Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng...

12
REBOLUSYONARYONG PANGMASANG PAHAYAGAN NG BIKOL ------------------- Espesyal na Isyu Marso 2007 Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Lahatang-Panig na Sumusulong sundan sa pahina 2 A yon sa ulat ng Komiteng Rehiyon hinggil sa tatlong-taong pagtatasa ng mga gawain, lahatang-panig na sumusulong ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Nahigitan na nito ang inabot na lakas ng kilusang rebolusyonaryo noong unang hati ng taong 1987. Mula 2001 hanggang 2004, nairehistro ang 35 porsyentong pagtaas sa bilang ng mga grupo at komiteng pang-organisa sa baryo. Naitayo ang ilampung ganap na samahang masa sa lahat ng prubinsya at may ilan nang paghahanda para sa pagtatayo ng pormal na organo ng kapangyarihang pampulitika sa antas munisipalidad. Umaabot sa 64 porsyento ang pagtaas sa bilang ng mga aktibistang masigasig na kumikilos sa mga saligang organisasyong masa at grupong pang-alyansa. Ang paglakas na ito ay nagdulot ng 37 porsyentong pagdami ng baseng masa sa rehiyon sa loob ng naturang tatlong taon.

Transcript of Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng...

Page 1: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

REBOLUSYONARYONGPANGMASANGPAHAYAGANNG BIKOL

-------------------Espesyal na Isyu

Marso 2007

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan sa Rehiyong Bikol

RebolusyonaryongKilusan sa Bikol,Lahatang-Panigna Sumusulong

sundan sa pahina 2

Ayon sa ulat ng KomitengRehiyon hinggil sa

tatlong-taong pagtatasa ngmga gawain, lahatang-panigna sumusulong angrebolusyonaryong kilusan saBikol. Nahigitan na nito anginabot na lakas ng kilusangrebolusyonaryo noong unanghati ng taong 1987.

Mula 2001 hanggang2004, nairehistro ang 35porsyentong pagtaas sa bilangng mga grupo at komitengpang-organisa sa baryo.Naitayo ang ilampung ganap na samahang masa sa lahat ng prubinsya atmay ilan nang paghahanda para sa pagtatayo ng pormal na organo ngkapangyarihang pampulitika sa antas munisipalidad. Umaabot sa 64porsyento ang pagtaas sa bilang ng mga aktibistang masigasig na kumikilossa mga saligang organisasyong masa at grupong pang-alyansa. Ang paglakasna ito ay nagdulot ng 37 porsyentong pagdami ng baseng masa sa rehiyonsa loob ng naturang tatlong taon.

Page 2: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

2 Marso 2007 - Espesyal na Isyu * SILYAB

sundan sa pahina 3

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Sumusulong

Lumaki ng 18 porsyento ang kasapianng hukbo. Nananatiling matatag,nagpupursige at mataas ang diwangmapanlaban ng mga pulang kumander atmandirigma ng Bagong Hukbong Bayan.Lumaki naman ng 70 porsyento angkasapian ng milisyang bayan sa mgabaryong saklaw ng mga larangang gerilya.

Halos 96 porsyento ng mga bayan atsyudad sa Bikol ang nakikilusan ng mgalarangang gerilya. Mahigit sa 50 porsyentong kabuuang bilang ng mga baryo angepektibong nakikilusan ng mga yunit nghukbo. Umaabot sa 32 baryo angkaraniwang eryang sinasaklaw ng isangyunit ng BHB.

Malaki ang kakayahang magpapultaymsa hukbo at kakayanin pang mapalaki ang

rekluta dahil sa lawak ng baseng masa nasiyang balon ng hukbo.

Patuloy na sumusulong at umuunlad anghayag na kilusang masa at lumalawak anginaabot ng gawain sa nagkakaisang prente.Papalaki ang mga mobilisasyong masa samga lansangan sa mga lungsod at sentrongbayan ng Kabikulan. Maging ang masangmagsasaka sa kanayunan ay maramihanglumalahok sa mga kilos protesta parailantad at labanan ang anti-mamamayangmga pakana ng reaksyunaryong rehimen.Mariin ding kinukundena ng mga Bikolanoang pang-aabusong militar at mga paglabagsa karapatang pantao.

Malalim na nakaugat ang pamumuno ngPartido sa batayang masa. Sa nakaraangtatlong taon, nagrehistro ng signipikantengpaglaki sa kasapian ng Partido sa kanayunanat kalunsuran. Matatag na nakakapamunoang mga sangay ng Partido sa mga baryonginteryor at maging sa panabihan ng mgahaywey sa kanayunan. Nakatayo na rin angmga sangay ng Partido sa mga eskwelahan,komunidad ng maralitang lunsod,magsasaka, mangingisda at manggagawasa ilang pagawaan.

