Academic Budget Plantilla Sa Filipino 8

22
Academic Budget Plantilla sa Filipino 8 Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al. Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 12 Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon Pangkalahatang Layunin: 1. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda 2. Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa akdang epiko ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan Tiyak na Layunin: Aralin 1 Akda: “Ibalon, Epiko ng mga Bikolano” Pagtalakay sa mga katangian ng epiko Pagkilala sa iba’t ibang antas ng wika a. Minds-On: Matapos mabasa ang akdang epiko, magpapaskil ang guro ng mga printed pictures o retrato at salita na maglalarawan sa simbolismong nakita sa akda at saka tatanungin ng guro kung ano ang kinalaman ng mga larawan o salita sa akda at kung ano ang sinisimbolo nito. b. Hands-On: Magpapagawa ng "charade" sa mga mag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay huhulaan ang kahulugan ng salitang pinahuhulaan batay sa kung paano ito ikinilos ng magsasagawa ng charade. Kapag nasagutan na, ipapauri kung ang salita ay nasa antas na balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa o pampanitikan. c. Authentic L.E.: Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng iba pang epiko sa pamamagitan ng Internet. Itatala nila ang mga salitang hindi pamilyar sa Normative/ Tradisyunal: Sagutin kung Tama o Mali: 1. Ang epiko ay isang genreng pampanitikan na may isang kakintalan. 2. Ang Ibalon ay epiko ng mga Bikolano. 3. Pinakamataas na antas ng wika ang antas pampanitikan. Sagot: 1. Mali 2. Tama 3. Tama Performance-based: 1. Sa pagtalakay ng iba’t ibang antas ng wika ay mapauunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa gramatika at/o balarila. 2. Mapag-aaralan din ang katangian ng mga epiko na maaaring iugnay sa kultura, tradisyon at katangian ng lugar na pinagmulan nito upang lubos na maunawaan ang kasaysayan o history ng lugar. 3. Sa araling ito, malilinang ang

description

Halimbawa ng isang Academic Budget Plantilla sa Filipino para mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa PNU at sa iba pang unibersidad. **Ang plantilla na ito ay orihinal kong ginawa at isinumite sa aming propesor sa Curriculum Development na si Dr. Ma. Corazon Sigua.

Transcript of Academic Budget Plantilla Sa Filipino 8

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 12

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Napauunlad ang

    kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda

    2. Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang ginamit sa akdang epiko ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

    Tiyak na Layunin:

    Aralin 1

    Akda: Ibalon, Epiko ng mga Bikolano

    Pagtalakay sa mga katangian ng epiko

    Pagkilala sa ibat ibang antas ng wika

    a. Minds-On: Matapos mabasa ang akdang

    epiko, magpapaskil ang guro ng mga printed pictures o retrato at salita na maglalarawan sa simbolismong nakita sa akda at saka tatanungin ng guro kung ano ang kinalaman ng mga larawan o salita sa akda at kung ano ang sinisimbolo nito.

    b. Hands-On: Magpapagawa ng "charade" sa mga mag-aaral kung saan ang mga mag-aaral ay huhulaan ang kahulugan ng salitang pinahuhulaan batay sa kung paano ito ikinilos ng magsasagawa ng charade. Kapag nasagutan na, ipapauri kung ang salita ay nasa antas na balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa o pampanitikan.

    c. Authentic L.E.: Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng iba pang epiko sa pamamagitan ng Internet. Itatala nila ang mga salitang hindi pamilyar sa

    Normative/ Tradisyunal: Sagutin kung Tama o Mali: 1. Ang epiko ay isang

    genreng pampanitikan na may isang kakintalan.

    2. Ang Ibalon ay epiko ng mga Bikolano.

    3. Pinakamataas na antas ng wika ang antas pampanitikan.

    Sagot: 1. Mali 2. Tama 3. Tama Performance-based:

    1. Sa pagtalakay ng ibat ibang antas ng wika ay mapauunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa gramatika at/o balarila.

    2. Mapag-aaralan din ang katangian ng mga epiko na maaaring iugnay sa kultura, tradisyon at katangian ng lugar na pinagmulan nito upang lubos na maunawaan ang kasaysayan o history ng lugar.

    3. Sa araling ito, malilinang ang

  • 1. Nakapagbibigay-hinuha sa mga simbolismong nakita sa akda

    2. Naibibigay ang kahulugan ng salita na maaaring iuri sa balbal, kolokyal, pambansa o pampanitikan na galing sa akda batay sa pagkakagamit nito

    3. Nagagamit ang mga salitang magkasingkahulugan o magkasalungat sa pangungusap

    nabasang epiko sa talahanayang may apat na hanay. Sa unang hanay ay ang salitang naitala samantalang sa ikalawang hanay ang kasingkahulugan at kasalungat nito. Sa ikatlong hanay, gagamitin sa pangungusap ang salita at sa ikaapat na hanay ay magbibigay ng sariling pananaw ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng mga epiko sa bansa. Ipepresenta sa klase ang output ng gawain.

    Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Pipili sila ng pinakanagustuhang bahagi sa epikong nabasa at isasadula nila ito sa harap ng klase. Rubrik:

    Kahusayan sa Pagganap- 30%

    Katumpakan sa pagsasadula- 30%

    Pagkamalikhain- 20%

    Pagsasaalang-alang sa wikang gagamitin- 20%

    Kabuuan: 100% (self-developed)

    pagiging malikhain at ang kritikal na pag-isip (critical thinking skills) ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng charade na naglalayong mapag-isip ang mga mag-aaral kung ano ang tamang estratehiya upang mahulaan ng kapwa mag-aaral ang pinakikitang kilos at malaman ang kaugnayan ng kilos sa tamang sagot.

