!#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw...

32
!"#2 NOBYEMBRE 2011 MAKATUWIRAN BANG MANIWALA NA MAY ISANG MAYLALANG?

Transcript of !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw...

Page 1: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

!"#2N O B Y E M B R E 2 0 1 1

MAKATUWIRANBANG MANIWALANA MAY ISANGMAYLALANG?

Page 2: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

!"#2KATAMTAMANG LIMBAG 39,913,000INILALATHALA SA 83 WIKA

MAKATUWIRAN BANGMANIWALA NA MAY ISANGMAYLALANG?

3 Ang Pinakamahalagang Tanong

4 Pag-isipan ang Ebidensiya

7 Aling Pananaw ang MasMakatuwiran?

10 Ang Pangmalas ng BibliyaKung Paano Magtatagumpayang Pag-aasawa

12 Mga Komperensiya Para sa Klima—Hanggang Usapan Lang Ba?

14 Mapapangiti Ka sa Tingatinga

16 May Nagdisenyo ba Nito?Ang Ngipin ng Sea Urchin naHindi Pumupurol

17 Ang mga Kabataan ayNagtatanongPaano Ako Makakapili ngMabuting Libangan?

20 Inuming Embahador ng Mexico

21 Natagpuan Ko ang Solusyon saKawalang-Katarungan

24 Dengue—Isang Kumakalatna Sakit

26 John Foxe—Nabuhay sa IsangMaligalig na Panahon

29 Pagmamasid sa Daigdig

30 Repaso Para sa Pamilya

32 “Ipapahamak ba ng Taoang Lupang Ito?”

Page 3: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

“SA BUONG kasaysayan ng pag-iral ng tao,mayroon pa kayang mas mahalagang tanong

kaysa sa tanong na ‘May Diyos ba?’” ang sabi ngdalubhasa sa henetika na si Francis S. Collins.May punto naman siya. Kung walang Diyos, hang-gang dito na lang ang buhay natin, at walang aw-toridad na nakahihigit sa tao na magtatakda ngtama at mali.

Pinag-aalinlanganan ng ilan ang pag-iral ngDiyos dahil maraming siyentipiko ang hindi nani-niwala na may Diyos. Pero posible rin na maling-mali ang pananaw ng marami, gaya ng ipakikita sasusunod na artikulo.

Nakalulungkot, maraming relihiyon ang nagtu-turo ng mga bagay na salungat sa malaon-nang-tinatanggap na kaalaman sa siyensiya kung kayalalong nalilito ang mga tao. Halimbawa, itinuturong ilan na diumano’y nilalang ng Diyos ang daig-dig sa loob ng anim na araw na may 24 na oras ba-wat isa ilang libong taon na ang nakararaan, isangpananaw na salungat sa Bibliya.

Dahil sa nagkakasalungatang mga teoriya at pi-losopiya, marami ang huminto na sa pag-alam ngkatotohanan tungkol sa pag-iral ng Diyos. Peromay mas makabuluhan pa kayang gawin—at maskapaki-pakinabang—kaysa sa paghahanap ng ma-pananaligang sagot sa gayong napakahalagang ta-nong? Siyempre pa, wala pang sinuman sa atin angnakakita sa Diyos, at wala rin tayo nang umiral anguniberso at ang buhay. Kaya naniniwala man tayosa Diyos o hindi, kailangan natin ng pananampala-taya. Pero anong uri ng pananampalataya?

Ang Tunay na Pananampalataya ayNakasalig sa Matibay na Ebidensiya

Sa buhay ng tao, may mahalagang papel na gi-nagampanan ang pananampalataya, o ang panini-wala sa isang bagay. Tumatanggap tayo ng trabahodahil umaasa tayong susuwelduhan tayo. Nagtata-nim tayo dahil nakatitiyak tayong tutubo ang mgabinhi. Nagtitiwala tayo sa ating mga kaibigan. Atnaniniwala tayo na may mga batas na kumokon-trol sa uniberso. Ang mga ito ay pananampala-tayang salig sa kaalaman, dahil mayroon tayong

ebidensiya. Sa gayunding paraan, ang pananampa-latayang may Diyos ay nakasalig sa ebidensiya.

Sa Hebreo 11:1, sinasabi ng Bibliya: “Ang pana-nampalataya ay . . . ang malinaw na pagtatanghalng mga katunayan bagaman hindi nakikita.”Ayonsa isa pang bersiyon: “Ang pananampalataya ay. . . nagbibigay sa atin ng katiyakan hinggil sa mgabagay na hindi natin nakikita.” (The New EnglishBible) Ipaghalimbawang naglalakad ka sa tabing-dagat nang biglang lumindol. Pagkatapos, nakitamong umurong ang tubig sa dagat. Alam mo nanagbababala ito ng tsunami. Sa halimbawang ito,ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinawna pagtatanghal” ng isang bagay na totoo pero hin-di pa nakikita, ang paparating na malalaking alon.Ang iyong pananampalatayang salig sa kaalamanang magpapakilos sa iyo na lumikas sa mas mata-as at ligtas na lugar.

Ang pananampalataya sa Diyos ay dapat na sa-lig din sa kaalaman, anupat naniniwala ka dahilmay malinaw na ebidensiya. Sa gayon, ang Diyosay magiging ‘di-nakikitang katotohanan’ para saiyo. Dapat ka bang maging siyentipiko para masuriat mapagtimbang-timbang ang gayong ebidensiya?Inaminng tumanggapngNobel prizena siVladimirPrelognakahit “angmganagwagi ngNobel Prize ayhindi nakahihigit sa kaalaman tungkol sa Diyos, re-lihiyon, at kabilang-buhay kumpara sa ibang tao.”

Kung ikaw ay taimtim at interesado sa katoto-hanan, tiyak na nanaisin mong suriin ang ebiden-siya nang may bukas na isip at hahayaan mongakayin ka nito sa tamang konklusyon. Ano nga baang ebidensiya na puwedeng suriin?

ANG PINAKAMAHALAGANGTANONG

Ang isang magsasaka ay nananampalataya, onagtitiwala, na tutubo at l

´alak

´ı ang mga binhi

3

Page 4: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

4 Gumising! Nobyembre 2011

ANG BABASAHING ITO AY INILALATHALA para sa kapakinabangan ngbuong pamilya. Ipinakikita nito kung paano haharapin ang mga problema sangayon. Iniuulat nito ang mga pangyayari sa daigdig at nagbibigay ito ngimpormasyon tungkol sa mga tao sa maraming lupain. Tinatalakay rin nito anghinggil sa relihiyon at siyensiya. Ngunit hindi lamang iyan. Sinusuri nitong mabutiang kasalukuyang mga pangyayari at sinasabi ang tunay na kahulugan ngmga iyon, subalit lagi itong neutral sa pulitika at hindi nagtatangi ng lahi.Pinakamahalaga, layunin ng magasing ito na patibayin ang pagtitiwala saMaylalang at sa kaniyang pangako na ang kasalukuyang napakasama atmagulong sistema ng mga bagay ay malapit nang palitan ng isang payapa attiwasay na bagong sanlibutan.

!"#2 Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ngpambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng ku-sang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mgapagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanli-butang Salin ng Banal na Kasulatan.

Awake! (ISSN 0005-237X) is published monthly by WatchtowerBible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, President;G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn,NY 11201-2483, and by Watch Tower Bible and Tract Society of thePhilippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila. Periodicals PostagePaid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. � 2011Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rightsreserved. Printed in Japan.

November 2011 Vol. 92, No. 11 Monthly TAGALOG

IKAW ay nasa isang malayong isla na walangnakatira. Habang naglalakad sa dalampasigan,

nakita mong nakaukit sa isang malaking bato ang“John 1800.” Iisipin mo ba na dahil malayo angisla at walang nakatira roon, ang markang iyon ayinukit ng hangin o ng tubig? Siyempre hindi! Iisi-pin mo na may nagsulat ng mga simbolong iyon.Bakit? Una, ang sunud-sunod at malinaw na mgaletra at numero—kahit nakasulat pa iyon sa ibangwika—ay hindi basta na lang lilitaw. Ikalawa, iyonay may makabuluhang impormasyon, na nagpa-pahiwatig ng matalinong pinagmulan.

Sa araw-araw, nakakakita tayo ng mga impor-masyong itinatawid gamit ang iba’t ibang simbo-lo—gaya ng Braille o mga letra ng alpabeto, mgadayagram, nota ng musika, binibigkas na sa-lita, senyas ng kamay, signal ng radyo, at mga

computer program na gumagamit ng binarycode, na may mga “0” at “1.” Ang impormasyonay maaaring ihatid gamit ang iba’t ibang bagay,mula sa light wave at radio wave hanggang sa pa-pel at tinta. Sa lahat ng kaso, laging iniuugnayng mga tao ang makabuluhang impormasyon saisang matalinong isip—maliban na lang kung angimpormasyon ay nasa loob ng isang buhay naselula. Ang gayong impormasyon, ayon sa mgaebolusyonista, ay basta na lang lumitaw. Pero ga-noon nga ba? Pag-isipan ang ebidensiya.

Puwede Bang Basta Na Lang Lumitaw angMasalimuot na Impormasyon?

Maingat na nakatago sa nukleo ng halos lahatng buhay na selula ng iyong katawan ang isangkahanga-hangang code na tinatawag na deoxyri-bonucleic acid, o DNA. Ito ay nasa isang ma-habang molekula na may doblihang hibla atmukhang paikot na hagdan. Ang iyong DNA ayparang isang talaan ng mga instruksiyon sa pag-buo, paglaki, pagmamantini, at pagpaparami ngtrilyun-trilyong selula ng iyong katawan. Ito ay bi-nubuo ng mga pangunahing yunit na tinatawagna nucleotide. Ang mga yunit na ito ay tinata-wag na A, C, G, at T, depende sa chemical basenito.� Tulad ng mga letra ng alpabeto, ang apatna letrang ito ay maaaring pagsama-samahin saiba’t ibang kombinasyon para makabuo ng “mgapangungusap”—mga instruksiyon sa pagkopya ngmolekula ng DNA at iba pang proseso sa loob ngselula.

Ang kabuuan ng impormasyong nakapaloob saiyong DNA ay tinatawag na genome. Ang ilangkombinasyon ng mga letra sa DNA mo ay sa iyolang matatagpuan, dahil nasa DNA ang mga kata-

� Bawat nucleotide ay may alinman sa apat na chemical base:(A) adenine, (C) cytosine, (G) guanine, at (T) thymine.

PAG-ISIPAN ANGEBIDENSIYA

Page 5: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Mga Wika: Afrikaans, Albanian, Amharic, Arabic, Armenian, Bislama,

Bulgarian, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)�(audio Mandarin only), Chitonga, Cibemba, Croatian, Czech,� Danish,�Dutch,�� English,�� Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,� French,��� Georgian,

German,�� Greek, Gujarati, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hungarian, Icelan-

dic, Igbo, Iloko, Indonesian, Italian,�� Japanese,�� Kannada, Kinyarwanda,

Kirghiz, Kirundi, Korean,�� Latvian, Lingala, Lithuanian, Macedonian, Mal-

agasy, Malayalam, Maltese, Myanmar, Norwegian,�� Polish,�� Portu-

guese,��� Punjabi, Rarotongan, Romanian, Russian,�� Samoan, Sepedi,

Serbian, Sesotho, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slovenian, Spanish,��Swahili, Swedish,� Tagalog,� Tamil, Thai, Tok Pisin, Tongan, Tsonga, Tswa-

na, Turkish, Ukrainian, Urdu, Vietnamese, Xhosa, Yoruba, Zulu

� Makukuha rin sa CD.

� Makukuha rin sa MP3 CD-ROM.

� Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

Nais mo ba ng higit pang impormasyon o walang-bayad na pantaha-nang pag-aaral sa Bibliya? Pakisuyong humiling sa mga Saksi ni Jehova ga-mit ang isa sa mga adres na nakatala sa ibaba. Para sa kumpletong listahan ngadres, tingnan ang www.watchtower.org/address. Australia: PO Box 280, Ingleburn,NSW 1890. Britain: The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown,ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louviers Cedex. Germany: 65617 Selters. Greece:Kifisias 77, GR 151 24 Marousi. Hong Kong: 4 Kent Road, Kowloon Tong, Kowloon. Italy:Via della Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600.Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philippines: PO Box 2044, 1060 Manila.Spain: Apartado 132, 28850 Torrej

´on de Ardoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village,

Hsinwu 32746. Thailand: PO Box 7 Klongchan, Bangkok 10 240. United States of Ameri-ca: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.

Gumising! Nobyembre 2011 5

ngiang minana mo—kulay ng mata, kulay ng balat,hugis ng ilong, at iba pa. Sa maikli, ang iyong ge-nome aymaikukumpara sa isangnapakalaking ak-latan ng mga instruksiyon para sa bawat bahagi ngiyong katawan, at ang resulta ay ikaw.

Gaano kalaki ang “aklatan”? Ito ay may habana mga tatlong bilyong “letra,” o mga nucleotide(mga base). Kung isusulat ito sa papel, mapupu-no nito ang 200 direktoryo ng telepono na may1,000 pahina bawat isa, ayon sa Human GenomeProject.