Armadong Pakikibaka sa Kanayunan,DumadaluyongMula 2002 hanggang 2004, nakapaglunsadng 224 na taktikal na opensiba sa buongrehiyon. Umabot sa 79 riple at 93 namaiiksing baril ang nasamsam na armasng mga pulang mandirigma. Nagdulot itong matinding dagok sa berdugong mgaelemento ng AFP-PNP-CAFGU.

Karamihan sa mga taktikal naopensibang ito ay mahusay na ginampananng mga tim at iskwad ng BHB. May anim naoperasyong laking kumpanya at 18operasyong laking platun.

Page 3: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

SILYAB * Marso 2007 - Espesyal na Isyu 3

sundan sa pahina 4

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Sumusulong

Tumampok ang matatagumpay nataktikal na opensiba. Sa Ligao City, nireydang nakahimpil na tropa ng Philippine Armysa Brgy Pinamanequian at ang SOT ng 22ndIB ng Philippine Army sa Brgy Oma-Oma.Sa Masbate, inambus ang tropa ng PhilippineAir Force sa bayan ng Uson at ang mgaelemento ng Provincial Police Mobile Forcesa bayan ng Milagros. Sa Camarines Sur,inambus ang SOT ng 42nd IB sa bayan ngTinambac. Nireyd ang Municipal PoliceStations sa mga bayan ng Bagamanoc saCatanduanes; Esperanza sa Masbate; SanLorenzo Ruiz sa Camarines Norte; Cabusaosa Camarines Sur; at isang sub-station saNaga City.

Sa nakaraang tatlong taon,umabot sa 184 ang nalipol at may61 sugatan sa mga tropa ng AFP-PNP-CAFGU. May dalawang elementong Philippine Army sa Camarines Surat dalawang myembro ng CAFGU saAlbay na naging bihagng digma. Mulingpinatunayan sakaranasan angkakayahan ng BHB nabumihag at mahusayna mangalaga ng mgabihag. Naging maayosat ligtas angpagpapalaya.

Binigwasan din ngBHB ng mga aksyongisnayp at haras angmga pasistangelemento ngPhilippine Army.Epektibo ringnaantala at nadiskaril ang mapanalasangmga operasyong SOT ng 9th ID nang kagyatna nakapaglunsad ng mga operasyongisnayp at haras na nagdulot ng pinsala sakaaway. Sa Masbate, nag-AWOL ang mgaCAFGU sa hinaras na mga detatsment.

Dahil mahusay na napanghawakan angpaborableng kalupaan at wastongdisposisyon ng tropa, nabigo ang ilangtangkang pag-atake ng kaaway sa mgayunit ng BHB sa Masbate at Camarines Sur.May dalawang depensibang labanan saAlbay kung saan sinuportahan ng isa pangmalapit na yunit ang napalabang mgakasama kaya napaatras ang umatakengkaaway. Sa Camarines Norte naman,mahusay na nakapagkontra-atake sa isangpagkubkob sa mga kasama kaya kinayangmai-reskyu ang sugatang kasama atmaisalba ang mahahalagang kagamitan.

Nakapagsanay ng mga pulang kumandersa mga ilinunsad na mga taktikal na

opensiba at sa mahusayna manera sa mgadepensibang labanan.Matagumpay nailinunsad sa Masbate angisang pamprubinsyangkumperensyang pulitiko-militar na epektibongnakatulong sapagpapaunlad nggawaing militar.

Buong giting nalinabanan at binigo ngBHB ang matitindi atmalalaking operasyongmilitar laban sar e b o l u s y o n a r y o n gkilusan at mamamayan.Mahusay na naihandaang baseng masa para sapagkundena at paglabansa mga abusong militar.Bigo ang kaaway sa mga

labanang militar at maging sa labanan sapulitika. Mahusay ding hinarap ng mga yunitng hukbo ang mga operasyong SOT ngkaaway.

Page 4: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

4 Marso 2007 - Espesyal na Isyu * SILYAB

sundan sa pahina 5

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Sumusulong

Pormasyong platun angmalaganap na pormasyon ng hukbo sarehiyon. Iilang larangan na lamang angnagmamantini ng pormasyong iskwad parasa wastong pagharap sa kilos ng kaaway.

Ang mga platun ng BHB aynagsasakatuparan ng gawaing masa sa mgaeryang konsolidado at ekspansyon. Positiboang resulta ng gawain ng mga platun dulotng mas solido at konsolidadong kolektibo.Mas napataas ang kakayahang gumampanng mga gawain at mas mahusay angkapasidad ng yunit sa opensa at depensa.Naitayo na rin ang mga sentro de grabidad(SDG) sa antas larangan, prubinsya atrehiyon.

Sa ilang taktikal na opensiba,epektibong pinagsanib ang mga yunit ngSDG at iba pang platung gerilya upangmakaipon ng superyor na lakas upangmabira ang mahina at nakahiwalay napormasyon ng kaaway at maipagwagi anglabanan.

