Pagpapalakas ng pangangatawan

8
Pagpapalakas ng pangangatawan

Transcript of Pagpapalakas ng pangangatawan

Pagpapalakas ng pangangatawan

Mga katutubong sayaw ng Pilipinas

Maraming impluwensiyang nagmula sa mga katutubong

Ifugao, mga dayuhang Indones, Kastila at Hapon ang makikita sa

mga sayaw na gaya ng "Ragragsakan", "La Jota

Moncadena", "Tinikling", "Singkil", "Binasuan", "Pandanggo sa Ilaw",

"Subli", "Sakuting", "Regatones" at "Binasuan" ang patuloy na

nagbibigay aliw at bighani maging sa mga turista at mga kapwa

Pilipino.

• Pinakikita rin sa pamamagitan ng katutubong sayaw ng Pilipinas ang maalab na damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob, pagkakaisa at pagkakaiba na hudyat ng isang bansang binubuo ng 7,107 isla. Ilang piling manananghal ang patuloy na bumubuhay sa mga katutubong sayaw ng bansa ang kilala rin sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang Bayanihan Dance Troupe at Ramon Obusan Folkloric Group ay ilan lamang sa grupo ng mga Pilipinong pinag-aaralan ang bawat hakbang at mahusay na nagdudokumento ng mga sayaw na matatagpuan sa buong kapuluan.

Palarong Pambansa

VolleyballAng volleyball ay isang larong

pangkoponan, kung saan ang dalawang magkatunggaling koponan ay

pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang koponan na magkaiskor ng

puntos sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court ng

kalabang koponan alinsunod sa mga nakabalangkas na tuntunin.

Nagsimula itong maging bahagi ng opisyal na programa ng Summer

Olympic Games noong 1964.

Nagmula ang volleyball sa Estados Unidos at ngayo'y nilalaro na halos sa buong mundo. Ang Fédération

Internationale de Volleyball (FIVB) ang lupon na namamahala ng naturang isports na may 220

bansang kasapi.

Ang mga nangungunang bansa sa larong ito sa ika-21 siglo ay

ang Brazil, Estados Unidos, Italya, Rusya, Hapon, Serbia,

Poland, Cuba, Tsina at Alemanya. Ayon sa pagtataya sa

ngayon ng FIVB, sangkanim (1/6) ng tao sa buong mundo ay

aktibong nakikilahok o nanonood ng volleyball.