Nagpapaalala ito sa atin ng isang kahanga-hangang panalangin na isinulat mga 3,000 taonna ang nakalilipas. Mababasa ito sa Bibliya saAwit 139:16: “Nakita ng iyong mga mata magingang aking pagkabinhi, at sa iyong aklat ay na-katala ang lahat ng bahagi nito.” Siyempre pa,wala sa isip ng manunulat ang siyensiya. Perosa simpleng pananalita, binanggit niya ang isangtumpak at kamangha-manghang konsepto parailarawan ang kamangha-manghang karununganat kapangyarihan ng Diyos. Malayung-malayo itosa ibang mga sinaunang relihiyosong akda, nanaglalaman ng maraming alamat at pamahiin!

Sino ang Bumuo ng “Aklatan”?

Kung makatuwirang sabihin na isang mata-linong isip ang nasa likod ng pagkakasulat ng“John 1800,” hindi ba’t gayundin ang dapat isi-pin tungkol sa di-hamak na mas masalimuot atmakabuluhang impormasyon na nasa DNA? Tu-tal, impormasyon pa rin ito saanman ito natag-puan o anuman ang anyo nito. Ayon sa computerand information scientist na si Donald E. John-son, ang mga batas ng kemistri at pisika ay hin-di nakalilikha ng masalimuot na impormasyon ong mga sistema na nagpoproseso ng gayong im-pormasyon. At makatuwiran lang na miyentras

mas masalimuot ang impormasyon, mas nakahi-higit na katalinuhan ang kailangan para maisu-lat iyon. Kayang isulat ng isang bata ang “John1800.” Pero tanging isang isip na nakahihigit saisip ng tao ang makasusulat ng kodigo ng buhay.Bukod diyan, “waring lalong nagiging masalimu-ot ang biyolohiya” habang mas marami tayongnatutuklasan, ang sabi ng magasing Nature.

Ang paniniwala na basta na lang lumitaw angmasalimuot na aklatan ng impormasyon sa DNAay hindi makatuwiran at salungat sa karanasanng tao.� Napakahirap lunukin ng gayong panini-wala!

Sa pagsisikap na mapatunayang walangDiyos, ang mga ebolusyonista kung minsan aygumagawa ng mga konklusyon na natutuklasangmali sa bandang huli. Halimbawa, pag-isipanang pananaw na ang mga 98 porsiyento ng ating

� Ang ebolusyon diumano ay resulta ng mga mutasyon, na ipa-liliwanag sa maikli sa susunod na artikulo.

Kapag iniunat, ang DNA sa isangselula ng iyong katawan ay may habana mga dalawang metro. Kungpagdudugtung-dugtungin ang lahat ngDNA sa trilyun-trilyong selula ng iyongkatawan, tinatayang ang kabuuang habanito ay halos 670 ulit ng distansiya bali-kan mula sa lupa hanggang sa araw.Kung lalakbayin ang distansiyang iyansa bilis ng liwanag, aabutin ito nang mga185 oras.

GAANO KAHABA ANGIYONG DNA?

Page 6: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

6 Gumising! Nobyembre 2011

genome ay “basura” lang—isang aklatan ng mgainstruksiyon na may bilyun-bilyong salita na wa-lang kahulugan.

Talaga Bang “Basura” Lang?

Matagal nang ipinapalagay ng mga biyologona ang DNA ay para lang sa paggawa ng mgaprotina. Pero nang maglaon, natuklasan na mga2 porsiyento lang ng genome ang naglalaman ngcode para sa mga protina. Para saan ang 98 por-siyento ng DNA? Ang mahiwagang DNA na itoay “agad ipinalagay na basura ng ebolusyon,” angsabi ni John S. Mattick, propesor ng MolecularBiology sa University of Queensland sa Brisbane,Australia.

Ang siyentipiko na sinasabing umimbento ngterminong “ ‘basurang’ DNA” ay ang ebolusyo-nistang si Susumu Ohno. Sa kaniyang akda na“So Much ‘Junk’ DNA in Our Genome,” isinulatniya na ang natitirang DNA ay “labı ng nabigongpag-eeksperimento ng kalikasan. Nagkalat sa da-igdig ang fosil ng mga species na naglaho na; na-kapagtataka ba na maging ang ating genome aypuno ng labı ng mga gene na naglaho na?”

Paano nakaapekto sa larangan ng henetikaang konsepto ng ‘basurang’ DNA? Sinabi ng mo-lecular biologist na si Wojciech Makalowski naang gayong ideya ay “nakapigil sa karaniwangmga mananaliksik na pag-aralan ang walang-code [basura] na DNA,” maliban sa iilang siyen-tipiko na “patuloy na nagsasaliksik sa di-popularna mga larangan kahit mapaharap sila sa panu-nuya. Dahil sa kanila, ang pananaw tungkol sabasurang DNA . . . ay nagbago noong pasimulang dekada ’90.” Ayon pa sa kaniya, ang dating ti-natawag na basurang DNA ay itinuturing na nga-yon ng maraming biyologo na “kayamanan.”

Ayon kay Mattick, ang teoriya tungkol sa ba-surang DNA ay isang litaw na halimbawa na angpopular na opinyon ng mga siyentipiko ay ‘maa-aring makaapekto sa walang-kinikilingang pagsu-suri sa mga bagay-bagay.’ “Ang pagkabigong kila-lanin ang lahat ng implikasyon nito,” ang sabiniya, “ay malamang na maalaala bilang isa sa pi-nakamalalaking pagkakamali sa kasaysayan ngmolecular biology.” Maliwanag, ang siyentipi-kong katotohanan ay dapat na nakasalig sa ebi-densiya at hindi dahil pinaniniwalaan ito ng ka-ramihan. Kung gayon, ano ang ipinakikita ng

mga bagong ebidensiya tungkol sa papel ng ‘ba-surang’ DNA?

Ang Papel ng ‘Basurang’ Iyon

Ang isang pabrika ng kotse ay may mga maki-na para sa paggawa ng mga piyesa. Maikukum-para natin ang mga piyesa sa mga protina saselula. Kailangan din ng pabrika ang mga kasang-kapan at sistema na unti-unting mag-a-assembleng mga piyesang iyon pati na rin ang iba pa nakokontrol, o mangangasiwa, sa assembly line. Pa-rang ganiyan din ang nangyayari sa loob ng selu-la. At ayon sa mga mananaliksik, diyan na pu-mapasok ang ‘basurang’ DNA. Ang karamihansa mga ito ay naglalaman ng mga instruksiyonpara sa isang klase ng masalimuot na mga mole-kula na tinatawag na regulatory RNA (ribonu-cleic acid), na may mahalagang papel sa pagka-buo, paglaki, at paggana ng selula.� “Ang pag-iralng pambihirang mga regulator na ito,” ang sabing mathematical biologist na si Joshua Plotkinsa magasing Nature, “ay nagpapahiwatig na angnalalaman natin tungkol sa pinakasimpleng mgabagay . . . ay kulang na kulang.”

Ang isang produktibong pabrika ay nanganga-ilangan din ng mahusay na sistema ng komuni-kasyon. Ganiyan din ang selula. Ayon kay TonyPawson, isang cell biologist sa University of To-ronto sa Ontario, ang mga signal ng imporma-syon sa loob ng mga selula ay dumaraan hindisa simpleng mga daanan kundi sa komplikadongmga network, anupat ang buong proseso ay di-hamak na mas masalimuot kaysa sa dating inaa-kala. Gaya nga ng sinabi ng isang dalubhasa sahenetika sa Princeton University, “hindi pa rinnauunawaan ang marami sa mga mekanismo atprinsipyo na kumokontrol sa mga nangyayari saloob ng selula at sa pagitan ng mga selula.”

Ang bawat bagong tuklas tungkol sa selula aynagpapakita ng mas mataas na antas ng kaayu-san at pagkamasalimuot. Pero bakit kaya napaka-rami pa ring naniniwala na ang buhay at ang pi-nakamasalimuot na sistema ng impormasyon naalam ng tao ay resulta ng ebolusyon?

� Ipinakikita ng bagong pagsasaliksik na ang mahaba at walang-code na mga RNA ay napakasalimuot at na kailangan ang mga itopara sa normal na paglaki. Natuklasan na ang depekto sa mga itoay nauugnay sa maraming sakit, gaya ng iba’t ibang kanser, psori-asis, at pati Alzheimer’s disease. Maaaring nasa dating tinatawagna “basura” ang susi para ma-diagnose at magamot ang iba’t ibangsakit!

Page 7: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 7

WALANG taong nakasaksi nang magpasimula ang buhaysa lupa. Wala ring nakakita na ang isang uri ng buhay ay

nagbago tungo sa ibang uri—halimbawa, isang reptilya na na-ging mamalya.� Kaya ang dapat nating gamiting basehan paramakagawa ng konklusyon tungkol sa pinagmulan ng buhay ayang mga ebidensiyang mayroon tayo. At hindi natin dapat pi-lipitin ang pinatutunayan nito para umayon lang sa gusto na-ting paniwalaan.

Gayunman, maraming ateista ang naniniwala sa materya-lismo—isang pilosopiya na nagsasabing ang buhay ay maaarilang magmula sa materyal na mga bagay. Ayon sa ebolusyo-nistang si Richard C. Lewontin, ‘naipasiya na nilang mani-wala sa materyalismo.’ Sinabi pa niya: “Ang materyalismong

iyon ang tanging posibleng paliwanag,sapagkat hindi namin matatanggap namay Diyos.” Kaya naman tinatanggapng mga materyalista ang kanilang ta-nging alternatibo—ang ebolusyon.

Maging ang mga taong relihiyoso aymay maling mga akala na nakaaapek-to sa pananaw nila sa siyensiya. Halim-bawa, gaya ng nabanggit na, may mgacreationist na nanghahawakan sa ma-ling ideya na nilalang ng Diyos ang da-igdig sa loob ng anim na literal na arawilang libong taon na ang nakarara-an. Yamang naipasiya na nilang pani-walaan iyon, pilit nilang pinagtutugmaang ebidensiya at ang kanilang napa-kaliteral na interpretasyon sa Bibliya.(Tingnan ang kahong “Gaano Kahabaang Isang ‘Araw’?” sa pahina 9.) Angmga tao na may ganiyan kaliteral nainterpretasyon sa Bibliya at siyensiyaay hindi makakakita ng matibay na ebi-densiya para sa kanilang paniniwala.

Aling Pananaw ang Kaayon ngLahat ng Ebidensiya?

Hinggil sa pinagmulan ng masali-muot na mga molekula na bumubuosa buhay na mga organismo, ang ilangebolusyonista ay naniniwala sa mgasumusunod:

� Bagaman isang ebolusyonista, inamin ng biyolo-gong si Ernst Mayr na “maraming puwang ang re-kord ng mga fosil,” anupat bigla na lang may lumili-taw na mga bagong uri ng organismo.

ALINGPANANAWANG MASMAKATUWIRAN?

Page 8: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

1. Ang mga pangunahing elemento ay basta na lang nagkasa-ma-sama at bumuo ng mga simpleng molekula.

2. Ang mga molekulang iyon naman ay nagkadugtung-dugtong sa tamang pagkakasunud-sunod na kailangan para ma-kabuo ng DNA, RNA, o protina na makapag-iimbak ng impor-masyon na mahalaga para sa buhay.

3. Ang mga molekulang iyon ay basta na lang nagkasunud-sunod sa tamang pagkakaayos na kailangan para makapagpara-mi. Kung walang pagpaparami, wala ring ebolusyon ni buhay.

Paano nabuo ang mga molekula ng buhay at nagkaroon ngkamangha-manghang mga kakayahan nang walang matalinongdisenyador? Ang pagsasaliksik hinggil sa ebolusyon ay hindi na-kapagbigay ng sapat na paliwanag o kasiya-siyang sagot sa mgatanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Sa diwa, kung ang isa’yhindi naniniwala na may isang Maylalang, para na rin niyang si-nasabi na ang walang-isip na mga molekula at mga puwersa ngkalikasan ay may tulad-diyos na kapangyarihan.

Pero ano ba ang ipinakikita ng ebidensiya? Ipinakikita nito naang mga molekula ay hindi nagbabago tungo sa masalimuot nauri ng buhay. Ang kabaligtaran pa nga ang totoo: Alinsunod sapisikal na mga batas, ang masalimuot na mga bagay—mga maki-na, bahay, kahit ang buhay na mga selula—ay nasisira sa kalau-nan.� Gayunman, sinasabi ng mga ebolusyonista na posiblengmangyari ang kabaligtaran nito. Halimbawa, sinasabi sa aklatna Evolution for Dummies na nagkaroon ng ebolusyon dahil anglupa ay “tumatanggap ng napakaraming enerhiya mula sa araw,at ang enerhiyang iyon ang sanhi ng pagiging mas masalimuotng mga bagay.”

