Paglawak ng Kapangyarihang Roman

20
Kasaysayan ng Daigdig 8 Bb. Ria de los Santos

Transcript of Paglawak ng Kapangyarihang Roman

Kasaysayan ng Daigdig 8Bb. Ria de los Santos

Kabihasnang Rome

MAHAHALAGANG TANONG

Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyang panahon ang klasikong kabihasnan na nalinang sa Asya at Europa?

Punic- Salitang Roman para sa

“Carthaginian”

Triumvirate- Pangkat ng tatlong makakapangyarihang

pinuno sa Roma.

Latifundia- “malaking hacienda”

Nagkaroon ng tugmaan ang Roman at ang Carthage (Tunisia) para sa Sicily.

PUNIC WARS

UNANG PUNIC WAR (264 BC- 241 BC)

• Nagapi ng Rome ang Carthage at nakamit ang Sicily sa bilang unang lalawigan ng Republika sa tangway.

IKALAWANG PUNIC WAR (218 BC-202 BC)• Bilang ganti, sinugod ni

Hannibal ang Rome lulan ang 59000 sundalo ang 60 elepanteng pandigma.

• Nakamit ng mga Carthaginian ang pinakamalaking tagumpay sa Cannae noong 216 BC.

IKALAWANG PUNIC WAR (218 BC-202 BC)• Gamit ang estratehiyang

ginamit ni Scipio, napilitang umatras si Hannibal tungong Carthage upang ipagtanggol ito laban sa sumasalakay na hukbong Roman.

• Napasakamay na ng Rome ang Spain matapos ang Ikalawang Digmaang Punic

IKATLONG PUNIC WAR (149 BC)

• Bunsod ng pambubuyo ni Cato sa mga Roman na “was akin ang Carthage,” sinunog ng Rome ang Carthage at ginawa itong lalawigan.

• Bandang 70 BC, nakamit ng Republika ang tugatog ng kapangyarihan.

• Pinalawiig nito ang kapangyarihan pasilangan at sinakop ang imperyong Macedonia, Greece at Pergamun sa Anatolia.

“Mare Nostrum”-Taguri ng mga Roman sa Mediterranean Sea.

Nangangahulugang Aming Dagat.

Paghina ng Republika• Lumaki ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa Roma, isa pa ditto ay

nagkaroon ng latifundia ang mga mayayaman.• Lumawak ang sakop ng mga latifundia mula sa pagsamsam ng mga nasakop na

lupain.• Maraming bihag ng digmaan ang naging alipin sa mga latifundia.• Nawalan ng sakahan, tirahan at kabuhayan ang maraming sundalo at

karaniwang magsasaka.• Ang kalagayang ito ang pinagmulan ng tensiyon sa pagitan ng mayayaman at

mahihirap sa lipunang Roman.

Sino ang makapatid na Gracchus (Tiberius at Gaius)?

• Tiberius: iminungkahi na liitan ang sukat ng latifundia at ipamahagi ang lupain sa mga mahihirap.

• Gaius: sinuportahan ang reporma ni Tiberius at pinanukala na babaan ang presyo ng bigas.

Gaius Marius Lucius Cornelius Sulla

Mula 88-82 BC nagharap ang hukbo ng magkabilang panig sa isang digmaang sibil na sa huli ay pinagwagian ni Sulla. Matapos nito ay itinalaga si Sulla ang sarili bilang diktador.

Triumvirate Mahahalagang Pangyayari

Unang Triumvirate

• Nagsanib pwersa sina Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus at Gnaeus Pompeius Magnus upang pamunuan ang Rome.

• Itinatag ni Caesar ang sarili bilang gobernador ng Gaul (France)

• Ikinabahala ni Pompey ang lumalakas na kapangyarihan ni Caesar kaya’t ipinag-utos niya na buwagin ang kanyang binuong legion.

• Naghudyat ang pagsuway ni Caesar sa panibagong digmaang sibil sa Rome.

• Tumakas si Pompey palabas ng Rome at ginapi ni Caesar ang hukbo ni Pompey sa Greece, Asya, Spain at Egypt.

Reporma ni Julius Caesar• Pagbibigay ng pagkamamamayan sa mga tao sa mga

lalawigan ng Rome• Pagtulong sa mahihirap sa pamamagitan ng paglikha ng mga

hanapbuhay• Pagtatag ng mga kolonya upang makapagmay-ari ng lupa

ang mga walang lupa at,• Pagdaragdag sa sahod ng mga sundalo.

Nagsabwatan ang mga senador sa pangunguna nina Marcus Junius Brutus at Gaius Cassius Longinus sa pagpaslang kay Julius Caesar noong Marso 15, 44 BC.

Triumvirate Mahahalagang Pangyayari

Ikalawang Triumvirate

• Binuo ang Ikalawang Triumvirate nina Octavian, Mark Antony at Lepidus.

• Sapilitang pinagretiro si Lepidus at inakusahan ni Octavian si Mark Antony ng pakikipagsabwatan kay Cleopatra na pamunuan ang Rome.

• Nanalo ang puwersa ni Octavian laban kay Mark Antony at Cleopatra kaya’t kinalaunan ay nagpakamatay ang magkasintahan.

• Bumalik si Octavian sa Rome at itinanghal ang sarili bilang imperator ang tinalaga ang sarili bilang “Augustus” na nangangahulugang “Ang Dakila.”

TAKDANG ARALIN #5

1. Ano ang ibig ipakahulugan ng “Pax Romano?”2. Ano ang katangian ng mga Julian Emperors ?3. Anu-ano ang naging ambag ng Limang Mahuhusay na Emperador?4. Sino sina Diocletian at Constantine?5. Sinu-sino ang pangkat ng mga barbaro na sumalakay sa Imperyong Romano?

pp. 131-135