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 4

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin:

    1. Nahuhulaan ang

    mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan

    2. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan

    Tiyak na Layunin: 1. Natutukoy ang

    mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-

    Aralin 2

    Akda: Tao, Ikay Likha Lamang

    Pagkilala sa mga unang anyo ng tula: tugma, salawikain, kasabihan, bugtong

    Pagpapalawak ng talasalitaan sa pamamagitan ng kasingkahulugan, katumbalik na salita, paglalapi, o salitang magkakapangkat

    a. Minds-On:

    Magpapalabunutan ang mga mag-aaral ng kapirasong papel kung saan nakasulat ang isang partikular na bugtong, salawikain o kasabihan. Babasahin ng bawat mag-aaral ang nakasulat sa klase at tutukuyin kung ito ay bugtong, salawikain o kasabihan. Kung bugtong, sasabihin ng mag-aaral ang sagot sa bugtong at magtatanong din ng bugtong sa kapwa niya mag-aaral. Kapag salawikain o kasabihan, ipapaliwanag ang kaisipan o katuturan nito at magbibigay ng iba pang halimbawa.

    Bugtong

    1. Manok kong pula, Inutusan ko ng umaga Nang umuwiy gabi na.

    Normative/Tradisyunal: Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat bilang. 1. Ayon sa binasang

    akda, ang tao ay nagiging palalo. Ano ang kasingkahulugan ng naka-italikong salita?

    2. Siya ang nagsabing ang tula ay diwa.

    3. Ano ang sagot sa bugtong: isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.

    Sagot: 1. Mapagmataas 2. Inigo Ed. Regalado 3. Walis

    1. Sa pagtatamo ng

    mga salitang may kasingkahulugan, katumbalik na salita, paglalapi at magkakapangkat na salita ay maaaring mahasa ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral dahil mapapalawak ang kanilang talasalitaan na maaaring magamit sa pakikipag-talastasan.

    2. Sa pagsusuri naman ng katuturan/kaisipan sa likod ng mga bugtong, salawikain

  • bayan 2. Nakasusulat ng

    sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan sa tulong ng mga salitang may kasingkahulugan, katumbalik na salita, paglalapi, o magkaka-pangkat na salita

    3. Nakabubuo ng isang produkto mula sa mga naisulat na bugtong, salawikain at kasabihan

    4. Naipapahayag ang sariling saloobin o pananaw hinggil sa napakinggan o nabasang karunungang-bayan

    2. Noong maliit pa ay paruparo Nang lumaki ay latigo.

    3. May binti, walang hita. May tuktok, walang mukha.

    Salawikain

    1. Daig ng maagap ang masipag. 2. Kapag may itinanim, may aanihin. 3. Kapag may tiyaga, may nilaga.

    Kasabihan

    1. Ang kabataan ang pag-aasa ng bayan.

    2. Ang hindi magmahal sa sariling wika, mahigit pa sa hayop at malansang isda.

    3. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.

    b. Hands-On:

    Matapos talakayin ng guro ang mga unang anyo ng tula sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga biswal na pantulong at pagbibigay ng halimbawa, papasulatin ang mga mag-aaral ng sarili nilang bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan batay sa personal nilang karanasan o mga kasalukuyang kalagayan sa lipunan.

    Performance-based: a. Hahatiin ng guro ang

    klase sa tatlo. Ang bawat grupo ay pipili ng pinakanagustuhang saknong mula sa tulang tinalakay. Lalapatan ito ng sariling likhang tono o himig at aawitin sa klase. Kinakailangan ding magkaroon ng sayaw interpretatibo habang umaawit. Bago magsimula ang presentasyon ay ipapaliwanag muna ng pangkat kung bakit ang partikular na saknong ang napiling ipresenta.

    Rubrik sa Pagmamarka:

    Kahusayan/ Kaisahang-himig

    40%

    Pagkamalik-hain

    30%

    Indayog/ 30%

    at kasabihan ay nagiging isang kritiko ang mag-aaral sa silbi ng panitikan sa buhay ng mga tao. Papasok dito ang larangan ng literary criticism kung saan nagbibigay suri o kritik ang isang indibidwal sa isang partikular na anyo o genre ng panitikan.

    3. Ang pagbuo naman ng isang literary folio ay lilinang sa creativity at makatutulong sa mga mag-aaral upang maging maalam o bihasa sa pagdidisenyo ng isang aklat/folio/ pahayagan gamit ang mga kagamitang elektroniko at aplikasyong pan-desktop gaya ng Adobe at Microsoft Publisher na maaaring ibenta at

  • Sasalungguhitan ang mga salitang nagamit na may kasingkahulugan, katumbalik na salita, paglalapi, o magkaka-pangkat na salita. Isusulat ito sa espesyal na papel na inihanda ng guro at ipepresenta sa klase.

    c. Authentic L.E.: Magpapaskil ang guro ng mga biswal na pantulong na naglalaman ng piling salawikain, sawikain at kasabihan na tumatalakay sa mga isyung panlipunan. Ipapabasa ang mga ito sa mag-aaral at sa tulong ng Ugnayang Tanong-Sagot (UTS), tatanungin ang saloobin o pananaw ng mag-aaral. Pagkatapos ay magsasagawa ng isang debate hinggil sa kasabihang Ang hindi magmahal sa sariling wika, mahigit pa sa hayop at malansang isda. Kapag nahati na sa dalawang pangkat ang klase ay bubunot kung aling panig ang papanindigan. Ang unang panig ay tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng wikang Filipino samantalang ang ikalawang panig ay maka-banyaga (kabutihan ng globalisasyon, papel ng wika sa panahon ng modernisasyon etc.)