Masigla ang mga pampulitikangedukasyon ng mga pultaym sa hukbo.Bahagi rin ng paghubog sa kaalaman atkakayahan ng mga pulang mandirigma ang

pagbibigay ng pangkalahatangedukasyon sa literasiya.Nakapaglunsad din ng mgapagsasanay sa iba’t ibang linyang gawain. At nadagdagan ngisandaang porsyento ang mgaupisyal militar at upisyalpampulitika sa hukbo.

Mahigpit na pinang-hawakan ang disiplina atpagkakaisa sa loob ng hukbo.Puspusan itong naglilingkod sasambayanan kaya nagtatamasang mainit na pagkalinga atsuporta ng malawak namamamayan.

Rebolusyong Agraryo atProgramang Pangkagalingan sa

Mamamayan, SustinidoAktibong lumalahok ang masangmagsasaka sa kanayunan sa pagsusulongng rebolusyong agraryo. Umaabot na sa38,136 ektarya ang nalunsaran ngkampanyang masa sa pagpapababa ng upasa lupa. Mahigit sa 10,000 pamilya angnagtamasa ng mga benepisyo sarebolusyong agraryo. Patuloy na aktibongkumikilos at boluntaryong nag-aambag ngsuporta sa armadong pakikibaka angmasang magsasaka sa kanayunan.

Dumami ang mga proyektongkooperatiba tulad ng tindahan, sakahan,pagbili ng kopra, at ilang pag-aalaga nghayop. Kinakailangang palawakin pa atpalalimin ang mga pag-aaral sa kilusangkooperatiba at sosyalismo. Sa mga eryang kinikilusan, isinakatuparanng mga yunit ng BHB ang pagbibigay ngiba’t ibang serbisyo sa mamamayan tuladng gawaing pamproduksyon atpagpapaunlad sa kabuhayan, serbisyongmedikal at dental, at iba pang mgaproyektong pangkagalingan.

Page 5: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

SILYAB * Marso 2007 - Espesyal na Isyu 5

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, SumusulongAktibo ring tumulong ang mga yunit nghukbo sa mamamayang nasalanta ng bagyo,baha at pagputok ng bulkang Mayon.Umagapay din ang mga yunit ng BHB sapagtulong sa masang magsasakang nagingbiktima ng mapanalasang mga operasyongmilitar sa kanayunan.

Rebolusyonaryong Baseng Masa,Lumalawak at LumalalimAng masikhay na gawaing masa ay umaning 37 porsyentong pagdami sa baseng masasa nakaraang tatlong taon. Libu-libongmasang magsasaka, kababaihan, kabataanat aktibistang pangkultura ang aktibongkumikilos sa mga saligang organisasyongmasa sa kanayunan. Ang mapangahas napagtatayo ng mga ganap na samahang masaay nagkamit ng signipikanteng pagsulongpara sa mas organisadongrebolusyonaryong pagkilos ng mamamayan.Sa ganitong antas ng organisasyong masa,kailangang isustini ang masiglangrebolusyonaryong aktibidad para sapagpapataas ng antas ng pagsulong ngkilusang masa at armadong pakikibaka.

Tuluy-tuloy ang masiglang kilusang pag-aaral sa Pambansa Demokratikong Paaralan(PADEPA). Pangunahing ilinulunsad angmga pag-aaral sa Maikling Kurso sa Lipunanat Rebolusyong Pilipino (MKLRP), nanaglilinaw sa rebolusyonaryong linya ngPartido at sa estratehiya at taktika ngrebolusyong Pilipino. Tinatalakay sa mgaespesyal na kursong masa ang makauringinteres ng magsasaka at manggagawa atang sektoral na interes ng kababaihan atkabataan. Mahalagang napapag-aralan anglinya at mga patakaran ng Partido kaugnaysa reporma sa lupa, armadong pakikibakaat hukbong bayan. Mahalagang masapolang prinsipyo sa nagkakaisang prente atNDF; pagtatayo ng demokratikonggubyernong bayan; usapangpangkapayapaan at ang mga aral sa

kilusang pagwawasto. Masigla rin angpormal at impormal na mga grupongtalakayan sa mga napapanahong isyu atsa pambansa at pandaigdigang mgakalagayan. Kailangang pasiglahin ang pag-aaral ng mga rebolusyonaryong awit at ibapang anyo ng sining at panitikan.

Ang lokal na mga makinarya sainstruksyon ang magtitiyak sa sustinidongkilusang pag-aaral. Nakakapagpagaan samga pag-aaral ang paggamit ng mgapresentasyong bidyu atpelikulang tulad ngBuhay Masbatenyo.Kailangang magsanaypa ng paparaminginstruktor mula sahanay ngm a s au p a n gmabilisn aabut ina n gd a a n -d a a n gl i b o n gbasengmasa at ilang milyong Bikolano.

