin, kanino, anu-ano

1.2 PagsasanayGamitin sa pangungusap na pasalaysay ang mga salitang inyong binaybay.Halimbawa: Nagdaan kami sa zigzag na daan.

1.3 Balik-aralGawan ng balangkas ang maliit na salaysay.

Nais mo bang mamasyal? Ako ay may pook na madalas na pinupuntahan. Iyon ay nasa lalawigan ng Batangas. Doon ako nagpapalipas ng aking bakasyon sa mga araw na wala kaming pasok sa paaralan. Mayroon doong dagat na sadyang malinis at malinaw. Doon ako naglalagi lalo na sa kainitan ng araw. Maghapon akong nagtatampisaw sa malinaw na tubig. Namumulot din ako ng mga kabibe. May maliit at malaking mga kabibe na nakakalat lamang sa dalampasigan.

Mayroon din bang hugis at kulay. Nakakalibang kapag ako’y nasa dalampasigan. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga oras dahil sa aking kaabalahan. Sa aking pag-uwi, puno na ang plastic na aking pinaglagyan ng kabibe. Halina at sumama kayo sa aking pangunguha ng kabibe.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Anong pamagat ng kwento natin kahapon? Natatandaan pa ba ninyo ang mga pangyayari sa kwentong “Ang Lungsod ng mga Pino”?

2.2 Pagtalakay sa KwentoBakit itinuturing na kabisera kung tag-araw ang Baguio?Bakit tinatawag na zigzag road ang Kennon Road?Ano ang sakit ng inay ni Romualdo? Ano ang ibig sabihin ng allergy?Anong uri ng klima mayroon ang Baguio?Anong uri ng klima nababagay sa sakit ng inay niya?Paano natin maipakikita ang pagmamahal natin sa ating mga ina at pamilya?Anu-anong paninda ang nabili nila roon?Ikaw nais mo rin bang magbakasyon sa Baguio? Bakit?Paano natin maipapakita ang pagmamahal sa magagandang pook sa ating bansa?

2.3 Pagtalakay sa AralinIpapabasa sa mga bata ang mga pangungusap na nakatala sa tsart.1. Nagdaan kami sa Kennon Road.2. Namili pa sila ng mga halaman.3. Anu-ano pa ang pinamili nila?4. Saan sila umupa ng Bangka?5. Ito ay pakiwal-kiwal na daan.6. Doon maraming gulay, strawberry, bulaklak, walis, bag na native at marami pang iba.7. Saanman kami tumingin ay napakaganda ng tanawin.8. Ang pagmamahal ay kailangan ng bawat tao.9. Ganito din kalamig ang klima sa Tagaytay.Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Sa unang pangungusap ano ang salitang may salungguhit?Sino ang tinutukoy sa salitang kami? Sa ikalawang pangungusap, ano ang salitang may

salungguhit? Ano ang salitang ginamit na panghalili sa ngalan ng taong nagsasalita? Ano ang tawag sa salitang kami at sila?

Anong uri ng panghalip ang mga ito?Sa ikatlo at ikaapat na pangungusap, ano ang mga salitang may salungguhit?Anong bantas ang ginamit sa ikatlo at ikaapat na pangungusap?Kung ginamit natin ang bantas na tandang pananong, ano ang isinasaad nito?Anong uri ng panghalip ang tawag natin dito?Saan ginagamit ang panghalip na pananong?Basahin ang ikalima at ikaanim na pangungusap, ano ang mga salitang may salungguhit?

Ano ang tinutukoy sa salitang ito? Ano ang itinuturo ni Romualdo?Sa ikapitong at ikawalong pangungusap, ano ang mga salitang may salungguhit?Anong salita ang ginamit na sumaklaw sa kalahatan sa pangungusap?Anong uri ng panghalip ang saanman at bawat isa?Saan ginagamit ang panghalip na panaklaw?Basahin ang ikasiyam na pangungusap? Ano ang salitang may salungguhit?Saan inihalintulad ang klima sa Baguio?

Page 34: Mam Bacal Filipino 2012

Ano ang dalawang salitang pinaghalintulad? Anong panghalip ang ginamit sa pagtutulad? Ano ang tawag natin sa panghalip na ito? Saan ito ginagamit?

2.4 Pabigkas na PagsasanayA. Basahin ang mga pangungusap. Kilalanin ang panghalip at tukuyin kung ito ay

panghalip na panao, pananong, pamatlig, panaklaw, patulad.

1. Doon nakatira ang matalinong mag-aaral.2. Kailanman ay hindi kita malilimutan.3. Sa hirap at ginhawa, tayo ay magsasama.4. Saan mo nakuha ang bag?5. Ang kulungang iyan ay kagagawa lamang.

B. Pangkatang GawainPangkat I – Magsasalaysay ng isang karanasang di-malilimutan. Gamitin ang

panghalip na panao at pamatlig sa pagsasalaysay.Pangkat II – Sumulat ng isang anunsyo o diyalogo na ginagamitan ng panghalip

na patulad at panaklaw.Pangkat III – Gumawa ng isang usapan ng isang magkaibigan., Gumamit ng

panghalip na pananong. Iakto ito sa klase.

3. PaglalahatAnu-ano ang iba’t ibang uri ng panghalip? Isa-isahin ang gamit ng bawat isa.

4. Pinatnubayang pagsasanay(Pangkatang Gawain)Pamamahagi ng guro ng larawan sa bawat pangkat. Magsalaysay ng mga natatangi ninyong

karanasan tungkol sa larawan gamit ang mga uri ng panghalip.Grupo 1 – larawan ng paaralanGrupo 2 – larawan ng parkeGrupo 3 – larawan ng isang masayang pamilya

5. Malayang PagsasanaySuriin ang mga sumusunod kung anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang:

A – kung ito ay panghalip na panaoB – kung ito ay panghalip na pananongC – kung ito ay panghalip na pamatligD – kung ito ay panghalip na panaklawE – kung ito ay panghalip na patulad

_____ 1. Oo ano? Maisakatuparan kaya ang alinmang binalak natin._____ 2. Hayun pala ang tuta ko sa ilalim ng puno._____ 3. Ganito po ang paghahalo ng minatamis na ube._____ 4. Magtulungan tayo sa lahat ng pagkakataon._____ 5. Sinu-sino ba ang lumahok sa paligsahan.

6. Paglalapat(pangkatang gawain)Igugrupo ang mga mag-aaral sa tatlo. Pamamahagi ng guro ang activity cards sa lider ng bawat

grupo.Grupo I – Gumawa ng dalawa hanggang tatlong talata tungkol sa iyong pamilya. Gamitin

ang panghalip na panaoGrupo II – Bumuo ng isang awit. Gumamit ng mga panghalip na panaklaw. Kahunan ang

mga salitang ito.Grupo III – Sumulat ng isang usapan na binubuo ng dalawang tauhan. Gawing paksa ang

“Paaralan.” Gamitin ang panghalip na pamatlig, patulad at pananong.

7. PagtatayaUriin ang panghalip na may salungguhit sa bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay panghalip na pananong, pamatlig, panao, panaklaw o patulad. Isulat sa patlang ang tamang sagot._____ 1. Bibigyan siya, ikaw, si Tata Indo, si Nena at si Emma ng sorpresa. Magugulat kaya sila?_____ 2. “Ganito po ang ating napagkasunduan,” ang wika ng nanay ni Allan._____ 3. Sinuman ang magyaya sa iyo, hindi ka dapat sumama._____ 4. Sinu-sino ang mga dumalo sa pagpupulong._____ 5. “Hayan na sila, pwede na tayong umalis” malakas na sigaw ni Hector.

Page 35: Mam Bacal Filipino 2012

8. KasunduanSumulat ng sariling karanasan tungkol sa paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Gamitin ang iba’t ibang uri ng panghalip.

Page 36: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAW

1. PaglalahadA. Pansinin ang mga sumusunod na pangungusap.

Ang Baguio ay tinaguriang “Kabisera ng Pilipinas Kung Tag-araw.”Ang Baguio ay ang pinakamagandang lugar sa buong Pilipinas.

B. Ano ang masasabi ninyo sa unang pangungusap? Sa pangalawang pangungusap?

2. Pagtalakay sa AralinA. Ano ang katotohanan? Ano ang batayan upang ang isang pangungusap ay masasabing may katotohanan?B. Ano ang Opinyon? Bakit sinasabing ang isang pangungusap ay opinion lamang?

3. Pinatnubayang PagsasanayAng mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ay hango sa kuwentong inyong binasa. Lagyan ng tsek ang pangungusap na may katotohanan at ekis (X) kung ito ay katotohanan lamang.__ 1. Namasyal ang pamilya ni Romualdo sa Lungsod ng Baguio.__ 2. Talagang napakasayang mamasyal sa Baguio.__ 3. Luna sang malamig na klima sa sakit na allergy sa balat.__ 4. Ang zigzag road ay daang pakilo-kilo.__ 5. Ang Kennon Road ay daan papuntang Baguio.

4. Malayang PagsasanayNarito ang iba’t ibang salita na hango sa kwentong binasa. Gamitin ito sa pagsulat ng mga pangungusap na nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon. Isulat ang mga ito sa hugis araw.

Baguio Panturismo Malamig na Klima Kasiya-siya

Katotohanan Opinyon

5. PaglalapatSumulat ng mga pangungusap na may Katotohanan at Opinyon ayon sa paksa.

6. PagtatayaIsulat ang K kung nagpapahayag ng Katotohanan at O kung ito ay nagpapahayag ng Opinyon ang pangungusap.

__ 1. Tumutubo ang strawberry sa malalamig na lugar.__ 2. Ang Camp John Hay na matatagpuan sa Baguio ay tirahan ng mga Amerikano noong

panahon ng Digmaang Kastila-Amerikano.__ 3. Isa sa pook Panturismo ang Lungsod ng Baguio.__ 4. Ang mga nakatira sa Baguio ay puro Igorot.__ 5. Masarap mamasyal sa Baguio kung tag-ulan.

7. KasunduanGawing pangungusap na Opinyon ang mga sumusunod na pangungusap na Katotohanan.1. Ang Kennon Road ay kilala sa tawag na zigzag road. _____________________________________________________2. Isang pook Panturismo ang Baguio. _____________________________________________________3. Maraming strawberry ang mabibili sa mga palengke ng Baguio. _____________________________________________________4. Kabisera ng Pilipinas kung Tag-araw ang Lungsod ng Baguio. _______________________________________________________5. Nagbakasyon sa Baguio ang pamilya ni Romualdo. _______________________________________________________

Page 37: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng LunsaranSuriin ang liham na nakasulat:

ika-28 ng abril, 2011san isidro itaas, lemery, batangas

mahal kong fredie,magandang araw sa iyo! anong ginagawa mo? alam mo ba ang pamilya naming ay

namasyal sa baguio noong isang linggo? ang saya saya naming doon. ang dami-daming lugar kaming napuntahan. dumaan kami sa kennon road na tinaguriang zigzag road. pagkarating naming doon ay kaagad kaming pumunta sa burnham park. sumakay kami ni kuya sa Bangka habang masayang nakatanaw sa amin sina inay at itay at ate. pagkatapos naming mamangka ay nilibot naming ang mines view park, Philippine military academy, teachers camp, our lady of Lourdes at camp john hay.

ang saya saya naming sa baguio. sana makarating ka din doon para maranasan mo ang aming naranasan. hanggang sa muli.

nagmamahal,romualdo

2. Pagtatalakay sa GawainAno ang napapansin ninyo sa liham?Sa anong paraan ito nakasulat?Tama ba ang pagkasulat nito?Bakit?

3. PaglalahatAno ang gamit ng malaking titik?

4. Pinatnubayang PagsasanayIsulat muli nang tama ang liham. Gawing malaki ang titik na dapat malaking titik.

5. Malayang PagsasanayBasahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik na hindi nakasulat nang tama. At isulat ito nang tama.1. namasyal sa baguio ang mag-anak ni romualdo. __________________________________________2. dumaan sila sa kennon road. __________________________________________3. lumiham si romualdo sa kanyang kaibigang si fredie. __________________________________________4. noong ika 28 ng abril, 2011 sumulat si romualdo kay fredie.

__________________________________________5. sa our lady of Lourdes sila nagsimba. __________________________________________

6. PaglalapatBuuin ang liham na pangkaibigan. Isulat ito sa tamang paraan.

ika-29 ng hulyo, 2011 paco, obando, bulacan mahal kong Julius, magandang araw! Kumusta ka na? inaanyayahan kita sa darating na linggo dahil sa

kaarawan ng aking kapatid na bunso na si wnechie. inaasahan ko ang iyong pagdating. nagmamahal, rey Erwin

7. PagtatayaGumawa ng liham pangkaibigan. Isulat ito sa tamang paraan.

8. KasunduanHumanda sa pagsusulit bukas.

E. IKALIMANG ARAW

Page 38: Mam Bacal Filipino 2012

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

I. Layunin

Page 39: Mam Bacal Filipino 2012

A. Naigagawa ng lagom/buod ang mga detalye/ideyang napakingganB. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panaklaw at patulad sa pagsulat at pagsasalaysay ng sariling karanasan/pag-uulat ng karanasan ng ibang tao.C. Nagagamit ang indeks at biliograpi sa paghahanap ng impormasyonD. Nagagamit nang wasto ang mga bantas, malaking titik, palugit pasok sa pagsulat ng idiniktang talata, balita, liham.