    Sayaw

    Kabuuan 100%

    (self-developed) b. Upang makabuo ng

    isang produktong tinatawag na Literary Folio, pagsasama-samahin ng mga mag-aaral ang naisulat nilang mga bugtong, salawikain at kasabihan buhat sa nakaraang gawain na dadagdagan pa ng sariling gawang bugtong, salawikain at kasabihan. Ang mag-aaral ang bahala sa nais na disenyo at paraan kung paano ipapalimbag ang Literary Folio.

    Rubrik sa Pagmamarka: Nilalaman: 70% Sining/Disenyo: 30% Kabuuan: 100% (self-developed)

    pagkakitaan (livelihood).

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 4

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Nabibigyang-

    kahulugan ang mga talinghagang ginamit

    2. Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa akda batay sa pagiging totoo o hindi totoo at may batayan o kathang isip lamang

    Tiyak na Layunin: 1. Natutukoy ang

    kahulugan ng talinghaga sa binasang tula

    Aralin 3

    Akda: Ang

    Magsasaka

    Pagtalakay sa

    mga katangian at

    sangkap ng tula

    Pagbubuo ng

    ibat ibang

    pandiwa sa

    pamamagitan ng

    wastong

    paglalapi

    a. Minds-On:

    Ipapaskil ng guro ang matatalinghagang bahagi o taludtod ng tula sa pisara. Gamit ang estratehiyang Webbing ay ipapasulat sa mga mag-aaral ang tingin nilang kahulugan/ interpretasyon ng matalinghagang pahayag mula sa taludtod/bahagi ng tula. Sa tulong na rin ng patnubay ng guro ay malilimita ang mga naisulat ng mga mag-aaral sa pinakatumpak na kahulugan ng talinghaga. Mula rito ay ipapaliwanag ng mag-aaral ang kahulugan ng talinghaga batay sa mga salitang naisulat kaugnay ng pahayag sa taludtod. Halimbawa:

    Normative/Tradisyunal: Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang tawag sa

    sangkap ng tula na tumutukoy sa sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. a. Tugma b. Diwa c. Sukat d. Saknong

    2. Tumutukoy ito sa masining na salitang ginagamit ng makata. a. Diwa b. Tugma c. Kariktan d. Sukat

    3. Alin ang hindi

    1. Sa pagkaalam ng

    mga mag-aaral sa katangian at sangkap ng tula, pag-unawa nila sa mga talinghaga kasabay ng pagpapasulat sa kanila ng tula ay malilinang ang kakayahan nila sa creative writing o malikhaing pagsulat.

    2. Sa paggamit nila ng facebook, twitter at iba pang social networking sites ay nahahasa ang kanilang kakayahan sa pagmamaniobra ng mga aplikasyong

    lupa ang aklat kong

    malawak na lubha

  • 2. Naisasaalang-alang ang mga sangkap at katangian ng tula sa pagbuo/pagsulat ng matalinghagang tula

    3. Nakabubuo ng mga matatalinghagang salita/pahayag (pandiwa) sa tulong ng wastong paglalapi

    4. Naipapahayag ang sariling kuro-kuro o opinyon hinggil sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa nabasang tula batay sa pagiging totoo o hindi at kung may batayan o wala

    b. Hands-On: 1. Magtatanong ang guro ng mga

    interesanteng paksa sa mga mag-aaral na siyang pagbabatayan nila sa pagsulat ng tula. Pagkatapos ay papangkatin ng guro sa lima ang klase upang sama-sama at tulong-tulong na bumuo ng isang matalinghagang tula. Isaalang-alang nila ang mga katangian at sangkap ng tula. Isusulat ng bawat pangkat ang nabuong tula sa cartolinang inihanda ng guro at ipapaskil nila ito sa pisara upang mabasa ng buong klase.

    2. Ang bawat mag-aaral ay pipili ng isang tula maliban sa sinulat ng kanilang pangkat at isusulat nila ito sa kanilang kwaderno. Magbibigay sila ng sariling interpretasyon hinggil sa napiling tula. Maaaring sa paarang pasalaysay (sanaysay na nag-iinterpret sa talinghaga) o di kaya ay sa pamamagitan ng pagguhit ng poster (ipapaliwanag sa klase kung bakit iyon ang naiguhit).

    mabubuo sa paglalaping ginamitan ng ma-? a. Makata b. Matahi c. Magalit d. Madapa

    Sagot: 1. C 2. C 3. A

    Performance-based: Magsasaliksik ang mga mag-aaral hinggil sa Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Lahat ng masasaliksik ay kailangang itala. Susulat ang mga mag-aaral ng isang editorial na naglalaman ng kanilang mga opinyon o kuro-kuro na susuportahan ng mga nakalap nilang datos o impormasyon at iuugnay nila ito sa mga detalye o kaisipan sa binasang tula.

    Web 2.0 at Web 3.0 digital age/era ng teknolohiya o technology.

    3. Kaugnay ng paggamit ng teknolohiya, nalilinang din ang interpersonal nilang kakayahan lalo na sa pakikisalamuhang sosyal sa internet. Sa isang bahagi naman ng gawain na nagpapagawa ng poster, maaaring malinang ang pagkamalikhain sa pagguhit o drawing.

    hindi ko kilala ang

    kasaganahan

  • c. Authentic L.E.:

    1. Ang bawat mag-aaral ay makikipagtulungan sa kanilang katabi sa upuan upang makabuo naman ng mga matatalinghagang pahayag sa gabay ng wastong paglalapi. Hinihikayat na i-post ito sa facebook, twitter o anupamang social networking sites at kinakailangang may makapag-comment hinggil sa kanilang nabuong matalinghagang pahayag. Ipepresenta sa klase ang ilang mga komento sa nai-post.

