Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
-
Upload
rita-mae-odrada -
Category
Education
-
view
6.426 -
download
24
Transcript of Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino
A. Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa
1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas,
nagtadhana ng tungkol sa wikangpambansa: “…Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sapagpapaunlad at pagpapatibay ng isangwikang pambansa na batay saisa sa mga umiiral na katutubongwika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)
1936 (Oktubre 27) - Itinagubilin ng
Pangulong Manuel L. Quezon sakanyang mensahe sa AsembleaNasyonal ang paglikha ng isang Surianng Wikang Pambansa (SWP) na gagawang isang pag-aaral ng mga wikangkatutubo sa Pilipinas, sa layuningmakapagpaunlad at makapagpatibay ngisang wikang panlahat na batay sa isangwikang umiiral.
1936 (Nobyembre 13) Pinagtibay ngBatasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.184 na lumilikhang isang Surian ng WikangPambansa at itinakda ang mgakapangyarihan at tungkulinniyon.
Ang mga naging tungkulin at gawain ngSurian ng Wikang Pambansa ay ang mgasumusunod:1.Pag-aaral ng mga pangunahing wika na
ginagamit ng may kalahating milyongPilipino man lamang;
2.Paggawa ng paghahambing at pag-aaralng talasalitaan ng mga pangunahingdayalekto;
3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyangmagiging batayan ng wikang pambansa nadapat umaayon sa (a) pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikangtinatanggap at ginagamit ngpinakamaraming Pilipino.
1935 (Enero 12) - Hinirang ni PangulongManuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuong Surian ng Wikang Pambansa alinsunod satadhana ng Seksyon 1, Batas KomonweltBlg.184, sa pagkakasusog ng Batas KomonweltBlg.333.
Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad
Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad- di nakaganap ng tungkulin dahil sa kapansanan
Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad
Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad
Hadji Butu (Muslim), Kagawad – di nakaganapng tungkulin dahil sa maagang pagkamatay.
Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon angmga sumusunod na kagawad:
Lope K. Santos (Tagalog)
- pinalitan ni Iñigo Ed. Regalado
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)
1937 (Nobyembre 9) Bunga ng ginawang pag-aaral at
alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg.
184., ang Surian ng Wikang Pambansa ay
nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y
ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos
lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa
Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang
saligan ng wikang pambansa.
1937 (Disyembre 30) - Bilang pag-alinsunod sa
tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg.
184, sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg.134 ay ipinahayag
ng Pangulong Quezon ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas na batay sa
Tagalog.
1940 (Abril 1) –Sa pamamagitan ng KautusangTagapagpaganap
Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang
Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at
itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro
ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan
at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng
Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay
ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at
patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.
1940 (Abri 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge
Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang
Kautusang Pangkagawaran: ito’y sinundan ng
isang sirkular (Blg. 26, serye1940) ng Patnugot
ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang
pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan
muna sa mataas at paaralang normal.
1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ang Batas ng
Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana,
bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika
ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong
Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa simula sa Marso 29-
Abril 4 taun-taon sang-ayon sa tagubilin ng
SWP. Napapaloob sa panahong saklaw ng
pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).
1955 (Set. 23) – Nilagdaan ng Pangulong
Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na
nagsusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954
na sa pamamagitan nito’y inilipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-
13-19 ng Agosto.
1959 (Agosto 13) – Pinalalabas ng Kalihim
Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’y
tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang
salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
1967 (Okt. 24) – Naglagda ang Pangulong
Ferdinand E. Marcos ng isang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhana
na ang lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan
sa Pilipino.
1968 (Marso 27) – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap
Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na
nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 bilang karagdagan ay iniaatas
din na ang mga letterhead ng mga kagawaran,tanggapan,
at mga sangay na pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa
Pilipino, kalakip ang kaukulang texto sa Ingles. Iniaatas din
na ang formularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga
pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino
gagawin.
1971 (Hulyo 29) – Memorandum Sirkular Blg.
488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ngpalatuntunan sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa, Agosto 13-19 (na ngayon ay
“Buwan ng Wika”, Agosto 1-31).
1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ng Kalihim Juan L
Manuel ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusan Blg. 22, 1978, bilang karagdagan
sa Kautusang Pangkagawarang Blg.25, na
nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi
na nang Kurikulum na pangkolehiyo.
Simula sa unang semestre ng taong 1979-1980, ituturo anganim (6) na yunit ng Filipino sa Kolehiyo; maliban sa kursongpagtuturo na 12 yunit.
Filipino 1 (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan
(Communication Arts)
Filipino II (3 yunit) Panitikang Filipino; Pahapyaw na
Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys and
Readings of Literature in Pilipino)
1987(Pebrero 2) – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyonng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaadang mga sumusunod:
Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang ito, ay dapatpayabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral nawika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayagsa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mgapangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isangKomisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ngmga kinatawan ng iba’t – ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
1990 (Marso 19) - Pinalabas ngKalihim Isidro Cariño ngDepartamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan angKautusang PangkagawaranBlg. 21 na nagtatagubilin nagamitin ang Filipino sa Pagbigkas ngPanunumpa ng Katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino sapangkalahatang edukasyon at nagbabagosa deskripsyon at nilalaman ng mga kursosa :
Filipino I (Sining ng Pakikipagtalastasan) -Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-Ibang Disiplina)Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Filipino 3 (Retorika)
1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel
V. Ramos ang Proklama Blg. 104 na nagtatakda na
ang Buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan
ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t-ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan
na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang
pagdiriwang.
2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon
at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,
ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino
ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino.
2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ngWikang Filipino, ipinagbigay alam ng Komisyonsa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walangnababalangkas na mga bagong tuntunin sapagbabaybay, magsisilbing tuntunin angPatnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ngtaong 1987.