II. Paksang AralinA. Paggawa ng Lagom/Buod ng mga detalye/ideyang napakinggan.B. Estratehiyang Pangwika

Gamit ng mga panghalip na Panaklaw at Patulad sa pagsasalaysay at pagsulat ng sariling karanasan.

C. Paggamit ng Indeks at Bibliograpi sa paghahanap ng impormasyonD. Sanggunian:

Hiyas sa Wika, pp.66-68, 70-71E. Kagamitan:

Mga larawan, tsart

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Alam ba ninyo kung sino ang nakaimbento ng fluorescent lamp o bombilyang tubo?1.2 Paglalahad ng Sanaysayn

“Ang Pilipinong Imbentor”1.3 Paghahawan ng Balakid

panauhinimbensyonpatentmagkagaya

1.4 Pagbuo ng Pagganyak na TanongSino ang nakaimbento ng bombilyang tubo o fluorescent lamp.

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad na muli ng sanaysay2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa sanaysay ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukwento.2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa sanaysay kada bahagi/talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pangganyak na tanong

Sino ang nakaimbento ng fluorescent lamp?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkatin ang mga bata sa 4. Pumili n glider na maglalahad ng buod ng mga detalye ng sanaysay na napakinggan

3.3 Pag-uulat/Pagtalakay sa Sanaysay

4. Pagpapayaman ng GawainPabasahin ang isang bata ng maikling kuwento. Pagkatapos mapakinggan isulat ang buod nito.

A. IKALAWANG ARAW

Page 40: Mam Bacal Filipino 2012

Paglinang ng mga Kasanayang Pangwika1. Panimulang Gawain

1.1 PagbabaybayIsulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guro

1.2 PagsasanayGamitin sa pangungusap ang mga salita.

1.3 Balik-AralBilugan ang panghalip na panao sa pangungusap1. Sa akin iniutos ang gawaing iyan.2. Atin ang bansang ito kaya’t dapat nating mahalin.3. Si Benigno Aquino ang President eng Pilipinas.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Kahapon ay napakinggan ninyo ang sanaysayn.Natatandaan pa ba ninyo ito?

2.2 Pagtalakay sa Sanaysay A. 1. Anong katangian mayroon si Agapito Flores? 2. Bakit mahalaga sa atin ang inimbento niya? 3. Bakit hindi agad nakapagpasya si Pangulong Quezon sa paggamit ng imbensyon ni Agapito

Flores?

3. Pagtalakay sa AralinPagbasa ng mga bata ng pangungusap na nakasulat sa pisara.1. Ganito po ang paggamit nito.2. Ang kanyang imbensyon at kapaki-pakinabang.3. Tuwang-tuwa ang balana sa kanilang napanood.4. Bawat isang kalahok ay binigyan ng sertipiko ng komiti.5. Halos lahat ng mga taga-barangay ay nanood ng paligsahan.

- sa unang pangungusap, paano ipinakita ang paraan ng paggamit ng isang bagay?

- Ang nagsasalita ba ay malapit sa kausap?- Sa ikatlong pangungusap, anong salita ang sumasaklaw sa kaisahan?- Sa ikaapat at ikalimang pangungusap, alin ang nagsasaad ng dami o kalahatan?

4. Pinatnubayang Pagsasanay/Pangkatang GawainGamitan ng panghalip na panaklaw upang mabuo ang diwa ng pangungusap.1. Nagkasakit at hindi nakapasok ang (isa, lahat, ilan) sa kambal ni Aling Dely.2. (Anuman, Saanman, Sinoman) pumunta si Roland, siya ay laging napapamahal sa tao.3. Ang (balana, karamihan, iba) na hindi ko maibebenta sa maghapon ay bukas ko na isasauli.4. Nagpahayag ng pagtulong ang (balana, lahat, bawat) isa.5. Sana’y iligtas ang anak ko (sinoman, anumman, saanman) siya ay napadpad ng agos.

5. Malayang PagsasanayPiliin at guhitan ang mga panghalip na panaklaw at patulad.1. Ang sinuman na hindi sumunod ay parurusahan.2. Nagsisigaw sa tuwa ang ilan sa mga nakaligtas.3. Ganito bang kilos ang nais mo?4. Ganyan ang tamang paraan ng pagluluto ng adobo.5. Ganoon ang tabas ng damit na nais ko.

6. PaglalapatPunan ang puwang ng panghalip na panaklaw at patulad upang mabuo ang pangungusap.1. Ang _____ sa dalawang pagkaing nakahain sa mesa ay makapagpapalusog sa iyo.2. _____ ang iutos mo sa akin ay susundin ko sa lalong madaling panahon.3. Nasiyahan ang _____ sa kanilang narinig mula sa pangulo.4. May _____ sa mga mag-aaral ang nagnanais na makausap ka.

7. PagtatayaGamitin sa pangungusap ang panghalip na panaklaw at patulad sa pagsulat ng sariling karanasan.1. Bawat isa 5. Ganire2. Lahat 6. Ganoon3. Ilan 7. Ganyan4. Ganito 8. Sinoman

8. KasunduanSumulat ng 5 pangungusap gamit ang panghalip na panaklaw at patulad.

B. IKATLONG ARAW

Page 41: Mam Bacal Filipino 2012

1. Paglalahad ng INDEKS AT BIBLIOGRAPI(Pakitingnan sa likod)

2. Pagtalakay sa Gawain1. Sa anong pahina ng indeks makikita ang tungkol sa bantas na tutuldok? atbp.2. Ano ang ayos ng mga pamagat sa indeks?3. Bakit mahalaga ang indeks sa isang aklat?4. Tingnan ang bibliograpi, anu-anong impormasyon ang makikita rito? Anu-anong mga aklat

ang pinagkunan ng mga aralin sa Filipino?

3. PaglalahatAno ang gamit ng Indeks at Bibliograpi?

4. Pinatnubayang Pagsasanay/Pangkatang GawainHanapin sa Indeks kung saang pahina makikita ang mga sumusunod:

Panlapi uri ng pangungusapPagsulat ng patalastas pandiwaPanghalip na panaklaw panghalip na patulad

5. Malayang PagsasanayIsulat ang pahina ng mga sumusunod gamit ang indeks.

6. PagtatayaTingnan ang indeks at hanapin ang pahina ng mga sumusunod na aralin. Isulat sa patlang ang sagot.1. Pagsulat ng liham pangangalakal2. Pagbuo ng pandiwa3. Iba’t ibang uri ng bantas4. Pagsulat ng balita5. Magbigay ng tatlong aklat na pinagkunan ng aralin sa makabayan gamit ang bibliograpi

Page 42: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng kwento“SUHAY”

Basahin ang mga pangungusap na hinango sa kuwentong iyong binasa. 1. “Diyos ko!” Palahaw ng ina nina Robert at Benjo. 2. Tuwang-tuwang umalis si Allan 3. “Itay, Inay, salamat po’t tinuruan ninyo akong mag-ipon,” wika ng anak. 4. “Magpapagawa tayo ng bagong bahay,” halos hindi makapaniwalang usal ni Allan.

2. Pagtalakay1. Anong uri ng pangungusap ang #1? Anong bantas ang ginagamit sa hulihan?2. Paano nagkakatulad ang uri ng pangungusap #2 at #3?3. Anong bantas ang mag-uugnay sa salitang inuulit sa pangungusap #2?4. Paano inihiwalay ang sinabi ng nagsasalita sa pangungusap #1, #3, #4 sa iba pang bahagi nito?5. Anong titik ang nakaltas sa po’t? Anong bantas ang kumuha ng lugar nito?6. Sa anong titik isinulat ang unang talata?7. Pasok ba ang bawat talata?

3. PaglalahatAno ang iba’t ibang bantas? Kailan ginagamit ang malaking titik?Paano isinusulat ang unang pangungusap sa talata?

4. Pinatnubayang PagsasanayLagyan ng wastong bantas ang patlang.1. Ang kani__t ulam ay dahan__dahang iniabot sa maysakit__2. Oo__ ika__5 ng hapon noong Hulyo 6 __ 2005 nang dumating ang mag__ina.3. Naku__ nahulog ang bata__ sigaw ng babae__4. __Bimbo__ sasama ka bas akin__

5. Malayang PagsasanayHanapin at lagyan ng wastong bantas ang lugar na nangangailangan nito.1. Mag aalay ng dose dosenang bulaklak ang mga dalaga sa ika 10 ng Mayo2. Aba butas pala ang bubong ng bahay natin sigaw ni Perla3. Buto’t balat na ang mag iina nang matatagpuan maligtas ng mga pulis

6. Paglalapata. Pangkatang Gawain

Gumawa ng talata, liham o balita sa isang manila paper gamit ang mga bantas na pinag-aralan.

b. Paglalahad ng Awput

7. PagtatayaGamitan ng wastong bantas, malaking titik, palugit, pasok sa pagsulat ang ididiktang talata, balita o liham.

Allan nakalipat na ba kayo sa bagong ninyong bahay tanong ni Robert oo sama sama kaming lumipat n gaming maganak noong linggo sagot ni Allan.

Mabuti pa kayo hanggang ngayon nakatira pa rin kami sa isang bahay paupahan wika ni Benji. Kasi Benji hindi tayo nag-iisip na mag-ipon noon malaking malaking pagkakamali natin iyon wika ni Robert. Oo nga pero ibang iba na kami ngayon Allan. Hindi na kami ubos ubos biyaya sabi ni Benji.

Page 43: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 44: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Nabibigyang hinuha ang mga pangyayari sa balitang napakinggan

Natutukoy ang mga pandiwa sa balita, kuwentong nabasaNatutukoy ang mga salitang hiram at nabibigyan ito ng katumbas sa mga wikang bernakular kung meron.Nagagamit ang angkop na aklat sa paghanap ng impormasyonNaisusulat ang idiniktang talatang maraming salitang hiram tungkol sa pagbabagong politikal at sosyolohikal sa bansa.

B. Mga EstratehiyaPagbasa ng PabigkasPaggamit ng Larawan

C. Pagpapahalaga: Pagiging matapat

II. Paksang AralinA. Balita: “Incredible Hulk”B. Estratehiyang Pangwika

Pagtukoy ng mga Pandiwa sa Balita, Kuwentong BinasaC. Pagtukoy sa mga Salitang Hiram at Pagbibigay Katumbas sa Wikang BernakularD. Pagsulat ng Idiniktang Talatang Maraming Salitang Hiram tungkol sa Pagbabagong Politikal at Sosyolohikal sa BansaE. Sanggunian:

Filipino sa Makabagong Panahon p.153-154Hiyas sa Wika p. 72

F. Kagamitantsart, flashcard

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Mga bata, narinig na ninyo sa balita ang tinaguriang “Incredible Hulk” ng Malakanyang?1.2 Pagpapakilala sa Balita

Pagtukoy sa Pamagat: “Incredible Hulk” ni Grace dela Cruz1.3 Paghahawan ng Sagabal/Balakid

a. Incredible Hulkb. First Gentlemanc. saving accountd. privilege speech

1.4 Pagbuo ng pagganyak na tanongBakit kaya tinaguriang “Incredible Hulk” si First Gentleman Jose Miguel “Mike”

Arroyo?1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad na muli ng balita2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro ng balita2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa balita sa bawat tagpo at pagtalakay dito

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa pagganyak na tanong

Bakit kaya tinaguriang “incredible hulk” si First Gentleman Jose Miguel Arroyo?3.2 Pangkatang Gawain

Bigyan hinuha ang bawat pangyayaring may bilang sa salitang binabasaGrupo I – Pangyayari 1Grupo II – Pangyayari 2Grupo III – Pangyayari 3Grupo IV – Pangyayari 4

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainPagbasa ng mga bata ng balita at pagbibigay hinuha sa mga pangyayaring nabasa

B. IKALAWANG ARAW

Page 45: Mam Bacal Filipino 2012

Paglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagsasanay

Mag-usap kayo ng katabi mo.Piliin ninyo sa loob ng kahon sa ibaba ang panghalip panaklaw na angkop sa panaklong

upang mabuo ang pangungusap.madla isa pa lahat

karamihan bawat isapawing

____ sa aming panauhin ay kaibigan ni KuyaHalos ____ ng mga taga Barangay ay nanunuod ng paligsahanTuwang-tuwa ang ____ at sila’y _____ masisigla sa nakita nilang katutubong sayaw____ kalahok ay binigyan ng sertipiko ng komiteNoong una’y limot ng ____ ang mga katutubong sayawKumusta na lang sa inyo ____

1. Balik-AralPiliin ang panghalip panaklaw sa bawat pangungusap.1. Ang lahat ay nagkakaisa sa proyektong kanilang isasagawa.2. Lahat ng pangkat ay may pitong kasapi.3. Natuwa ang lahat sa kanilang ginawang proyekto.4. Pumalakpak ang lahat pagkatapos ng kanyang talumpati.5. Kailan man ay di ako sasama sa masamang gawain.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Natatandaan pa ba ninyo ang ating balita tungkol sa tinaguriang “incredible hulk”?2.2 Pagtatalakay sa balita

Pagpapaskil ng guro ng mga pangungusap hango sa balita.1. Walang takot na tinanggalan kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ng mascara ang

tinaguriang “incredible hulk.”2. Kung noon ay may Jose Velarde account mayroon ding “Jose Pidal” savings account

kung saan ipinapasok ang lahat ng kitang milyones.3. Sa isang privilege speech tahasang sinabi ni Lacson na si “Jose Pidal” ay nagtataglay

di-umano ng isang paldong savings account.4. Idinagdag pa ng oposisyong senador na may malaking pagkakahawig ng pirma ni Jose

Pidal at ng First Gentleman.5. Bunga nito nagbabala si Lacson kay G. Arroyo na makabubuting pag-aralan ang mga

provision ng Anti-Money Laundering Law.

