Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

8
KULTURA NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 Sa ilalim: Likhang-sining ni Renan Ortiz para sa Kilusang Mayo Uno sa pagdiriwang ng ika-153 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Oplan Bayanihan at nagpapatuloy na pasismo Ang Diwa ni Bonifacio, National Minimum Wage, at Pagbabasura ng Kontraktwalisasyon Andres Bonifacio at Kabataang Makabayan, inspirasyon ng kabataan Pagtindig laban sa Imperyalismong US sa Ilalim ni Trump Mga kabalintunaan sa desisyon ng Korte Suprema na ilibing si Marcos sa LNMB Malalaking protesta laban sa papapalibing kay Marcos bilang bayani 3 4 5 6 7 8 \\ Ituloy sa p2 Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban! Pagbati at pagpupugay ang pinaaabot ng pambansang pamunuan ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi, lider at mga alyadong organisasyon nito sa buong bansa at ibayong dagat sa okasyong ito ng anibersaryo ng Anakbayan at Kabataang Makabayan.

Transcript of Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

Page 1: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

KULTURA

NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016

Sa ilalim: Likhang-sining ni Renan Ortiz para sa Kilusang Mayo Uno sa pagdiriwang ng ika-153 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Oplan Bayanihan at nagpapatuloy na pasismoAng Diwa ni Bonifacio, National Minimum Wage, at Pagbabasura ng KontraktwalisasyonAndres Bonifacio at Kabataang Makabayan, inspirasyon ng kabataanPagtindig laban sa Imperyalismong US sa Ilalim ni TrumpMga kabalintunaan sa desisyon ng Korte Suprema na ilibing si Marcos sa LNMBMalalaking protesta laban sa papapalibing kay Marcos bilang bayani

3

4

5

6

7

8

\\ Ituloy sa p2

Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!Pagbati at pagpupugay ang pinaaabot ng pambansang pamunuan ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi, lider at mga alyadong organisasyon nito sa buong bansa at ibayong dagat sa okasyong ito ng anibersaryo ng Anakbayan at Kabataang Makabayan.

Page 2: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

2 NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Calapit,

Gena Terre, James Relativo, John Levi Masuli, Mary Karlyn SubaldoNona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

Pinagpupugayan natin ang ating mga kabataang bayani at martir na nag-alay ng buhay para sa sambayanan at para sa pakikibaka para sa tunay na kalayaan.

Binabati natin ang lahat ng mga kabataang patuloy at buong sigasig na naglilingkod sa sambayanan at nagpupunyaging itaas sa panibagong antas ang mga pagkilos at gawain para sa pambansa-demokratikong rebolusyon.

Sa nagdaang taon, ang libo-libong mga kasapi ng Anakbayan na nasa daan-daang mga balangay sa buong bansa ay nasa unahan ng mga pakikibaka ng kabataan at mamamayan bilang komprehensibong organisasyon ng kabataang Pilipino. Patuloy tayo sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa linya ng pambansang demokrasya at pagsanib sa pakikibaka ng batayang masa.

Sa kasalukuyan, malaki ang hamon sa kabataan sa ilalim ng rehimeng Duterte. Umaastang “Kaliwa” at makamamamayan, pumupustura itong anti-US, para sa usapang kapayapaan at para sa pagbabago. May mga positibong hakbangin si Duterte na kinikilala ng mamamayan. Kasama rito ang matapang na pahayag ng pagputol sa di-pantay na relasyon sa US; pagpasok sa usapang pangkapayapaan at pagpapalaya sa mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines; mga pangakong magbibigay ng kagyat na ginhawa sa bayan gaya ng pagwakas sa kontraktwalisasyon; at pag-appoint ng mga progresibo sa gabinete.

Gayunpaman, kung tutuusi’y wala pang makabuluhang mga hakbang na pinatutupad si Duterte para magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa sistemang malakolonyal at malapyudal. Bagamat may mga positibo at makabayang posisyon si Duterte, nananatiling kontrolado ng imperyalismong US at mga naghaharing uri ang estado at kapangyarihan. Sa katunayan, marami sa mga naunang positibo at makamamamayang postura at hakbangin niya ay iniaatras niya mismo o di kaya’y tinatabunan.

Sa umpisa pa lamang, itinaguyod na niya at pinagpatuloy ang mga neoliberal na mga patakarang pang-ekonomiya na higit na nagpapahirap sa mamamayan. Wala pa rin siyang malinaw na programa para ipatupad ang tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at pagbaliktad sa mga bulok na patakaran ng mga nagdaang administrasyon.

Tila umuurong din si Duterte sa mga nauna niyang matatapang na pahayag na hindi na itutuloy ang military exercises ng US sa bansa at pagbaklas sa US.

Positibo na nagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan, pero matapos ang unang batch ng pagpapalaya sa mga konsultant ng NDFP, wala na muling narinig kay Duterte ukol sa panawagan na palayain ang mahigit 500 bilanggong pulitikal sa bansa. May mga pananda rin na hindi seryoso ang panel ng gubyerno na tumugon sa negosasyon hinggil sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) na tutugon sa kahirapang dinaranas ng mamamayan. Sa halip, nais nitong itali sa walang taning na tigil-putukan ang rebolusyunaryong kilusan habang tuloy naman ito sa pagragasa ng Oplan Bayanihan at hindi hinaharap ang ugat ng armadong tunggalian.

