Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

download Ang Risala: Ayatullah  al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

of 39

Transcript of Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    1/39

    1

    Sinalinnina: Mahmood Tajar&

    Shiekh Cairoden Dimasangca

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    2/39

    2

    Mga Nilalaman

    I. Paunang Salita

    II.

    Mga Piling katanungan at Kasagutan Mula sa Risalah ni HazratAyatullah Al-Udhma Sayyid Ali Khamenei (Humaba nawa ang kanyang

    dakilang buhay) tungkol sa mga sumusunod:

    1. Taqlid (Pagsunod)2. Paglilinis3. Pagdarasal4. Pag-aayuno5. Khums (pagbubuwis)

    III. Talasalitaan

    Sa Ngalan ng Panginoon

    Paunang Salita

    Ang Risalah na ito ay hango sa kabuuang sagot sa mga Islamikong katanungan

    kay Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei (Humaba Nawa ang KanyangDakilang Buhay), ang Kataas-taasang Pinuno ng Republikang Islamika ng Iran, na

    isinaayos sa paraang Tanong at Sagot.

    Ang kabuuan nito (mula sa orihinal) ay may bilang na 2,017 na mga katanungan at

    ang mga kasagutan nito na nahahati sa mga kabanatang tumutukoy sa Taqlid

    (Pagsunod), Taharah (Paglilinis), Pagdarasal, Pag-aayuno , Khums (Ang ikalimang

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    3/39

    3

    bahaging buwis sa Islam), Jihad, at ang pagtatagubilin ng mabuti at pagbabawal ng

    masama, ang mga ipinagbabawal na paraan ng pangangalakal, mga katanungan na

    tumutukoy sa pamamaraan ng medisina, ang tamang paraan ng edukasyon at pag-

    aaral, ang karapatang magpalathala, pagtitipon at mga makasining na gawain,

    pangangalakal sa mga hindi Muslim, ang paninilbihan sa pamahalaang mapang-api, ang mga kasuotang hindi naaangkop, ang pagsunod sa mga kaugalian ng mga

    dayuhan, sigarilyo at alak, ang pakikihalubilo sa mga malalaswang pagtitipon,

    paggamit ng anting-anting, albularyo at panghuhula, at ang pagbabalik tanaw sa

    banal at mahahalagang kaganapan sa relihiyon, ang pagtatago ng mga kalakal

    (upang maipagbili ng mahal) at ang pag-aaksaya, ang mga alintuntunin sa pag-

    bebenta at pamimili, ang mga patakaran sa ibat-ibang uri ng pagnenegosyo, ang

    mga alituntunin sa patubuan, ang tamang pakikitungo sa mga kapitbahay, ang

    pakikipagsosyo sa negosyo, pangungupahan, paraan ng paggarantiya, pagsasanla,pagbibigay ng regalo, pangungutang, pagtatanggol, kawanggawa, panghihiram,

    pagbibigay ng testamento, huwad na paninirahan sa ari-arian ng iba, ang mga

    palatandaan ng pagbibinata at pagdadalaga, ang paraan ng pakikipagsosyo sa mga

    negosyo, pagbabangko, ang mga pagmamay-ari ng pamahalaan, ang pagsasaayos

    ng mga libingan at marami pang iba na naisalin na sa ibat-ibang wika ng mundo.

    Marami sa mga mamamayang Pilipinong tagasunod (Moqallid) na may mga

    katanungan sa mga bagay na ito ang nangangailangan ng kasagutan. Karamihan sa

    mga ito, ayon sa pagkakaalam natin, ay gumagamit ng wikang Filipino (angpambansang wika ng Pilipinas). Ito ang naging inspirasyon upang maisalin ito sa

    wikang Filipino at naging dahilan ng pamamatnubay ng ilan sa mga dalubhasa

    natin na nagbahagi ng dagdag na kaalaman upang lalo pa itong magbigay ng mas

    malalim na pag-unawa sa mga mambabasa nating Pilipino.

    Ang kasalukuyang babasahin na may kabuuang 112 na mga katanungan at ang

    mga kasagutan nito ay mula sa ikalimang kabanata ng orihinal nitong aklat na

    tumutukoy sa Taqlid, paglilinis sa sarili, pagdadarasal, pag-aayuno at ang

    tinatawag na Khums (ang ikalimang bahagi ng kabuuang kita).

    Hossein Divsalar

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    4/39

    4

    Pangkulturang Tagapayo

    Embahada ng Republikang Islamika ng Iran

    Ang mga Katanungan at Kasagutan

    1. Taqlid (Pagsunod)Tanong 1: Ang taqlid ba ay isang ganap na makatwirang usapin at ito rin ba ay

    may matibay na batayang pang hurisprudensya?

    Sagot: Ang Taqlid ay may sapat na katibayang pang hurisprudensya at dagdag

    pa rito ay ang malinaw na dahilan na ang isang taong walang kaalaman sa

    panrelihiyong pamamaraan ay dapat sumangguni sa karapat-dapat at may

    kakayahang Mujtahid (Dalubhasa).

    Tanong 2: Alin ang mas maigi sa iyong palagay, ang kumilos na alinsunod sa pag-

    iingat o sumunod na lamang sa isang Dalubhasa?

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    5/39

    5

    Sagot: Ang kumilos na alinsunod sa pag-iingat ay nakabatay lamang sa

    kaalaman sa bawat sitwasyon at kung papaano ito gagawin. Dagdag pa dito, ang

    pagkilos sa pamamagitan ng pag-iingat ay gumugugol ng maraming oras, sa

    madaling salita mas maigi ang sumunod na lamang sa isang angkop na

    Mujtahid.

    Tanong 3: Ano ang limitasyon sa pagkilos sa paraan ng pag-iingat alinsunod sa

    pahayag ng isang dalubhasa? Kinakailangan din ba natin isaalang-alang ang mga

    pagpapahayag ng mga naunang dalubhasa?

    Sagot: Ang ibig sabihin ng pagkilos sa paraan ng pag-iingat, kung kailan maari

    itong gawin, ay ang pagpapatupad ng lahat ng mga gawain na umaayon sa

    patakarang hurisprudensya na magbibigay ng kapanatagan ng loob sa isangtagasunod na ang kanyang mga tungkulin ay naipapatupad ng mabuti.

    Tanong 4: Ang aking anak na babae ay aabot na sa pagkadalaga ilang linggo mula

    ngayon. Sa pagkakataong ito, kinakailangan na niyang pumili ng kanyang Marja

    (upang sundan). Sa kanyang paghihirap na intindihin ang mga bagay na ito, maari

    po bang mabigyan nyo kami ng payo kung ano ang tungkulin namin (bilang mga

    magulang) sa bagay na ito?Sagot: Sa sitwasyong wala siyang kakayahang kilalanin ang kanyang mga

    tungkuling panrelihiyon, kinakailangan ninyo siyang gabayan at turuan.

    Tanong 5: Kapuna-puna sa lahat ng mga Mujtahid ang pagtukoy sa tamang uri ng

    pamamaraan sa isang paksang nakasaad ay tungkulin mismo ng Mukallaf,

    samantalang ang pagtukoy naman sa pamamaraan nito ay tungkulin ng isang

    Mujtahid. Ngunit sa maraming pagkakataon ay nababatid natin na ang mga

    Mujtahid ay nagpapalabas ng kanilang kuro-kuro tungo sa pagkilala sa paksa.

    Kinakailangan ba nating kumilos sa paraang alinsunod sa kanila?

    Sagot: Nakasalalay sa isang Mukallaf (tagasunod) ang tungkulin upang tukuyin

    ang isang paksa. Samakatuwid, hindi obligadong sundin ang pagpapahayag ng

    isang Mujtahid (ukol sa pagkilala sa paksa) maliban lamang kung malinaw sa

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    6/39

    6

    kanya ang pagpapahayag ng Mujtahid, o di kaya ay ang paksa o sitwasyon

    mismo ay nangangailangan ng pagpapalinaw ng hurisprudensiya.

    Tanong 6: Makasalanan ba ang isang taong pabaya sa pag alam ng mga

    alituntuning panrelihiyon na malimit nitong kinakaharap sa araw araw niyang

    pamumuhay?

    Sagot: Kung ang kanyang kapabayaan para alamin ang kanyang tungkuling

    panrelihiyon ay nagbubunga sa pagtalikod sa kanyang nakasaad na obligasyon

    o di kayay nag-uudyok dito upang makagawa ng masama (ipinagbabawal), sa

    ganitong sitwasyon, siya ay makasalanan.

    Tanong 7: Ano ang patakaran sa mga taong walang masyadong kaalamanna

    kapag tinanong kung kanino sila sumusunod ay sumasagot na: Hindi namin

    alam, o di kaya ay nagsasabing: Sumusunod kami kay ganito o kay ganyang

    dalubhasa subalit wala man lang hangaring sumangguni sa kanyang Islamikong

    Pampraktikal na Aklat at kumilos alinsunod rito?

    Sagot: Kung ang kanilang kinikilos ay umaayon sa pag-iingat, o sa tunay na

    pasya, o alinsunod sa fatwa ng isang Mujtahid (na dapat sana nilang

    sanggunian), ang ganitong gawain nila ay tama.

    Tanong 8: Sa pagkakataon na kung saan ang isang pinakamarunong na Mujtahid

    ay nagpahayag ng isang fatwa sa paraang obligadong pag-iingat (Ihtiyat wajib),

    may pahintulot ba tayong sumangguni sa kasunod nitong mas marunong? Ang

    katanungan natin dito ay itong pangalawang mas marunong ay ganon din ang

    fatwa (obligadong pag-iingat), maari ba tayong sumangnguni uli sa pangatlong

    pinakamarunong at ibapa ? Maari nawa ay paki-paliwanag ang patakarang ito?Sagot: Kung sakaling ang pinakamarunong na Mujtahid ay wala pang fatwa o

    pahayag, walang tutol na sumangguni sa sumunod na mas marunong na

    mayroong malinaw na pahayag ukol sa usaping iyon at hindi nagpapahiwatig

    ng obligadong pag-iingat. At kung siya rin ay nagpapahayag ng obligadong pag-

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    7/39

    7

    iingat, siya ay maaaring sumangguni sa pangatlong pinakamarunong, ganun

    din sa pang-apat at iba pa.

