Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline
Transcript of Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline
Paghahambing ng Epekto ng Advertisement ng Clear at Vaseline
Grupo bilang 6
Ika-3 term AY 2009-2010
FILDLAR c33
Estuesta, Jan Marlo D.
Martinez, Gabriel
Sta. Ana, Donna Katrina S.
Dra. Teresita F. Fortunato
Talaan ng NIlalaman
Ang Suliranin at ang Kaligiran
P a g e | 1
Introduksyon 2
Batayang Teoretikal 3
Paglalahad ng Suliranin 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 4
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 4
Depinisyon ng mga Termino 5
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 5
Metodolohiya ng Pananaliksik 5
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos 9
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon 22
Sanggunian 24
Apendises 25
P a g e | 2
I. Ang Suliranin at ang Kaligiran
A. Introduksyon
Ang mga Pilipino ay sadyang masisipag at maraming ginagawa sa araw-araw ng
pamumuhay. Gising sa umaga, kumain, magtrabaho, magpahinga, magtrabaho, matulog.
Kahit sa dami na ginagawa ng mga Pilipino araw araw, ay may iisang bagay na hindi
nakakalimutan at hindi pinalalampas, ang paliligo. Madalas ay hindi na natin pinagiisipan ito
dahil nakagawian na ito ng lahat ng tao sa buong mundo. Ang mga Pilipino ay malilinis sa
katawan kaya hindi pinalalampas ang paliligo, at hindi rin basta basta ang mga ginagamit sa
paliligo. Dalawa lamang ang ginagamit ng lahat sa paliligo at iyon ay ang shampoo o sabon.
Marami ang pinagpipilian sa mga tindahan at minsan ay pabago bago pa ng binibili dahil
parating may bagong produkto at brand na lumalabas. Pero kahit ano pa man ito, hindi
maiiwasan na bumili ng mga produktong ito dahil kasama na ito sa ating mga pangunahing
pangangailangan sa pang araw araw.
Ang dalawang ipagtatapat sa papel na ito ay ang produktong shampoo ng Unilever, sa
tatak na Clear at Vaseline. Ang Clear ay nanumbalik sa merkado ng Pilipinas kailan lamang,
at nagsimula sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng komersyal sa telebisyon ng may mga
sikat na artista o singer katulad na lamang nina Rain at Nicole Scherzinger. Ginamit nila ang
paraang ito para makilala ng mga tao ang nakikita nila sa telebisyon, at dahil malalaking
bituin ang kanilang pinalabas ay marami ang taong maakit sa kanilang produkto at gagawing
subukuan ang mga ito kahit na nagsisimula pa lamang sila sa merkado. Ang Clear ay isang
dalubhasang shampoo para sa balakubak ng mga tao, at ang kanilang target market ay ang
mga Asyano dahil mula sa kanilang pananaliksik ay maraming Asyano ang nagdurusa sa
P a g e | 3
balakubak. Pero hindi tumigil ang Clear sa pagpapawala lamang ng balakubak, ginawa rin
nila na maging matibay and buhok at hindi naglalagas.
Ang Vaseline naman ay hindi nagdalubhasa sa pagpapawala ng balakubak, ang kanila
namang ipinaglilingkod ay ang mga taong gusting mabango, matibay ang buhok at hindi
problema ang balakubak. Ang mga consumer ng produktong ito ay para sa mga pamilya
dahil ito ay ang tanging shampoo na nagbibigay sa pagkinang, malusog na buhok, at ay kilala
upang itaguyod ang pagkakasama at matalik na relasyon sa loob ng pamilya sa pamamagitan
ng kanyang mga halaga ng lokal na tatak at mga prinsipyo.
Sa papel na ito ay makikita ang kahalagahan ng mga patalastas sa mga produktong
nabanggit at ang kahalagahan ng nito para sa ikabubuti ng produkto at ng konsumer.
B. Batayang Teoretikal
Ang napili naming paksa ay ang paggamit ng patalastas sa pagbenta ng Clear at Vaseline
shampoos sa Konsyumer. Itong paksa ay ang napili namin dahil ginusto naming malaman
kung ano ang mga epekto ng adbertisment sa pagbenta ng mga produkto, ito ba ay
makakatulong sa pagbili o ito lang ay isang gastos na ginagawa ng mga kompanya?
