Départementales 2015 - Programme Isabelle Dahan & Alexis Guerit
Babae, Karapatan Mo’t Tungkulin · ay aking rresponsibilidad. Sus ko po! Dahan-dahan ka!...
Transcript of Babae, Karapatan Mo’t Tungkulin · ay aking rresponsibilidad. Sus ko po! Dahan-dahan ka!...
B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m
D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N
2Babae, Karapatan Mo’t Tungkulin
DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL Reformatted for distribution via
INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011
Karapatang Ari 2005
Kagawaran ng Edukasyon
organisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.
Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189
Inilathala sa Pilipinas ng:
KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO
Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmangbahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ng
Babae, Karapatan Mo’t Tungkulin
Babae, KarapatanMo’t Tungkulin
i
Tungkol Saan ang Modyul Na Ito?
Ayon sa kuwento ng mga lolo at lola natin, kahit noong kapanahunan nila ay maysarili na silang paraan ng paggalang sa mga kababaihan.
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang mga nagbabagong pananaw sa kababaihan.Sa paglipas ng panahon, sila ay binigyan na rin ng mga karapatan na masasabingkatumbas ng mga karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan.
Anu-ano ang mga Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
h Natatalakay ang mga karapatan ng kababaihan at ang mga katumbas napananagutan;
h Natatalakay ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatan ng kababaihan,kung paano ito maiiwasan at mapahihinto;
h Naisusulat nang buo ang payak na pangungusap; at
• Nakalulutas ng mga suliraning pamilang gamit ang mga pamaraangpagdaragdag at pagbabawas.
ii
Anu-ano na ang mga Alam Mo?
A. Lagyan ng tsek (!) ang patlang kung ito ay karapatan ng babae at ekis ( " ) kung itoay pananagutan o responsibilidad.
_____1. Makapag-aral at pumili ng kursong gusto_____2. Mag-aral nang mabuti_____3. Makapagpahayag ng sariling pananaw_____4. Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan_____5. Maging sensitibo sa pagpapahayag ng sariling pananaw upang huwag
makasakit sa kapwa._____6. Pantay na oportunidad sa trabaho kagaya ng tinatamasa ng lalaki_____7. Paglinang o pagpapabut ng kakayahan upang maiangkop ang sarili sa
kwalipikasyon_____8. Pagkakataong magamit ang mga serbisyong pangkalusugan_____9. Pangalagaan ang sariling kalusugan at kapakanan____10. Kumilos ayon sa dikta ng lipunang ginagalawan
Kumusta ang iskor mo? Sa palagay mo ba’y tama lahat. Makipag-usap saTagapatnubay.
iii
Kung tama lahat ang mga sagot mo, magaling! Ipinapakita nito na marami ka nangalam tungkol sa paksa. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul. Makapagbibigay itong mga dagdag pang kaalaman.
Kung mababa ang iskor na nakuha mo, huwag mag-alala. Para sa iyo talaga angmodyul na ito. Makatutulong ito sa iyo na maintindihan mo ang iba pang mahahalagangkonsepto. Magagamit mo ito sa pang-araw-araw na buhay.
Handa ka na ba?
1
Aralin 1Babae, Karapatan Mo’t Tungkulin
BABAEIkaw ay isinilang
na mayroongkarapatanat mayroongtungkulinna dapatgampanan
Karapatan at tungkuliniyong aalamin
Nakasalalay ritoNgayon at kinabukasan
MO
2
Ano? Gwardiyaang anak mo?Di ba babae
ang anak mo?
Sa minamaneho kong dyip, isang araw.
Anong masama
roon? Basta’tginagawa niya
nang maayos angkanyang tungkulin.
Tama po! Ako po ay isang
sundalo. Sa Air Force po akonakatalaga. Kaya ko po
ang gawain. Alam ko rin poang tungkulin ko.
3
Sagutin:1. Ano ang mensahe ng binasang komik istrip?2. Ano ang karapatan ng mga babaeng sinasabi rito?3. Paano igagalang ang mga babaeng trabaho ng lalaki ang
ginagawa?
Inang, kayo poay aking
rresponsibilidad.
Sus ko po!Dahan-
dahan ka!
Makasabat na nga po. Babaepo ako na drayber ninyo.
Inang, sa bahay man po o salabas, pwede ang babae
basta alam niya ang tungkulinniya sa bahay at labas nito.
4
Pag-aralan ang mga larawan sa hanay A at B. Ano ang masasabi mo?
A B
1.
2.
5
A B
3.
4.
Paano mo igagalang ang uri ng mga babae sa larawan?
6
Basahin Natin
Babae, binibini kung tawaginGanda’y kaakit-akit sa paninginIlaw ng tahananTagapatnubay sa paaralanHuwaran sa pamayananMay taglay na karapatan
Babae ay may karapatanSa tahanan man o pamayananBasta’t tungkulin niya’y di malilimutanIgagalang kanyang karapatan.
