Awit ni Sakima - bfn.berattelser.se · Maraming nagagawa si Sakima na hindi kayang gawin ng ibang...

20
Awit ni Sakima Awit ni Sakima Ursula Nafula Peris Wachuka Arlene Avila tagalog nivå 3

Transcript of Awit ni Sakima - bfn.berattelser.se · Maraming nagagawa si Sakima na hindi kayang gawin ng ibang...

  • Awit ni SakimaAwit ni Sakima

    Ursula Nafula Peris Wachuka Arlene Avila tagalog nivå 3

  • Nakatira si Sakima sa lupa ng pag-aari ng isangmayaman, kasama ang mga magulang at apat nataong gulang na kapatid.

    2

  • Nagkasakit si Sakima noong siya ay tatlong taonggulang at mula noon ay naging bulag siya.

    3

  • Maraming nagagawa si Sakima na hindi kayanggawin ng ibang anim na taong gulang bata. Kayaniyang makipagtalakayan sa mga nakakatandatungkol sa mga mabibigat na bagay.

    4

  • Namamasukan ang mga magulang ni Sakima sabahay ng mayaman. Maaga silang umaalis at gabina sila nakakauwi. Naiiwan si Sakima sa kanyangkapatid na babae.

    5

  • Mahilig kumanta si Sakima. Kaya isang araw,natanong ng ina, “Saan galing ang mga awit naito, Sakima?”

    6

  • “Kusa na lang po silang dumarating, ‘Nay.Naririnig ko sila sa isip ko kaya kinakanta ko,”sagot ni Sakima.

    7

  • Gustong gusto ni Sakima kumanta, lalo na paggutom ang kanyang kapatid. Nakikinig ito nangmabuti at sumasayaw sa tunog ng kantangkayang pumawi ng gutom.

    8

  • “Kanta ka uli, Kuya Sakima,” sabi ng kapatid. Atkakanta si Sakima ng paulit-ulit.

    9

  • Isang gabi, tahimik ang kanyang mga magulang.Naramdaman agad ni Sakima na may problema.

    10

  • “Ano po ang nangyari, ‘Tay, ‘Nay?” tanong niSakima. Nalaman niya na nawawala ang anak ngmayamang amo ng magulang. Labis ang lungkotnito.

    11

  • “Siguro sasaya siya kung kakanta ako,” sabi niSakima. “Hindi ka makakatulong. Napakayamanniya. Isa ka lang bulag. Ano sa palagay momagagawa mo?” sabi ng mga magulang.

    12

  • Hindi sumuko si Sakima. Pinagtanggol din siya ngkapatid, “Nawawala ang gutom ko pagkumakanta si Kuya. Baka naman matulungan dinniya ang taong mayaman.”

    13

  • Kinaumagahan, inakay si Sakima ng kanyangkapatid papunta sa bahay ng mayaman.

    14

  • Tumayo siya sa ilalim ng bintana at nagsimulangkumanta. Unti-unting dumungaw ang mayaman.

    15

  • Tumigil ang mga trabahador sa kanilangginagawa. Sabi ng isa, “Wala pang nakakatulongsa amo natin. Akala ba ng bulag na ito na maymagagawa siya?”

    16

  • Natapos ni Sakima ang isang awit at balak nasana niyang umalis. Hinabol siya ng mayaman,“Pasuyo naman, umawit ka pa uli.”

    17

  • Biglang dumating ang dalawang lalaki na maydalang stretcher. Natagpuan nila ang anak ngmayaman, na iniwan lang sa daan mataposbugbugin.

    18

  • Natuwa ang mayaman nang makitang buhay anganak. Binigyan niya ng gantimpala si Sakima.Dinala niya ang anak sa ospital para ipagamot. Atdinala rin niya si Sakima para magpa-opera ngmata.

    19

  • Barnebøker for NorgeBarnebøker for Norgebarneboker.no

    Awit ni SakimaAwit ni SakimaSkrevet av: Ursula Nafula

    Illustret av: Peris WachukaOversatt av: Arlene Avila

    Denne fortellingen kommer fra African Storybook (africanstorybook.org) og ervidereformidlet av Barnebøker for Norge (barneboker.no), som tilbyr barnebøkerpå mange språk som snakkes i Norge.

    Dette verket er lisensiert under en Creative Commons Navngivelse 4.0 Internasjonal Lisens.

    https://barneboker.no/https://africanstorybook.orghttps://barneboker.nohttps://creativecommons.org/licenses/by/4.0/deed.no