3. PaglalahatAno ang tawag sa nagsasaad ng kilos o galaw?

4. Pinatnubayang PagsasanayPangkatang GawainI – Bumuo ng tula na ginagamitan ng mga pandiwaII – Bumuo ng pangungusap at salungguhitan ang pandiwaIII – Bumuo ng maikling dula-dulaan na ginagamitan ng pandiwa

5. Malayang PagsasanayPiliin sa kahon ang pinakawastong pandiwa upang mabuo ang pangungusap.

papasyal ginawa sumigawkinain nagsampay nakakataas panood

1. Si Betty ay abala sa ___ telebisyon.2. ____ ko na ang takdang aralin ko sa English kanina.3. Si Ate Mara ay ____ ng mga putting kumot sa likuran.4. Kami ay ____ sa Luneta noong Linggo.5. Mabilis na ____ ang mga magnanakaw.

6. Paglalapat

Basahin at sitwasyon at isagawa.

Page 46: Mam Bacal Filipino 2012

Dumating sa inyong tahanan ang mga kaibigan ng inyong ina, ngunit wala pa siya. Nakatakda silang mag-usap sa inyong bahay tungkol sa balangkas ng kanilang proyekto para sa CWL (Catholic Women’s League). Ano ang gagawin mo? Gumamit ng iba’t ibang pandiwa sa iyong mga pangungusap.

7. PagtatayaPiliin sa palaisipan ang mga salitang nagsasaad ng kilos. Isulat ang sagot sa ibaba.

M A G A L A S A N S T MN A G S U S U M A M O AA B O N A A M A G A M GG A G A L A A G L G O TB A H A Y W L D A S T AA A S A S A A A K A O NT M A L A M K L A B R OI T A B L A A A D L D NI A G S I G A B A B B G1.2.3.4.5.

8. KasunduanIpakilala mo sa iyong guro ang iyong ina. Kayo ay nasa paaralan. Igawa ng usapan ang

sitwasyong ito. Gumamit ng mga pandiwa.

Page 47: Mam Bacal Filipino 2012

IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

Natutukoy ang mga salitang hiram at nabibigyan ito ng mga katumbas sa mga wikang bernakular kung meron.

1. Paglalahad/PagganyakSino ang tinaguriang “Incredible Hulk” ng Malakanyang ni Panfilo Lacson?

2. PagtalakayAnu-ano ang mga salitang hiram sa balita? Ito ba ay may katumbas sa wikang bernakular? atbp.

3. Pagbibigay ng iba pang halimbawaMga salitang hiram: privilege speech, Union Bank, provision, account

4. Pagbigkas ng KasanayanPiliin ang salitang hiram at ibigay ang katumbas na salitang bernakular.1. Sumakay kami sa tricycle kahapon.2. Marami siyang asignatura kaya di siya sumama.3. Mahirap dumaan kapag gabi sa zigzag.4. Ang underpass sa Maynila ay masyadong madilim.

5. Pinatnubayang PagsasanayPiliin ang salitang hiram sa sumusunod na pangungusap at ang katumbas na wikang bernakular.1. Pinaglaruan ng bata ang token.2. Malayo ang terminal ng mga sasakyan sa bayan.3. Ang tsuper ay madaling umalis kanina.4. Di pa siya sanay sumakay sa LRT.5. Ang bus ay nahulog sa bangin kagabi.

6. Malayang PagsasanayTukuyin ang kahulugan ng salitang hiram.1. anunsyo2. mesa3. skyway4. dyip5. kotse

7. PaglalapatSalungguhitan ang mga salitang hiram. Ibigay ang katumbas sa wikang bernakular.1. Masarap ang sandwiches na ginawa nila.2. Marami ang mga papel na kanilang ipinaxerox.3. Sa barrio ko sila lahat ipinanganak.4. Ang spaghetti ay masarap na miryenda.5. Ang Mayor ng bayan ninyo ay masyadong mababa ang loob.

8. PagtatayaSalungguhitan ang mga salitang hiram at ibigay ang katumbas sa wikang bernakular.1. Bumili ang nanay ng maraming brush para sa pagpipinta.2. Ang ganda ng ponytails ng mga bata.3. Ang nanay ay maraming nakatagong shampoo.4. Kailangan niya ang chemotherapy para gumaling.5. Magaling siyang maglagay ng gel sa buhok.

9. KasunduanHumanap ng mga salitang hiram at bigyan ito ng katumbas na wikang bernakular.

D.IKAAPAT NA ARAW

Page 48: Mam Bacal Filipino 2012

1. Naisusulat ang idiniktang talatang maraming salitang hiram tungkol sa pagbabagong politikal at sosyolohikal sa bansa.

1. Paglalahad ng talata

2. Pagtatalakay sa gagawinIsulat ang ididiktang talata na may mga salitang hiram tungkol sa pagbabagong politikal.

3. Pagbigkas na GawainPagbasa ng mga bata sa idinidiktang talata na may mga salitang hiram.

4. PaglalahatAnu-ano ang mga salitang hiram na kalimitan nating ginagamit?

5. Pinatnubayang PagsasanayIsulat ang mga salitang hiram tungkol sa pagbabagong politikal at sosyolohikal sa bansa.

6. Malayang PagsasanaySumulat ng talata na may mga salitang hiram.

7. PaglalapatSumulat ng talata na may mga salitang hiram tungkol sa pagbabagong politikal ng bansa.

8. PagtatayaIsulat ang mga salitang hiram na makikita sa talata.

Isang Lunes ng hapon, buwan ng Hulyo, masayang tumanggap ng bag ang mag-aaral sa Ikalimang baiting. Mula sa alkalde ng Lungsod ng Maynila. Si Mayor ang nanguna sa pamimigay kasama niya ang tagapamanihala ng paaralan ng Lungsod. Ginanap ito sa Social Hall ng Paaralang Bayan ng Lungsod. Pasasalamat naman ang ipinaaabot ng mga mag-aaral na pinagkalooban ng bag.

9. KasunduanSumulat ng isang talata na may mga salitang hiram at salungguhitan ito.

Page 49: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

I. Layunin

Page 50: Mam Bacal Filipino 2012

A. Nakukuha ang detalye at paksang diwa ng balitang napakingganNasusuri ang mga panlaping gamit sa pagbubuo ng pandiwaNakukuha ang kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusapNagagamit nang wasto ang mga sangkap sa pagsulat ng liham pangangalakal

B. Mga EstratehiyaPaggamit ng larawanPagbasa ng pagbigkasMasining na pag-uulat

C. Pagpapahalaga: Pagtitipid

II. Paksang Aralin A. Balita: Solusyon Para Mabawasan ang Utang ng Pilipino B. Pagsagot sa mga tanong na Ano, Bakit, Paano C. Estratehiyang Pangwika

Mga panlaping gamit sa pagbubuo ng pandiwa D. Pagkuha ng kahulugan ng salita ayon sa pagkakamit sa pangungusap E. Paggamit nang wasto ng mga sangkap sa pagsulat ng liham pangangalakal F. Sanggunian:

2002 BEC PELC sa Filipino 5 no. 17 p.26Hiyas sa Pagbasa 5 p. 76-113Hiyas sa Wika 5 p. 79-80

G. Kagamitan: Laptop, cartolina strips, activity charts

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Paano kaya mababawasan ang utang ng ating bansa?1.2 Pagkilala sa Balita

Pagpapakilala sa BalitaPagtukoy sa pamagatSOLUSYON PARA MABAWASAN ANG UTANG NG PILIPINO

1.3 Paghahawan ng BalakidIbigay ang kahulugan ng mga sumusunod:a. iminumungkahib. maitustosc. interesd. limitado

1.4 Pagbubuo ng Pagganyak na TanongPaano mabibigyan ng solusyon ang naging utang ng Pilipinas?

1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad ng balita2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa balita2.3 Ikalawang Pagbasa

Pagbasa muli ng guro sa balita at pagtalakay sa bawat talata.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Paano kaya mababawasan ang utang ng ating bansa?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkatin ang mga bata sa apat at ipagawa ang mga sumusunod:Unang pangkat – Masining na pag-uulat ng mga balitang may kinalaman sa paksaIkalawang Pangkat – Debate tungkol sa mga solusyong ibinigay ni G. DomingoIkatlong Pangkat – Bumuo ng islogan tungkol sa paksaIkaapat na Pangkat – Gumawa ng awitin nauukol sa katatapos na paksa

3.3 Pagsasagawa ng Gawain

4. Pagpapayamang GawainIbigay ang oaksang-diwa ng ulat na napakinggan. Anu-ano ang detalye nito?

B. IKALAWANG ARAW

Page 51: Mam Bacal Filipino 2012

Panlinang ng mga kasanayang pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

Isulat nang wasto ang salitang bibigkasin ng guroisinumiteiminungkahimaitustos

1.2 PagsasanaySalungguhitan ang salitang-ugat at bilugan ang panlapi sa salita.

nasugatanumuwibumabasugatanmakatulong

1.3 Balik-aralSa kasalukuyan, ano kaya ang istatus ng global na pakikipagkalakalan ng ating bansa?

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Anu-anong solusyon ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mabawasan ang utang ng Pilipinas?

2.2 Pagtalakay sa Ulat na Balitaa. Anong iniharap sa Senate Blue Ribbon Committee para mabawasan ang pagkakautang

ng ating bansa?b. Bakit iminungkahi ni Domingo ang conversion ng commercial loans sa concession

loans?

3. Pagtalakay sa Aralin` Suriin ang mga panlaping ginamit sa pagbuo ng bawat pandiwa.

Pandiwa Salitang-ugat Panlaping GinamitUnlapi Hulapi Gitlapi

1. binabayad Bayad Bina-2. isinumite Sumite i- -in-3. gagamitin gamit Ga- -in

4. Pagbigkas na PagsasanayLagyan ng wastong pandiwa ang patlang. Sabihin ang sagot.

Si Heneral Miguel Malvar(kilala) _____ ng kasaysayan si Heneral Miguel Malvar bilang isang pinakamatapang na heneral

noong himagsikan. (silang) _____ siya sa Sto. Tomas, Batangas noong ika-27 ng Setyembre 1865. Siya ang (puno) _____ sa mga maghihimagsik na (taboy) _____ sa mga Kastila mula sa kanyang lalawigan.

Si Heneral Malvar (puno) _____ sa lahat ng mga manghihimagsik pagkatapos (dakip) _____ ng mga Amerikano si Heneral Aguinaldo. (tuloy) _____ niya ang paglaban at kung kaya lamang (suko) _____ ay dahil sa mahigpit na pakiusap ng mga kaibigan. Siya ang pinakahuling Heneral na (suko) _____. Ngunit hindi siya (tapon) _____ sa Guam tulad ng iba pang mga lider ng himagsikan.

5. PaglalahatAnu-anong panlapi ang ginamit sa pagbuo ng pandiwa?

6. Pinatnubayang PagsasanaySuriin ang mga panlaping ginamit sa pagbuo ng mga pandiwa.Pangkat I – Nagmamahalan at pinakamamahalPangkat II – Nilinisan at maglilinisPangkat III – Susulatan at sasagutanPangkat IV – Magpapadala at Pinadalhan

7. Malayang PagsasanayBasahin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang pandiwa na ginamit dito. Pagkatapos, isulat ang salitang-ugat at panlapi sa katapat na hanay.

Pangungusap Salitang-ugat Panlapi1. Malalakas ang mga bagyong dumarating dito sa ating bansa.2. Maraming bahay at ari-arian ang nasisira.3. Nalulungkot ang mga tao dahil nawalan sila ng

Page 52: Mam Bacal Filipino 2012

ikinabubuhay.4. Humihingi sila ng tulong sa pamahalaan.5. Magtatanim muli sila ng mga puno upang mapigil ang pagbaha.

8. PaglalapatPagkabitin ang mga panlaping nasa panaklong at ang mga salitang-ugat upang makabuo ng pandiwa. Pagkatapos gamitin ito sa isang makabuluhang pangungusap.Halimbawa: sulat (um) = sumulat

(in) = sulatin/sinulata. usap (in) (pag- an) (mag)b. kain (um) (mag-an) (in)c. ambag (um) (mag-an) (mag)d. lingon (um) (in) (nag-an)e. dala (han) (mag) (magpa)

9. PagtatayaBasahin ang maikling talata at punan ang bawat hanay na nasa ibaba ng talata.

Ang mga Kabataan sa Aming BarangayKapuri-puri ang mga kabataan sa aming barangay. Gumagawa sila ng mga proyektong

pangkalinisan na lubhang kapaki-pakinabang para sa lahat. Naglilinis sila ng mga lansangan at kanal. Pinipintahan din nila ang mga bakod. Naglalagay din sila ng mga basurahan para sa mga nabubulok at di-nabubulok na bagay. Tinuturuan nila ang ibang mga bata ng wastong pagtatapon ng basura. Tuwing Sabado nama’y nagtitipon-tipon sila sa may plasa para sa isang programa. May nagkakantahan, nagsasayawan at nagdudula-dulaan. Nagbibigay din sila ng parangal sa ilang kasapi na nagpapakita ng kanais-nais na pag-uugali at galing sa pamumuno.

