Pale Oli Tiko

23

Click here to load reader

Transcript of Pale Oli Tiko

Page 1: Pale Oli Tiko

Lynette G. Mamaril II-AmityMrs.Sarmiento

Paleolitiko

Page 2: Pale Oli Tiko

Lynette G. Mamaril II-AmityMrs.Sarmiento

Masolitiko

Page 3: Pale Oli Tiko

Lynette G. Mamaril II-AmityMrs.Sarmiento

Nelitiko

Page 4: Pale Oli Tiko

DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?

Mula sa panulat ni:RAFAEL A. PULMANO

LAKANDIWA

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog koSa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundoMayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyoApurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas naIpahayag ang katwiran nang marinig ng balana.

DAPAT

Ako'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang naMay isip na tumutuklas at may pusong sumisintaPag-aaral, panliligaw, magsabay man di problemaKaya dapat ang syang panig na handa kong ibandera. 

HINDI DAPAT

Bilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanunginPag-aaral ang sya munang nararapat atupagin

Saka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayinAng panig na igigiit sakali at palahukin.

LAKANDIWA

Tuloy, kayo'y magsituloy upang ating umpisahanAng tagisan ng talino sa larangan ng katwiranAng panig ng DAPAT muna una nating pakikingganSalubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig)

Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng MaykapalMagkasamang nilangkapan ng damdamin at isipanKung di dapat pagsabayin ang mag-aral at manligawSana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay.

Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibigAng sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdibBago pa man makagapang, magsalita, magkaisipDama na ang pagmamahal ng magulang at kapatid.

Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang isipanMay subject na Health at P.E. para naman sa katawanMayroon ding Social Studies at iba pang pagsasanayUpang maging mamamayang responsable

Page 5: Pale Oli Tiko

sa lipunan.

Kumpleto ang kurikulum upang tayo'y makumpletoSa paglago ng isipan, katawan at pagkataoKapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni kupidoAy dumating, bahagi yan ng dapat na ikatuto.

Kaya kung ang estudyante ay pumorma at manligawWalang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal langAng binatang umiibig, ang dalagang minamahalGanado at inspirado sa kanilang pag-aaral.

LAKANDIWA

Napakinggan nating lahat ang katwirang pumapanigNa DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibigSunod nating tatawagin upang dito'y humagupitHINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit!

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyoMatapos na magkamali at magbunga ng di gustoSa pangaral ng magulang na noon ay sinuway koMapait na kapalaran ang inaning pagkabigo.

Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase'y nahalinaMas maraming oras kaming ginugol na magkasamaSa halip na makatapos ay maagang nag-

asawaKaya high school diploma lang ang pwede kong iparanya.

Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukanHirap akong matutustusan ang gastusin sa tahananKung sana ay inuna ko sa halip na panliligawAy nag-aral nang mabuti, mas malapit ang tagumpay.

Kabataang mag-aaral, isipin ang kasabihanHindi pwedeng magkasabay na sambahi't paglingkuranAng dalawang panginoon: ang puso at ang isipanMabuti pang pag-aaral na muna ang katutukan.

Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamaliNgunit kayong di pa huli, wag sayangin ang sandaliPag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madaliLalo't ikaw'y tagumpay na't limpak-limpak ang salapi.

LAKANDIWA

Nakatapos ang unang round nitong ating balagtasanNa kapuwa nakatindig ang dalawang naglalabanHahayaan ko na silang magpambuno't magkagatanKababayan, isa pa ngang masigabong palakpakan!

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Sa katalong nagkamali ng landas sa murang edadNanligaw at nag-asawa at maagang

Page 6: Pale Oli Tiko

nagkaanakAt ngayon ay nangangaral upang kami'y di matuladAng tangi kong masasabi ay marami pong salamat.

Mag-aral at mag-asawa, mabigat ngang pagsabayinNgunit tila lumilihis yata kami sa usapinKaya upang di malito, akin munang lilinawinPanliligaw at di kasal ang paksa ng away namin.

Pag-aaral, panliligaw, kahit ito'y magkasabayDi masama hangga't kaming kabataang nagmamahalAy marunong na magdala, responsable, may paggalangMay ambisyong makatapos, at may basbas ng magulang.

Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na nagtagpoMaski harangan ng tabak ay tiyak na mabibigoHigpitan man ng magulang at bantaan ng paghintoTatakas at magtatanan, magkikita nang patago.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Salamat din sa katalong niliwanag itong paksaPanliligaw nga't di kasal ang usapin mula't mulaAko lang ay nag-apura, prusisyong kayhaba-habaSa simbahan din ang tuloy, inunahan ko nang kusa.