    Tanong 9: May pahintulot ba tayong sumunod sa isang mujtahid na hindi umabot

    sa pagka Marja at ni wala pang nagawang Libro sa Alituntuning Praktikal?

    Sagot: Kung mapapatunayan ng isang tagasunod, na may paghangad sundin

    ang Mujtahid na nabanggit, na siya ay may kakayahan bilang isang Mujtahid,

    ang pag-sunod rito ay walang anumang problema. Sa madaling salita ang pagka

    Marja o ang pagkakaroon ng sariling Aklat sa Alituntuning Praktikal sa Islam

    ay hindi kundisyon upang maging isang angkop na Mujtahid na tamang

    sundan.

    Tanong 10: Maaari bang sumunod ang isang muqallid sa isang Mutajazi na

    mujtahid, ito yung Mujtahid na may angkop na kakayahan sa iilang bahagi lamang

    ng mga alituntunin ng Islam, gaya ng bahaging usaping pagdarasal o pag-aayuno

    lamang?

    Sagot: Ang fatwa ng isang Mutajazi na Mujtahid ay nagsisilbing katibayan

    lamang para sa kanyang sarili. Subalit, para sa pagpapahintulot na ito ay

    sundan (ang kanyang pahayag), ito ay hindi tiyak.

    Tanong 11: Maaari bang sundin ang mga dalubhasa na naninirahan sa ibang bansa

    kahit wala itong posibilidad na abutin?

    Sagot: Ang pagsunod sa isang angkop na Mujtahid ay hindi nangangailangan

    na siya ay galing / nakatira sa parehong bansa kung saan nakatira ang isang

    tagasunod.

    Tanong 12: May pagkakaiba ba ang pagiging makatwiran na kinakailangan ng

    isang marja sa pamantayan na kinakailangan ng isang lider ng isang kongregasyon

    ng pagdarasal (Friday Prayer)?

    Sagot: Ang batayan ng pagiging Marja ay ang pagkakaroon ng sensitibo at

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    8/39

    8

    mahalagangyapak ng pagiging Marjiiyyah sa pagbibigay ng pahayag, dagdag

    pa sa pagiging makatwirannito, at kinakailangan din ang pagkakaroon ng

    kakayahang pigilan ang kanyang mapanghimagsik na sariling kagustuhan at

    ganon din ang kakayahang harapin at pigilan ang makamundo niyang

    pagnanasa, ayon sa obligadong pag-iingat.

    Tanong 13: Naipahayag din na ang pagkamakatwiran ay isang batayan na

    kinakailangan upang sundin ang isang Mujtahid. Ano po ang ibig sabihin ng

    makatwiran?

    Sagot: Ang isang taong makatwiran ay siyang tunay na relihiyoso na hindi

    kusang gagawa o makagagawa ng masama o kasalanan.

    Tanong 14: May batayan ba ang mga kaalaman sa napapanahon nating katayuan at

    kalagayan saIjtihad?

    Sagot: Maaring malaki ang magampanang papel nito tungo sa ilang

    natatanging usapin.

    Tanong 15: Kinakailangan ba na sumunod lamang sa pinakamarunong na Marja?

    At ano ang mga katangian ng isang maituturing na pinakamatalino?

    Sagot: Kinakailangan ng pag-iingat sa pagsunod sa mga pahayag ng

    pinakamatalinong Mujtahid na sumasalungat sa pagpapahayag ng iba. Ang

    katangian ng pagiging pinakamarunong sa lahat ay ang pagkakaroon ng mas

    malawak na kaalaman at kakayahan, kumpara sa sa iba pang mga dalubhasa,

    sa mga sumusunod na paksa:

    - Pagkilala sa sa mga banal na kautusan- Pag-ipon ng mga kaukulang pasya na may pagpapatibay, at- Kaalaman sa mga kaganapang nangyayari sa kanyang panahon dahil ang

    panahon ay nakakaapekto sa pagkilala sa mga paksa ukol sa kanyang

    panrelihiyong pagpapahayag at makapagbabago sa kuro-kuro at pananaw

    nito bilang isang dalubhasa

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    9/39

    9

    Tanong 16: Maari bang sumangguni sa isang dalubhasang hindi kabilang sa

    pinakamarunong, kung saan mayroon pang buhay at mas magaling kaysa sa

    kanya?

    Sagot: Walang problemang sumangguni sa isang dalubhasa na hindi kabilangsa pinakamarunong kung ang pahayag nito ay hindi sumasalungat sa

    pagpapahayag ng pinakamagaling.

    Tanong 17: Tungkol sa usaping Taqlid, sino ba ang dapat nating sundan?

    Sagot: Kinakailangang sundin ang isang dalubhasa na umabot sa katangian na

    kinakailangan upang makapagbitiw ng pagpapahayag at mataguriang ganap na

    dalubhasa. Ayun din sa pag-iingat, siya ay nararapat ding pinakamarunong sa

    lahat.

    Tanong 18: May pahintulot bang magsimulang sumunod sa isang Mujtahid na

    pumanaw na?

    Sagot: Bilang pag-iingat, hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagsunod sa isang

    pinakamarunong at buhay na dalubhasa sa oras ng pag-umpisa sa pagsunod sa

    isang Marja.

    Tanong 19: Napatunayan kong may kakayahan ang isang dalubhasa sa

    pamamagitan ng pagpapatibay ng dalawang makatwirang tao, sa kabila nito

    kinakailangan parin ba na magtanong akong muli sa iba pang tao tungkol sa bagay

    na ito?

    Sagot: Ang pagpapatunay ng dalawang makatwirang eksperto tungkol sa

    kakayahan ng isang dalubhasa na umabot sa lahat ng mga batayan ay sapat na

    upang ituring na may pahintulot ang pagsunod rito at hindi na kailangang

    magtanong pa sa iba (pagkatapos nito).

    Tanong 20: Sa mga anong paraan natin pipiliin ang isang Dalubhasa at papaano

    natin malalaman ang kanyang mga pahayag?

    Sagot: Ang pahayag ng isang dalubhasa, at ang paraan upang malaman na siya

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    10/39

    1 0

    ang pinakamarunong sa lahat, ay makakamtan sa pamamagitan ng pagsusuri sa

    kanyang kakayahan hanggang sa tayo ay makatiyak kahit na sa kanyang

    katanyagan, kung ito ay magiging sanhi upang ang bawat isa ay makatiyak o di

    kaya ay mapanatag, o sa pamamagitan ng pagpapatunay ng dalawang

    makatwirang eksperto. Ang pagpapahayag ng isang dalubhasa ay maaringmakamtan sa mga sumusunod:

    Ang pagpapahayag ay marinig mula mismo sa kanya, o sa dalawa o isangmakatwirang (mga) tao o mula sa mapagkakatiwalaang tao; o di kaya ay

    Sumangguni sa kanyang aklat sa Praktikal na Batas ng Islam, sa paraangbuo ang tiwala rito na wala itong pagkakamali

    Tanong 21: May pahintulot bang mamahagi ng kuro-kuro ng isang Dalubhasa ang

    isang tao na walang pormal na pahintulot (mula sa isang Dalubhasa upang iulat ang

    kanyang mga pagpapahayag) at palagiang nagkakamali sa pag-uulat ng mga

    pagpapahayag nito? Ano ang magiging tungkulin natin kung siya ay naghahatid

    ng opinyon sa pamamagitan ng pagbigkas na ito ay galing sa aklat nitong Praktikal

    na Batas ng Islam?

    Sagot: Hindi kailangang magkaroon ng pahintulot mula sa isang dalubhasa

    upang ipahayag ang kanyang Fatwa o mga pagpapaliwanag tungo sa

    alituntuning pangrelihiyon. Magpaganun pa man, ang pagsasagawa ng

    ganitong gawain ay hindi ipinapahintulot sa mga taong madalas magkamali sa

    pagpapalagananp nito. Kung sakaling mapag-alaman ng isang tao na siya ay

    nagkamali sa pagpapalaganap ng pahayag, obligado itong ipaalam sa kanyang

    mga taga-pakinig ang pagkakamali nito, at sa anumang sitwasyon, hindi

    pinapahintulutan ang isang tagapakinig na kumilos na naa-ayon sa

    pagpapahiwatig ng isang tao hanggang wala itong sapat na katibayan o

    kasiguruhan na tama ang pagpapahayag na iyon.

    Tanong 22:Kung may pahintulot mula sa isang dalubhasa, na hindi kabilang sa

    pinakamarunong, na nagsasaad na maaari tayong manatiling sumusunod sa isang

    dalubhasang pumanaw na, at kung sakali ang pahintulot ng dalubhasang pinaka

    marunong ay kinakailangan rito, obligado ba tayong magpalit ng taqlid upang

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    11/39

    1 1

    sumunod sa pinaka marunong na dalubhasa at humingi sa kanya ng pahintulot

    upang manatili tayong sumusunod sa isang dalubhasang pumanaw na?

    Sagot:Kung ang pahayag ng hindi pinaka marunong na dalubhasa sa ganitong

    sitwasyon ay katulad ng sa pinakamarunong na Mujtahid, walang magigingproblema sa pagsunod sa nauna at hindi kinakailangang magbago papunta sa

    mas marunong na dalubhasa.

