Inihandog ng ikatlong pangkat ang

53
Inihandog ng Ikatlong Pangkat sa inyo ang

description

mam...dra na ang among powerpoint.... :) Group 3

Transcript of Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Page 1: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Inihandog ng Ikatlong

Pangkat sa inyo ang

Page 2: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa

Asya(Aralin 22)

Page 3: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

“Isang Lahi”By: Regine Velasquez Kung ang tinig mo`y

Di naririnigAno nga bang halagaNg buhay sa daigdig

Darating ba ang isa ngayonAt magbabago ang panahonKung ang bawat pagdaing

Ay laging pabulong

Aanhin ko pa,Dito sa mundo

Ang mga matang nakikita`yDi totoo

May ngiting luha ang likuranAt paglayang tanong ay kailan

Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal

Page 4: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

KORO:Sundan mo nang tanaw ang buhay

Mundo ay punan mo ng saya gawing makulayIisa lang ang ating lahi,Iisa lang ang ating lipi

Bakit di pagmamahal ang ialay moPang-unawang tunay ang syang nais ko

Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan sa palad mo

Di ba't ang gabi ay may mayrong wakasPagkatapos ng dilim ay may liwanag

Araw ay agad na sisikatIilawan ang ating landas

Nang magkaisa bawat nating pangarap(Ulitin ang Koro dalawang beses)

Page 5: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Unang Yugto ng

Kolonyalismo

Page 6: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang Timog at Timog Silangang Asya ang unang nakaranas ng kolonyalismo sa ilalim ng

mga Portuguese at Español. Tumungo ang mga Kanluranin sa mga rehiyong ito dahil

sagana ito sa mga rekado.Gayundin, ninais ng mga Kanluranin na mangalakal ng iba pang produkto na hindi karaniwang matatagpuan

sa Europa…….

Timog Asya

Page 7: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mga Epekto ng Pananakop ng

mga Portuguese

Page 8: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang Timog Asya ang unang lugar na narating ng mga Portuguese. Noong 1510, ang Goa ay napasakamay ng mga Portuguese bunga ng pananalakay na isinagawa ni Alfonso de Albuquerque.

Page 9: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Siya si Aphonso d’Albuquerque o mas kilalang Alfonso de Albuquerque. Ipinanganak siya noong 1453 sa Alhandra malapit sa Lisbon. Siya ang ikalawang anak na lalake ni Goncalo de Albuquerque at Doña Leonor de Menezes. Nakapag-aral siya sa paksa na Matematika at Latin kung saan nakaibigan niya si Prince John o ang magiging hari ng Portugal.

Alfonso de Albuquerque

Page 10: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Pinatatag nang husto ang Goa bilang isang moog-tanggulan na siyang naging kabisera ng Estado da India o Imperyong Portuguese sa Asya.Naging isang malaking lungsod ang Goa kuns saan masasalamin ang malawak na impluwensyang Portuguese. Upang maging ganap na monopolyo ng mga Portuguese ang kalakalan sa pampalasa sa pagitan ng tangway ng Malay at Isla ng Sumatra.

Page 11: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang mga produktong pampalasa gaya ng clove, nutmeg, mace, at paminta ay bultu-bultong kinukolekta sa daungan ng Malacca. Sinikap din ng mga Portuguese na mapahuhod ang Mollucas (kilala rin sa katawagang Maluku) upang mapasakamay nila ang kinikilalang pangunahing pinagmulan ng pampalasa. Sinamantala ng mga Portuguese ang alitan sa pagitan ng hari ng ternate at tidore ng moluccas upang makipagsundo sa mga pinuno nito at ganap nang maagaw mula sa kanila ang pangangalakal ng pampalasang nagmumula sa Moluccas. Maging sa China ay nagpadala ng ekspedisyon ang mga Portuguese. Narating nila ang Macao, malapit sa daungan ng Canton, at nagtatag dito ng isang daungang pangkalakalan.