C. Paglalahad ng Suliranin
Pangunahing suliranin
Paano nakakaimpluwensya ang Ads ng Clear at Vaseling sa consumer?
P a g e | 4
Mga tiyak na suliranin
1. Anu-ano ang mga mensahe na ibinibigay ng mga produkto mula sa kanilang
advertisement?
2. Bakit mas epektibo ang advertisement ng produktong A kumpara sa produktong B?
3. Ano ang mga epekto ng advertisement sa produkto? Kung wala ang advertisement sa
produkto?
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik para malaman ang mga resulta
ng kung anong klaseng advertisement and epektibo para sa mga tao, at magamit sa hinaharap
na panahon. Ang mga resulta at datos na malalakap mula sa riserts na ito ay maaring gamitin
para sa mga magiging advertising sa darating na panahon. Malalaman rin mula sa riserts na ito
ang mga epektibong paraan ng pagaanunsyo sa publiko ng mga impormasyon ng isang tatak o
produkto dahil mula na mismo sa mga namimili ang mga datos na nakuha. Kung malalaman ang
mga epekitbo o di kaya ang pinakaepektibo na paraan ng pagpapalaganap ng impormasyon ng
isang produkto, sa darating na mga panahon ay magagamit narin ang mga paraan na ito sa mas
mabisang paraan.
E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pagaaral nito ay isinagawa ng grupo gamit ang surbey at pagsangguni sa mga iba’t
ibang awtor na mas may kaalaman sa field ng advertising. Ang aming survey ay base sa mga
tanong na aming ginawa upang maintindihan ng mambabasa ang mga nagagawa ng advertising
para sa Clear at Vaseline shampoo. Ang aming pagaaral ay limitado sa mga sagot lamang ng
aming mga napagatanungan at aming mga nabasa.
P a g e | 5
F. Depinisyon ng mga Termino
Advertising- Ang paggamit ng media upang ilahad sa nakararami ang produkto, serbisyo
o ano mang bagay.
Konsumer- isang tao o oraganisasyon na gumagamit at bumibili ng isang bagay.
Merkado - kung saan ang mga kalakal at serbisyo ay binili at naibenta
Sale- kantidad ng mga nabenta
Target Market - grupo ng mga tao na ang mga pangangailangan at mga kagustuhan ay
tumutugma sa produkto na hanay ng isang kumpanya at kanino ang mga produkto ay
marketed
II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Wala pang literatura o pag-aaral na nakasagawa na tungkol sa aming paksa.
III. Metodolohiya ng Pananaliksik
Ang aming grupo ay nagpasagot ng surbey sa mga tao tungkol sa komersyal ng dalawang
produkto, ang Clear shampoo at ang Vaseline shampoo. Itinanong namin kung sila ay nakapanuod na ng
komersyal ng mga ito at pinasagot namin ang aming surbey. Kami din ay nagsagawa ng interbyu sa mga
tindahan o sari-sari store na nagbebenta ng Vaseline at Clear shampoo. Kami din ay nagsaliksik gamit
ang internet at ang iba’t ibang libro.
P a g e | 6
Surbey
1. Ilang taon gulang ka na?
2. Nakakapanood ka na ba ng commercials ng Vaseline at Clear?
Oo, pareho
Oo, Vaseline lang
Oo, Clear lang
Hindi3. Ang mga commercial ba na ito ay nakahikayat sa iyo na bumili?
Oo
Hindi4. Ang mga personalidad ba na nakikita sa mga commercial ay nakakahikayat ba sa inyo bumuli ng produkto?
Oo
Hindi5. Palagay mo ba ay epektibo ang mga commercial upang mapakilala ng lubusan ang mga produkto?
Oo
Hindi6. Naiintindihan mo ba ng maayos ang mga gusto iparating ng mga commercial?
Oo
Hindi7. Nagkaroon na ba ng pagkakataon na dahil sa commercial ng Vaseline o Clear ay napabili ka nito?
Oo
Hindi8. Sino o ano ang nagpakilala sa inyo sa produkto?
Tv komersyal
pamilya o kaibigan
print ads
Iba pa: 9. Gumana ba ang mga produkto katulad ng isinasaad sa mga commercial?