    2. Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase at sila ay magsasagawa ng round table discussion hinggil sa mga kaisipan o detalyeng inilahad sa binasang tula na Ang Magsasaka at pag-uusapan kung ang mga ito ay may katotohanan o wala at kung may batayan o wala. Halimbawa ay ang kaisipang inilahad hinggil sa dapat ituring na bayani ang mga magsasaka. Habang nagdidiskusyon ay itatala nila ang mga ito at ipepresenta ng bawat pangkat ang mga kuro-kuro o opinyon nila hinggil sa mga napag-usapan.

    Rubriks:

    Maayos na nailahad ang mga kuro-kuro o opinyon.

    35%

    Mayroong relevance ang mga datos

    30%

    May kaisahan o may padron ang simula, katawan at wakas

    20%

    Naiugnay sa binasang akda ang mga puntong inilahad

    15%

    KABUUAN 100%

    (self-developed)

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 3

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Nabibigkas nang

    wasto at may damdamin ang tula

    2. Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin ng nagsasalita

    Tiyak na Layunin: 1. Nabibigkas nang

    wasto at may damdamin ang tulang tinalakay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagtula

    Aralin 4

    Akda: Biyaya ng Kalikasan

    Pagkilatis sa ibat ibang uri ng tula

    Wastong pagbabanghay ng pandiwa sa ibat ibang aspekto

    Paggamit ng angkop na mga pandiwa sa makabuluhang pangungusap

    a. Minds-On:

    1. Mamimili ang mga mag-aaral ng paboritong saknong o stanza ng tula at bibigyan sila ng limang minuto upang kabisaduhin ito (memorization). Pagkatapos ay bibigkasin na ng mag-aaral ang paboritong saknong ng wasto at may damdamin. Ang huhusga sa kanila ay ang kapwa nila mag-aaral sa pamamagitan ng pagpalakpak na nangangahulugang nagustuhan ng mga nakarinig ang pagbigkas ng tula.

    2. Hahatiin ng guro ang klase sa pitong pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigkas ng iaatang na uri ng tula sa kanila na maaaring epiko, awit o korido, tulang patnigan (balagtasan

    Normative/Tradisyunal: Ibigay ang hinihinging sagot: 1. Ito ay mga tulang

    nagkukwento. 2. Ito ang pamagat ng

    tulang tinalakay. 3. Aspekto ng

    pandiwang natapos na o nasimulan na.

    Sagot: 1. Tulang Pasalaysay 2. Biyaya ng Kalikasan 3. Pangnagdaan Performance-based:

    1. Sa pagkaalam ng

    mga mag-aaral sa ibat ibang uri ng tula, pagkaalam sa ibat ibang aspekto ng pandiwa at paggamit nito sa makabuluhang pangungusap ay malilinang ang kakayahan nila sa larangan ng pagbigkas.

    2. Sa paggamit nila ng blogging sites ay nahahasa ang kanilang kakayahan sa pagmamaniobra ng mga aplikasyong Web 2.0 at Web 3.0 digital age/era

  • o pagkabisado sa piyesang tula

    2. Natutukoy ang ibat ibang uri ng tula at nakabibigkas ang ilang halimbawa nito sa klase

    3. Naihahambing ang sariling saloobin/damdamin sa ibang nagpapahayag ng saloobin/damdamin sa pamamagitan paggamit ng angkop na mga pandiwa sa makabuluhang pangungusap

    duplo etc.), dalit, soneto, elehiya at oda. Habang binibigkas ng bawat pangkat ang tula, ang iba ay dapat na matamang makinig at tutukuyin kung anong uri ng tula ang binibigkas.

    b. Hands-On:

    Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase. Magsasaliksik ng piyesa tungkol sa kahit anong paksa ang bawat pangkat at sila ay magsasagawa ng isang maikling balagtasan. Habang nagbabalagtasan, itatala naman ng mga mag-aaral ang mga pandiwang maririnig at uuriin ito ayon sa wastong pagbabanghay o aspekto ng pandiwa.

    c. Authentic L.E.:

    1. Muling babasahin ng guro ang tulang Biyaya ng Kalikasan. Gagamit ng estratehiyang Ugnayang Tanong-Sagot (UTS) kung saan magbibigay ng tanong ang guro sa mga mag-aaral na maaaring nasa teksto ang sagot, nasa pahiwatig ng awtor o kaya ay bubuo ng sariling sagot ang mag-aaral. Matapos ibigay ang mga tanong ay papangkatin sa apat ang klase. Itatala nila sa manila paper ang mga sagot nila sa tanong: Ano ang handog na biyaya ng kalikasan

    Manood ang mga mag-aaral ng alinman sa mga video sa youtube, short film sa ibang websites o pelikulang Filipino na tungkol sa pagpapahalaga sa mga biyayang handog ng kalikasan. Pagkatapos ay ibabahagi nila ang kanilang repleksyon/review sa napanood sa pamamagitan ng paggawa ng blog (libreng blog mula sa wordpress.com, blogspot.com o tumblr.com). Kailangan ay ipabasa nila ang repleksyon o movie review sa tatlong kamag-aral na siya namang magbibigay ng marka sa nila (bibisitahin ng kanilang kamag-aral ang ginawa nilang blog). Isusuma ang iskor at idivide sa tatlo. Pamantayan sa Iskor:

    Napakahusay 9-10

    ng teknolohiya o technology.

    3. Nalilinang din ang intrapersonal at interpersonal nilang kakayahan sa pakikisalamuha sa iba. Mapauunlad din ang kakayahan sa pagmememorya o memorization na makapagpapatalas sa isipan ng mga mag-aaral.

  • na kasiya-siya sa ating damdamin at Ano ang damdaming nangibabaw sa tula? sa pamamagitan paggamit ng angkop na mga pandiwa sa makabuluhang pangungusap. Ipapaskil sa pisara ang mga naging sagot at ikukumpara nila ang mga sagot sa pamamagitan ng panel discussion. Pipili ang guro ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang paghahambing.