Page 12: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Sa Goa at maging sa mga pulo ng Timog-Silangang Asya, ikinalat ng Portuguese ang Katolisismo. Nagbunga ito ng mapait na alitan ay humantong sa maramihang pagpatay ng lokal na populasyon. Isa rin sa mga patakaran ng mga Portoguese ay ang paghihikayat ng pag-asawa ng kalalakihang Portuguese at kababaihang Indian. Layunin ng ganitong patakaran na magkaroon ng mga anak at apo na may pagkakakilanlan na Portuguese at may matibay na katapatan sa Portugal. Upang maging ganap ang monopolyo ng kalakalan, mahigpit na binantayan ng mga Portuguese ang Indian Ocean. Lahat ng mga sasakyang pandagat na may lulang produktong pang na may lulang produktong pangangalakal ay kinakailangang may kaukulang permiso. Ang negatibong epekto ng kaganapang ito ay ang pagkataboy o displacement ng mga dati nang mangangalakal na Asyano gaya ng mga Arabo, Tsino, at Malay…..

Page 13: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mga Epekto ng Pananakop ng mga

Español sa Pilipinas

Page 14: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Si Miguel Lopez de Legazpi ay ipinanganak noong 1510 sa Zumárraga, Spain at namatay noong Agusto 20, 1572 sa Maynila, Pilipinas. Si Legazpi ay ang pinakaunang gobyerno sa Pilipinas noong 1565 hanggang sa kanyang kamatayan.

Miguel Lopez De Legazpi

Page 15: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Sa pagsasakop ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas, ginawa niyang sentro ang Maynila na maituturing na rin sa panahong iyon bilang isang mahalagang entrepot o lugar ng kalakalan. Noong 1571, idineklara ni Legazpi ang Maynila bilang isang lungsod na siyang luklukan ng kapangyarihang kolonyal na Espanyol. Ang mga pamayanan ay may dalawang uri lamang.

♦Una , yaong mga nakahilera malapit sa mga anyong tubig at ♦Ikalawa, yaong nakapulutong sa mga interyor na lupain o kagubatan.

Page 16: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ayon sa obserbasyon ng mga Espanyol, hindi pa “sibilisado” ang mga sinaunang Pilipino sapagkat sila ay namumuhay sin policia o sa madaling salita, hindi sila nakatira sa mga lungsod. Maari lamang makamit ng mga tao ang kanilang kolektibong potensyal sa pamamagitan ng paninirahan sa loob ng mga lungsod.

Page 17: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Samakatuwid, ito ang naging “dakilang layunin” ng mga Espanyol – maghatid ng “sibilisasyon” sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga lungsod at ipakilala ang Kanluraning Kristiyanismo. Naisakatuparan ang mithiin ng mga Espanyol na ayusin ang mga populasyon sa mga lungsod o sentro sa pamamagitan ng pagpapatupad ng reduccion o ang pagtitipon ng mga tao sa isang lugar na pinili ng prayle upang doon sila gawaran ng edukasyong ispiritwal. Napakaloob sa gawaing ito ang kaisipang dapat panatilihin ang mga tao sa ilalim ng kampana ( bajo de las campana)…

Page 18: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

“Bajo de las Campana”

Page 19: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang reduccion ay naging batayan sa pagtatag ng pueblo. Ito ay katumbas ng “bayan” sa wikang Espanyol. Nakabatay ang pagkakasalansan o layout ng mga kalye sa kaayusang grid (gridirun arrangement) o cua dricula at nakaayos ang mga gusali sa loob ng plaza complex.

Pero ano ba ang plaza complex??...

Ito ay ang lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga tao para sa pagdiriwang o selebrasyon

Page 20: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Anu- ano ang mahalagang bahagi ng plaza complex??

☺ Una ay ang Plaza Mayor na may nakalaang bukas na espasyo.

☺ Ikalawa ay ang Simbahan at kumbento.