    Tanong 23: Kung ang isang tao na tagasunod ni Imam Khomeini (R.A.), hanggang

    sa pagpanaw nito, ay lumipat sa isang dalubhasa, maaari ba siyang lumipat na

    muli kay Imam Khomeini sa panahong gusto niya?

    Sagot: Ayon sa pag-iingat, ang pagpalit ng Taqlid mula sa angkop na buhay naMujtahid patungo sa isang pumanaw na ay hindi pinapahintulutan, subalit,

    kung ang buhay na Mujtahid ay hindi karapat-dapat na sundan, ang pag lipat sa

    kanya sa oras na yon ay hindi tama. Samakatuwid, ang isang Mukallaf ay

    maaaring magpatuloy sa pagsunod sa nasirang lider o lumipat sa isang buhay

    na Mujtahid na may angkop na kakayahan para sundan ito.

    Tanong 24: Kung ang isang tagasunod ng yumaong Imam Khomeini (RA) aylumipat ng Marji ukol sa ilang mga paksa pagkatapos ng pagpanaw ng Imam, at sa

    maikling panahon ay pumanaw na rin ang pangalawang Mujtahid, ano ngayon ang

    tungkulin nito?

    Sagot: May pahintulot siya, tulad ng dati, na ituloy ang pagsunod niya sa Imam

    (RA) tungkol sa mga usaping umaalinsunod sa kanyang pananaw. At yung mga

    usaping tumutukoy sa pananaw ng pangalawang Marji, dalawa ang maaari

    niyang pagpilian: ang magpatuloy sa pagsunod sa kanya o lumipat sa isang

    buhay na Mujtahid.

    Tanong 25: Matapos ang pagpanaw ni Imam Khomeini (RA), sa pag-aakala kong

    alinsunod sa kanyang pasya ay hindi maaring magpatuloy sa pagsunod sa isang

    pumanaw nang Mujtahid, pumili ako ng isang buhay na Mujtahid. Ngayon, may

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    12/39

    1 2

    pahintulot ba akong bumalik sa pagiging tagasunod ni Imam (RA)?

    Sagot: Tungkol sa usaping ikaw ay magpapalit ng Mujtahid, hindi maaaring

    muli kang bumalik sa pagsunod kay Imam (RA) maliban lamang kung ito ay

    umaayon sa pagpapasya ng isang buhay na Mujtahid na nagsasaad na

    kinakailangang magpatuloy sa pagsunod sa isang pumanaw nang pinakamarunong na Mujtahid; at kung sa pagkakataong ito ay inaakala mo na ang

    Imam ang pinakamarunong kaysa sa buhay na Marji, kinakailangang bumalik

    ka sa pagsunod sa yumaong Imam (RA).

    Tanong 26: May pahintulot ba akong sumangguni minsan sa pumanaw nang

    Mujtahid at sa ibang usapin naman ay sa buhay at pinakamarunong na dalubhasa

    na tumutukoy sa natatanging usapin na silang dalawa ay may pagkakaibang kuru-

    kuro?

    Sagot: Bago sumangguni sa isang buhay na Mujtahid, maaari itong magpatuloy

    sumunod sa pumanaw nang Mujtahid. Magpaganun pa man, sa oras na ikaw ay

    lumipat sa buhay na Mujtahid, hindi ka na maaaring sumangguni sa pumanaw

    nang Mujtahid.

    Tanong 27: Ano ang ibig sabihin ng Jahil Moqassar o isang mangmang na dapat

    sisihin?

    Sagot: Siya yaong taong mangmang na alam niya ang kanyang kakulangan at

    may kakayahang alamin ito ngunit, sa kabila nito, ay pinapabayaan lamang niya

    ang tungkuling pag-aralan ang kanyang panreliheyong responsibilidad.

    Tanong 28: Sino ang JahilQasr o mangmang na hindi masisisi?

    Sagot: Siya yaong taong walang malay sa kanyang kamangmangan at kungmayroon man itong kaalaman sa kanyang kakulangan ay wala naman itong

    kakayahang pawiin o hindi alam ang gagawin papaano ipatupad ang kanyang

    responsibilidad.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    13/39

    1 3

    Tanong 29: Kung ang fatwa ng Pinuno ng mga Muslim tungkol sa mga usaping

    may kaugnayan sa panlipunan, pampulitika, at pangkultura ay nagkataong

    magkasalungat sa pahayag ng iba pang dalubhasa, ano ang magiging obligasyon

    ng mga Muslim? Mayron bang natatanging linya sa pagitan ng pahayag ng isang

    dalubhasang pinuno ( Jurist leader) ng mga Muslim at ng Marji? Halimbawa nitoay kung ang isang lider at isang Marja ay magkasalungat ng pananaw tungkol sa

    paksang musika, sino ba sa kanila ang karapatdapat na sundin? At sa kabuuan,

    ano ang kautusang Wilai (authorative) na nagsasaad na ang pananaw ng isang

    pinunong dalubhasa ay nangunguna kaysa sa isang Marja?

    Sagot: Ang pahayag ng isang Huristang pinuno ay nangunguna kung ang

    usapin ay tungkol sa pamamalakad sa isang Islamikong bansa at sa

    pangkalahatang kapakanan ng mga Muslim. Habang ang bawat Mukallaf ay

    kinakailangang sumunod sa kani-kanyang Marji tungkol sa usaping

    pampersonal.

    2. Taharah (Pagka-dalisay)Tanong 30: Kapag nililinis ang isang nagkanajis na damit gamit ang kurro di kaya

    ay tumatakbong tubig, kinakailangan ba itong pigain sa labas ng tubig o sapat na

    itong malinis pagkatapos kusutin habang nasa tubig?

    Sagot: Sapat na itong pigain o kusutin habang nasa tubig.

    Tanong 31: Ang nagkanajis na karpet at iba pang tulad nito, sapat na ba ang

    kalinisan kung ang mga ito ay nilinis ng tubig gripo, kung saan konektado ito sa

    mga tubo na nagmumula sa pinagmumulan ng panglunsod na tubig? O

    kinakailangan pang alisin sa pamamagitan ng pagdiin ng tubig na ginamit sa

    paghuhugas?

    Sagot: Pagkatapos gamitan ng tubig gripo, hindi na kinakailangan pang pigainang tubig na ginamit sa mga ito, kundi sapat nang maalis yung likas na najis sa

    oras na tumatama rito ang tubig gripo habang dinidiin ito ng kamaay; ito ay

    malinis na.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    14/39

    1 4

    Tanong 32: ano ang patakaran sa pagsasagawa ng wudu o di kaya ay ghusl sa

    pamamagitang ng tubig na may pagka matigas tulad ng tubig dagat dahil sa sobra

    nitong asin (tulad ng tubig na makikita sa Dagat-dagatan ng Urumiyeh sa Iran) o di

    kaya ay yaong tubig na mas matigas pa doon?

    Sagot: Ang pagkamatigas ng isang tubig dahil sa pagkakaroon nito ng sobrang

    asin ay hind sapat na dahilan upang ito ay hindi mabilang na isang tubig na

    totoo o walang halo. Ang pamantayan ng share upang masabi itong isanglikas

    na tubig o walang halo ay sa pamamagitan ng pananaw ng karamihan na

    nagsasaad na ito ay natural lamang na tubig.

    Tanong 33: Para sa pamantayan ng isang tubig kurr (tulad ng mga tubig na

    nakaimbak sa mga palikuran ng tren , at ibp), kinakailangan pa ba itong alamin

    upang siguruhin na ito ay umabot sa ganap (Kurr) na tubig o sapat na yaongipagpalagay natin na ito ay umabot sa isang ganap o kurr na tubig.

    Sagot: Kung mapagtanto na ang tubig ay isang ganap (Kurr) sa umpisa nitong

    sitwasyon, sapat na itong ipagpalagay na ito ay kurr na tubig.

    Tanong 34: Upang linisin ang ilalim ng paa o ng sapatos na nagkaroon ng najis,

    maaari daw itong gawin sa pamamagitan ng paglalakad ng hindi bababa sa labin-

    limang hakbang. Totoo ba na magiging malinis lamang ito pagkatapos maalis ang

    likas na najis na nandoon? O maituturing rin ba itong malinis kahit nandoon pa anglikas na najis ngunit natapos nang mailakad ito ng labing limang hakbang? O

    malilinis lamang ang ilalim ng paa o sapatos kung ang likas na najis ay nawala na

    sa pamamagitan ng paglalakad ng hindi bababa sa labing limang hakbang?

    Sagot: Kung ang ilalim ng paa o sapatos ng isang tao ay naka-apak ng isang

    najis habang naglalakad ay maari itong malinis sa pamamagitan ng paglalakad

    nito ng halos sampung hakbang sa ibabaw ng isang tuyo at malinis na lupa na

    maging sanhi upang ang likas na najis na bagay ay maalis na.

    Tanong 35: Ang mga kalsada bang nilapatan ng aspalto o iba pang bagay ay

    maituturing parte ng lupang nakakalinis sa pamamagitan ng paglalakad rito ng

    talampakan ng paa o ng ilalim ng sapatos?

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    15/39

    1 5

    Sagot: Ang lupang nilapatan ng aspalto ay hindi nakakalinis ng talampakan ng

    paa o ng sapatos.

    Tanong 36: Ang araw ba ay kasama sa mga bagay na nakapaglilinis? At kung ito

    ay maituturing na kasama, sa anong paraan o kundisyon ito makapaglilinis?

    Sagot: Ang araw ay makapaglilinis ng lupa at iba pang bagay na hindi maaaring

    magalaw o mailipat tulad ng mga gusali, o mga bagay na konektado rito o

    anumang bagay na nananatili sa loob nito - tulad ng mga kahoy, pintuan at

    ibpa. Ang mga bagay na ito ay malilinis ng araw sa paraang maalis o alisin

    muna ang likas na najis, at kinakailangan ring ito ay basa at ito ay maibilad sa

    araw hanggang sa ang mga ito ay tuluyang nitong matuyo.

