Republika Ng Pilipinas

4
Republika ng Pilipinas BARANGAY BINAGBAG Ordinansa ng Barangay Blg 001. S-2014 ISANG ORDINANSANG NAGPAPATUPAD NG CURFEW SA MGA MINOR DE EDAD MULA 10:00 PM HANGGANG 4:00 AM AT PAGPAPATAW NG KAUKULANG PARUSA SA PAGLABAG NITO. Inihain ni: KAGAWAD ROWENA I. PAULINO Chairwoman of Committee on Women, Family, Health and Social Services KUNG SAAN, sa Artikulo II Seksyon XIII ng Saligang Batas ng Pilipinas isinasaad na kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng kabataan sa pagbuo ng bansa at dapat magtaguyod at mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral, espiritwal, intelektwal, at sosyal at upang sumunod sa probisyon ng Saligang Batas, mayroong obligasyon ang barangay na protektahan, itaguyod at alagaan ang mga kabataan upang maging responsableng mamamayan ng bansa; KUNG SAAN, dahil sa pagtaas ng mga krimen at mga kaso na nasasangkot ang mga kabataan at nakaka apekto sa peace and order ng barangay;

Transcript of Republika Ng Pilipinas

Republika ng PilipinasBARANGAY BINAGBAGOrdinansa ng Barangay Blg 001. S-2014

ISANG ORDINANSANG NAGPAPATUPAD NG CURFEW SA MGA MINOR DE EDAD MULA 10:00 PM HANGGANG 4:00 AM AT PAGPAPATAW NG KAUKULANG PARUSA SA PAGLABAG NITO.Inihain ni: KAGAWAD ROWENA I. PAULINO Chairwoman of Committee on Women, Family, Health and Social Services

KUNG SAAN, sa Artikulo II Seksyon XIII ng Saligang Batas ng Pilipinas isinasaad na kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng kabataan sa pagbuo ng bansa at dapat magtaguyod at mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral, espiritwal, intelektwal, at sosyal at upang sumunod sa probisyon ng Saligang Batas, mayroong obligasyon ang barangay na protektahan, itaguyod at alagaan ang mga kabataan upang maging responsableng mamamayan ng bansa;KUNG SAAN, dahil sa pagtaas ng mga krimen at mga kaso na nasasangkot ang mga kabataan at nakaka apekto sa peace and order ng barangay;KUNG SAAN, upang protektahan ang interes ng mga kabataan, mga magulang at barangay peace and order, naniniwala ang Sanggunian na ang pagpapanatili na ang mga kabataan ay nasa loob ng kanilang mga bahay at malayo sa kaguluhan sa dis-oras (oras de peligro) ng gabi ay daglian at pangunang interes ng barangay.KUNG KAYAT DAHIL DITO, ayon sa mungkahi ni Konsehala Rowena Illescas Paulino, itinakda sa pagpupulong na ito:

Section 1. Maikling Pamagat. Ang barangay ordinance na ito ay kikilalanin bilang CURFEW ORDINANCE OF BARANGAY BINAGBAGSection 2. Definition of Terms. Para sa mga layunin ng ordinansang ito, ang mga sumusunod na mga salita ay nililinaw sa paraang sumusunod: Ang Minors / Kabataan / Menor de edad ay nangangahulugang mga kabataan 17 years old pababa.Ang Magulang ay nangangahulugang natural father, natural mother, step father at step mother.Ang Guardian ay nangangahulugang ang taong may pangangalaga sa bata kung walang magulang.Section 3. Pagpapatupad. Ipinapatupad ang curfew hour mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga sa mga minor de edad na nasasakupan ng territorial jurisdiction ng barangay Binagbag.Section 4. Sakop. Ang Ordinansang ito ay magaapply sa lahat ng tao na may edad 17 years old pababa, residente o hindi residente ng barangay Binagbag ngunit nasa territorial jurisdiction ng barangay.Section 5. Striktong pagpapatupad. Lahat ng Minor de edad na nasa teritoryong nasasakupan ng barangay Binagbag ay inaatasang sumunod sa curfew hour. Alinsunod dito, ang mga minor de edad ay dapat nasa loob ng kanilang mga bahay sa mga oras na itinakda sa curfew, ang sinumang lumabag ay may karampatang parusa.Section 6. Exemption. Ang mga minor de edad ay exempt sa curfew hour sa mga sumusunod na pagkakataon:6.1. Kapag kasama ang kanilang mga magulang6.2. Kapag kasama ang kanilang Guardian6.3. Menor de edad na nagtatrabaho sa oras na itinakda ng curfew, at sinertipikahan ng employer.6.4. Sa panahon ng Emergency.Section 7. Suspension. Ang curfew hour ay suspended o lifted sa mga sumusunod na okasyon:7.1. Christmas Season (December 15-January 6)7.2. Barangay Fiesta Ang curfew hour ay automatikong ibabalik pagkatapos ng mga nabanggit na okasyon.Section 8. Deputization. Ang mga barangay tanod, Sangguniang Barangay at Punong Barangay ang inaatasang magpatupad ng Ordinansang ito.Section 9. Implementing Rules. Ang mga ahente na itinalaga upang magpatupad ng ordinansa ay inaatasang maging maingat at sumunod sa tamang procedure sa paghuli ng mga kabataang lumalabag sa ordinansa. Ang sumusunod ay ang tamang procedure sa pagpapatupad ng ordinansa:9.1. Ang mga kabataang nahuling lumalabag sa Section 3 ng ordinansa ay dadalhin sa Barangay Hall para sa recording ng kanilang buong pangalan, edad, kaarawan, kasarian, address, pangalan ng mga magulang at oras ng paghuli sa official logbook;9.2. Ipaalam sa minor de edad ang nature ng kanyang violation, idetene siya sa Brangay Hall at irelease sa pagkatapos ng curfew hour.Section 10. Mga Parusa.Section 11. Effectivity.