Lourd3

10
Sa Ikaaayos ng Mundo, 'Wag Mag-Sando! Ayon sa pananaliksik ng Spot.ph, dalawang klase ang lalaking Pinoy na nagsasando: isang nagsusuot nito dahil sobrang naiinitan, at isang nagsusuot nito dahil gusto lang ipagmayabang ang mga braso nila. Oo nga naman, di ba? Magkakaluslos ka na sa pagwe-weights tapos hindi mo ipagmamalaki sa buong sangkatauhan? Tama? Leche! Ang pagsuot ng sando sa mga pampublikong lugar—gaya at lalo na ng mga restaurant—ay nagdudulot ng matinding alibadbad sa iyong kapwa. Hindi nakakatuwang makakita ng mabuhok na kili-kili at sandong nagmamakaawa na sa sobrang sikip. Sa kalagitnaan ng banta ng lindol at tsunami at kasama ang gulo sa Middle East, isang isyu ang kailangan nating talakayin. Ito ang salot na matagal nang naghahatid ng lagim sa puso ng ating magulong lipunan: mga lalaking nagsusuot ng sando sa mga mall at restaurant. RULE #1. PAG NASA PUBLIKONG LUGAR, ‘WAG MAGSUSUOT NG SANDO Pero may mga exceptions: • Basketball player, boksingero, mixed-martial arts fighter, at ikaw ay nasa laro o lugar ng ensayo • Gym instructor • Rapper • Mangangalakal ng diyaryo-bote • Tambay sa kanto •Matador sa palengke •Small-time na drug pusher sa Tondo at Culiat • Sidewalk vendor sa Divisoria • Construction worker •Call boy

description

Lourd3

Transcript of Lourd3

Sa Ikaaayos ng Mundo, 'Wag Mag-Sando

Sa Ikaaayos ng Mundo, 'Wag Mag-Sando!Ayon sa pananaliksik ng Spot.ph, dalawang klase ang lalaking Pinoy na nagsasando: isang nagsusuot nito dahil sobrang naiinitan, at isang nagsusuot nito dahil gusto lang ipagmayabang ang mga braso nila. Oo nga naman, di ba? Magkakaluslos ka na sa pagwe-weights tapos hindi mo ipagmamalaki sa buong sangkatauhan? Tama?

Leche!

Ang pagsuot ng sando sa mga pampublikong lugargaya at lalo na ng mga restaurantay nagdudulot ng matinding alibadbad sa iyong kapwa. Hindi nakakatuwang makakita ng mabuhok na kili-kili at sandong nagmamakaawa na sa sobrang sikip.

Sa kalagitnaan ng banta ng lindol at tsunami at kasama ang gulo sa Middle East, isang isyu ang kailangan nating talakayin. Ito ang salot na matagal nang naghahatid ng lagim sa puso ng ating magulong lipunan: mga lalaking nagsusuot ng sando sa mga mall at restaurant.

RULE #1. PAG NASA PUBLIKONG LUGAR, WAG MAGSUSUOT NG SANDOPero may mga exceptions:

Basketball player, boksingero, mixed-martial arts fighter, at ikaw ay nasa laro o lugarng ensayo

Gym instructor

Rapper

Mangangalakal ng diyaryo-bote

Tambay sa kanto

Matador sa palengke

Small-time na drug pusher sa Tondo at Culiat

Sidewalk vendor sa Divisoria

Construction worker

Call boy

Freddie Mercury (R.I.P)

RULE #2. Eto lang ang mga lugar na puwede kang magsando:Gym

Bahay

Lansangan Provided na hindi ka sasakay sa anumang uri ng public transport exception:pedicab at kuliglig, pero dapat solo ka lang at walang kasakay na ibang pasahero. Sa loob ng jeep, malaking kasalanan ang ibuyangyang ang kili-kili mo sa napakasikip at napaka-init na espasyo.

Hindi uubra ang palusot na, Eh athlete ako eh!Tol, kahit nga si Michael Jordan na pinakamagaling na basketbolista sa buong mundo ay hindi nagpapa-interview sa press sa loob ng locker room na nakasuot lang ng tuwalya. Haharap siya sa media sa isang pormal na presscon na naka-Amerikana. May koneksyon ba ang pagiging disente sa pananamit sa galing sa sports? Baka meron. Baka wala. Pero sa bilyon-bilyong dolyar na kinikita ng taong to, kung tutuusin mo, ang dali-daling mambalasubas sa pananamit. Di ba? Pakialam ko sa inyo? Ako si Michael Jordan! Si Jordan na yun. Ano pinagmamalaki mo? Nakaka-bench press ka ng 300?