Ang pagpaparangal ni Duterte sa diktador na si Marcos bilang bayani ay hinarap ng malawak na paglaban ng kabataan at mamamayan. Kasabay nito ang paglaban sa tendensiya ni Duterte na maging diktador at gumamit ng pasismo laban sa mamamayan: patuloy na militarisasyon sa kanayunan, mga banta na isuspinde ang writ of habeas corpus, pagbuhay sa ROTC at iba pa.Ang hamon sa kabataan at Anakbayan: itaas sa panibagong antas ang ating pagpupukaw, pag-oorganisa at paglaban.

Kailangan nating igpawan ang mga kahinaan na pumipigil sa ating paggampan sa ating papel sa kasaysayan at paglaban. Dapat iwaksi ang kanang oportunismo at igpawan ang kabiguan na ilang ulit at sa sustinidong paraan ay palawakin ang ating organisasyon at palakihin ang ating mga balangay.

Dapat patalasin ang ating mga kampanya, pakikibaka at propaganda sa balangkas na anti-imperyalista, anti-pyudal at anti-pasista. Malakas nating bitbitin ang paglaban sa atakeng neoliberal sa masa at kabataan. Dapat ilunsad ang malawak na kampanya ng edukasyong pampulitika sa hanay ng mga kabataan na magpapalaganap ng pambansa-demokratikong linya, pagsusuri at panawagan. Dapat ding palaganapin ang mga pag-aaral na anti-imperyalista, kontra-rebisyunista at mga pag-aaral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo sa hanay ng kasapian at masa.

Dapat nating itayo ang malalaki at malalakas na mga balangay ng organisasyon sa mga paaralan, pagawaan, komunidad sa buong

bansa. Dapat palagiang magrekluta ng mga bagong kasapi, kasabay ng plano rin para sa pag-affiliate ng mga organisasyon ng kabataan. Tiyakin ang tuloy-tuloy na konsolidasyon ng mga kasapi sa mga pag-aaral, pagsasanay at mga gawain ng balangay.

Dapat paghusayan ang pagpapakilos at papapalaki ng mga mobilisasyong masa. Sa mga kampanya at pakikibaka, pangunahing saligan ang mga kasapi na umaabot sa di-organisado sa solidong propaganda-ahitasyon at edukasyon, habang pinapalaki din ang bilang ng kasapian at organisasyon. Higit pang lumalaki ito sa pamamagitan ng mahusay na gawaing alyansa at mga masasaklaw na porma at kondukta ng mga pagkilos na nakakahikayat sa ispontayong mga mobilisasyon at pagkilos. Tiyakin natin na sa bawat malaking mobilisasyon at pagkilos, umiigpaw din ang bilang ng kasapian ng Anakbayan.

Dapat malakas at maramihang sumanib sa pakikibaka ng batayang masa. Dapat tiyakin na tumungo sa kanayunan ang paparaming bilang ng mga kabataan at mga kasapi ng Anakbayan para makiisa at sumanib sa pakikibaka ng mga manggagawa at magsasaka. Dapat palakasin ang pagkakampanya at oryentasyong ito sa hanay ng mga kabataan sa mga pag-aaral, mga integrasyon at maramihang pagtungo sa hanay ng masa.

Hamon sa atin na itaas sa panibagong antas ang ating mga pagkilos para malakas na mag-ambag sa pangkalahatang pag-abante ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba.

Sa panahong tumitindi ang pagsasamantala at atake ng imperyalismo at mga naghaharing uri, higit na tinatawagan ang mga kabataan na maging ilaw sa gitna ng karimlan. Maging pag-asa at tagapagtanggol ng interes ng mamamayan, at lingkod ng masa — kasama at kaisa nila sa kanilang pakikibaka.

Humakbang tayo pasulong tungo sa tagumpay ng pambansa demokratikong rebolusyon. Sumulong tayo sa higit na paglakas, paglawak, at paglaban!

Mabuhay ang Anakbayan!

Mabuhay ang Kabataang Makabayan!

Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!

Page 3: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 BALITA

Nagpapatuloy ang militarisasyon sa mga sibilyang komunidad, sistematikong pamamaslang at pagdakip sa mga aktibista at masa, at iba pang paglapastangan sa karapatang pantao na lumalabag sa usapang pangkapayapaan at tigil-putukan. Ang nagpapatuloy ng pasismo ay taliwas rin sa pangako ng pagbabago ng rehimeng Duterte.

Humuhugis din ang pasistang tendensiya ni Duterte sa kanyang banta na isuspinde ang writ of habeas corpus, pagbuhay sa Reserved Officer Training Corps (ROTC), at malawakang pamamaslang sa ilalim ng kanyang kampanyang kontra-droga.

Matingkad ding ekspresyon nito ang pagbibigay-puri ni Duterte sa yumaong diktador na si Marcos sa kabila ng malawak na pagtutol ng kabataan at mamamayan.

