Walang mawawala sa mga manggagawa kundi ang kanilang mga ... · kilusan sa panahong iyon (Disyembre...

120
... Walang mawawala sa mga manggagawa kundi ang kanilang mga tanikala. Ang daigdig ang kanilang ipagwawagi. Mga manggagawa ng lahat ng bayan, magkaisa!

Transcript of Walang mawawala sa mga manggagawa kundi ang kanilang mga ... · kilusan sa panahong iyon (Disyembre...

... Walang mawawala sa mga manggagawa kundi angkanilang mga tanikala. Ang daigdig ang kanilangipagwawagi.

Mga manggagawa ng lahat ng bayan, magkaisa!

KARL MARXFREDERICK ENGELS

MANIPESTO NGPARTIDO KOMUNISTA

2006PALIMBAGANG SENTRAL

PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

Naririto ang salin sa Manipesto ng Partido Komunista na akdanina Karl Marx at Frederick Engels at isinulat noong 1848. Angisinalin ay ang salin ni Samuel Moore noong 1888 ng orihinal naIngles at inedit ni Frederick Engels. Kasama sa isinalin ang mgaPaunang Salita ng iba’t ibang edisyon ng akdang ito at ang mgaanotasyon ni Engels sa edisyong Ingles ng 1888 at sa edisyongGerman ng 1890.

Saligang aralin ang akdang ito at kailangang basahin at pag-aralanng lahat.

Kawanihan sa Salin-Pambansang Kagawaran sa EdukasyonSetyembre 2005

NILALAMAN

PAUNANG SALITA SA 1872 EDISYONG GERMAN 2PAUNANG SALITA SA 1882 EDISYONG RUSO 5PAUNANG SALITA SA 1883 EDISYONG GERMAN 8PAUNANG SALITA SA 1888 EDISYONG INGLES 10PAUNANG SALITA SA 1890 EDISYONG GERMAN 19PAUNANG SALITA SA 1892 EDISYONG POLISH 28PAUNANG SALITA SA 1893EDISYONG ITALYANO 31

IAng mga Burges at ang mga Proletaryo 35

IIAng mga Manggagawa at mga Komunista 58

IIIPanitikang Sosyalista at Komunista1. Reaksyunaryong Sosyalismo 76a. Sosyalismong Pyudal 76b. Sosyalismong Petiburges 79k. German o “Tunay” na Sosyalismo 822. Sosyalismong Konserbatibo o Burges 873. Sosyalismo at Komunismong Kritikal-Utopyan 89

IVAng Pusisyon ng mga Komunista Kaugnayng Iba’t Ibang Umiiral na Partidong Oposisyon 95

Mga Tala 98

Isinulat sa pagitan ng Disyembre 1847 at Enero 1848

Ang orihinal ay nasa German

Unang inilathala bilang pampleto sa London noong Pebrero1848

MANIPESTO NGPARTIDO KOMUNISTA1

PAUNANG SALITA SA 1872 EDISYONG GERMAN2

Kaming mga nakalagda ay kinumisyon ngKomunistang Liga, isang internasyunal naasosasyon ng mga manggagawa, na mangyari

pa’y maaari lamang maging lihim na asosasyon sa mgakalagayang umiiral sa panahong iyon, sa Kongresongidinaos sa London noong Nobyembre 1847, na sumulatpara sa publikasyon ng isang detalyadong programangteoretikal at praktikal para sa Partido. Ganyan angpinagsimulan ng kasunod na Manipesto, na angmanuskrito ay naglakbay patungong London parailimbag ilang linggo bago ng Rebolusyong Pebrero.3

Unang nailathala sa German, muli itong inilimbag salenggwaheng iyon sa di kukulangin sa labindalawangiba’t ibang edisyon sa Germany, England at Amerika.Inilimbag ito sa Ingles sa kauna-unahang panahon noong1850 sa Red Republican4 (Pulang Republikano), London,sa salin ni Bb. Helen Macfarlane, at noong 1871 sa dikukulangin sa tatlong iba’t ibang salin sa Amerika.Unang lumabas ang bersyong Pranses sa Paris dinagtagal bago ng Insureksyong Hunyo ng 1848, atkamakailan lamang sa Le Socialiste5 ng New York.Ihinahanda ngayon ang bagong salin. Lumitaw saLondon ang isang bersyong Polish di nagtagal bago itounang inilimbag sa Germany. Inilimbag sa Geneva sadekada 1860 ang isang saling Ruso. Isinalin rin ito saDanish di nagtagal matapos itong lumabas.Gaanuman nagbago ang katayuan ng mga bagay-bagaysa loob ng nakaraang dalawampu’t limang taon, sa2

kabuuan, ang pangkalahatang mga prinsipyo na inilatagsa Manipesto ay wasto sa kasalukuyan tulad ng dati.Maaaring mapahusay ang ilang detalye sa banda dito atdoon. Gaya ng isinasaad mismo ng Manipesto, angpraktikal na paglalapat ng mga prinsipyo ay nakasalalay,sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon, sa istorikongmga kalagayan na pansamantalang umiiral, at dahil dito,hindi nagbigay ng espesyal na diin sa mgarebolusyonaryong hakbang na ipinanukala sa dulo ngSeksyon II. Ibang-iba kung ilalahad ang bahaging iyonsa kasalukuyan sa maraming aspeto. Dahil sapagkalalaking pagsulong ng Modernong Industriyamula 1848, at sa kaakibat nitong mas mahusay atmalawak na organisasyon ng uring manggagawa, bungang praktikal na karanasang natamo, una sa RebolusyongPebrero, at pagkatapos, mas higit pa, sa Komuna ng Pariskung saan sa kauna-unang panahon hinawakan ngproletaryado sa loob ng dalawang buong buwan, sa ilangdetalye, ang programong ito ay lipas na. Isang bagay anglalu’t higit na napatunayan ng Komuna, ibig sabihin, na“hindi maaaring simpleng tanganan na lamang ng uringmanggagawa ang yari nang makinarya ng estado, atgamitin ito para sa sarili niyang layon.” (Tingnan angCivil War in France: Address of the General Council of theInternational Working Men’s Association [Ang DigmaangSibil sa France: Talumpati ng Pangkalahatang Konsehong Internasyunal na Asosasyon ng mga Manggagawa]1871, kung saan ibayong pinalawig ang puntong ito.)6

Dagdag pa, napakalinaw naman na di na sapat angkritisismo sa panitikang sosyalista kaugnay ng

3

kasalukuyang panahon, dahil ito’y hanggang 1847lamang; gayundin, ang mga pangungusap kaugnay ngrelasyon ng mga Komunista sa iba’t ibang partidongoposisyon (Seksyon IV), kahit na wasto sa prinsipyo, sapraktika nama’y lipas na dahil ganap nang nagbago angsitwasyon sa pulitika at winalis sa balat ng lupa ngpagsulong ng kasaysayan ang mas malaking bahagi ngmga partido sa pulitika na inilahad doon.

Magkagayunman, ang Manipesto ay naging isangistorikong dokumento na wala na tayong anumangkarapatang baguhin. Maaaring lumabas ang kasunod naedisyon na may introduksyon na magtutulay sa gawakmula 1847 hanggang sa kasalukuyan; pero di gaanonginasaahan ang muling paglilimbag na ito kaya hindi nakami nagkaroon ng panahon para sa ganoon.

Karl MarxFrederick Engels

Hunyo 24, 1872London

4

PAUNANG SALITA SA 1882 EDISYONG RUSO7

Inilathala sa maagang bahagi ng dekada 18608 ngpalimbagan ng Kolokol9 ang unang edisyong Rusong Manipesto ng Partido Komunista na isinalin ni

Bakunin. Noon, isa lamang literaryong kuryosidad angnakikita ng Kanluran dito (ang edisyong Ruso ngManipesto). Imposible na sa kasalukuyan ang gayongpananaw.

Ang limitadong saklaw na inookupa ng proletaryongkilusan sa panahong iyon (Disyembre 1847) aypinakamalinaw na ipinakita ng huling seksyon: angpusisyon ng mga Komunista kaugnay ng iba’t ibangpartidong oposisyon sa iba’t ibang bayan. Ang Rusya atUnited States mismo ang hindi kasali dito. Panahon noonnang ang Rusya ang pinakahuling malaking reserba nglahat ng reaksyong Europeano, nang sinalo ng UnitedStates ang sarplas na proletaryong mga pwersa ngEuropa sa pamamagitan ng imigrasyon. Nagbibigay saEuropa ang dalawang bayan ng hilaw na materyales atkasabay nito ay mga pamilihan para sa pagbebenta ngkanyang mga produktong industriyal. Samakatwid, saanu’t anuman, kapwa’y mga haligi ng umiiral nasistemang Europeano.

Ibang-iba na ngayon. Inakma ng imigrasyong Europeanomismo ang Hilagang Amerika para sa pagkalaki-lakingproduksyong pang-agrikultura, at niyayanig ng kanilangpakikipagkumpitensya ang pinakapundasyon ngEuropeanong pag-aari sa lupa – malaki’t maliit. Kasabay

5

nito, binigyan nito ng kakayahan ang United States nagamitin ang napakalawak na rekursong industriyal nitosa kasigasigan at saklaw na di magtatagal ay babasag samonopolyo sa industriya ng Kanluraning Europa, atlaluna ng England, na umiiral hanggang sa ngayon. Angdalawang sirkunstansyang ito’y umaapekto sa rebolu-syonaryong paraan sa Amerika mismo. Hakbang-hakbang na nagagapi ng kumpetisyon sa dambuhalangmga sakahan ang maliit at panggitnang pag-aari sa lupang mga magsasaka, na siyang batayan ng buongkonstitusyon sa pulitika; kasabay nito, umuunlad angisang masang proletaryadong industriyal at kagila-gilalasna konsentrasyon ng pondong kapital sa kauna-unahangpanahon sa mga rehiyong industriyal.

At ngayon, ang Rusya! Sa panahon ng Rebolusyon ng1848-49, ang naging tanging kaligtasan hindi lamang ngmga prinsipeng Europeano kundi pati na ngEuropeanong burges mula sa proletaryado na nagsi-simula pa lamang magbangon ay nasa panghihimasokng Rusya. Iprinoklama ang tsar bilang pinuno ngreaksyong Europeano. Sa kasalukuyan, isa siyang bihagng digma ng rebolusyon sa Gatchina,10 at ang Rusya angsiyang taliba ng rebolusyonaryong aksyon sa Europa.

Ang layon ng Manipestong Komunista ay ang prokla-masyon ng di maiiwasang napipintong pagkalusaw ngmodernong pag-aaring burges. Pero sa Rusya, kaharapng mabilis na bumubulaklak na panggagantsongkapitalista at pag-aaring burges na nagsisimula palamang umunlad, naririyan ang higit sa kalahati ng lupa

6

na inaari nang komun ng mga magsasaka. Ngayon angusapin ay: maaari bang tuwirang magtungo ang obshchina*ng Rusya, na bagamat pinapanghina na nang husto, ayisa pang anyo ng primibal na pag-aaring komun ng lupa,tungo sa mas mataas na anyo ng Komunistang pag-aaring komun? O, kabaligtaran nito, dapat ba muna itongmagdaan sa proseso ng pagkalusaw katulad ng bumubuosa istorikong ebolusyon ng Kanluran?

Ang tanging sagot na posible ngayon sa tanong na iyonay ito: kung ang Rebolusyong Ruso ang magiging hudyatpara sa proletaryong rebolusyon sa Kanluran sa paraangnagkukumplementa ang dalawa sa isa’t isa, maaaringmagsilbi ang kasalukuyang pag-aaring komun ng lupasa Rusya bilang pagsisimulang punto para sakomunistang pag-unlad.

KARL MARXFREDERICK ENGELS

Enero 21, 1882London

*komunidad sa baryo

7

PAUNANG SALITA SA 1883 EDISYONG GERMAN11

Sa kasawiang palad, ang paunang salita sakasalukuyang edisyon ay kailangang nag-iisakong lagdaan. Ang taong higit na

pinagkakautangan ng buong uring manggagawa ngEuropa at Amerika kaysa kaninuman, si Marx – aynamamahinga na sa Highgate Cemetery (HimlayangHighgate) at tumutubo na ang unang damo sa ibabawng kanyang puntod. Mula nang siya’y mamatay [Marso13, 1883], lalong hindi na mapag-iisipan pa angpagrerebisa o pagsusuplemento sa Manipesto.Gayunman, itinuturing kong lalong kinakailangangtuwirang sabihing muli ang sumusunod:

Ang saligang kaisipang tumatagos sa Manipesto – na angproduksyong pang-ekonomya, at ang istruktura nglipunan ng bawat istorikong kapanahunangkinakailangang lumitaw mula rito, ang bumubuo ngpundasyon para sa kasaysayang pampulitika atintelektwal ng kapanahunang iyon; at bunga nito(magmula ng pagkalusaw ng primebal na pag-aaringkomunal sa lupa), lahat ng kasaysayan ay isangkasaysayan ng mga tunggalian sa uri, ng tunggalian sapagitan ng pinagsasamantalahan at nagsasamantala, sapagitan ng dinodomina at nagdodominang mga uri saiba’t ibang yugto ng ebolusyong panlipunan; na angpakikibakang ito ay nakarating na sa yugto kung saanhindi mapapalaya ng pinagsasamantalahan at aping uri(ang proletaryado) ang sarili mula sa uri na

8

nagsasamantala at nang-aapi sa kanya (ang burgesya)nang hindi kaalinsabay na panghabampanahon napinapalaya ang kabuuan ng lipunan mula sapagsasamantala, pang-aapi, makauring pakikibaka – angsaligang kaisipang ito ay solo at eksklusibong kay Marx.12

Maraming beses ko nang nailahad ito; pero kailangan sapanahong ito’y tumayo rin ito sa harap ng Manipestomismo.

FREDERICK ENGELSHunyo 28, 1883London

9

PAUNANG SALITA SA 1888 EDISYONG INGLES

Inilathala ang Manipesto bilang plataporma ngLigang Komunista, isang samahang manggagawana noong una’y German lamang, pero di nagtagal ay

naging pandaigdigan, at sa ilalim ng mga kalagayan sapulitika ng Kontinente bago ng 1848, di maiiwasangmaging lihim na kapisanan. Sa Kongreso ng Liga naidinaos noong Nobyembre 1847, kinumisyon sina Marxat Engels na maghanda ng isang kumpletong teoretikalat praktikal na programa ng partido. Binalangkas saGerman noong Enero 1848, ipinadala ang manuskrito satagalimbag sa London ilang linggo bago ng RebolusyongPranses ng Pebrero 24. Inilabas sa Paris ang isang salingPranses sandali lang bago ng insureksyon ng Hunyo1848. Lumabas ang unang salin sa Ingles ni Bb. HelenMacfarlane sa Red Republican ni George Julian Harney,London, 1850. Nailathala na rin ang isang edisyongDanish at Polish.

Sa isang panahon, itinulak sa likuran ang mga adhikaingpanlipunan at pampulitika ng uring manggagawangEuropeano ng pagkatalo ng insureksyon ng Paris ngHunyo 1848 – ang unang dakilang sagupaan sa pagitanng proletaryado at burgesya. Magmula noon, angtunggalian para sa pangingibabaw, katulad muli ngpanahon bago ng Rebolusyong Pebrero, ay sa pagitanlamang ng iba’t ibang seksyon ng uring may pag-aari;nalimita ang uring manggagawa sa pakikibaka para samaniobrahan sa pulitika, at sa pusisyon ng dulong panig

10

ng mga Radikal na panggitnang uri. Saanman patuloyna magpakita ng palatandaang buhay ito, ang indepen-dyenteng proletaryong mga kilusan ay malupit natinutugis. Sa gayon, pinaghahanap ng pulis Prussian angSentral na Lupon ng Ligang Komunista na noo’y nasaCologne. Inaresto ang mga kagawad nito, at matapos anglabingwalong buwang pagkakabilanggo, nilitis silanoong Oktubre 1852. Nagtagal ang bantog na “Paglilitissa Komunista sa Cologne”13 mula Oktubre 4 hanggangNobyembre 12; pito sa mga bilanggo ay sinentensyahanng pagkabilanggo sa isang kuta sa iba’t ibang tagal mulatatlo hanggang anim na taon. Pagkatapos na pagkataposng sentensya, pormal na binuwag ang Liga ng nalalabingmga kagawad. Para naman sa Manipesto, mula noo’ymukhang tiyak nang mababaon ito sa limot.

Nang makapagtipon muli ng sapat na lakas ang mgamanggagawang Europeano para sa isa pang atake sa mganaghaharing uri, sumilang ang Internasyunal naAsosasyon ng mga Manggagawa. Pero hindi pa kayangagad na iproklama ng asosasyong ito, na binuo para satuwirang layunin na bigkisin sa iisang kwerpo ang buongmilitanteng proletaryado ng Europa at Amerika, ang mgaprinsipyong inilatag sa Manipesto. Kailangan magtaglayang Internasyunal ng programang may sapat na lapad paramaging katanggap-tanggap sa mga unyon sa England,sa mga tagasunod ni Proudhon sa France, Belgium, Italy,at Espanya, at sa mga Lassallean sa Germany.14

Lubos ang pagtitiwala ni Marx, na nagbalangkas ngprogramang ito sa kasiyahan ng lahat ng partido, sa

11

intelektwal na pag-unlad ng uring manggagawa, na tiyakna ibubunga ng pinagsamang aksyon at mutwal natalakayan. Di maiiwasang ipaunawa sa isip ng tao ngmga pangyayari mismo, at mga ikot at liko sa pakikibakalaban sa kapital, ng mga pagkatalo higit pa kaysa mgatagumpay, ang pagiging di sapat ng iba’t iba nilangpaboritong panlunas sa lahat, at di maiiwasang ihandaang daan para sa isang mas ganap na pag-unawa sa tunayna mga kondisyon para sa pagpapalaya ng uringmanggagawa. At tama si Marx. Nang malansag angInternasyunal noong 1874, iniwan nito ang mgamanggagawa na ibang-iba kaysa nang datnan ito noong1864. Pumapanaw na ang Proudhon-ismo sa France atLassalleanismo sa Germany, at kahit na angkonserbatibong mga unyon sa England, bagamat angkaramihan sa kanila’y matagal nang nagputol ng ugnaysa Internasyunal, ay unti-unting sumusulong sa puntona masasabi ng kanilang pangulo, sa nakaraang taon saSwansea, sa kanilang ngalan: “Nawala na ang sindak ngkontinental na sosyalismo para sa amin.”15 Sa katunayan,malaki na ang pagsulong ng mga prinsipyo ng Manipestosa hanay ng mga manggagawa ng lahat ng bayan.

Sa gayon, sumulong muli sa unahan ang Manipestomismo. Mula noong 1850, ilang ulit na muling inilathalaang tekstong German sa Switzerland, England, atAmerika. Noong 1872, isinalin ito sa Ingles sa New York,kung saan inilathala ang salin sa Woodhull and Claflin’sWeekly16. Mula sa bersyong Ingles na ito, ginawa angisang salin sa Pranses sa Le Socialiste ng New York. Mula

12

noon, di kukulangin sa dalawa pang salin sa Ingles, nahumigit-kumulang ay napira-piraso na, ang nailabas saAmerika, at isa rito ay muling inilathala sa England.Inilathala sa tanggapang Kolokol ni Herzen sa Genevanoong 1863 ang unang salin sa Ruso ni Bakunin; at angpangalawang salin ng bayaning si Vera Zasulich17 ayinilabas rin sa Geneva noong 1882. Matatagpuan angisang bagong edisyong Danish18 sa SozialdemokratiskBibliothek sa Copenhagen, 1885; at ang isang bagongsaling Pranses sa Le Socialiste, Paris, noong 1886.19 Mulasa huling nabanggit, inihanda at inilathala sa Madrid,1886,20 ang isang bersyong Espanyol. Kung hindibibilangin ang mga reprint na German, mayroong dikukulangin sa labindalawang edisyon. Nabanggit sa akinna hindi natuloy ang isang salin sa Armenian na ilalathalasana sa Constantinople noong nakaraang ilang buwandahil natatakot ang tagalathala na maglabas ng aklat namay pangalan ni Marx, habang tumanggi naman angnagsalin na tawagin itong sarili niyang produksyon.Narinig ko lamang ang iba pang salin sa iba pang mgalenggwahe pero hindi ko nakita. Sa gayon, sinasalaminng kasaysayan ng Manipesto ang kasaysayan ng modernongkilusang manggagawa; sa kasalukuyan, walang dudangito ang pinakamalaganap, pinakapandaigdigangproduksyon ng lahat ng panitikang sosyalista, angplatapormang komun na kinikilala ng milyun-milyongmanggagawa mula sa Siberia hanggang California.

Pero nang ito’y isinulat, hindi natin maaaring tawaginitong isang manipestong Sosyalista. Noong 1847, ang

13

pagkakaunawa sa mga Sosyalista sa isang banda ay mgatagapanalig ng iba’t ibang sistemang Utopyan: mgaOwenite sa England, mga Fourierista sa France, na kapwanauwi na sa pusisyon ng mga sekta lamang, at unti-unting pumapanaw; sa kabilang banda, pinakasamu’tsaring mga albularyong panlipunan na nagsasabingiwinawasto nila ang lahat ng tipo ng mga karaingangpanlipunan nang walang anumang panganib sa kapitalat tubo, sa pamamagitan ng lahat ng paraan ngpangangalikot; sa dalawang kaso, ang mga ito’y mgataong nasa labas ng kilusang manggagawa, at nakatinginpa nga sa mga uring “edukado” bilang suporta.Tinatawag ang sarili na Komunista ng anumang bahaging uring manggagawa na kumbinsido sa di pagkakasapatng mga rebolusyon lamang sa pulitika at nagpapahayagng pangangailangan ng ganap na pagbabagongpanlipunan. Ito’y isang krudo, magaspang at puronginstinktibong tipo ng Komunismo; gayunman, tumuon itosa kardinal na punto at may sapat na kapangyarihan sahanay ng uring manggagawa para likhain angkomunismong Utopyan ni Cabet sa France, at ni Weitlingsa Germany. Samakatwid, noong 1847, ang sosyalismoay isang kilusan ng panggitnang uri, at ang komunismoay isang kilusang manggagawa. Ang sosyalismo, sapinakamenos sa Kontinente, ay “kapita-pitagan”; tuwirangkabaligtaran nito ang komunismo. At dahil ang amingideya, mula’t sapul, ay “ang pagpapalaya ng mgamanggagawa ay dapat maging akto ng uringmanggagawa mismo,”21 walang anumang pagdududakung alin sa dalawang pangalan ang dapat nating

14

taglayin. Dagdag pa, magmula noon, hinding-hindinamin ito itinatakwil.