6
7
Alamin Natin
Republic Act 9262
Sa batas na ito nasasaad Kung may karapatan
dapat na ipatupad babae na dapatSandigan ng babae gampanan,
sekswal, sikolohikal, ingatan ang sariliat abuso laban igalang sarilingsa kabuhayan. pagkababae.
karapatan ng kababaihang May tungkulin ang
laban sa karahasan Nang di-abusuhinPang-aabusong pisikal, gawin ang tungkulin
8
Kilalanin Natin
Kilalanin ang mga salitang sumusunod:
batas karapatan tungkulin karahasanpisikal sekswal sikolohikal kabuhayan
karahasan sa kababaihanmaaaring maganap
babae sa kanyang tungkulinay magiging pabaya
Sagutin Natin:1. Kailan nalalabag ang karapatan ng mga babae?
2. Anong karapatan ang karaniwang nalalabag sa:
a. tahanan b. trabaho c. lansangan
3. Anu-ano ang mga tungkulin ng babae bilang
a. magulang b. manggagawa c. mamamayan
9
Isulat Natin
Isulat ang mga pangungusap.
1. May katumbas na pananagutan
ang bawat karapatan.
2. Pangalagaan mo ang iyong karapatan,
at gampanan mo ang iyong tungkulin.
10
Kwentahin Natin
1. Si Aling Josie ay isang may bahay. Isa sa mga paraan niya ay angmaayos na pagbabadyet. Narito ang listahan niya ng mgapangangailangan sa tahanan para sa isang linggo.
Pagkain - Php 350.00Sabon - Php 50.00Pamasahe ng mag-anak - Php 500.00
a. Magkano ang gastusin ng pamilya ni Aling Josie sa isang linggo?
b. Paano ginagampanan ni Aling Josie ang kanyang tungkulin satahanan?
11
2. Gwardiya si Mena sa isang tanggapan. Bagamat pareho silangmayroon trabaho ng kanyang asawa ay minabuti niya namagtrabaho rin. Malaking tulong daw ito para mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak nila. Narito ang payslip ni Mena.
Kabuuang sahod - P8,800.00Mga kinakaltas:
SSS - P 150.00Insurance - P 175.00
a. Magkano ang natitira sa buwanang sahod ni Mena?
b. Anong karapatan ng kababaihan ang natatamasa ni Mena?
c. Paano niya ginagampanan ang tungkulin sa pamahalaan?
12
Tandaan Natin
• Bawat babae ay may karapatan tulad ng:
- karapatang magkaroon ng pantay na oportunidad sapagtatrabaho o empleyo
- pantay na karapatan sa pag-aaral- karapatang maihalal sa anumang posisyon sa pamahalaan
• Ang RA 9262 o Violence Against Women and Children (VAWC) aybatas na naglalayong proteksyunan ang mga bata at kababaihanlaban sa sekswal na pang-aabuso.
• Sa bawat karapatan, ang babae ay may tungkulin at pananagutan.
• May mga pagkakataon na ang babae ay nagiging biktima ng pang-aabuso.
• Upang makaiwas ang babae sa kapahamakan, dapat siyang kumilosayon sa tuntunin ng kagandahang asal.
13
Subukin Natin
Pag-ugnayin sa pamamagitan ng guhitang karapatan at tungkulin.
1. karapatang mag-aral
2. karapatang matanggapsa trabaho
3. karapatang tumaassa pwesto
4. karapatang mabigyan ngproteksyon laban sapang-aabusong sekswal
14
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?
A. Isulat ang Karapatan o Tungkulin sa patlang na angkop sa pangungusap.
1. Nag-aaral na mabuti si Edna.
2. Tinanggap sa pagiging traffic aide si Genie.
3. Nanalong presidente si Lourdes.
4. Gabi nang umuwi si Marlyn dahil tinapos niyaang lahat ng mga gawain.
5. Pinayagan si Tita ng mga magulang niya namaging pulis.
15
B. Punan ang patlang ng angkop na salita. Piliin ang sagot sa kahon.
babae RA 9262 sekswal
karapatan tungkulin mag-aral
1. Ang mga ay mayroong karapatan.
2. ng kababaihan na kumilos ng kagalang-galang.
3. Ang ay tumutukoy sa karapatang mapangalagaanlaban sa na pang-aabuso.
4. May na maihalal sa anumang posisyon sa kanya’ynababagay.
16
Si Mang Nelson ay may pagawaan ng mga sasakyan. Isa siShiela sa limang mekaniko sa shop. Maraming suki si Shiela.Tuwang-tuwa ang mga kostumer nila. Kaya namannapakaraming nagpapagawa sa kanila.
Sagutin:
1. Ano ang naiiba sa pagawaan ng sasakyan ni Mang Nelson?
2. Bakit nagiging paborito ng mga kostumer si Shiela?
3. Anong karapatan at tungkulin ang ipinakikita ng sitwasyon?
C. Basahin ang mga sitwasyong sumusunod. Sagutin ang mga tanong.