    Tanong 37: Papaano malinis ang isang damit na nagbibigay kulay sa tubig habang

    ito ay nilalabhan?

    Sagot: Kung hindi nito maapektuhan ang tubig upang mabantuan (Muzaf), angdamit ay magiging malinis sa pamamagitan ng pagbuhos rito ng tubig

    Tanong 38: Sa papaanong paraan linisin ang lagusan ng ihi at ang (butas ng) puwet

    sa pamamagitan ng kakaunting tubig (Qalil)?

    Sagot: Ang paglilinis ng lagusan ng ihi sa pamamagitan ng kakaunting tubig ay

    sa pamamagitan, alinsunod sa pag-iingat, ng paghugas nito ng dalawang beses;

    at para naman sa puwet, ito ay obligadong hugasan hanggang sa tuluyan nangmaalis ang likas na najis at ang mga bakas nito.

    Tanong 39: Sa intensyong magsasagawa ng wudu para sa maghrib na

    pananalangin, maaari ko bang gamitin ang naisagawang wudu sa paghawak ng

    banal na Quran at ganon din sa panalanging Eisha?

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    16/39

    1 6

    Sagot: Sa oras na maisagawa ang wudu sa tama nitong paraan at hanggang buo

    pa ito, maaari itong gamitin sa anumang gawaing nangangailangan ng

    pagkadalisay.

    Tanong 40: May nagsasabi na sa oras ng wudu ay hanggang dalawang beses lang

    maaaring hugasan ng tubig ang mukha, at sa pangatlong beses nito ay hindi na

    maaari. Ito ba ay totoo o hindi?

    Sagot: Ang paghuhugas ng mga parte ng katawan na kinakailangan sa wudu, sa

    unang pagkakataon, ay kinakailangan; at sa pangalawa naman ay kanais-nais.

    Ngunit ang wudu ay magiging hindi tama sa pangatlong pagkakataon. Ang

    batayan para malaman natin kung saan ang unang pagkakataon nito ay

    nakasalalay sa intension ng bawat isa. Samakatuwid, kung ang isang tao ay

    nagbuhos ng tubig sa mukha ng isa o dalawang beses sa hangaring ito ang una

    nitong pagkakataon ay walang problema (maibibilang itong unang beses).

    Tanong 41: Sa pagsasagawa ng wudu irtimasi, maaari bang paulit-ulit na ibabad

    ang mukha at ang mga kamay sa tubig o hanggang dalawang beses lamang ito

    pwedeng ibabad sa tubig?

    Sagot: Hanggang dalawang beses lang maaaring ibabad sa tubig ang mukha at

    mga kamay sa oras ng pagsasagawa ng wudu pang irtimasi. Ang unang beses

    nito ay wajib at ang pangalawa ay pinapayagan at sa pangatlo nito ay hindi na

    maaari. Ganoon din, sa oras ng pagsasagawa ng irtimasing wudu ay dapat

    kasabay ng intensyong magsasagawa ng wudu habang inaangkat ang kamay

    pataas mula sa tubig upang saganon ay maaring gamitin ang basa sa kamay

    bilang tubig wudu na pangpahid (sa ulo at paa).

    Tanong 42: Ano ang inyong pananaw tungkol sa pagsasagawa ng wudu bago

    dumating ang tamang oras ng pagdarasal? Isa sa mga kasagutan ninyong

    nabanggit ay kung ang isang wudu ay isinagawa sa oras na malapit nang pumasok

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    17/39

    1 7

    ang tamang oras ng pagdarasal, ang pagdarasal na naisagawa doon ay tama.

    Ngayon, gaano kalayo ang umpisa ng oras ng pagdarasal na inyong ibig sabihin?

    Sagot: Ang batayan nito ay kung ang karaniwang mga tao ay may palagay na ito

    ay malapit na sa tamang oras ng pagdarasal, anumang wudu para sa pagdarasalna naisagawa rito ay walang problema.

    Tanong 43: Maaari bang gumamit ng tubig na pampahid maliban sa tubig na

    ginamit sa pagsasagawa ng wudu? At kinakailangan din ba gamitin ang kanang

    kamay sa oras magpapahid ng tubig sa ulo at sa direksyon mula pataas-pababa

    lamang?

    Sagot: Ang maaari lamang gamitin sa pagpahid sa ulo at paa ay yaong tubig

    (basa) na natira mula sa pagsagawa ng paghugas ng kamay at sa panahongwalang natirang pagkabasa rito ay maaaring kumuha mula sa (basa ng) tubig

    ng balbas at sa mga kilay, at ang ihtiyat nito ay gawin ang pagpahid sa ulo sa

    pamamagitng ng kanang kamay ngunit, hindi kinakailangang gawin ito sa

    direksyong mula pataas-pababa lamang.

    Tanong 44: Maaari bang magsagawa ng wudu na ang layunin ay upang

    magsagawa ng obligado at pang-araw-araw na pagdarasal kahit bago pa manpumasok ang mga tamang oras nito?

    Sagot: Walang problema sa pagsasagawa ng wudu sa hangaring pagsasagawa

    ng obligadong arawang pagdarasal, kahit bago pa man pumasok sa tamang oras

    nito.

    Tanong 45: Ang wudu ba mismo ay isang mustahab? Tama ba ang isinagawang

    wudu sa hangaring mapalapit sa Allah kahit bago pa man pumasok ang tamang

    oras ng pagdarasal at pagkatapos ay magsagawa ng pananalanging gamit mismo

    ang nabanggit na wudu?

    Sagot: Ang pagsasagawa ng wudu sa hangaring maging nasa kalagayan ng

    taharah (malinis) ay mustahab at ito ay kanais-nais ayon sa batas ng Islam at

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    18/39

    1 8

    maaari ding magsagawa ng panalangin gamit mismo ang mustahab na wudu na

    ito.

    Tanong 46: Sa pagpapahid ng tubig sa ulo, sapat na bang mabasa ang buhok o

    kinakailangan pa rin tumagos ang basa ng tubig sa balat ng ulo?

    Sagot: Ang pagpahid sa balat ay hindi kinakailangan, sapat na ang mapahiran

    ng tubig ang ibabaw ng ilang bahagi ng buhok.

    Tanong 47: Ano ang patakaran ng pagkakaroon ng patlang ng oras na maaring

    makagawa ng pagkahiwalay sa pagitan ng pagpupunas at/ o ang paghuhugas sa

    mga parte ng katawan sa oras ng pagsasagawa ng wudu o ghusl (paliligo)?

    Sagot: Walang problema sa pagkaroon ng agwat na sandali- o hindi tuloy-tuloy

    na pagsasagawa- sa oras ng ghusl. Ngunit, ang wudu ay hindi tama kung ang

    pagkaantala ng oras ay sa paraang ang hinugasan o pinahiran na mga parte ng

    katawan ay tuluyan nang natuyo.

    Tanong 48: Ano ang patakaran kung nagkaroon ng najis ang mga parte ng katawan

    na kinakailangan sa wudu pagkatapos hugasan ito at bago matapos ang wudu?

    Sagot: Hindi ito makasisira sa wudu, ganoon pa man, ang parteng nabanggit ay

    kinakailangang linisin para mapanatili ang pagigimg malinis mula sa najasah;

    na sadyang kinakailangan sa pagdarasal.

    Tanong 49: May problema ba ang pagkakaroon ng ilang patak ng tubig sa mga paa

    bago maisagawa ang pagpapahid sa oras ng wudu?

    Sagot: Kinakailangang punasan ang mga patak ng tubig na ito upang ang

    kamay na gagamitin sa pagpahid sa mga paa ang siyang babasa, hindi ang

    kabaliktaran.

    Tanong 50: Isang tao ang hindi nakaalam na ang naisagawa nitong wudu ay hindi

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    19/39

    1 9

    tama, at nalaman lamang niyang mali ito matapos nang maisagawa ang wudu. Ano

    ang magiging patakaran dito?

    Sagot: Kinakailangan niyang ulitin ang wudu para sa mga gawain na

    nangangailangan ng wudu, tulad ng pagdarasal. At kung naisagawa na niyaang pagdarasal gamit ang maling wudu na ito, kinakailangang ulitin niya ito

    (ang pagdarasal).

    Tanong 51: Ano ang patakaran ukol sa mga panghalip na tumutukoy sa Allah, ang

    Dakila, tulad sa pagpapahayag ng, bismihi taala?

    Sagot: Ang patakaran tungkol sa Kanyang mga pangalan ay hindi nasasakop ng

    mga panghalip.

    Tanong 52: Maari bang hindi na isulat ang salitang Allah sa halip isulat na lang

    ito sa pamamagitan ng Al para makatiyak na hindi ito mahawakan ng walang

    wudu?

    Sagot: Walang masama sa ganoon.

    Tanong 53: Sa lugar kung saan ako nagtatrabaho, at sa bawat pagsulat ko ng

    salitang (Allah) ay ginagawa ko sa paraang (A). Ang pagsulat ba ng A. at ang

    tatlong tuldok kapalit ng dakilang letra ng (Allah) sa pananaw ng Share (Batas) ay

    ano?

    Sagot: Wala itong problema sapananaw ng Share.

    Tanong 54: Ang pagbabawal ba sa paghawak sa mga salita ng Banal na Quran ngwalang wudu ay limitado lamang pag ito ay nakapaloob sa Banal na Kasulatan o

    pati na rin sa ibang bagay na tulad ng nakasulat sa mga libro, mga

    pahayagan, magasin, tableaux, atbp.

    Sagot: Ito ay hindi limitado sa Banal na Kasulatan lamang. Sa halip, saklaw din

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    20/39

    2 0

    nito ang mga salita at mga bersikulong nakasulat sa iba pang mga libro, mga

    pahayagan, magasin, tableaux, atbp.

