monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na...

24
Republika ng Pilipinas PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro Timog Luzon Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V Layunin Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay: (c) Layuning Pangkabatiran Nalalaman ang kahulugan ng Abonong Organiko (a) Pandamdaming mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at kawilihan Napahahalagahan ang importansya ng Abonong Organiko sa kalikasan lalo na sa tanim na halaman. (p) Pagkakaugnay ng Kaisipan at Pagkilos Naitatala ang mga kahalagahan ng Abonong Organiko sa lupang pinagtataniman at sa halaman Pamagat MGA KAHALAGAHAN AT PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO Batayan ng Pagkatuto LO 1.4.1 Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng Abonong Organiko Values to be Integrated Dimensyon PISIKAL NA DIMENSYON Buod na Pagpapahalaga Kalusugan at Pagkakaisa sa Kalikasan Kaugnay na MONICA B. LACSA | III - A BTLE

Transcript of monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na...

Page 1: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Republika ng PilipinasPAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong PangguroTimog Luzon

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V

Layunin Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

(c) Layuning Pangkabatiran Nalalaman ang kahulugan ng Abonong Organiko

(a) Pandamdaming mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at kawilihan

Napahahalagahan ang importansya ng Abonong Organiko sa kalikasan lalo na sa tanim na halaman.

(p) Pagkakaugnay ng Kaisipan at Pagkilos Naitatala ang mga kahalagahan ng Abonong Organiko

sa lupang pinagtataniman at sa halaman

Pamagat MGA KAHALAGAHAN AT PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

Batayan ng Pagkatuto LO 1.4.1 Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng Abonong Organiko

Values to be Integrated

Dimensyon PISIKAL NA DIMENSYON

Buod na Pagpapahalaga Kalusugan at Pagkakaisa sa Kalikasan

Kaugnay na Pagpapahalaga

Pangkalahatang Kalusugan Kalinisan Pisikal na kalakasan ng katawan Paggalang sa buhay Pangangalaga sa Kalikasan

Sanggunian Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran – Batayang Aklat

MONICA B. LACSA | III - A BTLE

Page 2: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Mga Kagamitan Larawan, cartolina (visual aids), marker, tape

1. Lunsaran

– Panalangin– Pagsusuri ng liban ng klase– Pagbati– Pagbabalik-tanaw– Kalinisan

2. Mahalagang Tanong

Bakit mahalaga na gumamit ng abonong organiko sa mga tanim na halaman o gulay?

3. Pagganyak

Ang guro ay magpapakita ng larawan na nagpapakita ng mga bagay na nabubulok at maaaring gamiting organikong

pataba:

1. Ano ang napansin ninyo sa larawan?2. Maari ninyo bang tukuyin ang mga bagay na nakikita ninyo sa larawan?3. Sa tingin ninyo para saan ginagamit ang mga bagay na inyong nakita sa larawan?

4. Gawain

Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na grupo at ililista nila sa isang malinis na cartolina na ipamamahagi ng guro,

ang mga bagay na matatagpuan sa kusina (kitchen wastes) na maaaring gamiting pataba sa lupang

pinagtataniman. Bibigyan sila ng limang (5) minuto para isagawa ang gawain at ibabahagi ito sa klase.

5. Pagsusuri 1. Base sa isinagawang pangkatang gawain, ano-ano ang mga naging pagkakatulad sa mga sagot ng apat na pangkat?

Page 3: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

2. Paano ninyo masasabi o maipaliliwanag na ang mga sagot na inilista ninyo ay maaaring gamitin bilang pataba sa lupang pinagtataniman?

3. Sa tingin ninyo, saan nabibilang ang mga kitchenwastes na inyong naitala; ito ba ay organikong pataba o ito ba ay inorganikong pataba? Bakit?

6. Paglalagom | Pagpapalalim

ANO ANG ABONONG ORGANIKO?

Ang abonong organiko o organikong pataba ay mga pataba na mula sa mga duming binulok na dahon ng mga halaman at iba pang mga bagay na maaaring

Page 4: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

matunaw o mabulok. Ito ay napakaepektibong pataba na hindi magastos. Ito ay nakatutulong upang maging mataba ang lupa at gumanda ang halaman sapagkat wala itong anumang kemikal na nakapipinsala sa mga tanim.