Alalaon baga, kapag sinabay sa pag-aaralIyang gawang panliligaw, ang tuloy din ay sa altarKaya upang makaiwas sa di-planong

kalagayan,Pag-aaral muna sana ang unahin, bago ligaw.

Totoo ngang inspirasyon ang katipang iniibigNgunit ito'y totoo rin: pag sya'y laging nasa isipAt sa kampus ng eskwela hanggang labas ay kadikitMga leksyon at assignments ang tuluyang nawawaglit.

Ang magulang na kawawa at subsob sa hanapbuhayNangungutang ng pang-tuition, pambaon sa araw-arawUmaasang anak nila ay gagradweyt balang arawIyun pala'y winawaldas ang oras sa panliligaw.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisiGinagawang pamantayan ang nangyari sa sariliGayong noong kabataan siya mismo ay rebeldeAt hindi nya alintana ang magulang na nagsabi.

Mangyari nga'y noon, ngayon, at hanggang sa hinaharap,Hindi pwedeng magkabula ang sinulat ni BalagtasPag pumasok daw sa puso ng sinuman ang pagliyagMasunod lang ay sukdulang hahamakin lahat-lahat.

Sa halip na kabataang mag-aaral ay pigilinSa pagligaw na lalo lang sasadlak sa panggigigilBakit hindi na lang sila pabayaang balansehin

Page 7: Pale Oli Tiko

Ang kaway ng karunungan at ang tibok ng damdamin?

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang sariling karanasan ay akin at akin lamangAt di layong ipanggiit na sukatan ng sinumanBinabanggit ko lang rito sa pag-asang kapulutanNg aral at halimbawa ng musmos pang kabataan.

Pagmasdan mo ang paligid, talamak ang kahirapanKaraniwang ugat nito'y kawalan ng hanapbuhayAng totoo ay marami ang trabahong naghihintayNgunit ito'y nakalaan sa may college diploma lang.

Di hadlang ang kahirapan kung hangad ay edukasyonDi sagabal ang itsura o ang utak na mapurolSubalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbolMaternity sa halip na college degree ang katugon!

DAPAT

Panliligaw samantalang nag-aaral ay magandaKapwa namin natitimbang ugali ng isa't isaKung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-asawaSa pagharap sa dambana, walang puwang ang pangamba.

Ang manligaw samantalang nag-aaral ay tama langPagkat minsan lamang kami dadaan sa

kabataanAanhin ang kayamanan sa oras ng katandaanKung kulubot na ang mukha't walang gustong magpaligaw?

HINDI DAPAT

Maganda nga kung gagradweyt muna bago mag-asawaNgunit ating nababatid na di ganyan ang resultaMaraming di makahintay sa pagmartsa nang may togaDahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala.

Ang ganito'y maaaring iwasan kung panliligawAy di muna isasabay samantalang nag-aaralPrayoridad ang syang susi sa pangarap na tagumpayTagumpay na ihahandog sa katipang naghihintay.

DAPAT

Katipan ay nakahandang maghintay sa pagtataposNgunit iyang panliligaw ay di dapat ginagaposWalang taong nag-aaral na ang puso'y di tumibokHindi pwedeng paghintayin ang pag-ibig pag kumatok.

HINDI DAPAT

Ang mag-aral at manligaw kung parehong pagsabayinMahahati ang atensyon dahil kapwa agaw-pansinKung mabigo sa pag-ibig, baka ikaw pa'y maglasing

Page 8: Pale Oli Tiko

Mauuwi lang sa wala ang pangarap at mithiin.

DAPAT

Mas mabuti ang umibig at mabigo kahit minsanKaysa hindi nakaranas na umibig kahit kaylan!

HINDI DAPAT

Ang lahat ay may panahong kanya-kanyang nakalaanPanahon sa pag-aaral, panahon sa panliligaw!

DAPAT

Ang mahuli sa pantalan, ang daratna'y baling sagwan!

HINDI DAPAT

Ang lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!

DAPAT

Dapat silang magkasabay!

HINDI DAPAT

Dapat silang ipagbawal!

LAKANDIWA

Tumigil na kayong dal'wang umuusok na ang tuktokSumapit na ang sandali upang tayo'y magkatapos

Igagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood,Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!

Sino'ng dapat na tanghaling kampeon nitong balagtasan?Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiranKaya itong aking pasya: Sila'y patas, tabla lamangMuli nating paulanan, malutong na palakpakan!

DAPAT BA O HINDI DAPAT NA MANLIGAW ANG MGA KABABAIHAN?

