Buhay ni rizal

48
Ang buhay ni Dr.Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

description

 

Transcript of Buhay ni rizal

Page 1: Buhay ni rizal

Ang buhay ni Dr.Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Page 2: Buhay ni rizal

Mga Mahahalagang Tala sa Buhay ng Bayani

• Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19,1861 sa Kalamba, Laguna.

• Ang kanyang buung pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda.

• Siya ay bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes.

• Si Padre Pedro Cazanas ang kanyang ninong sa binyag.

Page 3: Buhay ni rizal

Ang Magkakapatid na Rizal:• Saturnina• Paciano- itinuturing niyang pangalawang ama• Narcisa• Olimpia• Luisa• Maria• Jose • Concepcion• Josefa• Trinidad• Soledad

Page 4: Buhay ni rizal

Pinagmulang Lahi

• Ang kanyang nuno sa ama ay si Domingo Lamco, isang Intsik na dumating sa Maynila noong 1690 mula sa Fukien City ng Chang Chow.

• Napangasawa niya si Ines dela Rosa• Noong 1731, ginamit niya ang apelyidong

Mercado dahil sa kanyang pagiging komersyante.• Naging anak nila si Francisco Mercado na

napangasawa naman si Cirila Bernacho.

Page 5: Buhay ni rizal

• Naging anak nila si Francisco na sa gulang na walong taon ay naulila na sa ama at naiwan sa pangangalaga ng ina.

• Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Colehiyo de San Jose sa Maynila.

• Nakilala si Teodoro Alonzo na kasalukuyang nag-aaral din sa Colehiyo de Santa Rosa.

• Ikinasal sila noong Hunyo 28,1848 at nanirahan sa Kalamba.

Page 6: Buhay ni rizal

• Ang pamilya ni Dona Teodora Alonzo ay nagmula sa lahi ni Lakandula, ang pinakahuling hari ng Tondo.

• Ang kanyang nuno ay si Eugenio Ursua, isang lahing Hapones na nakapangasawa ng isang nagngangalang Benigna.

• Naging anak nila si Regina na napangasawa naman ni Manuel de Quintos, isang abogadong Intsik-Filipino na taga-Pangasinan.

Page 7: Buhay ni rizal

• Ang anak nilang si Brigida ay nakapangasawa ng isang mayamang mestisong Kastila na taga-Binan, Laguna.

• Naging anak nila si Teodora, ang ina ni Rizal.

Page 8: Buhay ni rizal

Mga Alaala ng Kabataan

Page 9: Buhay ni rizal

• Nagsimulang mag-aral ng abakada sa gulang na tatlong taon.

• Tahimik at lubhang mapagmasid si Rizal• Mahilig siya sa pagbabasa at pakikinig sa

usapan ng kanyang mga nakatatandang kapatid.

• Kinatutuwaan niya ang pagpipinta, pagsulat at paglililok.

• Mahusay din siya sa pagsusulat

Page 10: Buhay ni rizal

• Walong taong gulang siya nang kanyang isulat ang kanyang unang tula na pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata”.

• Sumulat din siya ng dula na may himig katatawanan at itinanghal sa isang pistang bayan sa Kalamba.

• Nagustuhan ito ng gobernadorcillo ng Paete at binayaran ang manuskrito ng dalawang piso.

Page 11: Buhay ni rizal

• Ang kwento ng gamugamo ay isang magandang alaala sa diwa ng batang si Rizal. Isang gabing tinuturuan siya ng kanyang ina na basahin ang isang lumang aklat na “El Amigo de Los Ninos”, ay napansin nito ang kawalang gana niya sa binabasa. Nang makita nito na ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang panunuod ng gamugamong naglalaro sa paligid ng ilawang apoy, ikinuwento nito ang isang bata at matandang gamugamo.