Pananalasa ng Oplan BayanihanAyon sa mga ulat mula sa mga balangay ng Anakbayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ginagambala ng mga armadong tropa ang kapayapaan, kabuhayan, at gawaing pamproduksyon ng taumbayan. Patuloy na naghahasik ng lagim ang AFP sa mga sibilyang komunidad sa kanayunan. Naglulunsad ng mga operasyong saywar at paniktik ang AFP upang tukuyin, takutin, at patahimikin ang mga aktibista sa mga

baryo, wasakin ang mga organisasyong masa, at pahupain ang sama-samang paglaban ng mamamayan sa militarisasyon, pangangamkam ng lupa at iba pang kinakaharap nila. Upang pangatwiranan ang kanilang presensya sa mga pamayanan, day care, health center paaralan, kapilya, at iba pang pampublikong istruktura, sinasabi ng mga sundalo sa mga taumbayan na ang New People’s Army (NPA) lamang diumano ang may tigil-putukan. Mas malala pa, ginagamit na palusot ang “gera kontra-droga” upang maisakatuparan ang malawakang paglabag sa karapatang pantao sa kanayunan. Ayon sa Karapatan, aabot na sa 13,000 ang sapilitang lumikas mula sa mga kanilang komunidad sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Ito ay sa kabila ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyernong Duterte at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at kasalukuyang umiiral na walang taning na tigil-putukan na kapwa idineklara ng AFP at NPA.

Pagtindig ng mamamayanDumating sa Maynila ang mahigit isang daang delegasyon mula sa Silangang Visayas ng Lakbayan ng Visayas noong Nobyembre

28 upang itambol ang kanilang nararanasang kagutuman at militarisasyon. Kasalukuyan silang tumutuloy sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang laganap na pang-aabuso ay nagtulak sa mahigit 7,000 Masbateño na magsagawa ng kampuhan sa harap ng mga bayan ng Cawayan at Dimaslang sa Masbate noong Nobyembre 15-20. Maalalang lumuwas din ang mga pambansang minorya mula sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa sa Kamaynilaan nito lamang Oktubre.

Ngunit si Duterte mismo ay pinangatwiranan ang militarisasyon sa ilalim ng Oplan Bayanihan. “Nasa Republika ng Pilipinas tayo. Kaya’t nararapat lamang na may sundalo at pulis kahit saan,” ani Duterte. “Siguradong hindi ko mauutusan ang militar na umalis kahit saan,” dagdag pa niya.

Para sa Anakbayan, patunay din sa patuloy na pag-iral ng pasistang kaisipan sa estado ang pagpaparangal ni Duterte sa dating diktador na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay pagbibigay puri sa mga pasistang pamana ni Marcos na nagpapatuloy sa kasalukuyan sa anyo ng Oplan Bayanihan.

Nananawagan ang Anakbayan kay Duterte na iurong ang mga pasistang hakbang ng kanyang gubyerno. Batid ng organisasyon ang mungkahi ng taumbayan sa NDFP na muling isaalang-alang ang pagpapatuloy ng tigil-putukan kung patuloy naman ang pag-atake ng militar sa mamamayan.

Mariing kinundena ng Anakbayan ang patuloy na militarisasyon at pagragasa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanayunan sa ilalim ng Oplan Bayanihan, kontra-insurhensiyang gera ng rehimeng US-Aquino na pinagpapatuloy ng estado sa ilalim ni Duterte.

Oplan Bayanihan at nagpapatuloy na pasismo

Larawan ni Victor C

risostomo.

Page 4: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

4 NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Isang manggagawa, pinanganak si Bonifacio sa Tondo, Maynila noong ika-30 ng Nobyembre 1863. Sa murang gulang, siya ay tumulong sa pagbebenta ng tungkod at abaniko. Naranasan rin niyang maging kleriko at bodegero ng isang dayuhang kumpanya.

Kasama ang mga tulad niyang manggagawa at magsasaka, pinangunahan ni Bonifacio ang pambansang kilusan ng Katipunan na siyang namuno sa pagpapalayas sa mga dayuhang Espanyol sa bansa.

Sa kasalukuyan, nananatili ang pagsasamantala sa mga manggagawang Pilipino. Patuloy ang pag-iral ng mga kontra-manggagawang batas tulad ng Wage Rationalization Law ng 1989 sa pribadong sektor at manggagawang bukid, at Salary Standardization Law ng 1989 sa mga kawani ng pamahalaan. Dahil sa dalawang batas na ito, naging ligal at karaniwan ang pagbibigay ng mas mababang sahod para sa mga manggagawa, ipinag-iba-iba ang antas ng sahod sa iba’t-ibang rehiyon, at malawakang kontrakwalisasyon. Kaya naman kahit ang datos na mismo ng pamahalaan ang nagsasaad na noong 2011, 25% lamang ng mga itinuturing na wage and salary workers ang tumatanggap ng minimum na sahod, habang 46% ang tumatanggap ng mas mababa rito. Laganap pa rin ang kontraktwalisasyon at sistemang “endo” (end of contract) kung saan ang mga manggagawa ay pinagkakaitan ng seguridad sa trabaho, mga benepisyong nararapat ibigay sa mga regular na manggagawa, at karapatan sa pag-uunyon. Hindi na kataka-taka na marami sa mga Pilipino ay nananatiling walang trabaho. Maiuugat ang mga anti-manggagawang polisiyang ito sa pagpapatuloy ng mga imperyalistang patakarang neoliberal sa buong mundo. Sa tuloy-tuloy na pagtutulak ng “malayang kalakalan” sa daigdig, patuloy na itinutulak ang pleksibilisasyon ng paggawa at inaatake ang konsepto ng minimum na sahod. Karamihan sa mga mamamayan ng mundo ay nasa bingit ng kawalan ng trabaho, dahil sa kagustuhan ng mga kumpanya na ipasa ang pasanin ng krisis sa mga balikat ng mga manggagawa. Inspirasyon ng manggagawa at taumbayan si Andres Bonifacio na siyang pumukaw at nagpasiklab ng galit at paglaban sa pang-aapi sa mga Pilipino. Gaya niya, sa halip na magpaalipin at magtiis, pinipili ngayon ng mamamayan na lumaban para sa kalayaan.

