Ang Daga at ang Leon

17
Ang Daga at ang Leon

description

Ang Daga at ang Leon. Narrator-Jacques:. Sa gubat ay may nakatirang isang munting daga . Isang araw ay lumabas siya sa kanyang lungga upnag maghanap ng makakain . Habang gumagala siya ay napansin niya ang isang bunton ng mga dayami at sinimulan niyang halukayin iyon. Narrator-John:. - PowerPoint PPT Presentation

Transcript of Ang Daga at ang Leon

Page 1: Ang Daga at ang Leon

Ang Daga at ang Leon

Page 2: Ang Daga at ang Leon

Sa gubat ay may nakatirang isang munting daga. Isang araw ay lumabas siya sa kanyang lungga upnag maghanap ng makakain. Habang gumagala siya ay napansin niya ang isang bunton ng mga dayami at sinimulan niyang halukayin iyon.

Page 3: Ang Daga at ang Leon

Bigla, nakarinig ang daga ng malakas na atungal . Tumilapon siya sa lupa. Pagtingin niya ay nakita niya ang isang nangngangalit na leon.

Page 4: Ang Daga at ang Leon

“Naku po, nagising ang natutulog na leon!”

Page 5: Ang Daga at ang Leon

Bulalas niya. Nanginig sa takot ang daga.

Page 6: Ang Daga at ang Leon

“Patawarin mo ako Haring Leon.”

Page 7: Ang Daga at ang Leon

Anang daga.

Page 8: Ang Daga at ang Leon

“ Napagkamalan kong dayami ang iyong buhok. Huwag mo akong sasaktan. Pangako, makakaganti rin ako ng kabutihan sa ’yo balang-araw.

Page 9: Ang Daga at ang Leon

Matamang pinagmasdan ng leon ang daga at biglang tumawa.

Page 10: Ang Daga at ang Leon

“Napakaliit mong nilalang, Daga. Wala kang silbi. Kahit ay hindi kita kakailaganin. Tsupi!”

Page 11: Ang Daga at ang Leon

Kumaripas ng takbo palayo ang daga. Lumipas ang mga araw. Muling gumala ang daga sa gubat para maghanap ng makakain. Nakita niya ang leon na umaalagawa mula sa isang bitag.

Page 12: Ang Daga at ang Leon

“Tiyak na papatayin ang Haring Leon pagdating ng mangangaso.”

Page 13: Ang Daga at ang Leon

Anang daga sa sarili. Nagpasya ang daga na tulungan ang leon. Heto na ang pagkakataong hinihintay niya. Gusto niyang ipakita sa leon na mayroon siyang silbi rito at kailangan siya nito. Sinimulang ngatngatin ng daga ang bitag.

Page 14: Ang Daga at ang Leon

Sa pagangatngat ng daga ay tuluyang nawarat ang bitag. Sa wakas ay nakawala ang leon! Pagkatapos niyang mahimasan ay binalingan ng leon ang daga.

Page 15: Ang Daga at ang Leon

“Maraming salamat, Daga. Ngayong araw ay may mahalagang aral na natutuhan ko mula sa ‘yo. Kahit maliit ka ay may silbi ka sa isang malaking nilalang na katulad ko.”

Page 16: Ang Daga at ang Leon

Mula noon ay nagging magkaibigan ang daga at ang leon.

Page 17: Ang Daga at ang Leon

Salamat sa Pakikinig!!!

Pangkat 2:  Karl Go 15 Jacques Chua 8 Christian Dy 12 John Ledesma 20 David Chua 7