☺ Ikatlo ay ang Casa tribunal o sentro ng kapangyarihang lokal.

☺Ikaapat ay ang mga kabahayan ng lokal na elite o ang uring principalia.

Page 21: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Paano binago ng mga Espanyol ang pamumuhay ng sinaunang mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglikha ng mga pueblo?

♥ Una, nalayo ang mga tao sa kanilang mga pinagkukunan ng pagkain at iba pang pangangailangan gaya ng mga ilog, dagat, at kagubatan.

♥ Ikalawa, lumipat na ang sentro ng pang-araw-araw na pamumuhay at libangan mula sa bahay ng datu patungo sa loob ng pueblo, partikular sa simbahan.

Page 22: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Dito rin sa loob ng pueblo naganap ang proseso ng akulturasyon. Ang akulturasyon ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang lipunan ay nakatanggap ng elemento, katangian, o impluwensya ng kultura ng isa pang lipunan. Ibig sabihin nito, unti-unting ipinakilala ang mga gawing Kanluranin na dapat pag- aralan mupang matawag na “sibilisado” ayon sa pamantayang Espanyol . Bahagi rin ng patakaran ang paggawad ng isang “matuwid” at “tamang” uri ng relihiyon ayon sa pananaw ng mga Espanyol--- ang maging ganap na kristiyano– Katoliko.

Page 23: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Sa larangang pangkabuhayan, nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at ng mga karatig bansa nito sa Asya. Sinimulan ng mga Espanyol na ipatupad ang kalakalang galyon na higit na kilala bilang Kalakalang Maynila-Acapulco. Nagdulot dinang kalakalang galyon ng ilang masamang epekto gaya ng pagpapabaya sa pagtatanim ng mga pagkaing ikinabubuhay (subsistence farming) at paglala ng kalagayan ng mga Pilipino bunga ng patakaran ng sapilitang paggawa. Maraming Pilipino ang napipilitang lisanin ang kanilang mga pamilya at tahanan upang sapilitang maglingkod sa kolonyal na pamahalaan.

Page 24: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Sa larangang pulitikal, napalitan ang taal na institusyong pulitikal gaya ng mga barangay at sultanato sa pagpasok ng mga Espanyol. Nagpairal ng sentralisadong uri ng pamahalaang kolonyal na pinamumunuan ng gobernador-heneral. Ang mga lalawigan o provincia, depende sa estado ng pagkasakop ng mga Espanyol, ay pinamunuan ng alcalde mayor (alcaldia), corregidor (comandancia politico-militar). Ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaang lokal na hinawakan ng mga Pilipino ay ang pagiging gobernadorcillo o puno ng isang bayan at cabeza de barangay o puno ng isang pamayanan.

Page 25: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mga Epekto ng Pananakop ng mga Dutch sa

Moluccas

Page 26: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Simula nang lumaya ang Netherlands sa mga mananakop nitong Espanyol, sinikap nilang maging isang makapangyarihang mangangalakal na hahalili sa mga Portuguese sa pananaig sa kalakalang Asya-Europa. Malaki ang bentahe ng mga Dutch dahil sa higit na superyor ang kanilang mga barko, armas, kagamitan, at organisasyon. Mahalagang susi ng pagtatagumpay ng mga Dutch ang pagtutuon ng pansin sa negosyo lamang at hindi na kasama pa ang mga gawaing misyonaryo.Ginamit nila ang mga lokal na pinuno upang siyang mag-utos ng malawakang pagtatanim ng mga rekado o pampalasa at binibigyang-karapatan pa ang mga ito na mangulekta ng buwis.