Patuloy ang pag-alingawngaw ng mga adhikain ng Katipunan sa kasalukuyang panahon. Nananatiling buhay ang paglaban sa mga kabataang mulat sa pangangailangang ibagsak ang paghahari ng imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo; at ipagpatuloy ang di pa tapos na rebolusyon ni Bonifacio. Sa Araw ni Bonifacio, mainam lamang na itampok ang kanyang anti-kolonyal at makabayang adhikain kasabay ng panawagan ng manggagawa para sa national minimum wage at sa pagbabasura ng kontraktwalisasyon. Dapat pag-alabin ang paglaban sa imperyalismo na umaatake sa manggagawa at mamamayan.

Wala nang mas iinam pang paraan upang ipagdiwang ang Araw ni Bonifacio kundi ang pagsasabuhay ng mga adhikain ni Gat Andres Bonifacio, kaagapay ang mga manggagawa at ng sambayanang Pilipino.

Ang Diwa ni Bonifacio, National Minimum Wage, at Pagbabasura ng Kontraktwalisasyon

Intro:C G Am GC G Am G

C G Em AmInay, itay, ako po ay lilisanC G Em Ampatutunguhan ko ay isang digmaanC G Em Ammag-aalay ako ng panahon at buhay..C G Am Gpara sa kalayaan..

C G Em AmInay, itay wag kayong mag-alalaC G Em Aminyong pagmamahal ay lagi kong madaramaC G Em Amsa marami pang ama at inang mapagkalingaC G Am A7sa tahanang alay nila..

Dm G C AmSa aking pag-alis kayo’y hindi rin mawawalanDm G C Flibong anak sa inyo’y laging magdaraanC Gkatulad ko ringF G C C7mabubuting anak ng bayan..

F G Ampagbati ko sa inyo’y ihahatid nila..F G Amsilang anak nyo rin at kasamaF G Amkasabay ng mga ngiti sasabihin nilaF G C“Inay, Itay, kumusta na?”

... G Am GC G C A7

D A F#m BmInay, itay, sa ating paglalayoD A F#m Bmpinapangako kong hindi tayo mabibigoD A F#m Bmang ating hangad na malayang bukasD A Bm B7ay tiyak na matutupad

Em A D GSa aking pag-alis kayo’y hindi rin mawawalanEm A D Bmlibong anak sa inyo’y laging magdaraanD Akatulad ko rinG A G Amabubuting anak ng bayan

D Akatulad ko rinG A G A Dmabubuting anak ng bayan

Anak ng Bayan chords & lyrics

Page 5: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 LATHALAIN

Nagpapatuloy ang hamon sa ating mga kabataan na palakihin at palawakin pa ang mga pagkilos, bigkisin ang mas marami sa mga organisasyon at sumanib sa pakikibaka ng batayang sektor ng lipunan. Ngayong Nobyembre 30, ating gunitain ang ika-153 anibersaryo ng pagsilang ni Gat Andres Bonifacio at ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kabataang Makabayan (KM). Napapanahon ang paghalaw ng kabataan ng inspirasyon at gawing huwaran si Bonifacio at ang KM.

Ang rebolusyon ni BonifacioLihim na itinatag sa Tondo noong 1892 ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan. Mula sa inisiyal na 200 kasapi, lumawak ang Katipunan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan upang ipalaganap ang rebolusyonaryong mensahe nito. Inspirado sa mga ideya ng Rebolusyong Pranses, si Bonifacio at ibang lider ng Katipunan ay nanindigan para sa pambansang kasarinlan, karapatang sibil, kompiskasyon ng mga lupaing prayle, pagwawakas sa relihiyosong paghahari, at pagpapabagsak sa dayuhang pananakop. Ang Sigaw ng Pugadlawin noong Agosto 23, 1896 ang naging hudyat sa pagsiklab ng armadong pakikibaka ng Katipunan. Ngunit trinaydor ng mga prinsipalya si Bonifacio sa Tejeros Convention ng 1897 at iniluklok si Emilio Aguinaldo bilang pinuno ng paglaban sa mga Espanyol. Magiting na lumaban ang mamamayang Pilipino sa kabila ng pagsuko ng pamunuang Aguinaldo. Bagamat inagaw ng imperyalistang Estados Unidos ang tagumpay nito, inukit sa kasaysayan ang rebolusyong 1896 bilang pinakaunang pambansa demokratikong rebolusyon sa Asya.