Pandiwa Salitang-ugat Panlapi Uri ng Panlapi

10. TakdaSumulat ng talata ayon sa nakaraang bakasyon at guhitan ang pandiwa at bilugan ang panlaping ginamit.

Page 53: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagbasa

1. Pagganyaka. Ayon sa binasang ulat na “Solusyon Para Mabawasan ang Utang ng Pilipinas,” paano raw mababawasan ang utang ng ating bansa?b. Bakit kailangang bawasan ang utang ng Pilipinas?

Inaasahang sagot ay kailangang isulat sa pisara.a. Ang mga solusyong ibinigay ay ang mga sumusunod:

- ang conversion ng commercial loans sa concession loans- pagpapalabas ng zero coupon bonds- ang sistemang dacion en pago ng mga bangko

b. Kailangang bawasan ang utang upang mabawasan ang interes ng ating utang sa ibang bansa.

2. Pagtalakay sa AralinAno ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit na nasa pisara?

3. Pagbibigay ng isa pang kwentoNgayon ay may babasahin tayong kwento “Ang Dakilang Tyutor”

4. Pabigkas na KasanayanPagbasa ng mga bata sa kwento.Pagtatanong tungkol dito.

- Papaano nakapag-aral si Nonong sa sekundarya? Sa kolehiyo?- Anu-ano ang mga naging katungkulan ni Nonong sa bayan?- Bakit tinawag si Nonong na “Ama ng Wikang Pambansa”?

5. Pinatnubayang PagsasanayBasahin ang mga pangungusap sa bawat bilang sa Hanay A. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa talaan ng mga pagpipiliang salita sa Hanay B.

A B1. Pinakamatalino siya sa kanilang klase. a. karera o propesyon2. May mga pamantasan na nagpapaaral ng

libre sa mga matatalinong mag-aaral. b. pangkat ng mga mag-aaral na tinuturuan3. Ang panggagamot at batas ay dalawang

mahabang kurso. c. walang bayad4. Ang kinuha niyang jurso ay batas dahil

mahusay siyang magtalumpati. d. bayad sa pag-aaral5. Hindi siya nagbabayad ng matrikula

dahil siya ay iskolar. e. abogasya

6. Malayang PagsasanayPiliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis krus. (inangkin, isinama, ipinakiusap, inalis)2. Parang paglapastangan iyon sa Panginoon. (pagmamahal, paglabag, paggalang, pag-alipusta)3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punungkahoy. (makuha, mawala, malipol, maipagmalaki)4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus. (nagsitutol, nag-away-away, napagkasunduan)5. Benindisyunan ng pari ang punungkahoy. (binasbasan, biniyayaan, binigyan ng pahintulot)

7. PaglalapatHanapin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa mga salita sa makikita sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Hindi magkamayaw ang mag-anak sa nalalapit na kapistahan sa kanilang lugar.2. Makukulit ang mga batang mag-aaral sa paaralan.3. Maraming taon na ang lumipas nang maganap ang kasaysayan.4. Gustong-gusto niya ang mahiwagang puno kaya inalok ang may-ari ng malaking halaga.5. Mabilis na kumalat sa bayan ang balita tungkol sa sangang hugis krus.

Page 54: Mam Bacal Filipino 2012

matanong ipinakiusap abalang-abalanangyari lumaganap sumabog

8. PagtatayaBuuin ang mga salita sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nawawalang titik na siyang kahulugan ng salitang may salungguhit sa mga sumusunod na pangungusap.

a. Talagang nalungkot ako nang mawalay ka sa akin.ma__ __ i w __ l __ y

b. Nais ko nang hilahin ang araw para bumalik kang muli sa aking piling.h__ t __ k __ __

c. Ang pagsisilbi ko sa iyo’y taos sa aking puso.p __ g __ i l __ __ __ k __ d

d. Nais niyang laging dinudulutan ng pagkain.b __ n __ b i __ y __ n

e. Ang aking atensyon ang lagi niyang hanap.p __ g k __ L __ __ g __

Page 55: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAWagsusulat

1. Paglalahad ng LunsaranPagpapakita ng guro ng isang lunsaran

Paaralang Sentral ng PoroMabini StreetCamotes, CebuPebrero 12, ____

Sa TagapamahalaVibal Publishing House, Inc.G.V Building P. del Rosario St.Cebu City

Ginoo:Mangyaring padalhan ninyo kami ng mga sumusunod na aklat at babasahin:

2 Talatinigan2 Mga Alamat2 Panitikang Pambata

Ang bayad ay ibibigay po naming sa inyong tagapaghatid.Lubos na sumasainyo,Lydia G. LucerosMag-aaral Baitang V-A

2. Pagtalakay sa GagawinIpapaliwanag ng guro ang pagsulat ng iba’t-ibang uri ng liham pangangalakal.

3. Pagbigkas na GawainPagbigay ng usapan at gumawa ng liham pangangalakal gamit ang mga impormasyong ibibigay.

4. PaglalahatAno ang dapat nating tandaan sa pagsulat ng liham pangangalakal?

5. Pinatnubayang GawainIsulat ng wasto ang liham pangangalakal na nasa ibaba.

g. nestor reyesreyes grocery14 kalye rectoDivisoria, maynila

Mangyaring padalhan po ninyo ako sa huling araw ng buwang kasalukuyan ng sumusunod na paninda.

1 dosenang pad grade III at IV1 dosenang long pad1 dosenang yellow pad1 dosenang ballpen (asul)

Sumasaiyobb. Marilyn c. ocampo

6. Malayang PagsasanayBasahing mabuti ang liham na umuorder sa isang tindahan. Hindi wasto ang pagkakasulat nito. Iwasto ang mga mali. Isulat muli sa iyong sulatang papel.

g. romeo floresflores grocery105 kalye floresSta. Crus lagunadisyembre 7, 2011

ginoomangyaring padalhan po ninyo ako sa unang araw ng susunod na buwan ng sumusunod na paninda1 sakong bigas1 sakong asukal na puti

Page 56: Mam Bacal Filipino 2012

1 sakong harina1 kahong sardinas1 kahong sabong panlaba10 kilong patatas15 kilong sibuyasang bayad ay ibibigay ko sa inyong tagapghatidlubos na sumasainyogng felicidad perena

7. PaglalapatSumulat ng isang liham pangangalakal na humihingi ng impormasyon tungkol sa isang paligsahan sa pagsulat na ang tema ay paano magiging bayani ang isang bata. Ipada ito sa puno ng ating paaralan.

8. PagtatayaSumulat ng isang liham pangangalakal.

E. IKALIMANG ARAW

Page 57: Mam Bacal Filipino 2012

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

I. Layunin

Page 58: Mam Bacal Filipino 2012

A. Napagsusunod-sunod ang mga ideya sa napakinggang teksto.Nasusuri ang mga pagbabago sa anyo ng pandiwa batay sa aspekto ng panlaping ginamit.Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan at bigkas.Nasasabi ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa kwento/seleksyong nabasa.Naisusulat ang pagsusuri tungkol sa pagkakaugnay ng sanhi at bunga na napapaloob sa paglalahad tungkol sa pagbabago ng edukasyon.

B. Mga EstratehiyaMasining na pagkukuwento

C. PagpapahalagaPagmamahal sa bayanPagmamahal sa ina

II. Paksang Aralin A. Talambuhay: Ina ng Katipunan B. Pagsagot sa mga tanong: Sino, Bakit, Papaano C. Estratehiyang Pangwika

Pagsuri ng mga pagbabago sa anyo ng pandiwa batay sa aspekto ng panlaping ginamit. D. Pagbigay ng kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan at bigkas. E. Pagsali ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga sa kuwento/seleksyong nabasa F. Pagsulat ng pagsusuri tungkol sa pagkakaugnay ng sanhi at bunga ng napapaloob sa paglalahad

tungkol sa pagbabago sa edukasyon G. Sanggunian: Hiyas sa Wika

Hiyas sa Pagbasa p. 64-69 Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi p. 263-266

H. Kagamitan:tsart, cassette/cellphone / DVD, activity card

III. Gawain sa Pagkatuto

A. UNANG ARAW1. Bago Bumasa

1.1 PagganyakSino ang tinatawag na ilaw ng tahanan? Bakit ganito ang taguri sa kanya? Bilang ganti sa pagmamahal na ipinapakita sa inyo ng inyong ina, ano ang nararapat ninyong

gawin?1.2 Pagpapakilala sa kwento

Pagtukoy sa pamagatIna ng Katipunan (Talambuhay)

1.3 Paghahawan ng Balakid/SagabalMix and Match

Katipunan -makitahinaing -lihim na samahan ng mga katipunero laban sa Kastilanaulinigan - hinanakitmakahulagpos -natuklasannatiktikan -makawalamasilayan -napakinggan

1.4 Pagbuo ng Pagganyak na TanongBakit tinatawag na Ina ng Katipunan si Tandang Sora?

1.5 Pamantayan sa pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad na muli ng kwento2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kwento ng tuloy-tuloy gamit ang masining na pagkukuwento.2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa kuwento at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Bakit tinatawag na Ina ng Katipunan si Tandang Sora?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkat I – Ilarawan si Tandang Sora sa pamamagitan ng pagguhit.Pangkat II – Magtala ng mga paraan / gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan

kahit kayo ay bata pa katulad ng ipinakita ni Tandang Sora na bagaman siya ay matanda na hindi naman ito naging hadlang upang makapaglingkod siya sa bayan.

Page 59: Mam Bacal Filipino 2012

Pangkat III – Isadula ang mga pangyayari ayon sa kuwento3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat3.4 Pagtatalakayan

Batay sa dula-dulaang isinagawa ng ikatlong grupo naipakita ba ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Patunayan.

Ano ang unang nangyari sa kuwento?

Nang malaman ni Tandang Sora ang lihim na kilusan ng mga Katipunero, ano ang sunud-sunod niyang ginawa?

Matapos matiktikan ng mga Kastila ang lihim na pagtulong ni Tandang Sora, ano ang sumunod na nangyari?

Isaayos at lagyan ng bilang ang mga pangyayari batay sa pagkakasunod-sunod sa kuwentong napakinggan.

_____ a. Walumpo’t tatlong gulang si Tandang Sora nang sumiklab ang himagsikan._____ b. Naging tagapakinig ang matanda sa mga hinaing at galit ng mga makabayang Pilipino

na nagnanais na maghimagsik laban sa mga Kastila._____ c. Tahimik siyang nabubuhay sa piling ng kanyang mga anak na nagsasaka ng kanilang

maliit na lupain sa Banilad._____ d. Sa dilim ng gabi hinahatdan ng matanda ng pagkain ang mga nagtatagong katipunero sa

liblib na bahagi ng kanilang bakuran._____ e. Ginagamot at inaalagaan niya ang mga katipunerong nagpupunta sa kanyang tahanan._____ f. Laging may handing mainit na sabaw at pagkain si Tandang Sora anumang oras

dumating ang mga nagugutom, pagod at sugatang kawal._____ g. Sa gulang na 107 namatay ang Ina ng Katipunan, hindi pa natatagalan mula ng siya’y

bumalik sa Pilipinas._____ h. Natiktikan ng mga Kastila ang lihim na pagtulong ni Tandang Sora sa mga

naghihimagsik na Pilipino._____ i,. Lahat ng Pilipinong bilanggo sa Guam ay pinalaya at pinabalik sa Pilipinas._____ j. Hinuli si Tandang Sora at ipinatapon sa Pulo ng Guam.

4. Pagpapayamang GawainBasahin ang talambuhay ni Donya Teodora Alonzo Realonda Rizal sa Hiyas sa Pagbasa, pahina 68-69 sa klase. Pagkatapos mapakinggan ng mga bata hayaang ayusin ang mga sitwasyon sa ibaba ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kuwento.

____ Ikinasal siya kay Francisco Mercado ng Calamba, Laguna.____ Galing sa isang mayaman at ilustradong angkan sa Maynila si Teodora Alonzo.____ Isang mahusay at magaling na mag-aaral siya ng Colegio de Sta. Rosa.____ Napagbintangan siya sa kasalanang hindi niya kailanman ginawa.____ Butihing ina at maybahay si Donya Teodora.____ Naging dahilan ng pagkabulag niya ang paglalakad mula sa Calamba hanggang Sta. Cruz.____ Inoperahan siya ni Jose Rizal at muli siyang nakakita.____ Namatay siya sa gulang na 84.____ Magalang niyang tinanggihan ang ibinigay na pensyon ng gobyerno.____ Hinarap niya ng buong tapang ang pagkamatay ng anak sa Bagumbayan.

