Vermicomposting - ati.da.gov.ph
Transcript of Vermicomposting - ati.da.gov.ph
Department of Agriculture AGRICULTURAL TRAINING INSTITUTE
Regional Training Center 02 Malasin, San Mateo, Isabela
www.e-extension.gov.ph www.ati-da.gov.ph/ati-2 [email protected]
Farmers’ Contact Center: 0920-946-2474 Mobile No.: 0917-104-9147
Published by:
Department of Agriculture
AGRICULTURAL TRAINING INSTITUTE
Regional Training Center 02
Malasin, San Mateo, Isabela
Website: www.ati.da.gov.ph/ati-2
Email: [email protected]
Mobile No.: 0917-104-9147
April 2020
Editorial Staff: FRANCISCA C. YURO, Media Production Specialist II, writer | ROSALINDA
B. LUCERO, CDMSS Chief, subject matter specialist | VLADIMIR B. CALIGUIRAN,
Info. Officer II, layout artist | CLARIS M. ALASKA, DPA, ISS chief, editor | MA. NORMA G.
MADDALORA, Asst. Center Director , IMELDA M. GUILLERMO, Center Director,
editorial consultants
7
Vermicomposting
Gamit ng Vermicompost
Sa Palay
Maglagay ng 5-10 bags bawat ektarya ng
vermicompost bilang paupo o basal sa palayan.
Isinasabog ito sa huling pagsuyod sa pinitak
bago magtanim.
Sa Mais
Maglagay ng 10-20 bags bawat ektarya
bilang paupo o basal sa maisan.
Sa Gulay
Ginagamit bilang paupo sa mga namumunga
at dahong gulay.
Sa Halaman
Ginagamit bilang paupo o pang-isprey sa
mga dahon ng mga halaman.
Mga Pinaghalawan:
Paggawa ng Vermicompost, Rosalinda B. Lucero, ATI-RTC 02
Paano ang Paggawa ng Vermicompost, DA-Regional Field Office 3,
San Fernando, Pampanga
6
Vermicomposting
4. Paglalagay ng bulate
a. Pagkaraan ng 2 linggo ay magsisimula
nang mabulok ang mga substrates.
b. Ilagay ang bulate sa ibabaw ng kama sa
dami na 1 kilogram bawat metro
kwadrado na may 100-200 kilogram na
dami ng substrates.
c. Diligan at panatilihin ang 60-80% moisture level. Ang mga
bulate ay humihinga sa kanilang balat kaya dapat
panatilihing basa ang substrates.
d. Protektahan ang kama sa mga predators gaya ng palaka,
manok, white-grub, langgam at iba pang peste.
Pag-aani 1. Maaari nang anihin ang compost pagkaraan ng 30-45 na araw.
Ihiwalay ang mga bulate sa compost gamit ang kamay o screen.
2. Ilagay ang compost sa malinis na sako at dapat may plastik sa
loob para mapanatili ang halumigmig.
3. Itago sa lugar na hindi mainitan at maulanan.
4. Maari ring anihin ang vermicast na nasa ibabaw
ng kama. Mula sa vermicast ay maaring
gumawa ng vermitea gamit ang brewer. Ito ay
pwedeng gamiting foliar spray sa mga halaman.
Tandaan, huwag diligan ang vermibed isang linggo bago anihin. Dapat
mayroong nakahandang ibang kama na paglilipatan sa bulate. Gawin
ito 2 linggo bago anihin para may sapat na panahon para mabulok ang
mga substrates.
3
Vermicomposting
Ang vermicomposting ay isang pamamaraan ng paggawa ng organikong
pataba sa tulong ng bulateng tinatawag na African Night Crawler.
Ito ay isang teknolohiya na ginagamitan ng simpleng proseso at mga
materyales na nasa paligid lamang.
May dalawang uri ng pataba na nakukuha dito. Ang vermicompost at
vermicast. Ang vermicompost ay ang nabulok na mga substrates sa tulong
ng bulate at microorganisms. Ang vermicast ay purong dumi ng bulate
na nakukuha sa ibabaw ng kama o vermibed.
Ang vermicast at vermicompost ay nakatutulong na:
Pasiglahin ang lupang taniman
Palusugin at payabungin ang mga halaman
Pabilisin ang pagtubo ng mga ugat ng halaman
Maiwasan ang pagkalason na maaaring dulot ng mga kemikal
na pataba
Mabawasan ang mga pesteng naninira sa mga pananim
Nakatitiyak na ligtas sa mga tao ang gulay at ibang tanim na
pinatubo sa lupang ginamitan ng vermicast o vermicompost
Vermicomposting
4
Vermicomposting
Hakbang sa Paggawa ng Vermicomposting
1. Pagpili ng lokasyon
Mataas na lugar na hindi nababaha
Madaling matuyuan at maayos na kanal o drainage
Malilim na lugar
Malapit sa pagkukuhanan ng tubig at mga substrates.
2. Paggawa ng kama o vermibed
a. Gumawa ng kama gamit ang
hollowblocks o kawayan na
may 1 metro ang lapad,
kalahating metro ang lalim at
may haba na ayon sa
pangangailangan o luwang ng
lugar. Maaari ring gumamit ng
sako, drum, malalaking gulong o mga sirang kagamitan na
pwedeng gawing vermibin.
a. Kung ang gamit ay drum o nakataas
na kama, butasin ang ilalalim nito
para may labasan ng tubig ngunit
saluhin ito dahil mainam itong
gamiting pangdilig bilang vermitea.
b. Butasan ang ibabaw para pasukan
ng hangin.
c. Lagyan ng lilim o gumawa ng shed
upang di direktang naaarawan o nauulanan ang vermibed.
5
Vermicomposting
3. Paghahanda ng substrates
a. Mangolekta ng dumi ng hayop, dayami, mga garden at
kitchen wastes gaya ng pinagbalatan ng gulay at prutas o
vegetable trimmings.
b. Durugin ang tuyong dumi ng hayop.
c. Tadtarin ang sariwang damo o dayami ng 1-2.5 sentimetro.
d. Ilagay ang mga substrates sa
vermibed o vermibin na may
carbon-nitrogen (C/N) ratio na
25:75. Halimbawa nito ay 50%
na natadtad na damo, 25% dumi
ng hayop at 25% na kakawate o
iba pang halaman na mayaman
sa nitroheno. Haluin ito gamit ang pala.
e. Diligan ang mga substrates. Panatilihin ang 60-80%
halumigmig o moisture content (MC).
Upang masuri ang MC, dumakot ng compost, pigain, at
siguraduhing may 3-4 na tulo ng tubig.
f. Takpan ng plastic sheets o mga sirang plastic o sako ang
vermibed upang magsimulang uminit (anaerobic process) sa
loob ng 2 linggo.
Garden waste
Dayami Kitchen waste
Dumi ng
hayop