Ang Kabataang MakabayanHuwad ang kalayaan na ibinigay ng imperyalismong US sa Pilipinas noong 1946. Nagpapatuloy ang malakolonyal o di-hayag na kontrol ng US sa pulitika, ekonomiya, at kultura ng bansa habang pinanatiling malapyudal o atrasado, hindi industriyal, at hawak ng iilan at dayuhan ang ekonomiya. Itinatag ang KM noong 1964 sa hangaring itaguyod ang isang bagong tipo ng pambansa demokratikong rebolusyon sa pamumuno ng proletaryado. Nilayon ng KM na ibagsak ang tatlong salot ng lipunang Pilipino--imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo.

Sa pagpanday sa KM bilang katuwang ng uring manggagawa sa pagsulong ng pambansa demokratikong pakikibaka, masusing pinag-aralan ng KM ang kasaysayan, lipunan, at rebolusyong Pilipino at maging ang mga sulating Marxista-Leninista-Maoista. Sa paglawak ng kasapian ng KM sa buong bansa, tinutukan nito ang pag-ugat sa mga pamantasan, komunidad, pagawaan at mga sakahan. Sinikap nitong makipag-ugnayan sa mga konseho ng mag-aaral, mga publikasyon, mga manggagawa, magbubukid, pambansang minorya at iba pa. Pinangunahan ng KM ang Sigwa ng Unang Kwarto, isang makasaysayang serye ng lingguhang protesta noong Enero-Marso 1970 na nilahukan ng 50,000 hanggang 100,000. Nanguna rin ito sa Diliman Commune kung saan binarikadahan ang kampus noong Pebrero 1971 laban sa rehimeng Marcos. Kalaunan, naging bahagi ang mga nangungunang lider at kasapi ng KM sa pagtatag at paglawak sa buong bansa ng Partido Komunista Pilipinas (PKP) noong Disyembre 26, 1968 at Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Marso 29, 1969. Matapos ideklara ang Batas Militar at ipinagbawal ang lahat ng organisasyon at

Ang pagbuhos ng protesta ng libu-libong kabataan sa mga lansangan bilang tugon sa pagpapalibing sa yumaong diktador na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay nagpapakita sa patuloy na pagtangan ng kabataan ng kasalukuyang henerasyon sa ating papel bilang pag-asa ng bayan.

Andres Bonifacio at Kabataang Makabayan, inspirasyon ng kabataan

paglaban, mas maraming kasapi ng KM ang tumungo sa kanayunan at sumapi sa BHB. Hindi matatawaran ang naging papel ng KM sa pakikibaka at pagpapabagsak sa diktadurang Marcos. Walang takot na lumaban ang mga kasapi at lider ng KM sa kabila ng maramihang pagdakip, pagtortyur, at pamamaslang ng diktadurang Marcos. Nang mapatalsik ang rehimen noong 1986, nagpatuloy ang KM sa lihim na pagkilos bilang kasapi ng National Democratic Front of the Philippines.

Tuloy pa rin ang labanBitbit ang rebolusyonaryong pamana ni Bonifacio at ng KM, itinatag noong Nobyembre 30, 1998 ang Anakbayan bilang hayag na komprehensibong organisasyong masa na pumupukaw, nag-oorganisa, at nagpapakilos sa kabataan mula sa iba’t ibang sektor. Hangga’t nananatili ang sistemang nang-aapi at nagsasamantala sa nakararami; hangga’t nasa kamay ng iilan at dayuhan ang yamang nagmumula sa pawis at dugo ng taumbayan; at hangga’t dinadahas ng pasistang estado ang mamamayan, mananatiling inspirasyon ang mapanlabang diwa ni Bonifacio at KM. Ngayon, higit kailanman, tinatawagan ang kabataan na harapin ang hamon ng pagpapaigting ng sama-samang pagkilos upang tuluyang pabagsakin ang umiiral na sistemang nagpapahirap sa sambayanan at lumikha ng bagong kasaysayan para sa sambayanang Pilipino.

Page 6: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

6 NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Patunay ito ng lumalalang krisis ng imperyalismo at kapitalismo. Umuusbong ang pasismo upang paigtingin ang mga pag-atake sa uring manggagawa at higit na masiguro ang interes ng naghaharing uri.

Kasama ang mamamayang Pilipino mula sa Pilipinas at sa ibayong dagat sa pagtindig laban sa paglaganap ng mga kontra-mamamayan at kontra-migranteng atake sa iba’t ibang panig ng mundo. Si Clinton man o si Trump ang maupong presidente ng Estados Unidos, tiyak na magpapatuloy ang neoliberal na mga atake ng US at digmaang agresyon nito laban sa mamamayan ng daigdig.

Sa pag-upo ni Trump, tiyak na magpapatuloy ang hindi-pantay na relasyon ng Pilipinas at US, ang pagpataw ng huli ng mga mga neoliberal na patakaran sa bansa, at ang pagpapaigting nito interbensyong militar buong daigdig. Nangangamba rin ang mga migrante sa US na malagay sa mas higit panganib dahil sa rasismo at kontra-migranteng mga pahayag at patakaran ni Trump.

Nananawagan ang Anakbayan kay Pangulong Duterte na ibayong pangalagaan ang mga karapatan at seguridad ng mga migranteng Pilipino sa ibang bansa. Tinatawagan din nito ang pansin ng pangulo sa mga binitiwan nitong pahayag ng umano’y pagsuporta kay Trump kamakailan. Nababahala ang Anakbayan sa pabago-bagong salita at tindig ng pangulo hinggil sa panghihimasok ng Estados Unidos. Muling ipinapaalala ng Anakbayan kay Duterte ang naunang mga pahayag nito sa pagpapatupad ng isang independyenteng ugnayang panlabas.