Mula sa panulat ni:RAFAEL A. PULMANO

LAKANDIWA

Malugod na pagpupugay ang nais kong ipaabotSa lahat ng kababayang nakikinig, nanonoodSalamat sa kahiligan ni Vilma A. MalabuyocNg Laguna na nag-email ng usaping itatampok.

Dapat ba o hindi dapat na babae ay manligaw?Yan ang paksang tatadtarin sa sangkalan ng katwiranNa kilala at mas tanyag sa tawag na

Page 9: Pale Oli Tiko

BalagtasanLumapit na't makilahok sa tulaan ang may alam.

DAPAT

Ako'y isang binibining nakahandang makitugonAt sa paksang nakasalang malinaw ang aking hamonBabae ay nararapat na manligaw, pagkat ngayonAng lahat ay nagbabago sa paglipas ng panahon.

HINDI DAPAT

Ako rin ay binibini, ngunit sa 'king pagmumuniBabae ay hindi dapat na manligaw, pagkat maliAng dalagang Pilipina ay likas na mayuyumi,Di magaslaw, matahimik, magalang at mapagtimpi.

LAKANDIWA

Malugod kong tinatatanggap ang dalawang paralumanNa kapuwa marurunong at bihasa sa bigkasanWag na nating patagalin, umpisahan na ang labanUnang tindig ay ang DAPAT, siya'y ating palakpakan!

DAPAT  (Unang Tindig)

Ang lola ng aking lola, may kapatid na dalagaNa dalaga pa rin kahit edad na ay ciento treintaPila-pila nanliligaw ngunit mahal niya'y iba

Na saksakan namang torpe, panay tingin lang sa kanya.

Kung lalaki'y ligaw-tingin, di marunong na magtapatAng babaeng umiibig, sya nang dapat magpahayagSa panahong makabago, may text, email, eyeball, at chatDi na uso ang pakipot, pa-cute, pasikret-secret love.

Kung babae manliligaw at lalaki ang sasagotMalaya ang isa't isang tanggapin ang niloloobMas mabuti ito kaysa sapilitang pananakotNa kaya lang nagpakasal ang lalaki ay pinikot.

Hindi naman yata tama kung tanging may karapatanMagsabi ng niloloob ay ang kalalakihan langMa-lalaki, ma-babae, pantay lamang na nilalangMay puso at may damdaming kapwa marunong magmahal. 

Nasa'n tamis ng pagsinta o hapdi ng pagkabigoKung di man lang naranasan pagkat lalaki ay dungo?O babae kahit gusto ay di naman makakibo?Ano'ng saysay ng mabuhay? Para saan pa ang puso?

LAKANDIWA

Mabibigat na katwiran ang kaagad ipinukolNg makatang nasa panig ng DAPAT ang pinagtanggolAng kaniyang katunggali, pakinggan natin ang tugonPalakpakang masagana ang sa kanya'y

Page 10: Pale Oli Tiko

isalubong!

HINDI DAPAT  (Unang Tindig)

Ang lolo ng aking lolo ay may apong binatilyoHigh school pa lang marami ng tagahanga, isa ritoAy kaklaseng agresibo, nanligaw na'y siya mismoNang mabuntis, di gumradweyt, nag-iwan ng iskandalo.

Makabago na nga tayo sa gamit at kasangkapanModernong teknolohiya, mas asensong kaisipanNgunit hindi nagbabago ang pundasyon nating moralAng ugali at karakter ay di bagay na materyal.

Alalaon baga, kahit marami nang hindi usoMayro'n pa ring makalumang sariwa at laging bagoKagaya ng panliligaw, kahit tayo ang may gustoLalaki ang siyang dapat sumungkit ng ating "Oo."

Ang binatang namuhunan ng tiyaga't paghihirapUpang kamtin ang pag-ibig ng dalagang nililiyagSa puso ay iingatan ang matagal pinangarapKung magmahal siya'y lubos, habambuhay at matapat.

Mayro'n tayong kasabihan, pag patuka ang lumapitSinong manok ang tatanggi? Ito'y hulog na ng langit!Sa babaeng manliligaw, siguradong may sasabitNgunit dahil natukso lang at di tunay ang pag-ibig!

LAKANDIWA

Umpisa lang mainitan na kaagad ang bakbakanNg makatang magkaiba ng pananaw at katwiranSa susunod nilang tindig, sila'y aking hahayaanPaulanan nating muli ng masiglang palakpakan!

DAPAT  (Ikalawang Tindig)

Ang tangi kong masasabi sa estudyanteng nabanggitDi masama ang manligaw, ang di tama'y magpabuntisHiling ko sa katunggali, wag palitan itong topicHuwag sanang insultuhin ang utak ng nakikinig.

