Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: 8

Transcript of Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

Page 1: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 2

Pagpapakita ng Pasasalamat

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Seksyon:

Paaralan:

8

Page 2: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

1

ALAMIN

Bahagi ng ating pagkatao ang marunong magpahalaga sa mga taong

nakagagawa sa atin ng kabutihan. Mahalaga na isipin ang magandang

nagagawa nito sa sarili lalo na sa mga taong dapat naglaan ng pasasalamat.

Mahalaga rin na malaman ng tao kung kanino tunay na nagmumula ang mga

biyayang natanggap.

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na

dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

a. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng

pasasalamat o kawalan nito. EsP8PB-IIIa-9.2

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik lamang.

1. Ang Pagpapasalamat ay gawi ng isang taong__________.

a. Masayahin

b. Mapagpakumbaba

c. Mapagpasalamat

d. Madaldal

2. Hindi ka masaya sa pamumuno ng iyong Barangay Officials kahit na

makikita ang magandang pagbabago ng inyong pamayanan. Anong gawi

ang iyong pinapakita?

a. Pagmamahal sa sarili

b. Kabutihang-loob

c. Pagmamalasakit sa kapwa

d. Kawalan ng pasasalamat

3. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat,

Maliban sa;

a. Pagiging maingat sa materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.

b. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinakita mo ang

pasasalamat sa kanila

c. Pagkakaroon ng kagalakan sa kinikilala mo ang mga kabutihang

kaloob ng kapwa

d. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil naging

positibo ka sa pananaw sa buhay.

Page 3: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

2

4. Nakita ng iyong kapitbahay ang iyong gintong kuwentas na nawala at

ibinalik niya ito sa iyo, ngunit pinagalitan mo siya dahil hindi niya

naisauli ka agad. Anong gawi ang ipinapakita?

a. Pagmamahal sa sarili

b. Kabutihang-loob

c. Pagmamalasakit sa kapwa

d. Kawalan ng pasasalamat

5. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kawalan ng

pasasalamat maliban sa_______

a. Pagiging mataas o mayabang

b. Mapagpasalamat

c. Walang utang na loob

d. Walang pakialam

6. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng

a. Biyaya c. karunungan

b. Katapangan d. kagandahan

7. Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong may pasasalamat?

a. Si Ana ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil

alam niyang pahalagahan ang mabubuting natanggap

Niya mula sa iba at sa Diyos.

b. Sa kabila ng mga pagpapalang natanggap ni Roy ay marunong pa

rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan.

c. Nag aaral ng mabuti si Lito upang marating niya ang kaniyang

mga pangarap.

d. Laging nagpasalamt si Jane sa mga taong tumulong sa kanya

kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.

8. Ano ang naging epekto kung hindi maipapakita ang pasasalamat?

a. Maaaring isipin ng mga tao na hindi ka marunong tumanaw ng

utang na loob

b. Maaring isipin ng mga tao na magagaling ka

c. Isipin ng mga tao na dahil mayayaman ka

d. Lahat sa nabanggit

9. Bakit mahalaga na maisabuhay o maipakita ang pasasalamat?

a. Para maipakita mo sa taong pinasasalamatan mo ang

pagpapahalaga at maipakita ang utang na loob

b. Para maipakita mo sa tao na may kakayahan kang magpasalamat

c. Para maipakita mo sa tao na kaya mong magbayad ng utang

d. Para maipakita mo sa taong pinanasalamatan na wala kang

utang na loob.

10. Nararapat bang pasalamatan ang mga magulang? Bakit?

a. Oo, dahil sila ang nagpapalaki sa iyo

b. Oo, dahil sa walang sawang kumakalinga sa iyo

c. Hindi, dahil karapatan nilang alagaan ang mga anak

d. Hindi, dahil mga matatanda na sila

Page 4: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

3

BALIKAN

Gawain 1: .

Panuto: Batay sa gawain, anu-ano ang natuklasan mo tungkol sa

pasasalamat? Isulat sa bawat sinag ng araw ang iyong natuklasan.