P a g e | 7
Oo
Hindi
Surbey 2
1. Ano ang iyong kasarian?
Babae
Lalaki
2. Kung may dalawang klase lamang ng shampoo ang meron sa mundo ano dito ang gagamitin mo?
Vaseline
Clear
Bakit?
3. Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Vaseline?
Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Vaseline? Mga bata
Mga teenager
Mga matanda
Mga magulang
Mga lolo at lola
4. Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Clear?
Mga bata
Mga teenager
Mga matanda
P a g e | 8
Mga magulang
Mga lolo at lola
5. Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Vaseline?
Kababaihan
Kalalakihan
Paano mo ito nasabi?
6. Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Clear?
Kababaihan
Kalalakihan
Paano mo ito nasabi?
7. Ano dito ang nasubukan mo nang gamitin?
Clear
Vaseline
8. Ano ang masasabi mo sa (mga) nagamit mo nang produkto?
9. Kung hindi mo pa nasusubukan ang kahit ano sa Clear at Vaseline, bakit hindi pa?
IV. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
Mga tiyak na suliranin
1. Anu-ano ang mga mensahe na ibinibigay ng mga produkto mula sa kanilang advertisement?
2. Bakit mas epektibo ang advertisement ng produktong A kumpara sa produktong B?
3. Ano ang mga epekto ng advertisement sa produkto? Kung wala ang advertisement sa produkto?
P a g e | 9
Presentasyon ng sagot sa mga tiyak na suliranin
1. Ang mga mensahe na ibinibigay mula sa mga advertisement ay depende sa kung ano ang
gustong iparating nga mga kumpanya tungkol sa kanilang mga produkto. Ang karaniwang
isinasaad dito ay kung paano gumagana ang isang produkto at kung ano ang mga magiging
epekto nito. Kasama rin sa advertisement kung anong klaseng tao ang gumagamit nito para
maakit ang mga taong katulad o gusto maging katulad ng kung sino ang personalidad sa mga
advertisement.
2. Nakita namin sa aming mga surbey at interbyu, na ang Clear ay mas nakakabenta kaysa sa
Vaseline. Mas maganda at mas epektibo ang patalastas at katangian ng produkto kumpara sa
Vaseline. Ang target market ng dalawang produkto ng shampoo, ay kahit anong age group basta
may buhok. Subalit mas nakakakuha ng atensyon and patalastas ng Clear shampoo dahil ito ay
mas bago at ito ay gumagamit ng sikat at batang actor.
3. Ayon sa diksyunaryo and advertising ang paggamit ng media upang ilahad sa nakararami ang
produkto, serbisyo o ano mang bagay. ("advertising," ) Bakit nga ba importante ito sa mga
magbebenta ng produkto? Madaling isipin na ang produkto ay makikilala ng nakarararmi, ngunit
and advertising ay mas malaki ang impact kung ang pagkagawa ng adbertismo ay epektibo
upang tumatak sa isipan ng mga manonood ang adbertisment. Bakit nga ba tatak sa mga
manonood ang adbertisment ng dalawang shampoo? Una ay malaki ang audience na nararating
ng paggamit ng telebisyon, dahil dito mas napaparami ang mga taong makakakilala sa mga
shampoo. Ayon sa “Radio and TV Advertising” ang paggawa ng adbertisment ay dapat may
target market, may budget, may mga gagawa ng endorsment, at impormasyon galing sa mga
taong nakagawa na ng endorsment. Ang lahat ng ito ay makatutulong sa paggawa ng epektibong
commercial.
P a g e | 10
Mapapansin na ang Vaseline ay biglaang lumabas at napuno ang mga istasyon ng mga
commerical nito. Gumamit ang gumawa ng adbertisment ng mga sikat na artista na may
magaganda at mahahabang buhok katulad ni Heart Evangelista, Nikki Gil at iba pang mga artista.