Pagtindig laban sa Imperyalismong US sa Ilalim ni Trump

Umani ng samu’t saring kilos-protesta ang naging pagkapanalo ni Trump mula sa mga estudyante, minorya, migrante, at iba pang grupo sa buong Estados Unidos. Marami ang nagpahayag ng pagtutol sa paghahari ni Trump dahil sa kanyang pag-uudyok ng rasismo, seksismo, diskriminasyon, at hate crimes laban sa mga minorya at migrante.

Sa pagkapanalo ni Trump bilang presidente, higit na lumaganap ang mga insidente laban sa mga minorya at migrante buhat sa kanyang pagbabantang na magtayo ng pader sa hangganan ng US at Mexico at sa

kanyang planong itulak ang deportasyon ng milyon-milyong migrante palabas ng US.

Ang pag-upo sa kapangyarihan ng mga kagaya ni Trump ay isang mapanganib na senyales ng paglaganap ng tendensiyang pasista at maka-kanan hindi lamang sa US kundi maging sa buong mundo. Bukod kay Trump, nariyan din ang pagbangon ng mga Tories sa Britanya, ang Golden Dawn sa Gresya, si Pauline Hanson ng One Nation party sa Australia, si Le Pen sa Pransya, at ang gloripikasyon naman sa mga Marcos sa Pilipinas.

Noong ika-8 ng Nobyembre, ginanap ang eleksyon ng Estados Unidos. Naglaban sina Hillary Clinton ng Democratic Party at Donald Trump ng Republican Party na parehong nanguna sa eleksyon habang nangulelat naman ang mga kandidato na third-party at independyente. Sa huli, umako ng pagkatalo si Clinton at hinirang na president-elect si Trump.

Matapos ito, pinaslang din ang iba pang lider at tagasuporta ng mga magsasaka--sina Central de Azucarera de Tarlac (CAT) Labor Union president at Ricardo Ramos, IFI Bishop Alberto Ramento, Fr. William Tadena at Tarlac City Councilor Abelardo Ladera. Pagkatapos ng labindalawang taon, wala pa ring hustisya sa mga pinaslang. Wala pa ring hustisya sa pagmamay-ari ng lupa. Patuloy pa rin ang pandarahas ng pamilya Cojuangco-Aquino sa mga magsasaka. Pero patuloy din ang laban.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Noynoy Aquino, bagamat nagdesisyon ang Korte Suprema na dapat ipamahagi ang lupa ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka, hindi ito isinakatuparan. Sa halip, ipinatupad ang sistemang tambiolo kung saan palabunutan

ang pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka.

Sa sistemang tambiolo, hindi binibigyan ng titulo sa lupa ang mga magsasaka kundi xerox copy lamang ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA). Madalas din na ang naigagawad na lupa sa mga benepisyaryo ay yung mga nasa malalayong barangay. Kailangan ding bayaran pa ng mga magsasaka ang iginawad na lupa. Sa huli, walang magagawa ang mga magsasaka kundi isangla o ibenta ang kanilang CLOA sa mga tauhan din ng Cojuangco-Aquino.

Bukod dito, tahasan din ang ginagawang paninira ng pananim ng mga magsasaka. “Kung kailan malapit nang anihin ang palay, sisirain yan, aararuhin yan o kaya i-i-spray nila yung pampatay ng damo. Yun yung ginagawa ng mga Cojuangco sa amin nang

sa gayon, masira ang loob namin,” kwento ni Violeta Basilio ng Alyansa ng Magbubukid sa Asyenda Luisita (Ambala).

Sa araw mismo ng inagurasyon ni Pangulong Duterte, sinira ng mga tauhan ng mga Cojuangco-Aquino ang pananim ng mga magsasaka.

Gayunpaman, hindi matitibag ng kahit anong pandarahas ang paglaban ng mga magsasaka.

Mula sa usapin ng pagpapataas sa sahod ng mga manggagawang bukid noon, iniangat nila ang kanilang laban para sa tunay na reporma sa lupa. Kolektibo nilang inokupa at patuloy na tinatamnan ang mga lupaing dapat ay sa kanila. Sa gitna ng pananakot at pandarahas ng tauhan ng mga Cojuangco-Aquino, hindi sila nawawalan ng loob at pag-asa. Matibay ang kanilang paninidigan sa kanilang sama-samang paglaban hanggang sa makamit ang tunay na reporma sa lupa.

Nobyembre 16, 2004—pinaulanan ng bala ng magkasanib na pwersa ng pulis at militar ang mga nagwewelgang magsasaka sa Hacienda Luisita. Pito ang agad na namatay sa masaker—sina Jesus Laza, Jhavie Basilio, Juancho Sanchez, Jessie Valdez, Jun David, Jaime Pastidio at Adriano Caballero. Bala ang sinagot sa kanilang panawagang dagdagan ang kakarampot na P9.50 sahod kada linggo.

Tuloy ang laban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita

Page 7: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 BALITA

Sa kabila ng 9-5 na boto ng mga mahistrado, ang hatol ay puno ng mga kabalintunaan at mga pahayag na bagamat pinipilit ng mga Marcos na sang-ayon sa batas, ay taliwas pa nga rito, sa mga nakaraang desisyon ng mataas na hukuman, at hustisya.