Page 12: Buhay ni rizal

• Nakatutok ang kanyang isip sa nakikitang pakikipaglaro sa kamatayan ng mga gamugamong naglalaro sa paligid ng ilawang apoy.

• Sa bawat isang bumabagsak at namamatay sa mga ito ay nangingibabaw sa kanya ang kakaibang damdamin. Sa nakikita niyang pagkamatay ng mga gamugamo, hindi pagkalungkot, manapay paghanga ang kanyang nararamdaman.

• Hinangahan niya ang para sa kanya ay pagiging martir ng mga ito sa kanilang mga ilusyon.

Page 13: Buhay ni rizal

• Apat na taong gulang siya noon nang unang makaranas ng kasiphayuan sa buhay ang batang si Rizal dahil sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid na si Concha.

• Sinundan ito nang siya’y sampung taong gulang nang mabilanggo ang kanyang ina dahil sa bintang na pakikiisa sa tangkang paglason sa asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto.

Page 14: Buhay ni rizal

• Nakalaya ang kanyang ina sa pagkakabilanggo matapos ang dalawang taon at kalahati sa tulong ng kanilang abogado na sina Don Francisco de Mercado at Don Manuel Manzano at dahil na rin sa kahusayan ng maliit niyang kapatid na babae na kinatuwaan ng gobernador heneral.

Page 15: Buhay ni rizal

• Lalo pa niyang napatunayan ang kawalang katarungan ng lipunan nang masaksihan niya ang pagbitay sa tatlong paring Pilipino na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora noong Pebrero 17,1872.

• Maagang natutunan ng batang si Rizal ang pagdarasal, pagrorosaryo at pagsisimba.

Page 16: Buhay ni rizal

Ang Pag-aaral at Paglalakbay

• Ang unang naging guro ng batang si Rizal ay ang kanyang INA.

• Una niyang natutunan dito ang pagbabasa at pagdarasal.

• Unang napansin ng kanyang ina ang kanyang angking katalinuhan nang makapagsulat siya ng tula.

• Naging guro din niya si Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua.

• Ang nagturo sa kanya ng Kastila at Latin ay si Ginoong Leon Monroy, isang matalik na kaibigan ng kanyang ama.

Page 17: Buhay ni rizal

• Unang pumasok siya sa paaralan ng Binan sa pagtuturo ni Justiniano Aquino Cruz.

• Ang batang si Rizal ay hindi likas na palaaway subali’t hindi siya umuurong sa labanan kahit na maliit lamang siya noon at kapag alam niyang siya’y nasa katwiran.

Page 18: Buhay ni rizal

Sa Ateneo de Manila

• Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag-aral siya sa Ateneo de Manila.

• Bantulot ang paaralan na siya ay tanggapin sa dalawang dahilan:

• Una, dahil nahuli siya sa pagpapatala• Pangalawa ay dahil maliit siya at mukha siyang

masasakitin.• Siya ay napiling emperor sa klase nila dahil

siya ang pinakamarunong sa kanilang lahat.

Page 19: Buhay ni rizal

• Natamo ni Rizal ang pinakamataas na karangalan nang matapos niya ang kursong “Bachiller de Artes” noong Marso 23,1877, sa gulang na 16 na taon.

• Ang tulang “Sa Aking Inspirasyon” na inihandog niya sa kanyang ina ang unang tula na naisulat niya bilang mag-aaral sa Ateneo.

Page 20: Buhay ni rizal

Sa Unibersidad ng Santo Tomas

• Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagpatala sa kursong Medisina upang matulungan niya ang kanyang inang maysakit sa mata.

• Tinapos din niya at ipinasa ang pagsusulit sa kursong Surbeyor sa Ateneo.

Page 21: Buhay ni rizal

• Nakita niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ang kawalang paggalang sa mga mag-aaral na Pilipino kung kaya’t labis-labis ang kanyang pagkadismaya sa pag-aaral niya rito kaya nagpasya siyang magpatuloy na lamang ng kanyang pag-aaral sa ibang bansa.