    Tanong 55: Anu-ano yaong mga dakilang pangalan na nangangailangan ng pag-

    galang at ang paghawak sa mga ito na walang wudu ay ipinagbabawal (haram)?

    Sagot: Bawal hawakan na walang wudu ang mga pangalan at mga pangngalan

    na tumutukoy sa mga katangian ng Allah, at sapilitan ring dapat pag-ingatan

    ang mga pangalan ng mga Dakilang Propeta at ang mga Walang

    Pagkakamaling mga Imam (a).

    Tanong 56: Sa pagkakataong maikli ang oras upang maligo dahil sa Janabah,

    maaari bang magsagawa ng tayammum, habang ang katawan at ang mga suot na

    damit ay may najis o kinakailangan munang linisin ang katawan at gawin ang

    nararapat na paliligo (ghusl) bago magsagawa ng panalangin sa pamamagitan ng

    qada o nakalipas nitong oras?

    Sagot: Kung walang sapat na oras upang linisin ang katawan at kasuotan nito, o

    magpalit ng mga damit, at ganon din kung hindi maaaring isagawa ang

    pagdarasal na walang saplot dahil sa lamig at iba pang dahilan, sa ganoong

    pagkakataon dapat isagawa ang dasal alinsunod sa tayamum kaysa magsagawang ghusl, at kahit na suot ang hindi malinis na kasuotan. Ang dasal na ito ay

    tama at hindi na kailangan pang ulitin pa.

    Tanong 57: Sa oras ng ghusl, kinakailangan bang humarap sa Qibla (direksyon ng

    Mecca) o ito ay isang mustahab (kanais-nais) lamang?

    Sagot: Ang pagharap sa Qibla sa oras ng paliligo ay hindi sapilitan.

    Tanong 58: Kapagmay ilang mgamustaab o sapilitan na ghusl ang dapat

    isagawa, sapat na ba ang pagsagawa ng isang ghusl para tumbasan ang lahat?

    Sagot: Kung ang pagsagawa ng ghusl ay may hangaring maging katumbas ito

    ng lahat (ng kinakailangang paliligo), ito ay magiging sapat na. Gayundin, kung

    isa sa mga paligo na ito ay ghusl janaba, at ang hangarin sa paliligong gagawin

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    21/39

    2 1

    ay ghusl Janaba lamang, magiging katumbas din ito ng pagsasagawa ng lahat

    na iba pang ghusl, ganoon pa man, ang pinakamaigi ay gumawa ng intensyon

    para isagawa ang lahat ng ito.

    Tanong 59: Sapat na bang hindi magsagawa ng wudu pagkatapos magsagawa ng

    ghusl maliban sa ghusl Janaba?

    Sagot: Hindi ito sapat humalili sa wudu.

    Tanong 60: Kinakailangan bang dumaloy ang tubig sa katawan sa oras ng

    pagsasagawa ng Ghusl Janaba?

    Sagot: Ang pagsasagawa ng paliligo o paghuhugas ng katawan na may

    hangaring ipatupad ang nararapat na ghusl sa karaniwan nitong paraan ay

    sapat na at hindi na nito kondisyon ang pag-agos ng tubig (sa katawan).

    Tanong 61: Kung alam ng isang taong nais makipagtalik sa kanyang asawa na

    walang sapat na tubig para sa paliligo o walang sapat na oras para magsagawa ng

    ghusl upang magdasal, may pahintulot ba siyang makipagtalik rito?

    Sagot: Kahit na ito ay hindi posible para sa kanya upang isagawa ang ghusl,

    wala namang tutol na makipagtalik ito sa kanyang asawa kung may kakayahan

    siyang magsagawa ng tayammum.

    Tanong 62: Sapat ba na ang pagsagawa ng ghusl janaba ay sa paraang pagkatapos

    hugasan ang ulo ay sundan ito ng paghuhugas mula sa kahit alinmang dako ng

    katawan, o nararapat ang ang pagkakasunod nito mula sa kanang bahagi ngkatawan (ang uunahin) bago ang kaliwang parte?

    Sagot: Kailangan obserbahan ang pagkakasunod nito, mula kanang bahagi ng

    katawan bago ang kaliwa.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    22/39

    2 2

    Tanong 63: Sa pagsasagawa ng tayammum, maaari bang gamitin ang mga bagay

    na tulad ng lupa, plaster ng Paris, at bato na nakadikit sa dingding?

    Sagot: Hindi. Isang kundisyon sa tamang pagsasagawa ng tayammum ay ang

    mga ito ay nasa lupa lamang.

    Tanong 64: Kung walang tubig, o ang paggamit nito ay makakasama sa isang tao,

    at kapalit nito ay nagsagawa ng tayamum, may pahintulot ba siyang pumasok sa

    Masjid upang sumabay sa kongregasyong pagdarasal? Paano naman ang pagbabasa

    ng Banal na Quran?

    Sagot: Hanggang ang batayan na nagpapahintulot sa tayumum ay hindi na-

    aalis, at ang pagsasagawa nito ng tayammum ay wasto, siya ay may pahintulot

    gawin ang lahat ng mga kilos kung saan ang kadalisayan ay kinakailangan.

    Tanong 65: Papaano ba ang pagsasagawa ng tayamum? Mayroon bang pagkakaiba

    sa pagitan ng pagsasagawa nito katumbas ng wudu o pagsagawa nito kapalit ng

    ghusl?

    Sagot: Ang pagsasagawa ng tayammum ay dapat sa ganitong mga

    pagkakasunod: Una ay ang intensyon na siya ay magsasagawa ng tayammum

    (para sa kagustuhan ng Diyos) pagkatapos nito, ang mga palad ng mga kamay

    ay ilapat na may konting diin sa bagay na maaaring gamitin pang tayammum,

    pagkatapos ay ipahid (wipe) sa buong noo hanggang sa mga gilid nito, mula sa

    linya ng buhok hanggang sa mga kilay, pati sa itaas na bahagi ng ilong,

    pagkatapos,ipahid naman ang kaliwang palad sa ibabaw ng buong kanan kamay

    at ganon din ang kanan palad (ay ipahid) sa ibabaw ng buong kaliwang palad.

    Gayundin, batay sa sapilitang pag-iingat, ilapat muli ang magkabilang palad sa

    lupa (pagkatapos ng mukha) at ipahid ng kaliwang kamay sa boung ibabaw ng

    kanang kamay at ganon din ang kanang kamay sa kaliwang kamay. Ganito angpagkakasunod-sunod na paraan ng tayammum maging ito man ay isang

    tayammum kapalit ng ghusl o kapalit ng wudu.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    23/39

    2 3

    Tanong 66: Ano ang patakaran sa pagsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng

    dyipsum, apog, at ng mga inihurnong (baked) pirasong nanggagaling dito at

    ganuon din ang laryo (brick)?

    Sagot: Ang pagsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng mga bagay namaipalagay nating kabilang o nanggagaling sa lupa-tulad ng dyipsum, apog at

    iba pa ay tama; at hindi lamang sa ganito pwede ang tayammum kundi pati

    narin sa mga laryo.

    Tanong 67:Nabanggit ninyo na ang pwede lamang pagsagawaan ng tayammum

    ay yung mga bagay na malinis. Sapilitan ba na ang mga parte ng katawan na

    kailangan sa tayammumtulad ng noo at mga likod ng kamay - ay maging

    malinis?

    Sagot: Batay sa pag-iingat, hanggat maaari, ang noo at ang likod ng mga

    kamay ay dapat malinis, kung hindi ito maaaring linisin, gawin ito ng walang

    paglilinis, bagaman hindi ito ang batayan upang hindi linisin sa anumang

    sitwasyon.

    Tanong 68: Kung hindi kayang magsagawa ng wudu ang isang tao, at ganuon din

    ang pagsagawa ng tayammum, ano ang magiging tungkulin nito?

    Sagot: Kung hindi niya kaya magsagawa ng wudu o tayamum para sa

    pagdarasal, kailangan na nitong isagawa ang pagdasal na walang wudu o

    tayammum alinsunod sa pag-iingat at sa tama nitong oras mismo at dapat ulitin

    din niya ito bilang isang qada na pagdarasal sa oras na magkaroon ng wudu o

    tayammum.

    Tanong 69: Sa mga seremonya ng pagluluksa para sa Imam Husayn (AS) kung

    saan ang isang tao, dahil sa emosyon, ay malakas nitong naihampas ang ulo sadingding ay nagkadugo ito at tumalsik sa mga mukha at mga ulo ng iba pang

    kalahok ng seremonya. Ang dugo bang nabanggit ay najis o hindi?

    Sagot: Ang dugo ng isang tao ay, kailanman, mananatiling najis.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    24/39

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    25/39

    2 5

    Tanong 73: Sa iyong estimadong palagay, sa anong pagkakataon maaring magbago

    ng intensyon sa oras ng mga obligadong pagdarasal?

    Sagot: Sa mga pagkakataong ganito ay kinakailangang magbago ng intensyon

    ang isang mandarasal:

    Mula sa dasal na Asr patungo sa panalanging Zuhur, kung mapagtantonito habang isinasagawa ang Asr na hindi pala nakapagdasal ng Zuhur

    Mula Isha patungo Maghrib na panalangin, sa oras na malaman niyahabang isinasagawa ang Isha na hindi pala siya nakapagdarasal ng

    Maghrib

    Kung nagsasagawa siya ng dalawang Qada na pananalangin na dapatsana ito isagawang magkasunod at ang nauna niyang naisagawa ay ang

    huli dahil sa pagkalimot.

    Ang pagsasalin ng intensyon sa mga ganitong pagkakataon ay mustahab

    (kanais-nais)

    Mula sa pang-araw-araw na sapilitang pananalangin tungo sa Qada namga dasal, kung ito ay hindi magbibigay dahilan para mawala ang

    kahusayan ng tamang oras ng pang-araw-araw na panalangin.