Dahil ang Manipesto ay produkto naming dalawa,itinuturing kong kailangan kong sabihin na angpundamental na proposiyon na bumubuo ng bag-as nitoay kay Marx. Ang proposisyong iyon ay: Sa bawatistorikong kapanahunan, ang nangingibabaw na modasa produksyon at palitang pang-ekonomya, at angorganisasyong panlipunang walang salang ibubunganito, ang bumubuo ng batayan kung saan ito naitatayo,at batayan kung paano tanging maipapaliwanag angkasaysayang pampulitika at intelektwal ng kapana-hunang iyon; na bunga nito, ang buong kasaysayan ngsangkatauhan (mula nang malusaw ang primitibonglipunang tribu, na nagmamay-aring komun sa lupa) aykasaysayan ng mga tunggalian sa uri, mga sagupaan sapagitan ng nagsasamantala at pinagsasamantalahan,naghahari at aping mga uri; na ang kasaysayan ng mgatunggalian sa uring ito ay bumubuo ng isang serye ngebolusyon kung saan narating ang isang yugto sakasalukuyan na hindi maaaring matamo ng pinagsa-samantalahan at aping uri – ang proletaryado – angpaglaya nito mula sa paghahari ng nagsasamantala atnaghaharing uri – ang burgesya – nang hindi pinalalaya,kasabay nito at minsanan, ang lipunan sa pangkalahatanmula sa lahat ng pagsasamantala, pang-aapi, kaibahansa uri at tunggalian sa uri.

Ang panukalang ito, na sa aking opinyon ay nakatad-hanang gawin para sa kasaysayan kung ano ang ginawa

15

ng teorya ni Darwin para sa bayolohiya, ay kapwa naminunti-unting nararating ilang taon na bago 1845. Makikitasa aking Conditions of the Working Class in England (Angmga Kalagayan ng Uring Mang-gagawa sa England*)kung gaano na ang independyente kong pagsulongtungo rito. Pero nang makausap ko muli si Marx saBrussels noong tagsibol ng 1845, nabuo na niya ito atinilahad sa akin sa mga salitang halos kasinlinaw ngpagkakalahad ko rito.

Mula sa paunang salita naming dalawa sa edisyongGerman ng 1872, sisipiin ko ang sumusunod:

“Gaanuman nagbago ang katayuan ng mga bagay-bagaysa loob ng nakaraang dalawampu’t limang taon, sakabuuan, ang pangkalahatang mga prinsipyo na inilatagsa Manipesto ay wasto sa kasalukuyan tulad ng dati.Maaaring mapahusay ang ilang detalye sa banda dito atdoon. Gaya ng isinasaad mismo ng Manipesto, angpraktikal na paglalapat ng mga prinsipyo aynakasalalay, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon,sa istorikong mga kalagayan na pansamantalangumiiral, at dahil dito, hindi nagbigay ng espesyal na diinsa mga rebolusyonaryong hakbang na ipinanukala sadulo ng Seksyon II. Ibang-iba kung ilalahad ang bahagingiyon sa kasalukuyan sa maraming aspeto. Dahil sapagkalalaking pagsulong ng Modernong Industriya

16

*The Condition of the Working Class in England in 1844, niFrederick Engels. Isinalin ni Florence K. Wischnewetzky, NewYork, Lovell—London, W. Reeves, 1888. [Tala ni Engels]

mula 1848, at sa kaakibat nitong mas mahusay atmalawak na organisasyon ng uring manggagawa,22 bungang praktikal na karanasang natamo, una sa RebolusyongPebrero, at pagkatapos, mas higit pa, sa Komuna ng Pariskung saan sa kauna-unahang panahon hinawakan ngproletaryado sa loob ng dalawang buong buwan, sa ilangdetalye, ang programang ito ay lipas na. Isang bagay anglalu’t higit na napatunayan ng Komuna, ibig sabihin, na“hindi maaaring simpleng tanganan na lamang ng uringmanggagawa ang yari nang makinarya ng estado, atgamitin ito para sa sarili niyang layon.” (Tingnan angCivil War in France: Address of the General Council of theInternational Working Men’s Association [Ang DigmaangSibil sa France: Talumpati ng Pangkalahatang Konsehong Internasyunal na Asosasyon ng mga Manggagawa]1871, kung saan ibayong pinalawig ang puntong ito.)Dagdag pa, napakalinaw naman na di na sapat angkritisismo sa panitikang sosyalista kaugnay ngkasalukuyang panahon, dahil ito’y hanggang 1847lamang; gayundin, ang mga pangungusap kaugnay ngrelasyon ng mga Komunista sa iba’t ibang partidongoposisyon (Seksyon IV), kahit na wasto sa prinsipyo, sapraktika nama’y lipas na dahil ganap nang nagbago angsitwasyon sa pulitika at winalis sa balat ng lupa ngpagsulong ng kasaysayan ang mas malaking bahagi ngmga partido sa pulitika na inilahad doon.

“Magkagayunman, ang Manipesto ay naging isangistorikong dokumento na wala na tayong anumangkarapatang baguhin.”

17

Ang kasalukuyang salin ay ginawa ni G. Samuel Moore,ang nagsalin sa malaking bahagi ng Kapital ni Marx.Nagtulong kami sa pagrerebisa nito, at nagdagdag akong ilang tala na naglilinaw sa mga tinutukoy sakasaysayan.

FREDERICK ENGELS

Enero 30, 1888London

18

PAUNANG SALITA SA 1890 EDISYONG GERMAN23

Mula nang isulat24 (ang paunang salita sa 1883edisyong German), kinailangan muli angisang bagong edisyong German ng Manipesto,

at marami ring nangyari sa Manipesto na dapat tukuyindito.

Lumitaw sa Geneva noong 1882 ang ikalawang salin saRuso – ang kay Vera Zasulich; isinulat namin ni Marxang paunang salita sa edisyong iyon. Sa kasawiampalad,nawala ang orihinal na manuskritong German; dapatkong muling isalin ito mula sa Ruso na hindimakapagpapaganda sa teksto.25 Isinasaad nito:

“Inilathala sa maagang bahagi ng dekada 1860 ngpalimbagan ng Kolokol ang unang edisyong Ruso ngManipesto ng Partido Komunista na isinalin ni Bakunin.Noon, isa lamang literaryong kuryosidad ang nakikita ngKanluran dito (ang edisyong Ruso ng Manipesto).Imposible na sa kasalukuyan ang gayong pananaw.

“Ang limitadong saklaw na inookupa ng proletaryongkilusan sa panahong iyon (Disyembre 1847) aypinakamalinaw na ipinakita ng huling seksyon: angpusisyon ng mga Komunista kaugnay ng iba’t ibangpartidong oposisyon sa iba’t ibang bayan. Ang Rusya atUnited States mismo ang hindi kasali dito. Panahon noonnang ang Rusya ang pinakahuling malaking reserba nglahat ng reaksyong Europeano, at sinalo ng United Statesang sarplas na proletaryong mga pwersa ng Europa sapamamagitan ng imigrasyon. Nagbibigay sa Europa ang

19

20

dalawang bayan ng hilaw na materyales at kasabay nitoay mga pamilihan para sa pagbebenta ng kanyang mgaproduktong industriyal. Samakatwid, sa anu’t anuman,kapwa’y mga haligi ng umiiral na sistemang Europeano.

“Ibang-iba na ngayon. Inakma ng imigrasyong Europeanomismo ang Hilagang Amerika para sa pagkalaki-lakingproduksyong pang-agrikultura, at niyayanig ng kanilangpakikipagkumpitensya ang pinakapundasyon ngEuropeanong pag-aari sa lupa – malaki’t maliit. Kasabaynito, binigyan nito ng kakayahan ang United States nagamitin ang napakalawak na rekursong industriyal nitosa kasigasigan at saklaw na di magtatagal ay babasag samonopolyo sa industriya ng Kanluraning Europa, at lalunang England, na umiiral hanggang sa ngayon. Ang dalawangsirkunstansyang ito’y umaapekto sa rebolusyonaryongparaan sa Amerika mismo. Hakbang-hakbang na nagagaping kumpetisyon sa dambuhalang mga sakahan ang maliitat panggitnang pag-aari sa lupa ng mga magsasaka, nasiyang batayan ng buong konstitusyon sa pulitika; kasabaynito, umuunlad ang isang masang proletaryadongindustriyal at kagila-gilalas na konsentrasyon ng pondongkapital sa kauna-unahang panahon sa mga rehiyongindustriyal.

“At ngayon, ang Rusya! Sa panahon ng Rebolusyon ng1848-49, ang naging tanging kaligtasan hindi lamang ngmga prinsipeng Europeano kundi pati na ng Europeanongburges mula sa proletaryado na nagsisimula pa lamangmagbangon ay nasa panghihimasok ng Ruso. Iprinoklamaang tsar bilang pinuno ng reaksyong Europeano. Sakasalukuyan, isa siyang bihag ng digma ng rebolusyon saGatchina, at ang Rusya ang siyang taliba ng rebolu-syonaryong aksyon sa Europa.

“Ang layon ng Manipestong Komunista ay ang proklama-syon ng di maiiwasang napipintong disolusyon ngmodernong pag-aaring burges. Pero sa Rusya, kaharapng mabilis na bumubulaklak na panggagantsongkapitalista at pag-aaring burges na nagsisimula pa lamangumunlad, naririyan ang higit sa kalahati ng lupa nainaaring komun ng mga magsasaka. Ngayon ang usapinay: maaari bang tuwirang magtungo ang obshchina ngRusya, na bagamat pinapanghina na nang husto ay isapang anyo ng primibal na pag-aaring komun ng lupa,tungo sa mas mataas na anyo ng Komunistang pag-aaringkomun? O, kabaligtaran nito, dapat ba muna itongmagdaan sa proseso ng disolusyon katulad ng bumubuosa istorikong ebolusyon ng Kanluran?

“Ang tanging sagot na posible ngayon sa tanong na iyonay ito: kung ang Rebolusyong Ruso ang magiging hudyatpara sa proletaryong rebolusyon sa Kanluran sa paraangnagkukumplementa ang dalawa sa isa’t isa, maaaringmagsilbi ang kasalukuyang pag-aaring komun sa Rusyabilang pagsisimulang punto para sa komunistang pag-unlad.”

Karl MarxFrederick Engels“Enero 21, 1882 London”

Sa mga petsa ring iyon, lumabas ang isang bagongbersyong Polish sa Geneva: Manifest Kommunistyczny.

Dagdag pa, lumabas ang isang bagong saling Danish saSocialdemokratisk Bibliothek, Copenhagen, 1885. Sakasawiampalad, hindi ito kumpleto; ilang esensyal napangungusap, na mukhang naging mahirap para sa

21

tagasalin, ang hindi naisali, at dagdag pa, may mgapalatandaan ng kawalang ingat sa ilang bahagi, na higitna tumatampok dahil ipinahihiwatig na kung higit nanagsikhay ang tagasalin, napakahusay sana ang kanyangnagawa.

Lumabas ang bagong bersyong Pranses noong 1886, saLe Socialiste ng Paris; ito ang pinakamahusay na nailathalahanggang sa ngayon.

Mula sa huling nabanggit, inilathala ang bersyongEspanyol sa taon ding iyon sa El Socialista ng Madrid, atpagkatapos ay muling inilabas sa anyong pampleto:Manipesto del Partido Communista por Carlos Marx y F.Engels, Madrid, Administracion de El Socialista, HernanCortes 8.

Para sa gustong makabatid, mababanggit ko rin na noong1887, inialok sa isang tagapaglathala sa Constantinopleang manuskrito ng salin sa Armenian. Pero walang lakasng loob ang butihing ginoo na maglathala ng isangakdang may pangalan ni Marx at iminungkahi satagasalin na ilagay ang kanyang sariling pangalan bilangmay-akda, na tinanggihan naman ng huli.

Matapos na paulit-ulit na ilathala sa England ang isa, oiba pa sa humigit-kumulang ay di eksaktong mga salingAmerikano, sa wakas ay lumabas noong 1888 ang isangtunay na bersyon. Gawa ito ng kaibigan kong si SamuelMoore, at muling pinasadahan ito naming dalawa bagoito inilimbag. Pinamagatan itong: Manifesto of theCommunist Party, by Karl Marx and Frederick Engels.

22

Authorized English translation, edited and annotated byFrederick Engels, 1888, London, William Reeves, 185 FleetStreet, E. C. Idinagdag ko ang ilan sa mga tala ng edisyongiyon sa kasalukuyang edisyon.

Nagkaroon na ng sariling kasaysayan ang Manipesto.Sinalubong ito ng kasiglahan nang ito’y lumabas ng hindinapakaraming taliba ng syentipikong sosyalismo (gayang pinatunayan ng mga salin na nabanggit sa una), dinagtagal ay itinulak ito sa likuran ng reaksyon nanagsimula sa pagkatalo ng mga manggagawa sa Parisnoong Hunyo 1848, at sa huli’y inekskomunika “sapamamagitan ng batas” nang hatulan ang mgaKomunista ng Cologne noong Nobyembre 1852. Nangmawala sa harap ng publiko ang kilusang manggagawana nagsimula noong Rebolusyong Pebrero, nalagay rinsa likuran ang Manipesto.

Nang makapagtipon muli ng sapat na lakas ang mgamanggagawang Europeano para sa isa pang atake sa mganaghaharing uri, sumilang ang Internasyunal naAsosasyon ng mga Manggagawa. Layunin nito nabigkisin sa iisang malaking hukbo ang buong militantenguring manggagawa ng Europa at Amerika. Kung gayon,hindi nito kayang magsimula sa mga prinsipyong inilatagsa Manipesto. Kailangan magtaglay ito ng programanghindi magsasara ng pinto sa mga unyon ng England, samga Proudhonista sa France, Belgium, Italy, at Espanya,at sa mga Lassallean sa Germany.26 Ang programangito—ang preambulo ng Mga Alituntunin ngInternasyunal—ay napakahusay na binalangkas ni Marx

23

na inaamin mismo ni Bakunin at mga anarkista. Para saultimong ganap na tagumpay ng mga ideyang inilatagsa Manipesto, umasa si Marx tangi sa intelektwal na pag-unlad ng uring manggagawa dahil kinakailangangibunga ito mula sa nagkakaisang pagkilos at talakayan.Ang mga pangyayari at mga ikot at liko sa pakikibakalaban sa kapital, at ang mga pagkatalo higit sa mgatagumpay, ay hindi maaaring hindi makapagpakita samga nakikibaka na hindi sapat ang kanilang datingunibersal na panlunas sa lahat, at makapagbubukas ngkanilang isip sa puspusang pag-unawa sa tunay na mgakondisyon para sa pagpapalaya sa uring manggagawa.At tama si Marx. Ibang-iba na ang uring manggagawang 1874, sa pagkalusaw ng Internasyunal, sa uringmanggagawa ng 1864, nang ito’y itatag. Pumapanaw naang Proudhonismo sa mga bayang Latino, at angpartikular na Lassalleanismo sa Germany; at kahit na angsukdulang konserbatibong mga unyon ng England ayunti-unting lumalapit sa kalagayan na masasabi na ngtagapangulo ng kanilang Kongresong Swansea noong1887 sa kanilang ngalan na: “Nawala na ang sindak ngkontinental na sosyalismo para sa amin.” Pero noong1887, ang kontinental na sosyalismo ay haloseksklusibong ang teoryang ipinapahayag sa Manipesto.Kung gayon, hanggang sa isang antas, sinasalamin ngkasaysayan ng Manipesto ang kasaysayan ng modernongkilusang manggagawa mula noong 1848. Sakasalukuyan, walang dudang ito ang pinakamalaganapat pinakapandaigdigang produkto ng lahat ng panitikangsosyalista, ang programang komun ng milyun-milyong

24

manggagawa ng lahat ng bayan mula Siberia hanggangCalifornia.

Pero nang ito’y isinulat, hindi natin maaaring tawaginitong isang manipestong Sosyalista. Noong 1847,dalawang tipo ng tao ang itunuturing na sosyalista. Saisang banda ito ay mga tagapanalig ng iba’t ibangsistemang utopyan, laluna ang mga Owenite sa Englandat mga Fourierista sa France, na sa panahong iyon aykapwa lumiit bilang mga sekta na lamang na unti-untingnawawala. Sa kabilang banda, ito ay pinakasamu’t saringmga albularyong panlipunan na naghahangad na pawiinang mga abusong panlipunan sa pamamagitan ngkanilang iba’t ibang unibersal na panlunas-sa-lahat atlahat ng tipo ng pagpapatsi-patsi, nang hindi sumasalingkahit sa kalingkingan ng kapital at tubo. Sa dalawangkaso, ang mga ito’y mga taong nasa labas ng kilusangmanggagawa, at nakatingin pa nga sa mga uring“edukado” bilang suporta. Samantala, ang seksyon nguring manggagawa na humihingi ng radikal narekonstruksyon ng lipunan, at kumbinsido na hindi sapatang mga rebolusyong pampulitika lamang ay tumatawagsa sarili na Komunista. Ito’y magaspang pa at instinktibolamang, at kadalasa’y may pagkakrudong Komunismo.Gayunman, may sapat itong kapangyarihan para likhainang dalawang sistema ng komunismong utopyan – saFrance, ang mga komunistang “Icarian” ni Cabet, at saGermany, iyong kay Weitling. Noong 1847, angsosyalismo ay nangangahulugang isang kilusang burges,at ang komunismo, isang kilusang manggagawa. Ang

25

sosyalismo, sa Kontinente sa pinakamenos, aynapakakapita-pitagan, habang tuwirang kabaligtarannito ang komunismo. At dahil matibay na ang amingupinyon noon pa man na “ang pagpapalaya ng mgamanggagawa ay dapat maging tungkulin ng uringmanggagawa mismo,” walang anumang pag-aalinlangan kung alin sa dalawang pangalan ang dapatnaming piliin. Ni hindi sumagi sa aming isip naitinatakwil ito.

“Mga manggagawa ng lahat ng bayan, magkaisa!” Iilanlamang na tinig ang tumugon nang aming iproklama angmga salitang ito sa daigdig apatnapu’t dalawang taonna ang nakalipas, sa bisperas ng unang Rebolusyon saParis kung saan naglabas ang proletaryado ng sarilinitong mga kahilingan. Gayunman, noong Setyembre 28,1864, ang mga manggagawa ng karamihan sa mga bayansa Kanluraning Europa ay nagkapit-bisig saInternasyunal na Asosasyon ng mga Manggagawa namay maningning na kasaysayan. Totoo ngang nabuhaylamang ng siyam na taon ang Internasyunal mismo. Perowalang mas magandang saksi kaysa kasalukuyan na angwalang hanggang pagkakaisa ng mga manggagawa nglahat ng bayan na nilikha nito ay buhay pa at nabubuhaynang mas malakas kaysa dati. Dahil ngayon, habangsinusulat ko ang mga pangungusap na ito, ihinahandang proletaryadong Europeano at Amerikano ang mgapwersang panlaban nito, na pinakikilos sa kauna-unahang pagkakataon, na pinakikilos bilang isang hukbo,sa ilalim ng isang bandila, para sa isang kagyat na layunin:

26

itakda ang istandard na walong-oras na araw-paggawasa pamamagitan ng pagsasabatas nito, gaya ngipinahayag ng Kongresong Geneva ng Internasyunalnoong 1866, at muli ng mga Kongreso ng mgaManggagawa sa Paris ng 1889.27 At bubuksan ang mgamata ng mga kapitalista at panginoong maylupa ng lahatng bayan sa katotohanan ng malaking pangyayaringayon na sa kasalukuyan, tunay ngang nagkakaisa angmga manggagawa ng lahat ng bayan.

Sana’y naririto si Marx sa aking tabi para masaksihanito ng sarili niyang mga mata!

FREDERICK ENGELS

May 1, 1890London

27

PAUNANG SALITA SA 1892 EDISYONG POLISH28

Dahil kailangan ng bagong edisyong Polish ngManipestong Komunista, iba’t ibang bagay angsumasagi sa isip.

Una sa lahat, katangi-tangi na nitong huli, maaaringsabihing naging palatandaan ang Manipesto ng pag-unladng malawakang saklaw na industriya sa kontinentengEuropeano. Lumalaki ang demand sa hanay ng mgamanggagawa ng isang takdang bayan para sa paliwanagtungkol sa kanilang pusisyon bilang uring anakpawiskaugnay ng mga uring may pag-aari, lumalaganap sakanilang hanay ang kilusang sosyalista, at lumalakas angdemand para sa Manipesto sa proporsyong lumalawakang malawakang saklaw na industriya sa bayang iyon.Sa gayon, masusukat hindi lamang ang katayuan ngkilusang paggawa kundi maging ang antas ng pag-unladng malawakang saklaw na industriya nang maypagkawasto sa lahat ng bayan ayon sa dami ng kopyang Manipesto na lumalaganap sa lenggwahe ng bayangiyon.

Batay dito, ipinapahiwatig ng bagong edisyong Polishna may malaki-laking pag-unlad ang industriya ngPoland. At walang kaduda-duda na aktwal na naganapang pag-unlad na ito mula noong nakaraang edisyon nainilathala sampung taon na ang nakaraan. Nagingmalaking rehiyong industriyal ng Imperyong Ruso angPoland na Ruso, ang Poland na Kongreso.29 Habangkalat-kalat ang malawakang saklaw na industriya ng

28

Rusya—isang bahagi sa paligid ng Gulpo ng Finland,ang isa pa sa sentro (Moscow at Vladimir), at ikatlongbahagi sa baybayin ng mga karagatang Black at Azov, atiba pa sa ibang dako—ang industriyang Polish aynakasiksik sa isang relatibong maliit na lugar atnagtatamasa kapwa ng mga bentahe at disbentahengdulot ng ganoong konsentrasyon. Kinilala ng karibal namga tagamanupakturang Ruso ang mga bentahe nanghumingi sila ng protektibong taripa laban sa Poland, sakabila ng marubdob nilang pagnanais na transpormahinbilang Ruso ang mga taga-Poland. Makikita ang mgadisbentahe—para sa tagamanupakturang Polish at sagubyernong Ruso—sa mabilis na paglaganap ng mgaideyang sosyalista sa hanay ng mga manggagawangPolish at sa lumalaking demand para sa Manipesto.