BAKIT MAHALAGA ANG ABONONG ORGANIKO SA MGA PANANIM?

Ang abono ay mahalaga sa mga pananim. Pinagyayaman nito ang lupa upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng lupa na kailangan ng mga halaman gamit ang mga ugat nito. Ang paggamit ng organikong abono ay higit na iminumungkahi dahil ito ay ligtas at mura.

MGA PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

Narito ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko:

Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo-layo sa bahay.

Humukay ng may isang metro ang lalim . Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon,

nabulok na gulay, prutas, pagkain at iba pang nabubulok na bagay.

Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30sm ang taas.

Patungan ito ng mga dumi ng hayop. Patungan ito muli ng lupa, abono o apog Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa

mapuno ang hukay. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan,

takpan ito ng yero. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago

gamitin.

7. PaglalapatGumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng mga kahalagahang dulot ng abonong organiko sa lupang

pinagtataniman at sa halaman.

Page 5: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Republika ng PilipinasPAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong PangguroTimog Luzon

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V

Layunin Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

(c) Layuning Pangkabatiran Nalalaman ang iba’t ibang paraan ng pag-iingat sa paggawa

ng abonong organiko.

(a)Pandamdaming mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at kawilihan

Nabibigyang halaga ang kaalaman ukol sa pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng Abonong Organiko

(p)Pagkakaugnay ng Kaisipan at Pagkilos

Naisasagawa ang iba’t ibang pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko

Pamagat MGA PAMAMARAAN AT PAG-IINGAT SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

MONICA B. LACSA | III - A BTLE

Page 6: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Batayan ng Pagkatuto

LO 1.4.2 Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng Abonong Organiko

Values to be Integrated

Dimensyon PISIKAL NA DIMENSYON

Buod na Pagpapahalaga Kalusugan at Pagkakaisa sa Kalikasan

Kaugnay na Pagpapahalaga

Pangkalahatang Kalusugan Kalinisan Pisikal na kalakasan ng katawan Paggalang sa buhay Pangangalaga sa Kalikasan

Sanggunian http://www.academia.edu/14327787/TB-17_10_Hakbang_sa_Paggawa_ng_Kompost

Mga Kagamitan Cellphone, internet

1. Lunsaran

– Panalangin– Pagsusuri ng liban ng klase– Pagbati– Pagbabalik-tanaw– Kalinisan

2. Mahalagang Tanong

Bakit nararapat na isaalang-alang natin ang pagiging maingat sa paggawa ng anumang bagay?

Page 7: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

3. Pagganyak

Ang guro ay gagamit ng flashcards na may mga larawan ng iba’t ibang bagay na tutukuyin ng mga mag-aaral. Ipapalakpak ang

kamay kung ito ay bagay na nabubulok, at iwawagayway naman kung hindi.

1. Ano-ano ang mga bagay na naipakita sa flashcards?

2. Lahat ba ng larawan na aking ipinakita ay nabubulok?

4. Gawain

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng permiso upang gumamit ng cellphone at internet sa klase. Ipapangkat sa dalawang (2) grupo ang mga mag-aaral at bibigyan sila ng paksa na kanilang iuuulat

sa buong klase.

Ang unang grupo ay mag-uulat tungkol sa Paggawa ng COMPOST PIT

Ang ikalawang grupo naman ay mag-uulat tungkol sa

Page 8: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

paggawa ng BASKET COMPOSTING.

Bibigyang ang dalwang grupo ng pitong (7) minuto upang matapos ang nasabing gawain.

5. Pagsusuri

1. Ano ang inyong naramdaman sa pangkatang gawain na isinagawa?2. Ano-ano ang mga bagay na natuklasan ninyo tungkol sa paggawa ng compost pit?3. Ano-ano naman ang mga bagay na natuklasan ninyo sa paggawa ng basket composting?4. Sa tingin ninyo nakatutulong ba ang parehong nasabing pamamaraan sa pangagalaga ng ating kalikasan?