    Mula sa sapilitang panalangin patungo sa mustahab na panalangin kungang hangarin ay makisabay sa kongregasyon na panalangin at makuhaang gantipala nito.

    Mula sa sapilitang panalangin patungo sa mustahab na pagdarasal ngisang tao na nakalimutan niyang basahin ang Surah al-Jumuah sa halip

    ay ibang Surah, kahit kalahati nito o higit pa rito. Samakatuwid, ito ay

    mustahab na siya ay magbago ng intensyon mula sapilitang dasal tungo

    sa mustahab na pananalangin upang sa ganoon ay maulit nito ang

    sapilitang dasal na kasama ang Surah Jumuah.

    Tanong 74: Sa oras ng pagbabasa ng mga Zikr (Pagpupuri sa Panginoon) sa mga

    pananalanging mustahab, ang todong pagkatigil ba ng katawan ay sapilitan o

    hindi?

    Sagot: Walang kaibahan ang litanyang binabanggit sa pagitan ng sapilitan at

    mustahab na pagdarasal.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    26/39

    2 6

    Tanong 75: Tama ba ang aking panalangin kung naisagawa ko ito habang ako ay

    nagdududa kung ang damit ko ay may najis o wala?

    Sagot: Ang mga damit na pinagdududahan kung ito ay may najis o wala ayitinuturing na malinis at ang dasal na naisagawa rito ay tama.

    Tanong 76: Hanggang saan ang pananamit ng isang babae sa oras ng panalangin?

    May problema ba sa mga damit na may maikling manggas at ang hindi pagsuot ng

    medyas?

    Sagot: Kailangan takpan ng mga babae ang buo nitong katawan maliban sa

    parte ng mukha na kinakailangan hugasan habang nagsasagawa ng wudu,ganun din ang mga kamay hanggang sa pulso, at ang mga paa nito hanggang sa

    buol (sa paraang ang lahat ng katawan ay natatakpan ng damit). At sa oras ng

    pagkakaroon ng hindi-mahram ay dapat din takpan pati na rin ang mga paa.

    Tanong 77: Sapilitan ba sa mga kababaihan ang takpan ang paa sa oras ng

    pananalangin?

    Sagot: Hindi nito saklaw ang mga paa, hanggang buol lamang habang walanghindi-mahram na naroroon.

    Tanong 78: May problema ba ang sadyang pagkapalit ng dhikr ng ruku tungo sa

    dhikr ng sujjud at ganun din ang kabaligtaran nito?

    Sagot: Ito ay walang problema kung sa pagbikas rito ay bilang pangkalahatang

    dhikr para sa Allah, sa ganitong paraan, ang ruku, sujjud at ang panalangin ay

    lahat nasa tama.

    Tanong 79: Kung ang isang tao ay magkamali bigkasin ang dhikr sa ruku at ang

    naipalit nito ay yung para sa sujjud o di kaya kabaligtaran nito, at napag-alaman

    ang pagkakamali nito at kaagad itinuwid, tama ba ang kanyang dasal o hindi.

    Sagot: Walang problema at tama ang kanyang dasal.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    27/39

    2 7

    Tanong 80: Ano ang alituntunin ng isang tao sa oras na malaman nito pagkatapos

    ng kanyang panalangin o sa oras ng kanyang ( pagsasagawa ng) pananalangin, na

    mali pala ang pagbigkas niya sa dhikr ng ruku o di kaya ay sujjud?Sagot: Kung ang paglipas ng dikhr ay sa punto na naalala niya ito pagkatapos

    ng ruku o pagpatirapa, ito ay walang problema at tama.

    Tanong 81: Sapat na ba ang pagbikas ng Tasbihat al Arbaah ng isang beses

    lamang sa pangatlo at pang apat na rakah ng pananalangin?

    Sagot: Oo, bagaman at alinsunod sa pag-iingat ay bigkasin ito ng makatatlong

    ulit.

    Tanong 82: Ang Tasbihat-al Arbaah ay binibigkas ng makatatlong beses lamang

    sa bawat pananalangin, ngunit kung magkamali itong bigkasin ng apat na beses,

    ang panalangin ba nito ay tatanggapin ng Panginoon?

    Sagot: Walang problema rito

    Tanong 83: Ano ang patakaran kung hindi matandaan ng isang tao kung siya ay

    nagbigkas ng Tasbihat- al-arbaah ng tatlong beses o higit pa o di kaya ay mas

    mababa pa rito, sa pangatlo o pang-apat na rakah ng pananalangin?

    Sagot: Sapat na ang isang beses at wala siyang obligasyon, at habang wala pa

    ito sa sujjud ay maaari nitong ipagpalagay na nasa mababang bilang ito at ulitin

    ito hanggang sa maging panatag na siyang nakatatlong beses na nitong

    naibigkas.

    Tanong 84: Maaari bang bigkasin ang iawlillhi wa Quwwatih Aqmu wa

    Aqud... sa oras na siya ay gumagalaw? Tama ba itong bigkasin habang papatayo?

    Sagot: Walang problema rito. Sa katunayan, ang nabanggit na dhikr ay mas

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    28/39

    2 8

    maigi kung binibigkas ito sa oras na tumatayo para sa kasunod na rakat ng

    pananalangin.

    Tanong 85: Ano ang ibig sabihin ng katagang dhikr? Kasama ba rito ang pagbigaysalawat sa Propeta(s) at ang kanyang Banal na Pamilya?

    Sagot: Lahat ng katagang naglalaman ng pagbati o pag-alaala sa Allah ay

    mabibilang na mga dhikr, at ang pagbibigay-pugay (salawat) sa Propeta at sa

    kanyang Banal na Pamilya ay nabibilang sa pinakamagandang uri ng mga

    dhikr.

    Tanong 86: Ano ang alituntunin sa pagsasagawa ng sajda at tayammum sa mga

    semento at kongkretong mga baldosa (tiles)

    Sagot: Walang problema sa pagsasagawa ng sajda at tayammum sa mga ito,

    bagaman alinsunod sa pag-iingat ay umiwas sa pagsasagawa ng tayammum sa

    mga semento at kongkretong baldosa.

    Tanong 87: Ano ang patakaran ngpagpapatirapa sa marmol ( na kung saan

    minsan ay nakalatag sa mga bakuran ng mga banal templo)?

    Sagot: Walang problema sa pagsagawa ng sajda sa mga marmol.

    Tanong 88: Maaari ba ipikit ang mga mata sa oras ng pagdarasal (dahil habang ito

    ay nakabukas ay nagbibigay ito ng gambala sa taimtim na pananalangin ng isang

    tao)?

    Sagot: Walang problemang pang-Shari sa oras na ipinipikit ang mga mata

    habang nananalangin, bagaman ang pagsasagawa rito ay makruh.

    Tanong 89: Ano ang dapat na maging intensyon ng isang Imam (pinuno) sa mga

    kongregasyong pananalangin? Dapat ba nitong ipaloob ang intensyon bilang isang

    kongregasyon o indibidwal na panalangin?

    Sagot: Kung nais niyang makuha ang benepisyo at gantimpala ng isang

    kongregasyon na panalangin, ito ay dapat gumawa ng intensyon na siya ay

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    29/39

    2 9

    mamumuno ng pananalangin. Gayun pa man, kung siya ay nasa katayuang

    manalangin na walang intensyong mamuno, ang kanyang dasal ay tama pa rin

    at walang problema sa iba na magsagawa ng pananlangin sa likod nito at sa

    pamumuno niya.

    Tanong 90: Ano ang patakaran tungkol sa isang tao o mga tao na pumupunta sa

    isang Masjid upang magsagawa ng dasal na mag-isa o paisa-isa, habang ang

    pananalangin ay kasalukuyang isinasagawa ng kongregasyon?

    Sagot:Kung ang pagsasagawa rito ay magbibigay ng kahinaan sa

    kongregasyong pananalangin o kalapastangan tungo sa Imam o isang panlalait

    sa kanya habang kinikilala siya ng mga tao bilang matapat na pinuno ay hindi

    ito pinapayagan.

    Tanong 91: Ano ang kahulugan ng katarungan sa inyong pananaw?

    Sagot: Ito ay sikolohiyang estado dahil sa ang isang tao ay umabot sa kondisyon

    ng pagkabanal na pumipigil sa kanya upang kaligtaan ang mga obligado niyang

    mga tungkulin o gumawa na mga bagay na ipinagbabawal ayon sa Islamikong

    batas. Para makilalang mabuti ang estado ng hustisya, sapat na itong makita

    ang malinaw na kabutihan o kagandahang asal na naipamalas ng isang tao.

    Tanong 92: Mayroon bang kautusan ang Dakilang Lumikha na naghihikayat sa

    mga kababaihan upang makibahagi sa kongregasyon o pananalangin tuwing

    Biyernes sa mga masjid tulad ng kalimitang ginagawa ng mga kalalakihan? O mas

    maigi para sa kanila na magsagawa ng pananalangin sa bahay lamang.

    Sagot: Walang problema sa mga kababaihan na pumunta o dumalo sa mga

    kongregasyong panalangin o sa Biyernes na pagdarasal. Bukod pa dito,

    mayroon din silang ganap na gantmipala na makakamtan sa pagsasagawa ng

    kongregasyong pananalangin.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    30/39

    3 0

    Tanong 93: Sa anong uri ng tungkulin nakasaad ang dalawang Id (Kasayahan) na

    pananalangin at ang Biyernes na pagdarasal?

    Sagot: Sa panahon natin ngayon ang dalawang Id na pananalangin ay

    Mustahab at hindi ito sapilitan at ang pananalangin sa araw ng Biyernes ay

    isang tungkuling pagpipilian (Takhayyarri). Ibig sabihin nito kung maisagawaang dhuhur na panalangin ay maaaring hindi na nito isagawa ang Biyernes na

    kongregasyong pananalangin at ganun din ang kabaligtaran nito).

