Tungkulin ko, gagampanan ko
-
Upload
billy-rey-rillon -
Category
Education
-
view
296 -
download
15
Transcript of Tungkulin ko, gagampanan ko
Ano raw ang tutuparin?
TUNGKULIN
Ipaliwanag…
Ano ba ang tungkulin?
• Ang tungkulin, pananagutan o responsibilidad ay ang mga bagay na dapat gampanan ng isang tao.
Mga Katangian ng Mapanagutang Tao
• 1. Siya ay isang mature na tao.
• 2. Siya ay hindi makasarili, bagkus siya ay mapagkapwa.
• 3. Siya ay makabayan
Gaano kalawak ang aking Responsibilidad?
Malawak
Lawak ng Responsibilidad
• 1. Tungkulin sa Aking Sarili- Mahirap gampanan ang ibang responsibilidad kung hindi mo binibigyang pansin ang tungkulin sa iyong sarili.
• 2. Tungkulin sa Pamilya- Ang isang tahimik, masaya at maunlad na pamilya ay binubuo ng mga responsableng kapamilya.
• 3. Tungkulin bilang anak- Mag-aral mabuti, maging matipid, pagganap sa mga gawaing-bahay, pagbabahagi at pakikinig sa saloobin sa oras ng problema.
• 4. Tungkulin bilang kapatid- Panatilihing malapit ang loob sa mga kapatid. Iwasan ang mainggit at magtanim ng sama ng loob.
• 5. Tungkulin bilang mag-aaral- Mag-aral mabuti, paunlarin ang mga kakayahan at talento, pagsali sa mga pampaaralang grupo, pagsunod sa patakaran ng paaralan.
• 6. Tungkulin sa pamayanan- makilahok at tumugon sa mga gawain para sa kapakanan ng pamyanan.
• 7. Tungkulin bilang mananampalataya- pag-aalay ng panalangin, pag-aalay ng papuri, isabuhay ang pananampalataya, palakasin ang paniniwala ng kapwa.
• 8. Tungkulin bilang konsyumer ng media- Anumang bagay na nagmumula sa media ay lubhang nakaiimpluwensiya sa iyong kamalayan, pananaw, pagpapahalaga at ugali.
• 9. Tungkulin sa kalikasan- Wastong pangangalaga sa likas na yaman, pagtitipid ng kuryente at tubig, paglilinis ng kapaligiran.