Totoo naman, kailangan ang enerhiya para ayusin ang isangbagay na wala sa ayos—halimbawa, para makagawa ng bahaymula sa mga hollow block, kahoy, at pako. Gayunman, dapatna kontrolado ang enerhiyang iyon dahil kung hindi, mas ma-lamang na pabilisin pa nito ang pagkasira, kung paanong angenerhiya mula sa araw at sa lagay ng panahon ay mas mabilis namakasira ng isang bahay.� Hindi maipaliwanag na mabuti ng

� Ang gayong pagkasira ay resulta ng tinatawag ng mga siyentipiko na second law ofthermodynamics. Ayon sa batas na ito, ang pagiging maayos ng isang bagay ay kusangnasisira.� Ang DNA ay maaaring mabago sa pamamagitan ng mutasyon, na maaaring dahil

sa mga bagay na gaya ng radyasyon at ilang kemikal. Pero ang resulta nito ay hindi ba-gong species.—Tingnan ang artikulong “Totoo ba ang Ebolusyon?” sa Gumising! ng Set-yembre 2006.

Kusang nasisira angmga bagay kapaghindi inalagaan

Nangangamba ang ilangsiyentipiko na ang genomeng tao ay unti-unting nasisiradahil sa patuloy na muta-syon o dahil sa mga depekto.Kung ito’y totoo, salungat itosa pananaw na ang tao aynagbabago nang pasulong.Pero kung nilalang ng Diyosang genome ng tao, bakitmayroon itong mga depek-to? Sinasabi ng Bibliya anghindi alam ng siyensiya—naang mga depekto ng tao aydahil sa kasalanan, o pagsu-way sa Diyos. “Sa pamama-gitan ng isang tao [si Adan]ang kasalanan ay pumasoksa sanlibutan at ang kama-tayan sa pamamagitan ngkasalanan,” ang sabi saRoma 5:12. Samakatuwid,ang unti-unting pagkasira nggenome ay salungat sa ebo-lusyon pero kaayon ng sina-sabi ng Bibliya. Nangangahu-lugan ba iyan na patuloy namasisira ang genome? Hin-di! Nangangako ang Diyos nakikilos siya para pawiin anglahat ng pinsalang idinulotng ating unang mga magu-lang. Oo, magiging perpektoang genome ng tao, hindidahil sa ebolusyon, kundi da-hil pangyayarihin ito ng atingMaylalang.—Apocalipsis 21:3, 4.

ANG MGA TAO BAAY NAGBABAGONANG PASULONGO PAURONG?

8 Gumising! Nobyembre 2011

Page 9: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

mga naniniwala sa ebolusyon kung paano nakokontrol ang ener-hiya para makalikha ito ng mas masalimuot na mga bagay.

Sa kabilang dako, kung maniniwala tayo na ang buhay at anguniberso ay gawa ng isang matalinong Maylalang na ‘sagana sadinamikong lakas,’ maipaliliwanag natin hindi lang ang pagka-masalimuot ng mga sistema ng impormasyon ng buhay kundipati ang napakaeksaktong mga puwersa na kumokontrol sa ma-terya mismo, mula sa pagkalawak-lawak na mga galaksi hang-gang sa pagkaliit-liit na mga atomo.�—Isaias 40:26.

Ang paniniwala na may isang Maylalang ay kaayon din ng pa-nanaw na may pasimula ang pisikal na uniberso—isang pananawna tinatanggap na ngayon ng karamihan. “Nang pasimula ay ni-lalang ng Diyos ang langit at ang lupa,” ang sabi sa Genesis 1:1.

Dahil sa mga bagong tuklas, nagiging mas mahirap ipagtang-gol ang pilosopiya ng materyalismo, kaya naman binago ngilang ateista ang kanilang pananaw.� Oo, ang ilang dating ateis-ta ay naniniwala na ngayon na ang kamangha-manghang mgabagay sa uniberso ay nakikitang ebidensiya ng “di-nakikitangmga katangian” at “walang-hanggang kapangyarihan” ng atingMaylalang, ang Diyos na Jehova. (Roma 1:20) Gusto mo bangsuriin pa ito nang higit? Wala nang iba pang paksa na mas ma-halaga o mas kapaki-pakinabang kaysa rito.�

� Tingnan ang aklat na Is There a Creator Who Cares About You? na inilathala ng mgaSaksi ni Jehova.� Tingnan ang artikulong “Pinalaki Akong Ateista” sa Gumising! ng Nobyembre 2010.� Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paglalang at ebolusyon, tingnan ang

mga brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? at The Origin of Life—Five Questions WorthAsking, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Makikita sa unibersoang kapangyarihanat iba pang mgakatangian ng Diyos

Sa Bibliya, ang salitang“araw” ay maaaring tumu-koy sa iba’t ibang haba ngpanahon. Halimbawa, saGenesis 2:4, ang anim na“araw” na yugto ng pagla-lang ay tinutukoy bilang ang“araw [nang] gawin ng Diyosna Jehova ang lupa at la-ngit.” Maliwanag na ang ba-wat araw ay sumasaklaw samahabang yugto ng pana-hon. Pansinin din na baga-man espesipikong binabang-git sa Bibliya na nagwakasna ang bawat isa sa animna “araw,” hindi nito sinasa-bing nagwakas na ang ikapi-tong araw. Bakit? Dahil hindipa iyon tapos.—Genesis 2:3;Hebreo 4:4-6, 11.

GAANO KAHABAANG ISANG“ARAW”?

Page 10: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

10 Gumising! Nobyembre 2011

SA PANAHONG ito na pabagu-bago ang mgapamantayan, hindi na sineseryoso ng mara-

mi ang pag-aasawa. Marami ang naghihiwalayo nagdidiborsiyo kapag hindi na sila naaakit saisa’t isa o kapag nagkaroon ng problema, kahitpa nga maliit lang. Kadalasan na, ang mga anakang nagdurusa.

Hindi na ipinagtataka ng mga nag-aaral ng Bi-bliya ang ganitong pangyayari. Inihula ng Bibli-ya na sa “mga huling araw,” sa panahon natinngayon, ang karamihan ay hindi na magpapaki-ta ng mga katangiang nagbubuklod sa pamilya,gaya ng pagkamatapat, tunay na pag-ibig, at likasna pagmamahal. (2 Timoteo 3:1-5) Nababahalaka ba sa pagbabang ito ng mga pamantayan at saepekto nito sa mga pamilya? Seryosong bagay bapara sa iyo ang pag-aasawa?

Kung oo, makikinabang ka sa Bibliya dahilang maaasahang mga payo nito ay nakatutulongpa rin sa maraming mag-asawa. Halimbawa, isaa-lang-alang ang limang simulain na makatutulongnang malaki sa mga mag-asawa.�Limang Susi sa Matagumpay na Pag-aasawa

(1) Tandaan na sagrado ang pag-aasawa. Ipi-nakikita ng nabanggit na pananalita ni Jesus napara sa kaniya at sa Maylalang, ang Diyos na Je-hova, ang pag-aasawa ay sagrado. Idiniriin ito ngsinabi ng Diyos sa ilang lalaki noon na diniborsi-yo ang kanilang mga asawa para makapag-asawang mas bata. “Sumira kayo sa pangako ninyo sainyong asawa na pinakasalan ninyo nang kayo’ybata pa,” ang sabi ng Diyos. “Siya’y naging katu-wang ninyo, ngunit ngayo’y sumira kayo sa pa-ngako ninyo sa kaniya, bagamat nangako kayosa Diyos na magiging tapat kayo.” Pagkataposay sinabi ni Jehova ang mabigat na pananalitang

� Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aasawa,tingnan ang isa pa naming magasin, Ang Bantayan, isyu ng Pebre-ro 1, 2011.

ANGPANGMALASNG BIBLIYA

Kung PaanoMagtatagumpay angPag-aasawa

“Siya na lumalang sa kanila mula sa pasimula

ay ginawa silang lalaki at babae at nagsabi,

‘Sa dahilang ito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang

ama at ang kaniyang ina at pipisan sa kaniyang

asawa, at ang dalawa ay magiging isang la-

man’ . . . Kaya nga, ang pinagtuwang ng Diyos

ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”

—Jesu-Kristo, ayon sa ulat ng Mateo 19:4-6.

Page 11: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 11

ito: “Napopoot ako sa taong malupit sa asawa.”(Malakias 2:14-16, Magandang Balita Biblia) Ma-liwanag na para sa Diyos, seryosong bagay angpag-aasawa; mahalaga sa kaniya kung paano pi-nakikitunguhan ng mag-asawa ang isa’t isa.

(2) Maging responsableng asawang lalaki. Ka-pag kailangang gumawa ng mahahalagang desi-syon para sa pamilya, dapat na may gagawa ng pa-siya. Ang papel na iyan ay iniatas ng Bibliya saasawang lalaki. “Ang asawang lalaki ang ulo ng ka-niyang asawang babae,” ang sabi sa Efeso 5:23.Pero hindi niya dapat pagmalupitan ang asawaniya. Dapat niyang tandaan na silang mag-asawaay “isang laman,” at dapat niyang parangalan atkonsultahin ang kaniyang asawa. (1 Pedro 3:7) Si-nabi ng Bibliya na “dapat ibigin ng mga asawanglalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ngsa kanilang sariling mga katawan.”—Efeso 5:28.

(3) Maging matulunging asawang babae. Inila-larawan ng Bibliya ang asawang babae bilang“kapupunan” ng kaniyang asawa. (Genesis 2:18)Kaya mayroon siyang mga katangian na maka-tutulong sa kanilang pagsasama. Bilang kapupu-nan, hindi siya nakikipagkompetensiya sa kani-yang asawa, kundi sa halip, maibigin niya itongsinusuportahan, anupat nagtataguyod ng kapa-yapaan sa pamilya. “Ang mga asawang babae aymagpasakop sa kani-kanilang asawang lalaki,”ang sabi sa Efeso 5:22. Pero paano kung hindisiya sang-ayon sa desisyon ng kaniyang asawa?Dapat niyang sabihin ang kaniyang opinyon samahinahon at magalang na paraan, kung paanoniya nais na kausapin siya ng kaniyang asawa.

(4) Maging makatotohanan, at asahan na mag-kakaroon ng mga suliranin. Ang pag-aasawa aymaaaring masubok dahil sa padalus-dalos o ma-sakit na pananalita, problema sa pera, malub-hang sakit, o stress sa pagpapalaki ng mga anak.Prangkahang sinasabi ng Bibliya na ang mga nag-aasawa ay “magkakaroon ng kapighatian sa kani-lang laman.” (1 Corinto 7:28) Pero hindi namandapat magpahina sa relasyon ng mag-asawa angmga kapighatian, o mga pagsubok. Sa katuna-yan, kapag nagmamahalan ang dalawang tao atmayroon silang makadiyos na karunungan, malu-lutas nila ang mga problema na posibleng sumirasa kanilang pagsasama. Taglay mo ba ang karu-

nungang kailangan para maharap ang mga pro-blema sa pamilya? “Kung ang sinuman sa inyo aynagkukulang ng karunungan,” ang sabi ng Bibli-ya, “patuloy siyang humingi sa Diyos, sapagkatsiya ay saganang nagbibigay sa lahat at hindi nan-durusta.”—Santiago 1:5.

(5) Maging tapat sa isa’t isa. Ang pakikiapid, opakikipagtalik sa hindi asawa, ang isa sa panguna-hing dahilan kung bakit nasisira ang pagsasamang mag-asawa at ang tanging saligan ng diborsiyona pinahihintulutan ng Diyos. (Mateo 19:9) Sina-sabi ng Bibliya: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungisang higaang pangmag-asawa, sapagkat hahatulanng Diyos ang mga mapakiapid at mga manganga-lunya.” (Hebreo 13:4) Ano ang maaaring gawinng mag-asawa para hindi sila matuksong manga-lunya? Sinasabi ng Bibliya: “Ibigay ng asawang la-laki sa kaniyang asawa ang kaniyang kaukulan;ngunit gayundin ang gawin ng asawang babae sakaniyang asawa.”—1 Corinto 7:3, 4.

Baka isipin ng ilan na lipas na o hindi na prak-tikal ang limang payo na tinalakay. Pero hindi ga-niyan ang ipinakikita ng mga resulta. Sa katuna-yan, ang mga ito ay gaya ng nararanasan ng isangtao na nagpapaakay sa Diyos sa bawat pitak ngkaniyang buhay: “Siya ay tiyak na magiging tuladng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ngmga daloy ng tubig, na nagbibigay ng sariling bu-nga nito sa kaniyang kapanahunan at ang mga da-hon nito ay hindi nalalanta, at ang lahat ng kani-yang gawin ay magtatagumpay.” (Awit 1:2, 3) Angpagsunod sa mga payo ng Diyos ay makatutulongnang malaki para magtagumpay ang pag-aasawa.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

˘ Ano ang pangmalas ng Diyos sadiborsiyo?—Malakias 2:14-16.

˘ Paano dapat pakitunguhan ng lalaki angkaniyang asawa?—Efeso 5:23, 28.

˘ Kaninong karunungan ang gumagarantiyang tagumpay sa pag-aasawa?—Awit 1:2, 3.