Nagbunsod ito ng maraming protesta na karamihan ay pinangunahan ng kabataan. Lalo pang tumindi ang galit ng mamamayan nang biglaang ilibing si Marcos sa LNMB noong ika-18 ng Nobyembre, kahit na hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema at may nakabinbin pang motion for reconsideration dito.

“Walang nilabag”Ayon sa Korte, hindi umano nilalabag ng paglilibing kay Marcos sa LNMB ang ating mga lokal at internasyunal na batas, tulad na lang ng R.A. 10368 na magbibigay ng danyos sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong Batas Militar, at International Convention on Civil and Political Rights. Ipinilit din ng Korte na hindi magbabago ang pananaw ng bayan sa kasaysayan dahil lang sa libing na ito dahil nakaukit na raw ang aral ng Batas Militar sa kasalukuyang henerasyon at nasa kamay na nila ang pagtuturo nito sa mga hindi pa ipinapanganak.

Ngunit kitang-kita naman ngayon na itinuturing ng mga loyalista ni Marcos ang desisyong ito bilang tagumpay nila

at ng pamilya, at ito ay patunay sa mga “magagandang nagawa” umano ni Marcos noong panahon ng diktadurya.

“Kwalipikadong ilibing”Ayon sa Korte Suprema, pasok si Marcos sa pamantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Regulation G 161-375 dahil siya ay dating Pangulo, sundalo, atbp. Hindi umano nagiging “bayani” ang sinumang maililibing dito. Maluwag na nga raw ang patakaran para sa mga pwedeng ilibing dahil maaari na rito pati mga sibilyang may mahalagang naiambag sa lipunan. Tila nakalimutan ng Korte ang mga paglabag sa karapatang pantao, pandarambong sa kaban ng bayan, at iba pang krimen ni Marcos. Isa pa’y matagal nang napatunayang peke ang mga medalya ni Marcos bilang sundalo. Ang masaklap pa rito’y intensyon lamang daw ni Duterte na maghilom umano ang sugat ng bayan. Nagbulag-bulagan ang Korte sa hinaing ng mga nagpetisyon, na ito ay dulot ng utang na loob ni Duterte sa mga Marcos. Dagdag pa ng Korte, hindi rin daw basta na lamang madidiskwalipika si Marcos bilang Presidente dahil sa paglabag sa karapatang pantao at korupsyon, dahil siya raw ay “tao lamang na nagkakamali rin tulad natin.”

“Walang diskwalipikasyon”Samantala, ayon din sa AFP Regulation G 161-375, hindi maaaring ilibing sa LNMB ang mga sumusunod: una, ang mga nahatulan ng

krimeng may kinalaman sa moral turpitude; ikalawa, ang mga tinanggal habang nasa aktibong serbisyo sa militar. Ang “moral turpitude” sa ating batas ay nangangahulugang mga kasamaan, kaimbihan, at kawalan ng moral na taliwas sa konsepto ng tama at tungkulin sa kapwa tao, hustisya, integridad, at magandang asal. Korte Suprema mismo ang umaming ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar ay krimeng may kinalaman sa moral turpitude, ngunit ayon dito, ang mga kasong isinampa at naipanalo laban kay Marcos sa lokal at internasyunal na korte ay pawang mga kasong sibil at hindi kriminal. Hindi nito pinansin ang argumento ng mga nagpetisyon na kaya lang naman hindi nasampahan ng kasong kriminal si Marcos ay dahil tumakas ito papunta sa ibang bansa at doon na namatay. Hindi raw maaaring bigyan ng “legal na kahulugan” ang pag-aalsa sa EDSA na nagpatalsik kay Marcos sapagkat ito ay nasa labas na ng Konstitusyon. Nakalimutan ata ng Korte ang kasaysayan – sapagkat dahil sa pag-aalsang iyon ay nakapagtaguyod ng bagong gobyerno at mismong konstitusyon. Korte na mismo ang nagsabi sa kasong Lawyers League v. Aquino na bayan ang naghatol at tumanggap sa bagong pamahalaan, at wala na ito sa kamay ng hukuman. Sa madaling salita, pinabulaanan ng mga kabalintunaang ito ang pag-angkin ng Korte Suprema ng pagiging makatarungan at makatotohanan nito. Nilalantad lamang ng hukuman ang sarili bilang mga bulok na tuta ng mga Marcos at ng rehimeng Duterte.

Pumayag ang Korte Suprema na ilibing ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani (LNMB), alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa hatol nitong inilabas noong ika-8 ng Nobyembre.

Mga kabalintunaan sa desisyon ng Korte Suprema na ilibing si Marcos sa LNMB

Naglunsad ng protesta ang mga grupo ng kabataan, peryodista sa kampus, at alagad ng midya sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Mendiola noong Nobyembre 23 upang kundenahin ang mabagal na pagkamit ng hustisya sa kaso ng Ampatuan masaker. Binatikos ng Anakbayan ang pagkunsinte ni Duterte sa desisyon ng Korte Suprema sa

pagpapalaya sa dating Pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo na kasabwat ng mga Ampatuan sa kasuklam-suklam na pagpatay. Ayon sa grupo, patunay ang patuloy na pagpapatupad ng kontra-insurhensiyang kampanyang Oplan Bayanihan at pamamaslang ng mga suspek na adik sa pagpapatuloy ng paghahari ng pasismo at kultura ng impunidad.