Page 27: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mahigpit na binantayan ng mga Dutch ang pagtatanim ng mga pampalasa na pangkalakal. Ang produksyon ay palaging tama lamang para sa pangangailangan ng pamilihan. Hindi na pinahintulutan na sumobra ang suplay sapagkat magbibigay-daan ito sa pagbagsak ng presyo. Sinunog nila ang mga munting pataniman ng clove na pag-aari ng mga pribadong mamamayan upang hindi bumagsak anng presyo nito sa pamilihan. Ang mga pampalasa ay tanging sa Dutch East India Company (DEIC) lamang maaaring ibenta. Labis na naapektuhan ang pagtatanim mg pangunahing pagkain sapagkat higit na inatupag ang pagtatanim ng mga produktong pangkalakal.

Page 28: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Noong 1609, 36 na kababaihang Dutch ang ipinapadalasa Asya sa pagnanais na magtatag ng mga permanenteng pamayanang Dutch. Ngunit nang lumaon, hindi nagtagumpay ang ganitong patakaran kung kaya noong 1652, ipinatigil din ang imigrasyon ng kababaihang Dutch.Pinayagan na lamang ng DEIC ang mga lalaki na makapag-asawa ng kababaihang Asyano.

Page 29: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo

Page 30: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang Rebolusyong Industriyal na naganap sa England noong kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nagbibigay-daan sa pag-igting ng kapitalismo.Ang dating industriya ng mga yaring-kamay (handicraft) ay napalitan ng mekanisadong produksyon. Ang England, France, United States, at Russia ay nag-unahan upang magparami ng kani-kanilang mga kolonya hindi lamang sa Asya kundi gayundin sa iba pang kontinente.

Page 31: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mga Epekto ng

Pananakop ng English sa

India

Page 32: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Naging isang malakas na bansa ang England sa ilalaim ni reyna Elizabeth I na namuno simula 1588 hanggang 1603….

Page 33: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Nagawa ng England na hamunin ang kapangyarihang pandagat ng Spain at noong 1588 ay natalo nito ang Spanish Armada. Itinatag ang English East India Company(EEIC) noong 1600 at ginawaran ito ng karapatang makipagkalakalan sa malayong mga teritoryo. Mula 1757 hanggang 1858, ang india ay pinamahalaan EEIC. Tatlo sa pinakamahalagang daungan at sentro ng kalakalan ng mga English sa India ay ang Madras, Calcutta at Bombay.

Page 34: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang paglaganap ng ng isang sistema ng edukasyon na nakabatay sa pamantayang English ay nagbigay-daan sa proseso ng akulturasyon ng mga Indian. Ang mga unibersidad na itinatag ng mga English sa India ay naging daan para sa pagkakaroon ng mga gradweyt na may matatag na impluwensyang English at mananatiling tapat sa England. Ang English ay ang wika na ginamit sa mga pamantasan at gayundin sa mga hukuman.

Page 35: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Gayunpaman, bahagi rin ng “pagsisibilisa” ng mga English sa mga Indian ay ang pakikialam at panghihimasok sa mga taal na kaugaliang Indian. Halimbawa, labis na nasindak ang mga English sa sati o sutee kung kaya ipinagbawal ito simula 1829. Noong 1856, isang batas ang nagpahintulot na muling makapag-asawa ang isang balo. Ang linya ng transportasyon at komunikasyon ang naging prayoridad. Ang pagpapagawa ng riles ng tren simula 1871 na nag-ugnay sa pinakamalalayong lalawigan ay nagbigay-daan din sa komersyalisasyon ng agrikultura. Bunga ng sistematikong transportasyon na ito, naging madali ang pagluluwas ng mga produktong gaya ng jute, indigo, trigo, kape tsaa, at bulak mula sa mga bayan sa loob ng subkontinente patungo sa mga pangunahing daungan.

Page 36: Inihandog ng ikatlong pangkat ang
Page 37: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ipinakilala ang telegraph simula 1851 at makalipas ang tatlong taon ay may mainam na ring serbisyong pangkoreo. Nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng telegraph ang indai at ang Europa simula 1865.