Pero ang mabilis na pag-unlad ng industriyang Polish,na lumampas sa pag-unlad ng Rusya, ay bagong patunaynaman sa walang pagkaubos na kasiglahan ngsambayanang Polish at bagong garantiya ng napipintongpambansang restorasyon nito. At ang restorasyon ngisang nagsasarili at malakas na Poland ay bagay namahalaga hindi lamang sa mga taga-Poland kundi saating lahat. Posible lamang ang isang tapat nainternasyunal na kolaborasyon ng mga bansangEuropeano kung ang bawat isa sa mga bansang ito ayganap na awtonomo sa sarili nitong tahanan. AngRebolusyon ng 1848, na nagpasa nga lamang saproletaryong mga mandirigma ng trabaho ng burgesyasa ilalim ng bandila ng proletaryado, ay nakakamit din

29

ng kasarinlan ng Italy, Germany at Hungary sapamamagitan ng nagpamanang mga tagapagpatupadnitong sina Louis Bonaparte at Bismarck; pero ang Polandna mula noong 1792 ay mas malaki ang nagawa para saRebolusyon kaysa lahat ng tatlong itong pinagsama-sama, ay napag-iwanan sa sarili nang sumuko ito noong1863 sa sampung ulit na mas malaking pwersang Ruso.Hindi mapanatili ni mabawi ng nobilidad ang kasarinlanng Poland; ngayon, para sa burgesya, sa kainaman, hindimahalaga ang kasarinlang ito. Gayunpaman,kinakailangan ito para sa mahusay na kolaborasyon ngmga bansang Europeano. Makakamit lamang ito ngbatang proletaryadong Polish, at ligtas ito sa kanyangmga kamay. Ito’y dahil kasing-kailangan ng mgamanggagawa ng lahat ng iba pang bahagi ng Europa angkasarinlan ng Poland gaya ng mga manggagawangPolish mismo.

F. ENGELS

London,Pebrero 10, 1892

30

PAUNANG SALITA SA EDISYONG ITALYANO NG189330

Para sa Mambabasang Italyano

Masasabing natapat ang paglalathala ng Manipesto ngPartido Komunista sa Marso 18, 1848, ang araw ng mgarebolusyon sa Milan at Berlin, na mga armadong pag-aalsa ng dalawang bansa na nasa sentro, ang isa, ngkontinente ng Europa, at ang isa ng Mediterranean; angdalawang bansang ito ay pinahina hanggang noon ngdibisyon at panloob na kaguluhan at sa gayo’y bumagsaksa dominasyon ng dayuhan. Habang napailalim ang Italysa Emperador ng Austria, napailalim naman angGermany sa Tsar ng lahat ng Rusya, na bagamat mas dituwiran ay kasing epektibo rin. Bunga ng Marso 18, 1848,lumaya ang Italy at Germany sa kahihiyang ito; kungmuling nabuo at anu’t anuma’y tumayo sa sarili angdalawang dakilang bansang ito mula 1848 hanggang1871, ito’y dahil ang mga taong sumupil sa Rebolusyonng 1848, gaya ng sinasabi ni Marx, sa kabila ng kanilangsarili, magkagayunman, ay ang testamentaryong mgatagapagtaguyod nito.31

Sa lahat ng lugar ang rebolusyong iyon ay gawain nguring manggagawa; ang uring manggagawa ang bumuong mga barikada at nagbuwis ng buhay. Tanging ang mgamanggagawa ng Paris, sa pagbabagsak sa gubyerno, angmay tiyak na tiyak na intensyong ibagsak ang rehimengburges. Pero kahit na mulat sila sa nakamamatay na

31

antagonismo na umiiral sa pagitan ng sarili nilang uri atburgesya, magkagayunman, hindi pa umabot ang pag-unlad sa ekonomya ng bayan ni ang intelektwal na pag-unlad ng masa ng manggagawang Pranses sa yugto naposible na ang rekonstruksyon ng lipunan. Samakatwid,sa huling pagsusuri, ang uring kapitalista ang umani samga bunga ng rebolusyon. Sa ibang bayan, sa Italy, saGermany, sa Austria, sa mula’t sapul, walang ginawaang mga manggagawa kundi iangat ang burgesya sakapangyarihan. Pero sa alinmang ibang bayan, impo-sible ang paghahari ng burgesya kung walangpambansang kasarinlan. Samakatwid, kinailangangisama ng Rebolusyong 1848 ang pagkakaisa atawtonomya ng mga bansa na wala pa nito hanggangnoon: susunod din pagkatapos ang Italy, Germany,Hungary at Poland.

Sa gayon, kung hindi sosyalistang rebolusyon angRebolusyon ng 1848, hinawan nito ang landas, inihandanito ang kalupaan para sa sosyalistang rebolusyon. Sapamamagitan ng tulak na ibinigay sa malawakang-saklaw na industriya sa lahat ng bayan, lumikha angrehimeng burges sa lahat ng dako ng napakarami,konsentrado at makapangyarihang proletaryado sanakaraang apatnapu’t limang taon. Sa gayon, pinalakinito, sa salita ng Manipesto, ang sarili nitong tagahukayng libingan. Kung hindi ipapanumbalik ang awtonomyaat pagkakaisa sa bawat bansa, imposibleng makamit anginternasyunal na kaisahan ng proletaryado, o angmapayapa at matalinong kooperasyon ng mga bansang

32

ito para sa mga layuning komun. Isipin na lamang kungmay nagkakaisang internasyunal na aksyon ang mgamanggagawang Italyano, Hungarian, German, Polish atRuso sa mga kalagayan sa pulitika bago noong 1848!

Kung gayon, hindi nawalang saysay ang mga labanangsinuong noong 1848. Hindi rin lumipas nang walangsaysay ang apatnapu’t apat na taong naghi-hiwalay saatin sa rebolusyonaryong kapanahunang iyon.Nahihinog ang mga bunga, at ang tangi kong hinahangaday maging mabuting palatandaan rin ang paglalathalang salin sa Italyano na ito para sa tagumpay ngproletaryadong Italyano gaya ng paglalathala ng orihinalpara sa internasyunal na rebolusyon.

Angkop na angkop ang paglalarawan ng Manipesto sarebolusyonaryong bahagi na ginampanan ng kapitalismosa nakaraan. Ang unang kapitalistang bayan ay ang Italy.Kinatampukan ang pagwawakas ng pyudal naKapanahunang Midyebal at ang pagbubukas ngmodernong kapanahunang kapitalista ng isangnapakalaking personahe: isang Italyano, si Dante, kapwahuling makata ng Kapanahunang Midyebal at unangmakata ng modernong panahon. Ngayon, gaya noong1300, napipinto ang isang bagong panahon ngkasaysayan. Bibigyan ba tayo ng Italy ng bagong Dante,na magmamarka sa oras ng kapanganakan ng bagongproletaryong kapanahunan?

FREDERICK ENGELSLondon,Pebrero 1, 1893

33

Isang pangitain ang nagmumulto sa Europa – angpangitain ng komunismo. Nagsama-sama ang lahatng kapangyarihan ng lumang Europa sa isang

sagradong alyansa para palayasin ang masamangispiritung ito: ang Papa at ang Tsar, sina Metternich atGuizot, ang mga Radikal na Pranses at mga espiyang-pulis na Aleman.

Saan ba mayroong partidong oposisyon na hindibinansagang komunistiko ng mga karibal nitong nasakapangyarihan? Saan ba mayroong oposisyon na hindipabalik na nagpukol ng tumatatak na paninirangkomunismo laban sa mas abanteng mga partidongoposisyon, gayundin laban sa reaksyunaryong mgakaribal nito?

Dalawang bagay ang ibinubunga nito:

I. Kinikilala na ng lahat ng kapangyarihangEuropeano na isa na mismong kapangyarihan angKomunismo.

II. Panahon na para hayagang ilathala ng mgaKomunista, sa harap ng buong daigdig, angkanilang mga pananaw, ang kanilang mga layunin,ang kanilang mga tendensya, at harapin angkwentong-kutserong ito ng pangitain ngKomunismo sa pamamagitan ng Manipesto ngpartido mismo.

Sa dahilang ito, nagtipon-tipon sa London ang mgaKomunista mula sa iba’t ibang bayan, at binalangkas ang

34

manipestong ito, na ilalathala sa wikang Ingles, Pranses,Aleman, Italyano, Flemish at Danish.

IAng mga Burges at ang mga Proletaryo32

Ang kasaysayan ng lahat ng umiral na lipunan hang-gang sa ngayon33 ay kasaysayan ng mga tunggalian sauri.

Ang malayang tao at ang alipin, ang patrician at plebeian,ang panginoon at ang timawa, ang maestro-gremyo34 atjourneyman, sa maikling salita, ang mang-aapi at inaapi,ay laging kasalungat ng isa’t isa, at walang tigil nanaglalabanan, minsa’y tago, minsa’y hayag, isanglabanan na sa bawat pagkakatao’y nagwawakas, kunghindi man sa rebolusyonaryong rekonstitusyon nglipunan sa kalahatan, ay sa komun na pagkawasak ngnagtutunggaling mga uri.

Sa naunang mga kapanahunan ng kasaysayan,matatagpuan natin sa halos lahat ang isang kum-plikadong kaayusan ng lipunan sa iba’t ibang grupo,isang maramihang gradasyon ng katayuan sa lipunan.Sa sinaunang Roma, naririyan ang mga patrician,kabalyero, plebeian, at mga alipin; sa KapanahunangMidyebal, mga panginoong pyudal, mga datu, mgamaestro-gremyo, journeymen, aprentis, timawa; at sahalos lahat ng uring ito, muli, naririyan ang nakapailalimna mga gradasyon.

35

Hindi pinawi ng modernong lipunang burges na sumibolmula sa guho ng lipunang pyudal ang mgaantagonismong makauri. Nagtatag lamang ito ng bagongmga uri, bagong mga kalagayan ng pang-aapi, bagongmga anyo ng tunggaliang kahalili ng mga dati.

Gayunman, taglay ng ating kapanahunan, angkapanahunan ng burgesya, ang naiibang salik na ito:pinasimple nito ang mga antagonismong makauri. Anglipunan sa kabuuan ay nahahati nang nahahati sadalawang malaking magkatunggaling kampo, sadalawang malaking uri na tuwirang nahaharap sa isa’tisa – ang burgesya at ang proletaryado.

Mula sa mga timawa ng Kapanahunang Midyebal,sumibol ang nagsasariling mga burghers ng pinakaunangmga kabayanan. Mula sa mga burgess na ito, lumitawang unang mga elemento ng burgesya.

Nagbukas ng bagong kalupaan ang pagkakatuklas saAmerika at pag-ikot sa Cape para sa sumisibol naburgesya. Ang mga pamilihang Silangang-Indian atTsino, ang kolonisasyon ng Amerika, ang pakikipag-kalakalan sa mga kolonya, at ang paglago ng means ofexchange (pamamaraan sa palitan), at ng mga kalakal sapangkalahatan, ang lahat ng ito’y nakapagbigay ngwalang kapantay na tulak sa komersyo, sa nabigasyon,sa industriya, at dahil dito, sa mabilis na pag-unlad ngrebolusyonaryong elemento sa papabagsak na lipunangpyudal.

36

Hindi na ngayon nakakasapat ang pyudal na sistema ngindustriya, kung saan monopolisado ang produksyongindustriyal ng saradong mga gremyo, para sa lumalakinghinihingi ng bagong mga pamilihan. Hinalinhan ito ngsistemang manupaktura. Isinantabi ng panggitnanguring nagmamanupaktura ang mga maestro-gremyo;naglaho ang dibisyon sa paggawa sa pagitan ng iba’tibang korporadong gremyo sa harap ng dibisyon sapaggawa sa bawat solong pagawaan.

Samantala, patuloy na lumalaki ang mga pamilihan, atpatuloy na lumalakas ang demand. Kahit na ang mgatagapagmanupaktura ay hindi na nakasapat. Sakalagayang iyon, nirebolusyonisa ng steam at makinaryaang produksyong industriyal. Hinalinhan ngdambuhalang modernong industriya ang manupaktura;hinalinhan ang panggitnang uri sa industriya ng mgamilyunaryo sa industriya, ng mga pinuno ng buu-buongmga hukbong industriyal, ng modernong burges.

Itinatag ng modernong industriya ang pandaigdigangpamilihan, na ang pagkakatuklas sa Amerika angnaghawan ng daan. Nagbigay ang pamilihang ito ngpagkalaki-laking pagpapaunlad sa komersyo, sanabigasyon, sa komunikasyong pangkatihan. Naka-apekto naman ang pag-unlad na ito sa ekstensyon ngindustriya; at sa tantos na lumawak ang industriya,komersyo, nabigasyon, at perokaril, sa ganoong tantosrin umunlad ang burgesya, nagpalaki ng kanyangkapital, at isinantabi ang bawat uri na minana mula saKapanahunang Midyebal.

37

Kung gayon, makikita natin kung paano ang modernongburgesya ay produkto mismo ng mahabang proseso ngpag-unlad, ng isang serye ng mga rebolusyon sa modang produksyon at palitan.Bawat hakbang sa pag-unlad ng burgesya ay maykaakibat na katapat na pagsulong sa pulitika sa uringiyon*. Isang aping uri sa ilalim ng paghahari ng pyudalna nobilidad, isang armado at naggugubyerno sa sarilingasosasyon ng komunang midyebal35: dito, isangnagsasariling republikang urban (gaya ng sa Italy atGermany);** doon, isang binubuwisang “ikatlong estate”ng monarkiya (gaya ng sa France)***; at pagkatapos, sayugto ng ganap na pagmamanupaktura, naglilingkod samalapyudal o kaya’y absolutong monarkiya bilangpantapat laban sa nobilidad, at sa katunayan,panulukang-bato ng dakilang mga monarkiya sapangkalahatan—sa wakas, mula nang maitatag angModernong Industriya at ang pandaigdigang pamilihan,naagaw ng burgesya para sa sarili ang solong paghaharisa pulitika sa modernong estadong representatibo. Angehekutibo ng modernong estado ay isang komite lamangpara sa pamamahala ng mga usaping komun ng buongburgesya.

38

* Sa orihinal na German (edisyong 1848), ang mga salitang“pagsulong sa pulitika ng uring iyon” ay “pagsulong sa pulitika.”**Ang mga salitang “(gaya ng sa Italy at Germany)” ay wala saorihinal na German.***Ang mga salitang “(gaya ng sa France)” ay wala sa orihinal naGerman.

Sa kasaysayan, gumanap ang burgesya ng napakarebo-lusyonaryong papel.Saanman nakapangibabaw ang burgesya, winakasannito ang lahat ng relasyong pyudal, patriyarkal atkagiliw-giliw. Walang awa nitong nilagot ang samu’tsaring ugnayang pyudal na naggapos ng tao sa kanyang“natural na mga panginoon”, at walang iniwangugnayan ng tao sa tao liban sa tahasang makasarilinginteres, liban sa manhid na “bayad salapi”. Nilunod nitoang pinakamaluluwalhating kaligayahan ng relihiyosongkataimtiman, ng kasigasigang kabalyerohan, ngsentimentalismong pilistino, sa nagyeyelong tubig ngegotistikong kalkulasyon. Itinumbas nito ang personalna halaga sa halaga sa palitan, at itinatag ang solo atpangahas na kalayaan—Malayang Kalakalan—kahaliling di mabilang na di mapapawalang-bisang mgakalayaan. Sa maikling salita, ihinalili nito sapagsasamantalang tinatabingan ng mga ilusyongrelihiyoso at pampulitika ang lantaran, walangkahihiyan, tuwiran at makahayop na pagsasamantala.Pinawi ng burgesya ang pagkabanal ng lahat ng okupa-syon na hanggang noo’y iginagalang at tinitingala nangmay pagpipitagan. Ginawa niyang bayarang mgamanggagawa ang manggagamot, ang abogado, ang pari,ang makata, ang syentipiko.Inalis ng burgesya sa pamilya ang tabing nitongsentimental, at ginawang simpleng relasyon sapananalapi ang relasyong pampamilya.

39

Ibinunyag ng burgesya kung paano nangyari na angmalupit na pagpapakita ng lakas sa KapanahunangMidyebal na labis na hinahangaan ng mga reaksyunaryoay may angkop na kaakibat sa labis na katamaran. Itoang unang nagpakita kung ano ang maidudulot ngaktibidad ng tao. Nakagawa ito ng mga kahahanga-hangang bagay na lampas-lampas sa mga piramide ngEhipto, mga daluyan ng tubig na Romano, at mgakatedral na Gothic; sumuong ito sa mga ekspedisyongluluma sa lahat ng dating Eksodo ng mga bansa atkrusada.Hindi makakairal ang burgesya nang hindi palagiangnirerebolusyonisa ang mga instrumento sa produksyon, atsa pamamagitan nito, ang mga relasyon sa produksyon, atkasabay nito, ang buong relasyon ng lipunan. Kabaligtarannito, ang pagpapanatili ng lumang mga moda saproduksyon sa di nagbagong anyo ang unang kundisyonsa pag-iral para sa lahat ng naunang mga uring industriyal.Palagiang pagrerebolusyonisa sa produksyon, walangtigil na panggugulo sa lahat ng kalagayang panlipunan,walang humpay na kawalang katiyakan at ahitasyon—ito ang nag-iiba ng kapanahunang burges sa lahat ngnaunang kapanahunan.* Winawalis ang lahat ng pirmi attumigas na relasyon, kasama ang lahat ng sinauna at banalna prehuwisyo at opinyon, at lahat ng bagong nabuo aynaluluma bago ito manigas. Lahat ng solido** ay nagiging

40

*Sa edisyong German ng 1890, ang salitang “nauna” ay “iba”.** Sa orihinal na German, ang salitang “solido” ay “pribilehiyadoat establisado.”

hangin, lahat ng sagrado ay nilalapastangan, at sa wakas,napipilitan ang tao na harapin nang malinaw ang isip angkanyang tunay na kalagayan sa buhay at ang kanyangrelasyon sa kanyang kapwa.

Ang burgesya ay hinahabol ng pangangailangan parasa laging lumalawak na pamilihan para sa kanyang mgaprodukto sa buong kalupaan ng daigdig. Dapatkumanlong ito sa lahat ng dako, manirahan sa lahat ngdako at magtatag ng kuneksyon sa lahat ng dako.

Sa pamamagitan ng pagsasamantala nito sa pan-daigdigang pamilihan, binigyan ng burgesya ngkatangiang kosmopolitano ang produksyon atpagkonsumo sa lahat ng bayan. Sa malaking kasawianng mga reaksyunaryo, hinugot nito mula sa mga paa ngindustriya ang pambansang kalupaang kinatatayuannito. Lahat ng dating nakatatag na pambansangindustriya ay winasak na o winawasak sa araw-araw.Pinapaalis sila ng bagong mga industriya, na angpagpasok ay nagiging usapin ng buhay at kamatayanpara sa lahat ng sibilisadong bayan; ng mga industriyanghindi na gumagamit ng katutubong hilaw na materyales,kundi hilaw na materyales na kinukuha mula sapinakamalalayong lugar; ng mga industriyang may mgaproduktong kinokonsumo hindi na lamang sa sarilingbayan, kundi sa lahat ng sulok ng daigdig. Kapalit ngdating mga pangangailangan na tinutugunan ngproduksyon ng bayan, makikita natin ang bagong mgapangangailangan na humihingi ng mga produkto ngmalalayong kalupaan at klima para sa kanilang

41

katugunan. Kapalit ng lumang lokal at pambansangseklusyon at kasapatan-sa-sarili, mayroon tayong palitansa lahat ng direksyon, at unibersal na interdependensyang mga bansa. At tulad ng materyal na produksyon,ganoon din sa intelektwal na produksyon. Ang mgalikhang intelektwal ng indibidwal na mga bansa aynagiging pag-aari ng lahat. Lalong nagiging imposibleang pambansang pagkamakaisang-panig at kakitiran saisip, at mula sa maraming literaturang pambansa at lokal,lumilitaw ang pandaigdigang literatura.

Hinahatak ng burgesya ang lahat ng bansa, kahit na angpinakabarbaro, sa sibilisasyon, sa pamamagitan ngmabilis na pagpapaunlad sa lahat ng instrumento saproduksyon, sa pamamagitan ng labis na pinabilis napamamaraan ng komunikasyon. Ang murang presyo ngmga kalakal ang mabibigat na artileriya naipinampupwersa nito para pasukuin ang labis namaigting na pagkamuhi ng mga barbaro sa mgadayuhan. Pinupwersa nito ang lahat ng bansa na gamitinang burges na moda sa produksyon, dahil kung hindiay papanaw; pinupwersa nitong ipasok ang tinatawagnitong sibilisasyon sa kanilang hanay, ibig sabihin, nasila mismo ay maging burges. Sa maikling salita, nililikhanito ang isang mundo sa kanyang wangis.

Ipinailalim ng burgesya ang kanayunan sa paghahari ngkabayanan. Lumikha ito ng pagkalalaking lunsod,pinalaki nang husto ang populasyon ng kalunsuran kungihahambing sa kanayunan, at sa gayo’y iniligtas angmalaking bahagi ng populasyon mula sa kahangalan ng

42

buhay sa kanayunan. Tulad ng pagpapaasa nito ngkanayunan sa kabayanan, pinapaasa rin nito ang mgabayang barbaro at malabarbaro sa mga bayang sibilisado,ang mga bansa ng mga magsasaka sa mga bansa ngburges, ang Silangan sa Kanluran.

Lalo pang pinapawi ng burgesya ang kalat-kalat nakatayuan ng populasyon, ng mga kagamitan saproduksyon, at ng propyedad. Tinipon-tipon nito angpopulasyon, sinentralisa ang mga kagamitan saproduksyon, at kinonsentra ang propyedad sa iilangkamay. Ang di maiiwasang bunga nito ay ang sen-tralisasyon sa pulitika. Ang nagsasarili, o kaya’ybuhaghag na magkakaugnay na mga probinsya, na mayhiwa-hiwalay na interes, mga batas, gubyerno at sistemang pagbubuwis, ay pinagsama-sama bilang isang bansa,na may isang gubyerno, isang kodigo ng mga batas, isangmakauring pambansang interes, isang teritoryo, at isangtaripa sa adwana.

Sa paghahari nitong may sandaan taon pa lamang,nilikha ng burgesya ang higit na mabibigat at higit namalalaking pwersa sa produksyon kaysa lahat ngpinagsama-samang naunang henerasyon. Angpagpapailalim ng mga pwersa ng kalikasan sa tao,makinarya, aplikasyon ng kemistri sa industriya atagrikultura, nabigasyong steam, perokaril, telegrapongde kuryente, paglilinang ng buu-buong kontinente parasa pagsasaka, pagkakanal ng mga ilog, paglitaw mulasa wala ng buu-buong komunidad—anong siglo sanakaraan ang nagkahinuha man lamang na nahihimbing

43

ang gayong mga pwersa sa produksyon sa kandunganng paggawang panlipunan?