Tanong:

1. Ano ang nalaman mo sa iyong sarili?

2. Sinu-sino ang binibigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay?

3. Naipapakita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano? 4. Mahalaga ba sa iyo ang mapagpasasalamat

Pasasalamat

Page 5: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

4

TUKLASIN

Gawain 2 :

Panuto: Ipikit ang iyong mga mata sa loob ng sampung segundo. At pagnilayan kung kailan ka huling nagpapasalamat sa mga taong may

kaugnayan sa iyo. Isulat sa loob ng puso ang iyong sagot.

Pamantayan sa Paggawa

SURIIN

Isang guro ko noong hayskul ang nagpakita ng

kakaibang dedikasyon sa kaniyang propesyon. Hindi na niya naisipang

mag-asawa at inilaan na lamang niya ang kaniyang panahon sa pagtuturo sa amin. Napakabait niya at mapang unawa sa aming kakulangan.Kaya sa

aming gradwasyon, sinabi ko sa kaniya na siya ang pinakapaborito kong

guro at binigyan ko siya ng isang liham pasasalamat. Sinabi ko rito na dahil sa kaniyang mabuting halimbawa, nagpasiya akong maging isang guro.

Nagkakaroon ka na ba ng ganitong pag-alala sa mga taong nagpakita

Pamantayan Deskripsyon Kaukulang

Puntos

Nakukuhang

Puntos

Nilalaman Angkop ang nilalaman sa hinihingi

10

Ideya Tama ang paliwanag 10

Prensentasyon Maayos at malinis ang

pagkagawa

10

Kabuuan 30

Page 6: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

5

sa iyo ng pagmamalasakit? Naipakita mo na ba ang iyong pasasalamat kahit

sa simpleng paraan lamang? Bakit nga ba mahalaga ang pagpapakita ng pasasalamat?

Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat; ang

pagiging handa sa gumawa sa kaniya ng kabutihang loob. Ito rin ay pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa

ng kabutihan.

Gawain 3: Kung Ako Ikaw!

Panuto: Maraming mga halimbawa o sitwasyon ang pagpapakita ng

pasasalamat ang ating narinig o nabasa . Ngunit mayroon din namang hindi

marunong magpakita ng pasasalamat. Suriin ang mga sitwasyon tungkol sa

pasasalamat.

1. Isang traysikel drayber na si Jayson ang nakapulot ng mahigit na

P50,000 na cash at 340,000 na halaga ng tseke mula sa upuan ng kaniyang traysikel. Sa panahon na iyon, mahigpit ang kanyang

pangangailangan sa pera dahil ang kanyang bunsong anak ay

nangangailangan ng dagliang operasyon. Pinag-isipan niyang mabuti

ang kanyang gagawin. Marami sa mga kasamahan niyang nagtatraysikel ang nagsabi sa kaniya na huwag nang ibalik at gamitin

na lamang sa operasyon ng kaniyang anak. Dahil nanaig pa rin ang turo

ng kaniyang magulang at dikta ng konsiyensya, pinagpasiyahan niyang ibalik ang pera at tseke sa may ari sa tulong ng isang istasyon ng radyo.

Lubos ang kagalakan ng may ari at pinasalamatan niya si Jayson na

tutulungan siya sa pagpapaopera sa kanyang anak.

2. Mahirap ang pamilya ni Jane. Hirap sila maging sa kanilang mga

pangunahing pangangailangan sa buhay. Napilitan ang mga magulang

ni Jane na pumunta sa ibang bansa upang mabigyan siya ng

magandang kinabukasan. Naging masuwerte naman ang kanyang magulang sa kanilang mga trabaho. Naibigay nila kay Jane ang lahat

ng kanyang kailangan. Maging mga mamahaling gamit ay kaya na

nilang ibigay sa kanya. Inaasahan ng kanyang mga magulang na

lalaking maayos si Jane at mag- aaral nang mabuti. Ngunit taliwas sa kanilang inaasahan, natuto si Jane na sumama sa masamang barkada

na naging dahilan ng maagang pagbubuntis. Iniwan pa siya ng kanyang

kasintahan. Nabigo niya ang kanyang mga magulang na makapagtapos sa kaniyang pag- aaral.