6. Paglalagom | PagpapalalimIBA’T IBANG PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

COMPOST PIT

Page 9: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

IBA’T IBANG PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

1. COMPOST PITIto ay pagsasama-sama ng mga nabubulok na basura

tulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng mga prutas, damo at iba pa. Ito ay maaaring gawin sa bakanteng lote

2. BASKET COMPOSTINGIto ay pagsasama-sama rin ng mga nabubulok na

basura. Ito ay ginagawa kung walang bakanteng lote na maaaring paggawan ng compost pit.

MGA PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG COMPOST PIT

1. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa bahay o anumang anyong tubig.

2. Gumawa ng hukay sa isang lugar na ang lapad ay dalawang metro, ang haba limang metro, at ang lalim ay isang metro. Diinan at patagin ang loob ng hukay. Hayaan itong nakalantad sa araw upang huwag pamahayan ng mikrobyo.

3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.

4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal. Patungan naman

Page 10: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

ang ikalawang patong ng lupa, abo, o apog.

5. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang mapuno ang hukay. Panatilihing tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang pirasong patpat at kawayan

6. Diligin ang ibabaw ng hukay upang pumatag. Panatilihing mamasamasa. Kung tag-ulan naman, takpan ito ng ilang dahon ng saging sa ibabaw upang hindi malunod sa tubig.

7.Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayan na inalisan ng buko at binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang mahanginan ang compost at nang madaling mabulok kaagad ang basura.

8. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang pasingawang kawayan at haluin ang tambak. Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging pantay-pantay ang pagkakabulok ng kalat. Pagkaraan ng dalawang buwan o mahigit, ayon sa uri ng basurang ginamit, maaari ng gamitin na abono ang laman ng compost pit

MGA PARAAN SA PAGGAWA NG BASKET COMPOSTING.

1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim.

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung- patong na tuyong dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa tulad din ng compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

KAHALAGAHAN NG PAG-IINGAT SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO

Mahalaga ang pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko upang maging maayos ang resulta nito. Ang paggawa ng abonong organiko ay hindi lamang basta basta bagkus ay dumaraan ito sa maraming proseso kaya naman mahalagang

Page 11: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

maging maingat sa paggawa nito.

7. Paglalapat

Sa isang buong papel, gumawa ng isang islogan na nanghihikayat sa mga tao na gumawa at tangkilikin ang

paggamit ng abonong organiko sa mga lupang pinagtataniman.

Republika ng PilipinasPAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong PangguroTimog Luzon

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V

Layunin Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

(c) Layuning Pangkabatiran Nailalarawan ang gawaing pagdidilig.

(a) Pandamdaming mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at kawilihan

Nakatatamo ng kaligayahan sa gawaing pagdidilig.

(p) Pagkakaugnay ng Kaisipan at Pagkilos

Naisasagawa ang mga pamamaraan sa Pagdidilig ng halaman sa pamamagitan ng isang tula.

Pamagat PANGANGALAGA NG TANIM NA GULAY SA PAMAMAGITAN NG PAGDIDILIG

Batayan ng Pagkatuto LO 1.5.1 PAGDIDILIG

Values to be Integrated

MONICA B. LACSA | III - A BTLE

Page 12: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Dimensyon PISIKAL NA DIMENSYON

Buod na Pagpapahalaga Kalusugan at Pagkakaisa sa Kalikasan

Kaugnay na Pagpapahalaga

Pangkalahatang Kalusugan Kalinisan Pisikal na kalakasan ng katawan Paggalang sa buhay Pangangalaga sa Kalikasan

Sanggunian

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran – Batayang Aklat

https://www.scribd.com/document/327648637/17-Pangangalaga-Ng-Halaman

https://youtu.be/dUBIQ1fTRzI

Mga Kagamitan Maliliit na mga papel na palabunutan, TV

1. Lunsaran

– Panalangin– Pagsusuri ng liban ng klase– Pagbati– Pagbabalik-tanaw– Kalinisan

2. Mahalagang Tanong Bakit mahalaga ang pagdidilig ng halaman?

3.Pagganyak

Ang guro ay may ipapanuod na video sa mga mag-aaral tungkol sa kailangan ng halaman upang ito ay lumaki at

lumago.https://youtu.be/dUBIQ1fTRzI

Page 13: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

1. Tungkol saan ang video na inyong napanuod?2. Ano-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman?

4.Gawain

Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy Henyo. Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong (3) grupo, pipili ang

bawat grupo ng kanilang magiging representative na siyang bubunot ng salita na pahuhulaan sa mga kagrupo. Sa loob ng sampung minuto, kung aling grupo ang maunang matapos sa

paghula ng mga nasa palbunutan ay ito ang mananalo.