Page 12: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

12 Gumising! Nobyembre 2011

SA PANANAW ng ilang siyentipiko, may sa-kit ang planetang Lupa. Nilalagnat ito.

Ayon sa kanila, ang temperatura ng daigdig ayposibleng malapit na sa tinatawag na ‘tippingpoint’—ang delikadong antas kung saan ang ba-hagyang pagtaas ng temperatura ay puwedengmaging “sanhi ng napakalaking pagbabago sakapaligiran na lalo pang magpapataas sa tempe-ratura ng daigdig,” ang sabi ng diyaryong TheGuardian ng Britanya.

Paano ba tayo nalagay sa ganitong sitwasyon?Mababago pa ba ito? At kaya ba talaga ng tao nalutasin ang problema ng pag-init ng globo, bu-kod sa iba pang malalaking problema ng daig-dig?

Maraming siyentipiko ang naniniwala na angisang pangunahing dahilan ng problema ay angmga gawain ng tao, pasimula sa industrial revo-lution at sa resulta nito na paglakas ng konsumong fossil fuel, gaya ng karbon at langis. Ang isapang dahilan ay ang pagkalbo sa maraming ka-

gubatan. Ang mga kagubatan ang nagsisilbingbaga ng ating kapaligiran dahil ina-absorb ngmga puno ang ilang greenhouse gas na nagpapa-init sa globo. Pero dahil kinakalbo ang mga ka-gubatan, dumarami ang greenhouse gas na naii-wan sa atmospera. Para masolusyonan ang mgaproblemang ito, nagsaayos ang mga lider ngmga bansa ng mga komperensiya para sa klima.

Ang Kyoto Protocol

Ang Kyoto Protocol noong 1997 ay isang ka-sunduan na nagtakda ng bagong mga tunguhintungkol sa pagbubuga, o emisyon, ng carbon di-oxide. Sa paglagda rito, ang mga bansa ng Eu-ropean Union at ang 37 iba pang industriya-lisadong bansa ay sumang-ayong magbawas ngaverage na 5 porsiyento mula sa level ng kani-lang emisyon noong 1990, at gagawin nila ito saloob ng limang taon mula 2008 hanggang 2012.

Gayunman, may malulubhang depekto angKyoto Protocol. Halimbawa, hindi ito inaproba-han ng Estados Unidos. Isa pa, ang malalakingpapaunlad na bansa, gaya ng China at India, ayhindi nangakong magbabawas ng kanilang emi-syon. Pero ang Estados Unidos at China ang pi-nagmumulan ng mga 40 porsiyento ng emisyonng carbon dioxide sa daigdig.

Ang Copenhagen Summit

Ang layunin ng komperensiya sa Copenha-gen, na tinawag na COP 15, ay halinhan angKyoto Protocol at gumawa ng bagong mga tu-nguhin na dapat maabot simula sa taong 2012.�Para malunasan ang problema sa klima, angmga kinatawan mula sa 192 bansa, kasama ang119 na lider ng bansa, ay nagtipon sa Copenha-gen, Denmark, noong Disyembre 2009. Napaha-rap ang COP 15 sa tatlong pangunahing hamon:

� Ang Conference of the Parties, o COP, ay regular na idi-naraos ng United Nations Framework Convention on ClimateChange.

Mga Komperensiya Para sa KlimaHanggang Usapan Lang Ba?

“Kailangang magtulungan ang mga bansapara malutas ang problema sa klima. Sinasa-bi ng maraming siyentipiko na kung hinditayo kikilos, lulubha ang tagtuyot at taggutom,at darami ang mangingibang-lugar na magi-ging dahilan naman ng mas maraming alitansa mahabang panahon.”—Barack Obama, Presi-

dente ng Estados Unidos.

Earth

:N

AS

A/Th

eV

isib

leE

arth

(http

://vis

ible

earth

.nasa.g

ov/);

Bara

ck

Ob

am

a:ATTIL

AK

ISB

EN

ED

EK

/A

FP

/G

etty

Images

Page 13: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

1. Bumuo ng mga kasunduang may legal na

bisa. Tatanggapin ba ng mauunlad na bansaang kinakailangang limitasyon sa pagbubuga nggreenhouse gas, at lilimitahan din ba ng malala-king papaunlad na bansa ang pagtaas ng kani-lang emisyon?

2. Maglaan ng pondo para sa pangmataga-

lang solusyon. Kailangan ng papaunlad na mgabansa ng bilyun-bilyong dolyar sa loob ng mara-ming taon para maharap ang lumulubhang re-sulta ng pag-init ng globo at makaimbento ngteknolohiya na hindi makasisira sa kapaligiran.

3. Magkaisa sa isang sistema kung paano

imomonitor ang emisyon. Ang gayong sistemaay makatutulong sa bawat bansa na huwag lu-mampas sa kanilang limitasyon. Makatutulongdin ito para matiyak na ang mga pondong dona-syon ay ginagamit nang tama ng papaunlad namga bansa.

Nagawa ba ang tatlong bagay na ito? Nagka-roon ng malulubhang problema ang negosasyonanupat hindi napagkasunduan kahit ang malili-it na isyu. Sa mga huling oras ng komperensi-ya, ang 28 sa mga lider ng bansa ay gumawa ngdokumento na tinawag na Copenhagen Accord.Ang kasunduang ito ay pormal na tinanggapsa ganitong malabong pananalita: “Binibigyang-pansin ng komperensiya . . . ang CopenhagenAccord,” ang ulat ng Reuters. Ibig sabihin, baha-la na ang bawat bansa kung susundin nila iyono hindi.

Ano Kaya ang Mangyayari?

May mga komperensiyang ginanap na at maymga pinaplano pa, pero pinagdududahan kungmay magagawa ba ang mga ito. “Patuloy na ii-nit ang planeta,” ang sabi ng kolumnista ng NewYork Times na si Paul Krugman. Kadalasan na,mas binibigyan ng importansiya ang pansaman-talang pulitikal at pinansiyal na pakinabang kay-sa sa pangmatagalang epekto sa kapaligiran,anupat walang pagbabagong ginagawa. “Kunggusto mong maintindihan kung bakit may ku-mokontra sa paglutas ng problema sa klima,tingnan ang pinansiyal na anggulo,” ang sabini Krugman. Sinabi rin niya na nahahadlanganang pagsisikap sa kanilang bansa dahil sa kasa-kiman at sa kaduwagan ng mga pulitiko.

Ang pag-init ng globo ay maikukumpara sabagyo. Nasusukat ng mga meteorologo ang la-kas ng bagyo at natatantiya kung saan ito da-raan kaya nabibigyan ng babala ang mga tao.Pero walang siyentipiko, pulitiko, at malalakingnegosyante ang makapipigil sa bagyo. Parangganiyan din ang sitwasyon sa pag-init ng globo.Ipinaaalaala nito ang sinasabi ng Bibliya sa Jere-mias 10:23: “Ang lakad ng makalupang tao ayhindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong luma-lakad ang magtuwid man lamang ng kaniyanghakbang.”

Ang Diyos ang Lulutas sa Problema

Sinasabi ng Bibliya na ‘ang lupa ay hindi nila-lang na walang kabuluhan ng Tagapag-anyo atMaylikha nito.’ (Isaias 45:18) Sinasabi rin ng Bi-bliya: “Nananatili ang lupa magpakailanman.”—Eclesiastes 1:4, Biblia ng Sambayanang Pili-pino.

Oo, hindi pahihintulutan ng Diyos na masi-ra ang lupa. Sa halip, wawakasan niya ang bi-gong pamamahala ng tao at lilipulin ang mgawalang malasakit sa lupa. Kasabay nito, ililigtasniya ang lahat ng matuwid na gumagawa ng ki-nalulugdan niya. Sinasabi sa Kawikaan 2:21, 22:“Ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa,at ang mga walang kapintasan ang siyang maii-wan dito. Kung tungkol sa mga balakyot, lilipu-lin sila mula sa mismong lupa; at kung tungkolsa mga mapandaya, bubunutin sila mula rito.”

Ang greenhouse gas ay isang sangkapng atmospera na nag-aabsorb ng init nanagmumula sa lupa. Marami sa mga gasna ibinubuga ng modernong mga indus-triya ay greenhouse gas. Kasama rito angcarbon dioxide, chlorofluorocarbon, meth-ane, at nitrous oxide. Mahigit 25 bilyongtonelada ng carbon dioxide ang ibinubugangayon sa atmospera taun-taon. Ipinaki-kita ng ulat na mula noong industrial rev-olution, tumaas nang 40 porsiyento anglevel ng carbon dioxide sa atmospera.

Page 14: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

14 Gumising! Nobyembre 2011

“TINUTURUAN tayo ng Tingatinga na mas-dan ang daigdig ayon sa pananaw ng isang

bata. Nakakatawa, masaya, at makulay,” ang isi-nulat ni Daniel Augusta, manedyer ng Tingatin-ga Arts Co-operative Society. Itinatampok ngsining na Tingatinga ang mga hayop at kulturang Aprika, lalo na ng Tanzania, na siyang pi-nagmulan nito.

Ang Tingatinga ay isinunod sa pangalan ngnagpasimula nito, si Edward Said Tingatinga,na isinilang noong 1932. Maliwanag na hin-di nalimutan ni Edward ang mga tanawin atmaiilap na hayop sa kinalakhan niyang na-yon sa timugang Tanzania. Noong mga 25 an-yos na siya, iniwan niya ang kaniyang nayonpara maghanap ng trabaho at magkaroon ngmaalwang pamumuhay. Nang maglaon, lumi-pat siya sa kabiserang lunsod ng Tanzania, angDar es Salaam, at naging hardinero. Sa gabi,ang husay niya sa sining ay nailalabas niya samusika at sayaw; naging sikat na performer panga siya.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhayni Edward noong 1968. Nakapagtrabaho siya bi-lang attendant sa pampublikong ospital ng Mu-himbili sa Dar es Salaam. Doon, nagkaroonsiya ng panahon na ipinta sa sarili niyang isti-lo ang kaniyang mga namasdan noong bata pasiya. Dito nagsimula ang sining na Tingatinga.Dahil wala siyang espesyal na mga brush, paint,pigment, at iba pang gamit, gumamit siya ngmga materyales na mabibili sa hardware. Ha-limbawa, gumamit siya ng enamel paint na parasa bisikleta at ang naging kambas niya ay mgacompressed fiberboard na makinis at makintabsa isang panig anupat tamang-tama sa pagpipin-ta ng makikintab na larawan.

Simple lang ang istilo ni Edward sa pagpi-pinta. Gumagamit siya ng isa o dalawang kulaypara sa background at isang bagay lang ang ipi-nipinta niya—isang hayop sa Aprika na mating-kad ang kulay at hindi realistiko ang pagkakala-rawan. Wala siyang idinaragdag na tanawin oiba pang detalye.

Mapapangiti Ka sa

Tingatinga

Page 15: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 15

Hinahayaan ni Edward ang ilang kaibigan atkamag-anak na panoorin siya habang nagpipin-ta. Nang maglaon, ang ilan sa mga ito ay na-ging mga “estudyante” niya, at unti-unting na-ging popular ang kaniyang istilo.

Sa simula, ang mga painting na Tingatinga aymay matitingkad na kulay at simpleng mga lara-wan na may natatanging hugis. Pero sa paglipasng mga taon, ang mga ito ay naging masalimu-ot at mas marami nang nakaguhit na larawan.Sa katunayan, ang mga painting ng ibang pin-tor ay punung-puno ng mga tao, hayop, at iba’tibang bagay.

Mga Inspirasyon sa Pagpipinta

Maraming puwedeng maging inspirasyon samga painting na Tingatinga—iba’t ibang uri nghayop at halaman sa Aprika: antilope, bupa-lo, elepante, giraffe, hipopotamus, leon, sebra,unggoy, at iba pa, pati na mga bulaklak, puno,ibon, at isda—lalo na ang mga may matitingkadna kulay. Karaniwan nang ginagawang back-ground ang pinakamataas na bundok sa Apri-

ka, ang Kilimanjaro, na nasa hilagang-silanganng Tanzania.

Itinatampok din sa modernong Tingatingaang mga tao sa Aprika at ang kanilang kultura.Maaaring ilarawan ang isang mataong paleng-ke, pagdalaw sa ospital, o kahit ang buhay sa na-yon.

Dahil sa Tingatinga, naipakikita ng mgaAprikanong talentado sa sining ang kanilanggalıng sa pagpipinta, at kasabay nito ay kumiki-ta pa sila. Sa katunayan, mayroon nang koope-ratiba ng mga pintor ng Tingatinga sa Dar esSalaam. Ang ilan ay gumagamit pa rin ng ena-mel paint ng bisikleta. Kung buhay pa ngayon siEdward Tingatinga (namatay siya noong 1972),siguradong mapapangiti siya dahil sikat na si-kat ang sining na pinasimulan niya.

1.1saF.2.2saE.3.3saA.4.4saC.5.5saB.6.6saD.7.290,000.8.C.