Idiniin ng grupo na ang pagtalikod sa hangaring mabigyang hustisya ang mga biktima ay nagpapahintulot sa malaganap na pamamaslang sa ngalan ng kampanyang anti-droga. Aabot na sa 4,605 katao ayon sa Philippine National Police. Nababahala rin ang Anakbayan sa mga pagbabanta ni Duterte laban sa midya at mga personaheng kritikal sa kanyang rehimen. Ayon sa grupo, nag-uudyok lamang ito sa mga taga-suporta ng pangulo na harasin ang mga peryodista, lalo na sa social media.

Kaisa ang Anakbayan sa pagpanawagan ng hustisya para sa 58 biktima, kabilang ang 32 alagad ng midya, ng karumal-dumal na Ampatuan masaker na nangyari noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Wala pa ring hustisya pitong taon matapos ang Ampatuan masaker

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Page 8: Sulong sa higit na paglakas, paglawak at paglaban!

8 NOBYEMBRE-DISYEMBRE 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAINLa

raw

an m

ula

sa P

inoy

Wee

kly.

Larawan m

ula sa Philippine C

ollegian.

Umalingawngaw ang mga sigaw na “Marcos, Hitler, Diktador, Tuta!”, islogan ng mga aktibista sa panahon ng Batas Militar, sa mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa araw ng mismong sikretong pagpapalibing kay Marcos noong Nobyembre 18. Umabot sa 4,000 estudyante mula sa University of the Philippines (UP) Diliman, Ateneo de Manila University at Miriam College ang nagprotesta sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City at sa ibang pamantasan sa Kamaynilaan sa araw na iyon.

Mahigit 15,000 naman ang nagtipon sa Quirino Grandstand sa Luneta Park noong Nobyembre 25 sa tinaguriang “Pambansang Araw ng Indignasyon at Pagkakaisa” upang singilin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagpaparangal sa kinamumuhiang diktador.

Pagbubura sa kasaysayanAyon sa Anakbayan, ang pagturing kay Marcos na isang bayani ay patunay ng patuloy na pag-iral ng bulok na sistema na kinakatangian ng paghahari ng dayuhan at iilan na pinapanatili ng pasismo laban sa mamamayan.

Dura ito sa mukha ng libo-libong pamilyang Pilipinong naging biktima ng diktadura. Sa tala ng Amnesty International, umabot sa 70,000 ang di-makatarungang ikinulong, 34,000 ang isinailalim sa tortyur, at 3,240 ang pinaslang. Ito ay sistematikong pagbubura sa kasaysayan ng sakripisyo ng mamamayan at di pagrespeto sa kanilang kapasyahang patalsikin ang isang diktador, mandarambong, at tuta ng imperyalistang Estados Unidos. Bukod sa direktang papel ni Duterte, may pananagutan din ang mga nagdaang rehimeng nagsawalang-bahala sa pagbabalik ng mga Marcos sa poder. Hindi nila ginawa ang malalim na imbestigasyon at pagparusa sa mga Marcos para sa kanilang mga krimen.

Patuloy na pasismoNananatili ang mga pasistang pamana ng diktadurang Marcos hanggang sa ngayon. Hindi pa rin napapalaya ang mahigit 500 bilanggong pulitikal sa kabila ng pangako ni Duterte na sila ay palalayain sa pamamagitan ng isang pangkalahatang amnestiya. Nariyan pa rin ang pang-aaresto at harassment sa mga aktibista at nakikibakang mamamayan, lalo na sa kanayunan. Walang tigil ang mga operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng kontra-insurhensyang kampanya na Oplan Bayanihan. Ang patuloy na presensya ng tropang militar sa mga sibilyan na komunidad ay tanda ng patuloy na pasismo ng estado sa nagdaang tatlong dekada. Sa pagpapatuloy ng Oplan Bayanihan,

tila Batas Militar pa rin ang kalagayan sa malawak na bahagi ng kanayunan.

Ayon sa Anakbayan, hindi makakamit ang tunay na pagbabago kung patuloy niyang ginagawang huwaran ang isang pasistang diktador: nangangahulugan lamang ito na wala siyang nakikitang mali sa malawakang paglabag sa karapatang pantao.

Hamon kay DuterteHinamon ng grupo si Duterte na putulin ang kanyang pakikipag-alyansa sa mga Marcos, bawiin ang pagpaparangal sa yumaong diktador, at suportahan ang laban ng mga biktima ng Batas Militar at mamamayan para sa tunay na hustisya. Ang hindi pagtugon ni Duterte sa lumalawak na galit ng mamamayan sa ginawang pagpaparangal kay Marcos ay diumano pagpapatunay lamang sa kahungkagan sa kanyang mga pangakong pagbabago at pag-aastang makabayan.

Marcos Hitler Diktador Tuta! Malalaking protesta laban sa papapalibing kay Marcos bilang bayani

Libu-libong kabataan at mamamayan ang bumuhos sa mga lansangan nitong mga nakaraang linggo upang kundenahin ang surpresang pagpapalibing sa dat-ing diktador Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).