• Lalong nagtiim ang kanyang desisyong mangibang bansa nang minsang pagpaluin siya ng isang gwardya sibil dahil nakalimutan niyang magbigay-galang dito. Nagsumbong siya kay Heneral Primo de Rivera ngunit di siya pinansin.

Page 22: Buhay ni rizal

Sa Espanya

• Noong Mayo 3,1880, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang at ng pamahalaan, siya ay palihim na umalis ng bansa. Ginamit niya ang pangalang Jose Mercado.

• Labis na kalungkutan ang kanyang dinanas nang siya’y nasa Espanya. Kumalat ang sakit na cholera na hindi nagawan pigilan ng pamahalaan. Maliban dito ay labis niyang dinamdam ang kalungkutan at pamamayat ni Leonor Rivera na kanyang kasintahan.

Page 23: Buhay ni rizal

• Ang paghihirap ng kanyang pamilya ay labis din niyang dinamdam

• Tinaasan ng buwis ang lupang kanilang sinasaka sa dahilang nagalit ang isang Dominikong pari na bigyan siya ng isang pabo.

• Noong Hunyo 21,1884, natapos ng kursong Medisina si Rizal sa Unibersidad Central de Madrid. Hindi niya nakuha ang kanyang diploma sa dahilang di niya naisinumite ang kanyang tisis at sa di niya pagbabayad sa kaukulang halaga para sa pagtatapos.

Page 24: Buhay ni rizal

• Noong sumunod na taon ay natapos din niya ang kursong Pilosopiya sa paaralan ding iyon noong 1885.

Page 25: Buhay ni rizal

Sa Berlin• Isa sa mga lugar na hinangahan ni Rizal ang

Berlin.• Minsan ay nahirang siyang tagapanayam sa isang

Unibersidad.• Inilahad niya ang “Tatlong Metrical Art” na

hinahangaan ng lahat at nailathala ito na umani naman ng maraming papuri.

• Maraming kaugaliang Aleman ang pinuri ni Rizal.• Ang paghahanda ng Christmas Tree na yari sa

karayom na may sabit na parol at ilaw-ilawan.

Page 26: Buhay ni rizal

• Nagtungo rin si Rizal sa Paris at Germany upang magpakadalubhasa sa panggagamot ng mga mata at malaki ang kanyang natutuhan kay Dr. Louis Wecker.

• Nagtrabaho din si Rizal sa isang ospital sa Heidelberg sa pamamahal ni Dr. Otto Becker.

Page 27: Buhay ni rizal

Sa Hapon

• Isa pa rin sa nagpatibok ng kanyang puso ang dalagang si Osei-san.

• Sa kanyang pamalagi roon ay nakita niya minsan ang mga bandang Pilipino na tumutugtog sa isang parke. Naisip niyang hindi mababang uri ang mga Pilipino kundi nabibilang sila sa mga matataas na uri ng tao sa lipunan at pweding pumantay kahit kaninumang lahi sa daigdig.

Page 28: Buhay ni rizal

Sa Amerika• Nakita niya ang diskriminasyon sa pagitan ng

mga puting amerikano sa mga Intsik at itim na amerikano.

• Sa panahong iyon sa Amerika ay usung-uso ang pag-aangkat ng mga Intsik upang gawin nilang trabahador dahil mababa lamang ang kanilang pasahod sa mga ito.

• Bagamat maunlad ang bansang ito at maganda ang inaalok na trabaho para sa mga dayuhan ay makikita pa rin ang diskriminasyon sa mga mayayaman at mahihirap nilang mamamayan.