Page 38: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Mga Epekto ng

Imperyalismo sa China

Page 39: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang mga Amerikano ay nakibahagi rin sa kalakalan ng produktong Tsino, partikular na ang tsaa at seda. Noong 1784, isang barkong Amerikano ang dumaong sa canton sa kauna-unahang pagkakataon upang direktang makipagkalakalan dito. Binili nila ang mga opyo mula sa Iran at Turkey pagkatapos ay ilegal na ipinapasok sa China. Nang maganap ang Digmaang Opyo, nakakita ng pagkakataon ang United States na pwersahin ng China na magbukasng mga karagdagang daungan para sa mangangalakal na Amerikano. Kung hindi lalagda sa kasunduan ang China ay sasalakay ang buong hukbong Amerikano na nakatalaga sa Pacific Ocean. Noong 1843, napilitan ang China na makipagkasundo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Wanghsia (Treaty of Wanghsia). Dalawa sa pinakamahalagang probisyon ng kasunduangito ay ang pagpapahintulot ng China na dumaong ang mga barkong pandigma ng mga Amerikano sa alinmang daungan at ang pagbibigay ng karapatang magtatag ng mga simbahan sa ilang lalawigan ng China.

Page 40: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang mga French ay labis na naging makapangyarihan sa timog ng China. Ang Russia naman ay nagawang salakayin ang Mongolia at Manchuria na noon ay bahagi ng teritoryong Tsino. Sa pamamagitan ng Kasunduan ng Peking na nilagdaan noong 1860, malaking parte ng Manchuria ang napasailalim sa pamahalaang Russia. Noong 1849, sapitan namang kinontrol ng mga Portuguese ang Macao.

Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opyo ay nagresulta sa paghahati-hati ng China sa sphere of influence. Parang isang melon na biniyak ang China. Napilitang lumagda ang China sa mga di-pantay na kasunduan (unequal treaties). Nawalan ng karapatan ang China na magtalaga ng nais niyang buwis. Kailangang pumayag muna ang mga Kanluranin . Marami ring Tsino ang yumakap sa bagong relihiyon. Dahil sa extraterritoriality…

Page 41: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Pagsidhi ng Imperyalismo sa Timog- Silangang Asya at ang mga Naging Epekto

Nito

Page 42: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Noong 1824, nagkasundo ang mga English at Dutch na paghatian ang mga teritoryo sa kapuluang Timog-Silangang Asya. Napasailalim sa mga English ang Malacca at Singapore. Samantala, ang mga pulo ng Sumatra at Java sa Indonesia ay napasakamay ng mga Dutch. Noong 1858, inukopa ng mga French ang Saigon sa Vietnam upang gamitin itong daungang pangkalakalan. Ninais ng mga French na magamit ang naturang daungan para sa pakikipag-kumpetensya sa mga English na noon ay hawak ang mga daungan sa Hongkong at Singapore. Ang buong Timog-Silangang Asya ay nahati sa mga Kanluranin malban sa Siam o Thailand na nanatiling malaya bagamat kinakailangan din niyang palagiang makibagay sa England at France na nasa hangganan niya. Dahil sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin, nabago ang anyo ng rehiyon. Nagkaroon na ng mga permanenteng hangganan ang bawat bansa upang maliwanag sa mga Kanluranin kung hanggang saan ang sakop ng bawat isa sa kanila.

Page 43: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Umusbong din ang mga kolonyal na lungsod tulad ng Maynila, Batavia, Rangoon sa Burma, at Saigon sa Vietnam. Natali ang mga lokal na ekonomiya ng Timog-Silangang Asya pandaigdigang kalakalan. Bunga nito, nagkaroon din ng mga makabagong komunikasyon at transpportasyon upang mapabilis ang pakikipagkalakalan.

Nabago rin ang komposisyong etniko ng mga taga-Timog Silangang Asya. Dahil sa hindi maiiwasan ang pagpapakasal ng magkakaibang lahi, nagkaroon ng mga mestizo o hatinglahi.