3. Si Mateo ay naulila dahil sa isang aksidenteng ikinamatay ng kanyang

mga magulang. Dahil sa awa ng kanyang guro at kagustuhang

makatapos siya sa pag aaral, hinanapan siya ng taong maaring magpa-

aral sa kanya. Isang pari sa kumbento ang nagpa-aral sa kanya , hanggang siya ay makatapos ng kolehiyo. Hindi naging madali kay Mateo

ang kanyang pinagdaanan dahil sa kailangan niya itong sabayan ng sipag

Page 7: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

6

at tiyaga. Nakapagtrabaho si Mateo sa Amerika ngunit hindi niya

makalimutan ang mga taong tumulong sa kanya upang maabot ang mga pangarap. Bumalik siya sa Pilipinas upang pasalamatan ang kaniyang

guro at pari na itinuring na niyang ikalawang magulang.

4. Si Luis ay isang lumpong bata. Hindi siya nag aaral dahil sa kahirapan.

Pangarap niyang makapaglakad, makapag-aaral, at makapaglaro

kasama ang mga kaibigan. Ngunit dahil sa kanyang kalagayan, alam niyang hindi niya magagawa ito. Isang araw , isang social worker ang

nakaalam sa kanyang sitwasyon. Inilapit niya ito sa kanyang orthopedic

surgeon upang bigyan ng libreng operasyon para siya ay makalakad. Laking tuwa ni Luis nang siya ay makalakad. Bilang pasasalamat sa

social worker, ipinangako niya na gagamitin niya ang kanyang buhay

nang may pasasalamat at tutulong din siya sa mga taong nangangailangan.

Panuto: Punan ang tsart batay sa binasang mga sitwasyon.

Bilang ng sitwasyon

Pangunahing Tauhan

Sitwasyong Kinakaharap

Paano Nalampasan

Paano ipinakita ang pasalamat

1

2

3

4

Tanong:

1. Papaano kung hindi naipakita ang pasasalamat ? Ano ang iyong

gagawin?

2. Nais mo bang isabuhay din ang pasasalamat? Bakit?

3. Paano mo ipapakita ang pasasalamat sa ibang tao? Magbigay ng

halimbawa.

Page 8: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

7

Gawain 4:

Panuto: Isulat sa loob ng kahon sa ibaba ng smiley ang mga taong pinasasalamatan mo sa buhay. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Bakit mo sila pinasalamatan? Isa-isahin ang dahilan sa bawat

taong pinasalamatan.

PAGYAMANIN

Panuto: Tingnang mabuti ang dalawang larawan.Tukuyin kung ito ba ay

nagpapakita ng pasasalamat. Sagutin ang tanong na nasa ibaba ng bawat

larawan.Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan.

Ano Para sa iyo ang pasasalamat? Dapat bang magpasalamat sa taong

nakagawa sa iyo ng kabutihan? Pangatwiranan.

________________________________________

________________________________________

_+

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____

_________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________

____

________________________________________

________________________________________

_+

________________________________________

________________________________________

_+

________________________________________

________________________________________

_+

________________________________________________________________________________

_+

Page 9: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

8

Ang mapagpasalamat

ay

Mahalaga pa rin na ikaw ay marunong magpasalamat sa mga

mumunting biyayang natatanggap, tulad ng pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan, at lalung-lalo na sa Diyos. Nararapat lamang na pasalamatan ang

mga magulang na walang sawang nagpapakita ng kalinga sa iyo, ang mga

kaibigan na nagbibigay sa iyo ng saya sa hirap at ginhawa, mga taong nagbibigay ng serbisyo tulad ng mga guro, mga alagad ng Diyos, doktor, pulis

at iba pa. At ang karapat-dapat na bigyan ng pasasalamat ay mga alagad ng

Diyos na tunay na nagmamahal sa bawat isa. Anuman ang mayroon ka sa

buhay ay biyaya mula sa Kaniya . At mas higit na hindi ikalulugod ng Diyos kung hindi natin pahahalagahan ng mga ito.

ISAISIP

Gawain 5

Panuto: Gamit ang graphic organizer, buuin ang mahalagang konsepto na

nahihinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin. Dugtungan ang

mga salita na nasa ibaba

Ang pagkilala ________________

______________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________

Kabaligtaran ng_______________

__________________________________________________________________

Page 10: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

9

ISAGAWA

Panuto. Gumawa ng book mark na naglalaman ng mga pahayag kaugnay ng

kahalagahan ng pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa.