    2. Ibabahagi naman ng mag-aaral ang kanilang saloobin/opinyon/ damdamin sa tanong naman na Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang tula sa kapareha (by pair work).

    ng repleksyon o movie review.

    puntos

    Mahusay ang repleksyon o movie review.

    7-8 puntos

    Hindi gaanong mahusay ang pagkakabuo sa repleksyon.

    5-6 puntos

    Maari pang paunlarin ang nabuong repleksyon o movie review

    1-4 puntos

    ISKOR 10 puntos

    Suma ng iskor ng tatlong kamag-aral at hahatiin sa tatlo. Hal.: 8+8+9=25 puntos 25/3=8.33 puntos (self-developed)

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 3

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin:

    1. Naisusulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may paksang katulad sa paksang tinalakay

    2. Nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng internet sa pananaliksik tungkol sa mga anyo ng tula

    Tiyak na Layunin: 1. Nakasusulat ng

    dalawa o higit pang saknong ng tulang may paksa na tulad

    Aralin 5

    Akda: Mahatma Gandhi

    Paghahambing sa katangian ng mga tulang tadisyunal at makabago

    Pagkilatis sa ibat ibang pokus ng pandiwa

    a. Minds-On:

    Hahatiin ang klase sa apat. Aalamin ng mag-aaral ang paksa ng tulang tinalakay gamit ang Webbing o paghahabi ng kaisipan o konsepto. Pagkatapos, magtutulungan ang mga miyembro ng bawat pangkat upang makasulat ng dalawa o higit pang saknong ng tula at ipepresenta ito sa klase. Iuugnay ang naisulat nilang tula sa tulang tinalakay. Isusulat ng mga mag-aaral sa pisara ang magkaparehong kaisipan o konsepto at kung saang aspekto naging magkatulad o magkaugnay ang tulang tinalakay at isinulat na tula.

    b. Hands-On:

    Magsasaliksik ang mga mag-aaral ng mga artikulo o pahina sa internet

    Normative/Tradisyunal: Ibigay ang hinihinging sagot: 1. Ito ang tulang may sukat

    at tugma 2. Ito ang tulang may

    malayang taludturan. 3. Ito ay tumutukoy sa

    relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa.

    Sagot: 1. Tradisyunal 2. Makabago 3. Pokus ng pandiwa

    Performance-based: Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bubuo sila ng

    1. Sa paghahambing

    ng mag-aaral sa tulang tradisyunal at makabago at kasabay ng pagpapasulat sa kanila ng mga uri ng tula ay malilinang ang kakayahan nila sa creative writing o malikhaing pagsulat.

    2. Sa paggamit nila ng internet ay nahahasa ang kanilang kakayahang gumamit ng teknolohiya o technology bilang

  • ng paksa ng tulang tinalakay

    2. Nakapagsasaliksik ng mga kaalaman o web knowledge hinggil sa anyo ng tula gamit ang internet

    3. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw sa naisulat na tulang tradisyunal/ makabago ng kanilang kamag-aral na hango sa paksa ng tulang tinalakay sa pamamagitan ng internet

    na tumatalakay sa anyo ng tula. Isusulat nila ang mga nasaliksik sa makukulay na papel at ididikit nila ang mga ito sa lumang portfolio o magazine na kanilang didisenyohan. Magpapalitan ang mga mag-aaral ng portfolio upang magkaroon ng ideya mula sa saliksik ng kamag-aral.

    c. Authentic L.E.:

    Ang bawat mag-aaral ay susulat ng tulang tradisyunal o makabago na kahalintulad ng paksa ng tulang tinalakay. Ipopost nila ito sa facebook. Kasabay nito, ang bawat mag-aaral ay kailangang magcomment o magbahagi ng kanilang saloobin o pananaw hinggil sa ilang tula ng kanilang kamag-aral. Papaalalahanan ng guro na kailangang konstruktibo ang pagbabahagi ng pananaw o opinyon. Itatala ng mga mag-aaral ang mga natanggap nilang komento at ibabahagi ito sa klase.

    tulang tradisyunal (una at ikalawa) at tulang makabago (ikatlo at ikaapat) na may kaugnayan sa paksa ng tulang nauna nang tinalakay (Mahatma Gandhi). Itatanghal nila ang tula sa paraang sabayang pagbigkas. Pamantayan sa Iskor: Napakahusay ng pagtatanghal at maganda ang mensahe ng tula na naiunay sa paksa ng dating tula

    9-10 pun-tos

    Mahusay ang pagtatanghal at maganda ang mensahe ng tula

    7-8 pun-tos

    Hindi gaanong mahusay ang pagtatanghal at hindi ganoong malinaw ang mensahe ng tula

    5-6 pun-tos

    Tila hindi pinaghandaan ang pagtatanghal at hindi maganda ng tulang nabuo

    1-4 pun-tos

    ISKOR 10

    (self-developed)

    lunsaran ng pananaliksik.

    3. Napauunlad din ang sarili sa konteksto ng emotional qoutience pamamagitan ng pagtanggap sa konstruktibong ipinyon ng iba tungkol sa obra ng mga mag-aaral. Gayundin ay malilinang ang pagiging sensitibo ng mga mag-aaral.

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 3

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Napipili ang mga

    pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa

    2. Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula

    Tiyak na Layunin: 1. Natutukoy ang

    pangunahin at pantulong na kaisipan ng tulang binasa at nagagamit ang mga ito sa

    Aralin 6

    Akda: Bagyo Paghahambing

    sa mga katangian ng haiku at tanaga

    Pagsulat ng maikling tula

    Pagkilatis sa kaganapan ng pandiwa

    a. Minds-On:

    Gamit ang diyagram sa ibaba, isusulat ng mga mag-aaral ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan ng tulang binasa. Pagkatapos matukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan ng tula ay gagamitin nila ito sa pagpapahayag ng makabuluhang pangungusap.