Page 44: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang mga Europeo sa Kanlurang

Asya

Page 45: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang Kanlurang Asya at ang mapa ng Turkey

Page 46: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Ang Kanlurang Asya ang pinakahuling rehiyon na bumagsak sa kamay ng mga Europeo. Magugunita na dahil napakalakas ng kapangyarihan ng mga Ottoman Turk sa buong rehiyon, naging malakas ang Islam na siyang nagbigkis sa lahat ng teritoryong nasakop nila. Humina ang kanilang kapangyarihan nang magsimulang nang magpalawak ng teritoryo ang mga Russian at unti-unting maagaw ang ilang mahahalagang teritoryo. Sunod-sunod din ang pagkatalo ng mga pwersang Muslim mula sa kamay ng mga English at French. Matapos ang unang Digmaang Pandaigdig noong 1918, tuluyan nang bumagsak ang Imperyong Ottoman.

Page 47: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Bunga nito, sumailalim ang Kanlurang asya sa mga Kanluranin. Kakaiba ang pamamaraan ng pagsakop sa Kanlurang Asya. Ipinairal sa rehiyon ang mandate system na isang konsepto ng Imperial trusteeship. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.

Page 48: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Makabagong Anyo ng

Imperyalismong Kanluranin

Page 49: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Hindi nagtapos sa una at ikalawang yugto ang imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya. Bagamat lumaya na ang mga bansang Asyano na dating sinakop ng mga bansang Kanluranin, naisakatuparan pa rin ng mga Kanluranin ns mpnghimasukan ang marami sa mga bansa sa Asya. Ito ay sa pamamagitan ng neokolonyalismo o makabagong anyo ng kolonyalismo.

Sa kolonyalismo, tahasang sinakop ng mga Kanluranin ang mga asyano sa pamamagitan ng paggamit ng pwersang militar. Sa Neokolonyalimo, pulitikal, ekonomiko, at kultural na paraan ang ginagamit ng mga Kanluranin. Halimbawa, mga kompanyang Kanluranin ang nananaig sa malaking bahagi ng ekonomiya ng Asya. Laganap din ang kulturang Kanluranin tulad ng musika at mga pelikulang Hollywood na itinatangkilik ng mga Asyano.

Page 50: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Sa pagkakaloob ng tulong pinansyal at militar ng mga Kanluranin sa maraming mga bansa sa Asya, naiimpluwensyahan nila ang mga patakaran at pamamalakad ng mga bansang ito. May mga pagkakataon din na direktang nakikialam ang mga Kanluranin sa kaganapan sa Asya. Nilusob ng mga Amerikano at mga kaalyadong bansa nito ang Iraq upang mapatanggal si Saddam Hussein at maprotektahan ang interes nila, partukular sa langis. Nilusob din nila ang Taliban na namumuno rito. Sa parehong okasyon, ginamit ng mga Kanluranin ang katwiran na dapat labanan ang terorismo at gawing ligtas ang daigdig. Sa halimbawang ito makikita na bagamat ang Asya ay binubuo ng mga malayang bansa, nananatiling maaki ang papel ng mga Kanluranin, partikular ng United States sa mga kaganapan sa rehiyon.

Page 51: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Saddam Hussein

Page 52: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Maraming Salamat po sa

inyong oras sa panonood

ninyo sa aming

presentasyon…..

Sana sa pamamagitan

nito, ay mapasaya po

kayo….

Maligayang pasko

po!!!!!!...☺

☺☺

Page 53: Inihandog ng ikatlong pangkat ang

Proyekto sa Araling Panlipunan II (Ikatlong Markahan)

Group 3

Member Helped :♦ Besin, Analyn ♣Pecayo, John Corky♦ Cortes, Hannah ♣Lucinisio, Reynand♦ Perez, Samantha ♣Siglos, Kenneth♦ Rusiana, Jia Christie ♣Alegre, Kimberly

♣Rabago, Orly♣Inggo, Christian