Page 29: Buhay ni rizal

Sa London

• Pagkagaling sa Amerika ay pinili ni Rizal na tumungo sa London sa dahilang:

• 1) upang mapahusay ang kanyang pagsasalita ng Ingles• 2) upang pag-aralan ang mga aklat ni Morga Luna, ang

“Sucesos de las Islas Pilipinas”• 3) sa bansang ito ay sinikap niyang maisakatuparan ang

pagtuligsa sa mga Kastilang nasa kanyang bayan. Sumulat siya ng mga artikulo na pawang tumutuligsa sa mga Prayleng Kastila dahil sa kanilang pagmamalabis at pang-aabuso na inilathala niya sa pahayagang La Solidaridad.

Page 30: Buhay ni rizal

Mga Balita sa Kanyang Bayan na Labis niyang Ikinabahala:

• 1. Ang pagkakabilanggo ng 800 Pilipino na lumagda sa petisyong inilahad ni Doroteo Cortes at sinulat ni M.H. del Pilar. Hinihingi ng petisyon na paalisin ang mga prayle sa Pilipinas dahil sa labis nitong pagsasamantala sa kanilang tungkulin.

• 2. Pagpapakulong sa ilang mga taga-Kalamba kasama ang ilang kaanak ni Rizal dahil sa petisyon ng mga ito sa pamamalakad ng mga lupang pansakahan.

Page 31: Buhay ni rizal

• 3) Ang pagtuligsa sa kanya nina Senador Salamanca at Vida sa hukuman at nina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Kastila.

• 4) Si Manuel T. Hidalgo, asawa ni Saturnina ay ipinatapon ni Gobernador-Heneral Weyler sa Bohol.

• Ang pagkakulong ng kaibigan ni Laureano Viado, isang kamag-aral sa UST dahil sa pagtatago nito ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang tahanan.

Page 32: Buhay ni rizal

• Ang La Solidaridad ay ang pahayagang inilunsad ni Graciano Lopez Jaena noong 1889. Ito ay pahayagan sa samahang Asociation La Solidaridad na siyang naglalathala ng mga artikulong sinulat ni Rizal.

• Lubhang naging abala si Rizal sa pagsulat. Ang pagsulat niya ng “La Vision de Fray Rodriguez” ay isang sagot sa pagbatikos sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.

Page 33: Buhay ni rizal

• Sa “ Los Agricultores Filipinas” (Ang mga Pilipinong Magasaka) ay inilarawan niya ang kaawa-awang kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

• Sinulat din niya ang hinahangaang “Sa mga Kababaihan ng Malolos” noong Pebrero 22,1889.

Page 34: Buhay ni rizal

Sa Paris

• Noong Marso 19,1889, hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababayang nasa Paris na magtatag ng isang samahan na ngangalanang KIDLAT CLUB.

• Nakuha niya ang suporta ni Ferdinand Blumentritt at itinatag niya ang isang samahang tinawag na “International Association of Filipinologist”.

Page 35: Buhay ni rizal

Sa Belgium

• Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid• Sinimulan niya sa bansang ito ang pagsulat

niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo.• Maraming artikulo ang kanyang kanyang

isinulat na ipinalathala niya sa pahayagang La Solidaridad:

Page 36: Buhay ni rizal

MADRID

Humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at kababayan sa Kalamba.

Nalaman niya na si Leonora ay nagpakasal sa isang inhinyerong Ingles.

Page 37: Buhay ni rizal

• Nabuo ang aklat na karugtong ng Noli Me Tangere dahil sa pagtulong ni Valentin Ventura.

• Sa kakulangan ng salapi ay muntik na niya itong hindi napalimbag

Page 38: Buhay ni rizal

Mga Pag – ibig sa Buhay ni Rizal

Segunda Katigbak labing – apat na taong gulang nakatira sa

Lipa.Kaibigan at kasamahan sa inuupahang

bahay ng kapatid niyang si OlimpiaUnang pagkabigo dahil nakatakda na

siyang ikasal kay Maria Luz.