MGASAGOTSAPAHINA30AT31

Page 16: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

˘ Gamit ang limang ngipin nito, inuukang sea urchin ang bato kung saan ito magta-tago. Pero nananatiling matalas ang mgangipin nito kahit gam

´ıt na gam

´ıt sa pagbutas

sa bato. “Di-hamak na mas mahusay iyankaysa sa lahat ng ginagamit nating pamputolo panghasa,” ang sabi ni Pupa Gilbert, prope-sor ng pisika sa University of Wisconsin–Madison sa Estados Unidos. Ano kaya angsekreto ng sea urchin?

Pag-isipan ito: Ang ngipin ng sea urchinay binubuo ng dikit-dikit na kristal na parangsinemento sa tibay. Gayunman, “may partiku-lar na mga bahagi ng ngipin kung saan itonapuputol,” ang sabi ni Gilbert. Dahil mahinaang mga bahaging ito—parang linya ng malili-it na butas sa selyo—madali itong maputolkapag mapurol na at lilitaw naman ang pani-bagong matalas na bahagi. Yamang ang ngi-

pin ay patuloy na tumutubo sa isang dulo, atkusa namang natatanggal ang mapurol nabahagi sa kabilang dulo, nananatili itongmatalas. Sinabi ni Gilbert na ang ngipin ngsea urchin ay “isa sa iilang bagay sa kalika-san na napananatiling matalas ang sarilinito.”

Ang pagkaalam kung paano nananatilingmatalas ang ngipin ng sea urchin ay maka-tutulong nang malaki sa mga nagdidisenyong mga kasangkapang pamputol. Kung ma-gagaya nila ito, makagagawa sila ng mgakagamitan na may paraan para kusang ma-patalas ang sarili. “Nasa mekanismong gina-gamit ng sea urchin ang susi,” ang sabi niGilbert.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang baang ngipin ng sea urchin na hindi pumupu-rol? O may nagdisenyo nito?

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Ngipinng Sea Urchin naHindi Pumupurol

Sea urchin

Limang ngipin

Tumutubongngipin

Calcareous plate

Matalas na ngipin

Both photos: Courtesy of Pupa Gilbert/University of Wisconsin-Madison

Page 17: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 17

Kung isa kang Kristiyano, tiyak na mapamili ka pagda-ting sa libangan. Hindi mo basta sinusunod ang sinasabing iba na panoorin mo, basahin, o pakinggan. Bakit? Dahilmaraming libangan sa ngayon ang nagtatampok ng seksu-wal na imoralidad, karahasan, at espiritismo—mga bagayna dapat mong iwasan. Pero mayroon pa rin namang ma-buting libangan. Tingnan natin kung paano ka makakapili.�

Alam mo ba . . . ? Ang India ay karaniwan nang nakagagawa ngmahigit 1,000 pelikula taun-taon—di-hamak na mas marami kaysasa alinmang bansa.

Kung ano ang iiwasan. Maraming pelikula ang nagpapakita ngmga pamantayang salungat sa Bibliya. Ang ilan ay nagtatampokng karahasan, lantarang pakikipag-sex, at okultismo. Pero ayon saBibliya: “Alisin . . . ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo, poot, ga-lit, kasamaan, mapang-abusong pananalita, at malaswang panana-lita.” (Colosas 3:8) Ipinagbabawal din ng Diyos ang mga gawainna may halong espiritismo.—Deuteronomio 18:10-13.

Kung paano magiging mapamili. “Kapag nakita ko sa trailer nakuwestiyunable ang pelikula, hindi ko ’yon panonoorin.”—Jerrine.�

“Hindi ko basta pinakikinggan ang rekomendasyon ng iba ma-liban nang tiyak ko na pareho kami ng pamantayan.”—Caitlyn.

“Kapag nanonood ako ng sine at naasiwa ako sa mga eksena, lu-malabas ako agad.”—Marina.

“Para mas malaman ko ang nilalaman ng pelikula, tinitingnanko sa Internet ang rating nito may kinalaman sa sex, karahasan, atpagmumura.”—Natasha.

Tip: Maghanap ng mga pelikula na malamang na walang kuwes-tiyunableng eksena. “Enjoy na enjoy akong panoorin ang tungkolsa nagdaang panahon—mga pelikulang batay sa classic literature,”ang sabi ng tin-edyer na si Masami.

� Hindi inirerekomenda ni kinokondena ng Gumising! ang alinmang partikular na peli-kula, aklat, o awitin. Ang layunin ng artikulong ito ay tulungan kang magkaroon ng bud-hing sinanay sa Bibliya na tutulong sa iyo na maging masunurin sa mga pamantayan ngDiyos.—Awit 119:104; Roma 12:9.� Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.

ANG MGAKABATAAN AYNAGTATANONG

Paano ako makakapiling mabuting libangan?

Lagyan ng O ang paboritomong klase ng pelikula.

M Comedy

M Drama

M Action/Adventure

M Science fiction

M Iba pa

Tanungin ang sarili,

‘Ang mga pinapanood kobang pelikula ay masnagpapadali—o masnagpapahirap—sa akin nasundin ang mga utos ng Diyostungkol sa sekso, karahasan,at espiritismo?’

PELIKULA AKLAT MUSIKA

Page 18: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

18 Gumising! Nobyembre 2011

Alam mo ba . . . ? Sa Estados Unidos pa lang, mahigit na sa1,000 aklat ang inilalathala linggu-linggo.

Kung ano ang iiwasan. Gaya ng mga pelikula, maraming aklatang nagtatampok ng mga pamantayang salungat sa Bibliya. Halim-bawa, ang ilan ay naglalaman ng malalaswang pananalita o tung-kol sa espiritismo. Pero sinasabi ng Bibliya: “Ang pakikiapid atbawat uri ng karumihan o kasakiman ay huwag man lamang ma-banggit sa gitna ninyo.” (Efeso 5:3) Sinasabi rin nito na ang mgagawaing nagsasangkot ng espiritismo ay “masama sa paningin niJehova.”—2 Hari 17:17.

Kung paano magiging mapamili. “Kapag pumipili ako ng ak-lat, tinitingnan ko ang back cover at ang ilang pahina. Kapag maynakita akong kuwestiyunable, hindi ko iyon bibilhin.”—Marie.

“Habang lumalaki ako at natututong magpasiya, nakikita ko namahalagang sundin ang idinidikta ng aking konsiyensiya. Kung satingin ko’y masamang basahin ang isang aklat, hindi ko na iyon ti-natapos. Alam kong salungat iyon sa pangmalas ng Diyos.”—Co-rinne.

Tip: Subukan ang ibang klase ng babasahin. “Mas nag-e-enjoyakong magbasa ng classic literature kaysa sa modern fiction,” angsabi ni Lara, 17 anyos. “Talagang napakaganda ng mga pananalita,paglalarawan sa mga karakter, at takbo ng istorya!”

TANUNGIN ANG MGA MAGULANG MO

Ano po ang kaibahan ng mga libangan noon kumpara sangayon? Ano naman po ang sabi nina lolo at lola na pagkakai-ba ng libangan noong kabataan nila at noong panahon ninyo?

Lagyan ng O ang paboritomong klase ng babasah

´ın.

M Fiction

M Nonfiction

M Classic literature

M Iba pa

Tanungin ang sarili,

‘Ang mga aklat bangkinawiwilihan kong basahinay nagtataguyod ng paggawina ayaw ng Diyos?’

PELIKULAAKLAT

MUSIKA

“Kung ibabatay sa paman-tayan ng Bibliya, maramingaklat at pelikula ang maitutu-ring na masama. Pero kapagnakita kong hindi naman salu-ngat sa mga pamantayang iyonang istorya, talagang nae-enjoyko ’yon.

”Adrian

Page 19: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 19

Alam mo ba . . . ? Mga 30,000 album ang inilalabas taun-taonng apat na malalaking recording company sa daigdig.

Kung ano ang iiwasan. Gaya ng mga pelikula at aklat, karami-han ng mga awitin sa ngayon ay imoral. Dahil sa mahahalay na li-riko at music video, baka mas mahirapan kang kontrolin ang iyongseksuwal na pagnanasa. (1 Corinto 6:18) “Ang karamihan ng mu-sika sa ngayon ay humihila sa isa na labagin ang mga pamantayanng Bibliya,” ang sabi ng 21-anyos na si Leigh, “at naeengganyo ngtugtog ang mga tao na magsayaw nang mapang-akit.”

Kung paano magiging mapamili. “Itinatanong ko sa sarili ko,‘Kung ipapakita ko sa mga adultong Kristiyano ang music listko, mapapahiya ba ako?’ Nakakatulong ito sa akin sa pagpapa-siya kung anong klase ng musika ang dapat kong pakinggan.”—Leanne.

Tip. Subukan ang iba’t ibang uri ng musika. “Mahilig si Daddysa classical music, kaya madalas na rin akong makarinig nito no-ong bata pa ako,” ang sabi ng tin-edyer na si Roberto. “Mas nagingpamilyar ako sa classical music nang mag-aral ako ng piano, at na-kaka-enjoy pala ang musikang ito!”

Pabor sa entertainment industry—kikita kasi sila nang mala-ki—kung babale-walain mo ang iyong budhing sinanay sa Bibli-ya at basta na lang panonoorin, babasahin, o pakikinggan anggusto ng karamihan.

MAGBASA PA TUNGKOL DITO!Tingnan ang aklat na Ang mgaTanong ng mga Kabataan—MgaSagot na Lumulutas, Tomo 2,Kabanata 31 at 32, na inilathalang mga Saksi ni Jehova.

Mas marami pang artikulo mulasa seryeng “Young People Ask”ang mababasa sa Web site nawww.watchtower.org/ype

Lagyan ng O ang paboritomong klase ng musika.

M Rock

M Classical

M Jazz

M R&B

M Hip-hop

M Iba pa

Tanungin ang sarili,

‘Ang mga musika bangpinakikinggan ko ay masnagpapadali—o masnagpapahirap—sa akin nalabanan ang seksuwal napagnanasa?’

PELIKULA AKLATMUSIKA

“May mga awitin na nagigingdahilan para maging curioustayo sa mga bagay na dapatiwasan bilang Kristiyano. Hindinatin babale-walain ang atingmabuting budhi dahil lang sagusto natin ang beat ng isangkanta.

”Janiece

Page 20: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

˘ Nang dumating sa Mexico ang mga konkis-tador na Kastila noong pasimula ng ika-16 na sig-lo, tinikman nila ang isang inumin doon na tina-tawag na pulque, na gawa sa pinakasim na katasng halamang agave. Ito’y parang serbesa at hin-di gaanong nakalalasing. Mayroon itong mga pro-tina, carbohydrate, bitamina, at mineral, kaya na-pagkukunan din ito ng karagdagang sustansiya.

Palibhasa’y sanay ang mga Kastila na umi-nom ng alak kasabay ng pagkain, dinistila nilanang maglaon ang katas ng agave para gawingmas matapang na inumin, na tinatawag na mes-cal. Ito ang pinagmulan ng kilal

´a ngayon bilang

tequila. Sa ngayon, maraming distilerya ng tequi-la sa Mexico, at nakagagawa sila ng mahigit189 na milyong litro ng tequila taun-taon, anupat40 porsiyento nito ang ine-export.

Ang blue agave ay isang makatas na hala-man na nauugnay sa pamilya ng liryo. Mara-ming taniman nito sa mga tigang na kabundukansa kanluran ng sentro ng Mexico, pangunahin na

sa estado ng Jalisco malapit sa bayan ng Tequila,kung saan kinuha ang pangalan ng inumin.� Ina-abot ng 12 taon bago lumaki nang husto ang ha-lamang agave at marami itong ina-absorb namineral. Kapag inani na ito, tinatanggal ang ma-tutulis na dahon at ang natitira na lang ay anghugis-pinyang bunga na tinatawag na pina. Kara-niwan na, tumitimbang ito nang 50 kilo at siyangpinagkukunan ng masustansiyang katas. Mga pi-tong kilo ng pina ang kailangan para makagawang isang litrong tequila.

Maraming Mexicano ang nasisiyahang inum´ın

nang puro ang tequila, kasabay ang asin at isanghiwa ng dayap. Ang mga tagaibang bansa namanay mas pamilyar sa margarita, tequila na hinalu-an ng lime juice at alak na lasang orange; inilala-gay ito sa kopa na may kinaskas na yelo at pina-hiran ng asin sa labi nito.� Palibhasa’y ine-exportsa mga 90 bansa, ang tequila ay angkop na tawa-ging inuming embahador ng Mexico.

� Sa 136 na uri ng agave sa Mexico, ang ilan ay ginagamit sa pag-gawa ng pulque at iba pang alak. Pero ang blue agave lang ang gina-gawang tequila.� Hindi ipinagbabawal ng Bibliya ang katamtamang pag-inom ng

alak. (Awit 104:15; 1 Timoteo 5:23) Pero hinahatulan nito ang labisna pag-inom at paglalasing.—1 Corinto 6:9, 10; Tito 2:3.