Mga salitang nasa palabunutan:

Timba Tabo Rigadera Water hose Tubig

5. Pagsusuri1. Ano-ano ang mga salitang inyong nahulaan?2. Nakakita na ba kayo ng mga bagay na iyon?3. Saan ginagamit ang mga bagay na inyong nabunot at

Page 14: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

nahulaan?4. Nakatutulong ba ang mga bagay na iyon sa pangangalaga ng tanim? Bakit oo bakit hindi?

6.Paglalagom | Pagpapalalim

1. KAHULUGAN NG PAGDIDILIG Ang pagdidilig ay isang paraan ng pangangalaga ng tanim na halaman, ito ay ang pagbuhos ng tubig sa lupa upang maging mamasa-masa ito. Itinuturing ito na pinakang inumin ng halaman. Sa pagdidilig, karaniwang ginagamit ay ang rigadera, ito ay hugis pitsel na may maliliit na butas upang hindi malunod ang halaman.

Kahulugan ng PagdidiligKahalagahan ng PagdidiligKahalagahan ng Pangangalaga ng tanim na gulay.Mga Pamamaraan sa PagdidiligPANGANGALAGA NG TANIM NA GULAY SA PAMAMAGITAN NG

PAGDIDILIG

Page 15: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGDIDILIG NG HALAMAN, NARITO ANG ILAN:

Iwasang malunod ang halaman, lalo na yaong mga bagong lipat na punla.

Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig. Kung ang gamit sa pagdidilig ay rigadera, kailangang

maliliit lamang ang butas nito. Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligin din

ang lupang nakapaligid sa mga tanim.

2. KAHALAGAHAN NG PAGDIDILIG Ang pagdidilig ay halaman ay mahalaga upang hindi ito matuyo at malanta. Nakatutulong ito upang lumago ang halaman at magkaroon ng masaganang bunga at bulaklak.

3. KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA NG TANIM NA GULAY Dapat nating pangalagaan ang mga tanim na gulay dahil ito ay nakatutulong sa ating pamumuhay. Dahil sa mga tanim na gulay nagkakaroon tayo ng pagkain na masustansya upang tayo ay maging malakas sa pang araw-araw nating pamumuhay. Bukod dito ay maaari din itong pagkakitaan at nakatutulong pa sa kalikasan. Kaya naman ang pagdidilig bilang pangangalaga sa tanim na gulay ay mahalaga.

4. PAMAMARAAN SA PAGDIDILIG NG HALAMAN Umigib ng isa o kalahating timbang tubig na

gagamitin sa pagdidilig. Ang timba ay nagsisilbing panghakot ng tubig upang mapadali ang ito

Salinan ng tubig na galing sa timba ang regadera, siguraduhing hindi sobra ang laki ng mga butas nito at hindi rin sobrang liit.

Ibuhos ang tubig gamit pa rin ang regadera, siguraduhing sakto lamang ang ibubuhos nito at husto lang upang hindi malulunod ang halaman.

Mainam na dalawang beses sa isang araw ulitin

Page 16: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

ang pagdidilig Kung hindi naman nais gumamit ng regadera

sapagkat ito ay may katamtamang bigat, maaring gumamit ng water hose.

7. PaglalapatSa inyong kwaderno, lumikha ng isang maikling tula patungkol sa pagdidilig ng halaman gamit ang iba’t –

ibang pamamaraan sa pagdidilig.