Page 60: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinaw ng Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbaybay

Isulat nang wasto ang salitang bibigkasin ng guromatiktikanmanghimagsikmakapaglingkodnagmalasakitnaulinigan

1.2 Balik-AralMaghanda ng isang kahon na may sampung maliliit na papel sa loob na may nakasulat na mga pangungusap na may pandiwa. Ipapasa ang kahon habang tumutugtog ang

cassette/cellphone kapag tumigil ang tugtog ang batang may hawak na kahon ay kukuha ng isang piraso ng papel at babasahin ito ng malakas at pipiliin niya ang pandiwa sa pangungusap at sasabihin kung anong salitang ugat at panlapi ang ginamit upang mabuo ang pandiwa.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Anong pamagat ng kwento natin kahapon? Tungkol saan ito?2.2 Pagtalakay sa Kwento

(Isulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara)1. Ilarawan ang buhay ni Tandang Sora sa piling ng kanyang mga anak.

Sagot: Tahimik siyang nabubuhay sa piling ng kanyang mga mag-anak na nagsasaka ng kanilang maliit na lupain sa Banlad.

2. Ano ang layunin ng kilusan ng mga Katipunero?Sagot: Ang layunin ng kilusan ng mga katipunero ay ibagsak ang paghahari ng

mga Kastila sa ating sariling bayan.3. Anong ginawa ni Tandang Sora sa mga maysakit?

Sagot: Ginamot at inalagaan ni Tandang Sora sa kanyang tahanan ang mga Katipunerong maysakit.

2.3. Pagtalakay sa Aralin(Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na nakasulat sa pisara)Anu-ano ang mga pandiwa sa unang pangungusap?Kailan ginawa ang kilos?Anong aspekto ng pandiwa nito?Anong mangyayari sa nabubuhay at nagsasaka kung ito ay gagawin pa lamang? kung

nagawa na?Anong aspekto ng pandiwa ito?Anong nangyari sa panlaping na sa nabubuhay nang ito ay naging nasa aspektong

magaganap pa lamang?Anong panlapi ang ginamit natin sa pandiwang nagsasaka nang ito ay naging nasa

aspektong magaganap pa lamang? nagawa na?

(Tanungin ang mga bata ng kaparehong tanong para sa pangungusap 2 at 3)

2.4 Pagbigkas na pagsasanay A. Basahin ang bawat pandiwa at ibigay ang iba’t ibang aspekto nito.

Pandiwa Naganap Nagaganap Magaganap1. maglinis2. sulatan3. itago4. magsulat5. ipakain6. ipatupad7. magsaing8. sabihan

B. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang pandiwa at sabihin ang aspekto nito.1. Marahil ay mananalo na naman kami sa taong ito.2. Nagtanim na kami ng mga puno at halaman sa bangketa.3. Araw-araw ay dinidiligan ang mga halaman sa bangketa.4. Ibinaon naming ang mga basurang nabubulok.

Page 61: Mam Bacal Filipino 2012

5. Nilinis naming ang buong palengke.

3. PaglalahatPaano nababago ang anyo ng pandiwa?

4. Pinatnubayang PagsasanayPangkatang Gawain

Bawat pangkat ay bibigyan ng isang Manila Paper na may nakasulat na talata. Gamitin ang salitang ugat sa panaklong sa pagbubuo ng mga pandiwa sa talata. Gamitin

ang salitang-ugat sa panaklong sa pagbubuo ng mga pandiwa sa iba’t-ibang aspekto na angkop sa puwang upang mabuo ang diwa ng talata.

Pangkat I – Naku! _____ (ulan) na naman nang malakas sa labas. Sana’y _____ (tigil) na ito. Wala akong dalang payong. _____ (bilin) _____ sa akin ni inay iyon kanina

pero _____ (limot) ko. Paano ba ang aking _____ (gawin)?

Pangkat II – Ano kaya _____ (luto) ni Inay sa bahay? Sana’y magprito siya ng tuyo at maglaga ng talong at okra _____ (sawsaw) ko iyon sa bagoong. Tiyak na marami

akong _____ (kain) ako ng lansones na pasalubong ni Itay habang nanonood ako ng TV. Sana tumigil na ang ulang ito at nang makauwi na ako. May _____ (daan) pa kayang dyip?

Pangkat III – “Hoy bata, huwag kang magpaulan! _____ (sakit) ka niyan? Sino ba ang mga magulang mo? Bakit di ka nila _____ (alaga)? Umuwi ka na at magpalit ng

damit,” wika ni Celia. Wala na po akong magulang. ____ (patay) na po sila. Wala na pong _____ (alaga) sa akin,” sagot ng bata. “Pwede po bang humingi ng limos? _____ (bili) po ako ng makakain,” pagmamakaawa ng bata.

5. Malayang PagsasanayBilugan ang pandiwang angkop sa bawat pangungusap.1. (Inaalagaan, Inalagaan, Aalagaan) ng kaniyang ina ang kanilang taniman araw-araw.2. (Bumibili, Bumili, Bibili) siya ng pataba upang lumusog ang mga taniman.3. (Aani, Umaani, Mag-aani) sila ng mga gulay at (ipagbili, ipagbibili, bumili) sa mga mamamakyaw sa Linggo.4. Ang pera ng kaniyang pagbibilhan ay kaniyang (inipon, iniipon, iipunin) para sa darating na pasukan ng kaniyang mga anak.5. Kahapon (dumalaw, dumadalaw, dadalaw) ang kanyang mga kaibigan.

6. PaglalapatPunan ng wastong pandiwa ang puwang sa talataan. Isaalang-alang ang iba’t ibang aspekto ng mga pandiwa ayon sa pagkakaganap ng kilos na isinasaad sa bawat pangungusap.

Bago pa man (dating) _____ ang mga Kastila sa bansa ng ating mga ninuno ay may sariling wikang (gamit). (Sabi) _____ na ang Tagalog ang may pinakamayamang katangian sapagkat nagtataglay ito ng mga katangian ng ibang wika sa daigdig. Kabilang na ang Latin at Kastila. (Lagay) _____ na ito ang dahilan kung bakit (pili) _____ batayan ng Wikang Pambansang Tagalog. (Sikap) _____ ng pamahalaan na (ganap) _____ ang pambansang wika. (Gamit) _____ ito sa iba’t ibang sangay. Patuloy itong (ituro) _____ sa mga paaralan upang lalo itong mapagyaman.

7. PagtatayaPiliin ang pandiwa at isulat ang aspekto nito.1. Maghihintay sila ng iba pang kasamahan.2. Naglalakad lang naman sila araw-araw.3. Nagdulot ng kaligayahan ang pagkakasundo ng lahat.4. Tayo ay makikipagtulungan sa pamumuno ng bayan.5. Ipinakita nila ang tunay nilang ugali.

8. KasunduanSumulat ng limang pangungusap na may iba’t-ibang aspekto ng pandiwa.

Page 62: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagsusuri / Pagkilala / Dekoding / Pagbasa

1. Paglalahad/PagganyakPagbasa ng isang kwento

“Sa Aking Pagbabalik”Fil. Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 pp.223-226

2. Pagtalakay sa Kwento(Isusulat ng guro ang mga sagot ng bata sa pisara)

2.1 Anu-ano ang mga tuwirang sinabi ni Aling Precy kay Joshua nang umagang magpatapon ito ng basura? Sagot: Tila na ang ulan kaya’t umalis ka na!

Tila umaambon ulit.

Ano ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?Ano ang masasabi ninyo sa mga ito?Saan sila nagkakapareho?Saan naman sila nagkakaiba?Sa anong pantig binibigyang diin ang bawat salita?Ano ang kahulugan ng bawat salita?

2.2 Bakit nagkaroon ng malaking pag-apaw ng tubig sa ilog? Sagot: Nagkaroon ng malaking pag-apaw ng tubig sa ilog dahil sa basurang itinambak ng

mga tao.

Alin ang nagpapaliwanag kung paano o bakit naganap ang pangyayari?Alin naman ang nagsasabi ng resulta o kinalabasan ng mga naganap na pangyayari?

3. Pinatnubayang Pagsasanaya. Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang may guhit.

1. Maraming tubo roon at ito’y talagang makatas. (isang uri ng halamang pagkain, puno, dahon)

2. Gumagamit sila ng abono kaya’t maganda ang tubo ng halaman. (haba, taas, laki)3. Malaki rin naman ang tubo ng mga haciendero sa pagtatanim niyon. (bayad, kita,

halaga)4. Kung ano ang puno, siya ang bunga. (laki, pinagmulan, marami)5. Dahil sa matalino ginawa siyang puno ng kanilang kagawaran. (lider, kagawad, ama)

b. Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga.1. Mahusay na mekaniko si Edwin kaya maraming nagpapakumpuni sa kanya ng

sasakyan.2. Bihirang magkasakit si Mang Gil dahil alagang-alaga niya ang kaniyang kalusugan.3. Si Willy ang hindi nakasama sa pag-uwi sa Dagupan sapagkat tinanghali siya ng

gising.

4. Malayang Pagsasanaya. Basahin ang salitang may salungguhit sa pangungusap at ibigay ang kahulugan nito.

1. Kilala siya sa kanyang galing sa paghawak ng baril.2. Sabi nila hindi rin siya basta tatamaan ng bala dahil siya’y may galing.3. Ang galing mo naman! Nanalo ka sa timpalak sa pagbaril.4. Mura ang kamatis ngayon sapagkat ito’y napapanahon.5. Mura pa ang iba kaya’t di pa dapat pitasin.

b. Ibigay ang maaring bunga ng:1. Pagdarasal - bunga -2. hindi malinaw na usapan - bunga -

5. Paglalapata. Pag-aralan ang pares ng mga salita. Nasa kahon ang diin. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.

1. s i r a - s i r a

2. b i l o g - b i log

3. pa la - pa la

Page 63: Mam Bacal Filipino 2012

4. ga bi - ga bi

5. pa ga - pa ga

b. Ibigay ang maaaring maging dahilan ng:1. ____________________ - Ulan2. ____________________ - Pag-aaway

6. Pagtatayaa. Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang may guhit.

1. Ang mga deposito niya sa bangko ay nagkakahalaga ng tatlong libong piso. (halaga, lagak, bayad)2. Sa Romblon matatagpuan ang pinakamaraming deposito ng marmol para sa

produksyong pangkomersyal sa buong Timog Silangang Asya. (butas, lagak, halaga)

3. Mas matibay pa nga raw ang marmol sa Romblon kaysa sa Italya at ito ay napatunayan ng mga pagsubok. (pagtuklas, pagsusulit, eksamen)4. Simula bukas ay mayroon tayong mahabang pagsubok para sa ating aralin. (pagsusulit, pagtuklas, paglutas)5. Huwag kang tumuntong sa gilid at baka ka mahulog. (yumapak, dumating, pumunta)6. Sinasabi ng matatanda sa pulo ay hindi pa nila alam ang pangalan nito. (tumapak,

dumating, pumunta)b. Isulat ang S sa patlang kung ang may salungguhit na pangungusap ay nagpapahayag ng sanhi at B kung bunga ito.

1. Alis na tayo upang makauwi tayo nang mas maaga.2. Kung titigil ka hindi ka mananalo sa karera.3. Hindi na kailangang magdilig dahil umulan kagabi.

7. Kasunduana. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang salita.

1. saka - saka2. baga - baga3. buhay - buhay4. balot - balot5. lata - lata

b. Magbigay ng 5 pangungusap na may ugnayang sanhi at bunga.

Page 64: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. Paglalahad ng LunsaranIpabasa ang nakasulat sa pisara na ugnayang sanhi at bunga sa kuwentong “Sa Aking Pagbabalik.”

2. Pagtalakay sa GawainNgayon ay susulat kayo ng inyong mga pagsusuri tungkol sa pagbabago ng edukasyon ngayon na nakapaloob ang ugnayang sanhi at bunga.Bigyan ng dalawang minuto para makasulat ng mga pagbabago sa edukasyon na may ugnayang sanhi at bunga.Tumawag ng isang bata upang isulat sa pisara ang kanyang pangungusap.Anu-ano ang mga naging bunga ng pagbabago sa edukasyon?Ano ang ginawa natin para malaman natin ang buong pangyayari sa pagbabago sa edukasyon?

3. Pagbigkas na GawainPagbasa ng mga bata ng isinulat na mga pagbabago sa edukasyon na may ugnayang sanhi at bunga.

4. PaglalahatAnong kasanayang paglalahad ang natutunan ninyo ngayong araw na ito.Paano natin isinalaysay ang isang pangyayari?

5. Pinatnubayang Pagsasanaya. Isulat ang maaring maging bunga ng:

hindi nakapag-aral - _____________________b. Isulat ang maaaring maging dahilan ng:

________________ - pagkakaroon ng lagnat

6. Malayang PagsasanaySumulat ng isang talata na tumatalakay sa kahalagahan ng pag-aaral sa inyo at nakapaloob dito ang ugnayang sanhi at bunga.

7. PaglalapatSumulat ng maikling salaysay tungkol sa edukasyon ngayon na may ugnayang sanhi at bunga.

8. PagtatayaA. Isulat ang maaaring maging sanhi:1. ________________________________ kaya nahihirapan ang mga hurado.2. Mahirap lamang kami _________________________________________.3. Kung titigil ka _______________________________________________.B. Isulat ang maaarinng maging dahilan:4. ________________________________ nanghiram ako ng bolpen kay Sophia.5. ________________________________ hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

9. Takdang AralinSumulat ng isang talata na nagpapahayag ng pagmamahal sa ina. Isulat ito sa papel na may ugnayang sanhi at bunga.