    Normative/Tradisyunal: Tama o mali: 1. Ang haiku ay may

    tatlong taludtod. 2. Ang tanaga ay may

    walong pantig. 3. Ang kaganapang

    kagamitan ay instru-mento ng pandiwa.

    Sagot: 1. Tama 2. Mali 3. Tama Performance-based: Mangongolekta ng limang tulang haiku at limang tulang tanaga ang mga mag-aaral na maaaring

    1. Maaaring malinang

    ang kakayahan sa pagtukoy ng pangunahin at pantulong na kaisipan para lubos na pag-unawa sa akda. Magkakaroon din ng kaalaman sa ibat ibang uri ng pagbasa ng tula sa sabay-sabay na pagbasa ng tula (choral reading).

    2. Sa paggamit nila ng internet ay nahahasa ang kanilang kakayahang gumamit ng teknolohiya o

    Pangunahin Pantulong

    Pangunahin Pantulong

    Pangunahin Pantulong

  • pagbuo ng makabuluhang pangungusap

    2. Nakapipili ng angkop, wasto at matalinghagang salita sa pagbuo ng sariling tulang haiku o tanaga

    3. Nakikilatis ang kaganapan ng pandiwa mula sa tulang tinalakay at nagagamit ang suri sa pagpapahayag ng kagandahan ng tula

    b. Hands-On: Magpapangkat-pangkat ang mga mag-aaral at sabay-sabay nilang babasahin ang tula (Choral Reading). Pagkatapos ay pipiliin nila ang mga matalinghagang salita sa binasang tula at iaangkop sa isusulat naman nilang tulang haiku o tanaga. Muli ay sabay-sabay nilang babasahin ang tulang binuo sa klase.

    c. Authentic L.E.: Magtutulungan ang dalawang mag-aaral (by pair work) upang makilatis at masuri ang kaganapan ng pandiwang itinampok sa binasang tula. Pagkatapos ay ipapahayag nila sa isat isa ang kanilang pananaw o opinyon hinggil sa kung paano napaganda ang tula sa tulong ng mga tampok na kaganapan ng pandiwa sa tula at ang naging epekto nito sa kanilang damdamin. Sasagutin nila ang tanong na: nakatulong ba sa pagpapahayag ng damdamin ng tula ang mga tampok na kaganapan ng pandiwa at nagkaroon ba ng magandang larawang diwa ang tula?

    isaliksik sa internet o sa mga libro sa librarya. Mula rito ay itatala nila ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan ng bawat tula (kung mayroon) at kikilatisin naman ang mga pandiwang nabasa ayon sa kaganapan nito. Itatala nila ito sa isang buong papel at ipapasa sa guro. Rubriks (ang mag-aaral ang magbibigay ng sarili nilang marka): 9-10 pts: Mahusay na nasunod ang mga panuto at hakbang ng gawain. 7-8 pts: Nasunod ang panuto at ilang hakbang. 5-6 pts: Hindi nasunod ang panuto at hakbang. (Ikukumpara ng guro ang pagtataya ng mag-aaral sa produkto o output nito. Kung hindi akma/angkop, gagawa ng interbensyon ang guro para maiwasto ang marka ng mag-aaral.)

    technology bilang lunsaran ng pananaliksik.

    3. Maaaring mahasa ang kakayahan sa pagbibigay ng opinyon at kritikal na pag-iisip na maaaring magamit sa paglalahad ng argumento, pakikipagdebate at pagsulat ng mga journalistikong artikulo tulad ng editorial.

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 3

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Nabibigkas nang

    wasto at may damdamin ang tula

    2. Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa kasalukuyan batay sa napanood (maaaring sa youtube o sa klase)

    Tiyak na Layunin: 1. Nabibigyang empasis

    o diin ang simbolismo/ damdamin sa tula habang binibigkas ito

    Aralin 7

    Akda: Isang Punongkahoy

    Pagtukoy sa damdaming namayani sa tula

    Pagbibigay-kahulugan sa simbolismong inilahad sa tula

    Pagbibigay ng payo

    Pagkilatis sa pagbabagong morpoponemiko ng mga salita

    a. Minds-On:

    Tahimik na babasahin ng mga mag-aaral ang tulang Isang Pungkahoy at itatala ang ilang simbolismong nakita. Pagkatapos, magpapangkat-pangkat ang mga mag-aaral at babasahin nila ang tula sa loob ng kanilang grupo. Bibigyang empasis o diin ang mga salita/parirala upang matukoy ang simbolismo. Sa gawaing ito, mahalaga na matukoy muna ng mga mag-aaral ang tama/wastong interpretasyon sa simbolismo/ damdaming nakita sa tula. Ang guro sa bahaging ito ay mag-iikot-ikot upang magabayan ang mga mag-aaral sa tamang pagbibigay-diin.

    b. Hands-On: 1. Manonood ng mga piling fliptop

    videos mula sa youtube ang mga mag-aaral. Habang nanonood,

    Normative/Tradisyunal: Punan ang patlang ng tamang sagot: 1. Ang damdaming

    namayani sa tula ay ____________.

    2. Ang paggamit ng _________ ay isang estratehiya ng tula.

    3. Ang salitang saktan ay bunga ng _______.

    Sagot: 1. kalungkutan 2. simbolismo 3. pagkakaltas Performance-based: Hahatiin sa dalawang

    1. Malilinang ang

    wastong pagbigkas at pagbibigay diin sa pagtula.