INUMING EMBAHADORNG Mexico

Page 21: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 21

ISINILANG ako noong 1922 sa Halle, isangbayan sa Germany na mahigit 1,200 taon

nang umiiral. Ito’y mga 200 kilometro sa timog-kanluran ng Berlin at isa sa mga unang balwarteng Protestantismo. Isinilang ang kapatid kongsi Kathe noong 1923. Sundalo si Itay. Mang-aawit naman sa teatro si Inay.

Namana ko kay Itay ang masidhing pagnana-is na ituwid ang kawalang-katarungan. Nang tu-migil siya sa pagsusundalo, bumili siya ng isangtindahan. Palibhasa’y mahihirap ang karami-han sa mga kostumer, naaawa si Itay kaya pina-uutang niya sila. Pero nabangkarote siya dahildito. Dapat sana’y natutuhan ko sa karanasangito ni Itay na hindi ganoon kadaling lunasanang kawalang-katarungan. Pero mahirap alisinang pagiging idealistiko ng isang kabataan.

Namana ko naman kay Inay ang talento sa si-ning, at tinuruan niya kami ni Kathe ng musika,pag-awit, at pagsasayaw. Masiglang bata ako, atnapakasaya ng buhay namin ni Kathe—hang-gang sa dumating ang taong 1939.

Nagsimula Na ang Bangungot

Nang matapos ako ng haiskul, pumasok akosa ballet school, kung saan natuto rin ako ngAusdruckstanz (expressive dance), na itinuturoni Mary Wigman. Isa siya sa nagpasimula ng is-tilong ito, kung saan ipinakikita ng mananayaw

ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ngsayaw. Nag-aral din ako ng painting. Kaya ma-saya at makulay ang buhay ko noong tin-edyerako at marami akong natututuhan. Pero noong1939, sumiklab ang Digmaang Pandaigdig II.Isa pang dagok ang dumating noong 1941 nangmamatay si Itay dahil sa tuberkulosis.

Isang bangungot ang digmaan. Bagaman 17anyos pa lang ako nang magsimula ito, sa tinginko’y nabaliw noon ang mundo. Libu-libong da-ting normal na mamamayan ang nadala ng Na-zismo. Pagkatapos, naging mahirap ang buhay,marami ang namatay, at nawasak ang paligid.Tinamaan ng bomba ang bahay namin at nasi-ra, at ang ilan sa mga kamag-anak namin ay na-patay sa digmaan.

Nang matapos ang labanan noong 1945, nasaHalle pa rin kami nina Inay at Kathe. Noongpanahong iyon, may asawa na ako at isang sang-gol na babae. Pero hindi masaya ang pagsasamanaming mag-asawa kaya naghiwalay kami. Da-hil kailangan kong suportahan ang sarili ko atang aking anak, nagtrabaho ako bilang manana-yaw at pintor.

Ang Germany noon ay hinati sa apat na ba-hagi, at ang bayan namin ay nasa bahaging

Natagpuan Koang Solusyon saKawalang-KatarunganAYON SA SALAYSAY NI URSULA MENNE

Bata pa lang ako, gustung-gusto ko nang maki-tang tinatrato nang makatuwiran at makataru-ngan ang lahat ng tao. Nabilanggo pa nga akosa Komunistang East Germany dahil diyan. Athindi ko sukat-akalain na doon ko pa mata-tagpuan ang solusyon sa kawalang-katarungan.Ikukuwento ko sa inyo ang nangyari.

Page 22: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

22 Gumising! Nobyembre 2011

sakop ng Unyong Sobyet. Kaya kailangan na-ming masanay sa pamamalakad ng rehimengKomunista. Noong 1949, ang bahagi ng Ger-many kung saan kami nakatira, na karaniwangtinatawag na East Germany, ay naging GermanDemocratic Republic (GDR).

Buhay sa Ilalim ng Komunismo

Noong mga taong iyon, nagkasakit si Inay, atkailangan ko siyang alagaan. Nagtrabaho ako saisang opisina ng lokal na gobyerno. Samantala,nakilala ko ang ilang aktibistang estudyante nanagsisikap itawag-pansin ang ilan sa kawalang-katarungan noon. Halimbawa, isang kabataanang hindi pinayagang makapag-aral sa unibersi-dad dahil ang tatay niya ay dating miyembrong partidong Nazi. Kilalang-kilala ko ang estu-dyanteng iyon dahil dati kaming nagkakasamasa paglilibang. Naisip ko, ‘Bakit kailangang siyaang magdusa dahil sa ginawa ng tatay niya?’Napadalas ang pagsama ko sa mga aktibista,at sumali ako sa mga kilos-protesta. Minsan panga, nagkabit ako ng mga leaflet sa hagdanan salabas ng lokal na korte.

Hindi ko rin nagustuhan ang ilang liham naipinagawa sa akin bilang isang sekretarya saRegional Peace Committee. Sa isa pang pag-kakataon, sa pulitikal na kadahilanan, binalakng komite na padalhan ng mga babasahing maypropaganda ng Komunismo ang isang matan-dang lalaking taga-West Germany para mapag-suspetsahan ito. Inis na inis ako sa pandara-yang iyon kaya itinago ko sa opisina ang mgababasahin at hindi iyon naipadala.

Nagkaroon ng Pag-asa Dahil sa“Pinakamasamang Tao sa Kuwartong Ito”

Noong Hunyo 1951, dalawang lalaki ang pu-munta sa opisina at nagsabi: “Arestado ka.”Ibinilanggo nila ako sa Roter Ochse, o Red Ox.Pagkalipas ng isang taon, kinasuhan ako ngpaghihimagsik sa Estado. Isinumbong kasi akong isang estudyante sa secret police, o Stasi,sa ginawa kong pagkakabit ng mga leaflet bi-lang protesta. Madaya ang naging paglilitis da-hil hindi man lang isinaalang-alang ang sina-bi ko bilang depensa. Sinentensiyahan ako nganim-na-taong pagkabilanggo. Nang panahong

iyon, nagkasakit ako at dinala sa dormitoryo ngospital sa bilangguan kung saan may mga 40pasyenteng babae. Nang makita ko kung gaanosila kamiserable, nag-panic ako. Napatakbo akosa pinto at kinalabog ko iyon.

“Ano’ng gusto mo?” ang tanong ng guwar-diya.

“Alisin n’yo ako rito,” ang sigaw ko. “Kahitibartolina n’yo ’ko, basta alisin n’yo lang akorito!” Siyempre pa, hindi nila ako pinagbigyan.Mayamaya, may napansin akong isang babaena ibang-iba sa lahat. Makikita sa mga mataniya na siya’y kalmado. Kaya umupo ako sa tabiniya.

“Kung tatabi ka sa ’kin, dapat mag-ingat ka,”ang sabi niya, na ikinagulat ko. Sinabi pa niya,“Ako raw ang pinakamasamang tao sa kuwar-tong ito dahil isa akong Saksi ni Jehova.”

Hindi ko pa alam noon na ang mga Saksi niJehova ay itinuturing na kaaway ng Komunis-tang Estado. Pero alam ko na dalawang Estu-dyante ng Bibliya (dating tawag sa mga Saksi niJehova) ang palaging bumibisita kay Itay noongbata pa ako. Sa katunayan, naalaala kong sina-bi ni Itay, “Tama ang mga Estudyante ng Bibli-ya!”

Napaluha ako nang makilala ko ang maba-it na babaing ito, si Berta Bruggemeier. “Paki-suyo, turuan mo ako tungkol kay Jehova,” angsabi ko. Mula noon, madalas na kaming mag-kasama at nag-uusap tungkol sa Bibliya. Mara-mi akong natutuhan sa kaniya. Nalaman ko naang tunay na Diyos, si Jehova, ay isang Diyosng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan. Natu-tuhan ko rin na aalisin niya ang lahat ng pinsa-lang idinulot ng masama at mapaniil na mgatao. “Kaunting panahon na lamang, at ang ba-lakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamoang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpongnga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaanng kapayapaan,” ang sabi sa Awit 37:10, 11.Nakalaya at Tumakas Patungo sa Kanluran

Pinalaya ako noong 1956, pagkatapos ng ma-higit limang-taong pagkabilanggo. Limang arawpagkaraang makalaya, tumakas ako mula saGDR at nanirahan sa West Germany. Dalawa

Page 23: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

na ang anak ko noon, sina Hannelore at Sabi-ne, at isinama ko sila. Doon, nagdiborsiyo kaming asawa ko at muli akong nakipag-ugnayan samga Saksi. Sa pag-aaral ko ng Bibliya, nakita kona kailangan kong gumawa ng mga pagbabagopara maiayon ko ang aking buhay sa mga pa-mantayan ni Jehova. Ginawa ko ang mga ito atnabautismuhan ako noong 1958.

Nang maglaon muli akong nag-asawa, at sapagkakataong ito, sa isang Saksi ni Jehova—siKlaus Menne. Masaya ang pagsasama naminni Klaus at nagkaroon kami ng dalawang anak,sina Benjamin at Tabia. Nakalulungkot, nama-tay si Klaus sa isang aksidente mga 20 taon naang nakalilipas, at hindi na ako nag-asawa. Peromalaking kaaliwan para sa akin ang pag-asa nabubuhaying muli ang mga patay sa Paraisonglupa. (Lucas 23:43; Gawa 24:15) Malaking kaa-liwan din sa akin na naglilingkod kay Jehovaang apat kong anak.

Dahil sa pag-aaral ko ng Bibliya, nalamankong si Jehova lang ang makapagbibigay ng tu-nay na katarungan. Di-tulad ng mga tao, isina-saalang-alang niya ang buong sitwasyon natin,pati na ang ating nakaraan—mga detalye na ka-dalasa’y hindi nakikita ng iba. Dahil sa napa-kahalagang kaalamang ito, ngayon pa lang aynakadarama na ako ng kapayapaan kahit na-kakakita ako o nakararanas ng kawalang-kata-rungan. Sinasabi sa Eclesiastes 5:8: “Kung ma-kakita ka ng anumang paniniil sa dukha at ngmarahas na pag-aalis ng kahatulan at ng ka-tuwiran sa isang nasasakupang distrito, huwagmong ikamangha ang pangyayari, sapagkat angisa na nakatataas kaysa sa mataas ay nagma-masid.” Siyempre pa, ang “isa na nakatataas”ay ang ating Maylalang. “Ang lahat ng bagayay hubad at hayagang nakalantad sa mga mataniya na pagsusulitan natin,” ang sabi sa Hebreo4:13.

Pagbabalik-Tanaw sa Halos 90 Taonna Nakalipas

May mga nagtatanong sa akin kung ano angbuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Nazi atng mga Komunista. Parehong mahirap. At gayang iba pang uri ng pamamahala ng tao, ang da-lawang ito ay nagpapatunay na hindi kayang

pamahalaan ng tao ang kaniyang sarili. Prang-ka at makatotohanan ang Bibliya sa pagsasabi:“Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapi-pinsala.”—Eclesiastes 8:9.

Noong bata pa ako at walang karanasan,umaasa ako na mailalaan ng tao ang makata-rungang pamamahala. Pero nauunawaan ko nangayon na tanging ang ating Maylalang ang ma-kapagpapangyari ng isang tunay na makataru-ngang daigdig. Lilipulin niya ang masasama atibibigay ang pamamahala sa lupa sa kaniyangAnak, si Jesu-Kristo, na ang laging inuuna ayang kapakanan ng iba. May kinalaman kay Je-sus, sinasabi ng Bibliya: “Inibig mo ang katu-wiran, at kinapootan mo ang katampalasanan.”(Hebreo 1:9) Laking pasasalamat ko na inilapitako ng Diyos sa kamangha-mangha at makata-rungang Haring ito, na sa ilalim ng pamamaha-la niya ay umaasa akong mabuhay magpakai-lanman!

°

Kasama ang mgaanak kong sinaHannelore at Sabinepagdating namin saWest Germany

Ngayon, kasama anganak kong si Benjaminat ang asawa niyangsi Sandra

Page 24: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

24 Gumising! Nobyembre 2011

DAPAT lang na ikabahala ng mga awtoridadsa Mexico ang mga lamok na nagkakalat ng

sakit. Ang nakakainis na mga insektong ito aypuwedeng magkalat ng mapanganib na virus nasanhi ng dengue, isang sakit na posibleng ikama-tay ng pasyente. Noong 2010, mahigit 57,000 ka-tao sa Mexico ang nagka-dengue. Isa lang angMexico sa mahigit 100 bansa sa ngayon kungsaan laganap ang dengue. Sa katunayan, tinatayang World Health Organization (WHO) na mga50 milyon ang nagkaka-dengue taun-taon at mga40 porsiyento ng populasyon ng daigdig ang na-nganganib na dapuan ng sakit na ito. Kaya na-man ang mga ahensiyang pangkalusugan ay nag-saayos ng mga programa para lipulin ang Aedesaegypti, isang uri ng lamok na may mga putingbatik at isa sa mga nagkakalat ng virus ng den-gue.�

Ang dengue ay karaniwan sa mga lugar namay tropikal at subtropikal na klima, lalo na sapanahon ng tag-ulan at pagkatapos ng isang likasna sakuna gaya ng bagyo o baha. Nangingitlogkasi ang babaing lamok na Aedes sa tubig na hin-di umaagos.� Dahil sa mga kongkretong tangkenag-iipon ng tubig ang mga tao sa Latin Amerikaat Caribbean, pinaaalalahanan sila ng mga eks-

� Sa ilang lupain, may iba pang mga lamok, gaya ng Aedes albo-pictus, na maaari ding pagmulan ng virus ng dengue.� Karaniwan na, ang mga lamok na Aedes ay hindi nakalalayo

nang ilang daang metro mula sa lugar na pinangitlugan sa mgaito.

perto sa kalusugan na panatilihing may takip angmga ito. Sa gayon ay hindi makapangingitlog samga tangke ang mga lamok. Maiiwasan din angpagdami ng mga lamok na ito kung laging mali-nis ang kanilang bakuran at walang mga lumanggulong, lata, paso, container na plastik—saanmanmaaaring maipon ang tubig.