Tinukoy kong pagbabago'y tungkol sa nakagawianNoon, mga nagpupulis, sikyu, pawang lalaki langNgayon, may nurse na rin tayong baligtad ang kasarianKaya ano'ng kaibahan kung babae ang manligaw?

Noong una, iskandalo ang maraming nagaganapLumaon ay unti-unting niyakap ng komunidad:Babae ang nasa abroad, lalaki ang nagsisikapGampanan ang pagka-ina sa naiwang mga anak.

Kung tanggap na ng lipunan ang ganitong pagbabagoBabae man ang manligaw, wala itong malisyosoTamang gawa, laging mali sa mata ng

Page 11: Pale Oli Tiko

suspitsosoKaya tuloy pati ating bansa ayaw umasenso!

HINDI DAPAT  (Ikalawang Tindig)

Palagay nang marami na ang babaeng nag-a-abroadAt ito ay tanggap na nga ng bayang naghihikahosBatid nating ito'y mali lalo't ating napagtuosAng bilang ng nawawasak na pamilyang lasug-lasog.

Ngunit aking ibabalik sa ligawan ang usapinHindi dapat ang babae ang magtapat ng paggiliwMay paraan siya upang maglambing at magpapansinMagpakita ng motibo, magparamdam, magpa-charming.

May batas na itinakda ang dakilang kalikasanPagmasdan mo ang paligid, marami kang malalamanBubuyog ang lumalapit, bulaklak ang naghihintayMay bulaklak bang nadapo sa bubuyog na may nektar?

Kung baligtad na ang mundo sa larangan ng pagsuyoBabae ang nanliligaw, lalaki ang inaamoDapat silang lalaki rin ang mag-meyk-ap, magpa-laypo,Paretoke ng katawan at mukha kay Doktor Belo.

DAPAT  (Ikatlong Tindig)

Halata nang nagigipit ang makatang katunggaliDinadaan sa komedi ang katwirang

maling-maliSa pag-ibig karapatan nating lahat na pumiliKarapatang walang silbi kung babae'y itatali.

Ang babaeng nakagapos sa tradisyong makaluma,Hindi pwedeng makaligaw, maghayag ng ninanasaBiktima ng kalupitan ng nagbatas na tadhanaNa siya ring nagkaloob ng puso sa 'sangnilikha.

Ang babaeng nagtatapat ng pag-ibig sa binataSa kabila ng paghatol ng lipunang mapangutyaAy higit kong igagalang kaysa mga nagkukunwa,Mga plastik, ipokrita, kabilaan pagmumukha.

HINDI DAPAT  (Ikatlong Tindig)

Mas bistadong nakokorner ang katalong paralumanSa init ng ulo pilit hinahatak ang labananBalagtasan, kagaya rin ng pag-ibig at ligawanAy di dapat dinaraan sa santuhang apurahan.

Ano na ang sasabihin ng balanang makakitaKung babaeng nanliligaw gabi-gabi'y pumopormaLunes kay Jun, Martes kay Bert, Myerk'les, kay George, etsetera?Sa lalaki ito'y okey... Sa babae? Ay sus-barya!

Baryang-barya, murang-mura ang tingin nga sa babaeKung masyadong desperadong makabingwit ng lalaki

Page 12: Pale Oli Tiko

Perang sugal, kung gastusin, walang halong pagsisisiPagsintang kay daling kunin, madali ring isantabi!

DAPAT

Labis namang pinababa ng katalong mapanghusgaAng halaga ng babaeng tapat lang sa sarili nyaMas mabuti na ang lantad sa ugali't pagpapasyaMay pag-asang lumigaya sa halip na magpantasya.

Buhay nga natin ay sugal, kung lagi kang tagatayaMas maliit ang tsansa mo di tulad ng nagbabangkaSa dalawang naghahanap, naghihintay ng biyayaMas higit na may pag-asa ang babaeng nagkukusa.

HINDI DAPAT

Ang dalagang Pilipina ay dangal ng ating lahiMatimtimang Maria Clara, buong mundo'y pumupuriAng nais ng ka-Balagtas ay baguhin ang ugaliItulad sa Kanluraning mas mababa yaong uri!

Sa Kanlurang Amerika, makabago na ang lahatTalamak ang teen pregnancy, diborsyo ay sangkatutakGanyan ba ang ninanais pausuhin sa pagpayag?Babae na ang manligaw sa modernong moralidad?

DAPAT

Katunggaling paraluman hanggang ngayo'y nakahawlaSa panahon ng Kastila nina Simoun at IbarraAng paksa ay tumutukoy sa kung dapat, di dapat baNa manligaw ang babae - ngayon! Hindi nu'ng una pa!

