Ikatlong Markahan.ep1
-
Upload
jenita-jalos-madrigal -
Category
Documents
-
view
529 -
download
6
description
Transcript of Ikatlong Markahan.ep1
Ikatlong Markahan: Paghubog ng Aking Halaga at Birtud para sa Mapanagutang Pagpapasya at Kilos
Aralin 2: Hirarkiya ng Halaga Bilang ng araw/sesyon: 9
Antas 1Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa mga halaga at birtud tungo sa mapanagutang pagpapasya at pagkilos.
Mga Paksa: 1. Kaugnayan ng Halaga at Birtud2. Hirarkiya ng Halaga3. Panloob na Salik na Nakaiimpluwensya sa Paghubog ng
Halaga4. Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensya sa Paghubog ng
Halaga
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay naisasagawa ang mga kilos sa Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Birtud.
Mga Kakailanganin sa Pag-unawa: (Sa Ikatlong Markahan)Ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa halaga, birtud at mga salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng halaga ay nagsisilbing gabay sa mapanagutang pagpapasya at pagkilos.Sa Aralin 2: Hirarkiya ng HalagaAng pinili nating uri ng halaga mula sa hirarkiya ng mga halaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.
Mahahalagang Tanong: (Sa Ikatlong Markahan) Bakit mahalaga ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa halaga, birtud at mga salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng halaga?
Sa Aralin 2: Hirarkiya ng HalagaBakit kailangan ang pagpili ng halaga mula sa hirarkiya ng mga halaga?
Nauunawaan ng mga-aaral ang mga: (Mga Kaalaman)Ang Hirarkiya ng Halaga ayon kay Max Scheler
Limang Katangian ng Mataas na Halaga Mga Antas ng Hirarkiya ng Halaga Halaga ng Pagpili ng Mataas na Antas ng Halaga
Ang mag-aaral ay: (Mga Kasanayan) naisasailalim sa proseso ng pagpili ang mga mag-aaral sa pagitan
ng mga bagay na nararapat bigyan ng mas mataas na halaga nairaranggo ang mga bagay na itinuturing niyang mahalaga batay sa
halaga ng mga ito nakapagsusuri ng sariling pinahahalagahan nakagagawa ng sariling hagdan ng halaga batay sa Hirarkiya ng
Halaga ni Max Scheler nakahihikayat ng mga kakilala o kaibigan na isabuhay ang mataas
na antas ng halagaAntas 2
Inaasahang PagganapPaglalapat sa pang-araw-araw na buhay ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kanilang mga halaga tungo sa makatotohanang pag-unlad ng kanilang pagkatao
Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
PagpapaliwanagPagpapaliwanag ng bawat antas ng Hirarkiya ng Halaga Kraytirya:Makabuluhan ang ginawang pagpapaliwanag sa bawat antas ng Hirarkiya ng Halaga
InterpretasyonPagsusuri ng mga larawang sumisimbolo sa mga bagay na binibigyang-halaga ng tao upang
Sa Antas ng Pagganap:Pagtataya ng paglalapat sa pang-araw-araw na buhay ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kanilang mga halaga batay sa mga sumusunod na kraytirya:
Nauri ang bawat pagpapahalagang itinala
Natukoy ang antas ng sariling mga pagpapahalaga batay sa Tsart ng Hagdan ng Aking Mga Pagpapahalaga
Malikhain ang presentasyon May kalakip na pagninilay