Muog ng Rebolusyong Pangkultura,Ipinupundar sa KanayunanSumigla ang pagpapalaganap at pagtuturong mga rebolusyonaryong kanta, tula, dula,tigsik at iba pang porma ngrebolusyonaryong sining at panitikan samga yunit ng hukbo. Malaking tulak sapagbwelo ng pang-araw-araw na gawaingpangkultura ang mga ilinunsad na palihansa dulaan, panitikan at sining biswal.Nakapaglabas din ng bersyong audio ngPunla, ang panrehiyong dyornal ngrebolusyonaryong sining at panitikan.

sundan sa pahina 6

Page 6: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

6 Marso 2007 - Espesyal na Isyu * SILYAB

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Sumusulong

sundan sa pahina 7

Mainit ding tinangkilik ng malawak namasa at mga kasama ang Bagati, Asolt atiba pang mga bidyu produksyon ng Isnayp.

Sa Masbate, nalikha angrebolusyonaryong pelikulang “BuhayMasbatenyo”. Ipinapakita sa pelikula angbuhay at paglaban ng masang magsasaka.Tampok dito ang pagtutulungan ng hukboat mamamayan laban sa despotikong PMLat sa reaksyunaryong rehimen.

Sa mga kampanyang masa, ang mgapangkulturang aktibidad ay higit nanagpapasigla sa kilusang masa atnakapagpapataas sa diwang mapanlabanng masang magsasaka sakanayunan. SaCamarines Norte, anglundo ng anti-pyudal nakampanyang masa aynaging inspirasyon sapaglikha ng mga kantangrebolusyonaryo.

Nagparami atnamahagi ng progresiboat rebolusyonaryong VCDng mga bidyu-dokumentaryo atpelikula. Kailangan pangihabol ang istable atsistematikong makinaryasa pagpaparami upangmaipalaganap angrebolusyonaryo atprogresibong mgapalabas sa mas malawak na masa.

Gawaing Propaganda at Kilusang Masa,SumiglaPatuloy na pinaparami sa antas prubinsyaat larangan ang Ang Bayan, bilangrebolusyonaryong pahayagan ng PartidoKomunista ng Pilipinas na regular nalumalabas dalawang beses isang buwan.Subalit kinakailangan ding maitaas angkakayahan sa gawaing reproduksyon nito.

Regular ding ilinalabas ang Silyab, angpanrehiyong pahayagan ngrebolusyonaryong kilusan sa Bikol.Ilinalabas ito bawat tatlong buwan, libanpa sa mga espesyal na isyu. Noong 2002,walong beses itong nakapaglabas.Liban sa paglalathala ng mahahalagangpambansang isyu sa atingrebolusyonaryong pahayagan, mahusay rinnitong naisalarawan ang lokal nakalagayan at pagsusulong ngrebolusyonaryong pakikibaka sa rehiyon.Dapat makatulong ang mga may kakayahansa pagsusulat para sa pag-aambag ng mga

ulat koresponsal.Kailangang maagap namaipaabot ang mgakalagayan at karanasanmula sa mgakinikilusang lugar.

Maramihan dingnakakaabot hanggangsa kanayunan angp r o g r e s i b o n gpahayagang pangmasana lingguhanglinalathala.

Oktubre 2002,unang nakapagbrodkassa radyo angDagundong ng Bikol. Sanakaraang dalawangtaon, nakapagbrodkasito ng tatlong beses sa

bawat taon. Nitong 2004, ang paglabas ngbidyu bersyon ng Dagundong ay mainit natinanggap ng mga kasama at masa. Atbilang tugon na rin sa kahilingan ng mgatagasubaybay, ilinalabas na ito sa VCDformat. Kailangan pang ihabol angpagpaparami nito upang epektibong maabotng rebolusyonaryong brodkas anglumalawak na baseng masa.

Page 7: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

SILYAB * Marso 2007 - Espesyal na Isyu 7

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Sumusulong

sundan sa pahina 8

Kaalinsabay ngmasiglang gawaingpropaganda angm a s i g l a n gantipyudal nakilusang masa sakanayunan. Saprubinsya ngM a s b a t e ,ipinaglaban ngmga magsasakaang kanilangkarapatan laban samalalaki at nasakapangyarihangp a n g i n o o n gmaylupa.

Sa Sorsogon,anim na beses na nagsagawa ng rali atnegosasyong antas bayan at inter-bayanpara sa pagpapababa ng kaltas sa resikosa kopra. Ibinoykot ng mga magniniyog angilang komprada na nagmatigas sa kanilangmga kahilingan at nagawa ang malawak nagawaing alyansa para mapababa angresikada sa malalaking komprada sa bayan.Naibaba ang resikada sa 14 hanggang 15porsyento mula sa dating 20 hanggang 25porsyento. Pati ang mga maniniyog sakalapit bayan na nagdadala ng kopra salugar ay nabiyayaan ng kampanya.