HINDI DAPAT

Noong una pa at ngayon, ang sagot ko ay iisa:Hindi dapat na manligaw ang babaeng PilipinaMas matamis ang tagumpay ng nagpagod na atleta,Mas dalisay ang pagsuyong di nakuha basta-basta!

DAPAT

Matamis lang ang pag-ibig sa babaeng niligawanNg lalaking nagkataong kanya mismong napusuanNgunit dulot nito'y pait sa dalagang matimtimanNa di pansin ng binatang lihim niyang inaasam!

HINDI DAPAT

Hindi dapat manibugho ang babaeng di pinansinParehas lang naman sila ng lalaking gumigiliwNa kahit may karapatang pumili ng susuyuinKung biguin ng dalaga'y nagdurugo ang damdamin!

Page 13: Pale Oli Tiko

DAPAT

Hindi patas na lalaki lamang ang may karapatanAng babae ay dapat ding bigyang-laya sa pagligaw!

HINDI DAPAT

Kung paanong mayro'ng Ama at may Ina ang Tahanan,May lalaking manliligaw, may babaeng liligawan!

DAPAT

Sa panahong makabago ay di na uso ang ganyan!

HINDI DAPAT

Laging uso kahit kaylan ang mabuti't tamang asal!

DAPAT

Dapat babae manligaw!

HINDI DAPAT

Maghintay kang maligawan!

LAKANDIWA

Sa ayaw at sa gusto nyo, ako naman ang papakliUpang kayo'y awatin na sa labanang tumitindiKayo muna'y magpahinga, magpalamig sumandaliKabayayang minamahal, palakpakan silang muli!

Babae ba'y nararapat na manligaw? Yan ang tanong.Sino nga ba ang nagwagi at dapat tanghaling kampeon?Kayong mga madlang people ang bahala nang humatolPagpalain tayong lahat ng Dakilang Panginoon.

TAHANAN VS. PAARALAN

Saan higit na natututo ng disiplina ang bata:sa TAHANAN o sa PAARALAN?

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Unang Lunes na tipanan kami'y di man nakaratingNgayon nama'y handa kaming magbayad ng tuwa't aliwKayo na po ang bahalang sa ami'y magpaumanhinHuli man daw at magaling ay maihahabol pa rin.

Sa di pa nakababatid, si Ralph Pulmano po iniSa balanang nakikinig, malugod na bumabatiMaganda po itong paksang tatadtarin ngayong gabiSa sangkalan ng katwiran ng makatang pogi't seksi

Kay Ginoong Max Santiago, salamat po nang maramiSa padala ninyong paksang ganito ang sinasabi:Sa tahanan o eskwela, saan nga ba mag-aaniNg higit na disiplina iyang batang lumalaki?

Page 14: Pale Oli Tiko

Alam ko pong kayo'y merong inyo-inyong kurukuroNgunit upang itong paksa'y lalo nating mapaghuloSalubungin na po natin ng palakpak na maguloAng dalawang magsasabong sa gitna ng entablado!

TAHANAN (Pagpapakilala)

Sa bayan po ng Santa Fe, probinsiyang Nueva ViscayaLahat ng makahidwa ko, sa rima ay puro tumbaHindi ako nagyayabang sa katuos kong makataUmatras na kung kaylangan hangga't mayrong panahon pa.

Sa tahanan nag-uugat ang dakilang pagmamahalDisiplina'y nahihigit na dito'y natututunanMaliwanag ang panig kong sa paksa'y ipaglalabanElvie Espiritu po sa lahat ay nagpupugay.

PAARALAN

Kung ang laban po ay wrestling, ako'y dapat nang umatrasNgunit ito'y paligsahan ng may talino at utakTinatanggap ko ang hamon sa panig na ilalahadAng higit na disiplina sa paaralan nagbubuhat.

Tubong Concepcion, Tarlac po akong hamak na lingkod nyoNagpupugay sa balana nang taos sa aking pusoSa banta ng paraluman ako anya'y igugupoSagot ko'y subukan pamu ban kanita din mabalu.

LAKANDIWA

Subukan pamu ewan ko, ya'y di ko naintindihanKahit wala si Babalu, tuloy pa rin itong labanPara kayo'y di mainip, atin na pong umpisahanSi Elvie ang unang tindig, muli'y ating palakpakan.

TAHANAN (Unang Tindig)

Sinasabing ang tahanan ay ang pugad ng pamilyaAt sa pugad nagmumula ang sagradong pagsasamaPagsasamang naaangkop sa gampaning itinakdaItinakda ng Maykapal sa dalawang mag-asawa.