    Tanong 94: Kung may pagdami o pagkukulang sa mga qunut sa mga Id na

    panalangin, ito ba ay nangangahulugang tama o ito ay mali?

    Sagot: Hindi ito mali kung ang ibig sabihin ng pagdami o pagkukulang ay ang

    pahabain o paiksiin ang isinasagawang qunut mismo. Ngunit kung angtinutukoy ay ang padami o pagkakulang ng bilang ng qunut, ang Id na

    pananalangin ay dapat alinsunod sa paraang nababanggit sa mga Libro ng

    Batas Islamiko.

    Tanong 95: May qada ba sa mga Id na pananalangin?

    Sagot: Wala itong Qada.

    Tanong 96: Ang Id Fitir ba ay may iqama?

    Sagot: Wala itong Iqama?

    Tanong 97: Kung ang isang lider ng Byernes na pananalangin ay magsagawa ng

    Iqama sa Id na pagdarasal, anu ang magiging kahinatnan ng kanyang dasal at ang

    iba pa na sumusunod sa likod niya?

    Sagot: Walang kasiraang maidudulot ito sa panalangin ng Id ng isang Imam o

    ng mga sumusunod sa likod nito.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    31/39

    3 1

    Tanong 98: Ano ang pananalanging Ayat at papaano ito magiging kasama sa

    sapilitang pagdarasal alinsunod sa Batas Islamiko?

    Sagot: Ang panalanging Ayat ay binubuo ng dalawang rakah, na may limang

    ruku at dalawang sajda sa bawat rakah. Ayon sa alituntunin ng Islam, ito ay

    nagiging sapilitan sa mga panahon ng eklipse ng buwan at araw; kahit bahagyalang ang mga ito, o di kaya ay lindol, o anumang hindi karaniwang

    kababalaghang nangyayari na maging sanhi ng pagkatakot ng karamihan sa

    mga tao, tulad ng hindi pangkaraniwang itim, pula, o dilaw na bagyo, o

    matinding kadiliman, pagguho ng lupa, o isang sigaw (mula sa langit) o ang

    apoy na minsan ay lumilitaw sa mga kalangitan.

    Ang pananalanging Ayah ay hindi magiging obligado sa mga pangyayaring

    hindi nag-uudyok ng pagkasindak ng karamihan sa mga tao, maliban sa eklipse

    at lindol.

    Tanong 99: Papaano isinasagawa ang Panananlanging Ayat?

    A:Ang pananalanging Ayat aymay ibat ibangparaan:

    Unang paraan:

    Pagkatapos ng intensyon at pagsasagawa ng Takbiratul al-ihram, kailangang

    basahin ang Surah al-Fatiha at isa pang ayah, pagkatapos ay isagawa nito ang

    ruku. Pagka-angat nito mula sa pagkakaruku, babasahin niyang muli ang

    Surah al-Fatiha at isa pang surah, at muli naman siya magsasagawa ng ruku.

    Ito ay paulit-ulit na gaganapin hanggang sa makumpleto ang limang ruku.

    Pagkatapos ng panghuling ruku sa ikalimang ulit ay magsasagawa siya ng

    dalawang sajdah, at tatayo ito at isagawa ang ikalawang rakah sa parehong

    paraan tulad ng una, at matapos makumpleto ang dalawang sajdah sa

    panghuling rakah, ay susundan ito ng tashahud at salaam.

    Pangalawang paraan:

    Pagkatapos ng intensyon at pagsasagawa ng Takbiratul al-ihram, kailangang

    basahin ang al-Fatiha at isa pang bahagi ng surah na hindi bababa sa isang

    kumpletong taludtod (verse) ng isang surah, at magsagawa ito ng ruku.

    Pagkatapos sa pag-angat mula sa pagkakaruku, siya ay magbabasa ng ibang

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    32/39

    3 2

    bahagi (kasunod) ng parehong surah at magsasagawa uli ito ng ruko, at sa

    muling pagkaka-angat mula sa pagkakaruko, ay magpapatuloy ng pagbabasa ng

    parehong kabanata, at patuloy ang pamamaraan na ito hanggang sa

    makumpleto ang ikalimang ruku at ang pagsagawa ng dalawang pagpapatirapa,

    pagkatapos ay tumayo at basahin ang al-Fatiha at ilang bahagi ng surah, atsundan ito ng ruku, at tuloy-tuloy ito tulad ng naunang rakah. Maaari niyang

    hindi basahin ang al-Fatiha na higit sa isang beses sa bawat simula ng bawat

    rakah.

    Maaaring isagawa ang unang rakah alinsunod sa unang pormang nabanggit at

    ang isang rakah naman ay sa iba nitong porma.

    Pangatlong paraan:

    Dapat makompleto ang isang kabanata(Chapter), kung saan siya ay nagbasa ng

    isang verso sa unang nakatayong kalagayan, at ganun din sa pangalawa, sa

    pangatlo at sa pang-apat na nakatayong sitwasyon . At ito ay magiging obligado

    sa kanya pagkatapos bumangon mula sa pagkayuko (rukuh) na ulitin ang fatiha

    sa susunod na nakatayong sitwasyon, at basahin ito (Fatiha) kasama ang isang

    kabanata o isang verso ng isang kabanata(surah) kung siya ay bago pa sa

    pangatlong yuko o pang-apat na yuko. At sa pagkakataong ito kailangan niyang

    kompletohin ang boung kabanata bago ang ikaliman yuko.

    4.Pag-aayuno (Fasting)Tanong 100: Tulad ng pagkakaalam ninyo,isa sa mga sumusunod na tatlong

    bagay na ito ay nangyayari sa simula o dulo ng bawat buwan: Ang gasuklay(crescent) na buwan ay naglalaho bago ang paglubog ng araw, o ang gasuklay na

    buwan ay naglalaho kasama ng paglubog ng araw, o ang gasuklay na buwan ay

    naglalaho pagkatapos ng paglubog ng araw. Mangyari po bang linawin ninyo ang

    sumusunod na mga bagay na ito: Una, alin sa tatlong nabanggit na pangyayari

    ang maaaring kalkulahin para sa pinakamalayong parte ng mundo sa

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    33/39

    3 3

    pamamagitan ng tumpak at makabagong kasangkapan? Pangalawa, maaari ba

    nating gamitin ang ganitong kalkulasyon upang malaman natin ng maaga ang

    simula ng bagong buwan o di kaya ay kinakailangan natin mismong makita ang

    gasuklay na buwan sa pamamagitan ng ating mga mata?.

    Sagot: Sa lahat ng nabanggit na usapin, sapat nang makita natin mismo ang

    buwan (gasuklay) upang mapagtanto natin ang umpisa ng bagong buwan

    pagkatos ng gabing pagmamatyag.

    Tanong 101: Sapat bang gamitin sa pagmamatyag ng bagong buwan ang mga

    kasangkapang tulad ng largabista, teleskopyo, o ang mga tulad nito?

    Sagot: Ang pagmamatyag ng bagong buwan sa pamamagitan ng mga

    instrumentong nabanggit ay maaaring gamitin at ito ay walang pagkakaiba

    doon sa nakita mismo ng mga mata. Subalit, ang pagkuha ng litrato sa buwan sa

    pamamagitan ng makabagong kasangkapan at iba pa, ay hindi malinaw na

    kategoryang pagmamatyag at ito ay may problema.

    Tanong 102: Kung ang gasuklay na buwan bilang tanda ng unang umpisa ng

    Shawwal ay hindi napatunayan sa isang komunidad ngunit ang mga radyo at

    telebisyon ay nagpahayag ng umpisa ng Shawwal, maaaring bang kumilos angmga tao sa nasabing komunidad alinsunod sa pag-anunsyo ng radyo, o dapat nila

    itong siyasatin ng maigi kung ang Shawwal ay nag-umpisa na o hindi?

    Sagot: Kung ang pag-anunsyo sa telebisyon at radyo ay nagpapahiwatig ng

    kasiguruhan ng pagsimula ng Shawwal, o di kaya ay sa pamamagitan ng

    pagpapahayag ng isang Dalubhasang lider na nagsasaad na ang Shawwal ay

    nagsimula na, sa ganitong pagkakataon, hindi na kailangan ng karagdagang

    imbestigasyon.

    Tanong 103: Kung mahirap alamin ang simula ng buwan ng Ramadhan, o Idul

    Fitr, sa kadahilanan ng pagkawala ng kakayahang obserbahan ang gasuklay na

    buwan dahil sa ulap at iba pang dahilan, at kung ang bilang ng buwan ng Shaaban

    o ang buwan ng Ramadhan ay hindi umabot ng 30 araw, maari ba sa amin na nasa

    bansang Hapon na umalinsunod sa guhit-tagpuan (horizon) ng bansang Iran o di

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    34/39

    3 4

    kaya ay sumunod na lang sa regular na kalendaryo? Ano ang magiging patakaran

    rito?

    Sagot: Kung ang gasuklay na buwan ay hindi napagtanto kahit man lamang sa

    pamamagitan ng pagkakita sa katabing lungsod na pareho ng guhit-tagpuan (ng

    iyong lunsod) o ng katibayan ng dalawang makatwirang mga saksi, o di kayaysa pagpapatibay ng isang autoridad na pangrelihiyon, ito ay sapilitan na

    alinsunod sa pag-iingat hanggang mapagtanto ang simula ng buwan ay

    napatunayan.

    Tanong 104: Ang pagkakapareho ba ng abot-tanaw ay isang kondisyon sa pag-

    oobserba ng gasuklay na buwan?

    Sagot: Oo, ito ay isang kondisyon.