Page 39: Buhay ni rizal

Miss L Dalagang mag maputi at kaakit – akit na

mata. Leonor Valuenzuela

Dalagang taga – Pagsangjan, Laguna. Sinuyo siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na inbisibol na tinta. Ang tintang ito ay ginawa niya sa pamamagitan ng paghalo ng asin at tubig. Mababasa lamang ito kung itatapat sa ilaw ng kandila o lampara.

Page 40: Buhay ni rizal

Leonor RiveraSiya ang itinuring na tunay na pag –ibig ni

Rizal. Ang dalawa ay naging magkasintahan at sa mga liham ay itinatago ng dalaga ang sarili sa pangalang “Taimis”.

Consuelo Ortega y ReyNahalina si Rizal sa babaeng Espanyola

dahil sa kalungkutan. Inalayan niya ito ng tula na may pamagat na “A La Señorita C.O.y R”. Hindi yumabong ang pag –iibigan nila dahil ayaw niyang magtaksil kay Leonora at labis na umiibig ang kaibigan niyang si Eduardo de Lete.

Page 41: Buhay ni rizal

O – Sei – San ( Seiko Usui)Natuklasan nila ang pagkakatulad ng

kanilang hilig at mga pangarap sa buhay. Naging “interpreter” niya ang dalaga at tinuruan diya ito sa pagsasalita ng Niponggo.

Gertrude Beckett Isang dalagang Ingles na may kulay lupang buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. Ang malambing nilang tawagan ay “Gette” at “Pette”.

Page 42: Buhay ni rizal

Susanne Jacoby Isang dalagang taga – Belgium na umakit

kay Rizal sa panahong siya ay nangungulila kay Leonora Rivera.

Nellie Boustead Ang dalagang taga – Madrid na iniibig ni

Rizal dahil sa kalungkutang idinulot na pagpapakasal ni Leonora Rivera. Ngunit, hindi natuloy a ng kanilang pagpapakasal dahil kailangan bitawan ni Rizal ang pagiging Katoliko upang sumunod sa relihiyong Protestante ng dalaga.

Page 43: Buhay ni rizal

Josephine Bracken

Dumating ang dalaga sa panahong nagdurusa si Rizal sa pagkamatay ni Leonora Rivera. Ang dalaga ay kasama ng tiyuhing nitong si G. George Taufer na sinadyang puntahan si Rizal sa Dapitan upang magpagamot ng mata. Nagpasya ang magkasintahan na gawin ang kasal ng mag –isa. Magkahawak – kamay at sa harap ng Diyos ay isanagawa ang ritwal ng pagpapakasal.

Page 44: Buhay ni rizal

Ikalawang Pagbabalik

• Unang inasikaso ni Rizal ang La Liga Filipina na isinulat ang saligang batas sa Hong Kong.

Page 45: Buhay ni rizal

• Dahilan sa pagbalik sa Pilipinas:

- operahan ang mata ng kanyang ina- matulungan ang kanyang kababayan na matagal ng inaapi- makita ang ibinunga ng kanyang Noli sa bayan at pamahalaang Kastila- upang alamin ang dahilan ng hindi pagsulat ni Leonor Rivera.

Page 46: Buhay ni rizal

Dapitan

• Ika – 14 ng Hulyo,1892 isinakay sa barkong (Kapitan Ricardo Carcinero) papuntang Dapitan.

• Apat na taon siyang namalagi.• Hunyo 31,1896, natapos ang kanyang

pananatili at bumalik siya kasama ang kanyang asawa at kapatid.

Page 47: Buhay ni rizal

Paglilitis at Kamatayan

• Jose Taviel de Andradetagapagbantay at matalik na kaibigan ni Rizal.

• Tinyente Luis Taviel de Andradeibinigay at piniling tagapagtanggol ni Rizal sa paglilitis.

Page 48: Buhay ni rizal

• Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta) sa oras n a7:03 ng umaga.

• Humiling siya na barilin siyang nakaharap ngunit hindi ito pinahintulutan.