Page 65: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 66: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Nabibigyan ng reaksyon ang napakinggang editorial, artikulo at iba pa.

Nagagamit ang mga pandiwa sa iba’t-ibang aspekto sa pagsasalaysay at pagsulat ng balita, kuwento ng sariling karanasan at iba pa.Naibibigay ang kahulugan ng salita sa tulong ng kasingkahulugan.Nasasabi ang mga katotohanan na binabanggit sa seleksyong nabasa.Nakasusulat ng sariling opinyong narinig katulad ng: may akda, kakaiba sa may-akda

B. Mga EstratehiyaPaggamit ng LarawanPagbasa ng PagbigkasMasining na Pag-uulat

C. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga Katutubong Pilipino

II. Paksang Aralin A. Kwento: “Mga Katutubo – Sino Ako?” B. Pagsagot sa mga tanong na: Ano, Paano, Bakit, Sinu-sino C. Estratehiyang Pangwika

Iba’t-ibang Aspekto ng Pandiwa D. Pagbibigay ng kahulugan ng salita sa tulong ng kasingkahulugan

Pagsasabi ng mga katotohanan na binanggit sa seleksyong binasa. E. Pagsulat ng sariling opinyong narinig tulad ng:

-may akda- kaiba sa may akda.

F. Sanggunian:Pagdiriwang ng Wikang Filipino p. 124-129Talindaw p.215-217, 205Punla p.47-49

G. Kagamitan:Tsart, strip ng kartolinaLCD Projector

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

(Pagpapanuod ng isang presentation sa pamamagitan ng DLP)Sinu-sino ang inyong nakita sa inyong pinanuod?Kilala nyo ba sila?

1.2 Pagpapakilala ng KwentoPagtukoy sa Pamagat

“MGA KATUTUBO – SINO SILA?1.3 Paghahawan ng Balakid

MIX AND MATCH (Paggamit ng cartolina strips)katutubokulturapulotirahanevacuation center

1.4 Pagbubuo ng pagganyak na tanong1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad ng Kwento (Mga Katutubo – Sino Sila?)2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kuwento2.3 Ikalawang Pagbasa

Pagbasa muli ng guro ng kuwento at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Paano natin pahahalagahan ang mga katutubong Pilipino?3.2 Pangkatang Gawain

Page 67: Mam Bacal Filipino 2012

I – Iguhit ang pisikal na kaanyuan ng mga katutuboII – Itala ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubong Pilipino.III – Bumuo nang isang sayaw ng mga katutubo.

3.3 Pagsasagawa ng bawat pangkat

4. Pagpapayamang GawainGumawa ng isang talata tungkol sa kung paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipino.

Page 68: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga kasanayang pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

Isulat ng wasto ang salitang bibigkasin ng guro.naapektuhanlumikasbumabapagtatanim

1.2 Balik-AralSalungguhitan ang pandiwang ginamit sa pangungusap.1. Isa sa kabuhayan ng mga katutubo ay ang pangangaso.2. Marami sa kanila ang lumikas mula sa kagubatan.3. Sa mga lupang iyon sila naninirahan.4. Ipinamahagi ng pamahalaan ang ilang piraso ng lupa.5. Iniluluto nila ang mga de latang binigay ng pamahalaan.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Natatandaan ninyo pa ba ang kuwentong, Mga Katutubo-Sino Sila?2.2 Pagtatalakay sa Kuwento

(Isusulat ng guro sa pisara ang sagot ng mga bata)Sinu-sino ang mga naapektuhan sa pagbabago ng kapaligiran?Ano ang ginawa nila ng pumutok ang Bulkang Pinatubo?Saan sila naninirahan ngayon? atbp.

2.3 Pagtalakay sa Aralin(Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na nakasulat sa pisara.)Ano ang napapansin ninyo sa mga pandiwang may salungguhit sa bawat pares ng

pangungusap?Naganap na ba ang kilos?Sa ikalawang pares, kailan isinagawa ang kilos ng pandiwa?Sa ikatlong pares, kailan isinagawa ang kilos o galaw?

2.4 Pagbigkas na PagsasanayA. Suriing mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin ang pandiwa at sabihin kung ito ay

nasa aspektong naganap, nagaganap o magaganap.1. Sinasabing makaluma ang uri ng pamumuhay ng mga katutubo.2. Nabubuhay sila sa pangingisda, pangangaso at pagtatanim.3. Pinagtatawanan pa sila ng mga kapwa nila Pilipinong mag-aaral.4. Sumabog ang Bulkang Pinatubo.5. Dahil dito, bumaba ang mga Ita mula sa kagubatan.B. THINK-PAIR

Kumuha ng kapareha at magsabi ng pandiwa at tutukuyin ng kapareha ang aspekto ng pandiwa at kung saan ito nabibilang.

3. PaglalahatAno ang tatlong aspekto ng Pandiwa?

4. Pinatnubayang PagsasanayPiliin ang wastong pandiwa na angkop sa pangungusap.1. ( a. Magbabago b. Nagbabasa c. Nagbasa d. Basa) ka ba ng dyaryo kahapon?2. ( a. Mamimili b. Namimili c. Namili d. Bili) kami ng mga gamit sa paaralan sa Linggo.3. ( a. Umalis b. Umaalis c. Aalis d. Alis) ang aking kuya papuntang Davao kahapon.4. ( a. Itinuring b. Itinuturing c. Ituturing d. Turing) kong parang kapatid ang anak ng aking tiya.5. ( a. Sumulat b. Sumusulat c. Susulat d. Sulat) ako ng liham sa aking guro bukas.

5. Malayang PagsasanayIsulat sa loob ng tsart ang tamang sagot.

PAWATAS GINANAP GINAGANAP GAGANAPIN1. manirahan2. buhayin3. sabihin4. pagtawanan5. isalin

6. Paglalapat

Page 69: Mam Bacal Filipino 2012

Isulat ang tamang anyo ng pandiwa na aangkop sa pangungusap.(kain) 1. _____ siya ng masustansiyang pagkain kaya siya malusog.(pili) 2. _____ siyang lakambini n gaming klase.(tahi) 3. _____ iyon ng kanyang tiya.(kita) 4. _____ ko ang kanyang isusuot.(sama)5. _____ sa aming pamamasyal bukas?

7. PagtatayaPanuto: Piliin ang pandiwa sa pangungusap at isulat sa tamang hanay ng panahunan.1. Nag-eehersisyo ang mga lalaki at babae.2. Ang mga gamit ay inilipat ni Ador sa kabilang kuwarto.3. Si Adela ay tinawagan niya sa telepono kahapon.4. Sasamahan kita sa Baclaran.5. Nagpapahinga sa ilalim ng puno si Edgar.

Naganap Nagaganap Magaganap1.2.3.4.5.

8. KasunduanGamitin ang sumusunod na mga pawatas sa tatlong panahunan ng pandiwa.1. luto2. awit3. laro4. sulat5. bili

Page 70: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

1. Paglalahad/Pagganyak(Pagbasa sa mga pangungusap na nakasulat sa screen ng DLP)1. Ang mga Ita ay naapektuhan ng mga pagbabago sa kapaligiran.2. Lumikas sila mula sa kagubatan ng Bundok Pinatubo nang sumabog ito.3. Sa kasalukuyan, unti-unting nauubos ang lahi nila.4. Sila ay naninirahan ngayon sa mga lupang bigay ng pamahalaan.

2. Pagtatalakay sa AralinAno ang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?Maaari ba nating baguhin ang kahulugan ng bawat salita?Ano ang kasingkahulugan ng mga salitang naapektuhan? Lumikas? Nauubos? Naninirahan?

3. Pagbibigay ng isa pang talataNgayon ay may babasahin tayong talata “Sa Aking Paglalakbay”

Naglalakad ako noon sa isang malawak at malapad na halamanan. Punumpuno ito ng magaganda at maririkit na mga bulaklak. May malalaking paruparo at mataas na mga puno. Sa tabi ng halamanang ito, ito ay lumapit ako sa mga batang masasayang naglalaro. Ako ay tunay na natutuwa sa aking mga nakita. Ang malinis at mariwasang lugar na iyon ay isang paraiso sa aming mga bata.

4. Pagbigkas ng KasanayanPagbasa ng mga bata ng kuwento.Pagtatanong tungkol sa kwentong binasa.Pagtukoy sa mga salitang magkasingkahulugan.

5. Pinatnubayang PagsasanayIbigay ang kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba.

mahirap mabaho mabilis masipag

6. Malayang PagsasanayHanapin sa hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa hanay A. A B1. maingay a. tahimik2. mayaman b. masarap3. mapakla c. marangya4. payapa d. magulo5. malinamnam e. mapait

7. PaglalapatIsulat sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.1. Ang maliksi ay tinatawag ding2. Marikit ang damit niya. Ibig sabihin nito ay3. Ang kahulugan ng masaya ay4. Nangangahulugang ding magaling ang5. Tinatawag na ang mabagal.

8. PagtatayaPiliin ang titik ng kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit.1. Maayos ang gamit ni Jean.

A. masinop B. magulo C. mahal2. Ang kanyang ina ay matanda na.

A. bata B. gurang C. pilay3. Ang baboy niyang alaga ay mataba.

A. malusog B. payat C. pandak4. Ang daan papunta sa kanila ay makipot.

A. maluwang B. masikip C. malawak5. Ang Diyos ay mahabagin.

A. masipag B. mabait C. maawain

Page 71: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAWPagsusulat

1. Paglalahad ng LunsaranAyon sa binasang kuwentong “Mga Katutubo- Sino Sila?”Ibigay ang opinion tungkol sa binasa.

2. PaglalahadPagbibigay ng pamantayan sa pakikinig.Pagbasa ng editorial “Sariling Kultura, Sariling Pamana

3. Pagtalakay sa GawainSino ang may-akda ng editoryal na inyong narinig?Anu-anong lahi ang nananalaytay sa mga Pilipino?Ano ang kontribusyon ng mga Amerikano sa kultura ng mga Pilipino?

- Ano ang opinyon ng may-akda tungkol sa kultura ng mga Pilipino?- Sang-ayon ba kayo sa pahiwatig ng may-akda sa editorial? Bakit?- Kung ikaw ang tatanungin, ano ang opinyon mo tungkol sa mga impluwensiya ng

mga ibang lahi sa ating kultura?- Aling bahagi ng kwento ang nagsasabi ng katotohanan?

4. PaglalahatAno ang dapat tandaan sa pagbibigay at pagsulat ng opinyon?

5. Pinatnubayang GawainPakikinig sa isang editoryal na babasahin ng guro.Gumawa ng isang opinyon tungkol dito.

6. Malayang PagsasanayBasahing mabuti ang seleksyon at sumulat o magbigay ng sariling reaksyon o opinyon tungkol dito. Sagutin ang mga tanong.

Ano ang opinyon ng may-akda sa tula?Sang-ayon ba kayo sa ipinahihiwatig ng may-akda sa tula? Bakit?Kung kayo ay tatanungin, paano ninyo maipakikita ang pagmamahal sa inyong mga

magulang?7. Paglalapat

Pakinggang mabuti ang editoryal na babasahin ng guro at sumulat ng reaksyon o opinyon tungkol dito.

8. PagtatayaPakinggang mabuti ang tulang babasahin ng guro at sumulat ng reaksyon o opinyon tungkol dito.(KULTURANG PINOY) Pagdiriwang ng Wikang Pilipino 5 p. 118-119

Page 72: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 73: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Naigagawa ng lagom/buod ang mga detalye/ideyang napakinggan.

Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panaklaw at patulad sa pagsasalaysay at pagsulat ng sariling karanasan/pag-uulat ng karanasan ng iba.Napagsusunud-sunod ang mga salita ayon alpabetong Filipino batay sa una hanggang ikatlong titik.Nagagamit nang wasto ang mga bantas, malaking titik, palugit at pasok sa pagsulat ng idiniktang talata, balita at liham.

B. Mga EstratehiyaPaggamit ng larawanPagbasa ng PabigkasMasining na Pagkukuwento

C. Pagpapahalaga: Pagtutulungan at Pagkakaisa Magandang pagsusunuran ng magkakapatid

II. Paksang Aralin A. Kuwento: Ang Walis na Tingting

Sinulat nina Josefina C. Lirio at Cleta R. Fetalvero B. Paggawa ng lagom/buod C. Estratehiyang Pangwika

Paggamit ng Panghalip na Panaklaw at Patulad D. Pagsusunod-sunod ng mga salita ayon sa alpabetong Filipino E. Paggamit ng wastong bantas, malaking titik, palugit at pasok sa pagsulat ng idiniktang talata, balita at

liham F. Sanggunian:

PELC 15.1Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 dh. 133-134Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 dh. 85-89

G. Kagamitan:Larawan pocket chartTsart cassette

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Paglalakbay-diwa sa tulong ng musika.a. Irelaks ang buong katawan at ipikit ang mga mata.b. Isipin mong isa kang tingting ng walis at kailangan mong linisin ang buong paligid ng

paaralan.c. Dahan-dahang imulat ang mga mata habang unti-unting nawawala ang nakalarawan sa

inyong isipan.Kaya mo ba itong gawing mag-isa? Bakit?Ano ang nararapat ninyong gawin para mabilis na maisagawa ang isang gawain?