At Idikit ito sa modyul.

Mga Pamantayan sa Paggawa ng book mark.

Pamantayan Deskripsyon Kaukulang

Puntos

Nakukuhang

Puntos

Pagiging

Malikhain

Maganda at Makulay

na pagkagawa

10

Nilalaman Angkop ang nilalaman

ng awtput

20

Presentasyon Malinis ang pagkagawa

10

Ideya Tama ang Ideya 10

Total 50

PAGTATAYA (Set A)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik lamang.

1. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?

a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng

pasasalamat.

b. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit na naghihintay ng

kapalit

c. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

d. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginawa

lang niya ang trabaho niya

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat?

a. Hindi pagkilala o pagbigay halaga sa taong gumawa ng kabutihan

b. Paghingi ng suporta sa mga magulang dahil menor de edad

c. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa

Page 11: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

10

d. Lahat sa nabanggit

3. Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong may pasasalamat?

a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil

alam niyang pahalagahan ang mabubuting natanggap

Niya mula sa iba at sa Diyos.

b. Sa kabila ng mga pagpapalang natannggap ni Rey ay marunong pa

rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan.

c. Nag aaral ng mabuti c Jojo upang marating niya ang kaniyng mga

pangarap.

d. Laging ngpasalamt si Janet sa mga taong tumulong a kanya kahit

hindi bukal s kaniyang kalooban.

4. Ang Pagpapasalamat ay gawi ng isang taong__________.

a. Masayahin

b. Mapagpasalamat

c. Mapagpakumbaba

d. Madaldal

5. Ano ang naging epekto kung hindi maipapakita ang pasasalamat?

a. Maaring Isipin ng mga tao na marunong ka

b. Maaaring isipin ng mga tao na hindi ka marunong tumanaw ng

utang na loob

c. Isipin ng mga tao na dahil mayayaman ka

d. Maaaring isipin ng tao na magagaling ka

6. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kawalan ng pasasalamat maliban sa_______

a. Pagiging mataas o mayabang

b. Walang utang na loob

c. Mapagmahal/ mapagpasalamat

d. Walang pakialam

7. Niyaya ka ng iyong Tita na pumunta sa isa sa mga magagandang lugar

sa Pilipinas,natuwa ka dahil yun din ang lugar na gusto mong puntahan.

Ano kaya ang iyong gagawin?

a. Magpasalamat na may kagalakan

b. Magpasalamat ngunit hindi bukal sa kalooban

c. Wala lang dahil hindi mo type

d. Masaya dahil gusto mo

8. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat,

Maliban sa;

a. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil naging

positibo ka sa pananaw sa buhay.

b. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinakita mo ang

pasasalamat sa kanila

c. . Pagkakaroon ng kagalakan sa kinikilala mo ang mga kabutihang

kaloob ng kapwa

d. Pagiging maingat sa materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.

Page 12: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

11

9. Guminhawa ang iyong kalooban nang pagising mo isang umaga ay

nalanghap mo ang sariwang hangin at binati ka ng masayang huni ng

ibon. Sino kaya ang dapat mong pasalamatan?

a. Magpasalamat sa mga magulang dahil inaalagan nila ako

b. Magpasalamat sa Mga kapitbahay

c. Magpasalamat sa may kapal dahil sa magagandang kalikasan na

kaloob Niya.

d. Lahat sa nabanggit

10. Ano nga ba ang pasasalamat?

a. Gawi sa taong hindi marunong magpapasalamat

b. Gawi ng isang taong mapagpasalamat

c. Gawi ng may bukas na kalooban

d. Lahat sa nabanggit

Set B Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik lamang.