Kahit sino ka man, wala ka pa ring karapatang magsando pag pumasok na sa Robinsons Galleria, Mall of Asia (Starmall o kaya Farmers Plaza baka puwede pa) o kaya sa restaurant sosyal man o pinaka-jologs. May dahilan kung bakit may aircon ang mga lugar na ito: hindi lang para magbigay-lamig, kundi upang pigilan ang mga tulad mo sa pagsuot ng walang kadangal-dangal na damit na ito. Alam ng mga sosyalin na mall and club owners yan: kaya nga may sign sa pinto na NO SANDO, NO SLIPPERS ALLOWED. Pansinin: laging nauuna ang NO SANDO. Pero ang malupet na kombinasyon ng sando at chipanggang tsinelas ang ganap na magbubura ng anumang bakas ng respeto sa iyong pagkatao.

Puwera na lang kung: ikaw ay nasa Boracay. In which case, wala akong pakialam kahit nakalabas ang itlog mo habang humihigop ka ng mango shake sa Station One.

RULE #3. KUNG DI MAKAYANANG MAGSANDO, MAMILI KA NAMAN NG MAAYOS-AYOS.Lalong lalo na ang square neck na sando, o ang tinatawag nilang fetuccine straps ang nakakatawang uri ng sando na imbes na pabilog ang kuwelyo ay puro diretso lang. Kaya mukhang tangamukhang apron. Kailanmay hindi ito magiging kasuotan ng tunay na lalaki. Hindi lang yun. Ito talagay masakit sa mata. Lalo na kung kulay kalawang ang buhok mo. Puwera na lang kung ang trabaho moy mag-abang ng parokyano sa kanto ng elliptical road sa kadiliman ng gabi.

Basketball jersey? Sando pa rin yun, kahit na sabihin mong imported at mamahalin ang suot mong Miami Heat na jersey. Kahit pa mukha ka nang pawnshop sa sobrang dami ng bling. Sasabihin mo: Eh hiphop ako eh. Baka mapatawad pa siguro ng taong bayan kung medyo maluwag ang suot mo sa isang baduy na club sa Tomas Morato sa QC.

RULE #4. KUNG TALAGANG IKAMAMATAY MO PAG DI KA NAGSANDO, SIGURADUHING WALANG ASIM ANG KILI-KILISelf-explanatory.

RULE #5. PUCHA. 'TOL, KUNG MAPIPIGILAN MO, WAG KA NANG MAGSANDONapapansin mo na minsan hindi ka ginagalang ng security guards ng ilang establisyimento? Ang respeto sa sarili ay nagmumula sa iyong kasuotan. Mababaw ba masyado?

Punyeta, HINDI! Una kang pupunahin ng kapwa mo sa iyong panlabas na anyo. Tama na yang pa-jeproks-jeproks na yan.

Mahirap sabihin na dalisay ang iyong kalooban kung nakikita naming ang kili-kili mo na may mga tinga-tinga pa ng mumurahing deodorant.

Naiintindihan ko na mainit talaga sa Pilipinas, at kadalasan ang mahabang manggas ay walang naidudulot para ibsan ang problemang to. Pero, dre, marami nang paraan ng pagpapalamig ngayon kaya nga tayo binigyan ng diyos ng utak. Mainit? Kumain ng halo-halo. O kaya, maligo ka.

Public Enemy No.1: A Tribute to Paquito Diaz

Your enemy is your destiny, so said the great mythologist Joseph Campbell.

Every story is a conflict, a polarity. The antagonist is as significant as the good guy. Ask every fanboy who has ever cried like a little girl over certain issues of Batman. The Roadrunners life would be unthinkable without Wile E. Coyote. Itchy without Scratchy makes no sense at all. The brightest star would be invisible if not for the backdrop of the blackest sky.

Paquito Diaz belonged to the pantheon of the greatest celluloid villains of all time. Anywhere. He was up there with Robert Mitchum, Anthony Hopkins, Gene Hackman, Jack Nicholson, Anthony Perkins, and the guy underneath the Darth Vader costume. When he took the screen, you knew exactly the deal. The stance, those broad shoulders, the barrel-like chest. The air of fear and foreboding, the evil glint in his eye, the gruff voice, the oily face, the curly hairgiving affirmation to that Tagalog phrase Pag kulot, salot.