Gantimpala sa matimyas na pag-ibig ay ang anakAnak na siyang tungkuling imulat sa tamang landasLandas ay ang tamang asal, sandata sa isang bukasBukas na tanging magulang sa anak ay hinahangad.

Unang gurong kagigisnan ng anak ay ang magulangMagulang na walang sawang sa kanya ay aantabayAantabay sa lahat ng ikabubuti sa buhayNitong anak na nagmula sa dugo nila at laman.

Sa matuwid na salita sa tahana'y nahihigitDisiplina'y nakukuha ng anak ay nakakamitPagkat nandiyan sa tahanan ang higit na malasakitMalasakit ng magulang sa anak ay

Page 15: Pale Oli Tiko

magtutuwid.

Tsaka ngayon ay may tutol gaya nitong kahidwaanPara bagang hindi siya sa kamusmusan nagdaanHindi ba ang disiplina sa anak ay halos alamBago pa ito pumasok sa alin mang paaralan?

LAKANDIWA

Yan si Elvie Espiritu, ang Reyna ng BalagtasanNgayon naman ay ang Hari ang sya nating pakikingganDi lang Hari sa pagbikas, Hari din ng kapogihanKaya lang po, Haring sunog — si Gonie po'y palakpakan!

PAARALAN (Unang Tindig)

Ang karunungan ay lunas sa sakit na kamangmanganAng talino ay hagdanan sa tugatog ng tagumpayDisiplina ay sandata sa tatahakin mong buhayPaarala'y institusyon sa ganiyang kaalaman.

Sa tahanan ay di sapat ang dapat na matutunanNg anak na hinuhutok sa disiplinang kailanganLalo't magulang ng bata kapwa mayrong hanapbuhayAng panahon ng pag-ugit sa anak ay sadyang kulang.

Sa tahana'y mawiwikang una yaong kaalamanPagkat dito'y ama't ina sa anak ang nangangaral

Halaga ng pagtuturo ng guro sa paaralanAy ginto rin pagkat ito ay propesyong sinumpaan.

Kung ang ina nitong bata'y tsismosa at bungangeraAt halimbawang ang ama ay batugan at pabayaSa tahanan bang nabanggit, anong uring disiplinaNg anak ay mapupulot, ng anak ay nakukuha.

Nagtatanong lang po ako, hindi ako nang-aasarIyan nama'y nagaganap sa iba pong pamamahayDi gaya sa paaralan, guro'y mahirap magkulangPagka't iya'y katungkulan na kanilang gagampanan.

LAKANDIWA

Kung baga po sa sinaing ay malapit nang kumuloSa apoy ng pagtatalo itong paksang nilulutoAko muna ay tatabi upang ako'y di mapasoAt mamaya magbabalik kapag handa nang maghango.

TAHANAN (Ikalawang Tindig)

Tila ko ba napapansing kahidwa ko'y isang bulagBulag pagkat nalilihis sa tunay na nagaganapMali na isang bahagdan ng magulang ay nasulyapSiyam na pu't siyam na mabuti, itatangging agad-agad.

Mas maluwag ang panahon ng anak ay ilalagi

Page 16: Pale Oli Tiko

Sa tahanan na kapiling ang sa kanya'y nagtatangiMatuwid na bunga nito'y doon higit nangyayariAng aktwal na halimbawa sa disiplinang nasabi.

Ang silid ng paaralan ay silid ng karununganAt sa compound ng eskwela, pag-aaral, lipaw-lipawAng impluwensiya sa ibang kamag-aral ay di alamDi lahat ay nakikita ng guro ay matugaygay.

Hindi na dapat pagtakhan pagkat ito'y nagaganapAnak ay nababarkada sa kaeskwelang di tapatHindi tapat sa dahilang sa kanya ay magsasadlakSa ugaling di mainam, sa kabutiha'y baligtad.

PAARALAN (Ikalawang Tindig)

Sarili ko'y pinipilit sa dilag ay maniwalaNgunit loob ko ay tutol, tinuran nya'y hindi tamaPag sinabing mag-aaral, may takot nang bumabadhaNa labagin ang tuntuning umiiral sa eskwela.

Sabihin na nating higit ang panahon sa tahananNa ilalagi ng anak kaysa doon sa paaralanDiyan ka magtataka at sadya pang hahangaanAng disiplina ay higit sa eskwela nalalaman.

Banggitin din na malimit sa kapintasan ng bataNa siya'y mana sa ama, dili kaya ay sa inaIbig ko ditong tukuyin, ang anak ay

mapanggayaMagulang kung matapobre, anak nila ay kaisa.

Unawain lang po ako, ito'y hindi pandudustaKapag galit ang magulang, sa anak ay nawiwikaNa kesyo ikaw ay ganyan, di nag-aral palibhasaSa ibig ko pong tukuyin ay kayo na ang magkusa.