Mga Sintomas ng Dengueat Kung Paano Ito Magagamot

Kadalasan nang mali ang diyagnosis sa den-gue dahil ang mga sintomas nito ay parang satrangkaso. Pero ayon sa WHO, dapat mong pag-suspetsahang may dengue ang pasyente kapagang lagnat ay may kasamang butlig-butlig sa ba-lat, kirot sa likuran ng mga mata, at pananakit ngkalamnan pati na ng matinding pangingirot ngmga kasukasuan, na siyang dahilan kung bakit ti-natawag itong breakbone fever. Ang lagnat ay tu-matagal nang lima hanggang pitong araw.

Hindi pa malunasan ng mga doktor ang den-gue, pero sa maraming kaso, maaari itong ma-pagaling sa bahay kung magpapahinga ang pa-syente at iinom ng maraming tubig o juice. Perokailangang imonitor na mabuti ang pasyente sa-kaling magkaroon siya ng dengue hemorrhagicfever o dengue shock syndrome. Ang mga kom-plikasyong ito, na posibleng makamatay, ay ma-aaring lumitaw kapag bumaba na ang lagnat ngpasyente at parang papagaling na siya. Ano angilang sintomas ng mas malulubhang kondisyong

DENGUEISANG KUMAKALATNA SAKIT

“Ang Health Services ng Morelos . . . , sa pakikipagtulu-ngan ng Board of Health ng Emiliano Zapata Town Council,ay naggagawad ng precertificate na ito sa Kingdom Hallng mga Saksi ni Jehova . . . dahil sa [kanilang] pagtutulu-ngan para magkaroon ng malilinis na dako na hindi mapa-mumugaran ng mga lamok na nagkakalat ng dengue.”

Sou

rce:C

ou

rtesy

Marc

os

Teixe

irad

eFre

itas

Page 25: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

ito? Matinding sakit ng tiyan, madalas na pagsu-suka, pagdurugo ng ilong at gilagid, maitim nadumi, at kulay-ubeng mga paltos sa balat. Bu-kod diyan, maaaring kasama sa mga sintomas ngdengue shock syndrome ang pagiging balisa, ma-tinding pagkauhaw, pamumutla at panlalamig ngbalat, at napakababang presyon ng dugo.

Nakalulungkot, hindi nagagamot ng mga anti-biyotiko ang dengue dahil ang sanhi ng impeksi-yong ito ay virus at hindi baktirya. Makabubutiring iwasan ng pasyente ang mga gamot para sakirot, gaya ng aspirin at ibuprofen, dahil mas la-lakı ang posibilidad ng pagdurugo. May apat naklase ng virus na sanhi ng dengue, at posiblengmagka-dengue uli ang pasyente.

Kung magka-dengue ka, magpahingang mabu-ti at uminom ng maraming tubig o juice. Bu-kod diyan, palaging magkulambo hangga’t maaa-ri para hindi ka makagat ng lamok at maikalatnito ang sakit sa ibang tao.

Paano mo maiiwasang makagat ng lamok?Magsuot ng pantalon, mahabang bestida, o da-mit na may mahabang manggas, at gumamitng mosquito repellent. Bagaman maaaring ma-ngagat ang mga lamok anumang oras, aktibung-aktibo sila mga dalawang oras matapos sumikat

ang araw at bago lumubog ang araw. Makatutu-long din ang paggamit ng kulambo na nilagyanng insect repellent.

Hindi natin alam kung may matutuklasang ba-kuna para sa dengue. Pero sa takdang panahon,ang Kaharian ng Diyos ang papawi sa lahat nguri ng sakit, pati na sa lagnat na ito. Oo, daratingang panahon na “papahirin [ng Diyos] ang ba-wat luha sa kanilang mga mata, at hindi na mag-kakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati ong paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga datingbagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:3, 4.

Inspeksiyunin ang mga PosiblengPangitlugan ng Lamok1. Mga itinapong gulong

2. Mga alulod

3. Mga pasˆo

4. Mga container na plastik

5. Mga basyong lata at dram

Kung Paano Iiwasang Makagat ng Lamoka. Magsuot ng pantalon, mahabang bestida, o

damit na may mahabang manggas. Gumamitng mosquito repellent

b. Magkulambo sa pagtulog

1

2

34

5

a

b

Page 26: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

26 Gumising! Nobyembre 2011

ATUTUTO ba ang mga tao mula samga pagkakamali noong nakalipas napanahon? Pag-isipan iyan habang bina-basa mo ang tungkol sa buhay ni JohnFoxe, isang Ingles na sumulat ng isang

aklat para himukin ang mga mambabasa na ka-pootan ang matitinding kalupitan na naganapnoong panahon niya.

Ang mga ulat ni John Foxe, na isinulat noongpanahon ng Repormasyon, ay talagang nakaim-pluwensiya nang malaki sa mga taga-Inglatera saloob ng mahabang panahon. Ang kaniyang ak-lat, na pinamagatang Acts and Monuments of theChurch, ay inabot ng mahigit 25 taon bago na-kumpleto. At sinasabi ng ilan na pumapangalawaito sa Bibliyang Ingles sa mga nakaimpluwensiyasa pag-unlad ng wika at kultura ng mga Ingles.

Maligalig na mga Taon

Si John Foxe ay isinilang sa Boston, Inglatera,noong 1516 o 1517. Noong mga panahong iyon, si-nasabing ipinako ni Martin Luther ang kaniyang95 tesis, o protesta, sa pinto ng isang simbahansa Wittenberg, Alemanya. Kaya si Foxe, na Ro-mano Katoliko nang isilang, ay nabuhay noongpanahong kinukuwestiyon ng mga Repormadorang awtoridad at turo ng Simbahang Katoliko.

Nakapag-aral si Foxe sa Oxford University, atkasama sa pinag-aralan niya roon ang mga wi-kang Griego at Hebreo, na nakatulong para ma-basa niya ang Bibliya sa orihinal na mga wika.Maliwanag na nakaapekto ito sa paniniwa-la niya sa mga turong Katoliko. Sa katunayan,inakala ng mga kasamahan niya na pumapanigna siya sa mga Protestante kaya isinumbong nilasiya sa mga nangangasiwa sa kolehiyo. Mulanoon, binantayan na ang bawat kilos niya.

Nang makatapos siya ng master’s degree no-ong 1543, puwede na sana siyang ordenahan bi-lang pari. Pero tumanggi siyadahil hindi siya sang-ayon sa pagbabawal sa mga pari na mag-asawa.Dito na umabot sa sukdulan ang pangyayari. Pi-naghinalaan siya na isang erehe—na may paru-sang kamatayan kung mapapatunayan—kaya nag-bitiw siya sa unibersidad noong 1545. Iniwan niFoxe ang kaniyang magandang propesyon doonat naging pribadong guro ng isang pamilya ma-lapit sa Stratford-upon-Avon, Warwickshire, kungsaan niya napangasawa si Agnes Randall.

Palibhasa’y dating nakatira si Agnes sa kalapitna Coventry, naikuwento niya kay Foxe ang tung-kol sa biyudang si Smith (o Smythe). Itinuro niSmith sa mga anak niya ang Sampung Utos at angmodelong panalangin ni Jesus, na tinatawag naPanalangin ng Panginoon. Pero sa halip na turuansila sa Latin, tinuruan niya sila sa Ingles. Dahil sa“krimen” na ito, sinunog si Smith sa tulos, kasa-ma ng anim na lalaki na pinaratangan ng gayun-ding pagkakasala. Palibhasa’y ikinagalit ng taong-bayan ang matinding kawalang-katarungang iyon,ipinagkalat ng kanilang obispo na ang mga bikti-ma ay sinunog dahil sa pagkain ng karne sa arawng Biyernes at iba pang araw ng pangingilin, na di-umano’y “mas malubhang krimen.”

Paanong ang mga martir na iyon ay naging pa-

John FoxeNABUHAY SA ISANGMALIGALIGNA PANAHON

Fro

mFoxe

’sB

ook

of

Ma

rtyrs

Page 27: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

milyar sa ilang bahagi ng Bibliya sa wikang In-gles? Mga 150 taon bago nito, sa kabila ng pagtu-tol ng simbahan, ang Bibliya ay isinalin ni JohnWycliffe sa Ingles mula sa Latin. Nagsanay dinsiya ng naglalakbay na mga mangangaral na tina-wag na mga Lollard.� Ang mga ito ay may dalangsulat-kamay na mga bahagi ng Kasulatan, na bi-nabasa nila sa mga tao. Sinikap ng Parlamentona pahintuin ang gawaing iyon. Noong 1401, nag-labas ito ng batas na nagbibigay ng awtoridad samga obispo na ibilanggo at pahirapan ang mgaerehe at sunugin sila sa tulos.

Sa takot na maaresto, dinala ni Foxe ang kani-yang pamilya sa London, kung saan umanib siyanang maglaon sa mga Protestante. Doon, isinalinniya sa Ingles ang mga pamplet ng mga Repor-mador na Aleman at pati ang ibang mga pampletna nasa Latin. Sumulat din siya ng sarili niyangmga pamplet.

Bukod diyan, sinimulan ni Foxe ang pagsulatng isang akda tungkol sa kasaysayan ng mga Lol-lard sa Inglatera, na natapos noong 1554. Ini-

� Tingnan ang artikulong “The Lollards, Courageous BiblePreachers,” sa The Watchtower, isyu ng Agosto 1, 1980.

lathala iyon sa Strasbourg, isang lunsod nga-yon sa Pransiya, bilang isang maliit na aklat nanasa wikang Latin at may 212 pilyego. Ito angunang labas ng kaniyang Acts and Monuments ofthe Church. Pagkaraan ng limang taon, dinagda-gan niya ang nilalaman nito anupat umabot samahigit na 750 malalaking pahina.

Pagpatay sa Ngalan ng Relihiyon

Libu-libong lalaki, babae, at bata ang pinataynoong Repormasyon sa Europa. Sa Inglatera, no-ong 1553, isang panatikong Katoliko na binan-sagang Bloody Mary ang kinoronahan. Palibha-sa’y pinutol ng Parlamento ng Inglatera ang lahatng kaugnayan sa Roma noong 1534, determinadosiyang ibalik ang bansa sa ilalim ng awtoridad ngpapa. Sa limang-taong pamamahala ni Mary, mga300 lalaki at babae, kasama ang mga lider ng sim-bahang Protestante, ang sinunog bilang mga ere-he. Marami pang iba ang namatay sa bilangguan.

Nakaligtas si Foxe dahil dinala niya agad saBasel, Switzerland, ang kaniyang pamilya nangmamahala si Mary. Noong 1559, isang taon pag-kaluklok ng kapatid ni Mary, ang Protestantengsi Elizabeth, bumalik si Foxe sa Inglatera kasama

Nagsugo si John Wycliffe ng naglalakbay na mga m´

angangar´

al na tinawag na mga Lollard

Fro

mth

eb

ook

Th

eC

hurc

hof

En

gla

nd

:A

His

tory

for

the

Peop

le,1

90

5,Vol.

II

Page 28: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

ang ibang mga lumikas. Noong taong iyon ibina-lik ni Elizabeth ang Batas ng Sukdulang Kapang-yarihan� na humihirang sa kaniya bilang Kataas-taasang Tagapamahala ng Simbahan. Dahil dito,itiniwalag siya ni Pope Pius V noong 1570. Di-nagtagal, natuklasang may mga sabuwatan angibang mga bansa laban sa Inglatera, kasama angpakana na patayin ang Protestanteng reyna. Bi-lang resulta, daan-daang Katoliko ang pinarata-ngan ng sedisyon at pinatay sa utos ni Elizabeth.

� Sinasabi sa The Leading Facts of English History, ni D. H. Mont-gomery, na noong 1534, pinagtibay ng Parlamento ang Batas ngSukdulang Kapangyarihan, “na nagdedeklarang si Henry ang ga-nap at nag-iisang pinuno ng Simbahan, anupat ang hindi pagkilalarito ay ituturing na malubhang sedisyon. Sa pagpirma sa batas, si-nira ng Hari ang kanilang sanlibong-taong tradisyon, at ang Ingla-tera ay nagtatag ng Pambansang Simbahan na hiwalay sa Papa.”