Then there was the moustache.

It was the moustache that launched a thousand goons, raided and pillaged countless villages and banks, robbed the dignity of a thousand women, held helpless little children hostage, corrupted entire police departments, and sent to the throes of misery innumerable innocent families. It was a seriously brush-like moustache, murderous and blacker than a moonless night, and grown like an inverted V, thick enough to scrub clean the barrels of a shotgun.

His great achievement was the creation through a massive body of work (almost 2,000 movies it is believed) of the archetype of the ultimate onscreen villain.

A character actor once said that being the bad guy is an even tougher assignment than the lead role. Its easy to earn sympathy. But genuine hate and revulsion are much more difficult emotions to arouse. Then again, its a symbiotic relationship. For us to empathize, the heros life should be made miserablehis wife raped and his kids and mother and grandmother and pet dog murdered in the most unspeakable manner possible. He must be framed for a crime he did not commit. He must be humiliated. He must be oppressed, his modest farmland violently taken away from him. And who better to do that than the antihero. It is not simply by imperative of plot and production design. The actor as goon should also be a force unto himself a dark, immovable force with a laugh more sinister than ten thousand funereal orchestras combined.

And to be able to do this film after film, day in day out, for more than three decades, is just mutherfucking genius.

Paquito Diazs demise leaves a vast, howling vacuum in Philippine cinema. Realize that this man transcends the parameters of popular culture and already occupies the exalted heights of mythology. Think about it: We know more about Cherie Gil and the Joker and of course, Paquito Diaz than Lam-Ang. Paquito Diaz as villain is indestructibly iconic.

For and for several generations of moviegoers, there is only one kontrabida. Well, maybe theres George Estregan, but his mythology bleeds partly into the iconography of, uhm, erotic love. These are definitely impossible shoes to fill.

Unfortunately, for todays audiences, who will have to deal with inane rom-coms and bewildering indie dramas. In the former, the antagonist is usually played by some middling star with diminished equity (normally ex-matinee idols after the tragic poundage); in the latter its usually that boring thing called the human condition. Like a menacing flower, Paquito Diaz bloomed when films were made with a deceptively simple sensibility. White versus black. Honest cop versus corrupt police chief. Hardworking farmer against greedy landowner. There were rarely gray areas. There were times when FPJ played be a fallen hero but Paquito always unremmitingly played the fallen, period. The conflict clear as day, the motivations even more crystal. The dynamics, uncomplicated. Evil initially defeats good. Good strikes back. In the end, good trumps evil, particularly with a double-barrel shotgun, a flaming car, and an epic bodycount. I miss the witty violence of Ako Ang Huhusga, Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw, ang Kapag Puno na Ang Salop, and the rest of those Guerrero-Valderama epics (FPJ plays a provincial cop, Eddie Garcias a corrupt judge whose man-Friday is Paquito).

Of course, everyone has a favorite Paquito Diaz scene. Among many others, theres that one scene where FPJ plugs a shotgun into his ass and boom. In Kapag Puno Na Ang Salop, theres an unforgettable encounter: Garcia and Poe trade lyrically barbed threats; as Poe is leaving, Paquito flashes him a goofy smile and without warning is sucker-punched in the stomach. No more words needed. In a more majestically gladiatorial setting, theres a film where he and FPJ beat the crap out of each other in a cavernous, empty swimming pool with hundreds of people gathered on the edge like they were watching from a distant hillside a vision that can only be described as epic. Sigh. They dont make movies like this anymore. Theres a reason why the weekly screenings of FPJ films on ABS-CBN remain wildly popular. Theres a reason why all these morose art-house indies arent.

Diaz in Kapag Puno Na Ang SalopFPJ movies defy natural physical laws. What red-blooded male could ever forget FPJ snatching a .45 pistol from Paquito, and, in a blink of an eye, disassembling it with a single hand? Other variations include taking out the magazine and popping out one bullet after another. Of course, anyone whos ever held a gun would sneer at the sheer impossibility of it all. But we never question. We only suspend our disbelief. In the same way we do not ask why all villainous henchmen always wear jackets and are always as addressed as mga bata. And why they always have a surfeit of facial hair.