Nakikita natin kung gayon: nilikha sa pyudal na lipunanang mga kagamitan sa produksyon at palitan, na siyangpundasyon kung saan pinaunlad ng burgesya ang sarili.Sa isang yugto sa pag-unlad ng mga kagamitan saproduksyon at palitang ito, hindi na kaugma ang mgakondisyon kung saan lumilikha at nagpapalitan anglipunang pyudal, sa maikling salita, hindi na kaugma angorganisasyong pyudal ng agrikultura at industriya sapagmamanupaktura, sa umunlad nang mga pwersa saproduksyon*; naging napakaraming tanikala ang mga ito.Kailangang lansagin ang mga ito; at ang mga ito’y nalansag.

Kapalit ng mga ito, pumasok ang malayang kumpetisyon,kaakibat ng isang konstitusyon ng lipunan at pulitika naangkop dito, at ng pangingibabaw sa ekonomya atpulitika ng uring burges.

Nagaganap ang katulad na kilusan sa ating harapanmismo. Ang modernong lipunang burges, kasama ngkanyang mga relasyon sa produksyon, sa palitan at sapag-aari, isang lipunang nagpalitaw ng pagkalalakingkagamitan sa produksyon at palitan, ay tulad ngmangkukulam na hindi na kayang kontrolin ang mgakapangyarihan ng daigdig ng engkanto na kanyang

44

*Sa orihinal na German, nagtatapos dito ang pangungusap.Sumusunod pagkatapos: “Hinadlangan nito ang produksyon sahalip na itaguyod ito. Naging napakaraming mga sagka....”

binuhay sa pamamagitan ng kanyang mga orasyon. Samaraming dekada sa nakaraan, ang kasaysayan ngindustriya at komersyo ay kasaysayan lamang ngpaghimagsik ng modernong mga pwersa sa produksyonlaban sa modernong mga kalagayan sa produksyon,laban sa mga relasyon sa pag-aari na siyang kondisyonpara sa pag-iral ng burges at ng paghahari nito. Sapatnang banggitin ang mga krisis sa komersyo na, dahil sapana-panahong pagbabalik ng mga ito, ay naghuhusgasa pag-iral ng buong lipunang burges, at masmapanganib sa bawat ulit. Sa mga krisis na ito, pana-panahong nawawasak ang malaking bahagi hindilamang ng umiiral na mga produkto, kundi maging angdati nang nalikhang mga pwersa sa produksyon. Sa mgakrisis na ito, sumisiklab ang epidemya namagmimistulang kabalighuan sa lahat ng naunangkapanahunan—ang epidemya ng labis na produksyon.Bigla na lamang matatagpuan ng lipunan ang sarili naibinalik sa katayuan ng panandaliang barbarismo;parang kinitil ng isang taggutom, ng isang unibersal nadigmang mapanalanta, ang suplay ng lahat ngpangangailangan para mabuhay; nagmimistulangnawasak ang industriya at komersyo. At bakit? Dahilmay labis na sibilisasyon, labis na panustos sa buhay,labis na industriya, labis na komersyo. Ang mga pwersasa produksyon na nasa kamay ng lipunan ay wala nangtendensyang itaguyod ang pag-unlad ng mga kalagayanng burges na propyedad*; kabaligtaran nito, nagingnapakamakapangyarihan nila para sa mga kalagayanggumagapos sa mga ito, at pagkatapos na pagkatapos na

45

mapangibabawan nila ang mga gapos na ito, dinadalanaman nila ang kaguluhan sa buong lipunang burges atinilalagay sa panganib ang pag-iral ng burges napropyedad. Napakakitid ng mga kalagayan ng burgesna lipunan para paglagyan ng yamang likha ng mga ito.At paano naman pinapangibabawan ng burgesya angmga krisis na ito? Sa isang banda, sa pamamagitan ngpwersadong pagwawasak sa masa ng mga pwersa saproduksyon; sa kabilang banda, sa pamamagitan ngpananakop ng bagong mga pamilihan, at sa pama-magitan ng mas puspusang pagsasamantala ng mga dati.Ibig sabihin, sa pamamagitan ng paghahawan ng landaspara sa mas malawak at mas mapanirang mga krisis, atsa pamamagitan ng pagpapakitid sa mga pamamaraankung paano iiwasan ang mga krisis na ito.

Ang mga sandatang ginamit ng burgesya para ibagsakang pyudalismo ay nakaumang laban sa burgesyamismo.

Pero hindi lamang pinanday ng burgesya ang mgasandata na nagdadala ng kamatayan sa kanyang sarili;pinalitaw rin nito ang mga taong hahawak ng mgasandatang iyon—ang modernong uring manggagawa—ang mga proletaryo.

Sa antas na umunlad ang burgesya, ibig sabihin, angkapital, sa ganoong antas rin umuunlad angproletaryado, ang modernong uring manggagawa—isang uri ng mga manggagawa na nabubuhay lamanghanggat makakahanap sila ng trabaho, at nakakahanaplamang ng trabaho hanggat ang kanilang paggawa ay46

nakapagpapalaki sa kapital. Ang mga manggagawangito, na pwersadong ibenta ang sarili nang tingian, ayisang kalakal, tulad ng lahat ng ibang artikulongipinagbibili, at sa gayon ay tambad sa lahat ng malakingpagbabagu-bago ng kumpetisyon, sa lahat ng pagbabaat pagtaas ng pamilihan.

Dahil sa malaganap na paggamit ng makinarya, at sa hatiansa paggawa, nawala na ang lahat ng indibidwal nakatangian ng trabaho ng mga manggagawa, at bunga nito,lahat ng halina para sa manggagawa. Nagiging karugtongsiya ng makina, at ang hinihingi sa kanya ay angpinakasimple, pinakanakababagot, at pinakamadalingmatutunang gawain lamang. Kung gayon, pigil ang halagang produksyon ng isang manggagawa halos sa kabuuansa panustos sa buhay na kinakailangan niya paramakapagtrabaho muli, at para sa propagasyon ng kanyanglahi. Pero ang presyo ng isang kalakal, at samakatwid, patina ng paggawa,36 ay katumbas ng halaga nito saproduksyon. Samakatwid, habang lalong nakababagot angtrabaho, lumiliit ang sahod. Dagdag pa, habangnadaragdagan ang paggamit ng makinarya at hatian sapaggawa, tumitindi rin ang bigat ng paggawa, maging sapagpapahaba man ng bilang ng oras paggawa, sapagpapatindi sa paggawang napipiga sa isang takdangpanahon, o sa mas mabilis na paggana ng makinarya, atbp.

Ang maliit na pagawaan ng patriyarkal na maestro ayginawa ng Modernong Industriya na malaking pabrika ngkapitalistang industriyal. Inorganisa na parang mgasundalo ang masa ng mga manggagawang pinagsisiksik

47

sa pabrika. Bilang karaniwang mga kawal ng hukbongindustriyal, ipinailalim sila sa kumand ng isang ganap nahirarkiya ng mga upisyal at sarhento. Hindi lamang silamga alipin ng uring burges at ng estadong burges; araw-araw at oras-oras, sila’y inaalipin ng makina, ng superbisor,at higit sa lahat, ng indibidwal na burges natagapagmanupaktura mismo. Habang mas hayag naipinoproklama ng despotismong ito na tubo ang kanyangpinakalayon, ito’y mas nagiging hamak, kamuhi-muhi atnakasasakit ng loob.

Habang mas mababa ang antas ng kasanayan at lakasna kinakailangan sa manwal na paggawa, sa ibang salita,habang mas umuunlad ang modernong industriya,lalong nahahalinhan ang paggawa ng kalalakihan ngpaggawa ng kababaihan*. Wala nang anumangnatatanging kabuluhang panlipunan ang pagkakaiba saedad at kasarian para sa uring manggagawa. Ang lahatay mga instrumento ng paggawa, na mas mura o masmahal gamitin, ayon sa edad at kasarian ng mga ito.

Sa sandaling matanggap ng mga manggagawa angkanyang sahod sa salapi, at pansamantalang natataposang pagsasamantala ng tagapagmanupaktura,sinasagpang na siya ng ibang bahagi ng burgesya, angmaylupa, ang may tindahan, ang may sanglaan, atbp.

48

*Sa unang edisyong “German ng Pebrero 1848, ang mgasalitang “nahahalinhan ng sa kababaihan” ay “nahahalinhan ngsa kababaihan at bata.”

Ang nakabababang saray ng panggitnang uri—angmaliliit na magtitingi, may tindahan, at retiradong mgaartisano sa kalahatan, ang mga tagayaring kamay atmagsasaka—lahat ng ito’y lumulubog sa katayuangproletaryado, sa bahagi dahil ang kanilang maliit nakapital ay hindi sapat para sa laki ng antas ng pagganang Modernong Industriya, at napapalis sa kumpetisyonsa malalaking kapitalista, at sa bahagi dahil nawawalanng halaga ang espesyalisadong kasanayan ng bagongmga pamamaraan sa produksyon. Sa gayon, nirereklutaang proletaryado mula sa lahat ng uri ng populasyon.

Nagdaraan ang proletaryado sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad. Sa pagsilang nito ay nagsisimula ang tunggaliannito sa burgesya. Sa simula, ang pakikibaka ay isinasa-gawa ng indibidwal na mga manggagawa, pagkatapos, ngmga manggagawa ng isang pabrika, pagkatapos, ng mgaoperatiba ng isang sangay ng industriya sa isang lokalidadlaban sa indibidwal na burges na tuwirang nagsasamantalasa kanila. Itinutuon nila ang kanilang atake hindi laban saburges na kalagayan sa produksyon, kundi laban sa mgainstrumento ng produksyon mismo*; winawasak nila anginangkat na mga kasangkapan na nakikipagkumpitensyasa kanilang paggawa, winawasak nila ang makinarya,sinusunog nila ang mga pabrika, tinatangka nilangpwersahang ipanumbalik ang naglahong katayuan ngmanggagawa ng Kapanahunang Midyebal.

49

* Sa orihinal na German, ang pangungusap na ito ay: “Itinutuonnila ang kanilang atake hindi lamang laban sa burges na kalagayanng produksyon kundi....”

Sa yugtong ito, ang mga manggagawa ay bumubuo pang hiwa-hiwalay na masang kalat-kalat sa buong bayan,at hati-hati ng kanilang mutwal na kumpe-tisyon. Kungmay lugar mang nagkakaisa sila para magbuo ng masmasinsing organisasyon, hindi pa ito resulta ng sarilinilang aktibong pagkakaisa, kundi ng pagkakaisa ngburgesya, na isang uri na pwersadong pakilusin angbuong proletaryado para matamo ang sariling mgalayunin sa pulitika, at dagdag pa, may kakayahang gawiniyon sa isang panahon. Samakatwid, sa yugtong ito, hindinilalabanan ng mga proletaryo ang kanilang mgakaaway, kundi ang mga kaaway ng kanilang mgakaaway, ang mga labi ng absolutong monarkiya, ang mgamaylupa, ang di industriyal na burges, ang petiburges.Sa gayon, ang buong istorikong kilusan ay nakakonsentrasa mga kamay ng burgesya; bawat tagumpay nanatatamo sa gayon ay isang tagumpay para sa burgesya.

Pero sa pag-unlad ng industriya, hindi lamang lumalakiang bilang ng proletaryado; nakokonsentra ito sa masmalalaking bilang, lumalakas ito, at higit nitongnadarama ang lakas na iyon. Ang iba’t ibang interes atkondisyon ng buhay sa hanay ng proletaryado ay higitna napapantay-pantay sa antas na pinapawi ngmakinarya ang lahat ng pag-iiba ng paggawa, at sa haloslahat ng lugar, pinaliliit ang sahod sa iisang mababang antas.Dahil sa papalaking kumpetisyon sa hanay ng burges, at angibinubunga nitong mga krisis sa komersyo, lalong nagigingpabagu-bago ang sahod ng mga manggagawa. Lalongnawawalan ng katiyakan ang kanilang kabuhayan dahil

50

sa higit na pag-unlad ng makinarya na tuluy-tuloy nabumibilis ang pag-unlad; ang mga salpukan sa pagitan ngindibidwal na mga manggagawa at indibidwal na burgesay higit na nagkakaroon ng katangian ng salpukan sa pagitanng dalawang uri. Dahil sa gayon, nagsisimulang magbuo ngmga kumbinasyon (mga unyon)* ang mga manggagawalaban sa burges; nagsasama-sama sila para panatilihin angantas ng sahod; nagtatatag sila ng permanenteng mga samahanupang antemano’y paghandaan ang pana-panahongpaghihimagsik na ito. Doon at dito, humahantong anglabanan sa mga riot.

Paminsan-minsan, matagumpay ang mga manggagawa,pero panandalian lamang. Ang tunay na bunga ngkanilang pakikipagsagupa ay wala sa kagyat na resulta,kundi sa laging lumalaking unyon ng mga mang-gagawa. Natutulungan ang unyong ito ng maunlad napamamaraan ng komunikasyon na nililikha ngModernong Industriya, at nakapag-uugnay ng mgamanggagawa ng iba’t ibang lokalidad sa isa’t isa. Itomismong ugnayang ito ang kinakailangan parasentralisahin ang maraming lokal na pakikibaka, naiisa ang katangian ng lahat, bilang pambansangtunggalian sa pagitan ng mga uri. Pero bawat tunggaliansa uri ay isang pampulitikang tunggalian. At angpagkakaisang iyon, na nangailangan ng ilang siglo angmga burgher ng Kapanahunang Midyebal para matamo,dala ng kanilang miserableng mga haywey, ay makakamit

51

* Ang mga salitang “(mga unyon)”* ay wala sa orihinal na German.

ng modernong manggagawa sa loob ng ilang taon, salamat saperokaril.

Ang organisasyong ito ng mga manggagawa bilang isanguri, at bunga nito, bilang isang pampulitikang partido, aypatuloy na nagugulong muli ng kumpetisyon sa hanay ngmga manggagawa mismo. Pero lagi itong nagbabangongmuli, na mas malakas, mas matatag, at masmakapangyarihan. Ipinupwersa nito ang lehislatibongpagkilala sa partikular na mga interes ng mga manggagawasa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga dibisyon sahanay ng burgesya mismo. Sa gayon, napagtibay angpanukalang batas sa sampung oras na paggawa sa England.

Sa pangkalahatan, naisusulong sa maraming paraan ngmga salpukan sa pagitan ng mga uri ng lumang lipunanang proseso ng pag-unlad ng proletaryado. Nahahatakang burgesya sa isang palagiang pakikitunggali. Noonguna, laban sa aristokrasya; pagkatapos, laban sa mgabahagi ng burgesya mismo na ang interes ay nagingantagonistiko sa pagsulong ng industriya; at sa lahat ngpanahon laban sa burgesya ng ibang mga bayan. Sa lahatng labanang ito, napipilitan siyang manawagan saproletaryado, na humingi ng tulong, at sa gayon hatakinito sa larangan ng pulitika. Samakatwid, ang burgesyamismo ang nagbibigay sa proletaryado ng sarili nitongmga elemento ng edukasyong pampulitika atpangkalahatan*, sa madaling salita, sinasangkapan nito

52

* Sa orihinal na German, ang mga salitang “mga elemento ngedukasyong pampulitika at pangkalahatan ay “mga elemento ngedukasyon.”

ang proletaryado ng mga sandata para sa pakikibakalaban sa burgesya.Dagdag pa, gaya ng nakita na natin, buu-buong seksyon ngnaghaharing uri ay naitutulak sa proletaryado sapamamagitan ng pagsulong ng industriya, o sapinakamenos, namimiligro sa kanilang kalagayan sapamumuhay. Nakapagbibigay rin ang mga ito sa mgamanggagawa ng sariwang mga elemento ng pagkamulatat progreso**.Panghuli, sa panahon na nalalapit ang tunggalian sa urisa mapagpasyang sandali, nagkakaroon ng napakarahasat lantarang katangian ang pagsulong ng disolusyon nanagaganap sa loob ng naghaharing uri, sa katunayan sabuong saklaw ng lumang lipunan, kung kaya’t ang isangmaliit na seksyon ng naghaharing uri ay humihiwalayat sumasama sa rebolusyonaryong uri, ang uring tanganang kinabukasan sa kanyang mga kamay. Samakatwid,gaya ng pagpanig ng isang seksyon ng nobilidad saburgesya sa isang mas maagang yugto, ngayon nama’yisang bahagi ng burgesya ay pumapanig sa proletaryado,at sa partikular, isang bahagi ng mga ideolohistangburges na nakaangat sa antas na nauunawaan sa teoryaang istorikong kilusan sa kabuuan.Sa lahat ng uri na nakakaharap ngayon ng burgesya,tanging ang proletaryado ang tunay na rebolusyona-

53

* Sa orihinal na German, ang mga salitang “sariwang mgaelemento ng pagkamulat at progreso” ay “masa ng mgaelementong pang-edukasyon”.

ryong uri. Ang ibang mga uri ay naaagnas at sa kahuli-huliha’y naglalaho sa harap ng Modernong Industriya;ang proletaryado naman ay ang kanyang espesyal atesensyal na produkto.Ang nakabababang panggitnang uri, ang maliit natagapagmanupaktura, ang may tindahan, ang artisano,ang magsasaka – lahat ng ito’y nakikibaka laban saburgesya para iligtas mula sa paglalaho ang kanilangpag-iral bilang mga bahagi ng panggitnang uri. Kung gayon,hindi sila rebolusyonaryo kundi konserbatibo. Higit pa dito,sila’y reaksyunaryo, dahil hangad nilang pabalikin anggulong ng kasaysayan. Kung nagkataon mang sila’yrebolusyonaryo, ganoon sila dahil lamang sa napipintongpaglipat nila tungo sa proletaryado; samakatwid,ipinagtatanggol nila hindi ang kanilang kasalukuyan, kundiang kanilang hinaharap na interes; iniiwan nila ang sarilingpaninindigan at inilalagay ang sarili sa paninindigan ngproletaryado.Maaaring doo’t dito’y mahatak sa kilusan ng proletaryongrebolusyon ang “mapanganib na uri”, ang latak* nglipunan,ang pasibong nabubulok na masa na nilaglag ngpinakamabababang saray ng lumang lipunan; gayunman,mas higit itong ihinahanda ng kanyang kalagayan sapamumuhay para sa papel na bayarang kasangkapan ngreaksyunaryong intriga.

Ang panlipunang kalagayan ng lumang lipunan ay halosnatabunan na para sa proletaryado. Walang propyedad

54

* Sa orihinal na German, “ang ‘mapanganib na uri’, ang latak nglipunan” ay “ang lumpenproletaryado.”

ang proletaryo; ang kanyang relasyon sa asawa’t mgaanak ay walang anumang pagkakatulad sa burges narelasyon sa pamilya; inalisan siya ng paggawangmodernong industriya at ng modernong pagpapailalimsa kapital, ng lahat ng bahid ng pambansang katangian,ganoon sa England tulad sa France, sa Amerika tulad ngGermany. Para sa kanya, ang batas, moralidad, atrelihiyon ay napakaraming burges na perhuwisyo napinagkukublihan para sa ambus ng ganoon dingkaraming burges na interes.

Ang lahat ng naunang uri na nangibabaw ay nagsikapna patatagin ang natamo na nilang katayuan sapamamagitan ng pagpapailalim ng lipunan sapangkalahatan sa kanilang mga kondisyon saapropriyasyon. Hindi magiging mga amo ng produk-tibong mga pwersa ng lipunan ang mga proletaryo libankung papawiin ang kanilang sariling lumang moda ngapropriyasyon, at sa gayon, pati lahat ng ibang naunangmoda ng apropriyasyon. Wala silang sariling pag-aaringkailangang tiyakin at patatagin; ang kanilang misyon aywasakin ang lahat ng naunang garantiya at pagtitiyaksa indibidwal na pag-aari.

Lahat ng naunang istorikong kilusan ay kilusan ng mgaminorya, o para sa interes ng mga minorya. Angproletaryong kilusan ay ang mulat sa sarili* atindependyenteng kilusan ng napakalawak na mayorya,sa interes ng napakalawak na mayorya. Ang

55

* Ang salitang “mulat sa sarili” ay wala sa orihinal na German.

proletaryado, ang pinakamababang saray ng atingkasalukuyang lipunan, ay hindi makakakilos, hindimakakabangon kung hindi ipupukol sa hangin angbuong nakadagan na saray ng upisyal na lipunan.

Kahit hindi sa sustansya, pero sa anyo, sa una’y angpakikibaka ng proletaryado laban sa burgesya ay isangpambansang pakikibaka. Mangyari pa, una sa lahat,dapat ipagwagi ng proletaryado ng bawat bayan anglaban sa sarili nitong burgesya.

Sa paglalarawan sa pinakapangkalahatang mga yugtong pag-unlad ng proletaryado, binaybay natin anghumigit-kumulang kubling digmaang sibil na nagaganapsa loob ng umiiral na lipunan, hanggang sa antas nasumisiklab ang digma sa hayag na rebolusyon, at kungsaan inilalatag ng marahas na pagbabagsak sa burgesyaang pundasyon para sa paghahari ng proletaryado.

Hanggang sa panahong ito, gaya ng nakita na natin,nakabatay ang lahat ng anyo ng lipunan sa antagonismong mapang-api at inaaping mga uri. Pero para mang-aping isang uri, dapat tiyakin ang ilang kondisyon para ditokung saan, sa pinakaminimo’y maipagpapatuloy namannito ang pag-iral na parang alipin. Sa panahon ngpagkatimawa, inangat ng timawa ang sarili sa pagigingkasapi ng komuna, tulad ng nagawa ng petiburges naumunlad bilang burges sa ilalim ng paghahari ng pyudalna absolutismo. Kabaligtaran nito, sa halip na umunlad sapag-unlad ng industriya, ang modernong manggagawaay palalim nang palalim na lumulubog sa kalagayang mas

56

mababa sa pag-iral ng sarili niyang uri. Nagiging pulubisiya, at mas mabilis na umuunlad ang pamumulubi kaysapopulasyon at kayamanan. At dito, lumilinaw na hindi nakarapat-dapat na maging naghaharing uri ang burgesya salipunan, at ipataw ang mga kondisyon ng pag-iral nito salipunan bilang batas na nangingibabaw sa lahat. Hindi itokarapat-dapat maghari dahil wala itong kakayahang tiyakinang pag-iral para sa kanyang alipin sa loob ng kanyangpagka-alipin, dahil wala siyang magagawa kundi hayaanang manggagawang dumausdos sa kalagayang iyon, nakailangang pakainin niya ang manggagawa sa halip na siyaang palamunin nito. Hindi na makakapamuhay anglipunan sa ilalim ng burgesyang ito; sa madaling salita, angpag-iral nito ay hindi na tumutugma sa lipunan.Ang esensyal na mga kondisyon para sa pag-iral at parasa paghahari ng uring burges ay ang pormasyon atpagpapalaki ng kapital*; ang kondisyon para sa kapitalay ang sahurang paggawa.