1. Nakatanggap ng ayuda ang inyong pamilya ngunit hindi ka nakontento sa

binigay sa inyo ng gobyerno. Ito ay nagpapakita ng.

a. Kawalan ng pasasalamat

b. Kabutihang-loob

c. Pagmamalasakit sa kapwa

d. Pagmamahal sa sarili

2. Nawala ang iyong pera para pambayad ng tubig at kureyente, may

tumawag sa iyo upang ibalik ang nawala mong pera, sa sobrang tuwa

napayakap ka sa kanya at nagpapasalamat.

a. Kawalang ng pasasalamat

b. Kabutihang loob

c. Pagmamalasakit sa sarili

d. Pagmamahal sa sarili

3. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng

__________.

a. Kamalasan

b. Katapangan

c. Biyaya

d. Kagandahan

4. Binigyan ka ng tinapay ng iyong kaklase malugod mo itong tinanggap at

ikaw ay nagpapasalamat ng bukal sa puso. Anong gawi ang iyong

pinapakita?

a. Walang utang na loob

b. Mapagpasalamat

Page 13: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

12

c. Pagmamalasakit

d. May kabutihang-loob

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pasasalamat?

a. Pumunta ka sa simbahan, nagdasal at nagpasalamat sa mga biyayang

natanggap

b. Natuwa ka ng nalampasan mo lahat ng pagsubok sa buhay

c. Masaya ka sa kinaharap nating pandemya dahil hindi kana gagastos

ng pamasahe papuntang paaralan

d. Lahat ng nabanggit

6. Paano mo maisasabuhay ang pasasalamat?

a. Sa pamamagitan ng pagsabi ng “walang kwenta”

b. Sa pamamagitan ng pagsabi ng “salamat”

c. Sa pamamagitan ng pagsabi ng “ mahal mo ako”

d. Sa pamamagitan ng pagsabi ng “hiwalay na tayo”

7. Bakit mahalaga na maisabuhay o maipakita ang pasasalamat?

a. Para maipakita mo sa taong pinasasalamatan mo ang pagpapahala-

ga at maipakita ang utang na loob

b. Para maipakita mo sa tao na may kakayahan kang magpasalamat

c. Para maipakita mo sa tao na kaya mong magbayad ng utang

d. Para maipakit mo sa taong pinanasalamatan na wala kang utang na

loob

8. Isang araw, may matandang tumawid sa kalsada at tinulungan siya ng

isang bata sa pagtawid. Kinabukasan nakita ulit ng matanda ang bata,

inanyayahan niya itong kumain. Nagpapakita ba ito ng pasasalamat?

a. Oo, dahil marunong tumanaw na utang na loob ang matanda

b. Oo, dahil karapatan niyang pakainin ang bata

c. Hindi, dapat lang na pakainin nya ang bata

d. Hindi, dahil kinabukasan pa niya pinakain ang bata

9. Nararapat bang pasalamatan ang mga magulang? Bakit?

a. Oo, dahil sila ang nagpapalaki sa iyo

b. Oo, dahil sa walang sawang kumakalinga sa iyo

c. Hindi, dahil karapatan nilang alagaan ang mga anak

d. Hindi, dahil mga matatanda na sila

10. Ang taong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong

bahagi ng buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil _______

a. May Ama at ina siyang palaging nag -aalaga sa kanya

b. May mga kaibigan siya na kumalinga sa hirap at ginhawa

c. May mabuting Diyos na patuloy na gumagabay sa kanya

d. Lahat sa nabanggit

Page 14: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

13

SUSI SA PAGWAWASTO

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral,

pp 227-252.

Page 15: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

14

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: MERCY P. BULAC, SST-II

Zamboanga del Sur School of Arts and Trades

Pagadian City Division

Editors/ QA: AILEEN L. LUAB

Head Teacher III

Zamboanga del Sur NHS, Pagadian City Division

Tagasuri:

Tagaguhit: NIŃA STEPHANIE O. AMACANIN

Blk 5 lot 15 KVS, Kagawasan , Pagadian City

Tagalapat:

Tagapamahala:

DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI

OIC Schools Division Superintendent

MA. COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID-CHIEF

MA. MADELENE P. MITUDA, EdD

EPS-LRMDS

JOVITA S. DUGENIA

EPS- ESP

Page 16: Ikatlong Markahan Modyul 2 Pagpapakita ng Pasasalamat

11

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain;

For our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below

The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing

my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance

of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