Which really brings us back to that moustache. Despite its nefarious implications, Paquito Diazs was a moustache laden with humor and irony. It could be comical when needed, as this clip demonstrates:

Diaz's mustache could be comical when neededTrue evil via facial hairevil that knows no salvation nor remorsebelongs to his brother, Romy Diaz. But that, my friends, is another blog entry altogether.

Letter from Libya

Dear mahal,

Kumusta na kayo diyan? As expected, magulo dito sa Libya. Nakakatakot dito. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi rin ako makalabas ng building. Binabaril nila kahit sino. Nagliliparan ang mga bala. Sigaw nang sigaw ang mga tao sa labas.

Walang sinabi yung mga aktibista sa Mendiola. Dito sunog nang sunog ng kung ano-ano. Siyempre hindi namin maintindihan yung nakasulat sa mga placard. Pero hindi mo malalaman kung kalaban o kakampi. Basta ilag ka na lang.

Gustong gusto ko nang umuwi talaga. Ambabagal ng mga taga embahada natin. Bakit ngayon lang sila kumilos? Buti pa yung ibang mga Pinoy. Ang suwerte naman. Siguro nagdu-Duty Free na sina Pareng Tonyo. Pero sila Pareng Fredbalita ko stranded sa Malta. At wala raw makain. May report sa TV Patrol na pati aso at pusa daw tsinitsibog na nila. Teka, asan nga ba ang Malta? Marami bang aso dun?

Ang hirap lang kumilos dito. Ang laki-laki ng bansang to--- puro disyerto. Oy, take note ha? Ang Libya ay nasa Africa, hindi sa Middle Eastsabihin mo sa ibang brodkaster diyan sa Pinas na tanga-tanga. Buti pa yung bagong acting secretary ng DFA ang suwabe-suwabeng mag-Ingles. Sosyal na sosyal ang accent. At bedroom voice pa.

Yung employer namin, malabo. Tinakasan kami. Mga hayup sila. Buti pa yung mga Briton at mga Instik naming kasama sa trabaho. May mga barko at C-130 na sumundo na sa kanila. Paano naman yung sa atin? Panahon pa yun ng Vietnam War di ba? Yan kasi, imbes na ipambili ng mga eroplano, pinambabaon sa mga heneral. Sabi ng chief of staff ng AFP mahal daw masyado pag ginamit ang mga eroplano nila dahil aabutin daw ng P35 million. Naku. P35 million? Barya lang yun. Tanong mo kay Gen. Carlos Garcia.

Si Gaddafisiyempre, baliw pa rin. Actually nababaliw na kaming lahat sa pag-ispelling ng pangalan niya. Hindi ko alam kung Gaddafi o Qaddafi o Kaddafi o.ano ba talaga kuya? Basta. The Glory of Libya daw siya. At mahal pa rin daw siya ng mga tao. Pero hindi naman daw siya presidente.

Hindi ko rin maintindihan ang japorms niya. Ibang klase ang fashion sense nitong si Kaddafi. Ang hirap ipaliwanag pero funky na funky talaga. Minsan, mukhang sasayaw sa Club Mwah. Minsan naman parang nag-overdose sa panonood ng Saturday Night Fever. Minsan naman parang bumili ng mga tiring balat ng hayup sa zoo at ginawang balabal. Hayup din ang buhok. Tumitira siguro ng acid at PCP ang stylist nito.

Hindi ko alam kung ano yung hinihithit nitong pinuno ng Libya. Langis na ata eh. Mas sabog pa to sa sabog. Forty-one years na kasing namumuno eh. Kung ano-ano na iniisip. Nilalagyan daw ng droga ang kape kaya kung ano-ano iniisippati na rebolusyon. Pero mapapababa ba nila yan? Ano bang magagawa ni Obama kahit sabihin niyang Leave. Kung sila Reagan nga eh walang nagawa. Forty one years. Sabay sila ni Macoy na naging presidente. At gaya ni Macoy, meron din siyang mga crony na humaharbat mula sa kaban ng yamang-bayan. (BTW, alam mo bang nahumaling siya kay Imelda noong 70s. Oo, tumawid si Madam sa milya-milyang disyerto para amuhin si Glory of Libya para dun sa Tripoli Agreement. Ewan, basta may kinalaman ata yun sa MNLF).

Gusto ko nang mag-Facebook pero walang computer at walang Internet dito. Hindi ko na rin ma-update ang status ko. Hindi ko like ang nangyayari dito sa akin. Nami-miss ko na kayo diyan.