    5.Khums ( Islamikong Pagbubuwis)Tanong 105: Kung ang perang hiniram ay hindi nakayanang bayaran bago

    magtapos ang taon. Sino po ba ang may resposibilidad magbayad ng khums nito,ang nagpautang o ang umutang?

    Sagot: Ang nanghiram ay walang obligasyong bayaran ang khums nito. Ang

    may-ari ng pera ang dapat magbayad ng khums nito kung ang pera na

    ipinahiram ay galing sa kanyang taunang kinikita at kung ito rin ay kayang

    bawiin sa loob ng taon bago matapos ang taunang pagbabayad nito ng khums.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    35/39

    3 5

    At kung sakaling hindi nito mabawi sa loob ng taon na iyon wala itong

    babayarang khums para sa taong yon; kundi ang pagbabayad ng khums nito ay

    kung kailan lang ito mababawi.

    Tanong 106: Kung ang mga haram (ipinagbabawal) na ari-arian ng isang tao ay

    naihalo sa iba pa nitong mga ariarian, ano ang magiging patakaran nito at papaano

    ito magiging halal? Ano ang gagawin nila kung mapag-alaman nila na ito( ay

    nahaluan ng haram)? At kung sakaling wala silang kaalam-alam?

    Sagot: Kung nakakatiyak sila ng pagkakaroon ng haram na mga ari-arian mula

    sa lahat ng kanilang pag-aari subalit hindi kayang tukuyin ang tamang halaga

    nito o hindi kilala ang pinagmulan nito, kailangan nilang bayaran ito ng khums

    para maging halal. Ngunit kung sila ay nagdadalawang-isip na baka lang

    nahaluan ng haram ang kanilang ari-arian; sa ganitong sitwasyon ay wala

    silang babayarang khums.

    Tanong 107: Kung ang isang tao ay walang pagmamay-aring bahay at siya ay nag-

    umpisang mag-ipon ng pera upang lumikum ng sapat na pambili ng bahay at

    ganoon din ang mga bagay na kailangan nito sa pamumuhay, ito po ba ay

    nangangailangan ng khums?

    Sagot: Ang lahat ng perang naipon mula sa taunang kita ay kinakailangang

    bayaran ng khums pagkatapos ng huling taon kung ito ay nakalaan sapanghinaharap na gastusin, maliban lamang kung ang inipon ay nakalaan sa

    pangunahin nitong pangangailangan sa maikling panahon pagkatapos ng

    taunang pagbabayad ng khums, sabihin nating dalawa o tatlong buwan. Ito ayhindi nangangailangan ng khums kung magiging sanhi ito ng pagkaantala ng

    pagbili sa mga bagay na kailangan sa pamumuhay, tulad ng bahay at ibpa.

    Tanong 108: Kung ang isang tao ay may nakabinbing khums na dapat nitong

    bayaran , at sa kasalukuyang panahon ay hindi nito kayang bayaran o magdudulot

    sa kanila ng hirap upang ito ay bayaran, ano ang magiging patakaran rito?

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    36/39

    3 6

    Sagot: Hindi maiaalis sa kanila ang obligasyon na pagbayad ng khums nito

    kahit ito man ay hindi nila kayang bayaran o di kaya ay magdudulot sa kanila

    ng kahirapan sa pagbabayad rito. Obligado pa rin itong bayaran kahit sa

    anumang paraan na kaya nila, maaari silang magsagawa ng mudawarah sa may

    autoridad na taga-kolekta ng buwis, o di kaya ay sa abogado nito, upangisagawa ang pagbabayad alinsunod sa kakayahan nitong magbayand sa tamang

    panahon at sa kabuuan nito.

    Tanong 109: Kung ang isang tao ay hindi nagbigay ng khums sa matagal nang

    panahon at ngayon ay gusto na niyang ibigay ang lahat na ito ngunit hindi nito

    alam kung magkano, ano ang magiging patakaran rito?

    Sagot: Sikapin niyang kalkulahin lahat ang mga ito at bayaran; at kung ito ay

    may pagdududa sa kabuuan ng dapat niyang bayaran ay kailangan niyang

    sumangguni sa Huristang lider o sa kinatawan nito.

    Tanong 110: Nangangailangan ba ng khums ang mga instrumentong magiging

    puhunan sa isang propesyon?

    Sagot: Ang mga kasangkapang kinakailangan sa isang propesyon ay itinuturingna puhunan, at kung ito ay nagmumula sa kinikita ng isang tao, ang

    pagbabayad rito ng khums ay kinakailangan.

    Tanong 111: Ano ang patakaran sa pagpapaliban ng khums mula sa isang taon

    papunta sa susunod nitong taon.

    Sagot: Ang pagpapaliban ng pagbayad ng khums sa susunod nitong taon ay

    hindi maaari, kahit na ang pagbabayad ng khums sa anumang oras ay

    magpapawi sa kanya ng tungkulin. Hindi maaaring gamitin ng isang tao ang

    pera paglipas ng isang taon na hindi nito nabayaran ang khums. Subalit, kung

    ginamit nito ang pera bago pa makunan ng khums, siya ay kinakailangan nang

    magbayad ng khums nito, at kung sakaling gamitin ito sa pagbili ng mga ari-

    arian tulad ng mga lupa at ibpa., mula sa perang hindi nabayaran ng khums,

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    37/39

    3 7

    ang transaksyon ay magiging fuduli at alinsunod sa tamang kabuuan ng khums

    at ang pahintulot nito ay nababatay sa pahayag ng may kapangyarihang taga-

    kolekta ng khums na siyang magpapahayag sa isang tao kung magkano ang

    halagang dapat ibayad sa mga bagay batay sa kanilang kasalukuyang halaga.

    Tanong 112: Kung ang isang tao ay nag-aalinlangan kung nakapagbayad ba ito ng

    khums sa isang partikular na bagay-kahit na halos sigurado tayong ito ay

    nabayaran na ng khums- ano ang magiging tungkulin natin rito?

    Sagot: Kung ito ay nasasakop ng khums, kailangan mong siguruhin na ang

    khums nito ay nabayaran na.

    __________________________________________________________________

    Talasalitaan:

    dil- ang pagkabanal ng isang tao sa kalagayang hindi gagawa ng intensyonal na mga kasalanan.

    d- Isang panrelihiyong pagdiriwang na kilala bilang isang masayang okasyon.

    d ul it- Isang panrelihiyong pagdiriwang na idinadaos sa unang araw pagkatapos ng buwan ng

    Ramadan

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    38/39

    3 8

    Ijtihad- ang pagpapatupad ng mga kinakailangan upang magbigay ng patakaran pang shari mula sa

    Dakilang Quran, tradisyon atbp.

    ul- Isang kontrata, sa pagbili o isang kasal, na isinasagawa sa kapakanan ng iba na wala silang

    permiso

    Ghusl - Ang pagsasagawa ng ritwal na paliligo sa hangaring mapalapit sa Allah.

    all-Tungkol sa mga gawaing maaring isagawa o di kaya ay mga pagkain maaring kainin

    arm - Ipinagbabawal, ang gawain na maghahatid ng kaparusahan

    Junub - kalagayan ng isang tao pagkatapos makipagtalik o magpalabas ng tamud o esperma

    Khums Ika-dalawampung porsiyento mula sa taunang naimbak mula sa kinikita ng isang tao o sa isang

    natatanging pag-aari. Nahahati ito sa dalawang pantay na bahagi: ang bahagi ng Imam at ang bahagi ng

    mga Sayyid

    Kurr - ang kabuuang dami ng tubig na hindi bababa sa 284 litro.

    Marji or Marja - Isang kuwalipikadong dalubhasa tungkol sa batas ng Islam na maaaring sanggunian

    tungkol sa usaping pang huresprudensya.

    Masjid-Moske o bahay kung saan idinadaos ang pagsamba

    Mudawarah - Ang paraan ng pagtatanggap ng khums at paghiram nito pabalik sa nagbayad sa

    pamamagitan ng pahintulot ng may kapangyarihang sumingil ng khums o ang Marji sa oras na

    ang isang tao ay may babayarang khums ngunit hindi nito kayang ibigay.

    Mujtahid- Isang mahusay na dalubhasa sa Islam na may kakayahang magpalabas ng kaukulang ijtihad o

    pasya sa ibat ibang usaping pang-islamiko.

    Mukallaf- Isang matinong tao na umabot sa edad ng pagkakabinata o pagkakadalaga.

    ustaabb- Isang Gawaing kanaisnais sa pananaw ng share ngunit walang kaparusahan kung sakaling

    ito ay pabayaan.

    Najsah-ang kalagayang ng pagiging najis (o hindi malinis)

    Najis- hindi dalisay, hindi malinis

    indi-maram - isang tao na hindi pinakamalapit na kamag-anak at maaring ikasal sa isang tao.

    a - isang obligadong aksyon na hindi naisagawa sa tama nitong oras.

    Qalil - ang kabuuang dami ng tubig na mababa sa 384 litro.

    Qunut- isang bahagi ng pagdarasal na isinasagawa sa pangalawang rakan kung saan ang isang

    suplikasyon o pagdaraing ay binabasa.

  • 8/2/2019 Ang Risala: Ayatullah al-Uzma Sayyid Ali Khamenei

    39/39

    3 9

    rakah - isang bahagi ng pananalangin na binubuo ng isang ruku at dalawang pagtirapa, atbp.

    Ruk - Pagtirapa o bahagi ng panalangin kung saan ang isang tao ay yumuyuko at nilalagay ang mga

    kamay sa tuhod.

    Shabn - Ang buwan bago ang buwan ng Ramadhan

    shar or sharah - Ang kodigo ng mga muslim tungkol sa batas Islamiko

    Shawwl- ang buwan pagkatapos ng buwan ng Ramadhan

    Taqld- ang paraan ng pag-sunod sa isang dalubhasa alinsunod sa batas ng islam

    Wudu - isang ritwal na paghuhugas