Page 17: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Republika ng PilipinasPAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong PangguroTimog Luzon

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan V

Layunin Matapos ang aralin, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

(c) Layuning Pangkabatiran Nalalaman ang kahulugan ng pagbubungkal at

kahalagahan nito

(a) Pandamdaming mga saloobin, pagpapahalaga, mithiin at kawilihan

Napahahalagahan ang importansya ng Pagbubungkal

(p) Pagkakaugnay ng Kaisipan at Pagkilos Naitatala ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa

Pamagat PANGANGALAGA NG TANIM NA GULAY SA PAMAMAGITAN NG PAGBUBUNGKAL

Batayan ng Pagkatuto LO 1.5.2 PAGBUBUNGKAL

Values to be Integrated

Dimensyon PISIKAL NA DIMENSYON

Buod na Pagpapahalaga Kalusugan at Pagkakaisa sa Kalikasan

Kaugnay na Pagpapahalaga

Pangkalahatang Kalusugan Kalinisan Pisikal na kalakasan ng katawan Paggalang sa buhay Pangangalaga sa Kalikasan

Sanggunian

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran – Batayang

MONICA B. LACSA | III - A BTLE

Page 18: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

Aklat

https://www.scribd.com/document/327648637/17-Pangangalaga-Ng-Halaman

Mga Kagamitan Picture puzzle,

1. Lunsaran

– Panalangin– Pagsusuri ng liban ng klase– Pagbati– Pagbabalik-tanaw– Kalinisan

2. Mahalagang Tanong

Bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa pagtatanim ng halaman?

Page 19: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

3. PagganyakIpapakita ng guro ang isang larawan nang pagbubungkal

ng lupa.

1. Ano ang makikita ninyo sa larawan?

2. Sa palagay ninyo ano ang ginagawa ng tao sa larawan?

3. Bakit niya ito ginagawa?

Page 20: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

4. Gawain

Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat (4) na grupo, bawat isang grupo ay bibigyan ng guro ng picture puzzle na mga kagamitan sa pagbubungkal na kanilang bubuuhin. Matapos mabuo ang puzzle sa loob ng limang (5) minuto, may isang representative ang bawat pangkat na ipapakita ng larawan na kanilang nabuo at ano ang importansya nito sa pagbubungkal.

Unang grupo

Pangalawang grupo

Ikatlong grupo

Ikaapat na grupo

5. Pagsusuri

1. Ano-ano ang mga larawan na inyong nabuo?2. Saan ginagamit ang mga bagay sa larawang inyong nabuo?3. Paano nakatutulong ang mga bagay na ito sa pagtatanim ng mga halaman?4. Mahalaga ba na alam natin ang mga bagay na ito at kung paano ito ginagamit?

6. Paglalagom | Pagpapalalim

Kahulugan ng Pagbubungkal

Page 21: monicalacsa.files.wordpress.com · Web viewAno-ano ang mga nabanggit na pamamaraan sa video na nakatutulong upang lumago ang halaman? 4.Gawain Maglalaro ang mga mag-aaral ng Pinoy

1. KAHULUGAN NG PAGBUBUNGKALAng pagbubungkal isang paraan ng pagpapaluwag ng lupa. Kapag maluwag na ang lupa, medaling bunutin ang mga damo na nasa paligid ng pananim. Kailangang alisin ang damo upang hindi nila maagaw ang sustansiya ng mga tanim.

2. KAHALAGAHAN NG PAGBUBUNGKALAng pagbubungkal ay mahalaga sa pangagalaga ng pananim tulad ng pagdidilig dahil pinapaluwag nito ang lupa. Dahil dito madaling naaalis ang mga damong nakaaagaw ng mga nutrients na kailangan ng mga tanim na gulay upang ito ay mamunga.

3. MGA PAMAMARAAN NG PAGBUBUNGKAL Ihanda ang lupang bubungkalin Gumamit ng kalaykay upang linising muna ang

lupang nais bungkalin upang hindi makalat sa paligid nito

Alisin ang mga kalat tulad ng dahon at iba pang uri ng basura

Gamit ang asarol, simulan ang pagbubungkal sa lupa

Gamit naman ang pala ay ilipat ang lupang nabungkal sa ibang parte ng lupa.

Ingatan mabungkal ang mga halaman, tanging lupa lamang ang dapat na bungkalin

7. Paglalapat

Iguhit at kulayan ang mga kagamitan sa pagbubungkal pagkatapos ay tukuyin kung anong gamit nito o

naitutulong nito sa pagbubungkal ng lupa. Gawin ito sa isang mahabang bondpaper.