Eksklusibong nakasalalay ang sahurang paggawa sakumpetisyon sa hanay ng mga manggagawa. Ihinahaliling pagsulong ng industriya, na ang imboluntaryongpromotor ay ang ang burgesya, sa pagkakahiwalay ng mgamanggagawa dahil sa kumpetisyon ang rebolusyonaryongkombinasyon dahil sa asosasyon. Samakatwid, inaalis ngpag-unlad ng Modernong Industriya mismo ang

57

* Sa orihinal na German, ganito ang pangungusap na ito: “Angesensyal na kondisyon para sa pag-iral, at para sa paghahari nguring burges, ay ang akumulasyon ng kayamanan sa mga kamayng pribadong indibidwal, ang pormasyon at awgmentasyon....”

pinakapundasyon kung saan nakasalalay ang paglikha atapropriyasyon ng burgesya sa mga produkto. Higit sa lahat,ang nililikha kung gayon ng burgesya ay ang mgatagahukay sa sarili nitong libingan. Kapwa tiyak angkanyang pagbagsak at ang tagumpay ng proletaryado.

IIAng mga Manggagawa at mga Komunista

Ano ang ugnayan ng mga Komunista sa mgamanggagawa sa kabuuan?

Hindi nagbubuo ang mga Komunista ng hiwalay napartido na salungat sa ibang mga partido ng uringmanggagawa.

Wala silang interes na hiwalay at bukod sa interes ngproletaryado sa kabuuan.

Hindi sila nagtatakda ng anumang sariling sektaryang*prinsipyo kung saan hinuhubog at hinuhulma angproletaryong kilusan.Ang mga Komunista ay naiiba mula sa ibang mga partidong uring manggagawa sa sumusunod lamang: (1) Sa mgapambansang pakikibaka ng mga manggagawa ng iba’tibang bayan, inilalahad at ipinauuna nila ang mga interes

58

na komun ng buong proletaryado, na independyente salahat ng nasyunalidad. (2) Sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad na kailangang daanan ng pakikibaka ng uringmanggagawa laban sa burgesya, sa lahat ng pagkakataonat sa lahat ng dako, kinakatawan nila ang interes ngkilusan sa kabuuan.Samakatwid, ang mga Komunista sa isang banda, sapraktika, ay ang pinakaabante at pinakamatatag naseksyon ng mga partido ng uring manggagawa ng lahatng bayan, ang seksyong nagsusulong sa lahat ng ibangseksyon; sa kabilang banda, sa teorya, may bentahe silasa malawak na masa ng proletaryado dahil malinawnilang nauunawaan ang mga linya ng pagsulong, angmga kondisyon, at ang ultimong pangkalahatang resultang proletaryong kilusan.Ang kagyat na layunin ng mga Komunista ay kaparehong lahat ng ibang proletaryong partido: ang pagbubuong proletaryado bilang isang uri, ang pagbabagsak sapangingibabaw ng burgesya, at ang pag-agaw ngproletaryado sa kapangyarihang pampulitika.

Ang mga teoretikal na kongklusyon ng mga Komunistaay hinding-hindi nakabatay sa mga ideya o prinsipyona inimbento, o tinuklas, ng tagarepormang ito o iyonna gustong maging unibersal.

Sa karaniwang salita, inilalahad lamang nila ang aktwal namga relasyon na lumilitaw mula sa umiiral na tunggalian sa

59

* Sa orihinal na German, ang salitang “sektaryan” ay “espesyal”.

uri, mula sa isang istorikong kilusan na nagaganap sa atingharapan mismo. Ang abolisyon ng umiiral na relasyon sapag-aari ay hinding-hindi isang natatanging katangian ngkomunismo.

Lahat ng relasyon sa pag-aari sa nakaraan ay patuloy nanapailalim sa istorikong pagbabago bunga ng pagbabagosa istorikong mga kalagayan.

Halimbawa, pinawi ng Rebolusyong Pranses ang pyudalna propyedad pabor sa burges na propyedad.

Ang naiibang katangian ng komunismo ay hindi angabolisyon ng pag-aari sa pangkalahatan, kundi angabolisyon ng burges na pag-aari. Pero ang modernongpribadong pag-aaring burges ang huli at pinakaganapna ekspresyon ng sistema ng paglilikha at apropriyasyonng produkto na nakabatay sa makauring antagonismo,sa pagsasamantala sa marami ng iilan*.

Sa ganitong pakahulugan, maaaring lagumin ang teoryang mga Komunista sa iisang pangungusap: abolisyon ngpribadong pag-aari.

Inaalipusta kaming mga Komunista na naghahangad napawiin ang karapatan na personal na makapag-angkinng propyedad bilang bunga ng sariling paggawa ng tao,at sinasabing ang propyedad na ito ay pundasyon nglahat ng personal na kalayaan, aktibidad at kasarinlan.

60

* Sa orihinal na German, ang mga salitang “pagsasamantala samarami ng iilan” ay “ang pagsasamantala sa ilan ng iba pa.”

Pinaghirapan, nabili, pinagtipunang propyedad! Ang ibigba ninyong sabihin ay ang propyedad ng maliliit na artisanoat ng maliliit na magsasaka, isang anyo ng propyedad nanauna sa anyong burges? Walang pangangailangangpawiin iyon; sa malaking antas, winasak na iyon ng pag-unlad ng industriya, at patuloy pa itong winawasakaraw-araw.

O ang ibig mong sabihin ay ang modernong burges napribadong pag-aari?

Pero lumilikha ba ang sahurang paggawa ng anumangpag-aari para sa manggagawa? Wala ni katiting. Nililikhanito ang kapital, ibig sabihin, ang tipo ng propyedad nanagsasamantala sa sahurang paggawa, at hindimapapalaki maliban sa mga kalagayan ng pagluluwalng bagong suplay ng sahurang paggawa para sapanibagong pagsasamantala. Sa kasalukuyang anyo nito,nakabatay ang propyedad sa antagonismo ng kapital atsahurang paggawa. Suriin natin ang magkabilang panigng antagonismong ito.

Ang pagiging kapitalista ay hindi pagtatamo ng isangpurong personal na katayuan sa produksyon lamang,kundi isang panlipunang katayuan sa produksyon. Angkapital ay isang produktong kolektibo, at sapamamagitan lamang ng nagkakaisang pagkilos ngmaraming myembro, hindi, sa kahuli-hulihan, sapamamagitan lamang ng nagkakaisang pagkilos ng lahatng myembro ng lipunan maaari itong mapagana.

61

Kung gayon, ang kapital ay hindi lamang personal nakapangyarihan, isa itong kapangyarihang panlipunan.

Kung gayon, kapag ginagawang pag-aaring komun angkapital, kapag ginagawa itong pag-aari ng lahat ngmyembro ng lipunan, hindi itinatransporma ang personalna pag-aari sa pamamagitan nito bilang panlipunangpag-aari. Ang katangiang panlipunan lamang ng pag-aari ang binabago. Nawawala ang makauring katangiannito.

Dumako naman tayo sa sahurang paggawa.

Ang karaniwang presyo ng sahurang paggawa ay angminimum na sahod, ibig sabihin, ang kabuuan ng mgapanustos sa buhay na absolutong rekisito para halosmapanatili na lamang na buhay ang manggagawa bilangmanggagawa. Kung gayon, ang nakukuha ng sahurangmanggagawa sa pamamagitan ng kanyang paggawa aysumasapat lamang para pahabain at muling likhain angkalagayang halos mabuhay lamang. Hinding-hindinamin nilalayon na pawiin ang personal naapropriyasyong ito ng mga produkto ng paggawa, isangapropriyasyon na ginagawa para sa pagmementina atreproduksyon ng buhay ng tao, na hindi nag-iiwan ngsarplas na magagamit para kontrolin ang paggawa ngiba. Ang tanging hangad naming pawiin ay angmiserableng katangian ng apropriyasyong ito, kung saannabubuhay lamang ang manggagawa para palakihin angkapital, at hinahayaang mabuhay hangga’tkinakailangan lamang ito ng interes ng naghaharing uri.

62

Sa lipunang burges, ang buhay na paggawa ay isa lamangpamamaraan para palakihin ang nakaimbak na paggawa.Sa lipunang komunista, ang nakaimbak na paggawa ayisa lamang paraan para palawakin, payamanin atpaunlarin ang buhay ng manggagawa.

Kung gayon, sa lipunang burges, dinodomina ngnakaraan ang kasalukuyan; sa lipunang komunista,dinodomina ng kasalukuyan ang nakaraan. Sa lipunangburges, ang kapital ay independyente at mayindibidwalidad, habang ang buhay na tao aydependyente at walang indibidwalidad.

Ang pagpawi sa ganitong katayuan ay tinatawag ng burgesna abolisyon ng indibidwalidad at kalayaan! Tama nga iyon.Walang dudang nilalayon ang abolisyon ng burges naindibidwalidad, burges na independensya, at burges nakalayaan.

Ang kahulugan ng kalayaan, sa ilalim ng kasalukuyangkalagayan ng produksyong burges, ay malayangkalakalan, malayang pagbebenta at pamimili.

Pero kung mawawala ang pagbebenta at pamimili,mawawala rin ang malayang pagbebenta at pamimili.Ang usap-usapan tungkol sa malayang pagbebenta atpamimili, at lahat ng ibang “matatapang na pananalita”ng ating burges tungkol sa kalayaan sa pangkalahatanay may kahulugan, kung mayroon man, kung itatapatlamang sa restriktadong pagbebenta at pamimili at sarestriktadong mga komersyante ng KapanahunangMidyebal, ngunit walang kahulugan kung itatapat sa

63

komunistang abolisyon ng pagbebenta at pamimili, o ngmga kalagayan ng produksyong burges, at sakomunistang abolisyon ng burgesya mismo.

Kinikilabutan kayo sa paglalayon naming pawiin angpribadong pag-aari. Pero sa inyong umiiral na lipunan,pinapawi na ang pribadong pag-aari para sa siyam sabawat sampu ng populasyon; ang pag-iral nito para saiilan ay bukod-tanging dahil hindi ito umiiral sa mgakamay ng siyam sa bawat sampung iyon. Ikinagagalitninyo sa amin, kung gayon, ang paglalayong pawiin angisang anyo ng pag-aari, na ang kinakailangang kondisyonnaman para makairal ay ang kawalan ng anumang pag-aari para sa napakalaking mayorya ng lipunan.

Sa madaling salita, ikinagagalit ninyo sa amin angpaglalayong pawiin ang inyong pag-aari. Ganoon nga;iyan mismo ang aming nilalayon.

Sa sandaling hindi na magagawang kapital, salapi o upaang paggawa, hindi na maaaring gawing isangkapangyarihang panlipunan na pwedeng monopolisahin,ibig sabihin, sa sandaling hindi na magagawang burgesna pag-aari o kapital* ang indibidwal na pag-aari, sasandaling iyon, ayon sa inyo, naglalaho angindibidwalidad.

Samakatwid, dapat aminin ninyo na ang ibig ninyongsabihin sa “indibidwal” ay walang iba kundi ang burgesna tao, ang panggitnang uring may-ari ng propyedad.

64

* Ang salitang “kapital” ay wala sa orihinal na German.

Dapat ngang kalusin at gawing imposible ang ganitongtao.

Hindi inaalisan ng Komunismo ang sinuman ngkapangyarihang angkinin ang mga produkto ng lipunan;ang tanging ginagawa nito ay alisan siya ngkapangyarihan na angkinin ang paggawa ng iba sapamamagitan ng ganoong apropriyasyon.

Itinututol na sa abolisyon ng pribadong pag-aari, titigilang lahat ng pagtatrabaho, at mangingibabaw sa atin angunibersal na katamaran.

Sang-ayon sa ganitong pangangatwiran, dapat matagalnang nabulok ang lipunang burges dahil sa tahasangkatamaran; dahil ang mga myembro nito na nagtatrabahoay walang naaangkin, at ang mga nakakaangkin nganupaman ay hindi nagtatrabaho. Ang kabuuan ngpagtutol na ito ay isa lamang ekspresyon ng sumusunodna tautolohiya: hindi na maaaring magkaroon ngsahurang paggawa kung wala nang kapital.

Lahat ng pagtutol na iniuupat laban sa komunistikongmoda sa paglikha at apropriyasyon ng materyal namga produkto, ay iniuupat sa gayon ding paraan labansa komunistikong moda sa paglikha at apropriyasyonng mga produktong intelektwal. Katulad ng angpaglalaho ng makauring pag-aari para sa burges ay angpaglalaho ng produksyon mismo, ganoon din, para sakanya, ang paglalaho ng makauring kultura ay katumbasng paglalaho ng lahat ng kultura.

65

Para sa napakalaking mayorya, ang kulturang iyon, naipinanaghoy ng burges ang paglalaho, ay isang simplengpagsasanay na kumilos na parang makina.

Gayunman, huwag na kayong makipagtalo sa aminhanggang nilalapat ninyo sa aming nilalayong abolisyonng burges na pag-aari ang pamantayan ng inyong burgesna mga ideyang kalayaan, kultura, batas, atbp. Ang mgaideya ninyo mismo ay iniluwal lamang ng mgakondisyon ng inyong burges na produksyon at burgesna pag-aari, gaya ng ang inyong sistema ng batas aykapasyahan lamang ng inyong uri na ginawang bataspara sa lahat, isang kapasyahan na ang esensyal nakatangian at direksyon ay itinatakda ng mga kalagayansa ekonomya ng pag-iral ng inyong uri.

Ang makasariling maling kuru-kuro na nagtutulak sainyong itransporma bilang eternal na mga batas ngkalikasan at pangangatwiran ang mga anyongpanlipunan na iniluluwal ng inyong kasalukuyang modasa produksyon at anyo ng pag-aari—istorikong mgarelasyon na lumilitaw at naglalaho sa pag-unlad ngproduksyon—katulad ninyo, ang maling kuru-kurong itoay maling kuru-kuro ng lahat ng naghaharing uri na naunasa inyo. Ang inyong malinaw na nakikita sa kaso ngsinaunang pag-aari, ang inyong inaamin sa kaso ngpyudal na pag-aari, mangyari pa, ay hindi ninyopwedeng aminin sa kaso ng inyong sariling burges naanyo ng pag-aari.

66

Abolisyon ng pamilya! Kahit na ang pinakaradikal aynag-iinit ang ulo sa napakasamang panukalang ito ngmga Komunista.Sa anong pundasyon nakabatay ang kasalukuyangpamilya, ang pamilyang burges? Sa kapital, sa pribadongtubo. Sa kanyang buung-buong anyo, umiiral lamangang pamilyang ito sa hanay ng burgesya. Pero angkatapat ng katayuang ito ay ang halos kawalan ngpamilya sa hanay ng mga manggagawa, at saprostitusyong publiko.Mangyari pa’y maglalaho ang pamilyang burges kapagmaglaho ang katapat nito, at kapwa’y maglalaho sapaglalaho ng kapital.Ibinibintang ba ninyo sa amin na gusto naming itigil angpagsasamantala sa mga bata ng kanilang mga magulang?Inaamin namin ang krimeng ito.Pero, ayon sa inyo, winawasak namin ang pinakasagradosa mga relasyon kung ihahalili natin sa edukasyongpantahanan ang edukasyong panlipunan.At ang inyong edukasyon! Hindi ba iyo’y panlipunanrin, at itinatakda ng mga kalagayang panlipunan kungsaan kayo’y nagbibigay ng edukasyon, ng interbensyonng lipunan, tuwiran man o di tuwiran, sa pamamagitanng mga paaralan, atbp.? Hindi sinadya ng mgaKomunista ang interbensyon ng lipunan sa edukasyon;ang nilalayon lamang nila ay baguhin ang katangian nginterbensyong iyon, at iligtas ang edukasyon mula saimpluwensya ng naghaharing uri.

67

Ang burges na satsat tungkol sa pamilya at edukasyon,tungkol sa sagradong relasyon ng mga magulang at bata,ay lalong nagiging kasuklam-suklam sa higit napaglalansag sa ugnayang pampamilya sa hanay ng mgamanggagawa, at ang kanilang mga anak ay nagigingsimpleng mga artikulo ng komersyo at mga instrumentong paggawa dahil sa tulak ng Modernong Industriya.Pero pasisimulan ninyong mga Komunista angkomunidad ng kababaihan, sabay-sabay na hiyaw ngburgesya.Ang nakikita ng burges sa kanyang asawa ay isa lamanginstrumento sa produksyon. Naririnig niya na ang mgainstrumento sa produksyon ay gagamitin nang komun,at mangyari pa, walang ibang kongklusyon siyangmahalaw liban sa ang kapalarang komun ng lahat angsiya ring mangyayari sa kababaihan.Wala siya ni anumang hinala na ang tunay na punto nanilalayon ay ang pagpawi sa katayuan ng kababaihanbilang mga instrumento sa produksyon lamang.

Dagdag pa, wala nang mas katawa-tawa pa sa mapag-malinis na indignasyon ng ating burges sa komunidadng kababaihan, na sa pagkukunwa nila’y hayagan atupisyal na itatatag ng mga Komunista. Hindi nakailangang pasimunuan ng mga Komunista angmalayang pagmamahalan; umiral na ito sa mula’t sapul.

Hindi nakukuntento sa kalagayang nasa ilalim ngkapangyarihan nila ang mga asawa at anak na babae ngkanilang manggagawa, huwag nang banggitin pa ang

68

karaniwang mga puta, siyang-siya pa ang ating burges sapang-aakit sa asawa ng isa’t isa.

Sa katunayan, ang burges na kasal ay isang sistema ngmga asawang komun at sa gayon, sa kasagaran, angmaaaring ikagalit sa mga Komunista ay gusto nilangpasimulan, kahalili ng ipokritong ikinukubling sistema,ang isang hayagang ligalisadong sistema ng malayangpagmamahalan. Sa kabuuan, malinaw na sa abolisyonng kasalukuyang sistema ng produksyon, magigingkaakibat ang abolisyon ng malayang pagmamahalan nainiluluwal ng sistemang iyon, ibig sabihin, ngprostitusyon, kapwa publiko at pribado.

Dagdag pa, ikinagagalit sa mga Komunista angpaghahangad na pawiin ang mga bayan at nasyunalidad.

Walang bayan ang mga manggagawa. Hindi natinmababawi sa kanila ang bagay na wala sila. Dahil unasa lahat, dapat makamit ng proletaryado angpangingibabaw sa pulitika, dapat umangat bilangnamumunong uri ng bansa*, dapat itatag ang sarili bilangsiyang bansa, hanggang sa antas na iyon, ito mismo’ypambansa, pero hindi sa burges na pakahulugan ngsalita.

Araw-araw, pawala nang pawala ng mga pagkakaiba atantagonismong pambansa sa pagitan ng mgamamamayan dahil sa pag-unlad ng burgesya, sakalayaan ng komersyo, sa pandaigdigang pamilihan, sa

69

* Sa orihinal na German, ang mga salitang “ang namumunong uring bansa” ay “ang pambansang uri”.

unipormidad sa moda ng produksyon at sa kondisyonsa buhay na nakabatay dito.

Idudulot ng pangingibabaw ng proletaryado ang masmabilis na paglaho ng mga ito. Ang nagkakaisangpagkilos ng nangungunang sibilisadong mga bayan sapinakaminimo ang isa sa unang mga kondisyon para sapagpapalaya ng proletaryado.

Sa antas na wawakasan ang pagsasamantala ng isangindibidwal sa isa pa, wawakasan din ang pagsasaman-tala ng isang bansa ng isa pa. Sa antas na naglalaho angantagonismo sa pagitan ng mga uri sa loob ng bansa,ang hostilidad ng isang bansa sa isa pa ay magwawakas.

Ang mga akusasyon laban sa komunismo mula sarelihiyoso, pilosopiko at sa pangkalahatan, pang-ideolohiyang paninindigan ay hindi karapat-dapatbigyan ng seryosong pagsusuri.

Kailangan pa ba ng malalim na intuwisyon paramaunawaan na nagbabago ang mga ideya, pananaw atkonsepsyon ng tao, sa madaling salita, ang kamulatan ngtao, sa bawat pagbabago sa mga kalagayan ng kanyangmateryal na buhay, sa kanyang mga relasyongpanlipunan at sa kanyang buhay panlipunan?

Ano pa ang pinatutunayan ng kasaysayan ng mga ideya,liban sa binabago ng intelektwal na produksyon angkanyang katangian sa antas na nagbabago ang materyalna produksyon? Lagi’t lagi, ang nangingibabaw na mgaideya ng bawat kapanahunan ay ang mga ideya ngnaghaharing uri nito.70

Kapag pinag-uusapan ang mga ideya na nagrerebolu-syonisa ng lipunan, ang inilalahad lamang ng mga itoay ang katotohanan na sa loob ng lumang lipunan,nalikha na ang mga elemento ng bagong lipunan, at angpagkalusaw ng lumang mga ideya ay sumasabay sapagkalusaw ng lumang mga kalagayan ng buhay.

Nang naghihingalo na ang sinaunang daigdig, angsinaunang mga relihiyon ay ginapi ng Kristyanidad.Nang matalo ang mga ideyang Kristyano saikalabingwalong siglo ng mga ideyang rasyunalista,sinuong ng lipunang pyudal ang kanyang huling labansa burgesya na noo’y rebolusyonaryo. Nagbibigaylamang ng ekspresyon ang mga ideya ng kalayaan sarelihiyon at kalayaan sa konsyensya sa pangingibabawng malayang kumpetisyon sa loob ng kaharian ngkaalaman.*

Maaaring sabihin, “Walang duda na nabago ang mgaideyang relihiyoso, moral, pilosopikal, at huridikal saproseso ng istorikong pag-unlad. Pero lagi’t lagingnananatili ang relihiyon, moralidad, pilosopiya,syensyang pampulitika, at batas sa lahat ng pagbabagongito.”“Bukod pa rito, mayroong eternal na mga katotohanan,gaya ng Kalayaan, Katarungan, atbp., na komun sa lahatng estado ng lipunan. Pero pinapawi ng komunismo ang

71

* Sa edisyong German ng 1848, ang salitang “kaalaman” ay“konsyensya.” Sa mga edisyong German ng 1872, 1883 at 1890,ang salitang “kaalaman” ay ginagamit nang tulad sa salin sa Ingles.

eternal na mga katotohanan, pinapawi nito ang lahat ngrelihiyon, at lahat ng moralidad, sa halip na itatag angmga ito sa isang bagong batayan; samakatwid, kumikilosito nang kasalungat sa lahat ng nakaraang istorikongkaranasan.”Ano ang buod ng akusasyong ito? Ang kasaysayan nglahat ng nakalipas na lipunan ay binubuo ng pag-unladng makauring mga antagonismo, mga antagonismongnagkaroon ng iba’t ibang anyo sa iba’t ibangkapanahunan.Pero anuman ang anyo nito, isang katotohanan angkomun sa lahat ng nakalipas na kapanahunan, ibigsabihin, ang pagsasamantala ng isang bahagi ng lipunansa isa pa. Kung gayon, hindi katakataka na angkamulatang panlipunan ng nakalipas na mgakapanahunan, sa kabila ng lahat ng multiplisidad atpagkakaiba-iba na ipinakikita nito, ay umiinog sa ilanganyong komun o pangkalahatang mga ideya na hindimaaaring ganap na maglaho liban kung ganap namaglalaho ang makauring antagonismo.