Sa Camarines Sur, naisagawa din angrali at negosasyon sa dalawang malalakingnegosyante para sa pagpapataas ng presyong kopra. Pumayag ang isang negosyantena itaas ang presyo ng kopra, subalitnagmatigas ang isa pang malakingnegosyante. Nailunsad din ang antasdistritong kampanyang masa para sapagpapababa ng upa sa lupa atpagpapataas ng presyo ng kopra.

Sumaklaw ito sa tatlong bayan nanagsagawa ng rali, petisyon signing,negosasyon sa mga panginoong maylupa

at mahusay na gawaing alyansa sa iba pangsektor sa mga bayan.

Sa Camarines Norte, ipinakita ngmamamayan ang mahigpit na pagkakaisasa kampanyang masa sa pagpapataas ngsahod ng manggagawang bukid. Sapanahon ng boykot, hinimok nilang makiisaang mga manggagawang bukid sa katabingmga baryo. Dahil dito, napresyur ang PMLna ibigay ang kanilang kahilingan. Umanidin ng mga tagumpay ang pakikibaka parasa pagpapataas ng sahod ng mgamanggagawang bukid sa ibang prubinsya.

Sa Catanduanes, nagkaroon ng kilusangmasa para sa pagpapataas ng presyo ngbandala at isinagawa ang kampanya labansa pandaraya sa timbangan. Ang tagumpaysa pagkilos na ito ay labis na ikinagalak ngmasang Catandunganon.

Naging madalas at masinsin angrebolusyonaryong kilusang masa sakalunsuran, at ang malalaking mobilisasyonsa mga tradisyunal na paggunita ng Arawng Paggawa at Pandaigdigang Araw ngKarapatang Pantao. Nilahukan din ito ngmga magsasaka mula sa kanayunan.

Page 8: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

8 Marso 2007 - Espesyal na Isyu * SILYAB

Rebolusyonaryong Kilusan sa Bikol, Sumusulong

Mapangahas na naitayo ang matatag napamunuan ng Partido sa pamamagitan ngpagsasanay at promosyon ng mga kadre.

Mahigit na ginagabayan at tumatalimasa prinsipyo at disiplina ng demokratikongsentralismo ang buong organisasyon ngPartido. Ito ang prinsipyong gabay sa pang-araw-araw na pamumuno ng Partido.

Pundasyon ng sustinidong pagsulongang matatag nakonsolidasyon saideolohiya. Patuloyang pagpupunyagi ngbuong organisasyonng Partido sa rehiyonsa pagpapalaganapat paglulunsad nge d u k a s y o n gpampartido. Mataasang tantos ngnapapatapos ngbatayan ati n t e r m e d y a n gkursong pampartido;mga dokumento sak i l u s a n g

pagwawasto; at iba pang pampartidongpag-aaral.

Regular na naisasagawa angpagpoprograma, mga pagtatasa atpaglalagom ng gawain. Nakapaglunsad dinng mga pagsasanay sa iba’t ibang linya nggawain.

Mahusay na sandata ang regular atpana-panahong pamumuna at pagpuna sasarili para sa pagpapanibagong hubog ngmga kasapi ng Partido. Mahigpit nitongpinagkakaisa ang buong organisasyon saprinsipyo ng simpleng pamumuhay,pagpunyagi sa pakikibaka at pagkapit sadisiplina at katatagan sa paninindigan. Batay sa inaabot na lakas ng kilusangrebolusyonaryo sa Bikol, tiyak na susulongpa ito sa mas mataas na antas.

Sumigla ang lokal at sektoral na mgapakikibakang masa liban pa sa multisektoralna mga pagkilos. Nagkaroon din ng ilangpambayang mobilisasyon. Ang mgamobilisasyong antas bayan ay nagkundenasa mga paglabag sa karapatang pantao sakanayunan at kalunsuran.Nanawagan ito ng pagpapataas ng sahodng manggagawang bukid, pagpapababa ngresikada at pagpapataasng presyo ng kopra. Maymga pagsisikap namailunsad ang antasprubinsyang mga pagkilos,at nagkaroon ng antasmunisipyo at inter-munisipyong mga pagkilossa ilang prubinsya.

Matatag na Paglakas ngPartido sa RehiyonMay signipikanteng paglakisa bilang ng mga kasaping Partido mula sabatayang masangmagsasaka atmanggagawa sa kanayunan at kalunsuranng Bikol. Ang mga abanteng aktibistangmasa na narekluta sa Partido ay naipaloobsa mga sangay ng Partido sa lokalidad (SPL)at sa mga grupo ng Partido.

Patuloy ang pagtatayo ng mga komiteng Partido sa hanay ng hukbo. Matatag angpaglakas ng pamunuan ng Partido mula saantas larangan, prubinsya hanggangrehiyon. Patuloy din ang pagtatayo ng bisigng mga namumunong komite upang magingpantulong na mga istap.