    2. Ang pagbibigay payo ay usapin ng human psychology na naglalayong makatulong sa pamamagitan ng rasyunal na pag-iisip. Nai-integrate din ang teknolohiya at internet sa paglinang sa kasanayang panonood. Muli ay malilinang ang kakayahan sa pagmamaniobra ng kagamitang

  • nang wasto at may damdamin

    2. Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa pamamagitan ng panonood ng mga fliptop videos sa youtube

    3. Nagagamit ang pagpapakahulugan sa simbolismo ng tula sa pagpapahayag ng damdamin/ pagbibigay payo

    susuriin nila ang paaran ng pagbigkas ng tula/piyesa ng mga kabataan sa video. Pagkatapos, hahatiin sa apat na pangkat ang klase at bawat pangkat ay magtatanghal ng isang fliptop. Gagayahin nila ang estilo at paraan ng pagbigkas ng mga kabataan sa video.

    2. Magsasaliksik ng piyesa ng fliptop ang mga mag-aaral sa internet. Isusulat nila ito sa isang buong papel at bibilugan nila ang mga salitang nabuo dahil sa pagbabagong morpoponemiko. Pagkatapos, magpapalitan sila ng papel ng kamag-aral at titignan kung tama ang mga salitang binilugan.

    c. Authentic L.E.:

    Tutukuyin ang simbolismong nakita sa tula. Gagamitin ang simbolismong ito sa pagbibigay payo/pagpapahayag ng damdamin sa kamag-aral hinggil sa kanilang mga problema na maaaring tungkol sa pag-ibig, pamilya kaibigan at iba pa. Itatakda ng guro na lahat ng sasabihin ng kamag-aral sa kanpwa kamag-aral ay dapat na manatili lamang sa pagitan nila.

    pangkat ang klase. Magtatanghal sila ng iskit tungkol sa paksa ng Isang Punongkahoy sa paraang patula. Isasaalang-alang nila ang wastong bigkas/diin at damdamin. Rubriks:

    Kahusayan sa pagganap at pagtula

    40%

    Nilalaman/pag-unawa sa paksa o damdamin ng tula

    35%

    Pagpapakita ng damdamin

    25%

    Kabuuan 100%

    (self-developed)

    teknolohikal sa pananaliksik ng mga videos sa youtube.

    3. Malilinang ang kakayahang mag-isip at kakayahang interpersonal upang makatulong sa iba sa pamamagitan ng angkop at wastong pagbibigay payo sa ibat ibang problema ng mga mag-aaral.

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 3

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Nabibigyang-

    kahulugan ang mga talinghagang ginamit

    2. Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin ng nagsasalita

    Tiyak na Layunin: 1. Nakapagbabahagi ng

    interpretasyon sa talinghaga ng tula sa tulong ng ibat ibang tayutay

    2. Nakapaghahambing

    Aralin 8

    Akda: Masasakit na Salita

    Pagkilala sa ibat ibang uri ng tayutay

    Pagbubuo ng mabisang paglalarawan

    a. Minds-On:

    Sa tulong ng schema o dating kaalaman ay bibigyang ng interpretasyon ng mga mag-aaral ang tula. Isusulat nila ang mga interpretasyon sa grapiko at ibabahagi sa klase.

    Pagkatapos, tutukuyin nila ang mga tayutay na nakita sa tula sa pamamagitan ng pagbilog dito. Ipapaliwanag ang naging gampanin ng

    Normative/Tradisyunal: Piliin ang sagot sa tanong sa Hanay A sa Hanay B. 1. Tayutay na direktang

    nagkukumpara. 2. Gumagamit ng tunog. 3. Tumatawag sa mga

    abstraktong bagay.

    a. Pagtawag b. Metapora c. Onomatopoeia d. Hyperboli

    Sagot: 1. b. Metapora 2. c. Onomatopoeia 3. a. Pagtawag

    1. Sa pagkatuto sa

    ibat ibang uri ng tayutay ay mahahasa ang masining na pagpapahayag o rhetorics ng mga mag-aaral.

    2. Nai-integrate ang sining o arts partikular na ang visual arts sa paglalarawan sa damdaming nadarama. Nagagamit din nang maayos ang teknolohiya sa pag-aaral.

    3. Mahahasa ang kaalaman sa etika

    Interpretasyon sa "Masasakit na Salita"

  • ng saloobin sa iba sa pamamagitan ng mabisang paglalarawan

    3. Nakapagpapahayag ng saloobin sa kahalagahan ng tula gamit ang mabisang paglalarawan

    tayutay sa talinghaga ng tula.

    b. Hands-On: 1. Sa pamamagitan ng Radio

    Broadcasting ay waring magta-talakayan ang mga mag-aaral ng kanilang saloobin hinggil sa pagsasabi ng masasakit na salita tulad sa mga programang pan-radyo. Ihahambing nila ang kanilang saloobin hinggil dito sa kapwa nila mag-aaral. Kaugnay nito ay gagamit sila ng mga teknolohikal na kagamitan na kanilang imamanipula.

    2. Guguhit ng isang bagay na mabisang maglalarawan sa masasakit na salita. Ipapaliwanag kung bakit ito ang iginhut na paglalarawan at ihahambing nila ang gawa sa kamag-aral.

    c. Authentic L.E.:

    Sa pamamagitan ng paglalarawan ay ipapahayag ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng tula sa kanilang sariling pananaw. Ibabahagi nila ito sa kaklase.

    Performance-based: Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. Magtatanghal ang bawat pangkat ng isang mimesis na magpapakita ng paglalarawan sa isang taong nasabihan ng masasakit na salita. Upang maging mabisa ang paglalarawan ay kailangang gumamit ng ibat ibang uri ng tayutay. Rubriks:

    Kahusayan sa pagganap

    40%

    Pagkamalikha-in

    35%

    Paggamit ng tayutay

    25%

    Kabuuan 100%

    (self-developed)

    at pagpapahalaga upang hindi masakit ng damdamin ng iba.