TAHANAN (Ikatlong Tindig)

Ang diwa ng pagtatalo wari ko ba'y nilalaboNg kahidwang kutis-sanggol, yaong sanggol na ewan koSa sarili niyang tahanan, hindi ba niya napipihoKung anong uring paghutok sa anak ang inaako.

Mas maigi pa sa anak kung aktwal na makikitaYaong mga halimbawa sa magandang disiplinaSa tahanan ang magulang, sila'y mga halimbawaDoon naman sa paaralan, iyan ba ay magagawa?

Katulad ng pagsisilbi, paggalang, pagpipitaganSa magulang at kapatid at sa kapwa mo nilalangPagkilos at pangungusap, kaayusan ng katawanKalinisan ng ugali, pagpupuri sa Maykapal.

PAARALAN (Ikatlong Tindig)

Pakiusap sa kahidwang Amasona ng ViscayaWala sanang personalan, magbitiw man

Page 17: Pale Oli Tiko

ng katagaBakit yaong kutis-sanggol wari ba niyang dinudusta?Ako nama'y di sinabing mistula siyang boksingera.

Nalimot na din po yata ng makatang kasalungatNa sa eskwela'y may subject na good manners and right conductPaaralan ay tahanan ang siyang nakakatuladGuro ang mga magulang, estudyante'y mga anak.

Kaibahang nahihigit na doon sa paaralanMga guro'y walang pagod ilingkod ang kakayahanHindi paris sa tahanan, ang magulang magkaminsanNawawalan ng panahong ang anak ay paglingkuran.

TAHANAN

Pati pala ang matuwid ng kalaban ay ulikbaDahil kaya siya'y bagabag ng maling paniniwalaMagulang ang hinahangad, ang anak ay mapagpalaDugo'y higit na matimbang, iyan ba'y maitatatwa?

Halaga ng disiplinang nababatid sa tahananAy hindi lamang magkano, hindi kayang matawaranPagkat dito'y obligasyon ang sabi mong katungkulanAt iyan namang katungkulan laan doon sa suwelduhan.

PAARALAN

Ang dilag ba'y nagtataka o siya ay

nagtatanong?Akin na ring lilinawin nang hindi siya nagmamaktolMga guro ay suwelduhan sa serbisyo ang katugonPagkat sila'y gumagaganap sa tinapos na propesyon.

Ako, ikaw, kahit sila, na may anak na iniwan,Ang obligasyong mangaral sa anak di maibigayDahil tayo'y nasa dayo, di kapiling sa tahananSa 'ting mga pagkukulang, nagpupuno'y paaralan.

TAHANAN

Kahit isa ang dumayo sa dalawang mag-asawaMayron pa ring magsisilbi sa tahana'y magpapalaKakayahan ng iniwang kapilas ba'y bale walaUpang anak ay hutukin sa nasabing disiplina?

PAARALAN

Di ko naman sinasabing sila'y walang kakayahanTinuran ko'y halimbawa na tayo ay kakulanganMay layunin kaya itong kahidwa kong paralumanNa kami ay pag-awayin ng reyna ko sa tahanan?

TAHANAN

Takusa man ang kalaban, wala akong pakialamMahalaga'y ang panig ko sa kanya'y nakakalamang.

Page 18: Pale Oli Tiko

PAARALAN

Sa boksing pag nang-aasar, kalaban ay mahina naGayon din sa balagtasan, wala din pong pinag-iba.

TAHANAN

Di masama ang mangarap kahit walang pagkatupad.

PAARALAN

Di na dapat pangarapin ang bagay na natitiyak.

TAHANAN

Bulastog na paniwala!

PAARALAN

Ayon lang yan sa akala!

LAKANDIWA

Akala ko'y biru-biro ang labanan ng dalawaKung nahuli pala ako'y baka merong nadisgrasyaMagkamayan muna kayo't ang hinaho'y ibalik naKababayang minamahal, palakpakan natin sila!

Si Elvie po ang may sabing sa bahay mas nakakamitNg bata ang disiplina, pagkat dahil sa pag-ibig,Ang magulang sa anak nya ay lubos ang

malasakit,Laging handang umantabay at masuyong nagtutuwid.

Ani Gonie, disiplina'y bahagi ng kaalamanNa higit na nakukuha ng bata sa eskwelahanLalo anya kapag ama't ina'y kapwa nagkukulangGuro ang syang gumaganap sa tungkulin ng magulang.

Sang-ayon sa isang kwento, sa langit ay nakapilaDuktor, narses, inhinyero, arkitekto, at iba paSila noong nasa lupa ay mayroong disiplinaKaya sa kabilang buhay, nakamtan ang gantimpala.

