diskurso_ppt1

download diskurso_ppt1

of 36

description

masining na pagpapahayag

Transcript of diskurso_ppt1

  • DISKURSO

  • DISKURSOKAHULUGAN:Etimolohiya: (Latin Discursus)a. Paraan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita.b. Nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan.c. Ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan.d. Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.

  • KATUTURANTumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang inilalahad.

    -Milrood 2002

  • Discourse/Diskors/Diskurso Ito ay ang paggamit ng wika o paano ginamit o ginagamit ang wika sa loob ng palitan ng usapan. Dahil dito magkakaroon ng ibat ibang interpretasyon ang mga salita depende sa kung paano ito ginamit. Sa paliwanag ng teoryang pragmatiks, hindi lahat ng kahulugan ng sinasabi mo ay nasa salitang iyong binibitiwan kundi nasa kung paano mo ito sinasabi. Maaaring magkaroon ng marami o iba-ibang kahulugan ang binitiwan mong salita dahil sa paraan din ng iyong pagkasabi o pagpapahayag.

  • Mahalaga Na:Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi maging sa kulturang nakapaloob dito;

    Mahusay maghinuha ng mga impormasyon(kilos + salita)

    Kritikal na pang-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe.

    Isaalang-alang ang sumusunod na dimensyon: 4K (konteksto, kognisyon, komunikasyon at kakayahan)

  • 1. KONTEKSTO-Tumutukoy sa kabuuang kalagayan ng isang pahayag.

    Ipinakikilala ang sangkot sa usapan.

    Pumapatungkol sa lahat ng elementong may kaugnayan sa usapan o pahayag.

  • Konteksto ng DiskursoAng kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.hal.Kontekstong Interpersonal usapan ng magkaibigan.Kontekstong Panggrupo pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaralKontekstong Pang-organisasyon memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote).Kontekstong Pangmasa pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante.Kontekstong Interkultural pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN.Kontekstong Pangkasarian usapan ng mag-asawa.

  • 2. KOGNISYONLatin- Congnosco con-mayroon gnosco pag-alam;Pagtalos; Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap.Kailangan ang mataas na level ng pang-unawa tungo sa higit na karunungan.Kinabibilangan ng mga sumusunod na kasanayan:

    Pag-alalaPaglikha at pag-unawa sa wikaPagkatutoPangangatwiranPaglutas sa suliraninPagpapasya

  • 3. KOMUNIKASYON-Proseso ng paghatid at pagtanggap ng mensahe.Kinapapalooban ng mahahalagang elemento tulad nang:a. Sender/tagapaghatidb. Message/mensahec. Channel/daluyand. Reciever/tagatanggap

  • DELL HYMES (communication ModelS (setting at scene) lugar ng komunikasyonP (participants) mga kasangkot sa komunikasyonE (ends) ang layunin sa komunikasyonA (act sequence) pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; mga gampaning pangwika na nakapaloob sa komunikasyonK (keys) ang tungo o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalitaI (instrumentalities) mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o istilo na ginagamit sa pag-uusap (verbal at di- verbal)N (norms) mga pamantayang kultural; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyonG (genre) uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon

  • 4. KAKAYAHANLahat ng tao ay may kakayahan sa 4 na makrong kasanayang Pangwika na dapat linangin para sa higit na masaklaw na interaksyon

  • 4 NA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKAA. PAKIKINIG-Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. B.PAGSASALITA-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.C. PAGBABASAAng pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.D. PAGSUSULATAng pagsusulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao.

  • KOMPITENS NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PARTISIPANT SA MAHUSAY NA PAGDIDISKURSO

    KOMUNIKATIB KOMPITENS

    B.LINGGWISTIK KOMPITENS

  • Kaantasan ng Salita:1.Pambansa Mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing sumisirkula sa buong kapuluan at lahat ng paaralan.Pampanitikan- mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang uri.Formal (pamimitagan, malumanay na tinig,malinaw,katumpakan, pag-iwas sa mararahas na salita sa pakikipag-usap) mga salitang istandard dahil sa itoy kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika.

  • B. Di-Formal o ImformalLalawiganin- mga salitang kilala lamang sa pook ng pinanggalingan nito, dulot ng makarehiyunal na kaugalian ng tao.Kolokyal- mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar bagamat may anyong repinado depende sa nagsasalita.Balbal- tinatawag sa Ingles na slang. Tinatawag ding salitang kanto, mga gay lingo o sward speak.

  • MGA TEORYA NG DISKURSO

  • Speech act theoryNakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action.Isang paraan ng pag-convey(pagdala) ng impormasyon.How to do things with wordsLahat ng anyo ng pakikipag-usap ay nangangailangan ng kilos.

  • Ethnography of CommunicationNauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita.

    . Ito ay pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad

  • Communication Accommodation TheorySinusuri ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon.

    Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay niniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.

  • Narrative Paradigm(naratibong lohika o lohika ng mabuting katuwiran)Naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals.

    Nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika argumento.

    Nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.