Naitayo ang mga komiteng urban at mgakomite sa puting purok sa mga sentronglalawigan. Naitayo na rin ang mgapanrehiyong bisig sa sektoral na kilusangmasa at panggitnang pwersa; angpanrehiyong kawanihan sa magsasaka atmga pamprubinsyang istap sa magsasaka.

SSSSS

Page 9: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

SILYAB * Marso 2007 - Espesyal na Isyu 9

Pagpapatuloy ng Pagsulong sa Taong 2005

Armadong pakikibakaAng kasalukuyang lakas-tauhan at mgasandata ng BHB sa Bikol ay nasa katayuanupang isakatuparan ang panawagan ngPartido Komunista ng Pilipinas na higit pangpaigtingin ang malaganap at masinsingpakikidigmang gerilya, batay sa patuloy nalumalawak at lumalalim na baseng masa.Ang kakayahang magrekluta dahil sa malakiat malawak na baseng masa at angmapapalitaw na mga armas sa mga taktikalna opensiba ay magiging daan sapagpapalaki at pagbubuo ng mgakaragdagang pormasyon ng BHB sarehiyon.

Noong taong 2005 laluna sa huling apatna buwan, katulad ng sa pambansang an-tas, ipinamalas ng mga yunit ng BHB sarehiyon ang wala pang katulad sakasaysayan na lawak at dalas ng mgataktikal na opensiba. Bagama’t angkaramihan ay maliliit na taktikal naopensiba. Sa buong taon ay nakapag lunsadng mahigit sa 137 taktikal na opensiba;nakakumpiska ng 15 malalakas na sandata;17 maiiksing baril; at nakapatay ng 76kaaway at may 36 nasugatan.

Dahil sa inabot na kakayahan at lakasng BHB, malawak na suporta ngmamamayan, at napakapaborablengkalagayan sa rebolusyunaryong pakikibaka,sisikapin na malampasan pa ang mga inabotna tagumpay sa paglulunsad ng TO.Ibayong mapapalakas ang BHB, mabibigyanng dagok at mapapahina ang AFP-PNP atmakakapag-ambag sa pagpapabagsak sarehimeng US-GMA.

Naisagawa ang mga operasyongpartisano laban sa mga ahente ng AFP atPNP sa mga lungsod at sentrong bayan,upang singilin sa mga pagkakautang ngdugo sa mamamayan, sa rebolusyunaryongkilusan at sa pagiging sagadsaring kontra-rebolusyon.

Pagtatayo ng BaseNagpapatuloy ang pagtatag at paglawakng baseng masa, kahit pa pinatitindi ngrehimeng US-GMA at ng mersenaryong AFP-PNP ang pag-atake at pandarahas samamamayan. Nagkukumahog ang rehimenna mapahina ang pampulitikang istrukturasa mga lokalidad at ang suporta ng masasa rebolusyunaryong kilusan. Ngunit hindikinakayang saklawin ng mga operasyon ngkaaway ang malawak na lugar na kinikilusanng BHB. Habang sinisikap na harapin angmatinding operasyon ng kaaway sa ilanglugar, sa mga lugar namang relatibongmaluwag sa kilos ng kaaway aynakakapagpaunlad at nakakapagpalawak nggawaing masa. Bawat taon ay may ilanglibung naidadagdag sa mga organisadongmasa. Hindi ito kasing laki kumpara sa mganakaraang taon dahil sa mas pagtutok sabumibigat na gawaing konsolidasyon.

Rebolusyong AgraryoSa taong 2005, dumagdag ng mahigit 5,000ang mga nabiyayaan ng rebolusyongagraryo, partikular ang kampanya sapagpapababa ng upa sa lupa.

sundan sa pahina 10

Page 10: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

10 Marso 2007 - Espesyal na Isyu * SILYAB

Sa kabuuan, mahigit na sa 15,000pamilyang magsasaka ang nagtatamasa ngbiyaya ng mas mababang upa sa lupa.Pinasisigla naman ang mga kampanya sapagpapaunlad at pagpapataas ngproduktibidad ng lupaing saklaw ng RA atsa mga lugar na inaabot ng mga yunit ngBHB.

Sa Catanduanes noong nakaraangtaon, mahigit sa 4,000 ang naturuan saiba’t ibang sistema ng pagtanim ng mgagulayin at iba pang pangkonsumongpananim. Pinamahagian din sila ng mgabinhing pantanim. Sa pagtutulungan ngmga organisadong masa at sa pakikipag-alyansa, sinisikap na magkaroon ngmga dagdag na pagkakitaan angmamamayan sa Catanduanes,kagaya ng pagyayaring-kamay,pag-aalaga ng hayop, atpagbubukas ng mga bagongtubigan.