Ang mga gawain ng mga relihiyon ng Sang-kakristiyanuhan—Katoliko at Protestante—ay ta-lagang malayung-malayo na sa mga turo ni Jesu-Kristo! Itinuro niya: “Patuloy na ibigin anginyong mga kaaway at ipanalangin yaong mgaumuusig sa inyo.” (Mateo 5:44) Dahil sa pagsu-way ng mga Katoliko at Protestante sa malinawna utos na ito, nagdulot sila ng malaking upasalasa Kristiyanismo, gaya nga ng inihula sa Bibliya.Isinulat ni apostol Pedro na dahil sa mga nagpa-panggap na Kristiyano, “pagsasalitaan nang maypang-aabuso ang daan ng katotohanan.”—2 Pe-dro 2:1, 2.

Natapos ni Foxe ang Kaniyang Akda

Pagbalik sa Inglatera, dinagdagan pa ni Foxeang kaniyang ulat, anupat ang mga detalye nitoay maaaring nasaksihan mismo ng ilan sa kani-yang mambabasa. Ang kaniyang unang edisyonsa Ingles—na may mga 1,800 pahina at ilang la-rawang inilimbag gamit ang inukit na kahoy—ayinilabas noong 1563 at agad na tinangkilik ng ma-rami.

Ang ikalawang edisyon ay inilabas pagkaraanng pitong taon. Ito ay dalawang tomo at may ma-higit 2,300 pahina at 153 larawan. Nang sumu-nod na taon, ipinag-utos ng Church of Englandna isang kopya ng aklat ni Foxe ang ilalagay, ka-sama ng Bibliya, sa lahat ng katedral sa Ingla-tera at sa tahanan ng mga nanunungkulan sasimbahan para makinabang dito ang mga taga-paglingkod at bisita. Di-nagtagal, ganoon na rinang ginawa ng mga parokya. Pati ang mga hin-di marunong bumasa ay nakinabang dahil mala-king tulong sa kanila ang mga larawan.

Noong panahong iyon, umanib na si Foxe samga Puritan, mga Protestanteng hindi kontentona basta humiwalay lang sa simbahan ng Roma.Itinuro pa nila na dapat alisin ang lahat ng bahidng Katolisismo—isang pananaw na hindi sukat-akalaing ikagagalit ng Simbahang Protestante ngInglatera, na nanghahawakan pa rin sa mara-ming kaugalian at doktrina ng mga Katoliko.

Dahil inilantad ni John Foxe sa kaniyang akdaang marami sa mga kalupitang naganap noon sangalan ng relihiyon, malaki ang naging implu-wensiya niya sa pangmalas ng mga tao sa reli-hiyon at pulitika sa Inglatera nang sumunod namga siglo.

� Classic Vision/age fotostock

Habang nilalabanan ng Simbahang Katolikoang Repormasyon, ang mga martyrologist sa Eu-ropa, gaya ni Jean Crespin, ay sumulat ng mgaaklat tungkol sa mga pag-uusig at pagpatay samga martir sa kani-kanilang bansa, na karani-wang tinatawag na Book of Martyrs.� Dahil dito,ang Acts and Monuments of the Church ni Foxeay tinawag na Book of Martyrs ni Foxe. Nangmaglaon, sa paglabas ng nirebisa at pinaiklingmga edisyon, mas nakilala ang di-opisyal na titu-lo kaysa sa titulong pinili ni Foxe.

� Tingnan ang artikulong “Ang Book of Martyrs ni Jean Crespin”sa isyu ng Marso 2011 ng magasing ito.

ANG BOOK OF MARTYRSNI FOXE

Page 29: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Gumising! Nobyembre 2011 29

Mga Kalamidad Noong 2010Ayon sa isang malaking insurance company, 950 likas na sa-

kuna ang naganap sa daigdig noong 2010, anupat mas mataassa average ng nakaraang dekada na 785 bawat taon. Ang li-mang pinakamalubhang kalamidad ay ang lindol sa Chile, Chi-na, at Haiti; mga baha sa Pakistan; at heat wave sa Russia,kung saan libu-libo ang namatay dahil sa init at polusyon sa ha-ngin. Isang bulkan sa Iceland ang nagbuga ng makapal na abosa hilagang Europa na bagaman hindi gaanong nakapinsalaay naging dahilan naman para hindi makapagbiyahe ang ma-raming eroplano. Sa Australia, dalawang matinding pag-ulanng yelo ang nagdulot ng pinsala na nagkakahalaga ng mahigit$2 bilyon (U.S.). “Ang kabuuang pinansiyal na kalugihan, ka-sama ang halagang hindi nakubrehan ng insurance,” ang sabing The Telegraph ng London, “ay umabot nang $130 bilyonkumpara sa $50 bilyon noong nakaraang taon.”

Ang mga Neanderthal ba ay Tao Rin?“Bagaman matagal nang inaakala na ang mga Neanderthal

ay mas mababa sa Homo sapiens, nagbabago ang pananaw naiyan dahil unti-unting natutuklasan na mayroon silang mga ka-kayahan na kagaya ng sa atin,” ayon sa New Scientist. Ipinaki-kita ng mga bagong tuklas na ang mga Neanderthal ay gu-mawa ng mga tahanan at apuyan, gumamit ng apoy, nagsuotng damit, nagluto, gumawa ng mga kagamitan, at umimbentong pandikit para makabitan ng tulis ang kanilang sibat. Mayebidensiya rin na nag-alaga sila ng mga maysakit, nagsuot ngmga palamuting may isinisimbolo, at naglibing ng mga patay.Ayon kay Erik Trinkaus, propesor ng physical anthropology saWashington University, St. Louis, Missouri, E.U.A., “ang mgaNeanderthal ay tao, at malamang na kasintalino rin natin sila.”

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Sa Germany, 7 sa bawat 10sanggol ang may rekord nasa Internet. Iginagawa sila ngmga magulang nila ng profile ate-mail address o ipino-post ang ka-nilang mga larawan o mga kuha saultrasound. Pero sinasabi ng mgaeksperto na dapat mag-ingat dahilmaaaring maging bahagi na ngbuhay ng bata ang mga larawanniya sa Internet.—BABY UND FAMILIE,

GERMANY.

Ayon sa estadistika ng gobyerno,14,000 babae ang namama-tay sa Russia taun-taon da-hil sa karahasan sa taha-nan.—RIA NOVOSTI, RUSSIA.

Ang snow na bumabagsak saMount Everest sa altitud na6,858 metro hanggang 7,752 me-tro ay may level ng arsenic atcadmium na itinuturing nadelikado sa iniinom na tu-big. Ipinapalagay na ito’y dahil sapolusyon na kagagawan ng tao.—SOIL SURVEY HORIZONS, E.U.A.

Inilabas kamakailan ng ka-isa-isang kompanya na aw-torisadong mag-imprentang Bibliya sa China ang ika-80 milyong kopya nito.Isang milyong Bibliya ang iniim-prenta ng kompanya bawat buwan—25 porsiyento ng lahat ng iniim-prenta ngayon sa buong mundo.—XINHUA, CHINA.

“Mahigit 10 porsiyentong mga adultong Amerika-no (10.1 porsiyento) ang hu-miwalay sa simbahang Ka-toliko bagaman pinalakingKatoliko.”—NATIONAL CATHOLIC

REPORTER, E.U.A.

Page 30: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

REPASO PARA SA PAMILYA

Aling Larawan angKatugma ng Teksto?

Basahin ang Eclesiastes 2:3-10. Gumuhit ng linyana magdurugtong sa larawan at sa katugmang tala-ta sa Bibliya. (Wala sa tamang pagkakasunud-sunodang mga larawan.) Kulayan ang mga larawan.

1. Talata 3

2. Talata 4

3. Talata 5

4. Talata 6

5. Talata 7

6. Talata 8

A B

C D

E F

˘ Nasa pahina 15 ang mgasagot sa “REPASO PARA SAPAMILYA”

PARA SA TALAKAYAN: Talaga bang masaya siSolomon sa mga bagay na nagawa niya para sa ka-niyang sarili? CLUE: Basahin ang Eclesiastes 2:11.Ano ang ibig sabihin ng “walang kabuluhan at pag-hahabol sa hangin”? Anong mga gawain angtalagang makapagpapasaya sa iyo? CLUE: Basahinang Lucas 6:38; Gawa 20:35.

PARA SA PAMILYA: Basahin ang Eclesiastes3:1-8. Sa isang piraso ng papel, ipasulat sa bawatmiyembro ng pamilya ang isa sa mga gawaing bi-nanggit sa mga talata. Ilagay sa isang kahon angmga papel. Pagkatapos, ang bawat miyembro ay ku-kuha ng isang papel at iaaksiyon ang nakasulatdoon nang hindi nagsasalita. Huhulaan naman iyonng ibang miyembro ng pamilya.

Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng“Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.jw.org30 Gumising! Nobyembre 2011

Page 31: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

Ipunin at Pag-aralan Gupitin, tiklupin, at ingatanJO

SE

BIB

LE

CA

RD

11

J O S E

MAIKLING IMPORMASYON Panganay na anaknina Jacob at Raquel. (Genesis 35:24) Dahil na-inggit sa kaniya ang mga kapatid niya sa ama,ipinagbili nila siya sa Ehipto kung saan mga 13taon siyang naging alipin o bilanggo. Sa halip namaghiganti, pinatawad ni Jose ang kaniyangnagsisising mga kapatid. (Genesis 50:15-21)Kahit malayo sa pamilya, pinarangalan niya siJehova at nanatili siyang masipag, mapagkakati-walaan, at malinis sa moral.—Genesis 39:1-23.

MGA TANONG

A. Kumpletuhin. Binansagan si Jose ng kaniyangmga kapatid na ‘ang �������,’ at ipinagbili siya sapagkaalipin sa halagang �� pirasong pilak.

B. Nang pilitin si Jose ng asawa ni Potipar na si-pingan siya, matatag na sumagot si Jose, “Paanoko magagawa ang malaking kasamaang ito at . . . ”

C. Bakit inatasan ni Paraon si Jose na maging pa-ngalawang tagapamahala sa Ehipto?

MGA SAGOT

A. Mapanaginipin, 20.—Genesis 37:19, 28.

B. “. . . magkasala nga laban sa Diyos?”—Genesis 39:9.

C. Alam niya na si Jose ay marunong atmaingat dahil sa espiritu ng Diyos.—Genesis 41:38-41.

Mga Tao at mga Lugar7. Ako si Anietie, pitong ta

´ong gulang. Nakatira ako sa

Nigeria. Mga ilan ang Saksi ni Jehova sa Nigeria? Ito baay 190,000, 290,000, o 390,000?

8. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahanang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaanoka kalapit sa Nigeria.

Mga Bata,Hanapin angLarawanSaang mga pahina makikita ang mgalarawang ito? Masasabi mo ba kungano ang nangyayari sa bawat larawan?

40

26

B.C

.E.

Nila

lang

siAdan

Nabuhay

noong

mga

17

00

B.C

.E.

1C

.E.

98

C.E

.

Isin

ula

tang

hulin

gakla

tng

Bib

liya

Dinala sa Ehiptomula sa Dotan

Dotan

EHIPTO

A

B

CD

Page 32: !#2 · 2019. 1. 16. · ang lindol at ang pag-urong ng tubig ay “malinaw napagtatanghal”ngisangbagaynatotooperohin-dipa nakikita, ang paparating na malalaking alon. Ang iyong

g11 11-TG

˘ Kung titingnan mula sa kalawakan, ang planetang Lupa ay gaya

ng isang hiyas na kulay asul at puti. Pero sa malapitan, nanganganib

ang ating tahanan. Bakit? Naging pabaya kasi ang mga taong nakatira

dito. Ipinapahamak din nila ang lupa sa pamamagitan ng polusyon,

pagkalbo sa kagubatan, at pag-abuso sa kalikasan. Bukod diyan, ipina-

pahamak nila ito sa moral at espirituwal na paraan sa pamamagitan

ng karahasan, pagpapatayan, at seksuwal na imoralidad.

Ang masasamang kalagayang ito sa lupa ay inihula sa Bibliya mga da-

lawang libong taon na ang nakalilipas. (2 Timoteo 3:1-5; Apocalipsis

11:18) Inihula rin sa Bibliya na ang Diyos—hindi ang sinumang tao—

ang lubusang magtutuwid ng mga ito. Ang mahahalagang puntong

iyan ay tatalakayin sa pahayag pangmadla na “Ipapahamak ba ng Tao

ang Lupang Ito?” sa “Dumating Nawa ang Kaharian ng Diyos!” na

Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Nagsimula ito

noong Mayo sa Estados Unidos, at nagpapatuloy sa buong daigdig.

Malugod ka naming inaanyayahang dumalo sa kombensiyong pina-

kamalapit sa iyo. Para sa mga detalye, pakisuyong makipag-ugnayan sa

mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa mga tagapaglathala

ng magasing ito. Makikita sa Web site na www.jw.org ang listahan

ng mga lokasyon ng kombensiyon sa Pilipinas.

“IPAPAHAMAK BA NGTAO ANG LUPANG ITO?”

www.watchtower.org