Ang rebolusyong komunista ang pinakaradikal napaghulagpos sa tradisyunal na mga relasyon sa pag-aari;hindi katakataka na kabahagi ng pag-unlad nito angpinakaradikal na paghulagpos sa tradisyunal na mgaideya.

Pero iwan na natin ang mga pagtutol ng burges sakomunismo.

72

Nakita natin sa itaas na ang unang hakbang sa rebolusyonng uring manggagawa ay iangat ang proletaryado sapusisyon ng naghaharing uri para ipagwagi ang labansa demokrasya.

Gagamitin ng proletaryado ang kanyang pangingibabawsa pulitika para agawin nang antas-antas ang lahat ngkapital mula sa burgesya, para sentralisahin ang lahatng instrumento sa produksyon sa mga kamay ng estado,ibig sabihin, ang proletaryado na organisado bilangnaghaharing uri, at para palakihin ang kabuuang mgapwersa sa produksyon sa pinakamabilis na paraangposible.

Mangyari pa, sa simula, hindi ito maaaring maisagawaliban sa pamamagitan ng despotikong pagsaklaw sa mgakarapatan sa pag-aari, at sa mga kalagayan ngproduksyong burges; samakatwid, sa pamamagitan ngmga hakbang na mukhang di sapat at di mapangha-hawakan sa ekonomya, pero sa landas ng kilusan aymahihigitan ang sarili, hihingi ng dagdag pangpagsaklaw sa lumang kaayusang panlipunan*, at hindimaiiwasan bilang pamamaraan sa lubos napagrerebolusyonisa ng moda sa produksyon.Mangyari pa, mag-iiba-iba ang mga hakbang na ito saiba’t ibang bayan.

73

* Ang mga salitang “hihingi ng dagdag pang pagsaklaw sa lumangkaayusang panlipunan” ay wala sa orihinal na German.

Gayunpaman, sa karamihan ng abanteng bayan,humigit-kumulang ay maaari sa pangkalahatan ang mgasumusunod:1. Abolisyon ng pag-aari sa lupa at paglalaan ng lahat

ng upa sa lupa para sa mga layuning publiko.2. Isang mabigat na progresibo o anda-andanang buwis sa

kita.3. Abolisyon ng lahat ng karapatan sa pagmamana.4. Kumpiskasyon ng pag-aari ng lahat ng nagsilikas at

rebelde.5. Sentralisasyon ng pautang sa mga bangko ng estado

sa pamamagitan ng isang pambansang bangko namay kapital ng estado at eksklusibong monopolyo.

6. Sentralisasyon ng kagamitan sa komunikasyon attransportasyon sa mga kamay ng estado.

7. Pagpapalawak ng mga pabrika at instrumento sa pro-duksyon na pag-aari ng estado; ang paglilinang ngmga lupaing di natatamnan, at ang pagpapaunlad nglupa sa kalahatan alinsunod sa isang planong komun.

8. Pantay na obligasyon ng lahat na magtrabaho.Pagtatatag ng mga hukbong industriyal, laluna parasa agrikultura.

9. Kumbinasyon ng agrikultura sa mga industriya samanupaktura; unti-unting abolisyon ng lahat ng

74

* Sa edisyong German ng 1848, ang salitang “pagkakaiba” ay “anti-tesis.” Sa mga edisyong German ng 1872, 1883, at 1890, ang salitang“pagkakaiba” ay ginamit nang tulad ng sa salin sa Ingles.

pagkakaiba * sa pagitan ng kalunsuran at kanayunansa pamamagitan ng mas matwid na distribusyon ngpopulasyon sa buong bayan**.

10. Libreng edukasyon para sa lahat ng bata sa mgapaaralang publiko. Abolisyon ng paggawa sa pabrikang bata sa kasalukuyan nitong anyo. Kumbinasyonng edukasyon sa industriyal na produksyon***, atbp.

Kapag naglaho na ang mga kaibahan sa uri sa prosesong pag-unlad, at lahat ng produksyon ay nakonsentra samga kamay ng isang malawak na asosasyon ng buongbansa, mawawala ang pampulitikang katangian ngkapangyarihang publiko. Ang kapangyarihangpampulitika, sa wastong pakahulugan nito, ay angorganisadong kapangyarihan lamang ng isang uri parasa pang-aapi sa isa pang uri. Kung mapipilitan angproletaryado sa kanyang pakikitunggali sa burgesya,dala ng mga sirkunstansya, na organisahin ang sarilibilang isang uri; kung sa pamamagitan ng isangrebolusyon, magawa nitong maging naghaharing uri angsarili, at bilang naghaharing uri, pwersahang winawalisang lumang mga kondisyon sa produksyon, kung gayon,wawalisin nito, kasama ng mga kondisyong ito, ang mgakondisyon sa pag-iral ng makauring mga antagonismo at

75

** Wala ang mga salitang “sa pamamagitan ng mas matwid nadistribusyon ng populasyon sa buong bayan” sa orihinal naGerman.*** Sa orihinal na German, ang mga salitang “industriyal naproduksyon” ay “materyal na produksyon.”

ng mga uri sa pangkalahatan*, at sa gayon ay mapapawirin ang sariling pangingibabaw bilang uri.Kapalit ng lumang lipunang burges, kasama ang mgauri at makauring mga antagonismo nito, magkakaroontayo ng isang asosasyon kung saan ang malayang pag-unlad ng bawat isa ang kondisyon para sa malayang pag-unlad ng lahat.

IIIPanitikang Sosyalista at Komunista1. Reaksyunaryong Sosyalismo

a. Sosyalismong PyudalDahil sa kanilang istorikong pusisyon, naging gawainng mga aristokrasya sa France at England ang pagsusulatng mga pampleto laban sa modernong lipunang burges.Sa Rebolusyong Pranses ng Hulyo 1830, at sa ahitasyonpara sa reporma sa England, nagapi na naman ang mgaaristokrasyang ito ng kamuhi-muhing baguhan.Magmula noon, hinding-hindi na uubra ang seryosongpampulitikang pakikibaka. Isang labanan sa panitikanna lamang ang maaaring maganap. Pero kahit na sa

76

* Sa mga edisyong German ng 1872, 1883 at 1890, ang mga salitang“wawalisin nito ang mga kondisyon sa pag-iral ng makauringmga antagonismo at ng mga uri sa pangkalahatan” ay “winalis angmga kalagayan para sa pag-iral ng mga antagonismo sa uri,at ang mga uri sa pangkalahatan.” Sa edisyong German ng1848, pareho ang ginamit na salita ng sa salin sa Ingles.

larangan ng panitikan, ang lumang mga sigaw ngkapanahunan ng restorasyon ay imposible na.37

Para makakuha ng simpatya, naobliga ang aristokrasya namagmistulang tumatalikod sa sarili nitong mga interes,at ilahad ang sakdal nito laban sa burgesya sa interes ngpinagsasamantalahang uring manggagawa lamang. Sagayon, gumanti ang aristokrasya sa pamamagitan ngpag-aawit ng panunuya sa kanilang bagong mga amo atpagbubulong sa kanyang tainga ng nakakatakot na mgahula ng napipintong kapahamakan.

Sa ganitong paraan lumitaw ang pyudal na Sosyalismo:bahagyang panaghoy, bahagyang panunuya; bahagyangalingawngaw ng nakalipas, bahagyang banta nghinaharap; minsan, tumatama sa burgesya sa pinakasentrong puso sa kanyang mapait, mapagbiro at matalas nakritisismo, pero laging katawa-tawa sa epekto nito, dahilganap na wala itong kakayahan na unawain angpagsulong ng modernong kasaysayan.

Iwinagayway ng aristokrasya ang palimusan ngmanggagawa bilang bandila para makabig angmamamayan sa kanilang panig. Pero dahil madalas naitong sumama sa kanila, nakita ng mamamayan sakanilang puwitan ang lumang pyudal na bandila, atiniwan sila nang may malakas at walang galang nahalakhak.

Ipinamalas ng isang seksyon ng mga Legitimist ng Franceat “Young England” ang palabas na ito:

77

Sa pagpapakita na kakaiba ang kanilang moda ngpagsasamantala sa moda ng burgesya, kinalimutan ng mgapyudalista na nagsamantala sila sa sirkunstansya atkalagayan na ibang-iba at ngayon ay lipas na. Sa pagdidiinna hindi kailanman umiral ang modernong proletaryadosa ilalim ng kanilang paghahari, kinakalimutan nila na angmodernong burgesya ang kinakailangang supling ngkanilang sariling anyo ng lipunan.

Bukod pa dito, hindi na nila halos ikinukubli angreaksyunaryong katangian ng kanilang kritisismo na angkanilang pangunahing akusasyon laban sa burges ay ganito:na sa ilalim ng rehimeng burges, umuunlad ang isang urina nakatakdang putulin sa ugat at sanga ang lumangkaayusan ng lipunan.

Binabanatan nila ang burgesya hindi gaanong dahil sanililikha nito ang proletaryado kundi dahil nililikha nitoang isang rebolusyonaryong proletaryado.

Samakatwid, sa praktika sa pulitika, kasama sila sa lahatng mapanupil na hakbang laban sa uring manggagawa;at sa karaniwang buhay, sa kabila ng kanilangmagagandang pakinggang pananalita, dumudukwangsila para pulutin ang gintong mga mansanas nanalalaglag mula sa puno ng industriya*, at ipinagpapalitang katotohanan, pagmamahal, at karangalan, paramakapagbenta ng lana, asukal, at alak mula sa patatas.39

78

* Ang mga salitang “nalaglag mula sa puno ng industriya” aywala sa orihinal na German.

Tulad ng laging malapit na pagtutulungan ng pari sapanginoong maylupa, ganoon din ang pagsasama ngsosyalismong klerikal sa sosyalismong pyudal.Wala nang dadali pa sa pagbibigay ng sosyalistang bahidsa asetisismong Kristiyano. Hindi ba’t nagtatalumpati angKristyanidad laban sa pribadong pag-aari, laban sa kasal,laban sa estado? Hindi ba’t nangangaral ito ng kawanggawaat karalitaan, celibacy at penitensya ng katawang lupa, buhaymonastiko at Inang Simbahan kapalit ng lahat ng ito? Angsosyalismong Kristyano* ang sagradong tubig lamangna ginagamit ng pari para basbasan ang nag-aalab namga hangarin ng aristokrata.

b. Sosyalismong PetiburgesHindi lamang ang pyudal na aristokrasya ang tanginguri na winasak ng burgesya, hindi lamang ito angtanging uri na humina nang husto at pumanaw sakapaligiran ng modernong lipunang burges. Ang mgaburgess at ang maliliit na nagmamay-aring magsasakaang mga tagapagpauna ng modernong burgesya. Sa mgabayang hindi pa gaanong maunlad sa industriya atkomersyo, nabubuhay nang walang sigla ang dalawanguring ito kasabay ng sumisibol na burgesya.Sa mga bayang ganap nang maunlad ang modernongsibilisasyon, nabuo ang isang bagong uri na petiburges,

79

* Sa edisyong German ng 1848, ang salitang “Kristyano” ay “Banalat pangkasalukuyan.” Sa mga edisyong German ng 1872, 1883 at1890, ang salitang “Kristyano” ay ginamit nang tulad sa salin saIngles.

na taas-baba sa pagitan ng proletaryado at burgesya, atlaging sinasariwa ang sarili bilang suplementaryongbahagi ng lipunang burges. Gayunman, palagingnalalaglag sa proletaryado ang indibidwal na myembrong uring ito dahil sa kilos ng kumpetisyon, at habangumuunlad ang Modernong Industriya, natatanaw nilangpapalapit ang sandali na ganap silang maglalaho bilangindependyenteng seksyon ng modernong lipunan, athahalinhan sa manupaktura, agrikultura at komersyo ngmga superbisor, katiwala at shopmen.Sa mga bayang tulad ng France kung saan bumubuo angmga magsasaka ng higit sa kalahati ng populasyon, naturalna gamitin ng mga manunulat na pumanig saproletaryado laban sa burgesya, sa kanilang kritisismosa rehimeng burges, ang bandila ng magsasaka atpetiburges, at ipaglaban ang uring manggagawa mulasa paninindigan ng intermedyang mga uring ito. Ganoonlumitaw ang sosyalismong petiburges. Si Sismondi angpinuno ng sistema ng kaisipang ito, hindi lamang saFrance kundi maging sa England.

Napakatalas na sinuri ng sistema ng kaisipangsosyalismong ito ang mga kontradiksyon sa kalagayanng modernong produksyon. Inilantad nito ang ipokritongpangangatwiran ng mga ekonomista. Dimapapasubaliang pinatunayan nito ang mapanalantangepekto ng makinarya at hatian sa paggawa; kon-sentrasyon ng kapital at lupa sa iilang kamay; labis naproduksyon at mga krisis; ipinakita nito ang dimaiiwasang pagbagsak ng petiburges at magsasaka, ang

80

pagdarahop ng proletaryado, ang anarkiya saproduksyon, ang naghuhumiyaw na di pagkakapantay-pantay sa distribusyon ng yaman, ang industriyal nadigmang mapanlipol sa pagitan ng mga bansa, angpagkalusaw ng lumang mga buklod sa moralidad, nglumang relasyon sa pamilya, at ng lumang nasyu-nalidad.

Gayunman, sa positibong mga layunin nito, inaadhikang anyong ito ng sosyalismo na panumbalikin anglumang mga kagamitan sa produksyon at palitan, atkaakibat nito, ang lumang mga relasyon sa pag-aari atang lumang lipunan, o kaya’y isiksik ang modernongmga kagamitan sa produksyon at palitan sa loob ngbalangkas ng lumang mga relasyon sa pag-aari napinasabog, o tiyak na pasasabugin ng mga kagamitan saproduksyon at palitang iyon. Alinman sa dalawa aykapwa reaksyunaryo at Utopyan.

Ang huling mga salita nito ay: Korporadong mga gremyopara sa manupaktura; relasyong patriyarkal saagrikultura.

Sa kahuli-hulihan, kapag napawi na ng magiit naistorikong pangyayari ang lahat ng nakalalangong epektong panlilinlang sa sarili, nagwawakas ang anyong ito ngSosyalismo sa bugso ng matinding kalungkutan*.

81

*Sa orihinal na German, ganito ang pangungusap na ito, “Sakanyang kasunod na pag-unlad, nalubog ang tendensyang itosa duwag na silakbo ng pagkabigo.”

k. German o “Tunay” na Sosyalismo

Ang panitikang sosyalista at komunista ng France, isangpanitikan na lumitaw sa ilalim ng presyur ng isangburgesyang nasa kapangyarihan at siyang ekspresyonng pakikibaka laban sa kapangyarihang ito ay ipinasoksa Germany sa panahong ang burgesya sa bayang iyonay nagsisimula pa lamang sa pakikitunggali nito sapyudal na absolutismo.

Tuwang-tuwang sinunggaban ang panitikang ito ng mgapilosopo, naghahangad maging pilosopo at manunulatna German, nang kinakalimutan naman na nangnagtungo sa Germany ang mga sulating ito, hindilumikas kasabay ng mga ito ang mga kalagayangpanlipunang Pranses. Kaharap ng mga kalagayangpanlipunang German, nawala ang lahat ng kabuluhangpraktikal ng panitikang Pranses na ito at nagkahugisbilang lantay na aspetong pampanitikan*. Sa gayon, parasa mga pilosopong German ng ikalabingwalong siglo, angmga hinihingi ng unang Rebolusyong Pranses ay walangiba kundi mga hinihingi ng “Praktikal na Rason” sapangkalahatan, at sa kanilang mga mata, ipinapakahuluganng pagsasambit ng Kapasyahan ng rebolusyonaryongburgesyang Pranses ang mga batas ng dalisay na

82

* Sa orihinal na German, may isa pang pangungusap mataposnito na nagsasabi: “Tiyak na lilitaw ito bilang sabi-sabi tungkol satunay na lipunan at tungkol sa realisasyon ng esensya ng tao.” Samga edisyong German ng 1872, 1883 at 1890, ganito angpangungusap: “Tiyak na lilitaw ito bilang sabi-sabi tungkol sarealisasyon ng esensya ng tao.”

Kapasyahan, ng Kapasyahan ayon sa dapat nitongkatangian, ng tunay na Kapasyahan ng tao sapangkalahatan.

Ang ginawa ng mga manunulat na German ay binubuolamang ng pag-aayon ng bagong mga ideyang Pransessa kanilang sinaunang konsyensyang pilosopikal, o higitpa, sa pagsanib ng mga ideyang Pranses nang hindibinibitiwan ang kanilang sariling pilosopikong punto debista.

Naganap ang pagsasanib na ito sa parehong paraan ngpagkuha ng isang dayuhang lenggwahe, ibig sabihin, sapamamagitan ng pagsasalin.

Alam ng lahat kung paanong sumulat ang mga monghang hangal na mga buhay ng mga santong Katoliko saibabaw ng mga manuskritong kinasusulatan ng klasikalna mga akda ng sinaunang pagano. Binaligtad ng mgamanunulat na German ang prosesong ito kaugnay ngmakamundong panitikang Pranses. Isinulat nila angkanilang kabulastugang pilosopikal sa ilalim ng orihinalna Pranses. Halimbawa, sa ibaba ng kritisismong Pransessa pang-ekonomyang papel ng salapi, isinulat nila ang“alyenasyon ng sang-katauhan”, at sa ibaba ngkritisismong Pranses sa burges na estado, isinulat nilaang “pagbabagsak sa trono sa kategorya ngpangkalahatan”, at iba pa.Tinagurian nila ang introduksyon ng mga katagangpilosopikal na ito sa likod ng mga kritisismong istorikongPranses bilang “Pilosopiya ng Aksyon”, “Tunay na

83

Sosyalismo”, “Syensya ng Sosyalismo ng Germany”,“Pundasyong Pilosopikal ng Sosyalismo”, at iba pa.Sa gayon, ganap na kinapon ang panitikang sosyalistaat komunistang Pranses. At dahil sa mga kamay ngGerman, hindi na ito ekspresyon ng pakikibaka ng isanguri laban sa isa pa, inakala niyang napangiba-bawan niyaang “pagkamakaisang-panig na Pranses” at kinakatawanniya, hindi ang tunay na rekisitos, kundi ang rekisitosng katotohanan; hindi ang mga interes ng proletaryado,kundi ang mga interes ng kalikasan ng tao, ng tao sapangkalahatan, na hindi nakapaloob sa alinmang uri,walang realidad, at nabubuhay lamang sa maulap nakaharian ng pantasyang pilosopikal.Samantala, unti-unting nawala ang nagdudunung-dunungang kawalang muwangan ng sosyalismongGerman na ito, na napakaseryoso at pormal na gumam-pan sa kanyang gawaing estudyante at ipinagmalaki angkanyang makitid na mga kasangkapan sa paraan ngmanggagantso sa kanto.

Naging higit na masigasig ang pakikibaka ng mgaGerman, laluna ng burgesyang Prussian, laban sa pyudalna aristokrasya at absolutong monarkiya; sa ibang salita,ang kilusang liberal.

Dahil dito, naipagkaloob ang matagal nang pina-pangarap na oportunidad sa “Tunay” na Sosyalismo paraiharap sa kilusang pampulitika ang mga sosyalistikongkahilingan, para magpukol ng tradisyunal na sumpalaban sa liberalismo, laban sa representatibong gubyerno,

84

laban sa burges na kumpetisyon, burges na kalayaan sapamamahayag, burges na lehislasyon, burges nakalayaan at pagkakapantay-pantay, at para mangaral samasa na wala silang matatamo, at lahat ay mawawala,sa pamamagitan ng kilusang burges na ito. Hustonamang nakalimutan ng sosyalismong German na angkritisismong Pranses, na isang hangal na alingawngawlamang ito, ay nagpapakahulugan na umiiral angmodernong lipunang burges, kasama ang kaakibatnitong pang-ekonomyang mga kalagayan sa buhay, atang konstitusyon na angkop dito—ang mga bagaymismo na nilalayong kamtin ng napipintong tunggaliansa Germany.

Para sa absolutong mga gubyerno, kasama ang kapa-nalig nitong mga pari, propesor, panginoong maylupasa kanayunan, at upisyales, ito’y nagsilbi bilangkatanggap-tanggap na panakot laban sa nagbabantangburgesya.

Matapos ang mapapait na gamot ng panghahagupit atmga bala, ito ang panghimagas na ginamit ng mganabanggit na gubyerno, sa panahong iyon mismo, parasugbahin ang pag-aalsa ng uring manggagawa.

Habang naglilingkod ang “Tunay” na Sosyalismong itosa gayon sa gubyerno bilang sandata para labanan angburgesyang German, kasabay nito, tuwirang kumatawanito sa reaksyunaryong interes, sa interes ng mgapilistinong German. Sa Germany, ang uring petiburges,isang labi ng ika-16 na siglo at magmula noo’y palaginglumilitaw muli sa iba’t ibang anyo, ang siyang tunay na

85

batayang panlipunan ng umiiral na kaayusan ng mgabagay-bagay.

Ang pagpapanatili ng uring ito ay ang pagpapanatili ngumiiral na kaayusan ng mga bagay-bagay sa Germany.Ibinabanta ng pangingibabaw sa industriya at pulitikang burgesya ang tiyak na pagkawasak nito—sa isangbanda, mula sa konsentrasyon ng kapital; sa kabilangbanda, mula sa pagbangon ng rebolusyon-aryongproletaryado. Mukhang pinapatay ng “Tunay” naSosyalismo ang dalawang ibong ito sa iisang pukol ngbato. Kumalat ito nang parang epidemya.

Ang sutana na ito ng ispekulatibong mga sapot, napinalamutian ng mga bulaklak ng retorika, tinubog sahamog ng sakiting sentimyento; ang transendental nabihis na ito na ibinalot ng mga Sosyalistang German sakanilang kawawang “eternal na mga katotohanan”, anglahat ng buto’t balat na ito’y naglingkod para paramihinnang husto ang benta ng kanilang mga kalakal saganoong mga mamimili.