Ewan ha. Kung ang mga tao nga sa Pilipinas, hindi maalagaan ng gobyerno, pano pa kaya yung nasa ibang bansa. Kung bakit ba kasi nauso pa yang People Power-People Power na yan kasi eh. Gusto lang naman naming magtrabaho at kumita. Bukod sa bumbunan ni P-Noy at katawan ni Rachel Lobangco, wala na ba talagang ibang pagkukunan ng langis diyan sa Pilipinas?

Bagong bayani nga kami. Dapat ba kaming matuwa? Di ba mga bayani binabaril sa Luneta? O kaya binibitay sa Singapore?

Haaay gusto ko na talagang umuwi. Buti pa yung ibang mga kababayan ko dito nandiyan na sila. At may libreng cap pa sila. Mas maganda yung orange. Bagay na bagay sa maong kong jacket at gold necklace at bracelet.

Sige. Hanggang dito na lang muna. Shower tayo pag-uwi ko ha?

Nagmamahal,

Jun

P.S. Use Libya in a sentence. Darleng, wag kang magkakaroon ng kabit ha. Or else, Im gonna Libya.

Pssst...Na-Mi-Miss Niyo Ba si Marcos?

Dont get me wrong. Eleven years old lang ako nung lumayas si Marcos. Pero naaalala ko pa nung naputol ang broadcast ng Channel 9 ng oath-taking dapat ni Marcos sa Malacaang. Eto yung nasa balcony ang buong Marcos family (naka-fatigue si Bongbong na kala mo talaga lulusob sa digmaan). Ilang linggo ang lumipas at sunod na nakita si Macoy na nakasuot na Hawaiian shirt. Namamaga ang mukha niya. Si Imelda, Imeldific pa rin, siyempre, kahit may mga naghuhula-dancing na mga puno ng niyog sa likod nya.

Naaalala ko rin yung ermat kong Marcos Loyalist na praning na praning at nagtatatakbo mula sala hanggang dining room at sumisigaw: Wala na, anak! Wala na! Mahuhulog na tayo sa kamay ng mga Komunista! Siyempre, pag praning ang ermat, praning ka din. Nung Snap Elections, ang pambungad na imahe ng mga ad campaigns ni Apo Macoy ay ang mga nakapilang rebeldeng kasapi ng NPA na may hawak na pulang bandila na may maso at karit (Hummer en sikol, ika nga ng kasambahay namin). Sabi ng Grolliers International Encyclopediana sinegundahan naman ng mga magulang ko na ang mga Komunista daw ang walang diyos, walang awa, at pinapakulong at pinagtatrabaho ang mga tao sa mga palayan, parang sa Killing Fields! Puta, siyempre, naihi ako sa takot. At iyon nga ang panakot ng Malacanang nung mga panahong yun: pag nagwagi sila Cory, magiging Komunista ang Pilipinas. I weeeesh.

Onse anyos lang ako nun. Hindi ko pa lubos na nauunawaan ang mga bagay-bagay. Ang mga problema ko lang ay komiks, panonood ng mga cartoons, at pagkolekta ng mga cards ng Garbage Pail Kids. Malay ko ba sa politika? Malay ko ba kung sino ang bida at kontrabida? Malay ko ba noon sa human rights violations, Martial Law, crony capitalism, hidden wealth, edifice complex, tuta ng Kano, at kung ano-ano pa? Naaalala ko lang na sobrang na-badtrip kami ng mga pinsan ko nung nawala si Voltes V sa ere.

Nakakatawa lang na kung kelan 25th anniversary ng EDSA, saka pa lumutang ang usap-usapang ilipat ang mga labi ni Apo sa Libingan ng mga Bayani (Note: ang bangkay ay kasalukuyang naka-preserve na parang popsicle sa isang mauseleo sa Ilocos). Ninety-two years old na siya dapat ngayon. Ang unang nag-ungkat ng isyu ay si Sen. Bongbong Marcosat siyempre, naturalmente, sentimyento yun ng isang anak. Sinegundahan naman ni Sen. Juan Ponce Enrile, isa sa mga may pakana ng EDSA 86, dahil gusto niya, happy ka. Nakakaloka lang kung papaanong nauwi dun ang naratibo ng mga pangyayari: kung iisipin na ang pinagmulan naman talaga ng lahat ay ang imbestigasyon ng senado sa plea bargaining agreement ni Gen. Garcia. Tapos napunta sa trahedya ni Gen. Angelo Reyes. Tapos, eto na nga.