  • IBAT IBANG ANYO NG PAGDIDISKURSOPAGSASALAYSAY / NARATIVOPAGLALARAWAN / DESKRIPTIVO

    PAGLALAHAD / EKSPOSITORI

    D. PANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIVO

  • PAGSASALAYSAY- SALAYSAY (KWENTO)- SAYSAY (MAKABULUHAN)- Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkakaugnay.- Ito ang pinakatanyag na paraan ng pagpapahayag- Itinuturing din itong pinakamatandang uri ng pagdidiskurso sapagkat dito nagsimula ang mga alamat, mito at kwentong bayan.

    URI/ANYO NG MGA SALAYSAY:1. Maikling kwento5. Anekdota2. Tulang Pasalaysay6. Alamat3. Tulang Pandulaan7. Talambuhay4. Nobela8. Kasaysayan

  • D. PAGLALARAWAN- LARAWAN ( IMAHE/HARAYA)- Ito ay pahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig.- Kadalasang ginagamitan ng mga Pandiwa, Pang-uri at Pang-abay ang mga pahayag sa diskursong ito.URI NG PAGLALARAWAN: 1. Karaniwan2. MasiningMAHAHALAGANG KASANGKAPAN SA PAGLALARAWAN:1. Pandama2. Paghahambing3. Angkop na Salita4. Pagtatambis

  • PAGLALAHAD- LAHAD (maipakita/maipaliwanag/mabigyang kahulugan)- Ito ay naglalayong mabigyang linaw ang isang konsepto o kaisipan bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.

    URI NG PAGLALAHAD:1. Pagbibigay katuturan 5. Balita 2. Pagsunod sa Panuto6. Pitak3. Pangulong Tudling/Editoryal 7. Tala 4. Sanaysay 8. Ulat

  • PANGANGATWIRAN- KATUWIRAN (katibayan)- TUWID (Katanggap-tanggap)- Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap.- Tanggap o Kapani-paniwala.URI NG PANGANGATWIRAN:1. Pabuod o Induktivo2. Pasaklaw o DeduktivoMGA DAHILAN NG PANGANGATWIRAN: 1. Maipagtanggol ang sarili2. Makapagpahayag ng saloobin sa kapwa3. Makapagbigay linaw sa isang usapin o isyu.4. Mapanatili ang magandang relasyon sa kapwa.

  • IBAT IBANG ANYO NG PAMPANITIKANG PAGDIDISKURSO (PASULAT)

  • Paglalarawan: Si JULIOJULIOSiya ang lalaking karaniwang nakikita sa bukid, may pigil na araro. Balat na sunog sa araw. Buhok na tumatabal, malaginto sa kauhawan sa pomada. Dibdib na wariy bariles. Mga brasong mapipintog sa masel. Malalapad at makakapal na kamay. Daliring punggok at matataba. Ngunit wala siya sa bukid. Sa mga lansangan ng lunsod nahadhad ang de-goma niyang sapatos. Sa lunsod nangupas ang kadilawan ng kanyang eskiper at ang kamaungan ng kanyang pantalaon, kasuotang kung matatagpuan sa sahig ng bahay ay hindi pangingimiang ipaglampaso niyong hindi maselan.

  • Paglalahad:/pagbibigay katuturanSHOTAHTumutukoy ang salitang shotah sa isang taong lagi mong kasama sa iyong paglalakad na hindi mo naman masasabing basta kaibigan lamang pagkat madalas kayong naghahalikan sa kadiliman ng balcony ng isang sinehan. Naniniwala kang mahal mo siya at siya naman ay gayundin sayo. Bunga nito, magkasama kayo sa lahat ng lakaran sa excursion, parties, library, simbahan, parks, restawran at minsan sa motel. Sa kabuuan, pinaghalu-halong Tiya Dely, ka-tsismis,, alalay, alipin, shock absorber, sexual stimulator ang shotah na maari mong layasan, layuan o i-drop kapag nagsawa ka na o nakakita kaya ng pamalit.

  • Pangangatwiran Iisa ang laman ng puso ng mga magulang, iisa ang kanilang pangarap ang magtagumpay ang kanilang anak. Itataguyod nila ang kanilang pag-aaral kahit ano ang mangyari. Magulang ang nagbibigay ng inspirasyon sa anak

    Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. -AB-

  • Pagsusuri: Ang buhayNalaman kong hindi pala eksam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration o fill-in the blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot kundi batay sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.Maraming libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng silabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap. Pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-gradweyt, ibat ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung anumang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

  • Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako ang nawalan.Ako dahil ikaw ay minahal ko ng lubusan, at ikaw dahil ako sa iyoy lubusang nagmahal. Ngunit sa ting dalawa ay ikaw ang higit na nawalan dahil pwede kung mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo ngunit ikaw ay di mamahalin tulad ng kung paano kita minahal.

  • LUV NA BABOLGAM

  • Pasaklaw Walang masamang tinapay sa magkaibigang patay-gutom

    Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin

    Walang kagandahang di may kapintasan

  • Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad kung bakit hindi ka pwedeng magsuot ng sapatos na hindi magkaparehas sa parehong oras. Posible, pero pangit tingnan.

    -Bob Ong-

  • Pangguguyo: Aanhin mo ang kagandahan at karangyaan kung si JADAWN ay di mo naman matitikman

  • Paglalarawan: DA HU!!!!!!!!!

    6. Pitak