Sa bahagi nito, lalo namang kinilala ng sosyalismongGerman ang bokasyon nito bilang bombastikongkinatawan ng pilistinong petiburges.

Iprinoklama nito na ang bansang German ang modelongbansa, at ang peti-pilistinong German ang tipikal na tao.Binigyan nito ng lihim, mas mataas at sosyalistikonginterpretasyon, na ganap na kaba-ligtaran ng tunay nakatangian nito, ang bawat buhong na kasamaan ngmodelong taong ito. Umabot ito sa kasukdulan ng

86

tuwirang pagsasalungat sa “malupit na mapanirang”tendensya ng komunismo, at pagpa-pahayag ng kanyangsukdulan at walang kinikilingang pagkamuhi sa lahatng tunggalian sa uri. Liban sa iilang eksepsyon, lahat ngpublikasyong diumano’y sosyalista at komunista nalumalaganap ngayon (1847) sa Germany ay kabilang sakaharian ng panitikang ito na bulok atnakapagpapahina.40

2. Sosyalismong Konserbatibo o BurgesHinahangad ng isang bahagi ng burgesya na ituwid angmga karaingang panlipunan upang tiyakin ang patuloyna pag-iral ng lipunang burges.

Kabilang sa seksyong ito ang mga ekonomista,pilantropo, makatao, tagapagpahusay ng kalagayan nguring manggagawa, tagapag-organisa ng kawanggawa,kasapi ng mga kapisanan para sa pagpigil sa kalupitansa mga hayop, mga panatiko ng pagiging mahinahon, atpangkaraniwan at walang kabuhay-buhay na taga-reporma ng lahat ng mahihinagap na tipo. Dagdag pa,ang anyong ito ng sosyalismo ay binalangkas na sakumpletong mga sistema.

Maaari nating tukuyin ang Pilosopiya ng Karalitaan niProudhon bilang halimbawa ng anyong ito.

Gusto ng sosyalistikong burges ang lahat ng bentahe ngmodernong kalagayang panlipunan nang wala ang mgapakikibaka at panganib na di maiiwasang bunga ng mga

87

ito. Nais nila ang umiiral na katayuan ng lipunan, nangwala ang rebolusyonaryo at naglulusaw na mgaelemento nito. Nangangarap sila ng isang bur-gesyangwala ang proletaryado. Mangyari pa, iniisip ng burgesyana ang daigdig na siya ang nangingibabaw sa lahat angsiyang pinakamahusay; at pinauunlad ng sosyalismongburges ang kumportableng kaisipang ito sa iba’t ibanghumigit-kumulang ay kumpletong mga sistema. Sa pag-oobliga sa proletaryado na ipatupad ang ganoongsistema at sa gayo’y diretsong sumulong tungo sapanlipunang Bagong Herusalem, sa katunayan,inuubliga lamang nito na dapat manatili angproletaryado sa balangkas ng umiiral na lipunan, atiwaksi ang lahat ng kamuhi-muhing ideya nito kaugnayng burgesya.

Sinikap ng ikalawa, at mas praktikal, bagamat di kasingsistematiko, na anyo ng sosyalismong ito na pahinainang lahat ng rebolusyonaryong kilusan sa mga mata nguring manggagawa sa pamamagitan ng pagpapakita nahindi pampulitikang reporma lamang, kundi isangpagbabago sa materyal na kalagayan sa pag-iral, sa mgarelasyon sa ekonomya, ang kapaki-pakinabang sa kanila.Gayunman, hinding-hindi ipinapakahulugan ng anyo ngsosyalismong ito ang pagbabago sa materyal nakalagayan sa pag-iral bilang abolisyon ng burges narelasyon sa produksyon, isang abolisyon namaipapatupad lamang ng isang rebolu-syon, kundiipinapakahulugan dito’y administratibong mga repormana nakabatay sa patuloy na pag-iral ng mga relasyong

88

ito; mga reporma, kung gayon, na hindi nakakaapektokahit kaunti sa relasyon sa pagitan ng kapital at paggawa,kundi sa kainama’y nakababawas sa halaga atnagpapasimple sa gawaing administratibo nggubyernong burges.

Natatamo, at matatamo lamang, ng sosyalismong burgesang sapat na ekspresyon kung ito’y magiging simplengtalinghaga na lamang.

Malayang kalakalan: para sa benepisyo ng uringmanggagawa. Mga taripang proteksyunista: para sabenepisyo ng uring manggagawa. Repormang Pam-bilangguan*: para sa benepisyo ng uring manggagawa.

Ito ang huling salita at tanging seryosong hinahangadna salita ng sosyalismong burges.

Mailalagom ito sa mga kataga: ang burges ay burges—para sa benepisyo ng uring manggagawa.

3. Sosyalismo at Komunismong Kritikal-Utopyan

Hindi natin tinutukoy dito iyong panitikan na lagingnagsasatinig sa mga hinihingi ng proletaryado sa bawatdakilang modernong rebolusyon, gaya ng mga sulatinni Babeuf41 at iba pa.

89

* Sa orihinal na German, ang mga salitang “RepormangPambilangguan” ay “Solitaryong pagkakakulong.”

Mangyari pa’y nabigo ang unang tuwirang mgapagsisikap ng proletaryado na makamit ang kanyangmga layunin, na isinagawa sa panahon ng unibersal naligalig, nang ibinabagsak ang pyudal na lipunan, dahilsa noo’y di maunlad na katayuan ng proletaryado,gayundin dahil sa di pa umiiral ang kalagayan saekonomya para sa kanyang pagpapalaya, mga kalagayanna kailangang pang malikha, at malilikha lamang ngnapipintong kapanahunang burges. Di maiiwasang mayreaksyunaryong katangian ang rebolusyonaryongpanitikan na kaakibat ng unang mga kilusang ito.Ikinikintal nito ang unibersal na asetisismo atpagpapantay-pantay panlipunan sa pinakakrudong anyonito.

Lumitaw ang mga sistemang sosyalista at komunista, naangkop na tinaguriang gayon, ang kina Saint-Simon42,Fourier43, Owen44 at iba pa, sa maagang yugtong hindipa maunlad ang tunggalian sa pagitan ng proletaryadoat burgesya na inilarawan sa itaas (Tingnan ang Seksyon1. Ang mga Burges at ang mga Proletaryo).Nakikita nga ng mga tagapagtatag ng mga sistemang itoang makauring mga antagonismo, gayundin ang pagkilosng mga elementong naaagnas sa nangingibabaw na anyong lipunan. Pero ang proletaryado na nasa kamusmusanpa lamang nito ay nalalahad sa kanila bilang isang uri nawalang anumang istorikong inisyatiba o anumangindependyenteng kilusang pampulitika.Dahil ang pag-unlad ng makauring antagonismo aysumasabay lamang sa pag-unlad ng industriya, hindi pa90

nakapagbibigay sa kanila ang sitwasyon sa ekonomyana kanilang natutunghayan ng materyal na kalagayanpara sa pagpapalaya ng proletaryado. Samakatwid,naghahanap sila ng isang bagong syensyang panlipunan,ng bagong mga batas panlipunan na siyang lilikha ngmga kalagayang ito.Papailalim ang istorikong pagkilos sa kanilang personalna mapanlikhang pagkilos; papailalim ang likha-ng-kasaysayang mga kalagayan sa pagpapalaya sa mgapantastikong kalagayan; at papailalim ang unti-unti atispontanyong makauring organisasyon ng proletaryadosa isang organisasyon ng lipunan na ispesyal nabinalangkas ng mga imbentor na ito. Sa kanilang mgamata, ang kasaysayan sa hinaharap ay patutungo sapropaganda at praktikal na pagpapatupad ng kanilangmga planong panlipunan.Sa pagbalangkas ng kanilang mga plano, mulat silangpangunahing pinangangalagaan ang interes ng uringmanggagawa bilang pinakanagdurusang uri. Umiirallamang para sa kanila ang proletaryado mula sa puntode bista ng pagiging pinakanagdurusang uri.

Dahil sa di maunlad na katayuan ng tunggalian sa uri,gayundin ng kanilang sariling kapaligiran, itinuturing ngmga Sosyalistang ganitong tipo na sila’y higit na superyorsa lahat ng makauring tunggalian. Nais nilang paunlarinang kalagayan ng bawat kasapi ng lipunan, kahit na angpinakapinapaboran. Sa gayon, nakaugalian na nilangmanawagan sa lipunan sa pangkalahatan nang walang

91

pagtatangi sa uri; higit pa, mas kumikiling pa silangmanawagan sa naghaharing uri. Paano nga naman hindimakikita ng mamamayan oras na maunawaan nila angkanilang sistema na taglay nito ang pinakamahusay naposibleng plano ng pinakamahusay na posibleng kaayusanng lipunan?

Kung gayon, tinatanggihan nila ang lahat ng pampulitika,at laluna lahat ng rebolusyonaryong aksyon; hangad nilangmatamo ang kanilang mga nilalayon sa pamamagitan ngmapayapang paraan na tiyak na mabibigo, at sa lakas nghalimbawa, na hawanin ang landas para sa bagongebanghelyong panlipunan.

Umaayon* ang gayong pantastikong mga larawan ng lipunansa hinaharap, na ginuhit sa isang panahon na nasanapakadimaunlad na yugto pa ang proletaryado at taglaypa ang pantastikong pagkakaunawa sa sariling pusisyon, saunang likas na hinahangad ng uring iyon para sapangkalahatang rekonstruksyon ng lipunan.Gayunman, naglalaman din ang mga publikasyongsosyalista at komunistang ito ng kritikal na elemento.Inaatake nito ang lahat ng prinsipyo ng umiiral na lipunan.Kung gayon, marami silang napakahahalagang materyalpara sa pagmumulat sa uring manggagawa. Ang mgapraktikal na hakbang na ipinapanukala sa mga ito* *– tulad

92

*Sa mga edisyong German ng 1872, 1883 at 1890, ang mga salitang“umaayon sa” ay “nagmumula sa.”

** Sa orihinal na German, ang mga salitang “Ang mga praktikalna hakbang na ipinapanukala sa mga ito” ay “Ang kanilang mgapositibong panukala para sa lipunan sa hinaharap.”

ng abolisyon ng pagkakaiba*** sa pagitan ng kalunsuranat kanayunan, ng pamilya, ng pagpapagana ng mgaindustriya para sa pakinabang ng pribadong mga indibidwal,at ng sistemang sahuran; proklamasyon ng pagkakatugma-tugmang panlipunan, kumbersyon ng tungkulin ng estadobilang simpleng pangangasiwa ng produksyon – lahat ngpanukalang ito ay tanging tumuturo sa paglalaho ngmakauring mga antagonismo na sa panahong iyo’ynagsisimula pa lamang lumitaw, at sa mga publikasyongito, ay nakikilala sa kanilang pinakamaaga, di tiyak atmalabong anyo lamang. Samakatwid, ang mga panukalangito’y may lantay utopyan na katangian.

Pabaligtad ang relasyon ng kabuluhan ng sosyalismo atkomunismong kritikal-utopyan sa istorikong kaunlaran.

Habang umuunlad at nagkakaroon ng depinidong hugisang modernong makauring tunggalian, nawawala ang lahatng praktikal na halaga at lahat ng teoretikal napagmamatwid ng pantastikong paghihiwalay sa labananat mga pantastikong atake rito. Samakatwid, bagamat angmga tagapagsimula ng mga sistemang ito ay rebolusyonaryosa maraming aspeto, sa lahat ng kaso, ang kanilang mgadisipulo ay nagtayo ng mga sekta lamang na reaksyunaryo.Mahigpit silang tumatangan sa orihinal na mga pananawng kanilang mga maestro, kasalungat sa progresibongistorikong pag-unlad ng proletaryado. Kung gayon,nagsisikap sila sa konsistenteng paraan na papurulin ang

93

*** Sa orihinal na German, ang salitang “pagkakaiba” ay “anti-tesis”.

tunggalian sa uri at pagkasunduin ang makauring mgaantagonismo. Nangangarap pa sila na eksperimental namaipapatupad ang kanilang panlipunang mga utopya, namaitatatag nila ang nahihiwalay na mga phalanstere, namaitatayo ang “mga Kolonyang Pantahanan”, o pagtatatagng isang “Munting Icaria”45—mga mumunting edisyon ngBagong Herusalem – at para matamo ang lahat ng kastilyosa hanging ito, napipilitan silang manawagan sa mgasentimyento at bulsa ng burges. Antas-antas, nalulubog silasa kategorya ng reaksyunaryong konserbatibong mgasosyalista na inilarawan sa itaas, at naiiba lamang sa mgaito sa mas sistematikong pagdudunung-dunungan, at sakanilang panatiko at mapamahiing paniniwala samahimalang epekto ng kanilang syensyang panlipunan.Samakatwid, marahas nilang nilalabanan ang lahat ngaksyong pampulitika sa bahagi ng uring manggagawa;ayon sa kanila, ang mga pagkilos na iyon ay magmumulalamang sa bulag na di paniniwala sa bagong ebanghelyo.

Sinasalungat ng mga Owenite sa England, at ngFourierista sa France ang mga Chartist at Reformistes,46

ayon sa pagkakasunud-sunod.

94

IVAng Pusisyon ng mga KomunistaKaugnay ng Iba’t Ibang Umiiral naPartidong Oposisyon

Inilinaw ng Seksyon II ang relasyon ng mga Komunistasa umiiral na mga partido ng uring manggagawa, tuladng mga Chartist sa England at ang mga TagarepormangAgraryo sa Amerika.

Nakikibaka ng mga Komunista para matamo ang kagyatna mga layunin, para sa pagpapatupad ng panandaliangmga interes ng uring manggagawa; pero sa kilusan ngkasalukuyan, kinakatawan rin nila at pinangangalagaanang hinaharap ng kilusang iyon. Sa France, nakikipag-alyado ang mga Komunista sa mga Sosyal Demokrata47

laban sa burgesyang konserbatibo at radikal, peroinirereserba ang karapatang kritikal na pumusisyonkaugnay ng mga parirala at ilusyong tradisyunal naipinamamana ng Dakilang Rebolusyon.

Sa Switzerland, sinusuportahan nila ang mga Radikal,nang hindi kinakalimutan ang katotohanang angpartidong ito ay binubuo ng antagonistikong mgaelemento, na bahagi’y mga Demokratikong Sosyalista,sa pakahulugang Pranses, at bahagi’y mga radikal naburges.

Sa Poland, sinusuportahan nila ang partido na naggigiitng rebolusyong agraryo bilang pangunahing kondisyon

95

para sa pambansang pagpapalaya, ng partido nanagtulak ng insureksyon ng Krakow noong 1846.

Sa Germany, nakikibaka sila kasama ng burgesyatuwinang kumikilos ito sa rebolusyonaryong paraanlaban sa absolutong monarkiya, sa pyudal napamamanginoong maylupa, at sa petiburgesya.48

Pero hindi sila kailanman titigil, kahit isa mang sandali,na ikintal sa uring manggagawa ang pinaka-malinaw naposibleng pagkilala sa mapanalungat na antagonismosa pagitan ng burgesya at proletaryado, upang agad namagamit ng mga manggagawang German bilangnapakaraming sandata laban sa burgesya ang mgakalagayan sa lipunan at pulitika na di maiiwasang ipasokng burgesya kasabay ng kanyang pangingibabaw, atupang, matapos ng pagbagsak ng reaksyunaryong mgauri sa Germany, masisimulan agad ang pakikibaka labansa burgesya mismo.

Binibigyang pansin ng mga Komunista pangunahin angGermany dahil ang bayang iyon ay nasa bisperas ngisang rebolusyong burges na tiyak na magaganap sa masmaunlad na kalagayan ng sibilisasyong Europeano atnang may mas maunlad na proletaryado kaysa ng saEngland noong ikalabimpito, at ng sa France saikalabingwalong siglo, at dahil ang rebolusyong burgessa Germany ay magiging pasakalye lamang sa kagyatna kasunod na proletaryong rebolusyon.

Sa maikling salita, sinusuportahan ng mga Komunistasa lahat ng dako ang lahat ng rebolusyonaryong kilusan

96

laban sa umiiral na kaayusang panlipunan atpampulitika.

Sa lahat ng kilusang ito, ipinauuna nila bilangpangunahing usapin sa bawat isa ang usapin sa pag-aari,anuman ang antas ng pag-unlad nito sa panahong iyon.

Panghuli, kumikilos sila sa lahat ng lugar para sapagkakaisa at kasunduan ng demokratikong mga partidong lahat ng bayan.

Ikinamumuhi ng mga Komunistang ilihim ang kanilangmga pananaw at layunin. Hayagan nilang idinedeklarana matatamo ang kanilang mga layunin sa pamamagitanlamang ng pwersahang pagbabagsak sa lahat ng umiiralna kalagayang panlipunan. Hayaang mahintakutan angmga naghaharing uri sa komunistang rebolusyon.Walang mawawala sa mga manggagawa kundi ngkanilang mga tanikala. Ang daigdig ang kanilangipagwawagi.

Mga manggagawa ng lahat ng bayan, magkaisa!

97

MGA TALA1Ang Manipesto ng Partido Komunista ang pinakadakilangprogramatikong dokumento ng syentipikong komunismo.“Ang maliit na pampletong ito ay singhalaga ng buu-buongtomo: hanggang sa araw na ito, nagbibigay-inspirasyon atgumagabay ang diwa nito sa buong organisado atnakikibakang proletaryado ng sibilisadong daigdig.” ( V. I.Lenin) Bilang platapormang binalangkas nina Marx at Engelspara sa Komunistang Liga mula Disyembre 1847 hanggangEnero 1848, unang lumabas ang Manipesto sa wikang Germannoong Pebrero 1848 sa London bilang pampleto na may 23pahina. Mula Marso hanggang Hulyo 1848, muling inilabasito sa isang serye sa Deutsche Londoner Zeitung, angdemokratikong organo ng mga migranteng German. Sa taon

98

ding iyon, muling inilimbag sa London ang edisyong Germanng Manipesto bilang pampleto na may 30 pahina. Angedisyong ito ang nagsilbing batayan ng sumunod na mgaedisyon na inawtorisa nina Marx at Engels. Noong 1848,isinalin ang Manipesto sa ilang iba pang lenggwahengEuropeano – French, Polish, Danish, Flemish at Swedish.Hindi binanggit sa mga ito ang pangalan ng mga may-adkasa mga edisyon ng 1848. Una silang binanggit sa mgapananalitang editoryal na isinulat ni George Harny para saunang salin sa Ingles ng Manipesto na inilimbag sapahayagang Chartist na Red Republican noong 1850.

2Sa inisyatiba ng lupong editoryal ng Volkstaat, inilathala angisang bagong edisyong German ng Manipesto noong 1872, namay paunang salita nina Marx at Engels at ilang minor napagbabago sa teksto. Taglay nito ang pamagat na AngManipestong Komunista tulad ng iba pang sumunod naedisyong German ng 1885 at 1890.3Ang Rebolusyong Pebrero sa France, 1848.4Ang The Red Republican ay isang lingguhang pahayagangChartist na inilabas mula Hunyo hanggang Nobyembre 1850ni George Harney. Sa isyu bilang 21-24, Nobyembre 1850,ang unang salin sa Ingles ng Manipesto ng Partido Komunistaay lumabas sa pamagat na Manipesto ng Partido Komunista ngGermany.5Ang Le Socialiste, organo ng Seksyong French ngInternasyunal, ay siyang lingguhang pahayagang inilathalasa New York mula Oktubre 1871 hanggang Mayo 1873.

99

Sinuportahan nito ang mga elementong burges at petiburgessa North American Federation ng Internasyunal. Matapos angKongresong Hague (Setyembre 1872), pinutol nito angpakikipag-ugnayan sa Internasyunal. Inilathala nito angManipesto ng Partido Komunista noong Enero at Pebrero 1872.6Tingnan, Karl Marx, Ang Digmaang Sibil sa France, ForeignLanguages Press, Peking, 1966, p. 64.

7Ang tinutukoy nito ay ang ikalawang edisyong Ruso ngManipesto na lumabas noong 1882 sa Geneva. Sa Pahabol naSalita, sa artikulong “Hinggil sa mga Panlipunang Relasyonsa Rusya,” binanggit ni Engels si G.V. Plekhanov bilangtagasalin at kinilala ito ni Plekhanov mismo sa edisyong Rusong 1900. Para sa edisyong 1882, sumulat sina Marx at Engelsng paunang salita na lumbas sa wikang Ruso sa NarodnayaVolya (Ang Kapasyahan ng Mamamayan) noong Pebrero 5, 1882.Lumabas ito sa wikang German noong Abril 13, 1882, sa Blg.16 ng Sozialdemokrat, organo ng Partido Sosyal-Demokratang Germany. Isinali ito ni Engels sa edisyong German ngManipesto ng 1890.

8Sa katunayan, lumabas ang edisyong ito noong 1869. Sapaunang salita ni Engels sa edisyong Ingles ng 1888, ang petsang publikasyon ng salin sa Ruso na ito ay mali rin angpagkakabigay.

9Kolokol (Ang Kampana), isang rebolusyonaryong demo-kratikong dyornal na Ruso, at inilathala ni A. I. Herzen at N.P. Ogaryov sa London mula 1857 hanggang 1865 at

100

pagkatapos sa Geneva. Inilathala ito sa wikang Ruso mula1857 hanggang 1867 at sa French na may suplementong Rusomula 1868 hanggang 1869.

10Ang tinutukoy nito ay ang sitwasyon matapos ang asasinasyonkay Tsar Alexander II na isinagawa ng mga kagawad ngNarodnaya Volya noong Marso 13, 1881, nang nagtago saGatchina, sa timogkanluran ng kasalukuyang Leningrad, siAlexander III, dahil sa takot sa bagong mga akto ng terorismong lihim na komiteng tagapagpaganap ng Narodnaya Volya.

11Ang tinutukoy nito ay ang ikatlong edisyong German ngManipesto ng Partido Komunista, ang unang edisyong binuo niEngels matapos mamatay si Marx.

12Tala ni Engels sa parapo: Isinulat ko sa paunang salita sa salingIngles, “Ang panukalang ito, na sa aking upinyon ay naka-tadhanang gawin para sa kasaysayan kung ano ang ginawang teorya ni Darwin para sa bayolohiya, ay kapwa namingunti-unting nararating ilang taon na bago 1845. Makikita saaking Conditions of the Working Class in England (Ang mgaKalagayan ng Uring Manggagawa sa England) kung gaanona ang independyente kong pagsulong tungo rito. Pero nangmakausap ko muli si Marx sa Brussels noong tagsibol ng 1845,nabuo na niya ito at inilahad sa akin sa mga salitang haloskasinlinaw ng pagkakalahad ko rito.”