Gawaing masa sakalunsuranSumusulong atumaani ng mgatagumapay angmga gawain sak a l u n s u r a n .Lumaki ang mgakasapian ng mgasektoral atmultisektoral na organisasyon atalyansa. Sa mga hayag at ligal namobilisasyon, dinala ang mga batayangisyu ng masang anakpawis. Ilan sa mgaisyung ito ay ang paglaban samilitarisasyon, paglaban sa walang habasna pagmimina, pagkundena sapamamaslang ng mga lider at kasapi ngmga progresibong organisasyon, at iba pangisyung pambansa at lokal. Tuluy-tuloy atpapalaki ang mga mobilisasyon sa

pagpapatalsik sa pekeng presidenteng siGloria Macapagal-Arroyo.

Ang mga panghaharas at pagpaslangsa mga lider at aktibistang masa ng mgabuhong na AFP-PNP ay hindi nakahadlangsa pagnanais ng mamamayang ipaglabanang mga demokratikong karapatan, sapaglalantad at pagkundena sa kabulukankatiwalian at kurapsyon sa rehimeng US-GMA at sa tumitinding militarisasyon sakanayunan at kalunsuran. Gayundin, sakampanyang patalsikin ang rehimeng US-GMA. Naging hamon at nagsikap na higitpang palakasin ang mga pakikibakang

masa, hindi lamang paramapatalsik sa pwesto angrehimeng US-GMA, kundi angpagkakaroon ng saligangpagbabago sa sistemangsosyal at panlipunan.

Pagpapalakas ng PartidoNanatiling buo atdumagdag pa ang mgaorgano at yunit ng Partidomula sa antas rehiyonhanggang sa mgalokalidad at wala ni-isamang nawasak angmalalaki at tuluy-tuloyna pang-aatake ng AFP-PNP sa nakaraangtaon. Dumagdag angmga kadre at kasapianng Partido ng ilang

daan. Ito ang mga pagmumulan sapagpapalaki ng mga organo at mga istapsa linya ng mga gawain; at sa mgakaragdagang bubuuin pang yunit ng Parido.

Makaraan ang isinagawang plenum ngKomiteng rehiyon, matagumpay nanaisakatuparan ang mga pulong ng mgakomite sa ilalim nito. Naisagawa rin angmga pag-aaral, pagsasanay at ilangkumperensya. sundan sa pahina 11

Pagpapatuloy ng Pagsulong sa Taong 2005

Page 11: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

SILYAB * Marso 2007 - Espesyal na Isyu 11

SSSSS

Nakapag-ambag ang Bikol ng ilampung kadre at kasapi ng Partido sa ibang lugar atmga linya ng gawain.

Kinilala at pinahalagahan ang mga kadre at kasapi ng Partido at masa na nagingmartir sa nakaraang taon. Humango mula sa kanila ng mabubuting aral at nagsilbinginspirasyon sila sa walang kapagurang pagtupad ng mga gawain at sa paglilingkod samamamayan.

Nasa katayuan ang ating Partido sa rehiyon upang isakatuparan ang mga plano atatas ng Komite Sentral, ang pambansang pamunuan ng PKP.

Pagpapatuloy ng Pagsulong sa Taong 2005

sundan sa pahina 12

Kampanyang Militar ng 9th ID sa Bikol

Sa balangkas ng Oplan Bantay Laya I atII, tinukoy ang rehiyong Bikol bilang

isa sa mga prayoridad na rehiyon sakampanya sa pagdurog diumano sa buongrebolusyonaryong kilusan. Direktangpinapangasiwaan ng Southern Luzon Com-mand ng AFP ang kampanyang militar ngmga brigada na nasa ilalim ng 9th ID saBikol.

Ang kampanyang militar ay serye oisahang bigwas ng magkakaugnay atkoordinadong mga sakyada ng isangkumand ng militar sa saklaw nitong erya.Isinasagawa ang mga operasyon batay nasa disenyo ng Oplan Bantay Laya.

Sa Sorsogon at Masbate nakapokus angkampanyang militar ng 901st Brigade saHilagang Kanluran ng Sorsogon at main-land ng Masbate. Umabot sa sampungkumpanya ng tropa ng kaaway ang ikinasadito. Kasabay sa malupit na mgaoperasyong militar ang 92nd Recon Coy, 8th

Scout Ranger Coy, 2nd IB, Bravo Coy ng RMGat anim na kumpanya ng PMG.

Mula Disyembre 2006 hanggang sakasalukuyan, pinatindi ang mabangis napasistang atake ng SOT ng 31st IB sa bayanng Castilla. Tuluy-tuloy din angmilitarisasyon sa mga bayan ng Pilar,Magallanes, Juban, Matnog at bahagi ngBulan at Irosin sa Sorsogon.