1.2 Pagpapakilala sa Kuwento“Ang lakas ay nasa pagkakaisa.” Ang maikli subalit malamang pangungusap na ito ay

may kaugnayan sa kuwentong iparirinig ko sa inyo.“Ang Walis na Tingting”

1.3 Paghahawan ng Balakida. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.b. Pagsagot ng bawat pangkat sa puzzle.c. Ang pangkat na unang makabubuo ng puzzle nang tama ang tatanghaling panalo.

Pangkat IPababa:1. ihambalos2. nagapiPahalang:3. yamot4. masupil5. patikimin

Pangkat II

Page 74: Mam Bacal Filipino 2012

Pababa:1. lumipas2. baliin3. malimitPahalan:4. kawangis5. namasdan

1.4 Pagbuo ng Pangganyak na TanongPaano nagkasundo ang mga anak nina Aling Lani at Mang Bong?

1.5 Paggunita sa Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad na muli ng kuwento2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro nang tuluy-tuloy gamit ang masining na pagkukuwento2.3 Ikalawang Pagbasa

Muling pagbasa ng guro sa kuwento habang nagpapakita ng larawan na may kaugnayan sa bawat talata at pagtalakay tungkol dito.

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pangganyak na Tanong

Paano nagkasundo ang mga anak nina Aling Lani at Mang Bong?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkat I: 100 Tingting na Walis Presents... Pagsasadula ng buod ng kuwento

Pangkat II: Sige... I-rap Mo! Bumuo ng kanta mula sa buod ng kuwento at ipakita ito sa klase sa

pamamagitan ng pagrarap.

4. Pagpapayamang GawainPaggawa ng buod/lagom mula sa narinig na kuwento

Page 75: Mam Bacal Filipino 2012

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

pagkarupok-rupokanak-pawisikinalulungkotpinagkakagalitannaigugupo

1.2 Pagsasanaya. Gumawa ng eroplanong papel at sulatan ito ng panghalip.b. Isa-isang pagpapalipad ng 5-6 bata.c. Ang kaklaseng tatamaan nito ay gagamitin sa pangungusap ang panghalip na nakasulat

sa eroplanong papel.1.3 Balik-aral sa pamamagitan ng laro

Piliin ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap at sabihin ang uri nito.1. Lima sa kanila ay inutusan ng guro na magdala ng halaman.2. Doon nakita ni Jess ang kawawang tuta.3. Saan kaya makikita ni Nicole ang hinahanap niyang kapayapaan ng kalooban?4. Namimitas si G. Robles ng bunga sa dako pa roon.5. Pangarap ni Anne na makatapos siya ng pag-aaral at magkaroon ng magangdang

hanapbuhay.

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

(Pagpapakita ng guro ng may buklod at walang buklod na walis dingding)Inutusan kayo ng inyong nanay na magwalis. Alin sa dalawang ito ang gagamitin ninyo?

Bakit?Paano ninyo maihahalintulad sa buhay ng tao?

2.2 Paglalahad ng lunsaran“Ang Tingting na Walis”

2.3 Pagtalakay sa KuwentoAno ang maaaring mangyari kung ang lahat ng magkakapatid ay laging nagtutulungan at

nagkakaisa?Bakit kailanman ay hindi nag-away ang magkakapatid?Paano ipinakita ng magkakapatid na sila ay nagkakasundo na?Ano ang nasambit ni Aling Lani nang mapansin niyang nagtutulungan at may pagkakaisa na ang kanyang mga anak?Saan inahalintulad ni Aling Lani ang kanyan mga anak?

3. Pagtalakay sa Aralin(Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na nakasulat sa pisara)1. Kung ang lahat ng magkakapatid ay laging nagkakaisa, hindi sila maigugupo ng anumang problema at sinumang kaaway.2. Kailanman ay hindi nag-away ang magkakapatid dahil sa pangaral ni Aling Lani.3. Sila ay nagtutulungan at saanman pumunta ay laging magkasama.4. Ganyan ang gusto kong mangyari sa inyo.5.”Ganito na kayo ngayon mga anak,” naluluhang wika ni Aling Lani habang hawak ang walis tingting.

Anong salita sa pangunngusap ang sumasaklaw sa dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan?Paano nabuo ang mga salitang anuman at sinuman?Ano ang isinasaad ng mga salitang ito?Anu-anong salita sa ikalawa at ikatlong pangungusap ang nangangahulugan ng hindi katiyakan ng pinag-uusapan?Ano ang tawag sa mga salitang ito?Sa ikalimang pangungusap, aling salita ang inihalili sa itinutulad na bagay?Sa anong uri ng panghalip ito nabibilang?

4. Pabigkas na PagsasanayKumuha ng larawan sa pocket chart. Bumuo ng pangungusap na ginagamitan ng panghalip na panaklaw at patulad.

Page 76: Mam Bacal Filipino 2012

5. PaglalahatAno ang panghalip na patulad?Ano ang kahulugan ng panghalip na panaklaw?

6. Pinatnubayang PagsasanayBumuo ng pangungusap na ginagamitan ng panghalip na patulad at panaklaw batay sa sumusunod na sitwasyon.1. Kumakain ng atis si Kim. Batid niyang paborito ito ng kanyang ina subalit isa lamang ang mangga niya.

Patulad:Panaklaw:

2. May nakita kang magandang bag sa mall. Kasama mo noon ang iyong nanay. Gusto mong ibili ka niya ng ganoong klaseng bag.

Patulad:Panaklaw:

3. Ipinakikita mo sa iyong kaibigan ang proyekto mo sa HELE.Patulad:Panaklaw:

4. Hinihikayat mo ang iyong mga kamag-aaral na bumili ng itinitindang pagkain sa kantina.Patulad:Panaklaw:

5. Nagkukuwento ka sa mga nakita mo sa Baguio noong pumunta kayong mag-anak doon.Patulad:Panaklaw:

7. Malayang PagsasanayA. Gamitin ang angkop na panghalip na panaklaw upang mabuo ang diwa ng talata.

_____ ay di makapapantay sa pagmamahal na iniuukol sa akin ng aking ina. _____ di mababayaran ang paghihirap at pag-aarugang ginagawa sa pagpapalaki niya sa akin. _____ ang aking nararamdaman, masaya man o malungkot ay kanya ring dinaramdam. _____ ang magustuhan ko’y kanyang ibinibigay. _____ ang mahal ko ay mahal din niya _____ ay handa niyang isakripisyo para sa akin. Iyan ang aking ina at _____ ay saksi sa lahat ng kabutihan at pagmamahal niya sa akin. Sa pagtanda ni Inay ay ipinangangako ko na _____ ng pagmamahal ay ibibigay ko sa kanya. _____ kabutihan ay aking gagawin upang matuwa siya sa akin. Ibig kong malaman ng _____ ang tungkol sa aking mahal na ina.

B. Sumulat ng tula batay sa inyong karanasan. Gamitin ang angkop na panghalip na patulad.

8. PaglalapatPangkat I: The Buzz

Pagpapakita ng isang kunwaring palabas sa telebisyon kung saan ang lider ang gaganap na Boy Abunda o Kris Aquino. Gagamit sila ng panghalip na patulad at panghalip na panaklaw sa pagtatanong at pagsagot ng mga kasapi ng pangkat.

Pangkat II: Tayo Nang MagpintaIguhit ang inyong natatangi at kakaibang karanasan. Sumulat ng talata tungkol sa inyong

iginuhit. Gamitin ang angkop na panghalip na patulad at panghalip na panaklaw.

9. PagtatayaGamitin ang wastong panghalip na panaklaw o patulad upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Ganito lahatKailanman Bawat isaGanyan Ganoon

1. Hangang-hanga si Gng. Santos kay Xyriel Manabat _____ ang gusto niya para sa anak na si Anne.2. Ipinagdiwang ang kaarawan ni Apolinario Mabini sa pamamagitan ng isang palatuntunan. ______ ng mga mag-aaral ay nakiisa.3. _____ ay hindi malilimutan ang kadakilaan ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal.4. Ang _____ sa inyo ay malayang makapagbibigay ng inyong mungkahi.5. “______ ba ang pagsasayaw ng Tinikling,” tanong ni Maja habang iginagalaw ang kanang paa.

10. KasunduanIsulat ang sariling karanasan gamit ang panghalip na patulad at panghalip na panaklaw.

Page 77: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

1. Pagganyak/PaglalahadIsang umaga, nakita ni Via ang kaklase niyang nagwawalis. Natuon ang kanyang pansin sa gamit nitong walis tingting. Biglang may naisip siyang mga salitang may kaugnayan dito. Anu-ano kaya ang mga iyon? Ilagay ang mga ito sa Star Web.

2. Pagtalakay sa AralinPaano ninyo pagsusunud-sunurin ayon sa alpabetong Filipino ang mga salitang makikita sa star web?Saan ibinabatay ang pag-aayos ng mga salita?

3. Pagbibigay ng isa pang kuwento

4. Pabigkas na KasanayanPagsunud-sunurin ang sumusunod na salita ayon sa alpabetong Filipino.1. palaruan, pasahero, paaralan, pagod, pabayaan2. trumpo, trigo, trapiko, tseke, trono3. maglakad, magkasama, magsulat, magbili, magpayo4. bakuran, balisa, batuta, basahan, bahid5. sikat, sili, sinabi, sigalot, sipag

5. Pinatnubayang PagsasanayPangkat I: Isulat ang mga bantog na bayaning Pilipino na may mahalagang papel na ginampanan

upang makamit ang ating kalayaan. Ayusin ang mga ito batay sa una hanggang ikatlong titik.

Pangkat II: Itala ang mga pinunong nanunungkulan sa ating bansa/pamayanan sa kasalukuyan. Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa alpabetong Filipino.

6. Malayang PagsasanayA. Paligsahan ng tatlong pangkat ng mga bata sa pagsusunod-sunod ng mga salita ayon sa alpabetong Filipino.B. Sa hudyat na “Go” sisimulan nilang ayusin ang mga salitang nakasulat sa cartolina strips.C. Tatayo sila sa unahan habang hawak ang cartolina strips na nagpapakita ng wastong pagkakasunud-sunod ng mga salita ayon sa alpabetong Filipino.D. Ang pangkat na unang makapag-aayos nang tama ang panalo.

7. PaglalapatPiliin ang mga panghalip na ginamit sa talata. Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa alpabetong Filipino.

Masayang nairaos ang Pista rito sa amin. Maraming panoorin ang inihanda ng pamunuan ng barangay upang matuwa ang madla. Isa na rito ang pagtatanghal na ginawa sa Bulwagang Barangay. Nagkaroon ng paligsahan sa pagsayaw ng mga katutubong sayaw. Halos lahat ng mga taga-barangay ay nanood ng paligsahan. Tuwang-tuwa ang balana at sila’y pawing masisigla sa nakita nilang iba’t-ibang katutubong sayaw. Bawat isang kalahok sa paligsahan ay binigyan ng sertipiko ng komiti. Pagkatapos ng paligsahan, ang lahat ay umuwi na may ngiti sa labi.

8. PagtatayaPagsunud-sunurin ang mga sumusunod na salita ayon sa alpabetong Filipino.1. sampaguita, kamya, rosal, waling-waling, gumamela2. ganito, gastos, galit, Ganado, gapos3. karamay, kanila, kaanib, kamatis, kabado4. pagluluto, pagmimina, pagsusulat, pagbabasa, pagtatanim5. takot, takda, takbo, taksil, takasan

9. KasunduanIsulat ang sampung pamagat ng inyong paboritong kuwento. Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa alpabetong Filipino.

Page 78: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng lunsaran“Ang Walis na Tingting”

2. Pagtalakay sa AralinPaano isinulat ang unang salita sa bawat talata?Anu-anong salita sa kuwento ang sinimulan sa malaking titik?Bakit isinulat ang mga ito sa malaking titik?Anu-anong bantas ang ginamit sa bawat pangungusap?Bakit magkakaiba ang bantas na ginamit? Saan ito ibinabatay?

3. PaglalahatPaano ang wastong pagsulat ng talata? Liham? Balita?

4. Pinatnubayang PagsasanayPakinggang mabuti ang ididikta kong balita. Isulat ito nang wasto.

5. Malayang PagsasanayIsulat nang wasto ang ididikta kong talata. Bigyang pansin ang gamit ng malaking titik, pasok, bantas at palugit.

6. Makinig ng mabuti sa ididikta kong liham. Isulat ito nang may wastong bantas, malaking titik, pasok at palugit.

7. PagtatayaIsulat nang wasto ang ididikta kong talata. Gamitin ang angkop na bantas, malaking titik, pasok at palugit.

Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas. Mabibilang mo rito ang mayamang kagubatan na katatagpuan ng iba’t ibang uri ng punungkahoy, ibon at hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na yamang ito’y unti-unti nang naglalaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa ating kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan dito. Wala na ang mga ugat na mga punungkahoy na sumisipsip ng tubig kaya’t madalas ang pagbaha. Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang Pilipino, paano natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiran na patuloy na sinisira ng ibang kababayan natin?

Page 79: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka

Page 80: Mam Bacal Filipino 2012

I. Layunin A. Nakabubuo ng banghay o balangkas tungkol sa napakinggang teksto

Nagagamit ang pangngalan bilang iba’t ibang bahagi ng pangungusap, sa mga balita, dayalogo, anunsyo, talata, lihamNatutukoy ang mga salitang magkatugma at magagamit ang mga ito sa pagbuo ng sariling tugmaNagagamit ang malalaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan.