Magse-celebrate ang EDSA ng 25th anniversary. Waw, meyn. Twenty-five years. Kung ako, halos walang ka-malay-malay nung panahon ng People Power, paano pa kaya ang mga bata na pinanganak nung 87 pataas (Hindi counted yung Edsa Dos ha, dahil pekeng rebolusyon yun, pang-Kulit Bulilit. At lalong hindi ang Edsa Tres)? Lahat nang kaalaman at pag-unawa nila sa mga pangyayari nung 86, siguro nakuha na lang nila sa mga textbook (ano nga ba tinuturo nila 'dun?) o kaya sa mga taunang replay ng Magkaisa at Handog ng Pilipino sa Mundo. Inaamin ko, noong unang umere itong Handog ng Pilipino ay nakaramdam ako ng pagbabasa ng mata at kirot sa lalamunan na sigurado akong hindi sore throat (Hindi ko masyadong trip yung Magkaisa dahil puro Magkaisaaaaaaaaa lang ang naririnig ko hanggang matapos ang kanta). Naaalala ko rin kung paano ka-super big deal ang unang anniversary ng People Power na televised halos buong arawkasama ang makalaglag-placard na performance ni Freddie Aguilar nung kinagabihan na.

Pero ang mga People Power anniversary celebration nitong mga nakaraang taon? Naku. Napakalungkot. Si FVR, at siguro si Heheheherson Alvarez, lang ang nagtiya-tiyagang dumalo. Binubuksan lang ng mga tao ang TV para tingnan ang rerouting ng trapik. Napaka-perfunctory ng mga ritwales, mga speech na narinig mo ilang dekada na, at kung hindi pa dahil sa mga hakot ng government employeesna kating-kati na matapos ang mga seremonyas para makapunta sa Megamalleh siguradong lalangawin ito.

Nga pala, napapansin ko lang, pag pinanood mo yung mga footage nung 86, hindi mo mapigilang matanong: bakit parang ampapayat ng mga tao nun? Lahat payat, from Macoy to Enrile to Gringo Honasan pati na rin ang mga sundalo at ang mga rallyista. Sila Imelda lang at Cardinal Sin ang medyo mukhang naparami sa extra rice. Bakit kaya? Dahil kaya konti lang ang Jolibee at McDo noong araw?

Balik tayo sa tanong sa title. Sa isang raket ko sa Channel 5, nag-interview kami ng mga ordinaryong tao at nagtanong: Mas okay ba ang buhay mo nung panahon ni Marcos? Ninety percent ng sagot ay oo. Nung hiningan naming ng paliwanag kung bakit, halos pare-pareho ang hinaing: Kasi noon, mas mababa ang presyo ng mga bilihin eh. May mga mukhang adik namang humirit na Kasi noon, at least, yung mga rebelde nasa bundok. Ngayon nakakababa na dito sa siyudad. Eto ang mga karaniwang maririnig sa mga bibig nila: Magaling, matalino, maraming nagawa. The greatest President this country never had, sabi ng isang nobelista. Magaling nga at matalino, pero parang sinabihan mong magaling at matalino yung isang lalaking nahuli mong ninenenok ang mga gamit mo pagkatapos banatan ang misis mo sa sarili niyong kuwarto at biglang nakatakas sa bintana. At wala kang masabi kundi, Wow, ang galing nun ha.

Twenty-five years na. Napatawad na nga ba ng taumbayan ang mga Marcos? Tingnan: Senador na si Bunsoy. Si Mommy, Congresswoman ng Ilocos at icon pa rinang level ng mitolohiya niya ay parang kena Michael Jordan at Bruce Lee. Every time na may diktador na napapatalsik kahit saang parte ng planeta, siguradong may eleganteng misis na maihahambing kay Imelda. (e.g. Imelda Marcos ng Tunisia, Imelda Marcos ng Kenya, Imelda Marcos ng Romania, etc).

Napatawad na nga ba natin ang mga Marcos? Ipagtanong mo na langwag sa mga aktibista, wag sa mga intelektuwal at akademiko, at wag din sa gaya nila Oliver Lozano, Kuya Germs, at Amay Bisaya. Itanong mo sa mga ordinaryong mamamayanmga nagmamaneho ng dyip, nagwawalis sa kalye, nagbebenta ng yosi, nagtitinda sa karinderia na may edad 45 pataas. Baka masabi mo rin sa sarili mo: Wow, ang galing nun ha.