  • Academic Budget Plantilla sa

    Filipino 8

    Bukal 8: Serye sa Filipino ni Jose Dakila N. Espiritu et al.

    Taon: 8 Bilang ng Yunit: 1 Markahan: 1 Tinatayang Bilang ng Araw: 15

    Layunin Nilalaman Gawain Ebalwasyon Integrasyon

    Pangkalahatang Layunin: 1. Nasusuri ang

    pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito

    2. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan sa pagsulat ng sariling alamat

    3. Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga puntong binibigyang diin sa

    Aralin 9

    Ang Alamat ng Durian

    Elemento ng Alamat

    Pang-abay na Pamanahon at iba Pang Uri ng Pang-abay

    Pagsulat ng Alamat

    Mula sa: Pinagyamang Pluma 8 ni Ailene G. Baisa-Julian et. al. mp 25-43.

    a. Minds-On:

    1. Ang bawat pangyayari sa alamat na Ang Alamat ng Durian ay iuugnay ng mga mag-aaral sa mga elemento ng alamat. Tutukuyin kung aling elemento ng alamat ang pinakanangibabaw sa akda. Susuriin ang pagkakabuo ng alamat sa pamamagitan ng pagbibigay paliwanag ng mag-aaral sa isang partikular na elemento at ang naging gampanin nito sa pagkakabuo ng akdang binasa. Isusulat ang mga naging key points sa pisara at ipapaliwanag sa klase.

    2. Gamit ang comment clouds ay isusulat ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasipang napagtanto nila sa pagbasa ng alamat at ibabahagi ito sa kanilang katabi sa upuan.

    Normative/Tradisyunal: Iguhit ang kung TAMA ang pahayag at kung MALI. 1. Ang alamat ay isang

    akdang kathang isip lamang hinggil sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

    2. Ang alamat ay hindi katulad ng mitolohiya.

    3. Ang alamat ay makababalaghan.

    Sagot: 1. 2. 3.

    1. Mahahasa ang

    pagiging malikhain sa pagsulat ng alamat (creative writing).

    2. Maiuugnay sa pilosophiya o philosophy partikular na sa metaphysics, axiology at ontology sa pagdalumat sa katotohanang/ kaisipan/ konsepto inihahandog ng alamat na binasa.

    3.

  • napakinggan Tiyak na Layunin: 1. Nasusuri ang mga

    pangyayaring bumubuo sa alamat sa pamamagitan ng mga elemento nito

    2. Nakasusulat ng sariling likhang alamat sa pamamagitan ng pang-abay na pamanahon at panlunan

    3. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw o perspektibo sa iba hinggil sa pagiging makatotohanan o hindi ng mga puntong inilatag sa alamat

    b. Hands-On: 1. Hahatiin sa dalawang pangkat ang

    klase. Magsasagawa sila ng isang iskit hinggil sa nagustuhang bahagi sa tinalakay na alamat. Pagkatapos ay isasaad nila ang ang mga nabanggit nilang salitang pang-abay. Ang mga nanood ng iskit ay magtatanong sa mga nag-iskit kung anong uri ng pang-abay ang nabanggit nila. Sasagutin naman ito ng mga nag-iskit.

    2. Hahatiin ang mga mag-aaral sa klase sa apat na pangkat. Bubuo sila ng isang alamat gamit ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan. Pagkatapos ay isasadula nila ito sa klase. Ang mga nakikinig

    Performance-based: 1. Bubuo ng sariling

    alamat ang bawat mag-aaral tungkol sa pinagmulan ng paborito nilang pagkain. Isasaalang-alang nila ang mga elemento ng alamat.

    Rubriks:

    Organisasyon ng paglalahad

    40%

    Pagkamalikha-in

    30%

    Pagsasaalang-alang sa mga elemento ng alamat

    30%

    Kabuuan 100%

    (self-developed) 2. Manonood ang mga

    mag-aaral ng isang alamat sa palabas na Ang Mahiwagang Baul sa GMA News TV. Ikukumpara nila ang alamat na sinulat sa alamat na

  • naman ay maglilista ng mga maririnig na pang-abay at uuriin nila ang mga ito.

    3. Para sa indibidwal na gawain ay susulat ang mga mag-aaral ng sarili nilang alamat buhat sa mga narinig o nailistang pang-abay mula sa mga nagsagawa ng dula. Pagkatapos ay magpapalitan sila ng papel ng kamag-aral. Bibilugan naman nila ang mga makiktang pang-abay at uuriin kung anong uri ito.

    c. Authentic L.E.:

    1. Sa tanong na Makatotohanan ba ang mga puntong binigyang diin sa amalat ay magsasagawa ng round table discussion ang bawat pangkat. Ang bawat miyembro ay magbabahgi ng kanilang sariling opinyon o pananaw bilang kasagutan sa tanong. Pagkatapos ay pag-uusapan nila ang kanilang mga naging sagot.

    2. Magsasaliksik pa ng ibang alamat ang mga mag-aaral at ibabahagi nila ito sa kapangkat. Sasabihin nila kung bakit nagustuhan nila ang alamat na ibinahagi at ipapaliwanag ang mga makatotohanan o hindi makatotohanang punto.

    pinanuod. Susulat sila ng isang repleksyong papel hinggil sa pinanood.

    Rubriks:

    Mahusay at komprehensibo ang paglalahad ng repleksyon, nasunod ang mga hakbang ng gawain

    9-10 pts

    Maayos ang paglalahad ng repleksyon, nasunod ang mga hakbang ng gawain

    7-8 pts

    Hindi ganoong maayos ang paglalahad ng repleksyon, at ilang hakbang lamang ang nasunod

    5-6 pts

    Kabuuan 10 pts