Ayon sa “Examining the Effectiveness of Athlete Celebrity Endorser Characteristics and Product
Brand Type: The Endorser Sexpertise Continuum” ang endorser ay nakatutulong sa pagpapalaki
ng pagkakilala sa produkto dahil ang mga endorser ay tumutulong na ibahagi ang kanilang
popularidad sa produktong kanilang iniiendorso. Dagdag pa dito ay nagkakaroon ang mga
manonood ng pagiisip na ang endorser ng produkto ay gumagamait rin ng nasabing produkto. Sa
Vaseline ipinapahayag ng commercial na ang mga artista ay gumamit ng produkto nila kaya ang
kanilang buhok ay mahahaba ay mukhang malusog. Gayon din naman sa Clear, ipinapakita
naman dito si Mr. Piolo Pascual at mga kasama niyang ibang artista na ang Clear ay nakakawala
ng dandruff at epektibo sa pagmimintina ng buhok upang ito ay manatiling malusog.
Ang paggamit ng biglaang paglabas ng mga adbertisment ay nagpapalaki ng benta dahil
ang mga tao ay magugulat sa rami ng adbertiement sa telebisyon at sa kanilang isipan ay
nakapagtataka na ang lakas ng advertising, siguro ay ang produktong ito ay epektibo at maganda
gamitin. ("Market tests: sales," 1998) Ayon naman sa aming pagtatanong sa mga tindahan
pansin nila ang pagtaas ng kanilang benta lalo na pag may bagong labas na commercial.
Idinagdag rin nila na ang clear ay malakas ang benta ngayon, sa aming palagay ito ay dahil sa
mga bagong labas na commercial sa tv. Karamihan raw na bumibili ay may mga edad na
teenagers hanggang sa mga matatanda.
Sa paghahanap ng mga teorya at sa mga interview na aming isinagawa ang advertisment
ay epektibo dahil nakikilala ang produkto at ang gusto nito iparating sa mga manonood. Sa
aming palagay ang di-paggamit nito ng isang nagbebenta ay baba ang benta, mahihirapan ang
paglaki ng kumpanya at mas konting tao ang makakaalam ng kanilang produkto.
P a g e | 11
Mga resulta ng interbyu at mga surbey
90%
5%5%
Nakapanood ka na ba ng commercials ng Vaseline at Clear?
Oo, perho Oo, Vaseline lang Oo, Clear lang Hindi
Pinapakita dito na karamihan ng tao ay nakapanuod na ng commercials ng Vaseline at
Clear at kaunting pursyento lamang ang hindi pa nakakapanuod. Masasabi rin na epektibo ang
mga commercial na ginawa at ipinalabas dahil alam ng mga konsumer ang kanilang napanuod na
commercial.
P a g e | 12
44%
56%
Ang mga commercial ba na ito ay nakahikayat sa iyo na bumili?
Oo Hindi
Hindi kaagad kasunod ng pagpapanuod ng patalastas ang pagbili sa mga produkto,
minsan ay hindi sapat ang nasa patalastas upang makahikayat na bumili ang nakapanuod.
24%
76%
Ang mga personalidad ba na nakikita sa mga commercial ay nakakahikayat ba sa inyo bumuli ng produkto?
Oo Hindi
Hindi rin lamang nakasalalay sa kung sino ang personalidad ang nasa patalastas, marami
ang hindi nahihikayat ng personalidad na kanilang napapanuod o naririnig pero kahit papaano ay
may pursyento rin na nahihikayat ng personalidad.
P a g e | 13
61%
39%
Palagay mo ba ay epektibo ang mga commercial upang mapakilala ng lubusan ang mga produkto?
Oo Hindi
Ang unang layunin ng commercial ay ipaalam sa publiko ang kanilang produkto o
serbisyo, at tama lamang na maging epektibo ang mga ito upang makilala ng lubusan ang
produkto. Pero hindi para sa lahat ay sapat na ito at epektibo ito para sa produkto dahil marami
pang paraan para makilala ng lubusan ang produkto katulad nalamang ng mga sample.
P a g e | 14
78%
22%
Naiintindihan mo ba ng maayos ang mga gusto iparating ng mga commercial?
Oo Hindi
Hindi lahat ng mensahe sa patalastas ay napaparating sa mga konsyumer, ngunit napaka
importante na maparating ng maayos at tama ang mensahe ng isang patalastas dahil
nakasalalay rito kung ano ang magiging reaksyon ng consumer sa produkto, kung bibilin ba nito
o hindi at kung ano ang magiging tingin nila sa produktong ito.