13Ang Paglilitis sa mga Komunista sa Cologne (Oktubre 4 hanggangNobyembre 12, 1852) ay isang kaso na gawa-gawa ng gub-yernong Prussian. Inaresto nito ang 11 kasapi ng

101

Komunistang Liga (1847-52) – ang unang internasyunal nakomunistang organisayon ng proletaryado, sa pamumuno ninaMarx at Engels na ang Manipesto ng Partido Komunista angsiyang programa – at ipinasa sa hukuman para sa paglilitis sasakdal na “pagtataksil.” Ang ebidensyang iniharap ng mgaespiyang pulis ng Prussia ay binubuo ng palsipikadong“orihinal na aklat ng katitikan” ng mga pulong ng KomiteSentral ng Komunistang Liga at ibang mga palsipikadongdokumento, kabilang ang mga papeles na ninakaw ng pulisyamula sa adbenturistang paksyong maka-Willich-Schapper, napinatalsik na sa Liga. Batay sa palsipikadong mga dokumentoat sinungaling na testimonya, sinentensyahan ng hukumanang pito sa mga nasasakdal ng tatlo hanggang anim na taongpagkakabilanggo. Puspusang inilantad nina Marx at Engelsang probokasyon ng mga tagapag-organisa ng paglilitis naito at ang kamuhi-muhing mga salamangkang ginamit ngestadong pulis ng Prussia laban sa internasyunal na kilusangmanggagawa. (Tingnan, Marx, “Mga Pagbubunyag Tungkolsa Paglilitis sa mga Komunista sa Cologne,” at Engels, “AngKatatapos na Paglilitis sa Cologne.”)

14Tala ni Engels: Lagi’t lagi at personal na sinasabi ni Lassallesa amin na siya’y isang disipulo ni Marx, at bilang ganoon,ay naninindigan sa Manipesto. Pero sa kanyang unangahitasyong publiko, 1862-64, hindi siya lumampas sa paghihinging mga kooperatibang pagawaan na sinusuportahan ngpautang ng estado.

15Isang sipi mula sa talumpati ni W. Bevan, Pangulo ngKongreso ng mga Unyon, na binigkas sa pulong ng Kongreso

102

na idinaos sa Swansea noong 1887. Inulat ang talumpati niBevan sa dyornal na Commonwealth noong Setyembre 17, 1887.

16Ang Woodhull and Claflin’s Weekly, isang dyornal sa Amerikana inilathala sa New York mula 1870 hanggang 1876, ng mgapeministang burges na sina Victoria Woodhull at TennesseeClaflin. Inilabas ng lingguhang dyornal ang pinaiklingbersyon ng Manipesto ng Partido Komunista sa isyu nito ngDisyembre 30, 1875.

17Ang nagsalin ng ikalawang edisyong Ruso ng Manipesto aysi G. V. Plekhanov sa katunayan.

18Ang salin sa Danish na tinutukoy dito – K. Marx og F. Engels:Det Kommunistiske Manifest, Kobenhavn 1885 – ay naglalamanng ilang omisyon at kamalian, na ipinakita ni Engels sakanyang paunang salita sa edisyong German ng 1890 ngManipesto.

19Sa katunayan, ang salin sa French na ginawa ni LauraLafargue ay inilathala sa Le socialiste mula Agosto 29 hanggangNobyembre 7, 1881. Inilimbag din ito bilang apendiks sa LeFrance socialiste ni G. T. Mermeix, Paris, 1886.

Ang Le Socialiste ay isang lingguhang pahayagan na itinatagsa Paris ni Jules Guesde noong 1885. Bago 1902, ito ang organong Partido sa Paggawa ng France. Naging organo ito ngPartido Sosyalista ng France mula 1902 hanggang 1905. Nag-ambag si Engels sa dyornal sa dekadang 1880 at 1890.

103

20Lumabas ang salin sa Espanyol sa El Socialista mula Hulyohanggang Agosto 1886 at inilathala din bilang pampleto sataon ding iyon.

Ang El Socialista, ang organo ng Partido Sosyalista ng mgaManggagawa ng Spain, ay isang lingguhang pahayagan naunang inilathala sa Madrid noong 1885.

21Ang salawikaing ito ay ginamit nina Marx at Engels samarami-rami sa kanilang mga akda mula dekadang 1840. Parasa pormulasyong tinutukoy dito, tingnan ang “MgaPangkalahatang Alituntunin ng Internasyunal na Asosasyonng mga Manggagawa.”

22Sa paunang salita sa edisyong German ng 1872, ang pariralangito ay iba nang kaunti ang pagkakasulat. Tingnan ang pahina2 ng aklat na ito.

23Isinulat ni Engels ang paunang salitang ito para sa ikaapat naedisyong German ng Manipesto na lumabas sa London, Mayo1890, bilang isa sa serye ng Sozial-demokratische Bibliothek. Ito anghuling edisyon na binuo ng isa sa mga may-akda nito. Kasamadin dito ang mga paunang salita sa edisyong German ng 1872 at1883. Bahagi ng paunang salita ni Engels sa bagong edisyongito ay muling inilathala sa editoryal na pinamagatang “IsangBagong Edisyon ng Manipestong Komunista” sa Blg. 33, Agosto16, 1890, ng Sozialdemokrat, organo ng Partido Sosyal-Demokratang Germany, gayundin sa isang editoryal ng Arbeiter-Zeitung,Blg. 48, Nobyembre 28, 1890, na nagdiriwang ng ikapitumpungkaarawan ni Engels.

104

24Ang tinutukoy ni Engels ay ang kanyang paunang salita saedisyong German ng 1885.

25Ang nawalang manuskritong German ng paunang salita naisinulat ni Marx at Engels para sa edisyong Ruso ng Manipestoay nahanap sa wakas. Nang muling isinalin ang paunangsalitang ito mula sa wikang Ruso tungong German, gumawang maliliit na pagbabago si Engels.

26Personal na laging ipinapaalam sa amin ni Lasalle na siya’y“disipulo” ni Marx, at sa gayon, mangyari pa’y naninindigansa Manipesto. Ibang-iba ang usapin kaugnay ng kanyang mgatagasuporta na hindi lumampas sa kahilingan niya para samga kooperatiba ng mga prodyuser na suportado ng mgapautang ng Estado at naghahati-hati sa buong uringmanggagawa sa mga tagasuporta ng ayuda ng Estado at samga tagasuporta ng pagtulong-sa-sarili. [Tala ni Engels]

27Ang Kongreso sa Geneva ng Unang Internasyunal ay ginanapnoong Setyembre 3-8, 1866. Dumalo sa Kongreso ang 60delegado na kumakatawan sa Pangkalahatang Konseho atsa iba’t ibang seksyon ng Internasyunal, gayundin sa mgasamahan ng mga manggagawa mula sa England, France,Germany at Switzerland. Nangulo si Hermann Jung. Binasa saKongreso ang “Mga Instruksyon para sa mga Delegado ngProbisyunal na Pangkalahatang Konseho, ang Iba’t IbangUsapin” ni Marx bilang upisyal na ulat. Itinapat ng mga maka-Proudhon na may sangkatlo ng mga boto sa Kongreso ang isangkomprehensibong programa na sumasaklaw sa lahat ng aytemsa adyenda. Gayunman, nanalo ang mga tagasuporta ng

105

106

Pangkalahatang Konseho sa karamihan ng mga usapingtinalakay. Pinagtibay ng Kongreso ang 6 sa 9 na punto sa “MgaInstruksyon” bilang resolusyon. Sinaklaw ng mga ito ang mgausapin kaugnay ng nagkakaisang aksyon ng internasyunal namga pwersa, ang introduksyon sa lehislatura ng 8-oras na arawpaggawa, paggawa ng bata at kababaihan, kooperatibongpaggawa, unyon, at pamalagiang mga hukbo. Pinagtibay rinng Kongreso sa Geneva ang Mga Tuntunin at AdministratibongRegulasyon ng Internasyunal na Asosasyon ng mgaManggagawa.Ang Kongreso ng mga Manggagawa sa Paris – ang Internasyunalna Kongreso ng mga Sosyalistang Manggagawa – ay ginanapnoong Hulyo 14-20, 1889 sa Paris, at sa katunayan ay siyangkongreso sa pagtatatag ng Ikalawang Internasyunal. Tinangkang mga oportunistang French, Posibilista, at kanilang mgakapanalig sa Sosyal Demokratikong Pederasyon ng Britainna hawakan ang paghahanda para sa Kongreso, agawin angpamunuan nito at hadlangan ang pagbubuo ng isang bagonginternasyunal na pagkakaisa ng mga organisasyong sosyalistaat ng mga manggagawa sa batayan ng Marxismo. Peronaglunsad ng mapagpunyaging pakikibaka ang mga Marxistasa tuwirang pamumuno ni Engels laban sa kanila. At sapanahong magbukas ang Kongreso noong Hulyo 14, 1889—ang sentenaryo ng pagsalakay sa Bastille—nangibabaw angmga Marxistang partido. Dumalo sa Kongreso ang 393delegado mula sa 20 bayang Europeano at Amerikano. Dahilnabigo ang kanilang tangka, nagdaos ng karibal na kongresosa Paris ang mga Posibilista sa araw ring iyon para tapatanang Marxistang Kongreso. Iilan lamang sa mga dayuhangdelegado ang dumalo sa kongreso ng mga Posibilista, atkaramihan sa kanila ay mga huwad na kinatawan.

107

Pinakinggan ng Internasyunal na Kongreso ng mga SosyalistangManggagawa ang mga ulat ng mga delegado ng mgasosyalistang partido tungkol sa kilusang manggagawa sa kani-kanilang bayan, binalangkas ang saligang mga prinsipyo nginternasyunal na lehislasyon sa paggawa, inendurso angdemand para sa introduksyon sa lehislatura ng 8-oras na arawpaggawa at ipinakita ang mga paraan para makamit ng mgamanggagawa ang kanilang mga layunin. Idiniin ng Kongresoang pangangailangan para sa pampulitikang organisasyonng proletaryado at ng pakikibaka para sa pagkakamit sa mgademand sa pulitika ng mga manggagawa. Itinaguyod nitoang abolisyon ng mga pamalagiang hukbo at ipinanukala angunibersal na pag-aarmas sa mamamayan. Ang pinakatampokna desisyon ng Kongreso ay ang manawagan sa mga mangga-gawa ng lahat ng kalupaan para ipagdiwang ang Mayo Unobawat taon bilang internasyunal na pista ng uring manggagawa.28Isinulat ni Engels ang paunang salitang ito sa wikang Germanpara sa bagong edisyong Polish ng Manipesto, na inilathalanoong 1892 sa London ng Przedswit Press na pinatatakbo ngmga sosyalistang Polish. Matapos ipadala ang paunang salitasa Przedswit Press, isinulat ni Engels, sa isang liham kay StanislawMendelson na may petsang Pebrero 11, 1892, na nais niyangmatuto ng Polish at puspusang pag-aralan ang pag-unlad ngkilusang manggagawa sa Poland, upang makapagsulat siyanang mas detalyadong paunang salita sa susunod na edisyongPolish ng Manipesto.29Ang Kongresong Poland, bahagi ng Poland na ipinagkaloob saRusya sa ilalim ng upisyal na ngalan ng Kaharian ng Polandsa pamamagitan ng mga desisyon ng Kongreso sa Vienna ng1814-15.

108

30Ang paunang salitang ito, na unang pinamagatang “Para saMambabasang Italyano,” ay isinulat ni Engels sa wikang Frenchpara sa edisyong Italyano ng Manipesto sa kahilingan ngItalyanong Sosyalistang lider na si Filippo Turati. Inilathalaang edisyong Italyano bilang pampleto sa Milan ng limbaganng Critica Sociale, isang Sosyalistang teoretikal na dyornal.Isinalin ang Manipesto sa wikang Italyano ni Pompeo Bettini,at ang paunang salita ni Engels, ni Turati.31Sa marami sa kanyang akda, partikular ang kanyang artikulong“Die Erfurterei im Jahre 1859,” inilatag ni Marx ang ideya nakumilos ang reaksyon matapos ang 1848 bilang natatangingtestamentaryong tagapagpatupad ng rebolusyon, at tiyak naipinatutupad ang mga demand ng rebolusyon, bagamat saparaang tragi-komiko, halos panunuya tungkol sa rebolusyon.32Ang kahulugan ng burgesya ay ang uri ng modernong mgakapitalista, ang may-ari ng mga kagamitan sa produksyongpanlipunan at employer ng sahurang paggawa. Ang kahuluganng proletaryado ay ang uri ng modernong mga sahurangmanggagawa na dahil walang sariling mga kagamitan saproduksyon ay napipilitang ibenta ang kanilang lakas paggawaupang mabuhay. [Tala ni Engels – 1888 edisyong Ingles.]33Ibig sabihin, lahat ng nakasulat na kasaysayan. Noong 1847, angprehistorya ng lipunan at ang organisasyong panlipunan naumiral bago ng nakasulat na kasaysayan ay hindi pa nababatid.Mula noon, natuklasan ni August von Haxthausen (1792-1866)ang pag-aaring komun sa lupa sa Rusya, pinatunayan ni GeorgLudwig von Maurer na ito ang pundasyong panlipunan na

109

pinagsimulan ng lahat ng lahing Teutonic sa kasaysayan, at dinagtagal, natuklasan na ang mga pamayanang komunidad angsiyang nagiging, o kaya’y naging, primitibong anyo ng lipunansa lahat ng dako mula India hanggang Ireland. Ihinayag angpanloob na organisasyon ng primitibong lipunangkomunistikong ito, sa kanyang tipikal na anyo, ng kahulihangpagkakatuklas ni Lewis Henry Morgan (1818-1861) sa tunay nakalikasan ng gens at ang relasyon nito sa tribu. Nang malusawang primibal na mga komunidad na ito, nagsisimula na anglipunan na mahati-hati sa hiwa-hiwalay at sa huli’yantagonistikong mga uri. Sinikap kong baybayin ang prosesongito ng pagkakalusaw sa The Origin of the Family, Private Propertyand the State (Ang Pinagmulan ng Pamilya, Pribadong Pag-aariat Estado).34Maestro-gremyo, ibig sabihin, isang ganap na kasapi ng isanggremyo, isang maestro sa loob, at hindi ang pinuno ng isanggremyo. [Engels: 1888 edisyong Ingles.]Ito ang pangalang ibinigay sa mga taga-kabayanan ng Italyat France sa kanilang mga komunidad na kalunsuran,matapos nilang mabili o maagaw ang kanilang inisyal na mgakarapatan sa paggugubyerno-sa-sarili mula sa kanilang mgapanginoong pyudal. [Engels: 1890 edisyong German.]

35“Komuna” ang itinawag sa France sa sumisibol na mgakabayanan kahit bago pa nila naipagwawagi mula sa kanilangmga pyudal na panginoon at amo ang lokal napaggugubyerno sa sarili at mga karapatang pampulitikabilang “Ikatlong Estate.” Sa pangkalahatan, para sa pang-ekonomyang pag-unlad ng burgesya, ginagamit ang England

110

bilang tipikal na bayan, at para sa pampulitikang pag-unladnito, ginagamit ang France. [Engels: 1888 edisyong Ingles.]Ito ang pangalang ibinigay ng mga taga-kabayanan ng Italyat France sa kanilang mga komunidad sa kabayanan, mataposnilang mabili o maagaw ang kanilang inisyal na karapatan sapaggubyerno-sa-sarili mula sa kanilang mga pyudal napanginoon. [Engels: 1890 edisyong Ingles.]

36Sa kanilang mga akdang isinulat sa kalaunan, ihinalili ninaMarx at Engels ang mas eksaktong mga konsepto ng “halagang lakas paggawa” at “presyo ng lakas paggawa” (unanginiharap ni Marx) sa “halaga ng paggawa” at “presyo ngpaggawa.”

37Tala ni Engels sa 1888 edisyong Ingles: hindi angRestorasyong Ingles (1660-1689), kundi ang RestorasyongPranses (1814-1830).

38Ang mga Lehitimista ay sumuporta sa Dinastiyang Bourbonna ibinagsak noong 1830 at kumatawan sa interes ng heredita-ryong malalaking maylupa. Sa pakikitunggali sa DinastiyangOrleans, na sinuhayan ng aristokrasya sa pinansya atmalaking burgesya, madalas gumamit ang isang seksyon ngLehitimista ng demagohiyang sosyal at nagkunwari natagapagtanggol ng anakpawis laban sa pagsasamantala ngburgesya.Ang Batang England ay isang grupo ng mga pulitiko at manu-nulat na kabilang sa Partidong Tory. Inorganisa ito samaagang bahagi ng dekada 1840. Sinalamin ng mgakinatawan ng Batang England ang disgusto ng aristokrasyang

111

maylupa laban sa lumalaking lakas sa ekonomya at pulitkang burgesya. Gumamit sila ng mga pamamaraangdemagohiko upang ipailalim ang uring manggagawa sakanilang impluwensya at gamitin sila para labanan angburgesya.

39Tala ni Engels sa 1888 edisyong Ingles: pangunahing aplikableito sa Germany, kung saan ipinasasaka ng maylupangaristokrasya at panginoong maylupa ang malalaking bahaging kanilang mga lupain para sa kanilang kapakinabangan samga tagapamahala, at dagdag pa, ay ekstensibong mgatagapagmanupaktura ng asukal mula sa beetroot atnagdidistila ng alak mula sa patatas. Sa ngayon, medyo hindipa ito sinasaklaw ng mas mayayamang aristokrasyang British;pero alam rin nila kung paanong bawiin ang papaliit na upasa pamamagitan ng pagpapagamit ng kanilang mga pangalansa floaters o humigit-kumulang ay kahina-hinalang mgakumpanyang pinagsama-sama ang sapi.

40Tala ni Engels sa 1888 edisyong German: Winalis ng rebolu-syonaryong bugso ng 1848 ang buong gamit na gamit natendensyang ito at nakaalis sa hangarin ng mga tagapag-taguyod nito na maglaru-laro sa sosyalismo. Angpangunahing kinatawan at klasikal na tipo ng tendensyangito ay si G. Karl Gruen.

41Francois Noel Babeuf (1760-1797): isang Pranses na pampuliti-kang ahitador; bigong nagpakana na wasakin ang Pamatnu-gutan sa rebolusyonaryong France at itinatag ang sistemangkomunistiko.

112

42Comte de Saint-Simon, Claude Henri de Rouvroy (1760-1825):sosyal pilosopong Pranses; sa pangkalahatan, itinuturing natagapagtatag ng sosyalismong Pranses. Ipinagpalagay niya nadapat ireorganisa ang lipunan alinsunod sa linya ng industriyaat ang mga syentista ang dapat maging bagong ispiritwal namga pinuno. Ang kanyang pinakamahalagang akda ay angNouveau Christianisme (Bagong Kristyanismo) (1825).

43Charles Fourier (1772-1837): sosyal na tagarepormangPranses; ipinalawig ang sistema ng mga kooperatibangnakasasapat-sa-sarili na tinaguriang Fourierismo, laluna sakanyang akdang Le Nouveau Monde Industriel (Ang BagongMundong Industriyal) (1829-30).

44Richard Owen (1771-1858): industriyalista at sosyal na taga-repormang Welsh. Binuo niya ang isang modelong industriyalna komunidad sa New Lanark, Scotland, at nagpasiuna ngmga kapisanang kooperatiba. Kabilang sa kanyang mga aklatang New View of Society (Bagong Pananaw sa Lipunan) (1813).

45Tala ni Engels sa 1888 edisyong Ingles: Ang mga phalanstereay mga kolonyang sosyalista sa plano ni Charles Fourier;Icaria ang ngalan na ibinigay ni Cabet sa kanyang utopya, atdi naglaon, sa kanyang kolonyang komunista sa Amerika.Tala ni Engels sa 1890 edisyong Aleman: “Mga KolonyangPantahanan” ang tawag ni Owen sa kanyang mga modelongkapisanang komunista. Mga phalanstere ang pangalangibinigay sa mga palasyong publiko na pinlano ni Fourier.Icaria ang ngalan na ibinigay ni Cabet sa Utopyang lupang

113

pangako, na inilarawan ni Cabet na mga institusyongKomunista.

46Ang Mga Repormista ay mga nananalig sa pahayagang LeReforme, na inilathala sa Paris mula 1843 hanggang 1850.Itinaguyod nila ang pagtatatag ng republika at ang pagsa-sagawa ng mga repormang demokratiko at sosyal.

47Tala ni Engels sa 1888 edisyong Ingles: ang partidong noo’ykinakatawan sa Parlamento ni Ledru-Rollin, sa panitikan, niLouis Blanc (1811-82), at sa arawang pahayagan ng Reforme.Ipinahihiwatig ng ngalang Sosyal-Demokrasya, kasama ngmga nag-imbento nito, ang isang seksyon ng PartidongDemokratiko o Republikano na humigit-kumulang aynabahiran ng sosyalismo.Tala ni Engels sa 1890 edisyong Aleman: Ang Partido sa France,na sa panahong iyon ay nagtataguri sa sarili na Sosyalista-Demokratiko, ay kinakatawan ni Ledru-Rollin sa buhaypampulitika at ni Louis Blanc sa panitikan; sa gayon, ibang-iba ito sa kasalukuyang Sosyal-Demokrasyang German.

48Kleinburgerei sa orihinal na German. Ginamit nina Marx atEngels ang katagang ito para ilarawan ang mga elementongreaksyunaryo ng petiburgesyang lunsod.

Disenyo ng pabalat: Digital collage mula sa painting na “Marx andEngels Working on the Manifesto” ni V Polyakov (1961), larawan ngdambanang “Chinese Revolution” sa China, at iba pang imahe.

Errata1. Sa pahina 6 unang talata ikalawang linya, walang gitling sa“napakalawak”

2. Sa pahina 15 huling talata unang linya, “opinyon” hindi “ppnyon”

3. Sa pahina 17 unang talata ikapitong linya, “programang” hindi“programong”

4. Sa pahina 95 ikalawang talata ikapitong linya, walang gitling sa“konserbatibo”

5. Sa pahina 99, ikaapat na tala unang linya, alisin ang ikalawang “ay”

6. Sa pahina 99 din ikalimang tala ikalawang linya, “siyang” hindi“siang”

7. Sa pahina 102 ika-13 tala ika-10 linya, walang gitling sa “paksyong”

8. Sa pahina 102 ika-13 tala din ika-15 linya, “Engels” hindi “Engtels”

9. Sa pahina 104 ika-20 tala ikalimang linya, “lingguhang pahayagan”

10. Sa pahina 105 ika-26 na tala ikaapat at ikalimang linya, alisin angunang “mga” at palitan ng “sa”

11. Sa pahina 107 ika-27 tala ikasiyam na linya bago ang dulo,“Kongreso” hindi “Kongress”

Paumanhin sa mga kamalian