Ang Masbate na dating may isangkumpanya ng 2nd IB ay dinagdagan pa ng

isang kumpanya mula sa parehong batalyonat sa 9th IB. Reaksyon ito sa labanangnangyari sa bayan ng San Fernando sa islang Ticao at reyd sa Filminera Mining Corpsa bayan ng Aroroy. Sinuperbisa mismo ngSOLCOM ang hot pursuit operations at mgasumunod na combat operations sa erya.Ginawa ring palusot ang eleksyon parapatindihin ang militarisasyon. Pinakatan dinito ng dagdag na mga operatiba mula samga yunit ng Military Intelligence Group atMilitary Intelligence Company.

Sa Camarines Sur at Norte namannakapokus ang kampanyang militar ng 902nd

Brigade. Simula Pebrero hanggang Agosto2006, sustinido ang mga laking kumpanyangoperasyon sa mga bayang nakapaligid atsumasaklaw sa kabundukan ng TangcongVaca kasabay ng mga laking kumpanya dingoperasyon ng 31st IB sa mga bayan ngSipocot, Ragay, Lupi at Del Gallego.

Mula Setyembre 2006 hanggang sakasalukuyan, nananalasa ang kampanyangmilitar ng 902nd Brigade mula sa bayan ngBula at unang distrito ng Camarines Surhanggang sa ilang magubat na bahagi ngbayan ng Labo, Camarines Norte.Kinasahan ng SOT mula sa 42nd IB ang Bula,Camarines Sur. Hindi naman tinantanan ngmga operasyong kombat ang mga bayanng Buhi at Bato.

Page 12: Ilinalathala ng Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong ... · tigsik at iba pang porma ng rebolusyonaryong sining at panitikan sa mga yunit ng hukbo. Malaking tulak sa pagbwelo ng

12 Marso 2007 - Espesyal na Isyu * SILYAB

Kampanyang Militar ng 9th ID sa Bikol

SSSSS

Patuloy na ginagamit ang mgatropa ng Regional Mobile Group,Provincial Mobile Group at SpecialAction Force ng PNP- Region 5 samga operasyong kontra-insurhensya.

Pakat Kaaway sa RehiyonSinasaklaw ng 9th Infantry Di-

vision Philippine Army ang buongBikol. Ang Masbate, na datingipinailalim sa 8th ID noong hulingkwarto ng 2004, ay muling sinaklawng 9th ID noong 2006. Ang 9th ID aynakabase sa Kuta Elias Angeles saSityo Kabukludan, Brgy San Jose,Pili, Camarines Sur. Sa kalagitnaanng taong 2006, dinagdagan angtropa nito ng isang batalyon mulasa Bukidnon, ang 9th IB.

Sa ilalim nito ay ang 901st IBdena nakabase sa Brgy Villa Hermosa,Daraga, Albay at ang 902nd IBde nanakabase sa Brgy Tulay na Lupa, Labo,Camarines Norte. Tuwiran ding nakapailalimsa 9th ID ang 22nd IB PA, na itinakdang CadreBattalion. Ito ang mother unit ng lahat ngCAFGU detatsment sa buong Bikol. Tinawagitong Cadre Battalion dahil nagsisilbingtagasanay at tagapangasiwa sa mga yunitat personel ng CAFGU. Inilalagay lamangsa kontrol ng pinakamalapit na kumpanyang army ang mga detatsment para madireheang araw-araw nitong aktibidad.

Direktang nakapailalim sa kumand ngdibisyon ang mga istap o yunit sa serbisyotulad ng yunit sa treyning, medikal, civilaffairs, Civil-Military Operation, signal bat-talion, mga yunit ng intel at iba pa. Nasakumand nito ang 3rd Scout Ranger Battal-ion (SRB) at ang 565th Engineering andConstruction Battalion (ECB). Nasa kumanddin ng 9th ID ang 91st at 92nd Recon Coypara sa madaliang deployment sa mgaeryang kailangan ng kagyat na suporta sa

operasyon. Dahil binibigyang diin sakasalukuyan ang Sorsogon, ipinakat saprubinsya ang 92nd Recon Coy na datingnasa Camarines Sur.

Saklaw ng operasyon ng 901st IBde angmga prubinsya ng Sorsogon, Albay atMasbate. Bumubwelo sa Sorsogon angbagong pakat na 9th IB habangnakakonsentra ang kalakhan ng pwersa ng2nd IB sa Masbate. Nananatili ang 65th IBsa Albay, na may pinakamaramingmagkakalapit na detatsment ng CAFGU.Nakapwesto naman sa Catanduanes angAlpha Coy ng 65th IB.

Nasa kontrol ng 902nd IBde ang mgalalawigan ng Camarines Norte at Sur.Gustong imantini ng 31st IB ang imahe sasigasig sa operasyon sa Camarines Norteat unang distrito ng Camarines Sur.Humahabol naman ang 42nd IB na makamitang parehong imahe. Nasa ikatlong distritonaman ng Camarines Sur ang hedkwartersng 22nd Cadre Battalion.