Bawa't isa sa kanila ay mayroong sumalubongBuong tuwang nagsasabi kay San Pedro, “Anak ko 'yon!”Ngunit isa ang lumapit at sa kanya ay nagbulong,“Lahat sila nu'ng musmos pa, ako'ng guro nila noon!”

Disiplina'y sa tahanan unang dapat matutuhanDisiplina'y sa eskwela dapat bigyang-katataganPaaralan at tahanan ay pandayan nitong asalNagtutulong na ihanda ang bata sa wastong buhay.

Iyang murang kaisipan ng bata ay nahuhutokNang ayon sa nakikita't naririnig sa palibotSa tahanan at eskwela'y may mabuting napupulot,Masasamang impluwensya ay doon din sumusulpot.

Sa magulang po at guro, ito'y isang

Page 19: Pale Oli Tiko

paalalaUpang bata ay matuto ng tunay na disiplina:Tayo mismong nangangaral ang dapat na magpakitaNg kanilang gagayahing mabubuting halimbawa.

Sa panig na pinagtanggol ng dalawang makata poPatas sila ng katwiran, parehas po na may puntoKaya naman ang hatol ko, sila'y tabla, kaya kayo,Palakpakan sanang muli si Elvira at Gorgonio!

 

Bambu Inglis vs. Wikang Pambansa

Lakambini (kay Huwan):

Namamanaag na sa dakong silanganAng kulay ng iyong magandang liwayway;Bukas, sa pagsikat ng palalong araw,Isa kang watawat na mamamagayway!

Mula sa Kanluran: dinala ng alonSa iyong pasigan ang tapat na layon;Sa buton ng abo: ikaw ay babangonNa malayang bayan sa habang panahon.

Paulo:Huwan,tanggapin mo ang pakikilugodNg isang kasama sa tuwa at lungkot,Binabati kita: ang tapat na loobAy madarama mong laging naglilingkod.

Huwan:Tapat na dibdib ay iyong damahinAt pasasalamat ang tibok na angkinAko’y sasaiyong gunita’t panimdimHabang ang silangan ay silangan pa rin.

Paulo:Kaya, nang malubos ang pagkabanas mo,Ako ay may isang mungkahi sa iyo:Tagolog na ingles ang panukala koNa wikang gamitin-du yu get mi ako?

Huwan:Ano, mister Paul, nalalaman mo baKung ano ang iyong tinuran kanina?

Paulo:Wat is rong may pren Wan, sa nasyonal langwedsKung ito’y gagawing Pilipinais Ingles?

Huwan:Sa iyong sarili’y manainga ka nga,Kung ano ang iyong dinalit na wika;Kung ganyan, katoto, ang wikang pambansa:Anong wika iyan-mestisong baluga?

Paulo:Huwag kang magtawa-do yu nat anderstanAng ingles na wika ay pangyunibersal;Bilang isang nesyon: kinakailanganNa maanderstan ka ng iba pang bayan.

Ang Tagalog langweds ay pang Pi Ay lamang,Di maikukumper sa Ingles, mister Wan;At sa diplomatik na mga usapan,Magagamit mo ba ang langweds mong iyan?

Huwan:Dapat mong mabatid na ang pagkabansaAy makikilala sa sariling wika,Bakit pipiliting ako’y magsalitaNg wikang di akin-hiram at banyaga?

Paulo:Tingnan mo nga kami-bakit ang inadapAy wikang mula pa sa ibayong dagat?Tulad ng Bretanya: kami ay umunladGayong wikang hiram ang aming binigkas!

Page 20: Pale Oli Tiko

Huwan:Kung iyan ang iyong wikang sinasabi,Wikang pinagmula’y higit na mabuti.

Paulo:Tingnan ang Hapon sa klos dor palisiAng ginamit lamang ay wikang sarili;En wat is di risolt op dat pangyayari,Natutong sulatin ay magulong kandyi.

Huwan:Nakakatawa ka, hindi naging hadlangSa bayan ng Hapon ang wikang minahal;Ang simula”t dulo ng ganyang dahilanAy dala ng kanyang mga kaimbutan.

Paulo:Kaya tingnan natin kung saan hahantongAng nasyonal langweds na onli por pinoy.

Huwan:Ang nakakatulad nitong pagtatalo:Pork tsap at hambardyer ang wikang Ingles mo;Ang wikang Tagalog naman ay adobongMasarap sa akin nguni’t di mo gusto.

Dapat mong malamang ang wikang pambansaAy kinamulatan mulang pagkabata;Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . .Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa!

(Wakas)