P a g e | 15
78%
22%
Nagkaroon na ba ng pagkakataon na dahil sa commercial ng Vaseline o Clear ay napabili ka nito?
Oo Hindi
Ang pangunahing layunin ng mga commercial ay mapabili nila ang mga nanunuod nito
pero hindi lahat ng nanunuod nito ay para sa kanila ang commercial, may tinatawag din na
target market ang mga produkto at sila ang malamang na maaakit ng commercial para bumili ng
kanilang produkto.
P a g e | 16
83%
17%
Sino o ano ang nagpakilala sa iyo sa produkto?
tv komersyal pamilya o kaibigan
Pinapakamalaking pursyento parin ang tv komersyal upang maipalaganap ang mga
produkto dahil malaking pursyento rin ang nakakapanuod ng tv sa isang bigay na oras sa tamang
oras at tamang consumer o nanunuod kung kaya nagiging epektibo ang tv komersyals.
P a g e | 17
56%
44%
Gumana ba ang mga produkto katulad ng isinasaad sa mga commercial?
Oo Hindi
Mula sa mga commercial ay nalalaman kung pano gamitin o ano ang gamit ng isang
produkto, kaya dapat mula dito ay dapat makatotohanan ang mga isinasaad. Hindi natin
masasabi na hindi makatotohanan ang mga commersyal dahil labag ito sa batas, pero masasabi
natin na hindi kuntento ang ilang konsumer sa kanilang nabiling produkto.
P a g e | 18
Ang mga sumusunod na resulta ay nagmula sa mga hindi piling (random) na sampung kababaihan.
60%
40%
Kung may dalawang klase lamang ng shampoo ang meron sa mundo ano dito ang gagamitin mo?
Vaseline Clear
Masasabi dito na mas pipiliin ng babae na gamitin ang Vaseline kumpara sa Clear, kahit
na hindi nagkakalayo ang resulta nila. Dahil nakasaad sa Vaseline na ang kanilang produkto ay
importante ang pagkabango nito at nagpapatibay sa buhok, mas nakaaakit ito sa kababaihan
dahil habol nila sa shampoo ang mabango at nagpapatibay ng buhok. Ang Clear naman ay mas
nakaaakit sa mga taong ayaw sa masyadong mababagong amoy at gusto rin nila na
nakatatanggal o nakakaiwas sa pagbuo ng balakubak.
P a g e | 19
30%
30%
15%
20%
5%
Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Vaseline?
Mga bata Mga teenager Mga matanda Mga magulang Mga lolo at lola
Ang target market ng Vaseline ay mga pamilya, ayon sa resulta ay ang mga taong
malamang na gumagamit ng Vaseline ay mga bata, teenager at magulang. Ang mga bata,
teenager at magulang ay malamang na magkakasama sa isang bahay bilang isang pamilya.
Madalas sa isang pamilya ang gumagamit ng iisang klase ng shampoo lamang dahil mas
nakakatpid ito para sa mga magulang.
P a g e | 20
6%
39%
33%
17%
6%
Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Clear?
Mga bata Mga teenager Mga matanda Mga magulang Mga lolo at lola
Walang duda na magkaiba ang target market ng Vaseline at Clear. Kung ikukupara ang
resulta ng sinusundan na resulta ay ang Clear ay mas naaangkop para sa mga teenager at
matanda, hindi kasama ang mga bata at magulang dahil ang bata at magulang ay naangkop para
sa mga pamilya at ang terminong teenager at matanda ay naangkop bilang mga inidbidwal.
P a g e | 21
100%
Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Vaseline?
Kababaihan Kalalakihan
Ang Vaseline ay mas nakaaakit ng mga kababaihan dahil sa mabangong amoy nito na
gusto ng mga babae at mula sa mga commersyal ay ang target market ng Vaseline ay mga
kababaihan at pamilya, hindi mga lalaki.
P a g e | 22
20%
80%
Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Clear?
Kababaihan Kalalakihan
Ang mas naaakit ng Clear ay ang mga lalaki mula sa resulta dito, makikita rin natin sa
ilang komersyal ng Clear na lalaki ang kanilang piling target market para sa kanilang shampoo na may
leybel pa na “Clear Men” dahil sa amoy nito at sa tapang ng formulasyon nito para sa kanilang shampoo
na iwas balakubak na natatanging para sa mga lalaki pero hindi rin lahat ng kanilang produkto ay pang
lalaki lamang. May piling produkto lamang ang Clear na piling pang lalaki ang gamit.
V. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon
Ang pagaaral na ito ay tungkol sa mga adbertisment ng Clear at Vaseline shampoo.
gumamit kami ng mga tanong upang pagusapan ang nasabing paksa, ang mga ito ay, Anu-ano
ang mga mensahe na ibinibigay ng mga produkto mula sa kanilang advertisement? Bakit mas
epektibo ang advertisement ng produktong A kumpara sa produktong B? At ang huli ay, Ano ang
mga epekto ng advertisement sa produkto? Kung wala ang advertisement sa produkto? Sinagot
namin ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanong tanong sa mga tao sa mga tindahan at mga
konsumer sa pamamagitan ng surbey.
P a g e | 23
Ang adbertising ay importante upang makilala ang produkto. Para sa dalawang shampoo
na aming, pareho silang gumagamit nito upang mapakilala ang kanilang produkto at ang kung
para saan ito. Ipinapakita nila ito upang tumaas ang kanilang benta at kumita rin ng malaki.
Gumagamit sila ng mga endorser dahil pag sikat ang mga endorser sisikat rin naman ang
kanilang prodkuto. Epektibo ang parehong kumpanya ng dalawang shampoo dahil ayon sa
aming surbey, maraming tao ang nakakaalam sa Vaseline at Clear.
Inirerekumenda ng grupo na ang mga susunod na mananaliksik sa itong pagaaral na ito
ay humingi ng mga datos na galing sa mga gumawa ng produkto upang makita ang mga
naitulong ng paggawa nila ng adbertisment. Inirerekumenda rin namin na lakihan ang
pagkukumpara sa iba pang brand ng shampoo na ibang kumpanya ang gumawa.
Ang adbertisment ay nakatutulong sa pagpapakilala ng mga dalawang shampoo sa mga
konsumer. Ang mga adbertisment ay nagpapalakas ng sales kung ang adbertiements ay tama
ang pagkakagawa at malinaw ang pagpapakilala. Kung wala nito ay mahihirapan ang
pagapapakilala ng produkto at hindi masasagad ang pagbebenta nito.
P a g e | 24
Sanggunian
advertising. (n.d.). The American Heritage® Dictionary of the English Language, Fourth Edition.
Retrieved April 10, 2010, from Dictionary.com website:
http://dictionary.reference.com/browse/advertising
Clear. (n.d.) Retrieved 9:15, April 11, 2010, from
http://www.unilever.com.my/ourbrands/personalcare/clear.asp?linkid=dropdown
consumer. (n.d.). Dictionary.com Unabridged. Retrieved April 10, 2010, from Dictionary.com
website: http://dictionary.reference.com/browse/consumer
Simmers, C, Martinez, D, & Haytko, D. (2009). Examining the effectiveness of athlete celebrity
endorser characteristics and product brand type: the endorser sexpertise continuum. 1, Market
tests: sales effectiveness of tv + magazines. (1998). Retrieved from
http://www.ppamarketing.net/cgi-bin/wms.pl/726
Unilever. (2010, April 9). In Wikipedia, The Free Encyclopedia. Retrieved 13:03, April 11, 2010,
from http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Unilever&oldid=354967659
Vaseline Shampoo. (n.d.). Retrieved 9:16pm, April 11, 2010, from
http://www.unilever.com.ph/ourbrands/personalcare/vaselineshampoo.asp
P a g e | 25
Apendises
P a g e | 26
P a g e | 27
P a g e | 28
P a g e | 29
P a g e | 30
P a g e | 31
P a g e | 32
P a g e | 33
P a g e | 34
P a g e | 35
P a g e | 36
P a g e | 37
P a g e | 38
P a g e | 39
P a g e | 40
P a g e | 41
P a g e | 42
P a g e | 43
P a g e | 44
P a g e | 45
P a g e | 46
P a g e | 47
P a g e | 48
P a g e | 49
P a g e | 50
P a g e | 51
P a g e | 52
P a g e | 53
P a g e | 54
P a g e | 55
P a g e | 56
P a g e | 57
P a g e | 58
P a g e | 59