B. Mga EstratehiyaPagbuo ng BalangkasPaggamit ng larawanMasining na Pagkukuwento

C. Pagpapahalaga: pagiging masipag at matiyaga

II. Paksang Aralin A. Kuwento: Langgan, Gawaing Huwaran B. Pagsagot sa mga Tanong C. Estratehiyang Pangwika

Pagbuo ng banghay o balangkas tungkol sa napakinggang tekstoPaggamit ng pangngalan bilang iba’t ibang bahagi sa pangungusap, sa mga balita, dayalogo,

anunsyo, talata, liham D. Pagtukoy sa salitang magkatugma at magagamit ang mga ito sa pagbuo ng sariling tugma E. Paggamit sa malaking titik at gitling sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng pangngalan F. Sanggunian:

Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi d. 275-281 Hiyas sa Wika d. 76-77 Diwang Makabansa d. 57

G. Kagamitan: tsart, larawan

III. Gawain sa PagkatutoA. UNANG ARAW

1. Bago Bumasa1.1 Pagganyak

Paano maging huwaran?1.2 Pagpapakilala sa Kuwento

Kuwento: Langgan, Gawaing Huwaran Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi d.275-281

1.3 Paghahawan ng BalakidTukuyin ang pinakamalapit na katuturan ng mga salitang may salungguhit. Gamiting

patnubay ang bilang at linya ng letra. Pagkatpos, gamitin ito sa pangungusap.1. Minamahal ng Diyos ang kaniyang mga nilalang.

__ __ __ __ __ __ __2. Nasilip niya sa may durungawan ang pagdating ng kaibigan.

__ __ __ __ __ __ __2. Hindi mo dapat binulabog ang mga ibong iyan.

__ __ __ __ __ __ __ __1.4 Pagbuo ng Pagganyak na Tanong

Bakit naging huwaran si Langgam?1.5 Pamantayan sa Pakikinig

2. Habang Bumabasa2.1 Paglalahad

Paglalahad ng Kuwento2.2 Unang Pagbasa

Pagbasa ng guro sa kuwento2.3 Ikalawang Pagbasa

Pagbasa ng guro at pagtalakay sa kuwento

3. Pagkatapos Bumasa3.1 Pagsagot sa Pagganyak na Tanong

Bakit naging huwaran si Langgam?3.2 Pangkatang Gawain

Pangkat I – Pagsasalaysay muli ng kuwentoPangkat II – Pagbabalangkas ng kuwentong narinig

3.3 Pag-uulat ng bawat pangkat

Page 81: Mam Bacal Filipino 2012

4. Pagpapayamang GawainBumuo ng maikling kuwento tungkol sa isang huwarang bata. Gawan ito ng balangkas.

B. IKALAWANG ARAWPaglinang ng mga Kasanayang Pangwika

1. Panimulang Gawain1.1 Pagbabaybay

NaimbakKalamidadMasinsinanTularanPaminggalan

1.2 PagsasanayMagbigay ng halimbawa ng mga pangngalan.

1.3 Balik-aralAnong punto ang nais ipabatid ng kuwentong tinalakay kahapon?

2. Bagong Aralin2.1 Pagganyak

Ayon sa kuwentong inyong napakinggan, anu-anong magagandang katangian ni Langgam ang inyong dapat tularan?

2.2 Pagtalakay sa Kuwento1. Tungkol saan ang kuwento?2. Ano ang pinagmamasdan ni Rhea sa durungawan?3. Saan galing ang pagkaing tangay-tangay ng mga langgam?4. Bakit nais ng nanay ni Rhea na may langgam sa bahay?5. Anu-anong katangian mayroon ang mga langgam na dapat nating tularan?

3. Pagtalakay sa AralinBasahin ang mga sumusunod.1. Isang araw ng Sabado, dumalaw kina Rhea ang kaibigan niyang si Ana.2. Ang mga langgam ay marunong magtanggol sa kanilang sarili.3. Nadatnan niya ito sa may durungawan ng kanilang kusina.

- Anong salita ang may salungguhit sa bilang 1?- Sa anong bahagi ito ng pananalita nabibilang?- Ano ang gamit ng may salungguhit na pangngalan?- Anong salita ang may salungguhit sa bilang 2?- Ano ang gamit ng may salungguhit na pangngalan?

4. Pabigkas na PagsasanayA. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang mga pangngalan sa pangungusap. Isulat ang pambalana kung ito ay pambalana at pantangi kung ito ay pantangi.

_____ 1. Siya ay isinilang sa bayan ng Calamba._____ 2. Ang Romblon ay isa sa mga probinsya ng Rehiyon IV._____ 3. Si Ana ay pumapasok sa Paaralang Elementarya ng Silangang Romblon._____ 4. Si Kudarat ay naging Sultan ng Maguindanao._____ 5. Si Sharif Ali Kabungsuwan ay galing ng Johore.

B. Think PairKumuha ng kapareha. Magbigay ng pangungusap at tukuyin ang uri ng pangngalan.

5. PaglalahatAno ang pangngalan?

6. Pinatnubayang PagsasanayPanuto: Bilugan ang angkop na pangngalan sa mga sumusunod.

1. Ang mga mag-aaral ay masiglang nagtatalakayan.2. Lumapit siya kay Bb. Marita Bailon.3. Sa Lunes na sila uuwi.4. Sumagot nang magalang ang magpinsan.5. Nagbakasyon sila sa Baguio.

7. Malayang PagsasanayPanuto: Punan ng angkop ng pangngalan ang mga patlang.

Page 82: Mam Bacal Filipino 2012

1. Pinapuntahan ni _____ si _____ sa _____ upang bumili ng _____. Madali namang sumunod si _____.2. Sinabi ng _____ ng barangay na ang _____ ay handing tumulong sa mga _____ upang madagdagan ang _____ ng mag-anak. Nagtanong si _____ kung paano siya

makatutulong sa kanila.3. Humingi ka ng _____ sa iyong _____ upang ibili ng _____ ang iyong _____ na magdiriwang ng kanyang _____. Tinanong ka ng iyong ina bago ko binigyan.4. May tindahan kayo ng mga _____ tulad ng _____ at ______. Dumating si _____. Inalok mo

siya para bumili. Parang ayaw ni _____ dahil hinahanap niyang _____ ay wala sa inyo.5. Malaki ang _____ nina _____. Maraming kagamitan ang makikita rito. Mayroong _____, _____, _____ at _____. Sa _____ ay may ______. Malinis at maayos ang buong

______.

8. PaglalapatPanuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Salungguhitan nang minsan ang pangngalang pambalana at nang makalawa ang pangngalang pantangi.1. Maraming bata ang nanood ng pelikulang Captain America.2. Ang watawat natin ay sa balkonahe ng bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo unang itinaas.3. Sina Muning at Tagpi ay mga alaga ni Nestor.4. Darating sa Linggo ang mga pinsan ko.5. Si Beybi ay buhay na manika naming tahanan.

9. PagtatayaPanuto: Sumulat ng mga pangungusap na ginagamit ang sumusunod na mga pangngalan.1. pelikula, Bagets2. ilog, Agno3. lalawigan, Rizal4. dolyar, Amerika5. sapatos, Marikina

10. KasunduanSumulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng pangngalan.

Page 83: Mam Bacal Filipino 2012

C. IKATLONG ARAWPagsusuri/Pagkilala/Dekoding/Pagbasa

1. Paglalahad/PagganyakPagbasa ng isang tula

Ang Masipag na si PetraDiwang Makabansa d.57

2. Pagtalakay sa AralinTungkol saan ang tula?Sino ang pangunahing tauhan sa tula?Anu-ano ang kanyang katangian?

3. Pabigkas na KasanayanPagtukoy sa mga salitang magkakatugma1. masaya – kaysigla2. tungkulin – gagawin3. liligaya – pangalawa

Pagtalakay sa mga salitang magkakatugma.

4. Pinatnubayang PagsasanayMagbigay ng mga salitang magkakatugma.

5. Malayang PagsasanayBumuo ng mga pangungusap mula sa mga salitang magkakatugma.1. lakas – dahas2. sikap – tiyaga3. kumot – tiyaga4. madasalin – taimtim5. kulay – buhay

6. PaglalapatPanuto: Hanapin sa Hanay B ang salitang katugma ng mga salita sa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot. Gamitin ito sa pangungusap.

Hanay A Hanay B1. langaw a. natin2. tren b. lamok3. ibibigay c. kapantay4. iaalay d. nanay5. sakdal e. kalabaw

f. mahalg. dahil

7. PagtatayaPanuto: Punan ang patlang ng katumbas na tugma.

Ang langaw at lamokGagamba’t _____Ay bigay sa atinNg Poong _____Samantalang ang trakAng _____ at ang trenAy gawa ng taong katulad din _____

8. KasunduanSa inyong kuwaderno ay bumuo ng isang tugma na may kaugnayan sa pag-aalaga sa kalikasan.

Page 84: Mam Bacal Filipino 2012

D. IKAAPAT NA ARAW

1. Paglalahad ng LunsaranKuwento: Langgam, Gawaing Huwaran

2. Pagtalakay sa Aralin1. “Anong suwerte roon? Minsan nga ang sakit pa nilang mangagat, ano!” ang di pagsang-ayon ni Ana.2. Tingnan mo sama-sama at tulong-tulong nilang hinahakot ang pagkaing kanilang natagpuan.3. Kayang-kaya nilang pasukin kahit na ang pinakamabigat na asukarera at lalagyan ng pagkain.4. Ituloy natin ang pag-uusap tungkol sa mga langgam na iyan.

- Ano ang salitang may gitling sa pangungusap bilang 1?- Ito ba ay salitang may panlaping nagtatapos sa titik at salitang-ugat na nagsisimula sa

patinig? Paano ito isulat?- Tingnan ninyo ang pangungusap bilang 2 at bilang 3. Alin dito ang mga salitang may

gitling? Anong uri ito ng salita? Paano natin ito isusulat?

3. Pabigkas na GawainPagbibigay ng pangungusap na ginagamitan ng malalaking titik at gitling.

4. PaglalahatSaan-saan ginagamit ang malalaking titik at gitling?

5. Pinatnubayang PagsasanaySipiin sa inyong sagutang papel ang salitang dapat gamitin ng malalaking titik at dapat gitlingan sa sumusunod na pangungusap.1. si rolito ay nagiigib ng tubig samantalang si Rowena ay naglalaba.2. sino ang naguugoy nang malakas sa duyan na ikinahulog ng bata?3. Ang mga taong may pagibig sa bayan ay sumusunod sa batas.4. pinaguusapan ng mga pulis kung paano maiiwasan ang pagsisikip ng trapiko.5. Pinagaralang mabuti ang mga patakarang dapat masunod.

6. Malayang PagsasanayMatamang making sa bawat pangungusap na babasahin. Piliin ang mga salitang dapat isulat sa malaking titik.1. hiniram ko sa aklatan ang kasaysayan ng lahi.2. sa bagong taon, mamamasyal kami sa karnabal.3. tinutulungan ng diyos ang mga taong may mabubuting kalooban.4. sa ika-3 ng enero, linggo ang alis nila patungong baguio.5. si gng. Velasco ang punung-guro ng paarlan.

7. PaglalapatBasahin ang balita. Iwasto ang pagkakasulat nito. Sundin ang natutuhan tungkol sa pagsulat ng talata. Isulat sa papel ang balita at gamitan ng malaking titik at angkop na bantas.

Implementasyon ng BEC Sinimulan NaPinasimula na nitong Taong Panuruan 2002-2003 ang implementasyon ng 2002 Basic

Education Curriculum (BEC) na inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa Pamumuno ni Kalihim Raul Roco.

Tampok ng BEC na sumasaklaw sa antas Elementarya at Sekundarya ang asignaturang MAKABAYAN. Ito ang pinagsama-samang asignaturang Araling Panlipunan, Musika, Arts, PE, Edukasyon sa Pagpapahalaga, TEEP o EPP sa ilalim ng asignaturang tinatawag na MAKABAYAN.

Bago sinimulan ang pagpapatupad ng BEC ay naglunsad ng malawakang pagsasanay o seminarworkshop ang DepEd para sa mga public school teachers na nilahukan din ng mga guro sa mga pribadong paaralan na nagkainteres sa pagpapatupad ng naturang kurikulum.

8. PagtatayaSipiin sa buong papel ang sumusunod na talata. Gamitin ang malaking titik ang mga angkop na salita.

Ang Kutsero

Page 85: Mam Bacal Filipino 2012

E. IKALIMANG ARAW

I. LayuninMakakuha ng 80 bahagdan sa pagsusulit.Nasasagot ng malinaw at wasto ang mga tanong.Naipakikita ang karapatan habang kumukuha ng pagsusulit.

II. PaksaLingguhang PagsusulitTest Notebook

III. PamamaraanA. Paghahanda

1. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan2. Pagbibigay ng pamantayan3. Paglalahad ng pagsusulit4. Pagsubaybay ng guro habang nagsasagot ang mga bata.

B. Pagtataya1. Pagwawasto ng papel2. Pagtatala ng nakuhang marka